Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 5

BUOD/ PAG-AANALISA NG CANAL DE LA REINA

Magandang suriin ang nobelang Canal de la Reina sa aspetong Sosyo-ekonomikal at


Sosyo-politikal. Makikita kasi rito ang tunay na kalagayan ngisang lipunan at ang
pag-uugali o reaksyon nito sa isang isyungnapapanahon. Sa patuloy na pag-iisang
kahig, isang tuka ng karamihan ngmga Pilipino, nahihirapan itong paunlarin hindi
lang ang kanyang bansa atlipunan kundi pati na rin ang kanyang sarili. Sa nobela,
mapapansing angtema nito ay kahirapan. Ito ay kitang kita sa mismong kabuuan ng
nobelapagkat sa bayan ng Canal De La Reina, si Nyora Tentay ang may kaya
sabuhay kung kayat siya ang nilalapitan ng lahat ng naninirahan doon
upangumutang dahil sa kakapusan sa pera. Imbes na tulungan niya ang mgaito ay
tinatapalan pa niya ng malaking interes ang mga umuutang. Nakikitarin dito ang
kahirapan dahil mayroong mga katiwalian at bayaran sa mgaopisyal.Katulad ni
Nyora Tentay na may maruming katuhan, ang taong walanginisip kung hindi ang
sariling kasiyahan at karangyaan ay walang mararatingna maganda sa buhay. Si
Nyora Tentay ay may kaunting kaya ngunit angkaugalian ay walang kagandahan
kung kayat sa kahuli-hulihang sandali ngkanyang buhay, lahat ng taong kanyang
inapi noong simula ay hindi rin siyatinulungan. Tulad ng kasabihan Huwag kang
gagawa ng kung anong bagayna ayaw mong gawin sayo, si Nyora Tentay ay
masyadong inabuso angkanyang karangyaan at imbes na tumulong siya sa mga
nangangailangan ayipinapamukha pa nito sa mga humihingi ng tulong na silay mga
hampaslupa. Katulad ng sa tunay na buhay, ang taong kahit pa gaano ang yaman
oganda ay hindi nirerespeto at minamahal ng tao kung ang ugali nito aywalang
kagandahan. Ang tao kahit gaano kahirap ngunit may likas nakabutihan ay palaging
tinititingala ng mga tao at binibigyang respeto. Isapang aral na ipinararating ng
nobela ay walang nananalo sa katiwalian. Kungsa umpisa ay nakukuha nila ang
gusto nila, sa huli ay pinaparusahan angmga ganitong tao. Kaya naman sa buhay
palaging ang kabutihan pa rin angnaghahari.Sa umpisa ng nobela ay ipinakilala
agad ang mga pangunahingtauhan. Binanggit na rin agad ang mga pangalan nito at
ang relasyon nila sabawat isa. Malaking tulong ito upang maintindihan agad ang
kwento. Sapamamaraan ng pagsasalita ng mga pangunahing tauhan ay
masasabingmay-kaya ang mga ito. Gumagamit sila ng taglish, pambansang antas
ngwika o minsan ay purong Inggles. Sa pagdaloy ng kwento, mas binibigyangpansin
na ang mga tauhang si Caridad at Nyora Tentay. Makikita angkatatagan ng loob ng
mga ito sa kabila ng pagiging isang babae. Hindinaging hadlang ang kanilang
kasarian upang lumaban sa buhay.Ang mga pangunahing tauhan sa nobela ay
binubuo ng dalawangpamilya. Ang pamilyang de los Angeles at Marcial. Ang
pamilyang de losAngeles ay kinabibilangan nina Salvador, Caridad, Leni, at Junior.
Sila ayisang pamilyang may pagkakaisa at unawaan para sa isat isa. Masasabing

isa silang halimbawa ng maayos at halos perpektong pamilya. Dahil sigurosa


magandang ugnayan at buhay-pamilya, naging mabubuting tao angbawat isa sa
kanila.Si Salvador ang padre de pamilya at mabuting asawa ni Caridad. Tahimik lang

ito at minsanan lamang kung magsalita. Kahit minsan lamangito magsalita,


talagang may kabuluhan at may lalim naman ito. Madalas dinsiyang sumasangayon sa mga desisyon ni Caridad lalo nat kung sa tinginniyay itoy tama at para sa
ikabubuti ng asawa.Si Caridad ay isang napakamaunawaing ina sa kanyang
pamilya.Malaki ang pagmamahal at pagaalala niya sa kanyang asawa lalo na
sakanyang mga anak na si Leni at Junior. Isa siyang babaeng may malakas
atmatibay na loob. Hindi siya agad-agad nagpapatinag sa mga problemangkanyang
kinakaharap.Si Leni naman ang panganay na anak na babae nina Salvador
atCaridad. Nagtapos ito ng medisina at kasalukuyang nag-iinternong
doktor.Espesiyalidad nito ang
Pediatrics
at talaga namang makikita ang husay niLeni sa panggagamot. Matalino rin si Leni at
sa katunayan ay siya pa angnakakuha ng unang pwesto sa
Medical Board Exam
. Ang huling miyembro aysi Junior. Kasalukuyan itong kumukuha ng kursong
Architecture
sa isangunibersidad. Ang tunay talagang nais ni Junior ay ang kumuha ng
abogasyangunit tinutulan ito ng kanyang mga magulang. Mahilig si Junior makipagusap lalo na kung tungkol sa politka at gobyerno. Mabuting anak si Junior atlaging
sinusunod ang kanyang mga magulang. Minsan nga lamang aymasyado itong
nagiging mapusok at napag-aalala niya tuloy si Caridad atSalvador. Nalagay na kasi
siya sa kapahamakan dahil sa sobrang niyangpaguusisa.Sa kabilang dako, ang
pamilyang Marcial naman ay binubuo nina Nyora Tentay, Victor, Gracia, at Gerry.
Kung ang pamilyang de los Angeles ay punong pagmamahalan, ang pamilyang
Marcial naman ay puno ng kaguluhan.Wala kasi silang maayos na komunikasyon.
Hindi pinakikinggan ni Nyora Tentay ang kanyang anak na si Victor at pilit na
pinasusunod ito sa kanyangmga nais kahit na ayaw naman nito. Kahit na naging
masama si Nyora Tentay sa umpisa ng nobela ay nabago naman itong lahat
pagdating sakatapusan. Tinanggap niya ang kanyang mga pagkakamali at ito ay
dapathangaan ng lahat. Tunay nga namang mahirap gawin ang pagtanggap
sapagkakamali. Hindi lang tayo nagpapatawad at nagtatanggal ng sisi sa ibakundi
nililinis din natin ang ating mga pusot konsensiya.Si Victor ay ama ni Gerry at
asawa ni Gracia. Sunud-sunuran ito sakanyang ina. Hindi man kita ay mahal na
mahal niya ang kanyang pamilya.Napilitan lamang siyang hiwalayan ang asawa
dahil sa kagustuhan ng ina. Sakarakter ni Victor, makikitang masama ang epekto ng
pagiging masyadongsunud-sunuran sa kagustuhan ng mga taong nakatataas sayo.
Sa paggawang desisyon sa buhay, dapat din nating isipin ang ating sariling
kaligayan atkabutihan. Tayo ang may hawak sa ating kapalaran at hindi dapat
tayonagpapa-apekto sa mga ginagawa sa atin ng iba.

tinutulan ito ng kanyang mga magulang. Mahilig si Junior makipag-usap lalo na kung
tungkol sa politka at gobyerno.Mabuting anak si Junior at laging sinusunod ang
kanyang mgamagulang
Pamilyang MarcialAng pamilyang ito ay puno ngkaguluhan. Wala kasi silang maayos na
komunikasyon. Hindi pinakikinggan ni Nyora Tentay ang kanyang anak na si Victor
at pilit na pinasusunod ito sa kanyang mga nais kahit naayaw naman nito.
5
.
Victor
- ama ni Gerry at asawa ni Gracia. Sunud-sunuran ito sakanyang ina. Hindi man kita
ay mahal na mahal niya angkanyang pamilya.
6. Gracia
-asawang hinwalayan ni Victor dahil sa kagustuhan nginang si Nyora Tentay
7. Gerry
- anak ni Victor at Gracia
B. Tagpuan
Inilarawan ang tagpuan bilang isang maburak, mabaho, at pinamumutiktikan ng
mga iskuwater, at si Nyora Tentay angnagmimistulang pinuno rito. Ang lugar na ito
ay simbolo ng mgalunggati ng bawat isa, lalo na ng mga mahihirap. Ipinapakita rin
nito nahindi lamang mga bagay o mga tao ang maaaring maging simbolo ng
pagbabago. Nagkaroon ng relasyon ang mga tauhan sa tagpuang Canalde la Reina
dahil ang lupang pagmamay-ari ni Caridad ay nadirito.Maraming pangyayari ang
naganap sa lugar na ito at dito umikot ang pinaka-kalamnan ng nobela.

C. Suliranin
Ang suliranin ay nag-umpisa nang malaman ni Caridad na biniliang kanyang lupa, di
umano ni Nyora Tentay mula sa dating katiwalanila na si Osyong. Dahil sa mga
pangyayaring ito, hindi naiwasangmagkaroon ng alitan sa pagitan ng dalawa.

III. Gitna
A.
Saglit na Kasiglahan
Sa bayan ng Canal De La Reina, si Nyora Tentay ang may kayasa buhay kung kayat
siya ang nilalapitan ng lahat ng naninirahan doonupang umutang dahil sa
kakapusan sa pera. Imbes na tulungan niyaang mga ito ay tinatapalan pa niya ng
malaking interes ang mgaumuutang. Nakikita rin dito ang kahirapan dahil mayroong
mgakatiwalian at bayaran sa mga opisyal.
B.
Tunggalian
Nalaman ni Caridad na binili ang kanyang lupa, di umano ni Nyora Tentay mula sa
dating katiwala nila na si Osyong. Dahil sa mga pangyayaring ito, hindi naiwasang
magkaroon ng alitan sa pagitan ngdalawa.
C. Kasukdulan.
Ang kalutasan ng nobela ay naging maayos at masaya. Ang lahatay nagdiwang
dahil ang kanilang mga suliranin ay natapos sa isangmaayos at mapayapang
paraan. Si Junior ay pinayagan nang kumuhang abogasya at si Leni at Gerry naman
ay nagpakasal na. Nagpasyasilang mag-umpisa ng bagong buhay at mga pangarap
sa kanilang lupasa Canal de la Reina.

IV. Wakas
A.Kakalasan
Nagkaroon ng solusyon ang suliranin nang isang araw aymay dumating na
napakalakas na bagyo sa bansa. Naging dulotnito ay ang pagkakatangay sa baha
ng mga naninirahan sa Canalde la Reina at kasama rito si Nyora Tentay. Sa di
inaasahang pangyayari ay napunta sa pamilyang de los Angeles ang mga papeles ni
Nyora Tentay sa pamamagitan ni Ingga ngunit pinili parin itong isauli ng pamilya
dahil nais nilang maging patas.
B. Katapusan
Dahil na rin siguro sa mga pangyayari ay naisip na ni Nyora Tentay na masama ang
kanyang mga ginagawa. Tinanggapnito ang kanyang pagkatalo at ibinalik ang lupa
sa tunay nanagmamay-ari
.

V. Mensahe
Maraming makikitang isyung-panlipunan sa nobela. Hanggang sangayon ay
nagaganap pa rin ito sa ibat ibang panig ng ating bansa.Maliit man o matataas na
tao ay nasasangkot sa ganitong mga gawain.Dahil dito, buhay ng mga mamamayan
ang naaapektuhan. Bumababana rin tuloy

tuloy ang ekonomiya at hindi nagiging maayos ang pamamalakad ng batas ng ating
bansa.Makikita rito na ang tao ay maaaring magbago para sa ikabubuti nito. Hindi
lahat ay isinilang na masama dahil tayo ay nilikha ayon sakatangian ng Diyos. Kahit
kalian ay hindi mananaig ang kasamaan sa kabutihan

You might also like