Cases

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

Language body wants 'Pilipinas' changed to

'Filipinas'
by Aurea Calica, The Philippine Star
Posted at 06/30/2013 4:27 PM | Updated as of 06/30/2013 4:27 PM
MANILA - Malacaang said yesterday changing Pilipinas to Filipinas, as adopted by the Komisyon sa
Wikang Filipino (KWF), would be an interesting discussion.
In a resolution dated April 12, which also went viral, the KWF decided to revive the use of Filipinas
instead of Pilipinas to promote the official and modern name of the country.
The commission said Filipinos could be more united with a better sense of history.
Let us see what the various sectors reaction will be, deputy presidential spokesperson Abigail Valte said
over radio dzRB.
Valte said there is no letter f in the Filipino alphabet before and so Pilipinas was used.
Now that f is back, the commission deemed it fit to make use of Filipinas in seals, letterheads,
notepads and other materials.
Valte said the issue has yet to be discussed with President Aquino.
The name of the Philippines is short for The Philippine Islands, derived from King Philip II of Spain in the
16th century.
Filipinas used to be the official name of the archipelago but it changed in the course of history.
The name Philippines was officially adopted during the American period.

FILIPINAS AT PILIPINAS: ALIN ANG ALIN?


July 14, 2013 by Jeanny Burce in Pagkapilipino at Kultura.

Nitong nakaraang mga linggo lamang, usap-usapan sa buong kapuluan (at sa


lahat ng mga concern na Pilipino) ang pagpapalit ng internasyunal na ngalan ng
ating bansa. Mula sa Pilipinas, iminungkahi ni Virgilio Almario ang pagpapalit
ng pangalan bilang Filipinas. Sa isang artikulo ni Almario noong 1992, isinulat
at iminungkahi nya ang pagpatay sa katawagang Pilipinas. Dahilan nito,
hindi raw tayo nagkakaisa sa katawagan sa ating bansa. Dagdag pa nito, gusto
nyang magkaroon ng unity o pagkakaisa sa bawat Pilipino sa pamamagitan
ng pagtawag ng iisa lamang na ngalan. Ayon sa kanya, may tatlong katawagan
ang ating bansa na nais nyang tanggaling at palitan na lamang ng Filipinas.
Ito ay ang Philippines, Pilipinas at Filipinas.

Ang ating bansa ay ipinangalan sa hari ng Espanya noong nasakop tayo o


nadiskubre tayo ng mga Espanyol. At dahil dito, naging basehan ito sa
pagpapangalan natin sa modernong panahon. Ano nga ba talaga ang nararapat?
Pilipinas? Filipinas? O Philippines?

FILIPINAS
Sa pagdating sa akin ng balitang ito, isa lamang ang inisyal na reaksyon
na nabuo sa aking isipan. Bakit naman? Hindi bat parang nirerecognize natin
ang mga Espanyol sa paggamit ng katawagan na ito sa ating bansa? Hindi ba
parang ang dating nito ay hindi maka-pilipino?
Bago pa ang panahon ni Quezon, hindi kasali ang letrang banyaga sa ating
opisyal na alpabeto ng ating wika. Ngunit, kinalaunan, naaprubahan na ito na
idagdag na lamang ang mga banyagang letra tulad ng C, F, V, Z at iba pa. Kung
ating susuriin ito sa ganitong perspektibo, hindi kaya parang Spanish ang dating

nito sa internasyunal na komunidad? Hindi kaya masabi nila na parang nasa


ilalim pa rin tayo ng impluwensya ng ating unang mananakop na Espanya?

PHILIPPINES
Kung atin namang ipagpapatuloy ang katawagan o pangalang ito, para
sa akin, okay lang naman. Pero, sa pagsusuri ko nito, parang ang dating naman
nito ay nasa ilalim pa rin tayo ng impluwensya ng mga Amerikano. Isa rin itong
punto ni Almario. Dahil katulad ng mga bansang Chile, Mexico, at iba pa na
nasakop ng mga Espanyol, napanatili nila ito at hindi na napalitan. Gusto
lamang siguro ng iba na ipagpatuloy ang mga katawagan sa atin simula pa
lamang nang nasasakop tayo ng mga banyagang Espanyol.
Pero para sa akin, kung papalitan man ang pangalan ng ating bansa, hindi ko rin
gusto ang ganitong katawagan sa atin dahil ang dating sa akin ng pangalan na
ito ay kanluranin partikular na ng Ingles na linggwahe ng mga Kano.

PILIPINAS
Kung sakaling papalitan ang pangalan ng ating bansa, ang pinaka-gusto
ko sa tatlo ay ang Pilipinas. Hindi lang dahil ito ay makamasa, kundi dahil ito
ay pilipinong pilipino kung banggitin. Malalaman ng mga dayuhan ang ating
pagkapilipino at pagmamahal sa ating wika kung ito ang ating gagamiting
ngalang pang-internasyunal.

Anuman ang maging desisyon ng nakakataas, sana naman e, kahit papaano ay


ibase rin nila sa ating lahi at linggwahe. Maganda rin sana kung isasaalangalang rin nila ang ating kasaysayan at kung paano nabuo ang ating lahi sa
pamamagitan ng paghubog at pagiging isa Pilipino.

EDITORYAL - Pilipinas o Filipinas?


(Pang-Masa) | Updated July 5, 2013 - 12:00am

ISINUSULONG ng Komisyon ng Wikang Filipino ang pagpapalit sa Pilipinas para gawing Filipinas.
Pero kakaunti ang pumapabor na baguhin pa ang pangalan. Sa survey kahapon ng TV program
Umagang Kay Ganda, lumabas na 11% lamang ang gustong baguhin ang pangalan ng bansa at
89% ang tutol. Huwag na raw pagtuunan ng pansin ang isyung ito at harapin na lang mga
kasalukuyang problema ng bansa. Maganda naman daw ang Pilipinas kaya huwag nang baguhin.
Maaari raw malito pa ang mga batang mag-aaral kung papalitan pa. Marami raw apektado kapag
pinalitan ng F ang P. May nagsabi na kapag napalitan ng Filipinas ay magiging Finoy ang mga
tao.
Maganda naman ang layunin ng Komisyon kaya isinusulong nila ang pagpapalit ng pangalan. Ito
raw kasing Filipinas ang talagang orihinal na pangalan ng bansa kaya ito ang nararapat.
Nadagdagan na rin ang alpabetong Filipino at naisama na ang titik F at V. Sabi naman ng
tagapangulo ng Komisyon na si National Artist Virgilio Almario, kapag pinalitan ang pangalan ng
Pilipinas wala namang babaguhin sa mga dati nang pangalan o titulo. Halimbawa ang University of
the Philippines ay iyon pa rin ang pangalan.
Sa survey ng Yahoo.com kahapon, marami ring hindi pumapabor sa pagpapalit ng pangalan ng
bansa. Sa survery tinanong ng Yahoo kung ano ang prefer na pangalan: Philippines, Pilipinas o
Filipinas. Mas marami ang nagsabing Philippines, 71%; Pilipinas, 20 at Filipinas, 9%.
Para sa amin, tama na ang kasalukuyang pangalan ng bansa. Sapat na ito. Ang nararapat na lang
ay pasiglahin ng Komisyon ang pagpapalawak pa sa paggamit ng Filipino. Magkaroon sana ng mga
paligsahan sa pagsulat, pagsasalita at pagkanta gamit ang wikang Filipino. Sa aming palagay,
makakahikayat ito para magkaroon ng alab ang mga kabataan sa pagmamahal sa sariling wika at
pagiging Pilipino.

From the Editor: Gunitain ang Pilipinas at patayin ang


Felipe upang mabuhay ang Republika ng Filipinas
Email ThisBlogThis!Share to TwitterShare to Facebook

Ni
Richard
2:59PM, Thursday, July 4, 2013

R.

Gappi

Angono, Rizal, Filipinas

Sumuko na ang Bataan.

Optional na lang naman daw ang paggamit sa Filipinas sabi ng nagpanukala nito na si Prof.
Virgilio S. Almario (Sir Rio Alma) na punong komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino o
KWF. At bago ako katayin at pulutanin sa artikulong ito, bibigyang diin ko muna ang aking
tindig.

Sa pag-uusap, paglalaan ng oras at pangangatwiran sa pagpabor o hindi pagpabor sa


pagpapanukala ko sa Filipinas imbes na Pilipinas, una, itinuturing ko itong hindi pagsasayang
ng oras at hindi kaartehan. Ang pagresolba sa p at f ay may diwa at kaluluwa na kasing-antas
ng ipinaglalaban na espasyo, lugar sa kasaysayan, at pagsasarili katulad ng Bangsa Moro,
Republika ng Filipinas.

Ikalawa, sa ilalatag kong panukalang katwiran kung bakit dapat Filipinas, hindi ito makamananakop at maka-dayuhan. Hindi rin ito magiging gender-biased.

Ikatlo, hindi rin magastos kapag pumayag at ginamit ang Filipinas. Ito, sa tingin ko, ang
pinakamahinang argumento kontra sa pagpapalit/Filipinas. I-assume natin na aprubado na ang
Filipinas, maaari namang bigyan ng panahon/transisyon ayon sa kani-kanilang kakayahan at
resources ang pagpapalit sa P. Halimbawa sa mga aklat, kung every three years nagpapalit ng
textbook, ipatupad ang aplikasyon ng F pagkatapos ng tatlong taon. Ang mga letterhead, kung
taunan ang pag-order at pagpapagawa, sa susunod na taon ipatupad ang F. Sa mga school
building, kung kailan kaya ng mga eskwelahan. Basta ang mahalaga, tanggap na ang katwiran at
itinuturo na ito sa mga bata kung bakit Filipinas at hindi na Pilipinas ang pangalan ng
bansa.

At ikaapat. pinapangarap ko ang ganitong tagpo: na kapag may magtanong man, halimbawa, sa
quiz bee ng mga bata kung kanino ipinangalanan ang Filipinas? tama at kumpyansa nilang
isasagot na hindi kay Felipe na Hari ng Espanya kundi galing ito sa mga wika ng bawat Filipino
sa Filipinas ngayong ika-21 siglo.

Kamakailan, naglabas ang KWF ng resolusyon tungkol sa pagpigil sa paggamit sa Pilipinas at


paghimok na palitan ito ng Filipinas upang tukuyin ang pangalan ng ating bansa. (Tingnan ang
resolusyon sa link na ito: http://www.kwf.gov.ph/wp-content/uploads/Resolution-13-19.pdf ).

Sang-ayon ako at isasapraktika ko sa pagsusulat ko ang panukala ng KWF na gamitin ang


Filipinas pamalit sa Pilipinas. NGUNIT hindi ako sumasang-ayon sa inilalako o itinatampok
na pinag-uugatang PINAKADAHILAN kung bakit Filipinas ang kailangang gamitin.

Para sa akin, panahon na para gunitain na lang ang Pilipinas. Panahon na rin para muling
patayin ang Felipe. At mas napapanahon ngayon para buhayin ang Republika ng Filipinas.

Boses ng Masa

Noong isang araw, July 2, lumabas sa isang online newspaper na tinatalakay ang isyu na ito.
(End of 'Philippines?' A call to use only Filipinas for the country. By CARMELA G. LAPEA,
GMA
News.July
2,
2013
4:48pm:http://www.gmanetwork.com/news/story/315595/lifestyle/culture/end-ofphilippines-a-call-to-use-only-filipinas-for-the-country )

Impormatibo ang artikulo, binaybay ang mga panahon at pagkakataon kung kailan tinangkang
palitan ang pangalan ng ating bansa.

Gayunman, mas interesanting basahin ang mga nagko-comment dahil patunay ang mga ito na
flammable o bagay na madaling magpaliyab ng emosyon at antas ng kaalaman ang pagtatakda
ng ukol sa patakarang pangwika. Nasasalamin din sa mga comment na ito ang kalagayan ng
ating sistemang pang-edukasyon.

Mahahati sa apat na sangay ang mga komento.

Una, may mas mahalaga pa daw dapat pagtuunan kaysa pagtalunan ito.

Sabi ng isa: Uunalad nab a at matatapos na ba ang kahirapan ng bansa pag pnalitan ng f ung
pilipinas? unahin nyo ekonomiya, kng ano anong kaartehan. Halos katulad ito ng sunud-sunod
na tanong ng isa pa: Yayaman na ba tyo nyan? Titino na mga political leader nyan? Aayos na
ang peace and order ng Filipinas?

Sundot naman ng isa, Dapat bigyan ng pansin ang higit na lumalalang problema ng bansa tulad
ng; pangkabuhayan, edukasyon at ang sobrang pagtaas ng bilihin, bakit papalitan po eh ayun
marami namang nagmamagaling at mapupuno ang mga bulsa ng may pakana nito!

Yung isa naman, maiksi pero siksik ang komento: Multi-million pso dollar business ang F

Ang ikalawang komento ay sumasapol sa damdaming nasyonalismo.

Sabi ng isa: My pagka lahing espanyol yta ang gumawa jn,hehehehe.tama daming arte,,,,,

Dagdag pa ng isang komento: filipinas e espanyol un e. are we defecting back to spain??? is that
what the commission is saying??? are they mental??? have they completely gone bonkers!??

Ang ikatlong komento ay may halong patawa tungkol sa F.

Sabi ng isa: ang bkla tlga ng tunog hahaaaa finas hnd n pinas...finoy haaaa iwan s mga bliw.. at
sundot naman ng isa patungkol sa mga nagpasa ng nasabing resolusyon: naglaladlad na ang
mga hinayupak.

Ang pang-apat ay pinakamarahas:

Wala na bang ibang matino, sabi ng isa. Talagang wala ng bagay na magagawa na matino ang
kasalukuyang pamahalaan! Sign of idiotcracy! dugtong ng isa pa.

What the heck?! Nonsense, a waste! sabi naman ng isang Inglesera.

Payo naman para sa mga taga-KWF ng isang nagkomento: Hay naku nasaan ang pagkapilipino
ng nagpapatupad nyan katanga nmn eh wa nmang Ff sa alpabetong pilipino ang nagpapatupad
nyan hndi tunay n Pilipino.

Katulad ito ng komento ng isa pa na: pwde ba , bago nyo baguhIn ang pangaLan ng pinas eI
idagdag nyo muna ang letrang F sa aLpabetong piLipino ..

Realisasyon naman ng isang nag-react: meron plng komisyon ng wikang filipino. . pasensya
parang nkpgtapos aq lahat lahat ngayon ko lng nalaman. aq b alawmg wenta o ung komisyon?
kc ala ata nagagawa matino para sa improvement ng wika etc. sayang lng budget para senyo!!

Anyare?

Kasalanan natin itong lahat laluna tayong mga guro sa Filipino at mga manunulat sa Filipino
dahil may kahinaan pa rin tayo na hindi natin naipapaabot sa mas marami at mas malawak
kung ano at kung ano na nga nga ba ang kalagayan ng nag-eevolve o yumayabong na wikang
Filipino.

Pero bago tayo umalagwa, tatlong prerequisite muna:

Una, hindi porque nagta-Tagalog o nagpi-Filipino ay makabayan/makabansa na agad. Kaugnay


nito, hindi porque nag-i-Ingles ay hindi na makabayan. Si Quezon na umanoy Ama ng Wika
ang isa sa pinaka-pro-Amerikano na nagtampok ng nasyonalismong Filipino na nakapayong sa
gawain at adhikain ng Imperyalismong US. Samantalang si Recto na nag-i-Ingles at Espanyol sa
kanyang mga talumpati at sulatin ang pinakanagtampok ng nasyonalismong Filipino na
nakabatay sa diwa na ang Filipinas ay magpasya ng ayon sa kanyang sarili.

Ikalawa, iba ang Tagalog sa Filipino. Ang Tagalog ay dayalekto o wika lamang ng mga nasa gitna
at timog Luzon. Ang dayalekto ay tumutukoy sa wikang ginagamit ng mga tao sa isang
partikular na lugar na nahihiwalay o napapaderan mula sa ibang mga kultura dahil sa
heograpikal na katangian ng lugar na iyon. Ang Tagalog ay wika ng mga
mga nasa gitna at timog Luzon tulad ng lalawigan ng Rizal, Cavite, Batangas, Laguna, Quezon,
Bulacan, Mindoro, at iba pa. (Philip Anorico, Kolum: ANG MASASABI KO LANG Angono
Rizal News Online, August 28, 212)

Isang dahilan kung bakit may mga nag-aakala na Tagalog nga ang ating opisyal na wika ay dahil
noong 1937 ay idineklara nga itong wikang pambansa ni Quezon. Tinawag siyang Ama ng
Wikang Pambansa sapagkat siya ang unang nagtakda ng wikang pambansa na lilinangin upang
mapagbuklod ang bansa na nagsasalita sa humigit-kumulang 300 wika at wikain.

Ano naman ang Pilipino? Ang Pilipino ay idineklarang wikang pambansa noong 1959 sa bisa ng
kautusan ng kalihim ng DepEd noon. Ngunit ang Pilipino na iyon ay nakabatay din sa wikang
Tagalog. Ibig sabihin, iisa ang balangkas at nilalaman ng Pilipino at Tagalog. Kumbaga,
pinalitan lang ng pangalan pero Tagalog pa rin ang wikang pambansa. (Anorico, Ang Masasabi
Ko Lang). Kaugnay dito ang 20 titik/alpabeto na a (a) b (ba) (ka) d (da) e (e) g (ga) h (ha) i (i) l
(la) m (ma) n (na) nga, o, p (pa) r (ra) s (sa) t (ta) u, w (wa) at y (ya).

At ikatlo, ang Filipino ang ating wikang pambansa, batay na rin sa 1986 Constitution. Naging
wikang pambansa ang Filipino dahil ito ang lingua franca ibig sabihin kapag nag-usap ang
Waray at Ilokano, hindi Tagalog ang ginagamit nila para magkaintindihan kundi ang Filipino.
Nakabatay ang Filipino hindi na lamang sa Tagalog kundi sa mga wika at wikain sa Filipinas, at
mga wikang banyaga pangunahin na ang wikang Ingles at Espanyol. May pitong pangunahing
wika sa Filipinas at ito ang Tagalog, Ilokano, Cebuano, Kapampangan, Bikolano, Hiligaynon, at
Waray. Mayroon naman tayong higit sa 300 wikain sa bansa tulad ng Ivatan, Kankanaey,
Chavacano, atbp.

Kaya dito na nabago ang alpabetong Filipino dahil may 28 na titik na ito alinsunod sa Ingles.
Kaya ang dating a b (ba), k (ka) d (da) ay a (ey) b (bi) c (si) d (di) na at naidagdag na rin ang mga
titik na f, j, n (enye), q, v, at x. Ito ang piniling ginamit at ipinatupad dahil batay na rin sa pagaaral at pananaliksik ng mga eksperto sa wika, endemiko oindigenous, halimbawa, ang f at v
sa mga katutubong wika sa bansa. Kung kaya sa Filipino, binigyan ng puwang, hinihikayat,
pinapapasok at niyayakap ang mga katutubong wika sa atin upang mag-ambag sa pagevolve. Samakatuwid, ang Filipino ay isang wikang buhay at bukas na bukas sa mga bagong
salita.

Pilipinas o Filipinas?

Muli ngang tumampok sa social network at pambansang usapan ang p at f dahil nga sa
resolusyon ng KWF. At kung babalikan ko ang nabanggit ko kanina na apat na sangay ng mga
komento, hindi pag-aaksaya ng panahon, hindi kaartehan at hindi kaululan ang pagtalunan at
pagpanig sa f man o p.

Dahil nasa f at p ang konteksto ng lengwahe, ang kasaysayang nakaakibat dito, at sabihin na
ang pampulitika at pang-ekonomiyang pwersa dito. Nasa f at p ang kasaysayan ng nang-e-etsa
pwera at inietsapwera, ang dominante at saguiguilid, at kung sinong wika ang handa at bukasloob na tumanggap ng pagbabago batay na rin sa material reality na nasa ating kaligiran at
kasaysayan. Sa panahon ng pagkabuo at paglikha dito, ang Pilipinas ay produkto ng panahon
ng Pilipino (bilang wika), ng Tagalog imperialism sa larangan ng ating wika. Eksklusibista ito,
hindi mapangyakap at mapagtanggap. Kaya maalab itong tinutulan ng mga taga-Cebu at
Visayas.

Sa ganitong punto at argumento kung bakit ako pabor sa Filipinas -- kinakatawan ng f ang
mapangyakap, pangkalahatan at kontra-Imperyalismong Maynila/Tagalog na pagdidikta sa
nagpapanibago, modernisado, at yumayabong na wika natin; itinatampok nito ang lahat ng wika
saan mang rehiyon ng bansa; at naninindigan ito na ang bawat kultura at wika saan mang dako
ng Filipinas at daigdig kung saan may Filipino ay may pareho at patas na katatayuan at
maiaambag sa pagbubuo ng kamalayan at kasaysayang pambansa. Wala ito sa Pilipino (bilang
wika) o kung meron man, nakakupot ito sa heograpiya ng Katagalugan.

SA GANITONG PUNTO DIN kung bakit kahit pumapabor ako sa paggamit sa Filipinas, hindi ko
naman tanggap at hindi ko sinasang-ayunan ang inilalako o itinatampok na pinag-uugatang
PINAKADAHILAN kung bakit Filipinas ang kailangang gamitin.

Hindi makakatulong sa pagsusulong ng progresibong kaisipan at edukasyon kung ikakatwiran at


ikakawing natin kay Felipe na Hari ng Espanya ang Filipinas. Palyadong kaisipan ito para sa
akin dahil hindi mapagpalaya ang nais na iiwang kaakuhan o identidad katulad ng kung paano
ipinangalan ang Cesar Virata School sa UP College of Business and Administration. Sa isang
banda, dito wasto ang puna ng isang komento na bumabalik tayo sa panahon ng Kastila bilang
alipin at sinakop ng kolonyalismo.

Dahil dito, sa tingin ko, kapag simple at direkta lang natin na ITINAMPOK AT IKINATWIRAN
na ang Filipinas ay galing sa F na mga wika sa Filipinas at ambag ng banyagang wika,
magiging mas maluwag ang puwang ng pagtanggap sa Filipinas. Mawawala na rin ang makakanluran at maka-mananakop na diwa at gunita na na nakaangkas sa Filipinas si Haring
Felipe ng Espanya.

Maaaring may sumusog at mangatwiran: pero hindi naman ganoon karami ang salitang Ff na
nasa UP Diksyonaryo ng Wikang Filipino kumpara sa ibang titik/letra? Tama naman yun. Pero
ang pagtanggap sa F ay simbolikal din na pagtanggap sa ibang titik na ipinasok sa alpabetong
Filipino J, N (enye), Q, V, at X.

Dagdag pa kapag ganito ang ating mapagkakaisahang katwiran at dahilan -- kapag simple at
direkta lang natin na ITINAMPOK AT IKINATWIRAN na ang Filipinas ay galing sa F na mga
wika sa Filipinas malulusaw na rin ang puna sa Filipinas na ito ay may gender bias (tulad ng
sabi ni Maam Lilia na kapag ginawa mong Filipinas ang ngalan ng bansa ipinapasok mo siya sa
sistema ng pagkakasariang Espanyol. ""O" sa lalaki, "A" sa babae. Ano ba, matutuwa ba kayong
mga lalaki na Filipinas ngalan ng babae ang ngalan bansa? Ibig sabihin, hindi siya gender
sensitive! Ang Pilipinas ay Tagalog at alam nating lahat, walang kasarian ang lahat ng mga wika
sa Pilipinas.)

Sa ganitong aspetong gender din matitimbang ang mga may gusto sa Pilipinas pero ayaw sa
Filipinas. Dahil bakit sa bakla natin LAGI AT UNANG inia-associate ang F? Bakit hindi
maipihit sa isip na laluna sa usapin ng wika sa Filipinas ang f at v ay kumakatawan sa
ating mga katutubong wika at kultura? Sa pagsasabi na bakla ang f at v pantay at gendersensitive ba nating tinitingnan at tinatanggap ang mga katutubo na nagsasalita ng mga salita at
wikang ito at ang kanilang kultura? Bakit pumapayag ang kabaklaan na ang pagkabakla ay
ilarawan sa pangalan ng bansa? Mahina daw ang f at mas matigas ang p. Mahina ba ang mga
bakla? Mas may matitigas pa nga sa kanila

Sa kabilang banda naman, sa mga gustong gamitin at panatilihin ang Pilipinas (sa konteksto ng
Pilipino bilang wika sa panahon ni Quezon) dahil NAKASANAYAN NA RAW, ibig bang sabihin

nito na kailangan nating tanggapin ang nakasanayan na na may isang wika na angat sa lahat?
Ano at bakit ang nakasanayan -- ang batayang wika na Pilipino/Tagalog? May nagsabi din na
kapag ginawang Filipinas, marami ang mababago. Pero hindi ba ito nga ang puso at pusod ng
wikang Filipino -- na ito ay nasa proseso ng ebolusyon, nililinang, yumayabong kung kaya
inevitable
na
mababago,
may
mababago
at
may
magbabago?
Dagdag pa, ibig bang sabihin nito na nakasanayan na natin kaya kailangang nang tanggapin ang
maniobra, kasaysayan, at realidad pampulitika kung paano nabuo ang Pilipino sa Pilipinas
noong 1937 bilang wikang pambansa?

Ibig bang sabihin nito na ang Pilipinas noong may Pilipino (bilang wika) -- sa panahon ni
Quezon na ideklara itong pambansang wika -- ay Pilipinas pa rin ngayon kahit alam nating
hindi na sinasalamin ng Pilipinas/Pilipino ang realidad pangwika at kaligiran ng
Filipinas/Filipino ngayon? (Basahin ang kaugnay na artikulo/tula: Poetry: Opkors, nakakain
ang F ni Richard R. Gappi sa link na ito:http://www.rizalnewsonline.com/2013/07/poetryopkors-nakakain-ang-f-ni-richard.html)

Pinararatangan natin ang pro-Filipinas na maka-kolonyalista at maka-dayuhan ang pananaw


dahil kay Felipe pero sa pagkapiit natin sa Pilipino/Pilipinas, hindi kaya tayo nagiging Tagalogcentric at tagabandila ng Tagalog imperialism? Hindi kaya nagiging makitid, sarado, at
ekslusibista tayo kapag ganito? Nais nating nag-eevolve at yumabong ang Filipino pero hindi
kaya ang ganitong tindig ay pasibo?

Dagdag pa na totoo, mala-kolonyal at mala-pyudal pa rin ang kalagayan ng bansa. Pero meron
bang realidad ng f sa panahon ni Quezon at ng Pilipinas/Pilipino? Kahit may mga Ifugao,
Ivatan, Tiruray, Visaya at Muslim sa panahon ni Quezon, ang mga wika ba nila ay OPISYAL,
MALAY AT CONSCIOUS na hinihimok, pinapapasok, at nakapasok sa wikang Pilipino?

Sa 1935 Constitution, Tagalog ang naging basehan ng pambansang wika. Sa 1973 Constitution,
ito naman ang sabi: The National Assembly shall take steps towards the development and
formal adoption of common national language to be known as Filipino. Pero Pilipino (na base
sa Tagalog) ang pambansang wika pa rin batay na rin kay Secretary of Justice Vicente Abad
Santos matapos lumiham-magtanong si Institute of National Language Director Ponciano B.P.
Pineda.

Sa 1986 Constitution, ito ang sabi: Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang
nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa
iba pang mga wika.. Pero ang tampok dito, ang sinasabi sa Seksyon 7: Ang mga wikang

panrehyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehyon at magsisilbi na pantulong ng


mga wikang panturo roon.

Anong ibig sabihin at implikasyon nito?

Una, kahit sa pangalawang ulit nabanggit sa ating Konstitusyon (1973 at 1986) ang yumayabong
na Filipino, ang pambansang wika pa rin mula 1973 hanggang 1986 ay ang Pilipino-Tagalog
based ni Quezon.

Pahapyaw pero malinaw na mahihiwatigan ito sa linya ng 1986 Constitution na Samantalang


nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa SALIG SA UMIIRAL NA WIKA SA
PILIPINAS at sa iba pang mga wika.. Wala itong ipinag-iba sa diwa sa linya sa 1973
Constitution na The National Assembly shall take steps towards the development and formal
adoption of common national language to be known as Filipino.

Sa simpleng salita, sa 1973 at 1986 Constitution, FUTURE TENSE pa ang Filipino


SAMANTALANG existing ang Tagalog-based Pilipino bilang pambansang wika.

Para sa akin at sa tingin ko, panahon na para BIGYAN NG KAGALANG-GALANG AT TIYAK na


pwesto at lugar ang Filipino -- kumbaga matagal na siyang palaboy-laboy at kinukupkop ng
bawat puntahan nyang lugar sa Filipinas PERO wala siyang sariling bahay na matatawag na
kanya ang kabuuang bansa. At magagawa ito kung Filipinas ang gagamiting pangalan ng
bansa DAHIL HINDI LANG WIKA/KALULUWA na kinakatawan ng Filipino bilang
pambansang wika ang naitatakda kundi natutukoy din ang KATAWAN/BANSA/LUNAN.

Napapanahon ito lalupat sinabi sa 1986 Constitution, Ang mga wikang panrehyon ay
pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehyon at magsisilbi na pantulong ng mga wikang
panturo roon.

Ibig sabihin, sa unang tiyak, kongkreto at malinaw na pagkasulat, pormal nang itinatampok at
kinikilala ang ibang wika sa Filipinas bilang makakapag-ambag sa pagbubuo ng gahum
(worldview) at gunita ng bansa (pangunahin sa mga institusyong pang-edukasyon). Hindi na
salingpusa ang mga wikang katutubo at rehyon kundi may pantay nang antas sa
Pilipino/Tagalog.

Ano ang maaaring solusyon?

Mungkahi ko ang titulo ng sanaysay na ito: Gunitain ang Pilipino at patayin ang Felipe upang
Mabuhay ang Republika ng Filipinas.

Marahas marahil ang paggamit sa patayin ang Pilipinas kaya isinusuko ko na ito gaya ng una
kong panukala. Palitan natin ang patayin ng gunitain. Dahil totoo, sabi nga ni Maam Lilia
Santiago, mas makapangyarihan ang gunita kaysa salita. Papaano mo papatayin ang Pilipinas
sa "bayan kong Pilipinas" ni Jose Corazon de Jesus, hige nga? tanong ni Maam Lilia.

Pero ang sagot kong tanong din: kaninong gunita ito at gaano kalawak, mapanghamig at
mapangyakap? Gunita ba ito ng mga Tagalog tulad ni de Jesus o gunita ng lampas sa Maynila at
Katagalugan? Hindi kaya ito ang imposition ng isang gunita ng isang wika/grupo ng mga tao sa
Filipinas sa kapwa at ibang tao sa Filipinas? Ina-assume ba natin na ang gunita ni De Jesus ay
salamin-gunita din agad ng mga Ivatan, Tiruray o ng mga Muslim sa Mindanao sa gunita na ito
ng Pilipinas (bilang bansa)?

Sa pagpabor ko sa Filipinas, sa halimbawang Sa bayan kong Pilipinas, hindi natin ito


minemenos o minamaliit kundi isinasakonteksto at tinatangka nating sabihin na ang gunitang
ito (ni de Jesus) ay isang bahagi lamang ng mga gunita ng ibat ibang tao sa Filipinas na may
ibat ibang wika.

Ngayon, paano natin isusulat o tatawagin ang mga institusyon?

Sa Filipino, ang bansa natin: Republika ng Filipinas. Kung Ingles, Republic of the Philippines pa
rin dahil ang Ph sa Philippines ay may tunog F na. Citizenship o tawag sa mga nakatira o
naninirahan Filipino ito man ay sulat sa Ingles o Filipino kung magpi-fill up ng
biodata/resume. Languages Spoken: English, Tagalog, Filipino, Waray.

Yung eskwelahang pinanggalingan ko, sa Filipino: Unibersidad ng Filipinas o akronim na UF,


hindi UFi, dahil ang tawag/tunog sa mga letra sa alpabetong Filipino ay ayon sa bigkas-Ingles
maliban sa enye na galing sa Espanyol. Kaya ang tunog/bigkas ng F ay ef. Kung Ingles
naman, University of the Philippines pa rin o UP.

Pamantasang Normal ng Filipinas. Akronim: PNF (pi-en-ef). Sa Ingles, Philippine Normal


University.

Paano yung pekpek? Fekfek na ba ngayon? Pekpek na yan dati pa dahil taal na at hindi naman
hiram na wika ang salitang orihinal nito. Ang mga salitang may p na natanggap na ng wikang
Filipino ay hindi papalitan ng f kaya mali ang patawa na "Fanatang Makabayan, tinapay na
fandesal.

Ngayon, maaaring may magtanong: Kung ang mga salitang may p na natanggap na ng wikang
Filipino ay hindi papalitan ng f bakit ang pinaka-tamod o ancestor nito -- ang Pilipinas -- na
natanggap na ng wikang Filipino (habang nililinang at pinayayabong ang wikang Filipino) ay
gusto
nyong
palitan
ng
F?
Dahil ang kasaysayan ng pekpek/puke at kasaysayan ng Pilipinas ay magkaiba. Ang pekpek ay
puke na ever since at ito ay anatamokal na bahagi ng tao, ng babae. Pero ang p sa Pilipinas
(ang
bansa
at
tao)
ay
may
kasaysayan
kaya
may
konteksto.
Ayon nga kay Marne Kilates, makata at translator, ang f ay ayon sa ipinalabas ng KWF noong
1986 na alituntunin at gabay sa pagsusulat ng wikang Filipino na makikita sa Ortograpiyang
Pambansa (pansinin na hindi Ortografiyang Fambansa) na pinagbasehan ng "Filipinas". Sa
ortograpiyang ito, ang F ay i-aapply sa mga pangalang pantangi/proper nouns. Kaya ang
mungkahing pagbabalik sa Filipinas ay upang maging consistent at umaayon sa nasabing
ortograpiya.
Paliwanag pa ni Kilates, ang F at iba pang natural sounds na nasa katutubong mga wika sa
Filipinas na nirerepresenta ng mga bagong titik na F, J, V, Z ay i-aaply (hindi ia-affly) sa tatlong
sitwasyon.
Una sa mga pangalang pantangi o proper nouns tulad ng Filipinas, Enriquez, Zacarias. Ikalawa
sa mga hiniram na technical at scientific terms (carbon dioxide) at sa mga katutubong wika sa
Filipinas tulad ng Ibaloy (halimbawa, safot, spider web), Ivatan (halimbawa, vakul, grass
headdress), Maranao and Tausug (halimbawa, masjid para sa mosque at jalan para sa path o
daan),
at
sa
Ibanag
(halimbawa,
zigattu
para
sa
east
o
silangan).
Paliwanag ni Kilates, lohikal at maganda ang layunin ng KWF kung bakit isinama at inilahok
ang mga titik na F at J, V, Z dahil kapag hindi isinama ang F, ang mga pangalang Fidel,
Enriquez, o Zacarias ay magiging mali ang ispeling kapag Pidel, Enriques o Sacarias. Hindi
lamang magiging mali kapag ganito ang ispeling sa pangalan kundi pagwalang galang sa tao na
may
pangalan
nito.

Ang Pinoy at Pinas naman sa tingin ko ay Pinoy at Pinas pa rin dahil kung isasakonteksto
nga natin ito uli, ang Pinoy at Pinas ay umusbong at natanggap sa kanyang partikular na
panahon ng Pilipino/Pilipinas. Pero kapag dumating ang panahon na dumulas na ang dila,
huwag paparatangang bakla at pagtawanan ang batang lalaki lalupat isa siyang Tiruray o
Ivatan -- na magsasabing siya ay Finoy na taga-Finas.

Sa bandang huli, pinapangarap ko ang ganitong tagpo:

Na kapag may magtanong man, halimbawa, sa quiz bee ng mga bata kung kanino
ipinangalanan ang Filipinas? tama at kumpyansa nilang isasagot na hindi kay Felipe na Hari ng
Espanya kundi galing ito sa mga wika ng bawat Filipino sa Filipinas ngayong ika-21 siglo.

You might also like