Ang Pagkalito Ni Juan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang Pagkalito ni Juan

Sa tuwing akoy mananalamin,


May kakaiba talagang kapansin-pansin,
Walang mata, ilong, bibig at tainga,
Kahit sarili koy di ko na makilala.
Sabi ng nanay, ako raw ay Pilipino,
Ngunit hindi kapanipaniwala, tila di totoo,
Ni hindi nga ako makapagsalita sa wikang ninuno ,
Hay nako! Makapagtanong nga sa iba,
Baka sa kanila ko mabatid kung sino talaga ako.
Sabi sa paaralan, ako raw ay Amerikano,
Ingles ang aming gamit sa pagsusulat, pati aming mga libro,
Ilang taon naming iyong paulit-ulit na pinag-aralan,
Pero sige nga, kung totoo yang sinasabi mo,
Bakit bubulol-bulol pa rin ako sa wikang dayuhan?
Hay nako! Sino ba itong tao sa salamin?
Hindi ko na yata kilala, ang taong nakatingin,
Pagkat gulong-gulo na ako at tunay na litong-lito,
Kung ano nga ba talaga ang pagkakakilanlan ko.

You might also like