Ang Mga Dinastiya Sa China

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Ang mga Dinastiya sa

China

Dinastiyang Hsia
Alinsunod sa tradisyon ng mga Tsino, Pininiwalaan na
itinatag ni Emperador Hayuran Yu ang unang dinastiya ng
Tsina. Sa ilalim ng kanyang pamumuno nakontrol ang
pagbaha ng Ilog Huang Ho. Hinati-hati niya ang kanyang
kaharian sa siyam na lalawigan, pinalawak ang teritiryo
hanggang Disyerto ng Gobi at sinugpo ang mga tribo sa
timog.

Dinastiyang Shang
Ang Dinastiyang Shang o Dinastiyang Yin ay ang itinuturing bilang isang
pinakaunang totoong imperyo sa Tsina. Sa una, pinaniniwalaang isang alamat
lang ang Shang, pero nang madiskubre ng mga Intsik na gumamit sila ng mga
butong orakulo, dito napatunayang totoo ang Shang.

Dinastiyang Zhou
Ang Dinastiyang Zhou (1122256 BCE) ay isa sa mga dinastiya sa
kasaysayan ng Tsina. Nagsimula ito nang natalo ang mga Shang ng
mga Zhou (Chou). Itinatag ang Dinastiyang Zhou na namahala sa
loob ng 900 taon, pinakamahaba sa lahat ng dinastiya. Sa
panahon ng Zhou, lumitaw ang piyudalismo. Ito ay sistemang
pampolitika na nagbigay ng kapangyarihan sa mga aristokrata o
pyudal na panginoon sa mga lupang pag-aari ng hari.

Dinastiyang Ch'in
Ang Dinastiyang Qin (221 - 206 BK) ay pinangunahan ng
Dinastiyang Zhou at sinundan ng Dinastiyang Han sa Tsina.
Nang mapag-isa ni Qin Shi Huangdi ang Tsina noong 221 BK,
ito ang simula ng panahong Imperyal ng Tsina na nagtapos sa
pagbagsak ng Dinastiyang Qing noong 1912.

Dinastiyang Han
Ang Dinastiyang Han ay isang dinastiya na tinaguriang unang ginintuang
panahon ng Tsina, ang isa pang ginintuang panahon ay ang panahon ng
Dinastiyang Tang.

Dinastiyang Sui
Sui (589 - 618 C.E.). Nang bumagsak ang dinastiyang Han, nagkaroon ng
mabilis na pagpapalit ng dinastiya at maraming digmaan. Nakapasok sa
China ang mga nomadikong mandirigma. Watak-watak ang China nang
may 400 taon. Sa loob ng panahong ito umabot ang Buddhism sa China.
Bumalik ang konsolidasyon sa ilalim ng Sui. Itinatag ito ni Yang Jian.

Dinastiyang Tang
Labis na nagdusa ang mga magsasaka dahil ginamit silang mga
manggagawa sa mga proyekto ng Sui. Kung kaya kalaunan, nagkaroon
ng mga pag-aalsa ang mga magsasaka. Isa sa mga pinuno ng mga pagaalsa ay si Li Yuan. Itinatag niya ang T'ang noong 618 C.E. at tinawag
siyang Emperador Tai Cong.

Dinastiyang Yuan
Ang Dinastiyang Yuan (Yuan Dynasty) ay isa sa mga dinastiya
na naghari sa Tsina. Sila ang sumundo sa bumagsak ng
Dinastiyang Sung. Itinatag ito ng mga mongol sa pangunguna
ni Kublai Khan.

Dinastiyang Ming
Ang Dinastiyang Ming ay isa sa mga dinastiya sa kasaysayan
ng Tsina. Ito ang huling dinastiya na pinamamahalaan ng mga
Tsino.

Dinastiyang Qing
Ang Dinastiyang Qing (Tsino: ; pinyin: Qng cho; Wade-Giles:
Ch'ing ch'ao, kilala din bilang Dinastiyang Manchu ay ang huling
dinastiya na naghari sa Tsina mula 1644 hanggang 1912 (na may
maikling, pagbabalik noong 1917). Tinawag din itong Imperyo ng
Dakilang Qing o Empire of the Great Qing.

You might also like