Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Jao, Ma. Digiena Alexa A.

Fil 101.1 Sec. 13 (WF 1:30 3:00)


Bakit Pilipinas
Magulo ang mundo ng wikang Filipino. Kahit tayong mga Pilipino ay
nalilito na sa ating sariling identidad. Pati sa pangalan ng bansa, pinagaawayan. Sa aking palagay, hindi na dapat palitan ang Pilipinas dahil unang
una, ito ay ating nakasanayan na. Pangalawa, may pagtingin na pag F,
ibinabalik mo yung panahon na sinakop tayo ng mga kastila. Pangatlo, ang
ortograpiya ng ating bansa ay mayroon namang letrang P at letrang F, kaya
bakit pa kailangan baguhin kung mayroon naman pareho? Pangapat,
gagastos nang malaki kung lahat ng opisiyal na dokumento ng bansa
papalitan ang pagbaybay ng Pilipinas at magastos rin para sa ating
mamamayan. Panglima, kung ang mga edukadong tao hindi na maintindihan
o nalilito sa pagbabagong ito, paano pa ang mga taong maralita at mga nasa
lower class? Hindi ito madaling unawain lalo na kung nakasanayan na ng tao
at maaring sabihin lang nila na mas marami pang problem ang Pilipinas at
hindi lang iyon. Panganim, magiging isang dahilan ba ito para sa
diskriminasyon sa mga maralita? Diba Filipinas, napakasosyal naman
pakinggan. Eh kung ang simpleng mga salitang may F ang umpisa hindi
mabigkas ng maayos ng ibang Pilipino, paano pa kaya kung gawing Filipinas
ang Pilipinas. Lalo silang pagtatawanan, lalong magkakaroon ng kaguluhan.
Pangpito, kung ang nakasaad sa memo ng KWF na maaring hindi galawin ang
mga pangalan ng institusyong may Pilipinas sa pangalan nito at mga bagong
tatag na lamang na mga institusyon ang susunod sa paggamit ng Filipinas,

nadedefeat yung purpose nung pagiging binding nung Filipinas kasi imbis na
Pilipinas at Philippines nalang, magkakaroon pa ng Filipinas na dagdag. Sabi
nila, para daw magkaroon ng standardization, kaso nga ang problema, imbis
na kumaunti ang pangalan ng ating bansa, nadagdagan pa ito. At ang
panghuli, kaya iniba nila ang wikang Pilipino at naging wikang Filipino ito
dahil gusto nila masama ang iba pang wika sa ibang parte ng Pilipinas dahil
ang wikang Pilipino ay nakabase lang sa Tagalog. Binago na nila ito at
nagkaroon na ng tinatawag nating inclusivity, kaya bakit pa natin kailangan
palitan ang Pilipinas ng Filipinas kung naabot na nating ang pag-iisa ng ibat
ibang rehiyon sa ating bansa? Hindi madaling tanggapin ng kanariwang
Pilipino ang mga bagay na ito. Kaya nasa iyo na ang kapangyahiran kung
tututol ka o hahayaan mo nalang magbago ang Pilipinas sa Filipinas, para
namang mawawala ang korupsyon kapag mangyari ito. Pilipinas o Filipinas,
ikaw na bahala humusga.

You might also like