Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

PAGLALARO AT PAKIKISAMA

Posted by Online Balita on Jul 3rd, 2013 // 0 Comments

13
Tinatalakay natin ang kahalagahan ng paglalaro. Nabatid natin na sa dami ng dahilan kung bakit kailangang maglaro
tayo, iisa lang ang namumukod-tangi. Ito ang pagnanais nating maging masaya. Kapag masaya tayo, nananatiling
bata ang ating puso at puso ng ating mga kalaro.

Sa paglalaro, natututo tayong maging matiyaga. Ang reward ng pag-aaral o magma-master ng isang
bagong laro ay nagtuturo sa atin ng kahalagahan ng pagtitiyaga. Ang pagiging matiyaga ay isang katangiang
mahalaga para sa isang malusog na pagtanda at natututuhan ito mula pagkabata sa pamamagitan ng paglalaro.
Ikaw rin mapatutunayan mo ang kasabihang Kapag may tiyaga, may nilaga.
Natututo tayong magtiwala at makisama. Isa sa pinakamainam na kasangkapan ang paglalaro upang
panatilihing matibay at masaya ang ating pakikisama. Ang pagiging involved sa sports o kung anumang laro na
kasama ang iyong mga mahal sa buhay at mga kaibigan, nagdudulot iyon sa samahan ng ligaya, sigla, at tibay.
Napahihilom din ng pakikipaglaro ang mga iringan, di pagkakaunawaan at sama ng loob sa ilang mga kasama. Sa
regular na paglalaro, natututo tayong magtiwala sa isat isa at magtulungan upang
magwagi.Sapaghahalongkatatawanan sa paglalaro, lalong tumitibay ang samahan, lalong humihigpit ang
pagkakaibigan at pagmamahalan pati na ang ating koneksiyon sa ating kapwa manggagawa; para na tayong
magkakapatid.
Nagpapahusay ng ating mga kakayahan. Natututuhan natin ang iba pang karunungan sa bisa ng paglalaro.
Kabilang dito ang verbal communication at body language, kung ano ang mapanganib at ligtas, kung ano ang
mahirap at maginhawa, kung ano ang kalayaan at hangganan, kung ano ang kooperasyon ang kawalan ng pakialam;
at naikikintal natin ang lahat ng ito dahil sa paulit-ulit nating paglalaro mula sa pagkabata. Nagpapatuloy tayo sa
paglinang ng ating mga katangiang ito habang tayo ay naglalaro hanggang pagtanda.
Kapag naglalaro ang matatanda, hindi nila namamalayan na nailulutang nila ang kanilang masasayang katangian na
nalinang nila noong mga bata pa sila. Mainam ito para sa emosyunal na kalusugan. Ang dating mahiyain ay hindi na
ngayon gaanong kimi at nag-iisa dahil sa masayang paglalaro.

You might also like