Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Compilation of Makabayan lesson plan

Pinagsanib na Aralin sa Filipino


MAKABAYAN AT EKAWP
(Unang Markahan)
I. Layunin
1. nagagamit ang mga uri ng pangungusap ayon sa tungkulig pasalaysay, pautos,
pakiusap,patanong at padamdam sa pagsasalaysay ng sariling karanasan.
II. Paksang Aralin
Paggamit ng ibat ibang uri ng pangungusap
Sanggunian:
Pag-unlad sa Wika, pp.155-168
Banghay- Aralin sa Filipino 3 (Div. of Iliilo) pp. 193-195
Kagamitan:
Larawan, plaskard, overhead projector
Pinagsanib na Aralin MAKABAYAN (PELC#II-a.6, P.20)
Nakikilahok nang buong sgla sa ibat ibang kakayahan upang matamo ang
mithiin.
Pinag-isang Tema: Pagmamahal sa Wika
III. Pamamaraan:
Pagsasanay: Ikahon ang pangngalang pambalana sa bawat pares ng pangngalan
(Sinagot na ang unag bilang)
1. Baguio City - siyudad
2. Lalawigan - Bulacan
3. Sharon - artista
4.Tindera - Aling Maring
5. Bart - basurero
6. Biyernes - araw
7.buwan - Marso
8. Mario - lalaki
B. Balik Aral:
Isulat ng wasto ang mga sumusunod na Pangngalang pantangi.
1. peping - ____________
2. lunes - ____________
3. Rosalie - ____________
4. oktubre - ____________
5. manuel l. quezon - ____________
C. Bagong -Aralin:
1. Pagganyak na Gawain:
Pagtingin sa mga larawan na nasa paakilan o easel
Tanungin ang mga bata kung ano ang masasabi nila tungkol ditto..
2.. Paglalahad/Pagtatalakay:
a. Alamin natin kung paano ipinagdiwang ng mga bata ang kanilang Linggo ng Wika

sa paaralan.
b. Basahin ng anim na bata ang dula-dulaan sa pisara o manila paper Linggo ng
Wika (Dula-dulaan) pp. 6-9
c. Pagsasagot sa mga tanong:
1. Bakit sa Buwan ng Agosto ginaganap ang Linggo ng Wika
2. Sino ang ama ng Wikang Pambansa?
3. Anu-ano ang mga katangian ng Ama ng Wikang Pambansa?
d. Pagbasa ng mga bata ng isang Dula Dulaan:
(Basahin ito ng dalawang bta)
Sitwasyon
Naguusap ang mag-inang Aling Mina at Lorna sa salas ng kanilang bahay.
Nagpapaturo si Lorna nang wastong pagdarasal sa kanyang ina.
Lorna: Nanay, ano po ba ang kahulugan ng pagdarasal?
Aling Mina: Iyon ay paghingi sa Panginoong diyos. Iyon ay pagpupuri at paghingi ng
awa sa Panginoong diyos.
Lorna: Magkakatulad po ba ang paraan ng pagsamba ng mga tao?
Aling Mina: Iba-iba ang paraan ng pagdarasal ng mga tao. Kilala mo sina Gng. Cruz,
hindi ba? Nagsisimba kung Linggo.
Lorna: E, sina Fatima Baud, saan sila sumasamba?
Aling Mina: Sa Mosque sila sumasamba, iisa lamang ang diyos na sinasamba ng
lahat. Kaya tayong lahat ay dapat magmahal sa kapwa natin. Totoo! Ang diyos ay
Pag-ibig!
e. Pag-usapan kung paano nakikipagusap sa diyos ang mga bata.
f. Ang mga pangungusap ay may ibat ibang uri ayon sa gamit
g. Basahin natin ang mga pangungusap na ito mula sa binasang dayalogo
1. Ang pagdarasal ay pagpupouri sa diyos
2. Saan po siila sumasamba?
3. Maari po bang turuan ninyo akong magsdasal?
4. Totoo! Ang Diyos ay Pag-ibig.
3. Paglalahat
Tandaan Natin
Ang Pangungusap ay may ibat ibang uri
a. Ang Pangungusap na Pasalaysay
Ito ay pangungusap na nagsasalaysay, nagpapahayag o nagsasabi ng isang bagay.
Ginagamitan ito ng tuldok (.)
b. Pngungusap na Patanong:
Ito ay nagtatnong. Nagtatapos ito sa tandang pananong (?)
c. Pangungusap na Padamdam:
Ito ay nagpapahayag ng masidhing damdamin. Maari itong masasaad ng
pagkagulat, tuwa, sakit at iba pa. Nagtatpos ito sa tandang padamdam (!)
d. Pangungusap na Pautos/ Pakiusap:
Ito ay nagbibigay ng utos o pakiusap. Ginagamitan ito ng tuldok (.)

4. Pagsasanay
Sabihin kung ang pangungusap ay pasalaysay, patanong o pakiusap.
a. Malamig ang simoy ng hangin
b. Yahoo! Nanalo an gating team
c. Pakiabot ng aking unan.
d. Ilang dosenang itlog ang napulot mo ngayon?
e. Pulutin mo ang kalat sa paligid.
f. Tayo ay mag-aaral nang mabuti.
5. Paglalapat
Sumulat ng tig-dalawang pangungusap na nagsasalaysay ng inyong kanasan.
1. Pasalaysay
2. Patanong
3. padamdam
4. pautos/pakiusap
6. Pagpapahalaga
*Ginawa ba ninyo nang maayos ang inyong mga Gawain?
*Paano ninyo ito ginawa?
*Kung hindi kayo nagging masipag o masigasig, matatapos ba ninyo ang inyong
Gawain?
IV. Pagtataya
Isulat ang pasalaysay, patanong, padamdam, pautos, pakiusap sa bawat patlang
________________1. Takbo! Umuulan na.
________________2. Takot ka bas a kidlat?
________________3. Wla na akong gagawin ngayon. Natapos ko na ang aking project.
________________4. Itago mo na lahat iyan baka mabasa ng ulan.
________________5. Tulungan ninyo naman ako sa aking pagtatanim.

V. Kasunduan
Maghanap ng larawan at magbuo ng ibat ibang pangungusap tungkol ditto na
ginagamitan ng ibat ibang uri ng Pangungusap.

Ipinasa ni:
Ronabelle J. Catahan
Beed- 3B
(Lopsidedtech)

LESSON PLAN IN MAKABAYAN 4

LESSON PLAN IN MAKABAYAN 4


I. Layunin
1. Nakikilala na ang iskala ay ang kaugnayan ng sukat sa mapa sa sukat sa lupa
2. Nakikilala ang ibat-ibang paraan ng pagsulat ng iskala
3. Nasusukat ang layo ng isang lugar sa tulong ng iskala ng mapa.
II. Paksa
A. Paggamit ng iskala sa pagbasa sa Mapa
B. Pagsasanib (integration)
1. GMRC Mabuting pakikipagkapwa
2. FILIPINO Pagsunod at Pagsulat ng panuto
3. MSEP Pagguhit
III. Kagamitan
A. Telebisyon
B. Visual aids
C. Tsart, mapa ng pilipinas,mapa ng alinmang lugar na may iskala
D. Kompyuter ,projector
IV. Pamamaraan
A.Panimulang Gawain
1.pagtsek ng takdang Gawain
2.Pagbalik aral
Anu ang tinatawag na iskala? Paano ito ginagamit?
B. Bagong-Aralin:
1. pagbubuo ng Hinuha
Anu-ano ang ibat ibang paraan ng pagsulat ng iskala?
2. paglalahad
a. Pagbasa sa teksto
b.Pag-aarar sa malaking mapa ng Pilipinas na ipapaskil a pisara.
3.Pagtatalakay
Nasaan ang iskala sa mapa?
Hal___________________50 kilometro
Ano ang kaumbas ng isang sentemetro sa mapa?
Ano ang sinusuka ng iskala?
Alamin ang iskala sa mapa.Kumha ng isang ruler.
Ilagay ito sa pagitan ng dalawang lugar na susukatin ang layo sa isat-isa.
Hal.Kung ang iskala ay 1:50 at ang layo ay 3 sentimetro, paramihin ang 50 sa 3 upang makuha
ang sagot na 150 sentimetro.
FILIPINO AT GMRC INTEGRATION
MSEP INTEGRATIONPakikinig/ Pagkikibahagi sa pagtalakay sa kahalagahan ng mabuting
pakikipagkapwa upang magkaroon ng kapayapaan at kasaganaan sa isag pamayanan/ lipunan.

Pagguhit ng larawan ng mga gamit sa paaralan, sa bahay a sa payanan na nagpapakita ng


paggamit ng iskala.
4. Pagbuo ng kaisipan
Ano ang nakakatulong sa paghanap ng layo ng isang lugar sa iba pang lugar?
5. Paglalapat:
Gamitn ang iskala ng mapa sa pagkuha ng layo ng mga sumusunod:
Lungsod ng Maynila sa Batangas
Lungsod ng Cavite sa Pampanga
6. Pagsasanay
Paggawa ng sariling talaan ng mga mahahalagang impormasyon tungkol sa paksang aralin sa
kwaderno.
V. Pagtataya
Sa tulong ng iskala hanapin ang lugar ng humigit kumulang ay.
1. 450 kiometro ang layo sa Maynila, pahilaga.
VI. Takdang Gawain
Gumawa ng talaan ng mga tunay na layo ng mga lugar na gagamitin ang iskala ng mapang
titingnan.
IPINASA NI EMILYN ALCANTARA BEED 3B
Posted by PSCA EDTECH 2 at 1:29 AM

You might also like