de Padua Church ay ang unang Antonine iglesia sa Pilipinas. Ito ay Matatagpuan sa bayan ng Pila sa Laguna. Ang iglesia ay pinatayo noong 1578.
Paoay Church
Ang simbahan ng PAOAY sa
Batac, Ilocos Norte ay isa sa pinaka-lumang simbahan sa ating bansa. Ito ay itinatag ng mga paring Agustino noong taong 1701. Noong taong 1993
naisama ito bilang isang
UNESCO WORLD HERITAGE SITE. Ang kanyang konstruksyon ay maituturing na pinaghalong "Baroque at Oriental"
Miag-ao Church
Ang Simbahan ng Miag-ao ay
itinayo noong 1797 sa Miag-ao, Iloilo, Pilipinas. Kilala rin ito bilang St. Thomas of Villanueva Church.
Barasoain Church
Ang Simbahan ng Barasoain ay
isang Katolikong simbahang matatagpuan sa Lungsod ng Malolos, Bulacan. Dito naganap ang tatlong mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas: ang
pagpupulong ng Unang Kongreso
ng Pilipinas noong Setyembre 15, 1898; ang pagbalangkas sa Konstitusyon ng Malolos mula noong Setyembre 29, 1898 hanggang Enero 21, 1899; at ang pagpapasinaya ng Unang
Republika ng Pilipinas noong
Enero 23, 1899.
Basilica de San Martin de Tours
Itinayo noong 1865 ang Basilica de
San Martin de Tours sa Taal, Batangas. Ito ang pinakamalaking simbahang Katoliko sa Asya. Orihinal pa rin ang pader nito na gawa sa adobe.
St. Joseph Parish Church
Ang St. Joseph Parish Church ay
nasa Dingras, Ilocos Norte na itinayo noong 1500s. Napabilang sa listahan ng historic sites ng NHCP noong 1987. Halos limang dekada nang sira ang simbahan.
San Bartolome Church
Ang unang parokya ng San
Bartolome de Malabon ay itinatag ng mga paring Agustino noong ika-17 ng Mayo, 1614. Ang batong gusali ng simbahan ay itinayo noong
1622, at ang kabuuan ay
natapos noong 1881. Ang postwar restoration ay nagsimula noong 1906 hanggang 1951. Isa itong heritage site. Sa paglipas ng mga taon, unti-unti itong
naging makabago at moderno.
Immaculada Concepcion
Isang National Cultural
Treasure ang simbahan ng Immaculada Concepcion sa Balayan, Batangas na mahigit 400 taon nang nakatayo.
Malate Church
Noong 1588 itinayo ang simbahan
ng Malate na isang historical shrine na 425 years old na. Inialay ito sa Nuestra Seora de Remedios, ang patron ng panganganak. Gawa sa adobe, dinurog na kabibe, itlog at luwad