Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

-Last overnight and last breakfast with himNararamdaman ko na may humahalik sa mukha ko. Istorbo naman oh.

Sino ba tong pesteng to.


Unti-unti kong dinidilat ang mata ko.
O.O.O
"Good morning baby ko" sabi ni Ethan with a big smile. That smile, nahuhulog lalo ako sa smile
niya and Siya pala ung humahalik sa mukha ko. What a great morning ^_____^
"Good morning din" i said with a big smile too.
*tssup*
Bigla niya akong hinalikan sa lips. "I love you" sabi niya. Paano nga ba ako nahulog sa gwapong
lalaking ito? Di ko alam basta pagising ko mahal ko na to.
"I love you din" and flash a big but fake smile. Niyakap ko siya bigla. Halata sa kanya ang
pagkabigla pero nakabawi at niyakap din ako. Lalo kong hinigpitan ang yakap sa kanya.
"Grabe yakap mo parang walang bukas wah. Mayayakap mo pa naman ako mamaya o bukas o
kaya forever." Tawa niyang sabi. Kung pede lng sana forever kang nasa tabi ko kaso walang
forever.
"Ayaw mo ba?" Tanong ko sa kanya. Bibitaw na sana ako sa yakap pero hinigpitan naman niya
yung yakap. "Kahit kailan hindi ako aayaw sa yakap mo maski sa kiss mo. Haha" pabiro niyang
sagot. Kaya bahagya ko siyang hinampas sa balikat. Last day na ito. Kailan kong gumawa ng
paraan para masulit ko ung oras kasama siya.
"Tara date tayo."sabi ko at bigla siyang bumitaw sa yakap namin. "Talaga?!" Takang tanong niya
na may halong excitement. "Oo nga, ipasyal mo ko, dalin mo ko sa Mall o kahit saan." Sabi ko sa
kanya pero hindi parin matanggal yung pagtataka niya.
Hinawakan niya ung noo ko saka niya hinawakan ung noo niya. Kaya napakunot ang noo ko.
"Anong ginagawa mo?"nakakunot na tanong ko. "Chinecheck ko lang kung may lagnat ka. Kasi
parang hindi ikaw yan eh" ah ganun. Hindi ako ito. Pwes hindi ko na yayayain.
Bigla akong tumayo sa kama. Bigla naman niyang hinawakan ung kamay ko. "Saan ka pupunta?"
Sabi ni Ethan. "Eh ayaw mo atang magdate eh. Niyaya ka na nga. Nagtataka ka pa" sabi ko nang
nakapout. :3. Then niyakap niya ulet ako. "Wala akong sinabing ayaw ko. Saka diba sabi ko sayo
hinding-hindi kita aayawan. Nagulat lang ako kasi niyaya mo akong makipagdate." Paliwanag ni
Ethan sakin. Ano ba yan kanina pa itong lalakeng ito. Daming sweet bones sa katawan. "Alright,
let's have a date today. Papasayahin kita sa araw na ito. OK?"sabi niya sa akin. Tumango naman

ako bilang sagot. Then tumayo na kami.


"Maligo ka muna tapos magluluto naman ako. OK?" Sabi ko sa kanya.
"Alright baby" then he kissed me on the lips. Tapos pumasok na siya sa banyo.
Bumaba naman ako para pumunta sa kitchen. Dumiretso agad ako sa ref para tingnan kung anong
pwedeng lutuin.
Pork - check
Kangkong - check
Labanos - check
Sampalok - check
Sibuyas - check
Gabi - check
Pagkatapos kong kunin lahat ng ingredients para sa sinigang ay pumunta na ako sa lababo para
maghiwa. After 5 minutes tapos kp nang hiwain ung mga ingredients. It's time to cook.
After ko magluto hinawakan ko na ang magkabilang hawakan nang biglang may hawak sa
baywang ko na siya namang kinagulat ko. "AY BAKLANG MAY KULUGO!!"gulat na sabi ko.
Buti nalang at hindi ko pa naangat yung kaldero "Ano ba Ethan wag mo akong ginugulat.
Matapunan ka nito eh." May halong pag-aalalang sabi ko. Pero siya ayun nakayakap sa baywang
ko at tumatawa. "Doon ka na nga sa mesa at maghahain na ako".pataray na sabi. "Tutulungan na
kita baby" malambing na sabi niya. "Wag na. Ako na" sabi ko. "Sungit naman ng baby ko." Sabi
niya. "Eh panong hindi ako magsusungit eh pano kung matapunan ka ng niluluto ko. Kumukulo pa
naman to." Naluluhang sabi ko. "Sorry na baby. Hindi na mauulit. Wag ka nang umiyak".
Paumanhin niyang sabi. "Oo na. Umupo ka na dun" sabi ko then pinahiran niya ang mga luha ko
sa pisngi ko. Then he kissed me sa lips. "Sorry po ulet"tas nagpout siya. alam niya ang kahinaan
ko Potek. "Oo na po" then pumunta na siya sa mesa. Naghain na rin ako at kumain na kami.
This is the last time na kakain kami ng sabay.

You might also like