Professional Documents
Culture Documents
3 Esp - LM q1 v1.0
3 Esp - LM q1 v1.0
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Kagamitan ng Mag-aaral
Yunit 1
Kagawaran ng Edukasyon
Republika ng Pilipinas
Telefax
E-mail Address
Talaan ng Nilalaman
Yunit 1: Tungkulin Ko sa Aking Sarili at Pamilya
Aralin 1 Kaya Ko, Sasali Ako! .............................................2
Alamin Natin ............................................................................ 2
Isagawa Natin ......................................................................... 5
Isapuso Natin ........................................................................... 7
Isabuhay Natin ........................................................................ 8
Subukin Natin........................................................................... 9
Aralin 2 Iniatang na Gawain, Kaya Kong Gawin ...........10
Alamin Natin .......................................................................... 10
Isagawa Natin ....................................................................... 11
Isapuso Natin ......................................................................... 13
Isabuhay Natin ...................................................................... 14
Subukin Natin......................................................................... 15
Aralin 3 Hawak Ko: Tatag ng Loob ..................................16
Alamin Natin .......................................................................... 16
Isagawa Natin ....................................................................... 17
Isapuso Natin ......................................................................... 20
Isabuhay Natin ...................................................................... 22
Subukin Natin......................................................................... 23
Aralin 4 Matatag Ako, Kaya Kong Gawin! .....................24
Alamin Natin .......................................................................... 24
Isagawa Natin ....................................................................... 25
Isapuso Natin ......................................................................... 27
Isabuhay Natin ...................................................................... 29
Subukin Natin......................................................................... 29
Aralin 5 Malusog na Katawan, Damdamin
at Kaisipan: Pangalagaan .................................30
Alamin Natin .......................................................................... 31
Isagawa Natin ....................................................................... 32
Isapuso Natin ......................................................................... 32
Yunit I
Tungkulin Ko sa Aking Sarili at Pamilya
Aralin 1
Kaya Ko, Sasali Ako!
Ang bawat tao ay may natatanging kakayahan. Bilang batang
mag-aaral, unti-unti mong natututuhan at nalalaman ang mga
kakayahang ito. Mahalaga na ito ay iyong mapaunlad. Alamin
kung papaano mo ito gagawin.
Alamin Natin
Gawain 1
Pagmasdan ang mga batang nakaguhit sa bawat kahon.
Gawain 2
Ngayon naman ay tingnan mo ang mga batang nasa
larawan. Ipinakikita rito ang kanilang mga natatanging
kakayahan.
?
Bigyang-pansin ang kahong walang nakaguhit na bata
kundi ang isang tandang pananong (?). Ito ay para sa
kakayahan mong hindi mo nakita sa mga kahon. Suriin mo ang
iyong sarili. Isipin mo ang iyong natatanging kakayahan. Isulat o
iguhit ito sa iyong kuwaderno. Lagyan ito ng pamagat na Ito
Naman ang Aking Natatanging Kakayahan! o kung anong
pamagat ang gusto mo.
Ito Naman ang Aking Natatanging Kakayahan!
2.
Isagawa Natin
Gawain 1
Ano-ano ang mga kaya kong gawin kahit na ako ay nagiisa? Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
Gawain 2
Magplano kayo!
Alam na ninyo ang inyong mga kakayahan. Kaya na ninyo
ang magplano ng isang pagtatanghal o palabas para maipakita
ang inyong mga natatanging kakayahan.
Lahat ng mahuhusay sa pagguhit ay magsama-sama
upang mag-isip at gumawa ng mga likhang- sining na
maaaring maipaskil sa isang bahagi ng dingding o pader
ng silid-aralan.
Ang mahuhusay umawit, sumayaw, tumula, at umarte ay
magsama-sama upang magplano naman ng isang
natatanging palabas o pagtatanghal.
Magsama-sama naman sa isang grupo kung ang inyong
mga kakayahan ay hindi nabanggit sa dalawang
naunang pangkat. Umisip ng isang gawaing
makapagpapakita ng natatanging kakayahan para sa
isang palabas o pagtatanghal.
Gawain 3
Ang Araw ng Pagtatanghal
Ipakita ninyo ang inyong napagkasunduang palabas o
pagtatanghal at pagkatapos ay sagutin ang sumusunod na
tanong.
1. Ano ang masasabi ninyo tungkol sa mga iginuhit ng
inyong kamag-aral? Bigyan sila ng kaukulang pagsusuri.
2. Pansinin naman natin ang mga kumanta, tumula,
sumayaw, at nagdula-dulaan. Naipakita ba ng inyong
mga kamag-aral ang kanilang lakas ng loob sa
pagtatanghal? Patunayan.
3. Ano naman ang ipinakita ng ikatlong grupo? Suriin naman
ang kanilang pagpapakitang gilas.
4. Bakit kayo may lakas ng loob na ipakita ang inyong mga
natatanging kakayahan?
Isapuso Natin
Punan ang kard sa ibaba. Gawin ito sa isang malinis na
papel.
larawan
Ako si ___________________________________.
Ako ay nasa____________________________________
(baitang)
ng _____________________________________________.
(paaralan)
Kaya kong____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
Ibabahagi ko ang aking kakayahan sa tuwing
may __________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
Tandaan Natin
Lahat tayo ay may kani-kaniyang kakayahan. Ilan sa mga
ito ay ang kahusayan sa pag-awit, pag-arte, pagsasayaw,
pagtula, pagsulat, pagguhit, isport, at iba pa.
Ang kakayahan ng bawat tao ay isang biyaya mula sa
Diyos. Ito ay dapat nating gamitin at linangin sapagkat
nakapagbibigay ito sa atin ng sariling pagkakakilanlan.
Maraming sikat na tao ang nakilala dahil sa kanilang
kakayahan. Ilan sa mga halimbawa ay sina Liza Macuja bilang
sikat na mananayaw, Leah Salonga bilang sikat na mang-aawit,
Julian Felipe bilang sikat na kompositor, si Manny Pacquio bilang
sikat na boksingero, at si Presidente Corazon Aquino bilang sikat
sa kaniyang demokratikong pamumuno.
Mahalagang malaman mo ang iyong mga kakayahan
bilang isang bata. Ang mga ito ay dapat na patuloy na
nililinang o pinauunlad para higit na magkaroon ng tiwala sa
sarili. Kailangan natin itong gamitin hindi lamang para sa ating
sariling kapakanan kundi para din sa kapakanan at ikasisiya ng
ibang tao.
Palagi mong tandaan na ang anumang kakayahan na meron
ka ay dapat ipinapakita upang ito ay higit na malinang.
Isabuhay Natin
Subukin Natin
Maglaro ng chess
Sumali sa paligsahan ng pagguhit
Tumula sa palatuntunan
Sumali sa field demonstration
Sumali sa panayam/interview
Sumali sa paligsahan sa pagtakbo
Umawit sa koro ng simbahan
Makilahok sa paggawa ng poster
Sumayaw nang nag-iisa sa palatuntunan
Makilahok sa isang scrabble competition
Makilahok sa isang takbuhan
Maglaro ng sipa
Maglaro ng tumbang preso
Paglalahad sa paggawa ng myural
Umarte sa isang pang-entabladong pagtatanghal
Aralin 2
Iniatang na Gawain, Kaya Kong Gawin
Mayroong mga gawaing iniaatang sa bawat kasapi ng
tahanan maging sa batang tulad mo. Kabilang dito ang mga
aksyong dapat isagawa sa loob ng iyong paaralan.
Ang pagkukusa ay isang napakahalagang pag-uugali na
dapat mong isakatuparan.
Alamin Natin
1. Isipin mo ang mga gawain na isinasakatuparan sa inyong
tahanan.
2. Gagabayan ka sa pagbuo ng isang Talahanayan tungkol sa
mga gawaing nakaatang sa iyo.
3. Sa ipapaskil ng guro na isang talahanayan, kukuha ka ng
hugis sa kahon at iyong ididikit sa tapat ng tungkuling
iniatang sa iyo sa tahanan.
Mga Gawain
Naghuhugas ng pinggan
Nagpapakain ng alagang
hayop
Nagpupunas ng mga
kasangkapan
Nagliligpit ng hinigaan
Nagtatapon ng basura
Nagsasauli ng gamit sa angkop
na lalagyan
10
Isagawa Natin
Gawain 1
Basahin ang tula.
Kusa Kong Gagawin
Sa aming tahanan may mga tungkulin
Na dapat gampanan kasaping butihin
Magaat mabigat kusa kong gagawin
Tiwala at husay ay pananatilihin.
Paglilinis ng bahay pati ng bakuran
Paghuhugas ng pinggan, pagdidilig ng halaman,
Pagpupunas ng alikabok, pagliligpit ng hinigaan
Kusang-loob na gagawin na may kasiyahan.
Sagutin ang mga tanong.
1. Ano ang mensahe ng binasa mong tula?
2. Ano ang naramdaman mo matapos mong basahin ang
tula?
3. Bukod sa mga nabanggit na gawain sa tula, ano-ano pang
mga gawain ang maaaring ibigay sa iyo?
4. Paano mo maipakikita na pinahahalagahan ang mga
gawaing ibinigay sa iyo?
5. Ipaliwanag ang iyong nararamdaman kapag ginagawa mo
ang mga gawaing ibinigay sa iyo.
11
Gawain 2
Pangkatang Gawain Paggawa ng Poster
Ngayon ay ipakikita natin ang mga gawain natin sa
paaralan sa pamamagitan ng poster.
Ito ang mga panuntunan na dapat tandaan sa paggawa.
1.
2.
3.
4.
5.
gunting
lumang magasin
pangkulay
pambura
Pamamaraan:
1. Pag-usapan ang mga tungkuling isasaad sa
poster at kung paano ito isasagawa.
2. Paghanap ng larawan sa lumang magasin na
nagsasaad ng gawain sa paaralan.
3. Pagdikit ng ginupit o iginuhit na larawan
4. Pagpaskil ng natapos na poster.
Suriin ang mga poster na ipinaskil.
1. Isa-isahin ang mga tungkuling makikita sa poster.
2. Ano ang isinasaad ng mga poster?
3. Ano ang iyong mga nararamdaman habang ginagawa ang
mga ibinigay sa inyong gawain mula sa inyong pamilya? Sa
inyong paaralan? Ipaliwanag.
12
Isapuso Natin
Gumawa ng isang pangako tungkol sa gawaing ibinigay sa
iyo na nagpapakita ng tamang pagganap sa tungkulin.
Tandaan Natin
Ang pagiging kasapi ng pamilya, paaralan,
simbahan, o anumang organisasyon ay hindi gawang
biro sapagkat ito ay nangangailangan ng kaukulang
responsibilidad at pananagutan.
Bilang isang kasapi, may mga gawaing
naiaatang sa iyo na dapat gawin at pahalagahan.
Dapat mong isapuso ang mga gawaing ibinigay sa
iyo tulad ng paglilinis, paghuhugas ng pinggan,
pagdidilig ng halaman, pagwawalis, at iba pa.
Gawin mo ito nang kusang-loob at walang hinihintay
na kapalit.
13
Isabuhay Natin
Gawain 1
Magpakita ng dula-dulaan ayon sa hinihingi sa bawat
pangkat.
Pangkat 1 Pagpapakita ng pagpapahalaga sa mgag gawain
sa tahanan: paglilinis, paghuhugas ng pinggan,
pagliligpit ng pinagbihisan, pag-iigib, pagbili ng
kakailanganin sa pagluluto ng Nanay o Tatay, at iba
pa na inyong maiisip.
Pangkat 2 Pagpapakita ng pagpapahalaga ng mga gawain sa
paaralan: pagtatama ng papel, paglilista ng
maingay sa klase, paglilinis sa silid-paaralan,
pagbubura ng sulat sa pisara, pagtitinda sa kantina
sa oras ng rises, at iba pang maiisip ninyong gawin.
Pagkatapos ng palabas sagutin ang mga tanong:
Ano ang ipinahihiwatig ng bawat dula-dulaan?
Aling pangkat ang mas nagustuhan ninyo? Bakit?
14
Subukin Natin
15
Aralin 3
Hawak Ko: Tatag ng Loob
Sa isang batang katulad mo, katatagan ng loob ay dapat
na tangan mo!
Bilang bata, ano-anong mga damdamin at palatandaan
ang makapagpapakita ng katatagan ng iyong loob? Pag-aralan
ang mga gawain sa araling ito upang mas maging matatag ang
iyong kalooban.
Alamin Natin
Pag-aralan mo ang sumusunod na larawan. Pumili ng isa na
maaari mong tularan. Ano kayang damdamin ang maaaring
nararamdam ng mga batang tulad mo sa sandaling ito ay iyong
ginagawa sa harapan ng maraming tao?
16
Isagawa Natin
Gawain 1
Suriin at sagutin mo ang sumusunod na sitwasyon gamit ang
mga pananda. Gawin ito sa inyong papel.
P- Palaging ginagawa
M- Madalas ginagawa
B- Bihirang ginagawa
H- Hindi ginagawa
1. Tinatanggap ko ang aking pagkatalo nang nakangiti.
2. Sumasali ako sa mga palatuntunan at paligsahan kahit na
kung minsan ako ay natatalo.
3. Umiiwas ako sa pakikipag-away.
4. Mahinahon ako sa pakikipag-usap sa nakasamaan ko ng
loob.
17
M-3;
B-2;
H-0
Gawain 2
Pangkatang Gawain
Pumili ng lider at tagasulat sa inyong pangkat.
Pag-aralan ninyo ang komik- istrip at talakayin ang mga
pangyayari. Pagkatapos sagutin ninyo ang sumusunod na
katanungan. Pumili ng isang miyembro na maglalahad ng mga
kasagutan ng inyong pangkat.
18
Isang tagpo sa paaralan ang nagaganap hinggil sa paguusap nina Tom at Juan tungkol sa kanilang kamag-aral na si
Allan. Suriin ang kanilang palitan ng mga salita.
19
Isapuso Natin
Ano ang mga natutuhan natin sa komik-istrip? Sino-sino sa
mga bata ang may matatag na kalooban?
Gawain 1
Pag-usapan sa inyong grupo ang sagot sa mga tanong.
Isipin ninyo ang mga damdaming may kaugnayan sa pagiging
matatag ang loob. Isulat ito sa loob ng bilog. Gawin ito sa inyong
kuwaderno. Pumili ng mag-uulat sa inyong grupo para ibahagi sa
klase.
Katatagan
ng
Loob
Gawain 2
Ngayon, gagawa kang mag-isa ng isang graphic organizer
sa iyong sagutang papel. Gamiting gabay ang kalagayan sa
ibaba.
Kalagayan
Magkakaroon ng paligsahan sa pagbigkas
ng tula. Napili kang kinatawan ng iyong paaralan.
Ano-ano ang mga aksyon para maipakita mo na
matatag ang iyong kalooban?
20
Tandaan Natin
May mga palatandaang nagpapakita ng pagiging
matatag ang loob. Ilan sa mga ito ang pagkakaroon ng
lakas at tapang ng loob na harapin ang isang mabigat na
problema, tibay ng loob kapag naatasan na ipakita ang
anumang kakayahan, pag-iisip o pagninilay bago
gumawa ng aksyon, at pagkakaroon ng kontrol o
pagtitimpi sa kapwa.
Bilang mag-aaral, makabubuting pagtuunan mo ng
pansin ang mga gawain na magpapatatag sa iyong
kalooban upang patuloy kang makagawa ng mga
makabuluhang aksyon. Palaging isaisip na ang katatagan
ng loob ay isang uri ng pagpapahalaga na
kinakailangang isabuhay ng bawat tao. Isa sa mga tatak
nito ang pagiging positibo sa lahat ng pagkakataon na
kahit na mahirap gawin ay makakaya pa rin. Maaari
namang humingi ng tulong sa iba kung kinakailangan.
21
Isabuhay Natin
Sa iyong palagay, taglay mo ba ang katatagan ng
kalooban?
Basahin ang kalagayan at isulat ang sagot sa sagutang
papel.
Kalagayan:
22
Subukin Natin
23
Aralin 4
Matatag Ako, Kaya Kong Gawin!
Ang katatagan ng loob ng isang batang tulad mo ay
maaaring ipakita sa ibat ibang pagkakataon. Ngunit paano mo
naman tinatanggap ang puna ng ibang tao sa mga
pagkakamali mo o hindi magandang kilos, gawa, at gawi?
Sasama ba ang loob mo o itatama mo ang mga ito?
Alamin Natin
Gawain 1
Basahin ang mga pangungusap. Isipin kung alin sa sumusunod
ang nangangailangan ng iyong katatagan. Isulat sa papel ang
iyong kasagutan.
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
24
Isagawa Natin
Gawain 1
Basahin ang diyalogo.
Nagbago Dahil sa Tamang Puna
Oras ng rises, pinalabas na ng kanilang guro ang
mga mag-aaral sa ikatlong baitang pangkat Rosas.
Nakapila ang klase subalit si James at Robert ay hindi
pumila. Nag-uunahan silang tumakbo sa labas.
James:
Robert:
Robert:
James:
Robert:
James at
Robert:
(Hiyanghiya)
25
Gawain 2
Bumuo ng pangkat na may anim hanggang walong kasapi.
Pumili kayo ng lider. Pag-aralan at talakayin ang kalagayan.
26
Isapuso Natin
27
28
Isabuhay Natin
Kaya mo na bang tanggapin ang puna ng ibang tao sa
maling kilos, gawa, o gawi na iyong ipinapakita? Kumuha ka ng
iyong kapareha at pag-usapan ang sumusunod na kalagayan.
Maaaring iguhit o isulat ang inyong gagawin kung paano
tatanggapin ang ibat ibang puna. Gawin ito sa inyong
kuwaderno.
1. Pinagsabihan ka ng iyong kaibigan dahil palagi mong
kinukuha ang kanyang lapis nang hindi ka nagpapaalam.
2. Sinabihan ka ng guro mo na magbasa ka palagi
pagkatapos ng klase.
3. Pinagsabihan ka ng ate mo na dapat magpakita ng
paggalang habang nakikipag-usap sa mga nakatatanda.
4. Kinausap ka ng iyong guro at sinabihan na dapat palaging
maligo bago pumasok sa paaralan.
5. Pinaalalahanan ka ng iyong Nanay dahil palagi mong
inaaksaya ang tubig na iniigib ng iyong Kuya.
Subukin Natin
Palagi
1. Tinatanggap nang
maluwag sa loob ang puna
ng ibang tao sa iyong mga
natapos na Gawain.
29
Bihira
Hindi
Palagi
Bihira
Hindi
2. Tinatanggap nang
maluwag sa loob ang puna
sa iyong naging gawi.
3. Nagkakaroon nang
pagbabago sa gawa at
gawi dahil sa puna.
4. Binabago ang isang gawain
kapag napagsabihang
hindi ito nakasusunod sa
pamantayan.
5. Naghahangad na higit na
mapabuti ang anumang
gawa o gawi
Magaling mong naisagawa ang katatapos na aralin.
Tingnan mo naman ang susunod na aralin upang lalo pang
mapatibay ang iyong kaalaman at pagpapahalaga.
Sapagkat mahusay mong naisakatuparan ang araling ito,
subukin mo nang alamin at sagutin ang susunod na aralin.
Aralin 5
Malusog Na Katawan, Damdamin, at Kaisipan:
Pangalagaan
Mahalaga ang kalusugan sa bawat isa sa atin. Matatamo
ito kung maisasagawa ang ibat ibang wastong kilos at gawi
upang mapanatili ang malusog at ligtas na pangangatawan
mula sa anumang karamdaman.
30
Alamin Natin
May kasabihan tayo na Ang Kalusugan ay Kayamanan.
Naniniwala ka ba rito? Naalala mo pa ba ang ibat ibang
paraan na iyong ginawa para mapanatili ang iyong kalusugan?
Awitin ang likhang-awit sa himig ng Sitsiritsit Alibangbang.
Pagkatapos ay basahin naman ito ng pa-rap.
Mga batang katulad ko
Kalusugay ingatan nyo
Kaligtasan ng isip ko
Wastong gawi ang alay ko.
Masustansiyang pagkain
Ehersisyoy dapat gawin
Mapagpasensiyang damdamin
Ang hinahon ay kakamtin
Sagutin ang tanong sa inyong kuwaderno.
1. Tungkol saan ang awit?
2. Ayon sa awit, ano-anong mga wastong kilos at gawi ang
nabanggit tungkol sa pangangalaga ng kalusugan at
kaligtasan ng katawan sa anumang karamdaman?
3. Ipaliwanag kung bakit ang pagiging mapagpasensiya at
pagiging mahinahon ay may kinalaman din sa
pagpapanatili ng ating kalusugan.
4. May mga gawi ka ba na hindi nabanggit sa awit/rap?
Talakayin ang mga ito sa klase.
31
Isagawa Natin
Gawain 1
Bumuo ng limang pangkat sa klase. Pumili ng inyong lider na
magkukunwaring isang sikat na host. (Halimbawa si Mike
Enriquez at Karen Davila o iba pa). Ang mga natitirang kasapi ng
pangkat ay uupo sa harapan at iinterbyuhin ng inyong napiling
host tungkol sa inyong mga gawi sa pangangalaga ng kalusugan
at kaligtasan ng katawan mula sa karamdaman. Pagkatapos ng
panayam, ang bawat host ay mag-uulat sa klase tungkol sa buod
ng napag-usapan.
Isapuso Natin
Gumawa ka ng isang pangako sa loob ng isang malaking
puso tungkol sa pangangalaga ng iyong kalusugan at kaligtasan
ng katawan. Pagkatapos mo itong gawin, makipagpalitan ka sa
iyong mga kaklase at papirmahin mo sila sa loob ng puso tanda
ng pagiging saksi nila sa komitment na iyong isinulat.
32
Isabuhay Natin
May kilala ka bang tao o grupo na palagiang tumutulong sa
mga may sakit? Sa iyong palagay, bakit nila ito ginagawa?
Sumulat ka sa tao o grupong ito ng Liham Pasasalamat
hinggil sa kanilang mga ginagawang pagtulong.
Tandaan Natin
Ayon sa Kagawaran ng Kalusugan, ang
kasabihang Ang kalusugan ay Kayamanan ay isang
makatotohanang kaisipan na dapat paniwalaan.
Ang isang batang malusog ay madaling
makagawa ng mga proyekto o gawain na may
kahusayan. Ang paraan ng kaniyang pag-iisip ay
kahanga-hanga sapagkat nasasalamin sa kaniya ang
katalinuhan. Masasabi ring malusog ang isang bata kung
naipakikita niya nang wasto ang kaniyang emosyon o
damdamin.
Ang katawan ay maaaring maging ligtas mula sa
karamdaman kung nakagagawa ng mga wastong kilos
at gawi tulad ng pagpapanatiling malinis ng katawan,
tamang bilang at oras ng pagtulog, tamang pageehersisyo, pagkakaroon ng positibong pagkilala sa sarili,
pagiging masayahin, at pagkain ng tama at
masusustansiyang pagkain sa tamang oras.
33
Subukin Natin
Aralin 6
Sama-sama Kaligtasan, Panghawakan!
Natutuhan mo sa nakaraang aralin ang mga wastong kilos
at gawi upang mapangalagaan ang iyong kalusugan at
kaligtasan ng katawan sa anumang karamdaman. Sino-sino ang
ibig mong bahaginan at hikayatin upang hawak-kamay kayong
magtulungan tungo sa maayos na kalusugan at
pangangatawan?
Alamin Natin
Gawain 1
Awitin ang liriko sa ibaba sa himig ng Hawak-Kamay.
34
Hawak-Kamay
Para sa ating kalusugan
At olrayt na kaligtasan,
Hawak-kamay,
Halinat sumama
Sa paglalakbay.
Sagutin sa isang papel.
1. Ano ang pagkaunawa mo sa awit?
2. Sino-sino ang ibig mong hikayatin upang matamo ang
mabuting kalusugan at kaligtasan ng katawan?
Gawain 2
Masdan mo ang larawan sa loob ng kahon. Ipagpalagay
mo na ikaw ay nasa gitna. Isulat mo sa ibabaw ng larawan ang
pangalan ng mga taong nais mong hikayatin para matamo ang
maayos na kalusugan at kaligtasan ng katawan.
35
Isagawa Natin
Narito ang isang tseklis. Ibigay mo ito at pasagutan sa
mga napili mong hikayatin upang malaman mo kung gaano
nila kadalas ginagawa ang mga gawain. Lagyan ito ng
kaukulang tsek ().
Mga Gawain
Madalas
36
Bihira
Hindi
Mga Gawain
Madalas
Bihira
Hindi
8. Nakikisalamuha sa mga
kaibigang may
mabubuting gawi at
katangian
9. Iniiwasang magpuyat
10. Nagdarasal bilang
pasasalamat sa mga
biyayang tinatanggap
1. ______________________________________________
2. ______________________________________________
3. ______________________________________________
37
Isapuso Natin
Tandaan Natin
Ang kaalaman sa mga wastong gawi sa
pagkakamit ng wastong kalusugan at kaligtasan mula
sa anumang karamdaman ay dapat ibahagi sa iba.
Isa sa mga magagawa ng mga batang katulad
mo ay ang sumali sa mga gawaing pambarangay o
38
Isabuhay Natin
39
Subukin Natin
Umisip o tumukoy ng mga taong ang advocacy ay tungkol
sa kalusugan at kaligtasan ng katawan.
Sino siya? Isulat ang pangalan sa
frame. Maaari mo ring idikit ang larawan
niya sa frame kung mayroon ka. Lagyan
mo ng isang maikling paliwanag kung
paano mo siya naging inspirasyon.
Ipakita/iulat mo ito sa inyong klase.
Kahanga-hanga ang iyong ginawa! Binabati kita sa araling
iyong natapos. Ngayon, maaari ka nang tumungo sa susunod na
aralin.
Aralin 7
Panalo Ako! Sa Isip, Salita, at Gawa
Kumusta na ang iyong kalusugan kaibigan?
Alam ko, ito ay ayos na ayos! Sa iyong mga natutuhan
tungkol sa wastong kalusugan, maglakbay ka at tuklasin ang
magagandang ibubunga sa pagkakaroon at pagpapatuloy ng
magandang gawi tungo sa pangangalaga ng iyong sariling
kalusugan.
40
Alamin Natin
Suriin at pag-aralan ang mga larawan. May paligsahan ng
A-1 Child sa paaralan.
41
Isagawa Natin
Gawain 1
Isagawa ang gawaing ibinigay sa inyong pangkat.
1. Kung kayo ay may angkop na gawi sa pangangalaga ng
inyong kalusugan at kaligtasan. Isagawa ito sa
pamamagitan ng:
Jingle para sa Unang Pangkat
Rap para sa Ikalawang Pangkat
Pantomime para sa Ikatlong Pangkat
Komiks-Iskrip para sa Ika-apat na Pangkat
2. Pagkatapos ng pagtatanghal, magbigay kayo ng mga
reaksiyon sa mga palabas na nakita.
Gawain 2
Word Search
Bilugan ang mga salitang nagpapahayag ng mabuting
resulta sa pagkakaroon ng maayos na kalusugan. Isulat ang sagot
sa inyong kuwaderno.
L
I
S
T
O
G
M
C
M
L
S
M
A
D
A
L
B
A
L
F
L
I
O
S
U
G
I
G
L
I
42
S
L
K
T
A
G
O G
I
S
S I
A
S
M L
L
A
M
A
S
A
Y
A
Isapuso Natin
43
Isabuhay Natin
Time Out! Bumuo ng apat na pangkat sa klase at umisip ng
isang commercial o patalastas na may kaugnayan sa kalusugan.
Ipakita ito sa klase. Pagkatapos ng bawat palabas, talakayin ang
mga natututuhan sa palabas. Tukuyin kung ito ay nagustuhan o
hindi at ipaliwanag ang mga kadahilanan.
Subukin Natin
44
Aralin 8
Pamilyang Nagkakaisa, Tahanang Masaya
Napakaganda ng tahanang masaya lalo na kung
nagkakaisa at nagkakasundo ang bawat kasapi ng pamilya.
Alamin Natin
Basahin mo ang tula.
Tuloy Po Kayo
Halina, tuloy po kayo
Sa aming tahanan
Kahit na simple lang
Ay maayos naman!
Si Nanay, si Tatay
Kanilang mga utos
Sinusunod namin
May kusang-loob at lubos
Si Ate, si Kuya
Ako at si bunso
Ay nagmamahalan
Nang taos sa puso.
45
Isagawa Natin
Gawain 1
Isulat mo sa metacard ang isang alituntunin o patakaran sa
inyong tahanan na iyong sinusunod. Idikit ito sa paskilan.
PATAKARAN TANDAAN
Isapuso Natin
47
Tandaan Natin
Ang pamilya ay ang pangunahing yunit ng lipunan.
Ito ang nagpapasigla ng pamayanan lalo na kung ang
bawat kasapi nito ay nakatutupad sa tungkuling iniaatas
sa kaniya.
Dapat nating sundin ang mga tuntuning itinakda ng
tahanan tungo sa masaya at maayos na samahan.
Ang mga tuntunin ay itinakda upang sundin ng
bawat kasapi ng pamilya tungo sa maayos at masayang
pamumuhay.
Bilang mag-aaral at kasapi ng pamilya, makabubuti
ang iyong mga ginagawa ay dapat na ikinasisiya ng
iyong mga magulang. Magsisilbi itong inspirasyon upang
lalo pa nilang mapaganda ang kinabukasan ng kanilang
mga anak na tulad mo. Dahil dito, mahalagang sinusunod
mo ang mga alituntunin at patakarang pinagkasunduan
sa tahanan lalo na sa disiplina at sa iyong pag-aaral.
Isabuhay Natin
Umisip ka ng isang pangyayari sa iyong buhay na may
kinalaman sa hindi mo pagsunod sa tagubilin ng iyong mga
magulang. Ano ang epektong naidulot nito sa iyo? Ano ang aral
na iyong natutuhan? Gawin ito sa iyong kuwaderno.
Pangyayari: ______________________________________________
Epekto:___________________________________________________
Aral na natutuhan: ________________________________________
48
Subukin Natin
Emily
Ako
bilang
bunga
Mga tagubilin ng
aking mga magulang
o sinumang kasama
sa pamilya.
Hal. Mag-aral ng
leksyon bago
manood ng TV
Ang aking
Ina/Ama o
sinumang
kasama sa
pamilya
Pamilyang Nagkakaisa
Sa iyong ipinakitang kagalingan sa araling ito, binabati kita!
Maaari ka nang tumuloy sa susunod na aralin. Panatilihin mo ang
pagsunod mo sa mga gawain.
49
Aralin 9
Ako, Ang Simula!
Ako ang Simula! Ano ang ibig sabihin ng mga katagang ito?
Bilang isang batang mag-aaral sa ikatlong baitang, ano-ano ang
mga kaya mong pamunuang gawin tungo sa kapayapaan,
pagkakaisa, maayos, at masayang pagsasama ng iyong
pamilya? Kung ito ay kaya mo, Isigaw mo, Ako ang Simula!
Alamin Natin
Ano-ano ang mga tungkuling isinasagawa mo sa araw-araw
sa inyong bahay na nakatutulong sa iyong pamilya? Isulat mo ito
sa mga bilog at ibahagi sa iyong mga kaklase. Gawin mo ito sa
iyong kuwaderno.
Ang Aking Kalendaryo ng Gawain
50
Isagawa Natin
Gawain 1
Ang pagpapaalaala ay gamot sa mga batang nakalilimot.
Mapatutunayan ito sa pangkatang gawain na isasagawa.
Magkaroon ng apat na pangkat sa klase. Pagtulungang
buuin ang clock time organizer ng inyong takdang oras para sa
mga dapat at kayang gawin sa inyong klase. Siguraduhing
makatutulong ito sa inyong pag-aaral at sa mga gawaing
makapagpapagaan sa inyong guro. Gawin ito sa inyong papel.
Iulat ito sa klase.
1
1
1
2
1
2
1
0
3
9
4
8
7
5
6
51
Gawain 2
Narito ang malaking Tandang Pananong na may
kaukulang tanong. Sagutin mo ito nang buong katapatan.
Patunayan.
Maasahan ba ako
sa lahat ng oras?
Patunay:
Ipinapasa ko ba sa
iba ang mga
inuutos sa akin?
Ako ba ay bumibili
ng mga kailangan
lamang?
Patunay:
Patunay:
Ako ba ay
sumusunod sa
mga utos nang
may ngiti?
Patunay:
52
Isapuso Natin
Isabuhay Natin
Gumawa ka ng isang pangako sa anyong patula o pa-rap o
pakanta. Itanghal ito sa klase.
Halimbawa:
Ang Aking Pangako
Kapag inutusan
O tinatawag ako
Agad, akong sasagot
At sa utos ay susunod.
54
Subukin Natin
Totoo
Hindi totoo
55