Polusyon

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

Polusyonano ba ito? Hindi gaanong problema yan.

Ito ay maaaring maging reaksiyon


ng mga makabagong bansa ngayon. Marahil ay tama sila. Ano nga ba naman ang
ginagawa ng kanilang maunlad na kaalaman sa teknolohiya at agham? Na patuloy
parin sa pagtuklas ng mga makabagong paraan sa lalong ikauunlad at ikagagaan ng
ating mga Gawain. Subalit sa ating pagunlad na ito, lubha ngang nakakaligtaang
pangalagaan ang ating kapaligiran. Isang halimbawa na rito ang pagkakaimbento ng
sasakyan . Oo ngat nakakapagbigay ito ng kaginhawaan sa pagbibiyahe, subalit sa
pagdami nito, mabilis ding lumalala ang suliranin ng polusyon.
Ang polusyon ay ang pagiging marumi ng kapaligiran o, sa iba pang kahulugan,
kadumihan ng kaisipan. Sa pangkapaligiran, kabilang sa uri ng polusyon ang polusyon
ng hangin at polusyon ng tubig.
Hindi magtatagal ay maaaring hindi na matirhan ang mundo, maaaring malapit ng
magunaw ito. Hindi dahil sa mga bagyong dumaraan sa atin o sa mga lindol na ating
nararanasan. Dahil ito sa unti-unting nang namamatay ang pinakamamahal nating
planeta. Kung magkakatotoo man ito hindi na kasalanan ng kalikasan kundi tayong mga
tao rin. Ang hanging ating lalanghapin ay magiging mapanganib sa ating katawan.
Samantalang ang tubig nating iinumin ay mistulang magiging lason. Ito ang malagim na
dulot ng polusyon, ang ating pangunahing kalaban na hindi nakikita.
Sa simula, pawang nagwawalang bahala lamang ang bansang apektado ng polusyon.
Ngunit dahilan sa dumaring na ang mga taong nagkakasakit st namamatay dahil dito,
nagsisimula ang kilusan laban sa polusyon. Karamihan sa mga industriya at pabrika sa
mundo ay pawing sumusunod sa pagsugpo ng polusyon. May mga bagong tuklas
ngayong mga pamamaraan upang ang mga dumi at usok na inilalabas ng mga pabrika
ay malinis muna bago itapon. Ang mga sasakyan naman ay nilalagyan ng mga
makabagong gadyet upang ang usok na ibinubuga ay hind imaging mapanganib sa
kalusugan.

Subalit kung ating ikukumpara, ilan lamang ang mga pabrika at mga sasakyan sa
milyun-milyong kauri nito sa buong mundo ang gumagawa ng ganitong kaukulang pagiingat. Kaya sadyang nanganganib parin tayo ngayon sa malubhang epekto ng
polusyon. Subalit hindi pa huli ang lahat upang iligtas natin ito. Kooperasyon lamang ng
bawat isa ang kinakailangan. Magtulong-tulong tayo upang mapanatili ang kalinisan ng
ating kapaligiran. mahalin natin ang mundo sapagkat iisa lamang ito. Mayroong apat na
uri ng polusyon, ito ay ang polusyon sa hangin, tubig, lupa, at ingay.

Ang polusyon sa hangin, o air pollution sa Ingles, ay isang suliraning pangkapaligiran


na kasalukuyang kinakaharap ng buong mundo. Sanhi ito ng pagkakaroon ng mga
mapinsalang kemikal sa hangin. Sa modernong lipunan, ang polusyon sa hangin ay
karaniwang nagmumula sa mga sasakyan at sa mga ibinubuga ng mga pabrika. Ang
mga kabahayan at opisina ay may kontribusyon din sa polusyon sa hangin.

Iba-iba ang pollutant sa hangin. Isa sa mga pinakamapinsalang pollutant sa hangin ay


ang carbon dioxide (CO2). Ang CO2 ay natural na matatagpuan sa hangin, ngunit
kapag mataas ang konsentrasyon nito, nagdudulot ito ng greenhouse effect o pag-init
ng mundo. Ayon sa mga eksperto, tumataas ang konsentrasyon ng CO2 ng 4% kada
taon. Ang CO2 ay nagmumula sa pagsunog ng fossil fuels.
Ang nitrogen dioxide (NO2) ay isa pang mapinsalang pollutant. Ito ay karaniwang
nagmumula rin sa pagsunog ng fossil fuels at biomass. Ito ay kulay brown-red at may
mabahong amoy. Ang NO2 ay isa sa mga sanhi ng pagnipis ng stratospheric ozone.
Ang sulfur dioxide (SO2) ay nagmumula sa pagsunog ng mga fuel na may sulfur
katulad ng petroleum at coal. Ang mga pabrika ang karaniwang pinanggagalingan ng
SO2. Ang SO2, kasama ng nitric oxide, ay bumubuo ng iba pang pollutants gaya ng
nitric acid vapor at NO2 na kalaunay nagiging acid rain.
Ang carbon monoxide (CO) naman ay ang ibinubuga ng mga sasakyan. Bagamat wala
itong kulay at amoy, ito ay lubhang mapinsala.
Ang chlorofluorocarbons (CFCs) ay nagmumula sa mga aerosol spray at pagsunog ng
mga plastic foam. Ang CFC ay isang greenhouse gas at nagdudulot ng pag-init ng
mundo.

Ang polusyon sa hangin ay lubhang mapinsala sa pangangatawan. Ayon sa World


Health Organization, 2.4 milyong tao ang namamatay taun-taon sanhi ng polusyon sa
hangin.
Mula sa simpleng pag-ubo, pagkahilo at pagbahing, ang polusyon sa hangin ay
maaaaring maging sanhi ng chronic obstructive pulmonary disease (COPD) gaya ng

asthma, bronchitis, pneumonia, emphysema. Ang ilang sakit sa atay, puso at utak ay
itinuturo ring dulot ng polusyon sa hangin.

Higit na kilala sa tawag na Philippine Clean Air Act of 1999', ang Batas Repulika Blg.
8749 ay itinuturing na isa sa mga pinakamahalagang batas na nalikha sa bansa. Ito ay
naglalayong panatilihing malinis ang hangin sa pamamagitan ng pagbuo ng mga
pambansang programa at pagpigil sa polusyon sa hangin.

Maraming nagiging bunga ang polusyon sa hangin. Isa rito ay ang ulang asido.
Nangyayari ito kung may mga mapaminsalang kemikal tulad ng SO2 at NO ay
napupunta sa ating atmospera at humahalo sa tubig ulan sa mga ulap. Matapos nito,
mahuhulog ito sa lupa sa pormang tubig ulan at kung masydong mababa ang ph nito,
ito ay nagiging ulang asido. Ang ulang asido ay maaring maging sanhi ng pagdumi ng
mga lupa na maaring taniman, pagkasira ng ilang konkreto o semento sa mga gusali o
kaya naman ay pagkasira ng balanse ng buhay sa mga dagat, ilog, lawa, batis at iba
pang
malalaking
katawan
ng
tubig.
Isa pang bung ng polusyon sa hangin ay ang tinatawag na smog. Ito ay ang
pinaghalong usok at sulpur dioxide na nakakasira sa hangin pati na rin sa ating
kaalusugan. Ilan sa mga sakit na maaring idulot ng smog ay asma, empaysima,
bronkaytis at maari din maging sanhi ng paguubo at mga alergies.
Isa pang bunga ng polusyon sa hangin ay ang pagtaas ng pandaigdigang temperatura.
Ito ay sanhi ng pagkukumpol-kumpol ng CO2 at iba pang mapaminsalang kemikal sa
atmospera na tinatawag na grinhaws gases. Nangyayari ang tinatawag na grinhaws
efek kapag ang mga mapaminsalang kemekal o ang mga grinhaws gases ay
nagkukumpol-kumpol sa ating atmospera. Dahil dito, ang init na mula sa araw ay
kinukuha at iniipon ng mga grinhaws gases na ito imbes na bumalik ang init sa
kalawakan. Kaya naman ang nagiging epekto nito ay mas nagiging maiinit at tumataas
ang ating pandaigdigang temperatura. Kahit kaunting pagtaas lamang sa temperatura
ay maarin nang magsanhi ng malaking kawalan ng balanse sa mga tao at hayop.
Bukod pa rito, unti unti ring natutunaw ang mga yelo sa taas at baba ng mundo na
nagiging sanhi ng pagtaas ng lebel ng tubig sa atin. Kung di natin ito mapipigilan,
maaring maging mas madalas ang pagbaha. Isa pang epekto ng grinhaws ay ang
pagbabago ng ating pandaigdigang klima. Kaya inaasahang mas magiging malalakas
ang mga darating na bagyo at mas magiging mainit at mahirap ang mga darating ng
mga
tagtuyot
o
El
nino.

Isa pang bunga ng polusyon sa hangin ay ang pagkasira ng atmospera partikular ang
startospera. Ang stratospera ang humaharang sa sinag at init ng araw upang di naman
masyadong maging maiinit sa mundo. Dito natatagpuan ang ozone na isang manipis na
leyer na siyang nagsisilbing harang sa mapaminsalang init ng araw. Nasisira ang
stratospera kasama na rin ang ozone dahil sa mga mapaminsalang CFC of
cloroflourocarbon. Dahil sa CFC, nasisira nito ang ozone at mas nakakapasok ang
sinag ng araw sa ating daigdig partikular sa may bahagi ng Antartika. Kung hindi natin
ito mapipigilan, maaring magsanhi pa ito ng mas mabilis na pagkatunaw ng yelo sa
ating daigdig at maaring maging sanhi ng pagtaas ng lebel ng tubig sa iba't ibang
bahagi ng mundo. Katulad ng grinhaws, maaring magsanhi ang mga CFC sa madalas
na
pagbaha
at
pagkasira
sa
pandaigdigang
klima
ng
mundo.
Maraming maaring maging masamang bunga ang polusyon sa hangin hindi lamang sa
ating kapaligiran ngunit pati na rin sa ating kalusugan. Ilan sa mga maari mong makuha
ay kanser lalo na sa baga, asma, bronkaytis, panghihina ng baga, alergy, lagnat,
paguubo, pagkairita sa mata, ilong o kaya naman sa ibang parte ng iyon katawan,
numonya at pagkahina ng baga.
Mahigit na limang taon na rin mula nang pagtibayin ang Clean Air Act o RA 8749. Sapat
na panahon na ito upang makita ang nagawa nito sa paglilinis ng hangin lalo na sa mga
pangunahing siyudad sa Metro Manila.
Ang ebalwasyon ay hindi lang ginagawa sa sarling pananaw kundi base sa masusing
pagmo-monitor at pag-aaral at pagsasagawa ng pananaliksik.
Ang taong 2003 hanggang 2004 ay mahahalagang panahon para sa kampanya ng
pamahalaan upang linisin ang hangin. Kabilang sa milestones ng Clean Air Act at ng
implementing rules and regulations (IRR) ay ang nagpi-phase-out ng leaded gasoline.
At noong unleaded gasoline na ang ginagamit, nabawasan pa ang aromatics mula 45
percent hanggang 35 percent.
Maliban dito ipinatupad din ang pagbawas ng sulphur content ng automotive diesel
mula sa 0.2 percent hanggang 0.05 percent at pagbawas ng 0.3 percent maximum
sulpur ng industrial diesel. Isa pang mahalagang nagawa dahil sa Clean Air Act ay ang
pagtanggal ng mga incinerators na ginagamit sa mga bio-medical wastes.
Pinasimulan din ang paggamit ng mga malinis na alternatibong gasolina tulad ng CNG
o compressed natural gas at liquefied petroleum gas.
Ang paglalagay ng air quality monitoring stations sa iba;t ibang bahagi ng Metro Manila
at sa iba pang siyudad ay malaking tulong upang ma-monitor ang pagbuti o pagsama
ng kalagayan ng hangin at upang makakuha ng mga impormasyon para
makapagsagawa ng pollution management at control program.

Ang polusyon sa tubig ay naidudulot ng pagkawala ng disiplina ng mga tao o


mamamayan sa isang comunidad. ang paggamit ng mga mangingisda ng pampasabog.
Ito
ay
tumutukoy
sa
pagdumi
ng
anumang
katawan
ng
tubig dahil sa mga duming industriyal,dumi ng tuberyas at iba pang
bagay na maituturing na nakapipinsala sa buhay na organismo.

Hindi matatawaran ang epekto ng polusyon sa tubig na nagdudulot ng problemang hindi


lamang pang-ekonomiya kundi maging pangkalusugan. Ayon sa World Bank, P67
bilyong piso ang nawawala bawat taon sa ating bansa dahil sa polusyon sa tubig kung

saan P3 bilyon sa pagkaluging ito ay mula sa gastusing pangkalusugan, P17 bilyon


mula sa kawalan sa ani ng ating mga mangingisda, at P47 bilyon naman ang bunga ng
pagbaba
ng
ating
kalagayang
panturismo.

Isa itong masakit na katotohanang dapat ayusin, sapagkat ang polusyon sa tubig ay
isang problemang resulta ng kawalang pagmamalasakit o pagpapahalaga ng bawat
mamamayan sa biyayang bigay ng Poong Maykapal. Sa katunayan, 48 porsiyento ng
polusyon sa tubig ay nagmumula sa ating mga kabahayan, at ang natitira naman ay
nahahati sa polusyong mula sa pagsasaka (37%) at mula sa mga industriya (15%).

Dalawang programa ang itinaguyod ng Department of Environment ang Natural


Resources, sa pamamagitan ng Environmental Management Bureau (EMB), upang
makatulong sa pagsagot sa problemang dulot ng polusyon sa tubig, ang Industrial
Ecowatch
at
ang
Beach
Ecowatch.

Ang Industrial Ecowatch ay isang programang inilunsad ng EMB kaakibat ng mga


pagbabantay na isinasagawa sa iba’t ibang industriya hinggil sa naidudulot nilang
mga polusyon sa tubig. Kasama sa programang ito ang paghahayag sa publiko ng
resulta ng mga pagsusuri ng EMB nang sa gayon ay mapanatili o di kaya’y
maisaayos ng mga industriya ang kanilang mga gawain upang masigurong naaayon
ang kanilang operasyon sa batas, at upang mabawasan ang mga polusyong dulot ng
mga
nasabing
industriya
para
sa
kapakanan
ng
mamamayan.

Ang mga kompanyang lumalabag sa tinalagang pamantayan ng Clean Water Act ay


maaaring isara ng DENR at maaari rin silang pagbayarin ng multa.

Ganito rin ang layunin ng Beach Ecowatch ; ang matiyak na mataas na kalidad ng ating
mga pampaliguang dagat. Sa programang ito, patuloy ang pagbabantay ng EMB sa ibat
ibang resort sa bansa, kaakibat ng pakikipag-usap sa mga nagmamay-ari at
namamahala pati sa mga lokal na pamahalaang sumasakop sa mga ito na
magsasagawa ng mga hakbang upang mapanatiling maayos at malinis ang mga
pampaliguang
dagat
na
ito.

Ang ekonomiya ng bansa ay nakasalalay sa pagpapanatiling balanse ng pag-unlad ng


ibat ibang industriya at ng pangangalaga ng kalikasan. Ang balanseng ito ay dapat na
isaisip ng bawat mamamayan dahil ito ay para sa kapakanan hindi lamang sa
pangkasalukuyan kundi para sa mga susunod na pang henerasyon. Ang pangangalaga
sa ating katubigan ay hindi iba sa layuning ito sapagkat ang tubig, ayon nga sa
kasabihan, ay buhay; at sa tulung-tulong nating paglulutas ng problemang polusyon sa
tubig ay ang pinag-isa nating kontribusyon sa paglago ng ating ekonomiya, at
pagsasaayos ng kalusugan
Ayon sa pagmomonitor sa mga ilog sa bansa, magmula pa noong 1996 ay 51% lamang
sa mga ilog ay kapakipakinabang at maari pang pakinabangan. Ang nalalabing 49% ay
marumi dahil polusyong dulot ng kabahayan, mga pabrika at pagsasaka. Karamihan sa
mga pag-aaral na nagawa ay nagpakita na ang pangunahing sanhi ng organic pollution
(nasa 48%) sa ating mga katubigan ay domestic wastewater. Subalit 3% lamang ng
mga investments sa water supply at sanitasyon ang napupunta sa sanitation and
sewage treatments.
Sa pinakabagong ulat ng World Bank, tinukoy na sa mga pangunahing lungsod sa
Asya, ang Metro Manila ay pangalawa sa may pinakamababang sewer connections, at
wala pang 7% kung ihahambing sa 20% ng Katmandu, Nepal at 30 % ng Dhaka,
Bangladesh.
Sinasabi rin na 31% ng mga karamdaman ay sanhi ng maruming tubig. Maliwanag na
upang matiyak na makakukuha ng malinis na tubig para sa lahat, nararapat lamang na
gumawa ang pamahalaan ng isang komprehensibong istratehiya upang
mapangalagaan ang kalidad ng tubig sa bansa.
Ang Philippine Clean Water Act of 2004 (Republic Act No. 9275) ay naglalayong
mapangalagaan ang mga katubigan ng bansa laban sa polusyon na nagmumula sa
mga establisyimentong komersyal, agricultura, at mga gawaing-pangkabahayan. Ang
batas na Ito ay nagbibigay ng isang komprehensibo at malawakang istratehiya upang
maiwasan at mabawasan ang polusyon. Gagawin ito sa pamamagitan ng isang multisectoral and participatory approach na kinabibilangan ng lahat ng stakeholders.

Ang pamamahala ng kalidad ng tubig ay ibabatay kung ito ay watershed, river basin o
water resources region. Itatakda ng Department of Environment and Natural Resources
(DENR) sa tulong ng National Water Resources Board (NWRB) ang mga water quality
management areas na may magkakatulad na hydrological, hydroecological,

meteorological o geographic conditions na nakaaapekto sa reaksyon at paglaganap ng


mga pollutants sa mga katubigan.
Ang pamamahala ay gagawing lokal at magtatatag ng mga multi-sectoral na governing
boards. Ang mga ito ang siyang mamamahala sa mga isyu tungkol sa kalidad ng tubig
sa loob ng kani-kanilang mga nasasakupan.
Ang mga Governing Boards ay kabibilangan ng mga kinatawan ng mga alkalde at mga
gobernador ng mga kasaping Local Government Units (LGUs), mga kinatawan ng mga
may kaugnayang tanggapan ng pambansang pamahalaan, mga rehistradong NonGovernment Organizations (NGOs), mga may kapakanang water utility sector, at sektor
ng negosyo.
Ang mga Governing Boards ay bubuo ng mga estratehiya para sa koordinasyon ng mga
patakaran na kinakailangan para sa epektibong implementasyon ng Batas na ito. Bubuo
sila ng multi-sectoral group upang makapagtatag at magkaroon ng water quality
surveillance at monitoring.
Lahat ng nagmamay-ari at nagpapatakbo ng mga pasilidad na naglalabas ng
wastewater ay kinakailangang kumuha ng permit to discharge mula sa DENR o sa
Laguna Lake Development Authority (LLDA). Ang mga industriya na wala pang permit
ay bibigyan ng hanggang 12 buwan mula sa araw ng pagpapatupad ng mga
panuntunan at reglamento alinsunod sa Batas na ito upang kumuha ng permit to
discharge.
Ang sinumang magtapon ng wastewater sa isang katubigan ay kinakailangang
magbayad ng wastewater charge. Ito ay inaasahang makapaghihikayat ng mga
investments para sa mas malinis na produksyon at mga teknolohiya ukol sa pagkontrol
ng polusyon upang mabawasan ang dami ng nailalabas na pollutants. Papayagan din
ang maayos na pagpapalitan ng effluents sa bawat management area.
Magbibigay rin ng rewards o gantimpala sa mga may-ari o operator kapag ang kalidad
ng kanilang wastewater discharge ay nakahihigit sa pamantayan ng water quality ng
pinagtapunang katubigan. Magbibigay rin ng fiscal at non-fiscal na mga insentibo sa
mga LGUs, water districts, enterprises at mga indibidwal na makabubuo at
makagagawa ng mga naiiba at nalikhang proyekto tungkol sa pangangalaga ng
katubigan.
Ito ay ang pagdudumi sa mga katawan ng tubig sa ating daigdig. Kasama rito ang mga
tubig alat tulad ng mga karagatan at dagat at mga tubig tabang kasama rito ang mga
ilog, lawa, batis, talon at iba pa. Ngunit ayon kay David Krantz at Brad Kifferstein, ito ay

nagaganap kung masyado ng maraming materyal o mga bagay ang napupunta sa


isang katawan ng tubig. Masyadong maraming materyal at mga bagay na magdudulot
sa isang katawan ng tubig na hindi na magawa ang mga tungkulin nito. Kapag nangyari
ito,
sinasabing
ang
tubig
ay
may
polusyon
na.
Maraming sanhi ang polusyon sa tubig. Isa dito ay ang seweyj. Ito ay ang tumutukoy sa
lahat ng dumi na galing sa tao tulad ng ihi, dumi ng tao, at iba pang dumi na galing sa
ating mga bahay. Madalas ang mga seweyj ay kinokolekta mula sa mga kabahayan at
dinadala sa pamamagittan ng mga tubo upang ipunin. Ngunit kung minsan, ang mga
sweyj na ito ay nadadala sa mga ilog at dagat na nagiging sanhi ng polusyon sa tubig.
Isa pang sanhi ng polusyon sa tubig ay ang mga pertilizer. Ang pertilizer ay mga
produktong nagpapabilis sa pagpapalaki ng mga halaman. Merong dalawang klase ng
pertilizer at ito ang organiko at di organiko. Ang mga organikong pertilizer ay
nagtataglay ng karbon habang ang di organikong pertilizer naman ay hindi nagtataglay
ng mga karbon. Nangyayari ang polusyon ng pertilezer kung maraming pertilizer ang
mapunta sa mga katawang ng tubing lalo na sa mga ilog dahil sa ito ay malalapit sa
mga bukid. Kung nangyari ito, maaring maapektuhan ang buhay ng ilang hayop sa ilog.
Bukod pa rito, ang mga pertilizer ay maaring pabilisin ang paglaki ng mga halamang
pantubig. Kung nangyari ito, masisira ang balanse ng buhay sa ilalim ng tubig. Maari rin
nitong harangan ang ating mga irrigasyon na makakasira sa ating pagamit ng tubig.
Maari ding komunsumo ng mas maraming oxygen ang mga halamang ito dahil sa mas
marami sila at mas mabilis tumubo. Maari ding harangan ng mga halamang ito ang
sinag ng araw sa ilalim ng tubig na maaring makaapekto sa pamumuhay ng mga hayop
sa
ilalim
ng
tubig.
Bukod sa seweyj at pertilizer, nariyan din ang mga duming galing sa mga industriya na
maari ring magsanhi ng polusyon sa tubig. Ito ay ang mga duming nangaling sa mga
planta at mga gusali at establishimentong may kinalaman sa pagiindustriya. Ang mga
duming ito ay naglalaman ng mga mapaminsalang kemikal na maaring makasira sa
isang katawan ng tubig. Sinasabing ito ang pinakamahirap na solusyuonan na problema
sa polusyong tubig dahil sa ilang taon ang kailangang gugulin upang maayos lamang
ang problemang sanhi ng duming galing sa industriya. Ilang halimbawa nito ay ang
pagtapon ng langis sa tubig na kadalasan ay nagaganap dahil sa paglubog ng mga
barkong may dala nito. Isang halimbawa nito ay ang paglubog ng MV Solar I sa
Guimaras na naging sanhi ng pagkasira ng lawa doon. Bukod pa rito, maraming isda,
iba pang hayop na pantubig at mga halaman ang namatay. Naapektuhan din nito ang
pamumuhay ng mga tao doon dahil sa maraming mangingisda ang hindi na makahuli
ng
isda
kaya
nawalan
sila
ng
kita.
Ngunit hindi naman lahat ng sanhi ng polusyon sa tubig ay gawa ng tao. Mayroon din

tayong tinatawag na natural na sanhi. Isang halimbawa nito ay ang mga trahedyang
nangayayri tulad ng pagputok ng isang bulkan. Sa ganitong pagakaktaon, nagalalabas
ang bulkan ng mga nakakapinsalang kemikal tulad ng sulpur na maaring maging sanhi
ng polusyon sa tubig. Nangyayari ito kung ang mga pirasong inilabas ng bulkang
sumabog ay mapupunta sa mga katawan ng tubig. Maari itong magsanhi sa
pagkamatay ng mga isda, halaman at hayop na pantubig. Hindi lamang ito nagdudulot
ng polusyon sa tubig dahil sa kaya rin nitong magdulot ng polusyon sa hangin pati na
rin sa lupa. Isang halimbawa nito ay ang pagputok ng Bulkang Pinatubo sa Pampanga.
Dahil sa trahedyang ito, maraming namatay at maaraming pananim ang nawasak.
Nagkaroon pa ng tinatawag na lahar na siyang nakapagdulot ng polusyon sa tubig at
lupa. Maging ang pagsabog ng bulkan ay nagdulot ng pagkahalo ng ilang
nakapipinsalang kemikal sa atmospera na naging dahilan ng polusyon sa hangin.
Isa pang halimbawa ng mga natural na sanhi ay ang mga bagyo. Dahil sa bagyo,
natatangay ang ilang materyal na maaring madala sa mga katawan ng tubig. Nariyan
din ang mga pagbaha na siyang naghahatid ng mga nakapipinsalang kemikal tulad ng
mga insektisayd, pestisayd at pertilizer sa mga ilog at karagatan.
Sinasabing halos lahat ng karagatan sa daigdig ngayon ay madumi. Kaya naman
marami itong nagiging masamang bunga sa atin. Isa na dito ay ang pagkamatay ng
mga isda at mga hayop na pantubig. Maari itong maganap dahil sa mga duming
napupunta sa tubig tulad ng sewayj, mga pestisayd, pertilizer o kaya naman mga
duming galing sa mga establshimentong pangindustriya. Kung ang mga duming ito ay
napunta sa tubig, maaring malason ang ilang isda at maaring maging sanhi ng kanilang
pagkamatay. Bukod pa rito, maari ring maging bunga ng polusyon sa tubig ang kawalan
ng tubig na maari nating inumin. Ito ay kasalukuyang nangyayari sa ibang parte ng
mundo kung saan walang mainom ang mga tao dahil sa masyado ng madumi ang
kanilang tubig na dating iniinuman. Kapag nangyari ito, maari itong maging sanhi ng
kamatayan sa mga tao o kaya naman mga mapanganib na sakit lalo na kung madumi
ang iyong maiinom na tubig.

Ang polusyon sa lupa ay ang tawag sa pagkadumi ng ilang anyong lupa mula ng
pagtatapon ng basura kahit saan. Kawalan ng disiplina ng mga tao ang pangunahing
dahilan nito. Nagiging epekto nito ay ang pagkakaroon ng mga aksidente sa mga kalye.
Paano ba nagkakaroon ng polusyon sa lupa? Paano ba nagkakaroon nito? Paano ba
natin maiiwasan ang pagkakaroon ng polusyon sa lupa?
Ang Polusyon sa lupa ay iyong pagtatapon ng mga basura kahit saan at ang
pagpuputol ng mga puno.
Kaya nagkakaroon ng polusyon sa lupa ay dahil sa maling pag tatapon ng basura kung
saan-saan.Ang mga basurang ito ay bumabara sa mga daluyan ng tubig at nagiging
sanhi ng pagkakaroon ng baha.
Ang pag puputol naman ng mga puno sa kabundukan maging sa kapatagan ay isang
sanhi din ng polusyon sa lupa.Sa sobrang pagppuputol ng mga puno ngunit hindi
naman napapaltan ng bago ay lubhang nakasasama sa ating kalikasan.Ang pagkakalbo
ng mga kagubatan ay maaaring magdulot ng matinding pagbaha o unos.Sapagkat wala
na ang mga punong nagpuprotekta o sumisipsip sa mga tubig na dapat ay papunta sa
kapatagan.At mababawasan na rin ang ating pagkukunan ng ating likas na yaman na
ating napapakinabangan.
Ang PD 705 ay patungkol sa pagprotekta ng kagubatan at kakahuyan sa Pilipinas.
Nilalaman ng batas na ito ang epektibong pangangasiwa ng mga lupain at yamang-lupa
sa bansa, at kabilang dito ang pagtakda sa uri ng mga pampublikong lupain upang
malaman kung anong uri ng pangangalaga ang dapag ilaan para dito. Ang isa pang
mahalagang probisyon ng batas ay ang pangangasiwa sa dami at uri ng kakahuyan na
maaaring putulin, pati na rin ang pamamaraan ng pagkamit ng lisensya ng mga
kompanyang puputol ng puno. Ang tinukoy bilang tagapamahala sa pangangasiwang ito
ay ang Bureau of Forest Development. Ang batas na ito ay inaprubahan noong Mayo
1975.
Ang mga proyekto ng pamahalaan na nangangalaga ng mga likas na yaman ng bansa ay ang
mga sumusunod:
Oplan Sagip Gubat kung saan ipinagbabawal ang pagtrotroso sa lahat ng matatandang gubat
sa Pilipinas.

Sloping Agricultural Land Technology o SALT na naglulunsod ng pagtatanim sa gilid ng bundok


o burol upang maiwasan ang erosion o pag-guho ng lupa.
Ang pagbabawal ng paggamit ng pinung-pinong lambat sa panghuhuli ng mga isda.
Ang pagbabawal ng pamahalaan sa pagtatayo ng mga pagawaan malapit sa dagat.
Pagpapatayo ng marine park upang makita ng mga tao kung gaano kaganda ang mga likas na
yaman ng karagatan.
mahigpit na pagbabawal ng pakakaingin o pagsunog ng mgta punong-kahoy sa kagubatan.
pagsasagawa ng reforestation o muling pagyayabong sa ating kagubatan.
kaylangang palitan ang mga punog puputulin sa kagubatan .
pag-gamit ng mga organikong pataba.
pag-bubungkal ng mga lupang matagal ng hindi natataniman at hayaan muna ito ng mga ilang
araw upang bumalik ang kalusugan nito

Ang panghuli ay ang polusyon sa ingay. Ang polusyon ng ingay, o noise pollution sa
Ingles, ay isang uri ng polusyon na bagamat hindi pisikal ay nakapagdudulot ng
panganib o nakaiistorbo sa mga gawain ng tao at hayop. Maaari itong magmula sa tao,
hayop, industriya, transportasyon at ilan pang bahagi ng lipunan na may kapasidad
gumawa ng matindi at napalakas na ingay.
Marami ang maaaring pagmulan ng ingay. Sa modernong panahon, ang polusyon ng
ingay ay karaniwang nagmumula sa linya ng transportasyon gaya ng sound alarm,
busina at exhaust system ng mga tren, motorsiklo, kotse at bus. Ang mga sasakyang
panghihimpapawid ay nakapagdudulot din ng polusyon ng ingay di lamang sa paligid ng
mga paliparan, kundi pati sa mga ruta ng mga sasakyang ito. Malaki rin ang
kontribusyon ng mga pabrika sa polusyon ng ingay. Ang kanilang mga makina, trak, at
iba pang kagamitan ay sanhi ng polusyon ng ingay sa nakapaligid na lugar na
karaniwan'y residential areas. Ang mga tahanan ay maaari ring magdulot ng polusyon
ng ingay sa pamamagitan ng mga entertainment at kitchen appliances gaya ng
telebisyon, stereo, food processor, blender, at iba pa.
Bagamat kadalasang naisasantabi, ang epekto ng polusyon ng ingay ay napakalawak.
Ang pinakapangkaraniwang epekto nito sa kalusugan, halimbawa, ay ang pagkawala
ng pandinig. Sa katunayan, ang mga taong nagtatrabaho sa mga lugar na kadalasang
maingay ay may problema sa pandinig.
Bukod pa rito, ang polusyon ng ingay ay maaari ring magdulot ng alta presyon at sakit
sa puso. Ito ay sapagkat ang ingay ay nakakapagpataas ng blood pressure. Kapag may
altra presyon ang isang tao, maaari siyang magkaroon ng sakit sa puso.
Ang polusyon ng ingay ay nagiging sanhi rin ng stress at kawalan ng konsentrasyon.

Bukod sa mga tao, ang polusyon ng ingay ay may malaking epekto sa mga hayop.
Halimbawa, kapag malakas ang ingay sa kanilang habitat, ang kanilang mga normal na
gawain gaya ng mating, pakikipag-communicate at paghahanap ng pagkain ay lubhang
nagbabago, dahilan upang malagay sila sa panganib.

You might also like