Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

IMPLEMENTATION PLAN AND ARRANGEMENT

Para maiimplementa ang mga proyekto at masolusyonan at magawan ng


intervention.Nagbilog kami organisasyon at istruktura kung saan makikita ang ibat ibang
komite na binotohan ng barangay assembly na tututok sa pag implementa ng proyekto sa
barangay.

BARANGAY
REPRESENATION
TEAM (BRT)

PROJECT
PREPARATION
TEAM (PPT)

(3 members)

(3 members)

BSPMC
Chairperson
(1 person)

BIDS & AWARDS


COMMITTEE
(BAC)

AUDIT &
INVENTORY
TEAM (A&IT)

(Brgy. Treasurer
is an automatic
member +
another 2
members)

(3
members)

BARANGAY
TREASURER
KALAHI CIDSS
SECRETARY
BOOK KEEPER

(1 person)

(1 person)

PROCUREMENT
TEAM (PT)
(3 members)

IMPLEMENTATIO
N TEAM (PIT)

PROJECT

MONITORING &
INSPECTION
TEAM (M&IT)

(3 members)

(3 members)

OPERATION &
MAINTAINANCE
COMMITTEE
(O&M)

GRIEVANCE
REDRESS
COMMITTEE
(GRS)

(3 members)

Brgy. Lupon
members

Base sa naunang istrukturang ginawa, dito naman isasalaysay ang mga proseso upang
matugunan ang mga solusyon o interbensyon na iminumungkahi at ang mga gawain at
functions ng kada komite na nakapaloob dito:

Ang Barangay Assembly (BA) ay ang syang pinakamataas na decision making body,
lahat ng pag-uusap sa komunidad, mga plano at mga desisyong nagawa ay sasang
ayunan o babaguhin sa pamamagitan nito. Ang lahat ng Gawain at aktibidad ay

ilalahad sa asembliya para magkaroon ng participatory process at para maging open


at transparent ang lahat ng gawain na may kinalaman sa proyekto.

Ang Barangay Development Council (BDC) ay ang magiging katuwang ng komunidad


sa lahat ng gawain ng barangay. Sila ang mag susupervise sa implementasyon ng
proyekto, gagawa ng mga resolusyon ukol dito at tutulong rin sila sa pagmomobilize
ng taumbayan at hihimok sa kanilang patuloy na pagsuporta sa implementasyon ng
proyekto.

Ang Barangay Representation Team (BRT) ay mapapaloob sa Municipal Interbarangay Forum (MIBF). Sila ay ang magsisilbing boses ng barangay sa mga
meetings at aktibidad sa MIBF.

Ang Project Preparation Team (PPT) ay responsible sa pag gawa ng community


proposal ng kanilang barangay at sila rin ang hahawid ng mga dokumento at
supporting documents na kailangan para sa pag iimplementa ng proyekto.

Ang Barangay Sub-project Management Committee (BSPMC) ay ang pangkalahatang


tagapamahala ng lahat ng bagay na may kinalaman sa proyekto. Ito ay
kapapalooban ng ibat-ibang komitiba na may kanya kanyang atas at gawain, sila
ang magmamanage ng proyekto sa implementation stage nito at sila ang
maglalahad sa asembliya kung ano na ang estado ng nasabing proyekto.

Ang Bids and Awards Committee (BAC) ay ang responsableng mamili ng mga
mananalo sa bidding na mangyayari para sa mga materyales na gagamitin sa
nasabing proyekto.

Ang Audit and Inventory Team (AIT) ay ang magmomonitor o mag checheck ng
pondo na hinahawakan ng treasurer. Sila rin ang responsible sa pag-check ng ulat
pinansya ng bookkeeper.

Ang Barangay Treasurer naman ang responsible sa pag tago at pag hawak ng pondo
na gagamitin para sa nasabing proyekto.

Ang bookkeeper naman ang syang mag dodocumento ng lahat na transaksyong


pang pinansyal na gagamitin sa proyekto, siya rin ang maghahawid ng lahat ng
dokumento at papeles sa lahat ng nasabing transaksyon.

Ang barangay secretary naman ang mag rerecord ng lahat ng minutes,


documentations at resolutions sa lahat ng meetings at asembliya na may kinalaman
sa proyekto.

Ang Procurement Team (PT) ay ang mamamahala sa pag canvass at pagbili ng mga
gamit at materyales na kakailanganin para sa proyekto. Sila ay maghahanda ng
procurement plan at magiging secretariat ng BAC.

Ang Project Implementation Team (PIT) ay ang mamamahala sa araw araw na


pagpapatrabaho sa proyekto. Sila rin ang mag peprepare at magpapatibay ng weekly
schedule ng disbursements ng BSPMC.

Ang Monitoring and Inspection Team (MIT) naman ang magsusuri sa oras ng patrabaho, materyales at iba pang bagay na may kaugnayan sa pag iimplementa ng
proyekto.

Ang Operation and Maintenance Team (O&M) naman ang responsible sa pagbubuo at
pag oorganisa ng grupo na mamamahala at magpaplano sa sustainability at
maintenance ng nasabing proyekto pakatapos ng construction nito.

Ang Grievance and Redress Committee (GRC) naman ay ang syang tatanggap ng mga
reklamo, mungkahi, puna o puri sa barangay para sa ikagaganda o ikaka improve ng
nasabing proyekto. Sila rin ay gagawa ng Fact-finding Group na magreresulba sa mga
concerns sa barangay level bago ito makaabot sa municipal level.

You might also like