Alamat NG Saging Ni Antonio, Emilio Martinez

You might also like

Download as odt, pdf, or txt
Download as odt, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Alamat ng Saging

ni Antonio, Emilio Martinez


Sa isang maliit na nayong nasa may libis ng kabundukan ay may pagasawahang kilala ng madla sa tawag na Ba Saro at Da Intang. Pinagkalooban sila
ng tadhana ng kaisa-isang anak na babae na walang iba kundi si Ana.
Nang maging ganap na dalaga si Ana, aya maraming humahanga sa kaniya
hindi lamang dahil sa kanyang kagandahan, kundi dahil sa kanyang kabaitan,
kayumian at ang pagiging magiliw nito sa pakikiharap at pakikipag-usap.
Kabilang sa mga namimintuho kay Ana ang isang makisig na lalaki na ang
pangalan ay Aging. Nang magpahayag ng pag-ibig si Aging kay Ana, napansin
agad ng binata na may lihim na pagtatangi sa kaniya ang dalaga. Kayat hindi
naman nagtagal at nagkaunawaan ang kanilang mga puso. Nagmamahalan sila,
ngunit kung malaki man ang pag-ibig ng binata kay Ana ay lalaong malaki ang
pag-ibig ng dalaga kay Aging.
Magiging napakatamis sana ang pagmamahalan ng dalawang puso kung
hindi lamang sumalungat ang ama ng dalaga. Madalas na sabihin ni Ba Saro kay
Ana, na huwag papanhikin sa kanilang tahanan si Aging. Muhing-muhi ang ama ni
Ana sa binata.
Aba, anak, - paalala pa ni Ba Saro kay Ana, - hindi ka maaaring
buhayin ng mgandang lalaking lipi naman ng mga tamad! Hindi ko gusting
mapagkikita dito sa ating tahanan ang batugang Aging na iyan...
isang dapit-hapon, buhat sa inaararong bukid ay dumating sa kanilang
tahanan si Ba Saro na sukbit sa baywang ang isang matalim na itak. Kanginang
malayu-layo pa siya ay natanaw na niya sa may bintana ng kanilang mababang
bahay ang pagniniig nina Ana at Aging. Nang mapadapit siya ay namataan agad
niyang ang kanang bisig ni Aging ay nakalatang pa sa may palababahan ng
kanilang bahay.
Sa matinding poot ni Ba Saro ay biglang sumulak ang kaniyang dugo at itoy
parang umakyat sa kanyang ulo. Kayat pagkatapat niya sa bintana at makitang
nakalawit pa nang bahagya sa palababahan ang kamay ng binata, iyon at tinigpas
niya ng taga.
Nalaglag ang naputol na kamay ni Aging at dahil sa biglang pagkagulat at
matinding pagkatakot nito ay kumaripas ng takbo ang binata. Hinabol ni Ba Saro
si Aging ngunit ang binata ay tuluyang nawala sa karimlan.
Nananagis na nanaog si Ana at kinuha ang putol na kamay ng kasintahan.
Wala siyang malamang gawin, kayat ang kamay na putol ay ibinaon niya sa noob
ng kanilang bakuran.
Kinabukasan ng umaga nang manaog si Ba Saro ay malabis ang kanyang
pagtataka nang makitang may tumubong halaman sa kanilang bakuran. Ang mga
dahon niyon ay malalapad at ang bawat buwig ng hinog na bungang madilawdilaw ay katulad ng isang kumpol ng mga daliri ng tao.
Ana! sigaw ni Ba Saro sa anak, - ano bang halaman ireng biglang
tumubo sa ating bakuran?

Nang Makita ni Ana ang buwig-buwig ng bunga ng halamang iyon ay naalala


niya agad na ibinaon niya roon ang putol na kamay ni Aging. Kaya pabulalas
niyang nasabi na:
Ama!... Iyan po si AGING!... ang putol na kamay ni Aging!
Mula noon, ang halamang iyon ay tinawag nilang SI AGING hanggang
sa kalaunan ay tinawag na SAGING na lamang.
Bago namatay si Ba Saro ay pinagsisihan niya nang labis ang nagawa niyang
katampalasanan sa kasintahan ng kanyang kaisa-isang anak na dalaga.

You might also like