Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

APOLINARIO MABINI

Si Apolinario Mabini at tinagurian Dakilang Lumpo dahil ang pagiging lumpo niya
ay higit na nagdala sa kanya sa kadakilaan. Maseselan at mahalaga ang mga
tungkuling hinawakan ni Mabini. Sapagkat isa siyang mahusay na manananggol,
naging kalihim siya ng Rebolusyonaryong Pamahalaan at naging isa sa mga tagapayo
ni Heneral Emilio Aguinaldo. Siya ang Punong Tagapayo noong panahong iyon.
Si Mabini ay isinilang sa lalawigan ng Batangas noong Hulyo 22, 1864. Ang
kanyang mga magulang ay sina Inocencio Mabini at Dionisia Maranan, na kapwa buhat
sa mahirap na pamilya.
Sa kabila ng kahirapan ay nagsikap ang kanyang mga magulang na mapag-aral
si Mabini. Ipinasok siya ng mga ito sa isang pampublikong paaralan sa Batangas.
Marami ring hirap na tiniis si Mabini para lamang hindi siya mahinto sa pag-aaral.
Pumapasok siya nang walang baon at kahit malayo ang kanyang pinag-aaralan
ay naglalakad lamang siya. Sa ganoong paraan man lang ay matulungan niya ang mga
magulang na talaga naming nagpa-pakahirap para siya makatapos.
Nang makatapos ng sekondarya ay lumuwas siya ng Maynila upang doon
ipagpatuloy ang pag-aaral ngunit agad ding nahinto dahil sa kakulangan ng pantustos
sa mga gastusin. Hindi na kaya ng mga magulang ang malaking gastos niya.
Umuwi siya ng Batangas at nagturo sa isang paaralan doon upang makaipon.
Talagang gusto niyang makatapos ng pag-aaral. Nagawa naman niyang ipagpatuloy
ang kanyang pag-aaral kahit siyay nagtatrabaho.
Kumuha siya ng kursong Abogasya sa Unibersidad ng Santo Tomas. Sa
kabutihang-palad naman ay nakatapos siya dahil sa pagtitiyaga at pagtitiis sa maraming
bagay dahil sa kakulangan nila ng pera.
Unti-unting nagbago ang kanilang buhay nang maing ganap siyang abogado.
Iniukol niya sa paglilingkod sa bayan ang karunungan kanyang nakamtan. Gumawa
siya ng mga plano para sa pamahalaan sa ibat ibang probinsiya ng bansa.
Naging malaking tulong siya kay Heneral Emilio Aguinaldo sa pagtatatag ng
Rebolusyonaryong Pamahalaan. Nagpatuloy siya sa pagtulong sa mga Pilipinong
lumalaban para kalayaan ng Inang Bayan.
Isang araw, noong taong 1896, ay bigla na lamang nilagnat nang mataas si
Mabini. Ang lagnat na ito ang naging sanhi ng pagkakaparalisa ng kanyang katawan at
ng kanyang pagkalumpo. Hindi na siya nakakalakad pa mula noon.
Palibhasay nasa puso na niya ang paglilingkod sa bayan, hindi naging hadlang
ang kanyang pagkalumpo upang patuloy niyang magampanan ang mga tungkuling
nakaatang sa kanyang balikat. Nagpatuloy siya sa paglilingkod at nakapagsulat pa siya
ng mga libro at lathalain. Ilan sa mga kilalang naisulat niya ay ang mga sumusunod: El
Verdadero Decalogo, Programa Constitucional dela Republica Filipina at Ordenanzas
de la Revolucion.

Noong panahong iyon ay siya ang pinagkakatiwalaang tagapayo ni Heneral


Emilio Aguinaldo.
Nang magapi ng mga Amerikano ang mga Kastila at ang mga ito naman ang
naging kalaban ng mga Pilipino, dinakip siya nga mga ito at ipinatapon sa Guam
kasama ng ilang mga kababayan na tagasuporta ng himagsikan laban sa mga Kano.
Dalawang taon siyang nanatili sa Guam.
Pinalaya siya at pinabalik ng Pilipinas noong taong 1903 ngunit dinapuan naman
siya ng sakit na kolera na noon ay kalat na kalat sa Maynila. Noong Mayo 13 ng taon
ding iyon ay binawian siya ng buhay dahil sa sakit na iyon.
Marami ang nagluksa sa kanyang pagkamatay. Ang mga nagawa niya para sa
bayan sa kabila ng kanyang kahirapan at kapansanan ay isang dakilang halimbawa na
hindi dapat kalimutan ng bawat isang nagmahal sa bayan.

You might also like