Professional Documents
Culture Documents
Florante at Laura
Florante at Laura
Florante at Laura
Feminista
Florante At Laura: Ilang Obserbasyong Feminista
ni Ruth Elynia S. Mabanglo
Ang feminismo bilang kritikal na pananaw ay nagsimulang magkabunga sa kritisismo sa Pilipinas noon lamang
ikawalong dekada. Sapagkat tumutukoy sa isang uri ng opresyon at malawakang karahasan na malaon nang
ginagawa ng lipunan laban sa kababaihan, karaniwang nasasalalak sa emosyonalismo ang mga debate. Subalit sa
ilang pagkakataon, ang masinop na paggamit ng mga kategorya mula sa feminismo ay nakatutulong sa
pagpapalabas ng interpretasyon na nakaiigpaw sa pagbibigay-kahulugan sa isang tradisyunal at patriyarkal na
pananaw.
Ang pananaw na sinala ng ilang aspekto ng feminismo ay matatagpuan sa sanaysay na ito ni Ruth Elynia S.
Mabanglo na nagpako ng pansin sa kanonisadong Florante at Laura ni Balagtas. Pinagtuunan ng pansin ng kritiko
ang mga pangkalahatang imahen na iniugnay sa mga babaeng tauhan ng tulasina Laura at Fleridaat kanyang
ipinaliwanag ang ugat ng mga ito sa patriyarkal na oryentasyon ng makata. Para sa kritiko, ang patriyarkal at
maskulinong atityud ni Balagtas ang nagtakda kung anong uri ng mga katangian at pag-iisip ang ipagkakaloob
niya sa mga tauhang babae.
Sa kanyang pagsusuri, ginamit ni Mabanglo ang mga kategorya mula sa feminismo at ilang konsepto na nagmula
sa teorya ng pagbasa. At sa kanyang ginawang pagbasa, isang tinig ang masusing nagtanong at ginawang
problematiko ang kinagawiang representasyon ng kababaihan sa isang dakilang obra. Ipinamalas ng kritiko kung
gaano kahalaga at kakaiba ang pagbasa ng isang babae na lubos ang paniniwala sa kabuluhan ng kasarian sa
pagsusuri.
Sa isang agarang pagtunghay sa talaan ng mga naging pag-aaral sa Florante at Laura, masisiwalat na karamihan
sa mga pagsusuriy nakatuon sa anyo at pagpapakahulugan ng akda. Sa mga ito, ulit-ulit ang paglitaw ng mga
kongklusyon ukol sa kahusayan ng obra, sa kabisaan ng paglalarawan sa kaligirang panahon at lipunan, sa
paghahanay ng mga kaisipang nauugnay sa ibat ibang aspekto ng buhay kahit pa sa kasalukuyan, at sa paggamit
ng mga simbolong mabibigyan ng bagot bagong pagpapakahulugan depende sa pangangailangan.
Salamat sa mga pag-aaral na iyon at nalalapitan na natin ang mga talinhaga ni Balagtas nang walang agam-agam.
Salamat rin at walang alinlangang naipagmamalaki natin ang awit bilang isa sa mga pamanang kalinangan ng ating
lahi. Tulad ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo, kabilang ang awit sa mga obrang dapat mabasa, maunawaan at
mapahalagahan ng mga estudyante sa hayskul. At dahil marami na ngang pag-aaral na nagawa sa awit, katakuttakot ang mga teksbuk na matatagpuan sa pamilihan. Bawat isay may kani-kanyang pagdulog sa pag-unawa at
pagpapahalaga ng akda; ang iba pa ngay may mga pagsusulit nang kasama. Ang obrang panlaban sa
imperyalismoy sasakyan din sa pagpapalawig ng imperyalismo.
Ngunit, maitanong ko, may nagawa bang pagsisiyasat ukol sa epekto ng Florante sa mambabasa? Ano nga bang
talaga ang dating ni Balagtas sa mga tumutunghay? Sapat na bang maging sambitlaing-bibig ang mga berso niya
para masabing mabisa ang kanyang panulat?
Sang-ayon sa ilang makasaysayang ulat, ang Florante at Laura ay dinala ni Rizal nang maglakbay siya sa Europa.
Isinaulo rin ito nang buung-buo ni Apolinario Mabini. Katunayan, nang ipatapon ng mga Amerikano sa Guam ang
Dakilang Lumpo at mahingan doon ng isang obrang Pilipino, itinala niya ang awit mula sa memorya. Samakatwid,
may malalim naiwan sa katauhan ng dalawa ang Florante. Kay Rizal, ito marahil ang titis na nagpaalab ng
inspirasyon niya para sulatin angNoli. At kay Mabini, sino ang makapagsasabi? Hindi kaya ito ang naging bukal ng
kanyang tatag at lugod para batahin ang pagkatiwalag sa isang dayuhang bayan?
Ngunit sina Rizal at Mabini ay pawang mga ilustrado, at lalaki. Bilang mga ilustrado, inihihinga at isinisiwalat nila
ang kulturang ilustradokabuhayan, edukasyon, gawi, paniniwala, kaugalian at mithiing ilustrado. Bilang mga
lalaki, nakalimbag sa pagkatao nila ang mga istiryutipong paniniwala at/o kaisipang nauugnay sa kanilang sarili, sa
kanilang kapwa lalaki at, siyempre, sa opposite sex-sa babae. Ilustrado rin naman at lalaki ang sumulat
ng Florante. Samakatwid, walang anumang sagabal na nakapagitan sa magkabilang panig: sa manunulat at
mambabasa. Maaliwalas ang landasing natatahak ng mga sagisag, kaisipan at imahen. Napagtitibay at
napatitibayan ng isat isa ang balangkas ng mga kahulugang kapwa ilustrado at maskulino. Kung baga,
nagbibigayan ang isat isa ng reinforcement para patuloy na mapalawig ang kulturang patriyarkal, ang kulturang
inilalahad mismo ng awit.
Paano naman kaya kung ang mambabasay poor o mahirap? At paano rin kung babae? Ano ang bias sa kanya
ng Florante? Sa tanong na ito gagabay ang aking paglalahad.
Sa dikit at yumi
Sa isang artikulong pinamagatang Balagtas: The Passion Defined, tinunton ni B.S. Medina Jr. sa mitong Malakas
at Maganda ang Florante at Laura. Si Florante, ang mangingibig at bayani, ay binigyan ni Balagtas ng mga
katangiang sukat ikahulog ng loob ng isang babae sa isang lalaki: makisig, magiting, maginoo, matalino,
malakas. Lahat ng katangiang itoy maayos at masining na pinatibayan ni Balagtas sa ibat ibang papel na
ipinatungkol niya kay Florante: bilang anak, bilang ka-ibigan (lover), bilang estudyante, bilang mandirigma.
Samantala, repleksyon naman si Laura ng isang katangi-tanging babae: maganda, mahinhin, mabait,
mapaglingkod, tapat. Dangat hindi nabigyan ng sapat na eksposisyon ang mga nasabing katangian sa ibat ibang
papel na gaya ng kay Florante. Sa halip, inilarawan lamang si Laura bilang kasintahan ng bida. Wala tayong
kabatiran kung anong larawan mayroon si Laura bilang anak ni Haring Linceo, o kung anong uri siya ng dugongbughaw. Siya kayay nasangguni, minsan man, ng kanyang amang hari sa mga usaping pampamahalaan? Anong
impluwensiya mayroon siya sa kanyang ama? Ang pananalita kaya niyay nagkakahibo sa mga desisyon ng korte?
Hindi na nag-abala si Balagtas, ang istoryay umiinog lamang kay Florante.
Si Laura ay naroon bilang isang inspirasyon, hindi bilang isang tauhang may sariling bait at pagpapasya. Naroon
siya sa istorya para maipakita ang kaganapan ng pagkalalaki ng bida. Para maipadama ang sinseridad ng
pagkakalarawan ng bayani. Para mapatingkad ang romansa.
Ang pagiging maganda ni Laura ang pangunahin sa mga katangian niya. Ang totoo, love at first sight si Florante
sa kanya:
Siyang pamimitak at kusang nagsabog
ng ningning ang talang kaagaw ni Venus
anaki ay bagong umahon sa bubog,
buhok na naglugay sa perlas na batok.
Tuwang pangalawa kung hind man langit
ang itinatapon ng mahinhing titig;
O, ang luwalhating buk ng ninibig,
pain ni Kupidong walang makarakip.
Liwanag ng mukha'y walang pinag-ibhan
kay Pebo, kung anyong bagong sumisilang;
katawang butihin ay timbang na timbang
at mistulang ayon sa hinhin ng asal.
Sa kaligayaha'y ang nakakaayos
bulaklak na bagong winahi ng hamog;
anupa't sinumang palaring manood,
patay o himala kung hindi umirog.
(Saknong 275-78)
Anupa't wala ngang pangalawa ang kariktan ni Laura. Sinumang lalaking makabasa ng mga siniping saknong ay
madarama ang pagpitlag ng dugong kaakibat ng gayong karanasan. Kinikiliti ang gunamgunam ng lalaking
mambabasa dahil binubuhay ang personal na karanasan niya sa gayong sitwasyon at pagkakataon.
Ang personal ay nagiging unibersal. Hinihikayat ng mga pariralang buhok na naglugay sa perlas na batok,
luwalhating buk ng ninibig at katawang [] timbang na timbang sa mga lalaking mambabasa ang emosyong
nagsususog ng kaibhan nila sa babae, bukod sa pinapali ang panlasa nila ukol sa kung ano ang huwaran sa dikit at
yumi. Hindi maikakaila ang imaheng napinta sa kanbas ng literatura. Kung isasalin ito sa kolokyal na
pamamarirala, kitang-kitang ma-sex appeal si Laurahanip sa ganda, mayaman ang hinaharap, pamatay ang
katawananupat babaeng-babae talaga.
Hindi siyempre ganito ang mauuntag na emosyon sa babaeng mambabasa (liban na lamang siguro
kung lesbian siya, at sabihin pa, kung inuuri niya ang sarili bilang lalaki). Inaanyo ng teksto si Laura bilang
huwarang babae sa pisikal na aspekto, ang huwarang babae na mimithiin at sasambahin ng lalaking mambabasa.
Ang pigurang babae ay nakananaghili, kung gayon. Tuwiran at di-tuwiran, inilulunsad ng imahen ang ideyal na
dapat tamuhin ng babaeng mambabasa.
Bukod sa paglalarawan ng ganda at yumi ni Laura, hindi nakaligtaan ni Balagtas na ilarawan din kung ano ang
epekto ng babae sa lalaki:
Ito ay si Laurang ikinasisira
ng pag-iisip ko tuwing magunita,
[Saknong 279]
Anupa't kumpleto sa detalye ang tula, inilahad kung paano nagkautal-utal sa pagsasalita si Florante nang unang
makaharap si Laura, kung paano siya giniyagis ng pananabik na makita itong muli sa loob ng tatlong araw na
kinakapulong siya ni Haring Linceo na ama nito, at kung paano siya nagkapag-asa nang maluha ang dalaga sa
kanyang pag-alis.
Ang kasukdulan ng paglalarawan sa katangian ni Laura ay makikita sa mga sumusunod na linya:
Di kung ako Poo'y manggubat
ng hari mong ama sa alinmang syudad,
kung ginagawa mo ang aking sagisag,
dalawa mong mata'y nanalong ng perlas?
Ang aking plumahe kung itinatali
ng parang korales na iyong daliri,
buntong hininga mo'y nakikiugali
sa kilos ng gintong ipinananahi.
Makailan, Laurang sa aki'y iabot,
basa pa ng luha bandang isusuot,
ibinibigay mo ay naghihimutok,
takot masugatan sa pakikihamok!
Baluti't koleto'y di mo papayagang
madampi't malapat sa aking katawan,
kundi tingnan muna't baka may kalawang
ay nanganganib kang damit koy marumhan.
Sinisiyasat mo ang tibay at kintab,
na kung sayaran man ng tagay dumulas;
at kung malayo mang iyong minamalas,
sa gitna ng hukbo'y makilala agad.
Pahihiyasan mo ang aking turbante
ng perlas, topasyo't maningning na rubi;
kanya para kilalanin at tanggapin ang sarili bilang imahen, bilangappearances o bilang objects. Tinatanggap
niya ngayon at kinikilala ang sarili na may katangian ng pagiging-bukod (otherness) na kung tutuusi'y nag-aalis sa
kanyang pagkatao ng halaga at kabuluhan. Sabi ni Brooks:
This 'self-image consciousness' encourages women to think of themselves as images, as appearances or as
objectsthe sense of otherness which within the social mythology of capitalist culture reduces women to the status
of a reflection. It also encourages to incorporate this sense of otherness into their subjective perceptionthere is
the belief that in looking one is looking as though a man, or more accurately that one is spying on a spectacle
ready-prepared for men. Incorporated into the context of perception is the woman's lack of presenceher
invisibility as observer is countered by her visibility as perception. The effect of this is to deny her own reality and
reinforce the reality of her appearance as reflected in the man-made image.
Inilalahad nito na sa positibong pagtanggap ng babae sa mga tungkuling itinakdang pambabae ng kulturang lalaki,
hindi niya kailanman maguguniguni ang sarili sa ibayo ng makitid na pambabaeng daigdig na ginagalawan niya.
Ang trabaho niyay mananatiling nakakanal sa pagsisilbi sa kabiyak/kasintahan, kundi man sa pagpaparikit o
pagpapaluwalhati ng pagkatao nito bilang lalaki. Samakatwid, ang depinisyon ng pagkatao niya, ang esensiya ng
kanyang pagkababae ay hindi atas ng sariling tunguhin. Sa halip, isang pagkatao at katauhang binaybay ng
kasariang lalaki lamang ang nagpapakahulugan.
Pagpapahalaga