Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 38

-----------------------------TITLE: Barkada Trip

LENGTH: 3466
DATE: Oct 29, 2012
VOTE COUNT: 572
READ COUNT: 117349
COMMENT COUNT: 114
LANGUAGE: Filipino
AUTHOR: sunnyzaideup
COMPLETED: 1
RATING: 3
MODIFY DATE: 2014-02-28 12:40:08
-----------------------------####################################
Barkada Trip
####################################
Bakasyon na nanaman. Ang panahong hinihintay ng lahat ng estudyante. Panahon ng
pagtatapos. Panahon kung kelan mo iisipin, ano nga ba ang nangyari sa buong scho
ol year?

May pagkakataong, nainis ka sa Prof mo kasi binagsak ka.


Okaya yung nagpapa-cute ka kay crush... Kaso dinedma ka.
Yun bang tambak na ng school works, kaso tinatamad ka talagang gumawa. Kaya iaas
a mo nanaman kay Batman.

At syempre, hindi mawawala ang barkada. Yung kahit na sobrang lungkot mo na, maw
awala yun basta kasama ang barkada. At siguradong lalabas ang gilagid mo kakataw
a basta kasama sila.

Time flies so fast.


Can't actually believe na half way na kami ng college life namen. Yung feeling n
a parang kahapon lang first day. Tapos di pa kame magkakakilala. May kanya kanya
ng mundo pa. Hindi ko napansin na sobrang dami na pala naming memories na na-tre
treasure. Mga kalokohan, kalungkutan, kulitan, katuwaan at kadramahan na sama sa
ma naming na-eexperience. Syempre hindi naging madali samen sa una na pakisamaha
n ang isa't-isa. Pero hanggang patagal ng patagal, mas lalo naming nakikilala an
g isa't-isa at mas lalo naming natitimpla ang tamang ingredients sa true friends
hip namen. Wala namang perfect friendship eh. Di mawawalan ng away at tampuhan.
Pero kahit ganun, at the end of the day, hahanap hanapin parin namen ang isa't-i
sa.
Mapasaya man o lungkot. Magkaroon man ng tampuhan. Basta. Buo ang barkada.

Isang barkada.

Iisa ang trip.


Isang tambayan kung saan nagdadamayan at kulitan.
Isang grupo na.... masasabi mong.... pamilya.

**********
"1... 2... 3...!" Sabay sabay nameng binaba ang kopya ng grades namen sa mesa ng
kubo. "I passed!" sabay sabay nameng sigaw.
"Yaaaay!" Nagtatatalon na si Claire sa tuwa.
"Soooo... anong balak, guys?" tanong ni Nina.
Yes. Barkada trip. Saan kaya magandang magbakasyon ngayon? Sana 'yung medyo maka
katipid ako. Haba ng bakasyon. Walang income.
"I know a place. Sa rest house namen sa Cuenca, Batangas. Actually sa grandparen
ts ko talaga yung bahay." yaya ni Ken.
Yun! May place na. "Tara!"
"Gusto ko yaaaaaan!" Hindi na mapigilan ni Nina ang bursting emotions of happine
ss niya.
"Set na! Set na!" Isa pa 'tong si Sid.
Kanina ko pa napapansing tahimik si Abby. Anong meron?

Ako nga pala si Jenny. Ang pinakamaganda sa barkada. Pero syempre joke lang 'yun
! Solid ako sa section ko. INF112 forever. Kaya lahat ng memories ng 112 nasaksi
han ko.
Si Nina. Nako, eto ang bestfriend kong puro pa-cute ang alam. Hindi na nawalan n
g crush at mahilig mang-prank.
Si Claire. Eto ang bestfriend ko simula't sapul pumasok ako sa kolehiyo. Sobrang
bait nito. At matalino pa. Eto ang source ng barkada tuwing quiz at exam.
Si Abby. Ang tahimik at habulin kong bestfriend. Aba! Mahaba ang hair nito. Nahi
ya ang EDSA sa sobrang kahabaan. Madami ang pumila't nagtangka. Pero sorry na la
ng, dahil si Sid ang nakakuha ng premyo.
Si Sid. Ang hunk kong bestfriend. Fafa ang datingan. Miski lalaki mababading. Tr
ansferee nga pala siya noong first year second sem. At yun, nung nag-transfer, n
a love at first sight ata kay Abby. Hindi na sinukuan.
At si Ken. Ang misteryoso kong bestfriend. May pagka-introvert to eh. Tahimik ma
dalas. Pero nakakakulitan naman namen. Ex-boyfriend nga pala ni Abby. Hindi ko a
lam kung bakit sila nagkalabuan talaga. Tinatanong ko si Abby, pero ayaw na daw
niyang ungkatin kung ano man ang namagitan sakanila ni Ken. Ayaw ko namang tanun
gin si Ken, alam ko namang hindi din siya magsasalita.
####################################
Tuloy na tuloy na

####################################
Narinig kong tumunog ang cellphone ko kaya bigla kong hinalungkat 'yung bag ko.
Teka. Nasaan na nga ba 'yun? Nako naman. Ngayon pa makikipag-hide and seek 'tong
phone ko kung kelan naglalakad ako sa kalsada oh.

Yun! Dyusmiyo!
1 text message received
**********
From: Ken Manalo
Ey guys! Tuloy na tuloy na. Pumayag na sila Mommy and Daddy. Papalinis ko na mam
aya sa caretaker yung bahay. Ako na bahala sa food naten dun. Kayo na bahala sa
van, okay? Pack your things! :)
07:45 pm
03/30/12
**********
Waaaaaah! Mas lalo akong na-excite. Unli smile!
Pagdating ko sa dorm, nadatnan ko si Claire may hagdan. "Oh Claire! Bat andito k
a sa hagdan tumatambay?" Tinabihan ko siya. Ano namang trip nito't dito pa tumam
bay eh ang lamok lamok dito.
"Wala lang. Iniisip ko kasi kung anong mga posibleng mangyari sa Batangas. Iniis
ip ko sina Ken, Sid at Abby. Hindi ba awkward yun?"
"Hm... Sabagay. Eto naman kasing si Abby eh. Haba ng haaaair! Pero almost a year
nanamang wala sila ni Ken. Siguro kahit konti, tanggap na ni Ken 'yun. Tsaka, a
no ba yan. Wag silang KJ ah. Bakasyon 'to ng barkada. Nako! Halika na nga! Mag-i
mpake na tayo!"

"Beeeees! Sumama ka na!" Kanina ko pa sinisigawan 'tong si Abby. Ayaw talaga sum
ama. Badtrip.
"Oo nga, Abby! Sumama ka na. Minsan na nga lang tayo mag-bonding magbabarkada si
mula nung nag midterm eh." Miski 'tong si Claire hindi mapilit pilit 'tong bruha
ng 'to.
"Guys, alam niyo namang hindi ako komportable whenever Ken is around, di ba?" Na
basag din ang katahimikan ni Abby na kanina pa pa-iling iling lang samen. Kaya n
aman pala. Si Papa Ex ang dahilan.
"Helloooo? Ano kame? Andito naman kame eh. Andun si Sid," sagot ni Nina na kanin
a pa hindi makapag-decide kung anong maleta ba gagamitin niya.

"Basta! Bahala kayo!" pagpupumilit ni Abby.


"Bahala kaaa. 'Pag nambabae si Sid dun. Walang magbabantay dun. Minsan lang maka
wala sa paningin mo. Panigurado, maghahanap ng keso ang daga," panakot ko kay Ab
by.
"May tiwala ako kay Sid. Di niya gagawin 'yun."
"Ikaw ren. Bahala ka," inis na sagot ni Nina.
"Guys, 'wag niyo naman akong i-pressure. Ano ba."
Onti na lang. Papayag na 'to. "Ano bang gusto mong gawin namen, bes? Ah sige. Lu
luhudan ka na lang namen."
Lumuhod naman kameng tatlo. "Pleeeeeeaaaaase! Abbbbyyyyy! Sumama kanaaaa!"
"Hmp. Pag-iisipan ko."
"Beeeeessss!"
"Oo na! Oo na! Fine. Sasama na ko."
"Yaaaaaaaaaaaay!"

**********
Sid's POV
"Are you sure na gusto mo talagang sumama? Magpapaiwan na lang din ako dito sa M
anila kung ayaw mo talaga." tanong ko kay Abby habang nag-aayos siya ng damit ni
ya.
"Okay lang ako, Sid," sagot niya sa akin sabay ngiti. I know Abby is just faking
a smile. Ewan ko kung anong napagbago ng isip niya.
####################################
Departure
####################################
Jenny's POV
"Guys, sorry I'm late. Oh ano na? Ready na ba lahat?" Late nanaman ng higit isan
g oras 'tong si Ken. Psh.
"Oo! Kanina pa! Ikaw na nga lang hinihintay eh. Ready na lahat. Kahiya naman say
o eh. Daig mo pa si Noynoy kung magpa-VIP eh." Tinarayan ko na si Ken. Ikaw kaya
maghintay ng ilang oras.
"Init na naman ng ulo mo saken, Jenny," Napakamot siya ng ulo.
"Ewan ko sayo! 12:30am ang call time. 2:30am dumating. Ihulog kita diyan sa bang
in mamaya eh!"
"Tara na! Tara na! Tama na 'yang away." Kundi pa kame aawatin ni Claire hindi ko
titigilan ang kakasermon dito kay Ken.

Pumasok na ako ng van. Sila na bahala magsakay ng mga gamit. Inaantok pa ko. Mak
aiglip nga muna.

"Tulungan niyo kooooo. Wag niyo ng ituloy. Mapapahamak lang kayo. Tulungan niyo
ko. Aaaaaaaaahhhhhhhhh!"

"Huh!" Nagising ako sa nakakasilaw na liwanag. Lintek. Si Sid pala. Pinicture-an


akong natutulog galing sa bintana sa labas. Nakasandal kasi ako sa may bintana.
Nako baka nakanganga ako. "Letse ka, Sid! Humanda ka saken!"
Hala ka. Tinawanan lang ako. Maubusan ka sana ng hininga't mamatay na.

Medyo malayo layo na pala kame. Nasa may SLEX na kame. Stop over sa may gasolina
han. "Bes, tabi tayo." Lumipat ako sa tabi ni Abby. Sakto namang pagpasok ni Sid
sa van.
"Oy! Alis! Alis!" Pagtataboy niya sa akin.
"Dun ka! Lumayas ka dito. Matapos mong istorbohin tulog ko."
"Bantayan mo si Abby ah."
"Nasa loob na nga ng van babantayan pa? Ano lang? Bata?"
"Manahimik na!" Ginulo gulo pa buhok ko. Buti naman at lilipat na 'tong mokong
na 'to.
"Babe, lipat lang ako sa tabi ni Claire ah," paalam niya kay Abby sabay halik sa
noo. May pakiss kiss pang nalalaman. Kiskisin ko mukha niya sa gulong eh.

"Oh guys. Bumili ako ng snacks and drinks," bungad ni Ken pagbalik niya sa van.
Galante talaga 'tong si Ken. Inupakan ko agad 'yung donut.
"San nga pala kayo sa Cuenca, Ken?" tanong ni Nina.
"Sa may Brgy. San Felipe. Bakit?"
"Wala lang. May katextmate kasi ako. Tiga-Cuenca din. Hihi."
Kahit kelan talaga 'tong si Nina. Bawat sulok ata ng Pilipinas may kalandian 'to
eh. Aura ng aura!
Makatulog na nga lang ule.

"Makinig ka saken! Mag-iingat kayo! Umuwi na kayo hangga't maaga! Makinig ka sak
eeeeen!"

Ugh! Aray ko. Tumalsik ata kaluluwa ko sa may dashboard ng van. Bigla kasi itong
prumeno kaya ako nagising. Asan na kame? Ang dilim. "Anyare, guys?"
"Muntik na tayong makasagasa. Shoot! Tignan niyo. Dali!" Nagpapanic na si Claire
. Bumaba ng van si Ken. Nasa zigzag ata kame. Sobrang dilim. Ilaw lang ng sasaky
an namen ang meron dito.
Bumalik na ng van si Ken. "Wala naman."
"No. We need to know kung sino ba 'yun. Hugis tao eh." Kabado si Claire. Nako. P
ati tuloy ako kinakabahan. Maala-I know what you did last summer ang peg netong
si Claire eh.
"Anong gusto mong gawin naten? Maghanap dito sa dilim? Ano ba, Claire." Halong t
akot at inis na sabi ni Nina.
"Tama si Claire, Nina. Mamaya may nasagasaan nga talaga tayo. Kawawa naman." Sum
ang-ayon si Abby kay Claire.
"If you want to go out there and search for nothing, then go ahead! I'm not comi
ng with you," inis na sabi ni Nina.

Bumaba na kame ng van. Wala pa naman kameng dalang mga flashlight. Ilaw lang ng
phones namen ang gamit namen. Naghiwahiwalay kame. Search and rescue ang peg. Ba
ka mamaya kame naman ang maghanapan neto. Basta after 15 minutes at wala pa kame
ng nahanap, balik na kame sa van.
Kinakabahan ako. Baka mamaya bigla na lang akong makatapak ng kung ano dito tapo
s malaglag ako. Okaya biglang may humablot saken. Oh di naman lakad ako ng lakad
dito malalaglag na pala ako ng bangin. Ayyy! Erase! Erase!
"Manooooooong! Aleeeeee! Kung sino man po kayong nasagasaan namen, tutulungan po
namen kayooooo!" Paulit-ulit na 'yung sigaw ko. Mamaya paos na ko sa ginagawa k
o.

Napatigil ako ng may marinig na nag-uusap. Sino 'yun? Ang dilim. Di ko sila maan
inag ng maayos.
"Mahal na mahal kita. Ano ba mga pagkukulang ko?" sabi ng boses ng lalaki. Teka,
kilala ko 'yung boses na 'yun ah.
"Tantanan mo na ko. Paulit-ulit na lang ba tayo? Wala na nga tayo, nag-aaway par
in tayo?" Si Abby ba 'yun?
"Kaya ko. Kaya kong magbago. Pero ang wala ka? Di ko kaya. Magbabago ako para sa
yo. Bumalik ka na." Hawak hawak ng lalaki ng mahigpit 'yung babae sa braso. Hina
likan niya bigla ito. Pero nagpupumiglas 'yung babae.
"Ken!" Si Abby nga! Nakatikim pa ng malutong na sampal si Ken. "Hindi mo na maba
balik lahat, Ken! Wala na! Okay? Bakit ba hindi mo na lang tanggapin 'yun? Ano p
a bang gusto mong marinig? Gusto mo bang ipagsigawan ko pang hindi na kita mahal
? Hindi mo na mababago kung ano man ang mga nangyari. At di ko akalaing makakaya
mong gawin 'yun saken." Tumakbo na si Abby pabalik.

Hanggang ngayon parin pala. Hindi parin nakaka-move on si Ken. Ano ba talaga nan
gyari sakanilang dalawa? Mas lalo akong na-curious sa nakita't narinig ko.
####################################
Arrival
####################################
"Haaaay!" Makaunat naman 'tong si Nina masusuntok na ko. May liwanag na. At andi
to na kame sa resthouse nila Ken.
"Woooooow! Ang ganda naman dito." Tama si Claire. Ang ganda nga dito. Kitang kit
a mong galing talaga sa mayamang pamilya si Ken.
"Pwedeng mag-ikot ikot?" Excited akong libutin buong hacienda nila Ken.
"Sure! Wag lang kayong masyadong lalayo. Tsaka nagpaluto na ako ng lunch naten.
Mayamaya kakain na din."
"Tara! Tara!" Di din excited 'tong si Nina eh.

**********
Abby's POV
Bakit ba kasi ako nandito? Eh kung sumama na lang ako kaynila Dad umuwi sa Cebu.
Ewan ko ba kung bakit ako pumayag sakanila. Pero no regrets. Kasama ko naman si
Sid. Kaso, kasama ko din si Ken. Alam kong nasaktan ko si Ken. Pero mas triple
'yung sakit na ginawa niya saken. Hindi ko talaga aakalain na magagawa niya sake
n 'yun.
Aaminin ko, nung una panakip butas ko lang si Sid. Ayaw kasi akong tigilan ni Ke
n. Pero habang tumatagal, nahuhulog na din ako kay Sid. Lalo na nung mga panahon
g pinagtatanggol niya ako kay Ken at patuloy na dinadamayan. Alam kong ramdam ni
yang sa una ginamit ko lang siya. Pero di siya sumuko. Hindi ko na alam kung ano
ng gagawin ko para lang tantanan na ako ni Ken. Ayokong maapektuhan ang barkada.
Di pwede. Syempre ayoko ng dahil lang saken, mabubuwag kame.

Teka. Nasaan na sila? Mga kasama ko? Patay.


Oh. May isa pa palang bahay dito? Pero mukhang luma't abandonado na.
Lumapit ako patungo doon.

Ang laki ng pinto. Hinawakan ko 'yung kinakalawang na door knob at pumasok. May
kalakihan 'tong sala. Antiques na ang mga gamit.
Pictures. May mga pictures dito sa eskaparate. Pero agaw pansin 'tong picture ng
isang babae.
Ang alikabok na ng bahay. May dalawang pinto sa kaliwa't kanan. Lumapit ako sa m
ay kanan. Hinawakan ko ang door knob at naramdaman ang lamig nito.

"HUWAG MONG BUBUKSAN 'YAN!" May humawak ng mahigpit sa balikat ko. Nabitawan ko
'yung door knob. Napalingon ako sa likod ko. Si Ken.
Na-stuck ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam anong gagawin ko. Dahan dahan siy
ang lumalapit papunta saken. Magkalapit na kame ng mukha. Papalapit ang kamay ni
ya saken. Sinarado niya ang pintong nakauwang sa likod ko.

"Abby! Andito lang pala kayo. Tara na. Handa na daw 'yung tanghalian." Si Sid. T
umakbo ako papunta sakanya't hinatak na siyang lumabas ng bahay. Ayoko ng lingun
in pa si Ken. Natatakot ako. Natatakot ako sa naging reaksyon niya.

"Antagal ah! Namatay na sa gutom 'yung mga bulate ko sa tiyan." Reklamo ni Nina
pagdating namen.
"Abbbyyyy! San ka ba nagsususuooot?!" Isa pa 'tong si Jenny.
"Oh asan si Ken?" Nako Claire. 'Wag mo na siyang hanapin.
"Andaming tanong! Kumain na nga tayo!" suway ko sakanila. Ilang buwan bang hindi
nakakain 'tong si Nina?
Andaming ulam. Ano 'to? Fiesta? Napalingon ako sa may bintana. Tanaw pala dito '
yung lumang bahay. Andun si Ken. Pero sino 'yung kasama niyang matandang lalaki?
Pinapagalitan niya ata. Bakit kaya? Tinuturo niya 'yung bahay habang pinapagali
tan 'yung manong.
####################################
Itapon mo na yan!
####################################
Nina's POV
Ano ba 'yan. Hindi na ko nireplayan ng katext ko. Sino pa bang pwedeng kulitin d
ito sa mga cute guys kong katext? Amm... Si Charles kaya? Ay. Wag na. Baka mamay
a jowabels nanaman niya may hawak ng phone niya.
Pano ba ko magkakaroon ng matinong lovelife? Maganda naman ako. Ata. Matalino na
man. Siguro. Sexy naman. Sana. Malakas naman ang charisma ko. Dun ako nakakasigu
ro. Pero bakit ganun? Wala pa din. Puro paasang lalake dumadating sa buhay ko. G
usto ko ng ma-meet si True Love. 'Yung lalaking aalagaan namen ang isa't-isa. 'Y
ung kahit na pagod na pagod na ako, makita o makatext o marinig ko lang boses ni
ya, wala na 'yung stress ko. 'Yung kahit na may alitan kayo, maya maya isa't-isa
pa din ang hahanapin niyo. Kase happy capsule at stress reliever niyo ang isa't
-isa. Ang sarap siguro nun.
Buti pa sina Abby at Sid. Natagpuan na nila ang isa't-isa. Naniniwala ako na han
ggang huli, sila parin ang para sa isa't-isa. Perfect and happy couple kaya ang
peg ng dalawa. Hindi nga lang halata. Ayaw kase nila ng Public Display of Affect
ion. Umiiwas na din sa mga mapanghusgang mata't maduming isip ng mga tao ngayon.
Gah! Bored to death na ko dito. Pero ang presko ng hangin dito ah. Ang ganda pa
ng view mula dito sa kubo sa gilid ng bahay nila Ken.

Ano nanamang libro hawak ni Claire? "Oy Claire! Akin na nga 'yan!" Hinila ko nga
'yung libro. "Ano ba 'to!?" Gad. Science book!? "Tama na nga ang pagbabasa. Oka
y? Hanggang dito ba naman. It's our summer vacation. VA-CA-TION!"
"Akin na 'yaaaaan!" Pilit na kinukuha ni Claire 'yung libro niya.
"Ayoko nga! Hm... Alam ko na! Ituloy na lang naten 'yung paglilibot. Tara! Dali!
Dali!" Yaya ko sakanila.
"Eeeeh! Masakit ang paa ko." Nag-inarte na naman 'tong si Jenny.
"Ay nako, bes! 'Wag mag-inarte ah!" Tumayo na ko't paniguradong walang tatayo ha
ngga't hindi ko sisimulan.

Aba. Walang sumunod saken! "Ano? Ako lang talaga mag-isa? Ha!?"
"Eto na po!" Buti naman at sinagot ako ni Abby.

**********
Abby's POV
Kinuha ko 'yung cellphone ko sa bulsa ko.
Tumatawag si Sid. "Hello, babe?"
"Babe, asan na kayo?" tanong niya.
"Ah. Eh. Hindi ko alam eh." Napakamot ako ng ulo ko.
"Ano? Anong di mo alam? Bumalik na kayo dito. Mag-gagabi na."
"Eto na. Pabalik na."
"Sige. Mag-ingat kayo. Lalo ka na. I love you."
"Opo. I love you too."

Nasaan na ba kame? Ano, lagi na lang ako maliligaw? Ano bang bakasyon 'to.
"Ano ba 'to, Nina! Kung saan saan mo lang kame dinala eh! Ihhhh! Nakakainis!" su
mbat ni Jenny kay Nina habang nagkakakamot ng binti.
"Nina. Aminin mo nga, naliligaw tayo, noh!?" Mukhang tama 'tong si Claire. Nilil
igaw na ata kame netong si Nina eh.
"Oh my god, Nina. Saan mo ba kame pinagdadala!?" asar na sabi ni Jenny.
"Ewan ko, tiga-dito ba ko?" Pinilosopo naman netong si Nina.
Hala sila. Ginantihan naman ng batok netong si Jenny. Para nanamang aso't pusa '
tong dalawa.
"Aray ko! Hinahanap ko na nga 'yung daan pabalik eh." Paawa effect pa 'tong si N

ina.
"Daan pinagsasabe mo? May nakita ka bang daan? Kita mong puro damo!" Nag-umpisa
na din ang kapilosopohan ni Jenny.

Hindi papaawat 'tong dalawa eh. "Tama na nga 'yan! Dito pa talaga kayong dalawa
nag-away," awat ko sakanila.
"Eh eto kasing babaeng 'to eh," sabe ni Jenny sabay irap kay Nina.
"Naiihi na kooooo!" Nako naman 'tong si Nina.
"Umihi ka na kahit saan diyan," utos ni Jenny kay Nina.
"Anooo? Ayoko nga!" Kaartehan nanaman ni Nina.
"Alam mo, arte arte mo talaga eh. Bilisan mo na't umihi ka na. Nang makabalik na
tayo. Walang makakakita sayong iba diyan at di ka naman rarapein ng mga damo di
to. Bilis!" Eto na si Jenny. Hindi papaawat bunganga neto.
"Oo na! Oo na!"

Mayamaya pa tumatakbong pabalik sa amin si Nina. "Guys! Guys!"


"Oh anong nangyari sayo?" pagtataka ni Claire.
"May nakita akong kwintas. Look!" Pinakita niya samen 'yung kwintas. Ginto at ma
y pendat na krus. Parang pamilyar. Feeling ko nakita ko na 'yun. Teka, saan nga
ba? Hm... Hindi ko matandaan. Pero pamilyar talaga eh.
"Oy, bitawan mo nga 'yan! May nag mamay-ari niyan." Tinapik ni Jenny 'yung kamay
ni Nina.
"Eh! Finders keeper. Okay? Inggit ka lang." Tignan mo 'tong si Nina, parang bata
. Dinilaan pa si Jenny.
"Nina, itapon mo na 'yan," suway ko kay Nina. Tama si Jenny. May ibang nagmamayari nun.
"Guys, bat ba ang ki-KJ niyo? Ayoko. Akin na 'to. Mamaya eto pa ang maging lucky
charm ko," pasaway na sagot ni Nina.
"More like a bad luck charm!" Hindi talaga mapigilan bunganga netong si Jenny eh
.
Bigla akong napalingon ng marinig kong may tumatawag sa akin.

"Abbyyyy!"

"Abbyyyyy!"

"Abbyyyyyyyy!"

"Di ba sinabe ko sa inyo na 'wag kayong lalayo?" tanong sa amin ni Ken ng makita
na niya kame.
"Sorry, Ken. Masyado lang kameng nagpaka-adventurous," nakangiting sagot ni Nina
.
"Adventurous! Adventurous! Pinagsasabe mo! Ikaw lang naman nagdala samen dito."
Tinarayan nanaman ni Jenny si Nina.
Lumakad na kame pabalik. Napadaan ako sa harap ni Ken. Nakatitig lang siya saken
. Naaaninag ko. Ayoko tumingin sakanya. Natatakot ako.
####################################
Oh my, Nina!
####################################
Claire's POV
"Ugh! Ang sakit ng paa ko." Kanina ko pa hinihilot 'tong paa ko. Ewan ko ba bat
nananakit.
"Ako nga din eh! Ang dami ko pang kati kati." Kamot ng kamot si Jenny habang nag
rereklamo. Pa-delicate naman 'tong balat ni Jenny.
"Ang aarte niyo. Alam niyo 'yun?" asiwa na sagot ni Nina.
"Ikaw kase may kasalanan nito!" Nag-umpisa na naman ng pagtataray 'tong si Jenny
.
"Ops! Ops! Tama na nga 'yang bangayan niyong dalawa," awat ni Ken. "Oh eto." Nag
lapag ng bote ng alak at chaser. "Syempre hindi kumpleto ang celebration para sa
matataas nateng grades kung wala neto."
"'Yun naman pala! Umpisahan na 'yan." Excited na si Sid. Ilang buwan atang hindi
pa ule nakakalagok 'to ng alak. Nagbabago para sa mahal eh.
Nagsiupo't pumabilog na kame sa sahig. Actually, hindi talaga ako alcohol drinke
r. Eto lang namang mga 'to. Ako tiga-ubos ng chaser at pulutan nila. Ayoko talag
a lasa ng alak. Ewan ko ba kung bakit 'yung iba eh ginagawang tubig ang alak. Hi
ndi kumakain ng gulay. Pero kung makainom ng alak, kala mo juice lang.
Alam kong ako lang naman ang matino sa grupo. Haha. Ako lang talaga. Hinde, joke
lang. Kahit na 'yung iba samen may bisyo, lalo na boys, hindi naman sila bad in
fluence saken. At 'yun ang isa sa libong dahilan kung bakit magandang kasamahin
'tong mga 'to. Nasasabihan ko naman silang mag-aral. Bukal naman sa kalooban nil
a. Tinututor ko kung maaari. Kaya nga pasado kameng lahat ngayon eh.
Ang sarap lang sa feeling at nakaka-proud. Matatalino naman 'tong mga 'to. Tamad
lang talagang umintindi at mag-aral 'yung boys. Wala namang problema sa girls e
h.

"Taraaaa! Let's play a game," aya ni Nina samen.

"Truth or dare," paepal kong sagot.


"Oh, bote." Nilagay ni Sid 'yung bote ng naubos na chaser sa gitna.

Pinaikot na ni Nina. Natapat kay Ken.


"Okay, Ken. Truth or dare?" tanong ni Nina.
"Truth."
"What's your dirty little secret, Ken?" tanong ni Sid.

Tahimik ang lahat. Handang makinig sa sagot ni Ken.

"Kaya kong pumatay... Pumatay ng tao... Taong gagambala sa lahat ng gusto ko."

Seryoso si Ken. Makikita mo sa mga mata niya. Seryoso ang tono ng boses niya. L
ahat kame nakatingin sakanya. Gulat. Nagtayuan balahibo ko. Hindi ko alam kung m
aniniwala ba ako. Totoo ba pinagsasabe niya? Hindi. Hindi pwede. Kilala ko si Ke
n. Hindi siya ganung tao.
"Pero syempre, JOKE LANG 'YUUUUUUN!" Sigaw ni Ken habang tumatawa.
"Letse ka, Ken!" Binato ni Jenny ng throw pillow si Ken sa mukha. Phew! Sabi na.
Joke lang 'yun. Kinabahan naman ako dun. Pinakaba pa kame. Inikot na ule ni Nin
a 'yung bote.
Pagsinuswerte ka nga naman oh. Kay Nina tumapat 'yung bote.
th or dare?" tanong ko.

"Oh ano, Nina? Tru

"Syempre dare. Go ako diyan!"


"I want you to go there. And dance for us." Tinuro ni Abby 'yung medyo madilim n
a sulok ng sala.

Tumayo na si Nina't pumunta sa tinuro ni Abby.


"Sasayaw na 'yan! Sasayaw na 'yan!" pambubuyo namen.
At nag-umpisa na ngang gumiling si Nina. Kaloka talaga 'tong babaeng 'to. F na F
pa eh.

Kaso...

Teka...

"Aaaaah!" napasigaw kame bigla. Nagbuga ng dugo si Nina! Natumba siya sa sahig.
Nagsitakbuhan kame palapit sakanya.

"Ninaaaaaaa!"
"Anong nangyari!? Nina!"

Oh my! Anong nangyari dito kay Nina?


Shoot!

"Alam niyo 'yung joke?" Biglang bangon si Nina. Lahat kame napanganga.

"Nina! Kung hindi lang kita kaibigan, sinampal na kita," galit na sabi ni Abby.
"Bes naman," paawa effect ni Nina. Diyan siya magaling eh. Paawa effect.
"Ewan ko sayo!" Tumayo na ko't bumalik sa pwesto ko.

Napalingon ako ng may biglang natamaan si Abby at nalaglag. Board.


"Uy. Ouija." Nilapitan ni Nina 'yung board. "Tara, guys!"
Delikado 'yan. Mamaya anong mangyari samen. "Nina. Delikado 'yan."
"'Wag ka ngang KJ diyan, Claire. Tara. Dali," pagpupumilit ni Nina.
"Mabuti pa, ibalik mo na 'yan." Sang-ayon saken si Sid.
"Oo nga. Tama na 'tong kalokohan mo." Miski si Jenny.
"Guuuuuys! Bat ang ki-KJ niyo?" Ayaw paawat ni Nina.
"Game!" biglang sabi ni Ken. "Let's play a game."
Ano ba 'yan. Akala ba nila magandang laro 'yun. "Hindi laro ang paggambala sa mg
a patay, Ken."
"Oh come on! Don't tell me you guys do believe in ghosts," pang-asar na sagot ni
Ken.

"Tara na! Last na 'to, guys. Promise. I won't do any prank again." Pa-promise pa
'tong si Nina.
"Last na 'to ah. Kundi bibingo ka na saken." Kinaltukan ni Jenny si Nina.
Pumwesto na kame. Nilapag na ni Nina 'yung board. Gusto pang ipapatay ni Nina 'y
ung ilaw. Pero di pumayag si Abby.
Sinimulan na namen ang dasal...
Pumikit na kame...
Taimtim na nagdasal...

"Espitiru. Espiritu. Lalaki ka ba?" Ako na ang nagsimula. Ewan ko pero nagtapang
tapangan na ako para matapos na 'to.

Gumalaw yung glass! Tumapat sa NO. Totoo ba 'yung nakita ko? Gumalaw 'yung glass
. Nagtinginan kameng lahat... Nakita ko sa mga mata nila ang gulat. Totoo nga.
Biglang tinanggal ni Abby 'yung kamay niya sa glass. "Ayoko na! Ayoko na!" Umiiy
ak na siya.

Lahat kame nakakaramdam na ng takot.


"Babe, andito lang ako. 'Wag kang mag-alala." Pilit na pinapatahan ni Sid si Abb
y.
"Bes. Tahan na. Ituloy na naten 'to. Mas lalo tayong mapapahamak pag di naten 't
o tinapos," mahinahon na sabe ni Nina.

"Sige na. Tapusin na naten 'to." Nagpunas na ng luha si Abbby.

**********
Ken's POV
Tinuloy na namen ule ang pag-Ouija. Nakita ko ang sobrang takot ni Abby. Gusto k
o siyang kunin kay Sid ng mga minutong 'yun. Ako. Ako dapat ang nasa tabi ni Abb
y nun.
"Espiritu. Anong pangalan mo?" Nagtanong na ule si Claire.

Gumalaw uli 'yung glass...


Sabay sabay naming binanggit ang pinagtatapatan nito.

"R"

"O"

"S"

"E"

"Ro-se"

"Rose?"

"Rose!?"

Namatay bigla 'yung ilaw. "Aaaaaahhhhhh!" Nagsigawan 'yung mga girls.


"Yung ilaw! Yung ilaaaaaw!" Nagsisisigaw na si Jenny sa takot.

Nang bumukas na uli 'yung ilaw, nakita namen si Nina... nakahilata sa sahig...
"Nina?"
"Stop it, Nina! You can't fool us anymore." Galit nanaman si Jenny.
"Tumayo ka na diyan. Tumigil ka na. Tama na drama mo." Pati si Claire.

Hindi gumagalaw si Nina...


Nilapitan na namen...

Hinawakan ko siya sa may balikat ng biglang..

"LUMAYO KA SAKEN! LUMAYO KA SAKEN!" Nagsisisigaw na si Nina.


Tinuturo niya ako...
Nanlilisik mga mata niya...
Puno ng galit...
At takot...
"LAYUAN MO KO!" Iba ang boses niya...

Bigla na lang siyang nawalan ng malay uli. Nilapitan siya ni Abby... "Nina! Nin
aaa!"
"UMALIS NA KAYO! MAG-INGAT KA!" Sinunggaban niya si Abby sa braso saka nawalan n
a uli siya ng malay.

Nakakatakot si Nina. This time, totoo na 'yun. Sigurado ako.

**********
Jenny's POV
Hindi ako makatulog. Naiisip ko pa din 'yung nangyari kanina. Akala ko binibiro
nanaman kame ni Nina. Pero ng makita ko 'yung mga mata niya, hindi mo aakalaing
si Nina 'yun. Iba din ang boses niya. 'Yung boses niya. Ayun ang mas lalong nagp
apa-isip saken. Narinig ko na 'yun. Pamilyar.Pero hanggang ngayon hindi ko matan
daan sino ba 'yun. Ugh! Isip. Isip. Sino nga ba 'yun?
"Oh bes, anong ginagawa mo dito sa kusina?" Lumabas si Abby ng kwarto.
Nginitian ko siya. "Iniisip ko kasi 'yung nangyari kanina. Bes, parang narinig k
o na 'yung boses niya somewhere."
"Baka naman guni-guni mo lang 'yun."
"Hindi ko alam. Ang gulo."
"Hay nako. Matulog na tayo. Dagdag pagod lang 'yan."
####################################
Jenny's Dream
####################################
Ugh. Andilim. Asan ako? Teka. Hindi ito 'yung kwartong tinutulugan ko ah. May na
rinig akong babaeng umiiyak.

"Tulungan mo kooooooo!"
Sino 'yun?

"Tulungan mo ko! Umalis na kayo dito! Habang maaga pa!"

May babae!
Nakadapa't duguan.
Patuloy siya sa pag-iyak.
Hindi ko makita mukha niya. Ang labo.

"Mapapahamak lang kayooooo!"

Warak warak ang damit niya. Gusto niya akong abutin.

"Umalis na kayoooooooo!"

Nagkalat ang dugo sa paligid namen. Parang footsteps. Hindi ako makasigaw at mak
atayo. Gusto kong tumakbo!

Huh! Napabalikwas ako sa kama. Panaginip. May babae. Babae sa panaginip ko. Kabo
ses niya 'yung babae na napanaginipan ko sa van nung papunta na kame dito. Siya
'yun. Oo. Siya nga 'yun. Malabo. Ang labo ng mukha niya. Hindi ko alam kung sino
ba siya at kung anong ibig niyang sabihin na umalis na kame dito. Halong awa at
takot ang nararamdaman ko.
May onting liwanag sa may paanan ko. Bukas ang pinto sa kwartong tinutulugan ko
ngayon. Teka, ang alam ko sinarado 'yun kanina ah.

**********
Abby's POV
Hmm... Maliwanag na sa labas. Si Sid. Saktong pagdilat ko ang maamong mukha ng m
ahal ko ang sumalubong saken. Mahimbing pa ang tulog. Hinawakan ko ang mukha niy
a. Ang matangos niyang ilong. Pisngi. Jawline. At ang malambot niyang labi. Ang
sarap panuoring matulog ng mahal ko.
Alam ko na. Ipagluluto ko muna sila ng breakfast.

"Good morning!" Gising na pala si Ken. Binati niya akong nakangiti. Nasa kusina
na't nakapagluto na pala siya ng almusal.
"Good morning din." Lumapit ako sa may dulo ng mesa.
"Let's eat," aya niya saken.
"Bat dalawa lang 'yung plato?"
"Let's eat." Inulit niya ang pagyaya saken. Hindi niya ata narinig ang tanong ko
.
"Tatawagin ko lang sila." Tumalikod na ako't pupunta na sa kwarto.
"No! I said, let's eat! Now!" Hinampas niya 'yung kamay niya sa mesa. Napaharap
ako uli sakanya sa gulat. Ano nanamang gusto nitong si Ken?
"Babe." Nagising na si Sid. Lumapit saken at inakbayan ako. Napansin niyang iba
ang titig ni Ken.
"Good morning, guys!" bati ni Nina. Buti't nagising na din sila. Hindi ko alam k
ung ano pang pwedeng mangyari kung hindi pa sila dadating.
"Hmp. Kala mo walang nangyari sakanya kagabi oh," pagtataray ni Claire kay Nina.
"I told you, Claire. Wala akong natatandaan sa mga pinagsasabe mo. Okay? Oh, any
are dito? May dumaan na sampung anghel?" pagtataka ni Nina. Okay na uli siya.

"Umupo na kayo. Kumain na tayo," binasag ko na ang katahimikan nameng tatlo. Kum
uha na ako ng plato't hinainan sila. Umupo na sila. Pati si Ken. Pero hindi pa d
in nagbabago ang mukha niya.
"Si Jenny?" tanong ni Sid.
"Tulog pa. Nastress ata saken kagabi. So guys, saan tayo after breakfast?" sagot
ni Nina.
"I know! Jogging! Nang mabawas bawasan naman 'yang inaalagaan mong fats!" pangaa
sar ni Claire kay Nina.
"Grabe ka, Claire! Sexy na ako no!"

"Aaaaaahhhhhhh!" rinig nameng sigaw ni Jenny.


Binitawan namen mga hawak namen at tumakbo papunta sa kwarto.
"Jen! Anong nangyare? Ayos ka lang?" pag-aalala ni Claire.
Pawis na pawis si Jenny. Kabado. "May babae. Hindi ko siya maintindihan. Ang ala

m ko lang pinapaalis na niya tayo dito," bulong ni Jenny sa amin.


"Nako. Epekto lang 'yan ng kalokohan ni Nina kagabe," sabi ni Claire habang pinu
punasan si Jenny.

Nagkanya-kanya na kame ng pwesto dito sa bahay matapos pakalmahin si Jenny at ma


g-almusal. Baka gutom lang 'yun.
Ako ang natira dito sa kusina. Hugas ng plato. Napalingon ako sa bintana. Andun
nanaman si Ken sa may tabi ng lumang bahay. Kasama niya uli 'yung Manong na kaus
ap niya kahapon. May inabot na susi 'yung Manong. Nag-uusap sila. Gusto kong mar
inig kung anong pinag-uusapan nila. Mukhang nakakaawa 'yung Manong. Pinapagalita
n na naman ni Ken.

Nagpunta kame nina Claire at Sid sa may likod ng bahay. Kahapon pa daw gustong m
amitas ng mangga ni Claire. Napansin niya daw 'to habang nag-iikot ikot sila kah
apon nung napahiwalay ako sakanila. Si Sid na ang umakyat sa puno samantalang si
Claire naman ang nag-iipon ng mga mangga.

"Claire, saglit lang ah." Nagpaalam muna ako kay Claire.


"Teka, san ka pupunta?"
"Sandali lang ako." Pumunta na ako palapit sa matandang lalaki na kinausap ni Ke
n.

"Hello po," bati ko sakanya.


"Magandang umaga po, Ma'am."
"Ano po kayo ni Ken?"
"Caretaker po ako dito."
"Uhmm... Ano po bang meron sa lumang bahay at galit na galit si Ken?" Diniretso
ko na ang gusto kong malaman.
Ilang segundo pa bago makasagot uli si Manong. "Ma'am, pasensya na po. Madami pa
po kase akong gagawin eh. Sige po." Tinalikuran na ako ni Manong at lumakad pap
alayo saken. May tinatago siya. Ano ba 'yun? Bakit kailangan itago? Nilingon niy
a ako uli. "Ma'am, mag-iingat po kayo parati." At lumakad na uli palayo saken.
####################################
Babae sa panaginip
####################################
Nina's POV
Sino kaya may-ari nitong kwintas na 'to? Shunga naman. Suotin ko nga.
Asan na ba 'yung mga 'yun. Di man lang ako niyaya. Makapunta na nga lang sa sala
.

Naabutan ko naman si Ken na nakaupo sa sofa. "Ken! Ilibot mo naman kame dito sa
Cuenca. Bored na bored na ko dito." Tumayo ako sa may tabi niya. Nilingon niya a
ko pero di siya nagsalita. "Uy, dalhin mo na lang kame sa Mt. Maculot. Dali. Dal
i."
Nag-iba tingin ni Ken saken. Bigla siyang tumayo at hinila 'yung kwintas na suot
ko.
"Aray!" Naputol niya 'yung kwintas. "Uy, Ken!"
"Saan mo nakuha 'to!?" tinaasan niya ako ng tono ng boses.
"Nakuha ko lang 'yan kahapon sa may damuhan."
"Sa susunod, 'wag kang kumukuha ng di naman sayo!" Dali daling lumabas si Ken. A
nong problema nun? Baka sakanya 'yung kwintas. Pero bat kailangan magalit. Pwede
namang sabihin at kunin ng maayos saken.

**********
Jenny's POV
Naiistress na ako kakaisip sa panaginip ko. Ayaw akong tantanan nung babae. Naka
kainis na. Hindi niya talaga ako pinapatulog. Ang alam ko kase bakasyon 'tong pi
nunta ko eh. Nakita ko na 'yung mukha nung babae kanina. Hindi siya nakakatakot,
kundi nakakaawa. Kita ko sa mga mata niya na hirap na hirap na siya. Puro dugo
siya. Punit punit ang damit. Unti unti siyang gumapang papunta saken at nahawaka
n niya ako. Ang lamig ng mga kamay niya. Hindi ko alam kung bakit mistulang lump
o't pipi ako sa panaginip ko. Pinapaalis na niya kame. Pinapauwi. Paulit-ulit ni
yang sinasabe.
Bakit? Ano bang meron? Anong maaaring mangyari? Gusto kong magsalita. Andami kon
g gustong tanungin sakanya. Pero hindi talaga ako makaimik. Nang biglang may pum
asok na lalaki. Bumukas ang pinto. Ang liwanag sa labas. Nakakasilaw. Hindi ko t
uloy makita kung sino 'yung pumasok. Iniwan niyang nakauwang 'yung pinto. Nakaha
rap siya sa amin nung babae't nakatalikod sa pinto. Hindi ko makita kung sino ba
siya.
Nagulat ako't bigla niyang hinampas sa ulo ng kung anong mahabang bagay 'yung ba
baeng nakadapa. Napasigaw ako. Pero tila may salamin na nakaharang. Ako lang ang
nakakarinig sa sarili ko. Paulit-ulit niyang hinampas 'yung babae at sinisigaw
na "Akin ka lang!" Saka niya hinila ang warak warak na damit ng babae at ginahas
a. Walang nagawa 'yung babae kundi umiyak. Iyak. 'Yung iyak niya. 'Yung boses ni
ya. Kaboses niya si Nina nung sinapian siya!
Natigilan ako sa pag-iisip ng maagaw ng pansin ko 'yung lumang bahay di lang kal
ayuan. Mapuntahan nga.

Halatang abandonado na 'tong bahay. Puro sapot ng gagamba sa labas. Puro gagamba
na ata nakatira dito.

Anlaki ng pinto.
Kinakalawang na 'yung door knob.
May kalakihan 'yung sala.
Puro antiques na ang mga gamit.
May mga pictures sa eskaparate. Pero agaw pansin 'tong picture ng isang babae. M
edyo malabo na dahil sa alikabok. Pinunasan ko gamit damit ko.

Shoot! Teka, kamukha niya 'yung babae sa panaginip ko. Yung kwintas. 'Yung kwint
as na napulot ni Nina. Suot suot ng babaeng nasa picture.
"Ma'am bawal po kayong pumasok dito." May humawak sa balikat ko. Nilingon ko. La
laki.
"Sino ka po?"
"Caretaker po ako dito."
"Caretaker. Manong, sino po 'yung babaeng nasa picture?"
"Ma'am umalis na lang po kayo dito. Baka makita pa tayo ni Sir Ken."
"Si Ken? Baket, may tinatago ba si Ken dito?"
"Makinig na lang po kayo saken. Para pareparehas tayong hindi mapahamak."
Hindi ko maintindihan kung bakit pati si Manong pinagbabantaan ako. Pero naggdud
uda na ako kay Ken.

"Bes! San ka ba nagpunta? Wala tuloy akong kasama dito," salubong saken ni Nina
pagpasok ko ng kwarto.
Umupo ako sa tabi niya. "Bes, may kailangan tayong alamin."
"Ano naman 'yun?"
"Nakita ko na 'yung babae sa panaginip ko."
"Ha? Saan naman?"
"May picture akong nakita. Doon sa may lumang bahay. Yung nadaanan naten nung na
g-iikot ikot tayo pagdating naten dito. Kamukhang kamukha nung babaeng nasa pana
ginip ko. At nasisigurado akong siya 'yun!"
"Jen. 'Wag mo nga akong ginu-good time. Alam kong mahilig akong mang-good time.
Pero Jen, hindi bagay sayo. Promise."
"Nina naman. Hindi ako nagbibiro. Seryoso ako."
"Jen, panaginip lang 'yun. Hindi mo na kailangang alamin pa kung sino man siya.
She's none of your business, okay?"

"Nina, may gusto siyang sabihin saken. Pero di ko talaga ma-figure out kung ano
ba 'yun."
"Nagbabakasyon tayo dito kaya 'wag ka ngang praning diyan at kung ano-ano pinagiisip mo."
"Bahala ka nga diyan!" tumayo na lang ako at lumabas ng kwarto.

Umupo muna ako sa may sala. Ayaw akong paniwalaan ni Nina. Badtrip. May kailanga
n akong alamin tungkol kay Ken. At kung sino ba 'yung babae sa panaginip ko. Mal
aki kutob ko may kaugnayan si Ken sa babaeng 'yun. Si Manong. Si Manong caretake
r lang ang makakasagot ng mga katanungan ko. Kailangan ko siya makumbinsi na mag
salita. Kanino ba ako pwedeng humingi ng tulong?
"Oy! Oy! Mukhang malalim ang iniisip ah." Katabi ko na pala si Abby. Hindi ko na
pansin na dumating na sila.
"Abby, you need to help me."
"Sure. Ano ba 'yun?"
"But you need to promise that you will believe kung ano man ang sasabihin ko."
"Promise."
"'Yung babae sa panaginip ko. I saw her alre..."
"Abby!" biglang sumigaw si Ken. Nanggaling sa kusina.
"Abby, hinahanap ka nila Claire. Tulungan mo daw sila sa kusina." sabi ni Ken ka
y Abby.
Bwisit. Umepal pa.
"Oh sige." Tumayo na si Abby't pumunta na sa kusina.
Naiwan si Ken sa kinatatayuan niya. Hindi ko alam kung titingin ako sakanya. Nak
atangin lang ako sa bintana. Pagtingin ko, nakatingin din siya saken. Titig. Ala
m kong nagdududa na din siya saken. Alam kong alam na niya na may mga alam na ak
o. Hindi ko alam kung tapang ba o takot ang ipapakita ko sakanya sa mga oras na
'to. Tumayo na ko't lumabas na lang ng bahay.

Kailangan kong magpahangin. Kailangan kong mag-isip isip kung pano ko ba lulutas
in 'to.
"Umalis na kayo sa lalong madaling panahon." Tumabi saken si Manong.
"Hindi mo alam kung anong pinapasok mo, ija," banta niya saken.
"Madami akong tanong. Gusto ko ng kasagutan sa mga tanong ko."
"Ano bang gusto mong malaman? Hindi pa ba sapat ang mga banta ng anak ko saiyo?"
"Anak? Sinong anak?"

" ... " Tinitigan lang ako ni Manong.


"Teka... 'Yung babae. Babae sa panaginip ko. 'Yung babaeng nasa picture. 'Yung k
wintas. 'Yung babaeng sumapi kay Nina. Nag-Ouija kame. Rose. Si Rose!" Puzzled.
Oh My! Ngayon ko lang napagkonekonekta lahat. "Anak mo si Rose!?"
"Oo. Anak ko. Anak ko na hindi ko man lang nagawang ipagtanggol."
"Anong meron kay Rose? Bakit? Bakit niyo kame pinagbabantaan? Si Ken. Ano ni Ken
si Rose?"
"Pinsan... Nabaon kame ng utang sa mga magulang ni Ken mula ng magkasakit ang as
awa ko . Hindi ko na kayang bayaran kaya pinili kong manilbihan sakanila. At dah
il nga sa kalakihan ng aming utang. Nagdesisyon na din si Rose na tumulong sa pa
ninilbihan. Mas lalong napalapit sa isa't-isa sina Ken at Rose. Hanggang sa magd
alaga't binata na nga sila... At ng magkaroon ng unang nobyo ang anak ko, nag-ib
a si Ken... "

*flashback*
"Rose, hiwalayan mo na siya."
"Ken, alam mo namang mahal ko si Sony. Wala ka bang tiwala sakanya? Don't worry
my dear cousin, andito parin naman ako para sayo eh. Medyo mahahati nga lang ang
time ko. Pero pinsan, ang pagmamahal ko sayo, hindi 'yun mababawasan. Okay?"
"Mahal kita, Rose."
"Mahal din naman kita, Ken. Syempre magpinsan tayo. Magkasama na tayong tumanda.
Ikaw lang kaya kasundo ko sa lahat ng bagay. Tsaka ikaw lang natatakbuhan ko pa
gkailangan ko ng ears to listen to all my immaturities, rants, secrets, at lahat
lahat na."
"Magpakasal na tayo."
"HA!? Ken, okay ka lang? Haha. Sabihin mo pag joke time na. Para naman nakakasab
ay ako."
"Hindi ako nagbibiro, Rose. Mahal kita. Hindi bilang pinsan. Mahal kita, gusto k
ong ikaw ang makasama ko habang buhay. Gusto ko ikaw ang magiging ina ng mga ana
k ko. Iwan mo na si Sony. Andito naman ako. Kaya kong ibigay lahat ng pangangail
angan mo. Kayang kaya ko, Rose."
"Ken... Anong pinagsasabe mo? Naririnig mo ba sarili mo? Alam mo ba 'yang mga pi
nagsasabe mo? Ken, magpinsan tayo. Magpinsan! Baka nakakalimutan mo."
"Wala akong pake, Rose. Basta ang alam ko mahal na mahal kita."
"Hindi ka ba nandidiri sa mga pinagsasabe mo, Ken?"
"Mahal na mahal kita, Rose. Maniwala ka. Kaya kong ibigay lahat ng kaya at di ka
yang ibigay niyang Sony mo!"
"Ano ba, Ken!? Uuwi na ako. Kausapin mo na lang ako pag nasa katinuan ka na ule.
"
**********

"Sinabe saken ng anak ko ang pagtatapat ni Ken sakanya." Patuloy na nagkwento si


Manong. Totoo ba 'yung mga narinig ko?
**********
Rose's POV
"Sony!" Biglang sinuntok ni Ken si Sony.
"Keeeen!" Pilit kong inaawat si Ken. "Tama na 'yan! Bitawan mo si Sony! Ken!"
Nagtagal ng ilang minuto ang suntukan nilang dalawa. Naaawa ako kay Sony. Puro d
ugo na ang uniform niya't tumutulo na ang dugo galing sa mukha niya.
"Akin ka lang, Rose! Akin ka lang!" Nagsisisigaw si Ken habang nilalayo siya ng
dalawang student council namen.
**********
"Binantaan ni Ken ang anak ko. Gusto ko ng makialam sakanila. Gusto kong ipagtan
ggol ang anak ko. Kaya napagdesisyunan kong kausapin si Ken. Pero ng gabi ding '
yun, inutusan ako ng ama ni Ken na ihatid ang pera sa kumpare niya sa may Bayan.
Naiwan ko si Rose sa bahay... At pagbalik ko, duguan na ang anak ko at nakarata
y sa sahig ng kwarto niya. Nagsumbong ako sa awtoridad. Pero walang nangyari. Na
bili ng pera ang hustisya."
Jaw dropper. Grabe. Alam ko na lahat lahat ngayon.

"Bes! Bes!" Tumakbo ako papunta kay Abby.


"Oh, bakit?"
"Kailangan na nateng bumalik sa Manila."
"Jen, ano na naman problema mo? Akala ko ba andito tayo para magbakasyon? So why
are you acting so weird?
"Abby, murderer si Ken. Pinatay niya si Rose. Yung babae sa panaginip ko. Yung b
abae sa picture sa lumang bahay. Yung may-ari ng kwintas na napulot ni Nina. Yun
g babae nung nag-Ouija tayo. Si Rose!"
"Ano!!? Saan mo naman nalaman 'yan? Paano!?"
"Abby, please. Makinig ka na lang saken. Kung ayaw mo akong paniwalaan, then fin
e. Pero please, umuwi na tayo. Wala namang mawawala kung uuwi na tayo. We can go
to other place if gusto niyo parin mag-out of town. But not here. And not with
Ken."
"Sige. Sige. Uuwi na tayo. Bukas. Okay? Bukas ng umaga. Pero tell me muna saan m
o nalaman 'yang mga 'yan."
Bigla kong naaninag si Ken na papalapit. Hindi na ako makakapag-kwento.
####################################
We're Going Home

####################################
Abby's POV
Bigla akong tinalikuran ni Jenny't pumunta sa kwarto. "Uy! Jen! Ano, bastusan la
ng?" Ang adik lang nun. Sabi ng ikwento muna kung pano't saan niya nalaman 'yung
mga sinabe niya saken tas bigla naman akong tatalikuran.
"Abby."
"Oh, Ken." Bigla na lang sumulpot sa likod ko si Ken.
"Kelan ka ba babalik saken?"
" ... "
"Pagod na ko kakahintay sayo."
"Ken."
"Bakit si Sid, ha?"
"Wala na akong dapat pa i-explain sayo. Matagal na tayong tapos. Alam mo 'yan."
"Bakit ba si Sid!? Ano bang nakita mo sakanya!?" Biglang hinatak ni Ken ang dami
t ko papalapit sakanya. Nagkaron ng punit sa may manggas. "Akin ka lang, Abby. T
andaan mo 'yan. Akin ka lang."
"Bitawan mo ko, Ken. Nasasaktan ako!" Ang higpit ng hawak niya sa braso ko. Ang
sakit na. "Hindi ka pa din nagbabago, Ken. Ano? Gagawin mo ule 'yung ginawa mo s
aken? Sasaktan mo ule ako? Pipilitin mo ule ako? Ilalagay mo ule buhay ko sa pah
amak? Pagbubuhatan mo ule ako ng kamay?" Napahawak ako sa pisngi ko ng bigla niy
a ako sampalin. Hindi parin nagbabago si Ken.
"KEN!" sigaw ni Nina. "Anong ginagawa mo kay Abby!? Bat mo siya sinampal!?" Niya
kap ako ni Nina't inakay papunta ng kwarto.

**********
Sid's POV
Shit talaga oh! Ang hirap naman humanap ng signal dito. Kanina pa ko hanap ng ha
nap ng signal sa bawat sulok ng bahay. Nakaabot na nga ako dito sa labas. Yosi b
reak nga muna.
Hindi ko alam pano ko pa napapakisamahan si Ken. Ang plastik ko lang, sht. Hindi
ko naman kasi kayang buwagin 'yung nabuo nameng pagkakaibigan. Gusto ko ng maki
pag-ayos sakanya. Kaso mukhang hindi pa siya handa. Kitang kita ko naman sakanya
na hindi pa siya nakaka-move on at mahal pa din niya si Abby. Pero hindi ko bib
itawan si Abby.

"SID!"
Natumba ako sa kinatatayuan ko ng bigla akong suntukin ni Ken. Tumayo ako agad.
"Ano bang problema mo!?"

"Ikaw! Ibalik mo na saken si Abby!"


Itinulak ko siya. "Kahit kelan hindi ko inagaw sayo si Abby!"
Sinuntok niya ule ako sa kanan kong pisngi. Kahit na maliit na tao lang 'tong si
Ken malakas at mabigat ang kamay. Ginantihan ko din siya ng suntok. Hanggang sa
mapalayo na kame papunta sa gate.

"Siiiiiiid! Siiiiiiiid!" Pilit kameng inaawat nila Abby't Claire. "Ken! Bitiwan
mo si Sid!"
Nabitawan na ni Ken ang kwelyo ng damit ko. Pero teka lang, di pa ako nakakagant
i sa hayop na 'to.
"Sid tama na! Please! Tama na!" Paiyak na si Abby kaya tinigilan ko na.
Inilayo nung Manong si Ken samen. T*ng*n* lang! Nagdudugo pa labi ko.

"Siiid, anong dahilan bat nagpang-abot kayo?" Pinupunasan ni Abby 'yung dugo ko
sa mukha.
"Bigla niya kong sinugod... Ibalik daw kita sakanya." Tinitigan ko sa mata si Ab
by. Takot. Takot ang nakikita ko sakanya. "Alam mo namang di kita kayang pakawal
an, di ba? Kaya nga kita patuloy na pinaglalaban sakanya." I kissed her on her f
orehead.
Bigla niya akong niyakap. "Salamat, Sid. Sa lahat. Mahal na mahal kita."
Napansin kong may punit 'yung damit ni Abby. "Babe, bat may punit damit mo?"
"Ha? Ah... Eh... Wala 'yan. Sumabit lang kanina."
"Saan?"
"Sa may ano... Sa..."
"Sa may aparador. May pako kasi dung nakauwang eh. Eh shunga shunga 'yang si Abb
y," biglang singit ni Claire. Tinignan ko 'yung punit. Tinatakpan ni Abby.
"Patingin nga." Hinawakan ko siya sa braso.
"Aray." Inalis ni Abby 'yung kamay ko.
"Bakit ka may pasa?!"
Hindi niya ako sinagot. Anlaki ng pasa niya sa braso. Tumayo si Claire at umalis
. "Si Ken. Gawa ni Ken 'yan."
Napatayo ako bigla. Pupuntahan ko 'yung hayop na 'yun! Bat kailangan pati si Abb
y sasaktan niya!? Pwede namang ako lang! Langya.
"Baaabe," pagmamakaawa ni Abby. Niyakap niya ako sa likod.
Hindi ko na mapapalampas pa si Ken. Punong puno na ako.

**********
Jenny's POV
Asan na ba 'yung jacket ko? Bat naman nawala sa cabinet. Nako, ginalaw nanaman '
yun ni Nina.
Inaayos ko na 'tong gamit ko. Aalis ako dito. Sumama ang gustong sumama. Dahil a
ko, gusto ko pang mabuhay. Mukhang walang naniniwala saken dito. Hindi ko kayang
isakripisyo ang buhay ko para pauli-ulit silang sabihan.

Pumasok ng kwarto sila Abby't Sid. Kinuha na din nila ang mga maleta nila. Sa wa
kas. Teka, tahimik 'yung dalawa.
Si Sid mukhang napaaway ah.
"Anong nangyare?" Walang umimik saken. Patuloy lang sila sa ginagawa nila. Nilin
gon ako ni Abby. Malungkot ang mukha. Nilapitan ko siya't niyakap.

Nagising na si Nina. "Oh? Bat nag-aayos na kayo?"


"Ano ba sa tingin mo?" mataray kong tanong sakanya.
"Uuwi na tayo?" tanong pa niya.
"Malamang, Nina! Kailangan na naten umalis dito. Kung gusto mo pang maka-uwi ng
buhay, Kung gusto mo pang makita mga magulang mo. Kung may mga pangarap ka pang
gustong tuparin. Kung gusto mo pang mahanap si True Love. Bumangon ka na diyan a
t mag-impake ka na. Pero kung kuntento ka na sa buhay mo't gusto mo ng tirikan k
a ng kandila tuwing Undas, well then, tuloy mo lang 'yang pagtulog mo diyan."
"Ano nanaman pinagsasasabe mo, Jen praning?"
Inirapan ko na lang si Nina. Ayoko ng mag-aksaya pa ng oras sa pakikipagtalo sak
anya. Hahaba lang pag nagsalita pa ako.

Shoot! 'Yung shirt kong nabasa nung nag-inuman. Nakasampay pa pala sa likod baha
y.
"Wait lang guys ah. May damit pa pala ako sa labas." Lumabas na ko't sa may dirt
y kitchen na dumaan.

Nasa may tapat na ako ng pinto ng biglang sumarado ng malakas ito. Napatalon ako
bigla patalikod.
####################################
Gusto ko pang mabuhay
####################################
Dyuskopo! Puso ko! Malalaglag sa gulat eh. Saktong sakto pa namang kaharap ko't

malapit na ko sa pinto.
Hinawakan ko na 'yung door knob. Bat ayaw bumukas? Ano ba to? Ayaw pang makisama
.
Saglit lang ay nabuksan ko na din naman kaagad. Nasaan na ba 'yung damit na 'yun
? Dito ko lang 'yun sinampay eh.
"San ka pupunta?" Narinig ko 'yung boses ni Ken sa likod ko.
"Ken..." Napalunok ako. "Gusto ko pang mabuhay." Ayun na lang ang nasabi ko.
"Anong gusto mo pang mabuhay?" walang gana niyang tanong.
Hindi ako umimik. Sumama ang pinta ng mukha niya.
"Ano bang nalalaman mo?" matigas niyang tanong saken.
"Alam kong alam mo kung anong alam ko." Tinapangan ko ang sarili ko. Ayokong ipa
kita sakanya na natatakot ako.
"Hindi ka aalis. Walang aalis dito."
"Paalisin mo na kami dito, at walang makakaalam ng sikreto mo."
Naglabas ng kutsilyo si Ken. Galing sa likod niya. Oh My God! Anong gagawin ko!?
Umatras ako. Tinignan ko siya. Seryoso siya. Seryoso ngang mamamatay tao si Ken
. Nakakatakot mga mata niya.
"Aaaahh!" Tumakbo ako pabalik sa loob ng bahay. Diyos ko, tulungan niyo po ako.
Gusto ko pang mabuhay.

Napalingon uli ako sa likod. Hindi niya ko hinabol. Shoot! Si Nina, makakasalubo
ng ko. "Ninaaaaa! Bumalik ka dun! Ninaaaa!" Nilampasan niya lang ako. Patuloy ak
o sa pagtakbo. Hinayaan ko na lang siya. Gusto ko pang mabuhay.

Nasaan na sina Abby? Kailangan ko silang mahanap. Kailangan na nameng makaalis d


ito.
Nandito na ako sa harap ng bahay. Asan na ba sila? Tumakbo ako palapit kay kay M
anong ng makit ako siya. "Manong!? Manong!"
Tumayo siya sa kinauupuan niya.
"Manong! Nakita niyo po ba 'yung mga kasama ko!?"
Nakatingin siya sa kawalan. Napatingin siya saken. Pero blanko ang mga mata niya
.
"Manong! Muntik na akong mapatay ni Ken. Asan na po ba sila? Kailangan na nateng
makaalis dito!"
Kumunot ang noo niya. Pero blanko pa din ang mga mata niya.
"Hindi ko sila nakita," bulong niya saken.

Nako! Wala akong panahon para makipagbulungan sayo, Manong.

Tumakbo na ko ule. Kailangan kong makita kung nasan 'yung tatlo. Pumunta ako sa
lumang bahay. Baka sakaling nandun sila.
Bukas ang pinto. Andito nga sila.

"Babe, tama na 'yan. Ano bang meron diyan sa loob?" tanong ni Sid kay Abby. Binu
buksan ni Abby 'yung nakakandadong pintuan gamit ang hairpins niya.
"Hindi ko alam. Kaya nga gusto ko 'tong buksan. Alam kong may tinatago si Ken di
to sa loob."
"Abby.. Sid.. Teka lang. May nakita akong mga susi sa may altar sa bahay nila Ke
n. Try kong kunin. Baka isa sa susi dun eh susi niyan." mungkahi ni Claire.
"Nako! Claire! 'Wag ka ng babalik du..." hindi ko na natuloy 'yung sinabe ko dah
il tinalikuran niya na kame't nagmamadali pa labas ng bahay. Nako naman.
"Guys. Tara naaa!" aya ko sakanila. Hindi ko masabi 'yung ginawa ni Ken kanina.
Baka magpanic sila.
"Sandali lang, Babe. Ireready ko na 'yung mga gamit naten. Ilalagay ko na sa van
. Para mamaya diretso alis na," paalam ni Sid.
"Sid, mag-iingat ka," bulong ko sakanya.
Dirediretso si Sid palabas ng bahay. Kinakabahan na ako. Hindi ko na alam kung a
no pang mga susunod na mangyayari. Basta kailangan nameng bilisan. Wala ng oras.
Gusto ko pang mabuhay.

"Beees. Bilisan mo na diyaaan," kabado kong utos kay Abby. Hindi ko alam bakit b
a kailangan pang alamin kung anong meron sa loob ng kwartong 'yun.
Pabilis ng pabilis takbo ng puso ko. Hindi pa din bumabalik sila Sid at Claire.
Ang tagal naman nila...

"Ugh!" Tumayo si Abby't sinipa 'yung pinto. Hindi pa din niya mabuksan.
"Bes. Tara na," uli kong aya sakanya.
Hindi niya ako nililingon. Parang wala siyang naririnig.
"BES! TARA NA! ANO BA!?" sigaw ko sakanya. Letse naman Abby, makinig ka!
Napalingon siya saken. Pero ang layo ng tingin niya. Sinigawan ko ule siya. Pero
blanko. Blanko ang mga mata niya. Kinaway kawayan ko. Wala. Di man lang kumisap
ang mata.
"Bes naman! Ano, patay na ko!? Ha!? Ha!?"
" ... "

"Abby, this is not a good time to joke around."


Ang layo pa din ng tingin niya. Parang tagos saken. Ano, patay na ko!? Ayaw man
lang akong pansinin. Kaasar!

Teka. Patay? Kanina si Manong. Hindi ako narinig ni Nina. Si Claire at si Sid hi
ndi ako pinansin. Tas ngayon... Sht! Don't tell me... Patay na ko?
Si Abby?
Nasa may pinto na siya. Tuloy tuloy. Hindi man lang ako tinawag. Oh My God.

"Abbbbyyyyyy!" patuloy ko siyang tinatawag.


Bumalik kame sa bahay. Kinakabahan ako. Baka andito si Ken.
"Claire?" nakita namen si Claire nakahiga sa may sahig ng sala.
Hinawakan siya ni Abby ng...

CLAAAAAIIIIIIIIIIIIIRE!

May lubid na nakapulupot sa leeg ni Claire.

Pumunta kame sa may kusina.

"Siiiiid!??" Patuloy na hinahanap namen si Sid.

Nang makita namen...


Si Nina! Sht! Puro dugo 'yung dining table at putok ang ulo ng niya Tinatakpan n
i Abby ang bibig niya. Iniiwasan niyang sumigaw.

Naiiyak na ko. Hindi ko na alam gagawin ko. Gusto ko pang mabuhay.


Pumunta si Abby palabas ng dirty kitchen. Naiwan ako dito sa kusina.

"JEEEEEEEEEEENNNNNNNNNNN!" biglang sumigaw si Abby.


Tumakbo ako papunta sakanya.

Pero napaurong ako sa nakita ko.


Hindi mapigilan ng luha kong tumulo.
Bakit?
Bakit nangyayari to?
Ano bang ginawa nameng masama kay Ken?
Ano bang naging atraso namen sakanya?

Pumatay ng tao.
Kaya niyang pumatay ng tao.
Yung mga taong gagambala sa kung anong gusto niya.
Ken's dirty little secret.
Gusto ko pang mabuhay.
'Yung luha ko. Hindi tumitigil.
Totoo ba 'tong nakikita ko?
Kung panaginip man 'to, gusto ko ng magising!

Hindi.
Hindi pwede.

Hindi pwedeng katawan ko 'yung nakikita ko ngayong duguan sa harap ni Abby.


HINDI!
Gusto ko pang mabuhay!

Tumakbo si Abby papunta sa garahe. Sinundan ko siya.

"Siiiiiiid!" Nagumpisa ng tumulo ang luha ni Abby. Si Sid...


Niyakap ni Abby si Sid. Duguan. Tumutulong dugo galing sa ulo.
Hindi ko na kinakaya 'tong mga nakikita ko.
Ayoko na!

Si Ken! Paparating!
"Abbbbbyyyyyy! We need to goooooo!" tawag ko sakanya pero parang wala siyang nar
irinig.

Papalapit na ng papalapit si Ken pero hindi parin ako naririnig ni Abby.


Hinatak ni Ken si Abby.
Hinampas ng isang mahabang bagay.
Pinunit ang damit.

Pinagpipilitan ni Ken ang sarili niya kay Abby. Nagsisisigaw na si Abby. Wala ak
ong magawa. Hindi ako makalapit. Pakiramdam ko nakasemento ang paa ko sa kinatat
ayuan ko ngayon.
Naiiyak ako. Naaawa ako kay Abby. Naaawa ako sa bestfriend ko.

Naabot ng kamay ni Abby 'yung mahabang bagay na ipinanghampas sakanya kanina ni


Ken. At saka buong lakas niyang hinampas si Ken sa ulo.
Nakawala si Abby at kumapiras siya ng takbo. Hinabol ko siya. Padilim na ng padi
lim. Lumulubog na ang araw.
Pilit ko siyang hinahabol kahit pagod na pagod na ako.
Nasa damuhan kame. Lugar kung saan kame naligaw noon.

Nagulat ako ng lampasan ako ni Ken. Hinila niya sa buhok si Abby.


Nagpupumiglas si Abby.
Hinatak ni Ken 'yung kwintas ni Abby. Napahawak si Abby sa leeg niya.
Sinipa ni Abby si Ken sa may tiyan ng mapigtas 'yung kwintas.
Nakawala ule siya.
Sinundan ko si Abby. Nakaabot kame sa may lumang bahay.
Pumasok siya dito.

Nasa likod na naman namen si Ken.

Nagtago si Abby sa may ilalim ng mesa sa kusina.

"Hindi ka makakawala saken, Abby."

"Kahit saan ka pa magtago."

"Magsasama tayo sa hirap at ginhawa, mahal ko."

Gusto kong itulak si Ken! Gusto kong kumuha ng kutsilyo't saksakin siya!
Nang makalampas si Ken sa mesa, tumakbo si Abby palabas ng kusina.

Ngunit naabutan siya ni Ken at hinila siya sa buhok.


Inuntog sa mesa.
At paulit-ulit niya pang ginawa 'yun.

Nagsisisigaw na ako.
Lumapit ako sa may bintana. Humihingi ako ng tulong.

Pagod na ako.
Walang nakakarinig saken.
Tinignan ko ule sila.

Wala ng malay si Abby.


Lanta. Mukha na siyang lantang gulay.

Paulit-ulit na binulungan ni Ken si Abby.


"Akin ka lang, Abby."
"Akin ka lang."
Hinalikan niya sa ito sa labi.
May kinuha siyang susi sa bulsa.

Binuksan niya 'yung pintuang pilit na binubuksan ni Abby kanina.


Hinila niya si Abby't pinasok sa loob.

Statwa. Para akong statwa dito. Nakita ko lahat ng pangyayari. Pero wala naman a
kong magawa.

Ikinandado niya ule 'yung pinto paglabas niya.


Nakaharap lang siya sa pinto.
Tila may binubulong.

Lumapit ako sakanya...


At bigla siyang lumingon...

Punong puno ang mga mata niya...


Nakatingin siya saken...
Nakangiti...
Nakakatakot na ngiti...
####################################
See You In Hell
####################################
Hi! Ang update na ito ay para sa mga mababait na nag-demand na dugtungan ko 'yun
g ending. Sa totoo lang, wala na talaga akong balak na dugtungan ito dahil 1)Bin
alak kong open-ended story ito. 2)Sinulat ko lang naman ang storyang ito para s
a movie project namen noon. 3)SOBRANG na-offend ako doon sa ibang nag-comment na
kulang na lang sabihin eh napakawalang kwenta nitong gawa ko. #madrama
Alam kong nakakabitin itong gawa ko, pero sana respeto naman. Madalas ginagamit
ko 'yun, sana 'yung iba din sainyo. Still, maraming salamat sa pagbabasa at sa m
ga naka-appreciate nitong gawa ko.
So eto na, after one year and a half, eto na ang kadugtong.

--Ang mga tingin niya...


Ang mga ngiti niya...

Para bang nakikita niya ako...


Pero paano?

Naglakad siya palapit sa akin at napapikit ako ng bigla siyang tumagos sa katawa
n ko. Tumungo siya papunta sa may pinto palabas ng bahay. "Keeeen!" tawag ko sak
anya. Pero hindi niya ako pinansin. Tumakbo ako para habulin siya. Ngunit ng buk
san na niya ang pinto at lumabas na siya, hindi nakikitang harang ang pumigil sa
akin sa pagtapak sa labas.
Lumakad na palayo si Ken ng bahay habang dahan dahan namang sumara ang pinto. "K
eeen! Tulungan mo akooo! Keeen! Gusto ko pang mabuhaaay!" Pilit ko siyang tinata
wag. Pilit ko siyang pinapabalik. Nagmamakaawa akong balikan ako ng taong pumata
y sa akin.
"Walang magagawa ang pagmamakaawa't pagsigaw mo ng tulong," biglang sabi ng isan
g boses ng babae.
Napalingon ako sakanya. Ngunit paglingon ko, wala na ako sa tapat ng pinto palab
as ng bahay. Nasa isang kwarto na ako na madilim. Isang kwarto na parang walang
pader dahil tanging itim lang ang makikita mo.
Nasa harap ko ang isang babae. Nakaputi siya at wasak wasak ang damit. Punong pu
no siya ng dugo sa katawan. Naaninag ko ang suot niyang kwintas. Ginto ito at ma
y pendant na krus.
'Yung kwintas na nakuha ni Nina sa may damuhan.

"Ikaw ba si Rose?" mahina kong tanong sakanya.


Dahan dahan siyang tumango.
"Tulungan mo akong makaalis dito, Rose. Gusto ko pang mabuhay!" pagmamakaawa ko
sakanya.
"Patay ka na din Jenny. Wala ka ng ibang magagawa kundi tanggapin iyon," mahinah
on niyang sabi sa akin.
"Hindi! Hindi pwede! Tulungan mo ako, Rose! Ayoko dito! Ayokong makulong dito!"

Matagal niya akong tinitigan bago niya ako sagutin. "Isa lang ang paraan."
May paraan. Meron pang paraan para makaalis dito. Para mabuhay ako. "Anong paraa
n?"
Lumingon siya sa gilid niya. Meron doong malaking salamin. "Salamin," bulong niy
a.
"Paano?"
"Salamin ang tanging paraan. Salamin ang magagamit mo para makipagpalit sa malil
igaw na kaluluwa at magnakaw ng katawan..."

Caretaker's POV
Naulit ang lahat ng pangyayari ng gabing 'yun.
May panibago na namang nabiktima si Ken.
Wala na naman akong nagawa para tulungan sila.
Ang pinagkaiba lang... hindi lang isa ang napatay niya ngayon.
Kailan ba ito matitigil? Maaring mangyari pa uli ito kung hindi ko pa wawakasan.

Nakita kong lumabas na si Ken sa lumang bahay. May mga bahid ng dugo ang suot ni
yang damit. Hinigpitan ko ang kapit sa bolong hawak ko.
Sinundan ko siya papasok sa mansion.

"Ken," tawag ko sakanya.


Nilingon niya ako at bumagsak agad ang tingin niya sa hawak ko. "Anong binabalak
mo?" matigas niyang tanong.
"Hindi ako mamamatay tao tulad mo. Pero subukan mo lang lumapit sa akin at dadap
lis sayo itong hawak ko."
Ngumisi siya at dahan dahang umiling. "Isa... Dalawa... Tatlo... Apat... Lima...
Anim..." mabagal niyang bilang habang nakatitig sa akin. "Anim na tao. Ano ba a
ng pinagkaiba nun kung gagawin kong pito?"
"Napakasama mo talagang tao," matapang kong sambit.
"Lahat ng tao masama. Pareparehas lang tayo. 'Yun nga lang... ako ang hari," nak
angiti niyang sabi.
"Nasisiraan ka na ng ulo. Sumuko ka na! Tumawag na ako ng mga pulis! Ilang minut
o lang at paniguradong nandito na sila. Wala ka ng kawala."
Humalakhak lang siya habang hinihilamos ang kanyang kamay sa mukha. Dahan dahan
siyang lumapit papunta sa akin.
"'Wag na 'wag kang magkakamaling lumapit sa akin!" sigaw ko sakanya habang lumal
akad paurong. Inabante ko ang hawak kong bolo at dinuro siya. "Napakasama mo tal
aga!" Napatigil ako sa paghakbang ng maramdaman ang pader na tumama sa likod ko.
"Masama na kung masama. Pareparehas naman tayong mapupunta sa impyerno. Doon at
doon lang ang lugar ng reunion naten." Tumigil siya sa harap ko at nakangiting t
initigan ako. "Sige nga, saksakin mo ako."
Tila natuyuan ako ng lalamunan at hindi na ako makapagsalita.
"Para saan ba 'yang bolo mo kung hindi mo naman alam kung papano gamitin," mataw
a tawa niyang sabi. "Pahiram nga, ipapakita ko sayo kung paano ginagamit 'yan."
Nilahad niya ang kamay niya sa akin.

"Hindi ako mamamatay tao tulad mo."


Bigla niyang sinunggaban ang kamay ko at hinatak ang kwelyo ng aking damit.

Ginamit ko ang tuhod ko para sikmuraan siya ngunit mabilis siyang nakaiwas. Gina
mit niya ang dalawang kamay niya para hawakan ang kamay kong may hawak sa bolo.
Ginamit ko ang isa kong kamay para itulak siya sa balikat habang sinisipa ang bi
nti niya. Paurong na kame ng paurong papunta sa gitna ng sala. Mas lalo lang hum
ihigpit ang hawak niya. Pilit niyang ibinababa ang kamay ko. Buong lakas ko siya
ng pinipigilan pero kulang ang lakas ko at unti unti ng bumababa ang kamay ko.
Pumagitna na sa tiyan namen ang bolo. Isang pagkakamali lang, gumalaw lang ang b
olo pakanan o pakaliwa, isa ang mamamatay sa aming dalawa.

Sinubukan ko uling itaas ang kamay ko pero malakas at mahigpit ang pagkakahawak
niya sa akin. Sinipa ko siya uli at tinulak paurong.
Ngunit sa pagkakataong ito, hindi na siya nakaurong at tumama ang binti niya sa
maliit na lamesa sa kanyang likod.

Napahiga siya sa lamesa at ako'y nahatak niya. Mabilis akong bumagsak sa katawan
niya.

Mabilis na pangyayari...
Napakabilis na pangyayari...

Matagal akong tumitig sa kanya. Saglit akong nabingi at tanging paghinga at mabi
lis na tibok ng puso na lang ang naririnig ko.
Mayamaya pa, narinig ko na ang sirena ng pulis.

Punong puno ang mga mata niya...


Nakangiti siya saken...
Nakangiti...
Nakakatakot na ngiti...
"See you in hell, Tito," bulong niya sa akin.

Napatayo ako bigla at napalakad paurong. Tinignan ko ang mga kamay ko. Ang mga k
amay kong may bahid ng dugo.
Wala na sa kamay ko ang hawak kong bolo kanina.

'Yung bolo... nakasaksak na sa tiyan ng pamangkin ko.


Napahawak ako sa ulo ko.
Anong nagawa ko?
Hindi ako mamamatay tao.
Hindi ako katulad ng pamangkin ko.

Naramdaman kong may mahigpit na humawak sa mga braso ko. Nilingon ko siya. Sila.
Madami sila. Mga naka-uniporme pang pulis. "Sumama ka ho sa amin sa presinto."
"Hindi. Hindi ho ako ang mamamatay tao dito," pilit kong paliwanag sakanila. "Si
ya!" turo ko kay Ken. "Siya ho ang pumatay! Siya!"
"Sumama ka na ho sa amin," muli niyang sabi.
"Hindi! Hindi!" Nagpupumiglas ako sa hawak nila.

Pinosasan nila ang mga kamay ko at hinatak na palabas ng bahay.

--Nabanggit ko kanina na sinulat ko lang ito dahil sa movie project namen, nasa mu
ltimedia 'yung Youtube video kung sakaling gusto niyo mang panuodin. Nasa 40 min
utes 'yun. Pero hinati ko sa 3 parts 'yun. Share lang. Nasa description ng video
ang kasunod na part.

BABALA: Low quality 'yung video and audio. As in super low quality. Ilang araw n
a shooting at editing lang 'yan at hindi naka-HD nung sinave. Para lang may maip
asa at magka-grade. Medyo magkaiba 'yung daloy ng story sa movie at dito sa Watt
pad.

You might also like