Ang Kahalagahan NG Pagpapakatao Sa Edukasyon

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Malungkot na Katotohanan

ukol sa Perspektibo ng
Karamihan sa Edukasyon
Habang umaakyat ang baging sa puno. Hirap na
gumagapang kasama ang palamuti ng luntiang
parang, iginaganyak ang isat isa at sabay na
lumalago. Ngunit sakaling tanggihan ng puno
ang tulong. Ang baging ay maluluoy, magiging
inutil.
Malapit na Ugnayan ng Relihiyon
at Mabuting Edukasyon

aaari ngang ikaw ay may mataas


na marka, diploma at nakakamit
ng magandang edukasyon. Ngunit
kung ang iyong pagiging tao at
pagkakaroon ng takot sa Panginoon ay wala
naman.
Anong
kabutihan
ang
syang
maidudulot nito?
Sa
aking
buhay
bilang
isang
estudyante, madalas kong napagtatanto na
ang kahalagahan na ng edukasyon para sa
karamihan ng mga kabataan ngayon ay ang
magkaroon lamang ng mga matataas na
grado. Sino nga ba naman ang gustong
bumagsak o umulit sa kanyang pag-aaral?
Ang nakakalungkot lamang ay
dahil sa
kaisipang ito nakakalimutan na natin ang
pagiging isang mabuting tao. Bawat araw na
lumilipas na kung saan natutunghayan ng
1

aking mga mata ang mga kapwa ko


estudyante na nangongopya o gumagawa ng
kung ano mang paraan upang mapanatili
lamang ang pagkakaroon ng mataas na
grado. Minsan ako ay natutukso rin dahil
sumasagi sa aking isipan na eE hindi naman
sila nahuhuli, na kahit ba minsan sila ay
napupuna eE hindi naman binabawasan ang
kanilang grado. Aanhin mo pa ba ang
magpakatotooo kung sa nangyayari naman
ngayon kung sino pa yung siyang totoo ay
siya pa itong lumalagpak? Sa panahon
naman ata ngayon mas tinitignan at bigyang
halaga ang numero na nakikita sa bawat
katapusan ng semestre, na hindi narin
naman sinisiyasat pa kung paano mo nga
naman nakuha ang mataas na marka. At
mas marami pa ang matutuwa at papalakpak
sayo dahil mataas ang iyong grado.
Pero, naisip ko hindi dapat ganito
tinitignan ang edukasyon, hindi ito isang
paligsahan at palakasan. Kundi dapat ito ay
tinitignan bilang isang paraan ng paghubog
ng pagpapakatao at ng pagiging tao. Sa
katotohanan nga minsan, kung sino pa yung
mga kabataan na hindi ganoon na
nakakakuha ng napakatataas na marka ay
sila pa itong may bukal na puso, sila pa itong
mas edukado pa sa edukado. Kaya simula
noon itinanim ko na sa aking isipan na
mabuti pang bumagsak ako sa isang bagay
na alam kong yun ang katotohanan at mula
lamang sa akin ang sagot. Sa tuwing
nangyayari ito ay kinukuha ko ang mga aral
2

na aking matutunan sa pangyayari upang sa


susunod ay maiwasan ng maulit pang muli.
At kung sa panahon naman na kung saan ako
namay nagtagumpay ay labis labis ang
aking galak at saya na nadarama dahil alam
kong pinaghirapan ko ito at akoy naging
maka-Tao at ginawa ko ang kung ano ang
tama sa mata ng Diyos.
Ang kahulugan ng Edukasyon ay hindi
nakikita sa matataas na grado at mga
bagay na iyong natamo kundi, bagkus sa
kung anong kabutihan ang iyong naibaon
mula
dito
na
maaaring
magbigay
kabuluhan sa buhay mo at buhay ng ibang
tao. Edukasyon na maka Diyos ay
edukasyon na pang habambuhay na may
karangalan.
~Janelle R. Ramos~

You might also like