Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

MAIKLING KWENTO (PAG-IBIG)

VALEN at TINE
Nagkakilala sina Valen at Tine sa eswelahan kasalukuyang JS Prom
nila. ito ay naganap noong February 14, 2008. Si Valen ay nas ika-apat
na antas na ng Sekondarya at si Tine naman ay nasa ikatlo na ng antas
ng Sekondarya. Masaya ang kanilang relasyon. Sila ay legal na legal sa
pamilya nilang dalawa. Sa tuwing may lakad sila Tine kasama niya ang
kaniyang mga pamilya ay kasa-kasama si Valen sa kanila. Ngunit dahil
lamang sa isang pagkakamali at isang mababaw na rason ay nag-hiwalay
na.
Nakakalungkot man isipin dahil sa tinagal nila ay ganoon lang ang
mangyayari. Sobrang palagay na ang loob nila sa isa't isa at pati na
rin sa pamilya nilang dalawa. Sa araw-araw pa naman ng kanilang pagsasama ay lagi silang masaya at naglalambingan. Subalit nang dahil dun
ay nagsawa ang isa at naglahong parang bula ang lahat.
Wala namang nagawa si Valen nung nakipaghiwalay sa kanya si Tine.
Siyempre nasaktan siya. Pero hindi niya kayang magmakaawa kay Tine
para wag siyang hiwalayan. Tumagal din sila ng tatlong taon at apat na
buwan. Matagal ang kanilang pinagsamahan. Pero nabalewala lang dahil
sa isang mababaw na rason. Sawa na daw si Tine sa kanya. Ayaw na daw
niya ng paulit ulit na nangyayari sa kanila. Boring na daw ang
kanilang mga usapan, text, tawagan. Wala na daw romance.
Sabi nga nila, ang lahat ay may katapusan. Pero pati ba naman sa
pag-ibig?
Bakit ganun? Parang hindi patas.
Si Valen na nga ang nagmahal ng lubusan tapos siya pa ang
nasaktan ng lubusan. Iyak ng iyak si Valen nang gabing iyon na tumawag
si Tine para makipaghiwalay. Hindi siya nakatulog nang maayos. Kahit
sa panaginip ay dinalaw siya ng anino ng kanilang nakaraan. Pero tapos
na ang lahat sa kanila. Sa bawat araw na nagdaraan ay inunti-unti ni
Valen na hilumin ang sugat na tinamo ng kanyang puso. Alam niyang
lilipas ang araw ng paghihirap at sisikat ang araw ng tunay na pagibig.

You might also like