Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Buod ng kabanata 19:

Mga suliranin ng
isang guro

Nagkita sa tabi ng lawa si Ibarra at ang guro sa San Diego. Itinuro


ng huli kung saan naitapon ang bangkay ng kanyang ama at isa si
Tinyente Guevarra sa iilang nakipaglibing. Isinalaysay ng butihing
guro ang ginawang pagtulong ni Don Rafael sa ikauunlad ng
edukasyon at naitulong nito sa kanyang kapakanan. Si Don Rafael
kasi ang tumustos sa kanyangmga pangangailangan sa pagtuturo
nuong siya ay nagsisimula pa lamang. Naisalaysay ng guro ang mga
suliraning kinakaharap ng San Diego tungkol sa edukasyon. Isa na
dito ang kawalang ng panggastos para sa mga kagamitan sa pagaaral, ang kawalan ng silid aralan na akma upang makapag-aral ng
walang balakid ang mga bata, ang kakaibang pananaw ng mga pari
sa paraan ng pagtuturo, ang mga patakaran ng simbahan tungkol
sa nilalaman ng kanyang mga aralin, at ang kawalan ng pagkakaisa
ng mga magulang ng mag-aaral at ng mga taong may katungkulan.
Ang mga libro ay nasusulat sa Kastila at kahit anong tyaga ng guro
na iaral sa kanyang mga estudyante ang nilalaman ng babasahin,
pilit itong pinanghihimasukan ni Padre Damaso.

Madalas din itong mamalo at pagmumurahin ang mga bata kapag


nakarinig ito ng ingay mula sa tapat ng kwadra, kung saan nagaaral ang mga bata dahil nga sa walang silid-aralan. Ang mga
magulang naman ay pinapanigan ang mga pari tungkol sa pagpalo
bilang epektibong paraan ng pagdedesiplina at pagtuturo. Ang
pakikialam ng Pari, at ang maraming mga balakid sa pagtuturo ang
naging sanhi upang magkasakit ang guro. At nang siya ay bumalik
upang magturong muli, higit pang nabawasan ang bilang ng
kanyang mga mag-aaral. Laking pasasalamat niya ng hindi na si
Padre Damaso ang kura sa San Diego, kayat minabuti niyang
iangkop ang nilalaman ng mga aralin sa kalagayan ng kanyang mga
mag-aaral. Bagamat nagkaroon siya ng kalayaan para iangkop ang
kanyang mga aralin, higit pa ring pinahalagahan ng simbahan ang
pagtuturo tungkol sa relihiyon. Sa mga binanggit na ito ng guro,
nangako naman si Ibarra na gagawin ang kanyang makakaya upang
matulungan ang guro at maiangat ang kalagayan ng edukasyon sa
bayan. Kanya itong babanggitin sa araw ng pulong sa paanyaya ni
Tinyente Mayor.

You might also like