Timawa

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

T I M A W A

============================================================================
CHARACTERS:
Andres Talon/Andy (Sherwin)
Alice (Elyza)
Bill (Hazel)
SETTING:
Kusina
7:00 p.m.
PROPS:
plates
apron (each)
sombrero (hazel)
amerikana (hazel & sherwin)
============================================================================

[Andy naghuhugas ng pinggan]


[Papasok si Alice]
Alice: Mukhang tapos ka na, Andy? Ngayon lang ako nakakita ng ganyang kabilis magtrabaho!
Andy: Lalo na kung napupuri. (bibilisan ang paghuhugas, sabay kindat)
Alice: Wala na naman si Bill?
Andy: Male-late raw siya dahil nag-sine silang mag-ama. Hayaan mo, matatapos na rin naman ako dito.
[maghuhugas na rin ng pinggan si Alice]
[darating si Bill na nahangos, tatanggalin ang sombrero pati
amerikana tapooooos, mapapansin si andy & elyza, tas ngingiti]
Bill: Giliw, isabit mo lang tong aking amerikana. Inaabala mo lang si Andy eh.
[tatawa lang tas isasabit yung amerikana. Tapos kukunin yung apron
para ihagis kay Bill]
Alice: Isuot mo na nga lang iyan! Hmmph
[maglalampaso ng baldosa(??) si Bill, tas lalapit si Alice kay Andy]
Alice: Saan ka ba naging dalubhasa sa mga gawain sa kusina?
Bill: Sabihin mo nga, Andy!
Andy: Ang simula ay sa amin. Ako ang tagahugas ng pinggan. Hindi mahirap iyon. Iilan lamang naman
ang aming pinggan. At madalas na itinataob ko na lamang ang mga pinggan nang di hugas. HAHA!
Alice: HAHAHAHA, pareho lang pala sa ginagawang kalokohan ang batang Pilipino at Amerikano eh!
Andy: Ok talaga ako sa gawaing-kusina. 16 ako noon nang mamatay si itay. Saklap nga eh dahil
kakatapos ko lang ng hayskul, ulilang lubos na ko. Gusto kong mag-kolehiyo talaga kaya nung
malaman kong may kamag-anak pala ako na kusinero sa isang bapor na nagyayaot dito sa Amerika at sa

Pilipinas, abay sumama na ako sa kanya! Anim na buwan. Anim na buwan akong taga-masahe ng
pinggan, kubyertos, lutuan sa bapor. Kaya wag na kayong magtaka kung bakit may eksperto ngayon sa
harap niyo.
Bill: Usisera ka na lang din naman Alice, itanong mo na rin sa kanya ang nagustuhan niya sa yo, este,
itanong mo kung ano ang mga naging karanasan niya dito sa Amerika. Hehehe ^_^V
Andy: Alam niyo, ako ay may pagka-hampas-lupa.
Bill: Teka lang. Magtatapon lang ako ng basura!
[magtatapon ng basura]
Bill: Sige, go na.
Andy: Una akong nakarating sa San Francisco kung saan tagahugas na naman ang aking naging
hanapbuhay. Tapos naging manggagawa ako sa ibat ibang bayan sa California. Namitas rin ako ng
mansanas sa Oregon at Washington. Dalanghita naman sa Florida. At, lalo akong umitim nang
magtrabaho ako sa taniman ng kamatis, letsugas, repolyo, at iba pang mga gulay. Ah! Naging serbidor
din pala ako sa mga restawran. Naging utusan. Naglingkod sa salmunan sa Alaska. Aba, nagpatag rin
ako ng bato sa daang tren sa Nevada.
Alice: Alin sa mga karanasan mo ang bumago sa takbo ng iyong buhay?
Andy: Hmmm, ano nga ba? Ah, naaalala ko na minsan ay dumalo kami ni itay sa isang pista na ginanap
sa pinakamalaking bahay noon sa ming lugar. Kumain lang kami at iba naming kasama nang mas
maaga kaysa sa ibang panauhin at ikinagalit ito ng asawang donya ng may-ari ng bahay. Tinawag niya
kaming timawa. Syempre, di ko yun lubusang naunawaan nung una. Pag-uwi namin ng bahay,
ipinaliwanag sa kin ni itay ang lahat. Sabi niya na mag-aral daw ako nang mabuti para huwag kong
sapitin ang kaapihang ganoon. Mahirap daw na maging magsasaka rin ako gaya niya, lalo na kung di
akin ang lupang sasakahan ko. Pangit ang aking magiging kapalaran at aapihin lang ako ng mayayaman.
Ang isang timawa, ay higit na pangit kaysa gutom. Ang timawa raw ay kahalintulad ng isang aso.
Sagpang nang sagpang. Huwag daw akong mag-aksaya ng panahon. Gagawin niya ang lahat ng kanyang
makakaya upang ako matuto.
Alice: Kay buti pala ng iyong ama.. (nalulungkot)
Andy: Panay siya trabaho. Kahit gabi, di siya nagpapahinga. Nais niyang makaipon. Ang adhikain
niyay maging isang manggagamot ako.
[mapapahinto sa pagkwe-kwento; malulungkot; mapapatulala]
Andy: Kay saya ni itay nang makatapos ako nang intermediya. Nga lang isang tanghali, inabot siya ng
ulan habang nagbubungkal ng lupa. Nagkasakit siya. Pulmonya. At.. at namatay.
[magpupunas ng luha si Alice gamit ang hawak na panyo; tatayo si Bill at pipisilin ang
balikat ni Andy]
Andy: Maupo ka Bill. Di pa ako tapos.
[uupo si Bill]
Andy: Naubos ang ipon ni itay. Pero isinumpa ko pa rin na magiging manggagamot ako sa hinaharap.
Alice: Nauunawaan na kita.
Bill: Lalo na kitang nauunawaan.
Andy: Bakit? Naging isang malaking hiwaga ba ako sa inyo, ha? (hindi na malungkot)

Alice: Oo, isa kang hiwaga sa akin. Alam kong isa kang mabuting tao. Magalang, masipag, matalino.
Pero tila baa yaw mong makihalubilo sa iba. Ayaw mong maaabala. Ibinubukod mo ang yong sarili sa
marami.
Bill: Napansin ko nga. (pause) Napansin ko nga na lagi mong sinusubaybayan si Andy. (nods)
Alice: Ano naman ang masama roon? Lagi natin siyang kasama. Kay lapit lang niya sa atin. Pero
gayong kay lapit ay kay layo. Mayroon ba namang gayung araw-araw ay nakakabungguang-balikat ay
di mo matawag na kapalagayang-loob?
Andy: Tila lagi mo naman ata akong pinapansin niyan.
Alice: Hindi nga. Eto, walang biro. Lagi ko lang kasi naiisip..
Andy: Ako?
Alice: (frowns) Lagi ko lang kasi naiisip kung BAKIT ibinubukod mo ang yong sarili mula sa iba.
Andy: Ang karanasan ang nagturo sa akin niyan. Ang madalas na mauntog ay natututong yumuko.
Bill: Nako lumalalim na ang usapan. Eto Andy ha. Makinig ka. Matutupad mo ang mga pangarap mo,
walang alinlangan diyan. Pero mag-aliw-aliw ka rin naman minsan! Hindi yung laging nakadikit yang
ilong mo sa libro. Hayan si Alice oh. Yang gandang yan, nakoo..
Andy: Tigilan mo na nga si Alice. Kanina ka pa eh. Kahit na sa biruan ay may hangganan.
Alice: Tigilan mo na si Andy. Malay mo may itinatago lang pala siya. (tatawa)
Bill: Yan si Andy? May itinatago? Nako, wala yang itinatago dahil kung meron man, dapat alam ko.
Iyan lang ang tinatawag na NAUUHAW NGUNIT AYAW MAKIINOM. (emphasis)
Andy: At kung tanggihan ng nakikiinom?
Alice: Ah, takot kang tanggihan! Eh kung ganon, pano mo malalaman kung tatanggihan ka o hindi kung
hindi ka aamin? (tawa na naman lol)
[titindig si Andy. Di makakapagsalita]
Andy: Hatinggabi na Bill! Baka mapuyat tong si Alice.
Bill: Hayan ang sinasabi ko! Naman talaga. Hayy. Ang magaling na kaibigan kong Pilipino ay takbuhin.
Nagsisimula pa nga lang sumarap ang usapan ay saka pa aalis! Tayo na nga. Walang mangyayari sa kin
kung ang manok ko ay takbuhin.
[Naunang lumabas si Bill. Nagsuot si Andres ng kaniyang amerikana at sumunod sa
kaibigan. Inihatid siya ni Alice hanggang sa pintuang may kadiliman noon dahil sa bahagya
nang abutin ng liwanag ng ilaw.]
Andy: Aalis na kami Alice. Maraming salamat sa iyong kagandahang-loob. Ngayong gabi ay talagang
di-pangkaraniwan sa akin.
[Naramdaman na lamang ni Andres ang halik ni Alice sa kanyang pisngi. . .]
==========================================================================
hi guys!!! =) sobrang haba ba? Maikli lang yan kung babasahin niyo ng buo. Kaya basahin niyo muna
yung story. Basta hindi kailangan na exact yung lines niyo. Ok? Ok. Pero since nakaupo naman kayo
diyan, pwede niyo naman (siguro) dalhin yung script niyo sa harapan para lang alam niyo next nyong
sasabihin. Printed please, para medaling dalhin at hindi halata. Yun lang. thanks ^_^V
==========================================================================

You might also like