SINING 4 3rd Rating

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Oktubre 29,

2014
Miyerkules
MUSIKA IV
8:05-8:25
I. Mga Layunin:
Napapahalagahan ang pamana ng sining ng bansa
II. Paksang Aralin
Katutubong Sining
Kagamitan:
Mga tunay na gamit o larawan ng mga sumusunod:
lakub
kuwintas ng Tboli
banig ha habi sa Leyte
patadyong ng Iloilo
malong
kumot na habi ng Ilocos
mga basket, abani ko, bulaklak na yari sa lalawigan
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
(Bago magsimula ang klase ay ihanay ang lahat ng mga likhang katutubong sining
o mga larawan ng mga ito sa iba't bang panig ng silid aralan kasama ang ilang
pangungusap o pagpapaliwanag. Lagyan ng bilang ang mga katutubong sining.
Sumangguni sa "Umawit at Gumuhit -TB). pahina 138-140
1. Pag-uusap tungkol sa iba't ibang uri ng sining.
Itanong:
Anu-anong mga sining ang alam ninyo?
Bukod sa mga nabanggit ninyo ay mayroon pang maraming mga sining na ang
karamihan ay noon pang unang panahon nagsimula.
B. Panlinang na Gawain
1. Sabihin:
Ngayon ay maglalakbay tayo sa iba't ibang dako ng Pilipinas.
Titingnan natin ang mga sining na gawa ng ating mga kababayanat ninuno.
Sa paligid ninyo aynakahanay ang ibdt ibang likhang sining.
Bawat pangkat ay bubunot ng bilang.
Pag-aaralan ninyo ang likhang sining na mapapatapat sa bilang ninyo at iulat ninyo
sa klase ang natutuhan ninyo.
2. Bigyan,ang mga bata ng sampung minuto upang pagaralan ang mga likhang sining.
3. Tawagin ang bawat pangkat upang mag-ulat.
4. Hayaang ipakita nila ang likhang sining sa buong klase habang nag-uulat.
5. Sabihin:
Ang mga nakita ninyo ay ang mga katutubong sining sa iba't ibang dako ng
Pilipinas.
C. Paglalahat
1. Ganyakin ang mga bata na makagawa ng paglalagom sa aralin.
2. Itanong:
Ano ang katutubong sining?
Saan makikita ang mga ito?
Paano mo mapapahalagahan ang mga katutubong sining?
D. Pangwakas na Gawain
1. Itanong:
Dapat bang ipagmalaki ang katutubong sining ng bansa? Bakit?
IV. Pagtataya:
Subaybayan ang mga bata sa paggawa upang makatiyak na wasto ang kanilang ginagawa.
V. Kasunduan:

Magbigay ng halimbawa ng katutubong sining ng bansa.

Oktubre309,
2014
Huwebes
MUSIKA IV
8:05-8:25
I. Mga Layunin:
Nakalilikha ng payak na halimbawa ng isang katutubong sining
II. Paksang Aralin
Bulaklak na Balat ng Mais
Kagamitan:
balat ng mais
gunting
alambre
pangkulay

papel na berde
crepe paper
pandikit

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Pag-usapan ang mga katutubong sining ng bansa
2. Itanong:
Magbigay ng halimbawa ng mga katutubong sining ng bansa.
Ilarawan sa pamamagitan ng salita ang isang katutubong sining.
Anu-anong kulay at hugis ang ginamit sa bawat isa?
May ritmo ba ang mga disenyo?
Ngayon ay titingnan ko kung makagagawa kayo ng isang payak na halimbawa
ng katutubong sining.
B. Gawaing Pansining
1. Ipabasa at ipagawa sa mga bata ang sumusunod:
BULAKLAK MULA SA BALAT NG MAIS
Mga Kagamitan:
balat ng mais
papel na berde
gunting
crepe paper
alambre
pandikit
pangkulay
Pamamaraan:
1. Gupitin ang balat ng mais ayon sa nais mong hugis ng talulot ng bulaklak.
2. Iayos ang mga ginupit nabalat ng mais na tulad ng sa isang bulaklak at talian
ng alambre ang isang dulo.
3. Kulayan ang mga talulot ng bulaklak. Kulayan din ang mga gagawing dahon.
4. Balutan ng papel na berde o crepe paper ang alambre. Lagyan ng pandikit ang
mga dulo.
5. Iayos sa plorera o flower vase.
C. Paglalahat
1. Naibigan mo ba ang iyong ginawa?
2. Naipakita mo ba ang iyong pagkamalikhain sa paggawa ng bulaklak?
3. Nag-ingat ka 3as a paggamit ng gunting?
4. Sinikap mo bang mapanatiling malinis ang iyong paligid habang gumagawa?
5. Nilinis mo ba ang iyong pinaggawaan?
6. Ano ang katutubong sining?
7. Bakit dapat ipagmalaki ang katutubong sining ng bansa?
8. Magbigay ng halimbawa ng katutubong sining ng bansa.
9. Ilarawan sa salita ang isang katutubong sining.
IV. Pagtataya:
Subaybayan ang mga bata sa paggawa upang makatiyak na wasto ang kanilang ginagawa.
III. Kasunduan:
Magbigay ng katangian ng mga katutubong sining.

SINING IV
Date: ______________

I. Mga Layunin:
Natutukoy ang mga katutubong sining ng ilang karatig pook o bayan
II. Paksang Aralin
1. Pag-uusap tungkol sa iba't ibang uri ng sining.
Itanong:
Anu-anong mga sining ang alam ninyo?
Bukod sa mga nabanggit ninyo ay mayroon pang maraming mga sining na ang
karamihan ay noon pang unang panahon nagsimula.
B. Panlinang na Gawain
1. Sabihin:
Ngayon ay maglalakbay tayo sa iba't ibang dako ng Pilipinas.
Titingnan natin ang mga sining na gawa ng ating mga kababayanat ninuno.
Sa paligid ninyo aynakahanay ang ibdt ibang likhang sining.
Bawat pangkat ay bubunot ng bilang.
Pag-aaralan ninyo ang likhang sining na mapapatapat sa bilang ninyo at iulat ninyo
sa klase ang natutuhan ninyo.
2. Bigyan,ang mga bata ng sampung minuto upang pagaralan ang mga likhang sining.
3. Tawagin ang bawat pangkat upang mag-ulat.
4. Hayaang ipakita nila ang likhang sining sa buong klase habang nag-uulat.
5. Sabihin:
Ang mga nakita ninyo ay ang mga katutubong sining sa iba't ibang dako ng
Pilipinas.
C. Paglalahat
1. Ganyakin ang mga bata na makagawa ng paglalagom sa aralin.
2. Itanong:
Ano ang katutubong sining?
Saan makikita ang mga ito?
Paano mo mapapahalagahan ang mga katutubong sining?
D. Pangwakas na Gawain
1. Itanong:
Dapat bang ipagmalaki ang katutubong sining ng bansa? Bakit?
IV. Pagtataya:
Subaybayan ang mga bata sa paggawa upang makatiyak na wasto ang kanilang ginagawa.
V. Kasunduan:
Ano ang mga sinauna o antigong bagay? Bakit dapat pahalagahan ang mga bagay na ito?

SINING IV
Date: ______________

I. Mga Layunin:
Naipagmamalaki ang mga sinauna o antigong bagay na kabilang sa pamana ng lahi ng
bayan
II. Paksang Aralin
Mga Antigong Bagay
Kagamitan:
Mga gamit na antigo o mga.larawan ng mga ito
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Pag-uusap tungkol sa mga katutubong sining at ang katangian ng mga ito
B. Panlinang na Gawain
1. Banggitin at ipakita ang larawan ng iba't ibang mga sinauna o aritigong bagay at
pag-usapan ang mga ito.
2. Itanong:
Ano ang kaibahan ng sumusunod na mga antigong bagay sa mga nakikita natin sa
kasalukuyan?
lumang kampana
lumang simbahan
bahay na bato
C. Paglalahat
1. Itanong:
Ano ang mga sinauna o antigong bagay?
IV. Pagtataya:
Subaybayan ang mga bata sa paggawa upang makatiyak na wasto ang kanilang ginagawa.
V. Kasunduan:
Magbigay ng mga halimbawa ng iba pang antigong bagay at sabihin kung saan ito
matatagpuan.

SINING IV
Date: ______________

I. Mga Layunin:

Naipaliliwanag kung bakit dapat pangalagaan ang mga sinaunang bagay at

Nasasabi ang ilang paraan ng pangangalaga sa sinaunang bagay
II. Paksang Aralin
Mga Antigong Bagay
Kagamitan:
Mga gamit na antigo o mga.larawan ng mga ito
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Pag-uusap tungkol sa mga katutubong sining at ang katangian ng mga ito
B. Panlinang na Gawain
1. Banggitin at ipakita ang larawan ng iba't ibang mga sinauna o aritigong bagay at
pag-usapan ang mga ito.
2. Itanong:
Anu-ano ang mga antigong bagay na matatagpuan sa loob ng inyong tahanan?
Mayroon ba kayong alam na sinaunang gusali?
Bakit mataas ang halaga ng mga antigong bagay kung bibilhin?
Ano ang mga bagay na sinauna o antigo?
3. Magplano ng pagpunta sa isang museo upang lalong lumawak ang kaalaman ng
mga bata tungkol sa pamana ng sining.
Kung hindi man makapunta ang buong klase ay ganyakin ang mga bata na
kayagin ang kanilang mga magulang o nakatatandang kapatid sa museo.
Maaari ring papuntahin ang mga bata sa museo ng paaralan kung mayroon.
C. Paglalahat
1. Itanong:
Paano mapangangalagaan ang sinaunang mga bagay?
Bakit dapat pangalagaan ang mga bagay na ito?
IV. Pagtataya:
Subaybayan ang mga bata sa paggawa upang makatiyak na wasto ang kanilang ginagawa.
V. Kasunduan:
Ano ang disenyng etniko? Saan nagmula ang mga disenyong etniko?

SINING IV
Date: ______________
I. Mga Layunin:
A. Naipagmamalaki ang mga disenyong etniko ng bansa
1. Nakikilala ang ilan sa mga disenyong etniko tulad ng Disenyong Igorot at
Disenyong Muslim
II. Paksang Aralin
Mga Disenyong Etniko
Kagamitan:
Mga larawan ng disenyong etniko
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Pag-usapan ang mga sinauna o antigong mga bagay.
2. Sabihin:
Magbigay ng halimbawa ng antigong bagay, saan ito matatagpuan?
Bakit dapat pangalagaan at ipagmalaki ang mga bagay na antigo?
B. Panlinang na Gawain
1. Ipakita ang mga larawan ng mga disenyong etniko at pag-usapan ang mga ito.
2. Itanong:
Paano mo makikilala ang mga disenyong etniko?
Sino ang mga gumawa ng mga ito?
C. Gawaing Pansining
1. Paguhitin ang mga bata ng isang disenyong etniko. Ipagawa sa kanila ang ss:
DISENYONG ETNIKO
Mga Kagamitan:
Papel
lapis
krayon
Pamamaraan:
1. Tumingin sa paligid at pumili ng isang likas na bagay.
2. lsipin kung paano mo ilalarawan ang iyong napili sa pinakapayak na paraan.
3. Gumawa ng isang parisukat sa iyong papel.
4. Iguhit ang nalikhang disenyo sa loob ng parisukat at kulayan.
5. Bigyan ng pamagat ang iyong ginawa.
D. Paglalahat
1. Itanong:
Ano ang disenyong etniko?
Saan nagmula ang mga disenyong etniko?
IV. Pagtataya:
Subaybayan ang mga bata sa paggawa upang makatiyak na wasto ang kanilang ginagawa.
V. Kasunduan:
Bakit dapat ipagmalaki ang mga disenyong etniko ng bansa?

SINING IV
Date: ______________

I. Mga Layunin:
Natutukoy ang pinagmulan ng isang disenyong etniko
II. Paksang Aralin
Mga Disenyong Etniko
Kagamitan:
Mga larawan ng disenyong etniko
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Pag-usapan ang mga sinauna o antigong mga bagay.
2. Sabihin:
Magbigay ng halimbawa ng antigong bagay, saan ito matatagpuan?
Bakit dapat pangalagaan at ipagmalaki ang mga bagay na antigo?
B. Panlinang na Gawain
1. Ipakita ang mga larawan ng mga disenyong etniko at pag-usapan ang mga ito.
2. Itanong:
Paano mo makikilala ang mga disenyong etniko?
Sino ang mga gumawa ng mga ito?
Ano ang kaibhan nito sa mga disenyo natin ngayon?
Bakit dapat ipagmalaki ang disenyong etniko?
C. Paglalahat
1. Itanong:
Bakit dapat ipagmalaki ang mga disenyong etniko ng bansa?
Anu-ano ang mga pamana ng sining?
D. Pagpapahalaga
1. Ipasagot ang mga sumusunod:
a. Naibigan mo ba ang disenyong etniko na iyong nilikha?
b. Sinikap mo ba na gumawa sa pamamagitan ng sarili mong imahinasyon?
c. Magbigay ka nga ng isa o dalawang pangUngusap tungkol sa iyong ginawa.
IV. Pagtataya:
Subaybayan ang mga bata sa paggawa upang makatiyak na wasto ang kanilang ginagawa.
V. Kasunduan:
Anu-ano ang mga dapat hanapin sa isang likhang sining?

SINING IV
Date: ______________

I. Mga Layunin:
Namamasdan nang may kaluguran ang ilang larawan ng "Ina at Anak" na likha ng
mga bantog na pintor ng bayan.
II. Paksang Aralin
lNA AT ANAK: Mga Dalubhasang Pintor
Kagamitan:
Mga larawan ng "lna at Anak" na ipininta ng mga bantog na pintor
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Pag-usapan ang mga larawang ipininta na nakikita sa mga museo, silid aklatan
at galleria.
B. Panlinang na Gawain
1. Tawagin ang pansin ng mga bata sa mga larawan ng "lna at Anak" at pag-usapan
ang mga ito.
2. Itanong:
Ano ang napapansin mo sa mga larawan?
Paano sila nagkakaiba-iba?
Masdan ang nilikha ni Nestor Leynes at Vicente Manansala.
Alin sa dalawa ang naibigan mo?
Ano ang nadarama mo habang minamasdan ang gawa ni Manansala?
Ano ang nadarama mo habang minamasdan ang gawa ni Leynes?
C. Pagpapahalaga
1. Itanong:
Napahahalagahan mo ba ang mga likhang sining ng mga kilalang pintor?
IV. Pagtataya:
Subaybayan ang mga bata sa paggawa upang makatiyak na wasto ang kanilang ginagawa.
V. Kasunduan:
Ganyakin ang mga bata na gawin ang nasa aklat ng Umawit at Gumuhit (TB) pahina 149

SINING IV
Date: ______________

I. Mga Layunin:
Nagkakaroon ng kamalayan sa damdaming nais ipahayag ng likhang sining at
nasasabi kung bakit nagustuhan o hindi nagustuhan ang likhang sining.
II. Paksang Aralin
lNA AT ANAK: Mga Dalubhasang Pintor
Kagamitan:
Mga larawan ng "lna at Anak" na ipininta ng mga bantog na pintor
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Pag-usapan ang mga larawang ipininta na nakikita sa mga museo, silid aklatan
at galleria.
B. Panlinang na Gawain
1. Tawagin ang pansin ng mga bata sa mga larawan ng "lna at Anak" at pag-usapan
ang mga ito.
2. Itanong:
Ano ang napapansin mo sa mga larawan?
Paano sila nagkakaiba-iba?
Masdan ang nilikha ni Nestor Leynes at Vicente M nan ala.
Alin sa dalawa ang naibigan mo?
Ano ang nadarama mo habang minamasdan ang gawa ni Manansala?
Ano ang nadarama mo habang minamasdan ang gawa ni Leynes?
Ano sa akala mo ang nais ipahayag ng bawat isa sa kanila?
Nasiyahan ka ba sa mga larawang ipininta na nakita mo?
Anong mga sangkap ng sining ang ginamit ng mga pintor?
Ano ang masasabi mo tungkol sa mga pintor ng larawan?