Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Proseso ng Pagbasa

1. Persepsyon - hakbang sa pagkilala sa mga nakalimbag na simbulo at maging sa pagbigkas nang wasto sa
mga simbulong nababasa.
2. Komprehensyon - Pagproproseso ito ng mga impormasyon o kaisipang ipinahahayag ng simbulong
nakalimbag na binasa.
3. Reaksyon - hinahatulan o pinagpapasyahan ang kawastuhan,kahusayan at pagpapahalaga ng isang
tekstong binasa.
4. Asimilasyon - isinasama at iniuugnay ang kaalamang nabasa sa mga dati nang kaalaman o karanasan.
Iskaning o Palaktaw na Pagbasa
Ang nagbabasa ay tumutunton sa mahahalagang salita, mga pamagat atmga subtitulo. Palaktaw-laktaw na
pagbubuklat sa materyal ang paraang ginagamit sa ganitong pagbasa.
Iskiming
Ang iskiming ay mabilisang pagbasa upang makuha ang pangakalahatang
ideya ng teksto. Pahapyaw na pagbasa ang isinasagawa sa mga seleksyion tulad ng pamagat.
Ginagawa ito para sa pagtingin o paghanap ng mahahalagang impormasyon na maaaring
Makatulong sa bumabasa.
Previewing
Sinusuri ng mambabasa ang kabuuan, estilo at register ng wika ng sumulat
Kaswal na Pagbasa
Kadalasang ginagawa bilang pampalipas oras lamang
Masuring Pagbasa
Isinasagawa ang pagbasa na ito nang maingat para maunawaan ganap ang
binabasa upang matugunan ang pangangailangan.
Pagbasang May Pagtatala
Ito ang pagbasang may kaakibat na pagtatala o pagha-highlight ng mahahalagang impormasyon sa teksto.
literatura ay ang pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula. Subalit upang maipagkaiba ito mula sa ibang mga
walang saysay na babasahin o patalastas lamang, ang mga panitikan ay ang mainam na pagsulat na may
anyo, pananaw, at diwang nakasasanhi ng matagal na pagkawili at gana. Samakatuwid, may hugis, may punto
de bista at nakapagpapahaba ng interes ng mambabasa ang isang sulating pampanitikan.
Ang pabula o tinatawag ding kathang isip ay itinuturing na isa sa pinakamatandang anyo ng panitikan. Ito ay
karaniwang isinasalaysay o ikinukwento sa mga bata upang mapalawak o mapamulat sa kanila ang magagandang
asal. Kahit sa kabila nito, ang pabula ay likha lamang ng guniguni ng isang manunulat. Hindi totoong nangyari at hindi
maaring mangyari. Piniling mga tauhan ang mga hayop dahil dito mas lalong maiintindihan o maisasalarawan ang
aral na nais maipabatid sa mga bata. Giliw sila at interesado sa mga hayop kaya ito ang mga pangunahing ginagamit
na tauhan. Ang pabula ay karaniwang nagwawakas sa isang mabuting aral o salawikain.
Ang alamat ay isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig.
Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng mga pangyayari hinggil sa tunay na mga tao at pook, at mayroong
pinagbatayan sa kasaysayan.
Ang maikling kuwento - binaybay ding maikling kwento - ay isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang
pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining
na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang
momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan.
Ang Parabula o talinghaga ay isang maikling kuwentong may aral na kalimitang hinahango mula sa Bibliya. Ito ay
maikli, praktikal at kapupulutan ng mga ginintuang aral.
Ang pagbabalita ay paghahatid ng anumang mga impormasyon, kaganapan o mga pangyayaring naganap o
nagaganap sa isang tao, sa kapaligiran, sa pulitika o sa lipunan. Ito ay pag-uulat na hindi pa nailalathala
tungkol sa ginawa ng mga tao na inaakalang pananabikan, maiibigang mabatid at mapaglilibangan ng
mambabasa o mga nanonood.

Nobela- Mahabang makathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay
na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa dako at ng
hangarin ng katunggali sa kabila -isang makasining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod at
magkakaugnay. Ang mga pangyayaring ito ay may kanya-kanyang tungkuling ginagampanan sa pagbuo ng isang
matibay at kawili-wiling balangkas na siyang pinakabuod ng nobela.
Ang sanaysay ay isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may-akda.
Ang dula ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang
mga tagpo sa isang tanghalan o entablado. Ang tagpo sa dula ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan.
Ang mga taong dalubhasa sa larangan ng pagsusulat ng mga dulang itinatanghal ay tinatawag na
mga mandudula, dramatista
Ang talambuhay ay isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao hango sa mga
tunay na tala, pangyayari o impormasyon.
Ang anekdota ay isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o kakatwang pangyayaring naganap sa
buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao. Ito ay may dalawang uri: kata-kata at hango sa totoong buhay. Ito rin ang
mga ginagawa ng mga pagpapaliwanag sa mga ginagawa ng mga tao.
Mga Hakbang sa Pagbasa:
1.Pagkilala -tumutukoy sa kahulugan ng bawat salita
2.Pag-unawa- kaisipan o ideyang ipinahahayag
3.Reaksyon- paghatol na gagawin ng mambabasa
4.Asimilasyon- naiuugnay ng mambabasa ang kaisipan sa nakaraan atkasalukuyan

You might also like