Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Kabihasnang Mesopotamia

Kabihasnang Mesopotamia

- Matatagpuan ito sa rehiyon ng Fertile Crescent


- Ang salitang Mesopotamia ay nagmula sa mga salitang Greek na meso na ang ibig sabihin ay
pagitan at potamos o ilog
- Nangangahulugang ang lupain sa dalawang ilog. Dalawang ilog ang dumadaloy rito: ang mga ilog
Tigris at Euphrates na parehong nagmula sa kabundukan ng Armenia at tumatagos sa Golpo ng
Persia.
- Ang ilog Tigris at Euphrates ay nagiiwan ng matabang lupa na ginagamit naman sa pagsasaka. At
nagsisilbi din silang daanan ng mga kalakal na patungong Golpo mula sa dagat Mediterranean.
- Sa Mesopotamia nahubog ang apat na kabihasnan: Ang Sumer, Babylonia, Akkad at mga Assyria

SUMERIANS

- Ang Katimugang Mesopotamia ay tinawag na Sumer. Ang mga [amayanang malapit sa ilog ay
bumuo ng 12 lungsod/estado na pinamumunuan ng isang lugal o hari.
- Matatagpuan sa bawat estado ang mga templong tinatawag na ziggurat.
- Ang ziggurat ay nagsisilbing sagradong tahanan at templo ng mga patron o diyos ng isang lungsod.
Samakatuwid, ang mga pari lang ang maaring pumasok dito.
- Ang kanilang mga diyos ay may katangian o katauhan ng isang tao (anthropomorphic).
- Ang mga kaganapan sa Sumer ay naitala sa pamamagitan ng kanilang sistema ng pagsusulat. Itoy
tinatawag na cuneiform na ibig sabihin ay wedge-shaped.
- Clay table at stylus ang kanilang ginagamit sa pagsulat.
- Mayroon din silang sasakyan na tinatawag na chariot.
- Nalikha nila ang gulong at araro.
- Mga tanim nila: barley, chickpeas, lentils, millet, wheat, dates, lettuce, leeks, singkamas, mustasa,
sibuyas at bawang.

AKKADIANS

- Ang mga lungsod sa katimugan ay nagsimula muling isulong ang kanilang pagiging Malaya.
- Pangunahin sa mga lungsod na ito ay ang Ur sa Ilalim ni Ur Nammu, ang lungsod na ito naging
kabisera ng isang imperyo na kumalaban sa Akkadian.
- 2100 b.c.e panandaliang nabawi ng Ur ang kapangyarihan nito pinamunuan amg sumer at akkad,
at nagpatayo rin ng ziggurat si Ur Nammu sa Ur.
- Sa ilalim ng pamumuno ng apo ni ur nammu na si ibbi-su ang ur ay bumagsak sa pagdating ng mga
Amorite at hurrian sa Mesopotamia.

BABYLONIANS

- Ang lungsod ng Babylon ay nagsimulang lumakas na humantong sa pagsakop ng Mesopotamia at


paghahari
ni
Hammurabi
mula
1792
hanggang
1750
b.c.e.
Ang
Babylon
ang
naging
kabisera
ng
imperyong
babylonia.
Hammurabi`s
Code
-Ang katipunan ng mga batas ni Hammurabi, na mas kilala bilang code of Hammurabi o batas ni
Hammurabi, ay isa sa pinakamahalagang ambag ng mga sinaunang tao sa kabihasnan.
-Noong 1595 b.c.e, sinalakay ng mga Hittite mula sa Anatolia ang Babylon. Matagumpay sila at
nakuha
nila
ang
estatwa
ni
marduk,
ang
patron
ng
Babylon.
-Pinaniniwalaang ang mga kassite na naghari sa Babylon at ang kaharian ng hurrian sa mittani sa
hilaga
ang
namayani
sa
Mesopotamia.
-Ang mga kassite at hurrian ay mula sa mga tala ng new kingdom sa Egypt at Hittite sa kanluran.
-Ang mga Hittite ay orihinal na nagmula sa hilagang-silangan bahagi ng black sea.

You might also like