Professional Documents
Culture Documents
Ang Kasaysayan NG Islam Sa Pilipinas
Ang Kasaysayan NG Islam Sa Pilipinas
Pagkaraan na maitatag ang Islam sa Sulu, ang mga Muslim ay nagsilikas papunta
sa Mindanao at si Sharif Kabungsuan ang siyang namuno ng delegasyon. Siya ay
lumunsad sa Maguindanaw (na ngayon ay Cotabato) noong taong 1475 CE at di
nagtagal ay nag-asawa siya kay Putri Tunina. Sila ang mga unang Sultan at Sultana
ng Maguindanaw.
Sa mga sumunod pang taon, marami pang mga Datung Muslim ang nagsidating sa
Pilipinas pagkaraan nilang mabalitaan ang magandang pagtanggap na nakamit ng
mga nanga-una roon. Mula sa Borneo ay nanggaling ang Sampung Datu na
nagsidaong sa Panay. Ang mga Datung ito ay sina Puti, Sumakwel, Bangkaya,
Dumangsol, Paiburong, Paduhinog, Lubay, Dumangsil, Dumalogdog at Balensula (na
ngayon ay Balenzuela).
Si Datu Puti ang siyang pinuno ng mga pangkat ng datu. Nagkataon kasi na siya ay
bihasang manlalayag. Sila ay dumaong sa San Joaquin, Iloilo (na ang pangalan ng
panahong yaon ay Siwaragan).
Binili nina Datu Puti at ng siyam pang Datu ang kababaang lupain sa Iloilo mula kay
Marikudo, ang pinuno ng Atis (Pygmies), at sila ay nagtatag ng pamayanan doon.
Nang ang mga lupaing nasasakupan (mga kolonya) ng Borneo ay matatag nang
nakatindig sa Panay, sina Datu Puti, Datu Balensula at Datu Dumangsil ay naglakbay
papunta sa hilaga at sila ay lumunsad sa Batangas sa Luzon.
Sina Datu Balensula at Datu Dumangsil ay nagtatag ng mga kolonya roon nguni’t si
Datu Puti ay bumalik sa Borneo sa landas ng Mindoro at Palawan. Isinalaysay niya
ang kanilang pakikipagsapalaran sa mga tagaBorneo at dahil doon ay marami pa ang
naakit na magtungo sa Pilipinas.
Sa panahon nang lumunsad si Magallanes sa Limasawa noong Marso 16, 1521 CE,
ang Pilipinas ay isa nang ganap na bansang Muslim sapagkat ang karamihan ng
kanyang mamamayan ay mga Muslim. Ito’y isang katotohanan sa kasaysayan nang
si Legaspi (ang humalili kay Magallanes) ay dumating sa Pilipinas, ang mga
kahariang Muslim ay matatag nang nakatindig sa Batangas,
Pampanga, Mindoro, Panay,
Catanduanes,Cebu, Bohol, Samar, Manila, Palawan bukod pa sa buong Mindanao at
mga pulo ng Sulu.
Noong Hunyo 3, 1571 CE, ang mga Kastila ay naglungsad ng malaking digmaan sa
mga Muslim sa Manila na pinangungunahan ni Rajah Solaiman, ang pinuno ng mga
Sultan sa Luzon. Si Rajah Solaiman ay buong katapangan na nagtanggol sa kanyang
kaharian hanggang sa huling patak ng kanyang dugo sa Bangkusay (baybay dagat
ng Tondo). Pagkaraang malupig si Solaiman, ang mga Kastila ay nanalanta
sa Luzon at pumatay ng mga kalalakihan, kababaihan at mga bata, bata at matanda
man. Sa isang banda, ang mga Muslim ay nakipaglaban hanggang sa huling hibla ng
kanilang hininga, na gamit ang mga bolo at sibat laban sa mga baril at kanyon. Ang
mga Kastila ay nagtatag ng kanilang kabisera sa Manila at nagbalak na sakupin ang
Visayas. Sa maigsing panahon, sila ay nagtagumpay sa Visayas. Ang mga Muslim na
hindi namatay sa digmaan ay napilitang talikuran ang kanyang pananampalataya at
tanggapin ang Kristiyanismo. Datapuwa’t ang mga magigiting na Muslim ay nagnais
na piliin ang libingan kaysa ang lumapastangan ng laban sa Allah. Sa ibang banda,
ang mga katutubo na mahina sa kanilang pananampalataya ay tumanggap sa
relihiyon ng Kastila.
Ang mga Kastila ay hindi pa tumigil sa Luzon at Visayas. Sila ay buong kasakiman na
nangangarap na mapasakanila ang mayamang lupain ng Mindanao. Datapuwa’t ang
mga tribu ng Maranaw, Maguindanaw, Tausog, Yakan, Samal at Sangil ay pumigil sa
mga Kastila. Kaya’t ang bantog na digmaan ng mga Muslim at Kastila ay nagsimula.
Mayroong dalawang dahilan ang digmaan:
10. Ang matapang na mga Maranaw ang pumatay kay Heneral Ramon Blanco sa
panahon ng huling pagtatangka ng mga Kastila na masakop ang Mindanao.