Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

SALAYSAY:

Ang ibig sabihin ng katagang Tibag


Ang templo ni Venus hinukay, winasak,
At bago nangyari kay daming nautas
Sampu ng nasawi at dugong dumanak;
TibagKasaysayan ng Reyna Elena;
Constantinong anak, prinsipeng masigla
Ang katagang ito ang siyang kumuha
Sa Cruz ni Jesus, Diyos na lahat na;
Ang mahal na Cruz kinuha ng Turko
Sa bundok ng bungo ngayon ay Kalbaryo
Bago ibinaon sa ilalim ng templo,
Ngunit may hiwagang naiwanan dito.
Namatay ang sultan at mga sumusunod
Nalimot na lubos ang Cruz ni Jesus
Daan-daang taon ang matuling naglagas
Hanggang sa sumapit si Elenang bantog.
Tayo ay dumako sa Emperyong Roma
Tahanan ni Cesar, bandilang Aguila;
Ditoy may hinalang laging nakikita
Sa gabing pagtulog ng Reyna Elena.
Kwardo I
ELENA:
Tatlong gabing sunod naging panaginip
Ang Cruz ni Cristo paghanaping pilit,
Hanggang sa makita, mahabaging langit,
Saan hahanapin sa akin ay nais?
VOSES:
Elena, Elena, yaring pakiusap
Iyong paghanapin Cruz kong mabigay
Ariin mong tuwa ang lahat ng hirap
Nang dahil sa Cruz, sagisag ng lahat.

SLN Costantino
CONSTANTINO:
Bakit nakaluhod ang mutya kong ina
At mayroong luha ang dalawang mata
Sabihin sa akin ang sanhi ng dusa
Upang matulungan.
ELENA:
O anak na Sinta.
CONSTANTINO:
Narito ang anak na handang dumamay
Sa paa moy handog ang hiram na buhay
Kung kinakailangan.
SALAYSAY:
Ipinagtapat nga ng reynang marangal
Sa anak na sinta mga bagay-bagay
Na ukol sa Cruz ng Diyos na tunay
Na paghahanapin ano mang karatnan.
At si Costantinoy umayon sa hiling
Yaong Jerusalem ay pagsasadyain
Ang mahal na Cruz ay tikang kukunin
Korona at hagdan, pako ay gayon din.
Dito na nagsimula ang paghanap ni Reyna Elena sa Krus. Nagtungo sila sa Jerusalem, sa Bundok
ng Kalbaryo, hanggang humantong sa mga lupalop ng Muslim sa paghihimatong ng isang
ermitanyo. Marami pang hirap at ang Krus ay natagpuan din. Narito ang wakas ng tibag:
SLN Los Romanos
CONSTANTINO:
Ang templo ni Venus wasakin, tibagin
Ng upang makita ang Cruz na aliw
Ng mahal kong ina.

ELENA:
O anak kong giliw

Salamat sa iyo, ikawy pagpalain


Kinuha ang Cruz
ELENA:
Ang Cruz ay tatlo at pare-pareho
Ang Cruz ni Jesus ay alin kaya dito.
CONSTANTINO:
Iyan ay hiwagang hindi matanto ko.
ELENA:
Marunong ang Diyos sa bagay na ito.
Sa emperyong Roma ay aking dadalhin
Itong tatlong Cruz doon malilining.
CONSTANTINO:
Mga kasamang kawal babalik ngayon din
Sa ating aguila.
TODOS: Sa bawat ibigin.
SALAYSAY:
Sa Romay kasama Sultan A-ig-tarap
Pati ng prinsesa na labis ang dilag
Mga ilang Turko na ibig mamalas
Sumama sa Reyna loob na banayad.
Ano nang sa Roma silay magsidating
Ang mga dinatnan nalipos ng aliw
Matapos ang saya ng pusot damdamin
Istorya sa Cruz ituloy na natin.
Kwardo II
SLN Los Personales
ELENA:
Sa loob ng syudad kayo ay humanap
Malubha ang sakit sa akiy iharap.
LOS SOLDADOS:
Sa bawat utos mo O, Reynang mataas

ELENA:
Sa bakod ng Korona maraming salamat.
SVA
Sultan A-ig-tarap ito ang dahilan
Kung kaya ginera iyong kaharian
Ang kahoy na ito sadyang kailangan
Ng mga Kristiano.
SULTAN: Ngayon ko nalaman.
SLN Maysakit
ARNULFO:
Pasintabi ako marangal na Reyna
Ang taong maysakit ay naririto na.
ELENA:
Salamat Arnulfo, ngayon makikita
Kung alin sa tatlo siyang mahalaga.
Cristoy Panginoon sa oras na ito
Sanay ipabatid kung alin sa tatlo
Ang kinamatayan doon sa Kalbaryo
Nang di na maghirap ang kalagayahan ko.
Inilapit sa Cruz ang Maysakit
Ang Cruz na ito ang Cruz ni Cristo
Siyang nagpagaling sa sakit ng tao.
SVA
CONSTANTINO:
Mabuhay, mabuhay, ang Cruz ni Cristo!
TODOS:
Mabuhay, mabuhay, ang Cruz ni Cristo!

You might also like