Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang mga Batang Rizal

Biniyayaan ng Diyos ang magasawang Francisco Mercado Rizal at


Teodora Alonso Realonda ng labinngisang anak dalawang lalaki at siyam
na babae. Sila ang mga anak :

Saturnina (1850 1913) panganay


sa magkakapatid na Rizal, ang
palayaw niyay Neneng; ikinasal siya
kay Manuel T. Hidalgo ng Tanawan,
Batangas.

Paciano (1851-1930) nakatatandang


kapatid na lalaki at katapatang-loob ni
Jose Rizal; pagkaraang bitayin ang
nakababatang kapatid, sumapi siya sa
Rebolusyong Pilipino at nahing
Heneral; pagkaraan ng Rebolusyon
nagretiro siya sa kanyang bukid sa Los
Banos , kung saan siya ay naging
magsasaka at namatay noong Abril
30,1930, isang matandang binata sa
edad na 79. May dalawa siyang anak
sa kanyang kinakasama (Severina
Decena ) isang lalaki at isang babae.

Narcisa (1852-1939) palayaw niya ay


Sisa at ikinasal siya kay Antonio Lopez
(pamangkin ni Padre Leoncio Lopez),
isang guro sa Morong.

Olimpia (1855-1887) palayaw niya at


Ypia; ikinasal kay Silvestre Ubaldo,
isang operator ng telegrapo mula
Maynila.

Lucia (1857- 1919) ikinasal siya kay


Mariano Herbosa ng Calamba , na
pamangkin ni Padre Casanas.
Namatay sa Kolera si Herbosa noong
1889 at itinanggi sa kanya ang isang
Kristiyanong libing dahil bayaw siya ni
Dr. Rizal.

Maria (1859-1945) Biang ang


kanyang palayaw; ikinasal siya kay
Daniel Faustino Cruz ng Binan,
Laguna.

JOSE (1861-1896) ang


pinakadakilang bayaning Pilipino at
henyo; ang kanyang palayaw ay Pepe;
habang desterado sa Dapitan,
nakisama siya kay Josephine Bracken,
isang Irlandes mula Hongkong;
nagkaanak siya rito ng lalaki ngunit
ngunit ilang oras lamang nabuhay ang
sanggol pagkapanganak;
pinangalanan siyang "FRANCISCO ni
Rizal, sunod sa ngalan ng Ama, at
inilibing siya sa Dapitan.
Concepcion (1862-1865) ang
kanyang palayaw ay Concha; namatay
siya sa sakit sa edad na 3; ang
kanyang pagkamatay ay unang
kalungkutan naranasan ni Rizal.

Josefa (1865-1945) ang kanyang


palayaw ay Panggoy; namatay siyang
matandang dalaga sa edad na 80.

Trinidad (1868-1951) Trining ang


kanyang palayaw; namatay rin siyang

isang matandang dalaga noon 1951 sa


edad na 83.

Soledad (1870-1929) bunso sa


magkakapatid na Rizal; ang kanyang
palayaw ay Choleng; ikinasal siya kay
Pantaleon Quintero ng Calamba

You might also like