Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Paksa: Sanhi at Bunga

Pamagat: Ang ating Kabayaran

Tingnan ang iyong paligid. Ibang-iba ba ito ngayon kaysa noong bata
ka pa? O,pareho pa rin? Siguradong narinig mo nang magsalita ang
mga matatanda tungkol sa laki ng pagbabago ng kapaligiran. Marahil,
ikinukwento sa iyo ng iyong mga magulang kung paano sila naliligo
at lumalangoy noon sa mga sariwa at malinis na mga ilog. Ngayon,
ang ating mga karaniwang naririnig sa radyo, nababasa sa
pahayagan, o napapanood sa telebisyon ay pawang mga malulungkot
na kuwento. Ang mga nauulat ay pawang tungkol sa mga
pagkawasak ng ating kapaligiran at ang pagka-ubos ng ating mga
natural na pinagkukunang-yaman. Kahit saan ka tumingin, nakikita
mo ang kapinsalaan
ng kapaligiran.
Nangyayari ang pagkasira ng kapaligiran sa ibat ibang paraan at
nakakaapekto sa
ibat ibang ecosystem sa mundo. Ang isang uri ng pagkasira ng
kapaligiran na dulot ng
tao ay ang urbanisasyon. Sa urbanisasyon, ang mga lupang sinasaka
ay ginagawang
tirahan at pangkalakalan. Maraming mga halaman, lalo na ang mga
puno, ang pinuputolat marami ring mga hayop ang nawawalan ng
tahanan o di kaya ay namamatay.
Nagkakaroon ng kakulangan sa pagkain dahil sa pagbabagong
nangyari sa mga lupang
sakahan. Maaari ring magkaroon ng pagbaha dahil kaunti na ang mga
punong sumisipsipsa sobrang tubig na dala ng malalakas na ulan,
tulad ng mga nagdaang malalakas na bagyo sa bansa.
Nag-iisa lang ang ating mundo. Maraming taon na nating
pinagsasamantalahan ang
ating mga natural na pinagkukunang-yaman. May utang tayong dapat
bayaran at may
tungkulin na gamutin at ibalik sa dati ang ating inang kalikasan.

You might also like