Professional Documents
Culture Documents
Kahulugan NG Pagbasa Handouts No.4 TIP
Kahulugan NG Pagbasa Handouts No.4 TIP
Bernales
Pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang maaring
magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita,
simbulo at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning
maipahayag ang kanyang/kanilang kaisipan.
Isang mental at pisikal na aktibiti. Dahil hindi biro ang
gawaing pagsulat. Ang pagsuong sa gawaing ito ay
nangangailangan ng puspusang mental at konsiderableng
antas ng kaalamang teknikal at pagkamalikhain.
Xing at Jin
Isang komprehensib na kakayahang naglalaman ng wastong
gamit, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan, retorika at iba
pang mga elemento.
Badayos
Ang kakayahan sa pagsulat nang mabisa ay isang bagay na
totoong mailap para sa nakararami sa atin maging itoy
pagsulat sa unang wika at ikalawang wika man.
Keller
ang pagsulat ay isang biyaya, isang pangangailangan at
isang kaligayahan ng nagsasagawa nito.
Peck at Buckingham
Ang pagsulat ay ekstensyon ng wika at karanasang natamo
ng isang tao mula sa kanyang pakikinig, pagsasalita at
pagbabasa.
Hakbang sa Pagsulat
a. Pre-writing sa hakbang na ito nagaganap ang paghahanda sa
[agsulat. Ginagawa nito ang pagpili ng paksang isusulat at ang
pangangalap ng mga datos o imporamasyong kailangan sa
pagsusulat.
b. Actual Writing ito ang ikalawang hakbang sa pagsulat. Dito
isinasagawa ang aktwal na pagsulat. Nakapaloob ditto ang pgsulat ng
burador o draft.
c. Rewriting ito ang ikatlong hakbang sa pagsulat. Ditto nagaganap
ang pag-eedit at pagrerebisa ng draft batay sa wastong grammar,
bokabularyo, pagkakasunod-sunod ng ideya o lohikal.
c. Salin
Pagsasanay sa husay sa pag-unawa ng isang nabasang
akda, husay ng pagkagagap ng nabasa at yaman ng
bokabularyong gagamitin sa pagpapahayag ng kabuuang
kaisipan nang walang nababawas o walang nadaragdag.
d. Sintesis
Pagsusuma ng mga mahahalagang paksang tinalakay sa
isang akda. Madalas itong inilalagay sa bandang huli ng
isang akda upang mabuhol ang mga pangunahing puntong
pinatunayan sa isang akda.
Pagbabalangkas
Pagbuo ng sistematikong paghahanay ng mga ideya upang
malinaw ang kanilang ugnayan.
Madalas itong tukuyin nilang gulugod ng isang papel
sapagkat nasasalamin sa isang mahusay na papel ang
masinop at masining na pagbabalangkas ng mga ideya.