Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang mga grupong ito ay kinabibilangan ng mga

barangay chairman, womens association,


barangay health workers, senior citizens, daycare
worker, mga recipient ng Pantawid Pamilyang
Pilipino Program (4Ps), parent teacher association
at iba pa. Sa unang hakbang ng pagsasanay,
umaabot sa 800 barangay steward ang sinanay ng
mga resource person na mula sa Rizal Association
of City/Municipal Environment and Natural
Resources Office.

YES TO GREEN PROGRAM SA


MGA BARANGAY
ni: Charmaine Caido
Sa pagnanais na maturuan at magkaroon ng
kamalayan at malasakit sa pangangalaga sa
kapaligiran ang mga mamamayan sa barangay,
inilunsad na sa mga barangay ni Rizal Gob Nini
Ynares ang Ynares Eco System (YES) to Green
Program na flagship project ng pamahalaang
panlalawigan. Sa mga barangay palalakasin ang
nasabing programa at tinawag na Barangayan.
Inilunsad sa barangay ang YES to Green Programa
matapos ang matagumpay na pagsasanay ng mga
YES Environmental Army. Sinimulan ang
pagsasanay sa mga barangay sa bayan ng Teresa
at Tanay. Ang proyekto ay tinawag na YES
Barangay Stewards Training and Information,
Education Campaign. Hiniling ni Gob Nini Ynares
ang patuloy na suporta ng kanyang mga
kababayan sa tagumpay ng nasabing proyekto.
Sa bahagi ng pahayag ni Gob Ynares, sinabi niya
na ang pamahalaang panlalawigan ng Rizal ay
tinatarget ang mga pinuno ng council at civic
group upang sanayin sa pangangalaga ng
kapaligiran.

Ang mga pagsasanay sa pangangalaga sa


kapaligiran ay binubuo ng tamang pagtatapon at
paghihiwalay ng mga basura, paglilinis ng mga
kanal, pagtatanim ng mga puno at halaman. Ang
mga nabanggit ang tinalakay sa nasabing
pagsasanay sa barangay.
Ayon kay Gob Nini Ynares, nasisiyahan siya sa
matibay na suporta ng lahat ng LGU at ang
kasabikang ipinakikita ng mga barangay steward
sa ginawang pagsasanay ay isang patunay ng
kanilang commitment sa pagtupad ng vision at
mission ng YES to Green Programa ng
pamahalaang panlalawigan.

You might also like