Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

AKSYON PARA SA KAPAYAPAAN AT KATARUNGAN

(AKKAPKA)
Jan. 29, 2015

PANAWAGAN

Ang Aksyon para sa Kapayapaan at Katarungan (AKKAPKA), ay nananawagan ng


kahinahunan sa sambayanang Pilipino, na sa kabila ng nangyaring insidente sa MAMASAPANO,
na kumitil ng maraming buhay, ay nakikiisa sa pakikiramay sa pagtangis sa mga pamilyang
nawalan ng mga mahal sa buhay, sa panig ng PNP-SAF at MILF.
Naniniwala po kami, higit kailan man ang ganitong pangyayari ay hindi magiging sagabal
upang patuloy na isulong ang pagkakaroon ng ganap na kapayapaan sa MINDANAO.
Kami po sa AKKAPKA (Aksyon para sa Kapayapaan at Katarungan), ay dumudulog sa
ating PAMAHALAAN at sa liderato ng MILF, na nawa ay Mabigyan ng Hustisya ang nasabing
insidente, at panatilihin ang KAHINAHUNAN sa magkabilang panig.

SAPAGKAT WALANG DAAN SA KAPAYAPAAN, ANG KAPAYAPAAN ANG TANGING DAAN.


THERE IS NO WAY TO PEACE, PEACE IS THE ONLY WAY.

You might also like