Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 28

LESSON #1:

Kailangang ang sanggol ay maalam umiyak.


Nang tanggapin mo sa iyong puso si Jesu-Cristo,
ang naging kalagayan mo ay katulad ng isang
na
bagong silang. Ibig sabihin ikaw ay muling ipinanganak
bilang bagong sanggol na espirituwal sa
ng
Diyos. Kaya nga, bilang sanggol na (espirituwal) ay
mayroon kang mahahalagang mga pangangailangan na
dapat tugunan kaagad.
Alam mo ba kung ano kaagad ang unang ginagawa ng mga doctor
pagkaraan na iluwal ang sanggol sa sinapupunan? Kanila itong pabaligtad
na itinataas at kaagad na pinapalo ang bahagi ng puwit ng bata. Bakit kaya
po ito ginagawa ng mga doctor? Upang magpasimulang kumilos ang baga
ng sanggol, upang siya ay makahinga at mabuhay ng normal. Tunay na
kinakailangang umiiyak ang sanggol.
Bilang isang kapapanganak na sanggol sa bahagi ng iyong espirituwal
na buhay, kinakailangan mo rin na buksan ang espirituwal upang ikaw ay
makahinga ng normal mong
. Ang pag-iyak ay tinatawag na panalangin
o pagtawag sa Dios.
(Galatia 4:6) Upang ipakilalang kayoy mga anak ng Diyos, pinagkalooban
niya tayo ng Espiritu ng Kanyang Anak nang tayoy makatawag sa kanya ng Ama!
Ama ko!

Papaano Ba Dapat Manalangin?


1.

mo muna ang Diyos sa Kanyang kabutihan, katapatan, at


pagpapala sa inyong buhay.
2.
ang iyong mga kasalanan sa Kanya.
3.
dahil naging anak ka ng Diyos at lagi ka Niyang
iniingatan sa bawat araw.
4.
ang lahat ng iyong mga kahilingan, mga samo at daing.
1

Kailan Ba Dapat Manalangin?


1.

Lucas 18:1 Isinaysay ni Jesus ang isang


talinghaga upang ituro sa kanila na dapat silang manalanging lagi at
huwag manghinawa.

Awit 5:3 Sa dapit-umaga ang tinig

2.

koy dinggin, Ang katugunan mo sa aking pagdaing, Pagsikat ng araw,


aking hihintayin.

Awit 55:17 Ang taghoy ko at

3.

mga hinaing, Sa Bawat sandali sa Kanyay darating, At ang aking tinig ay


Kanyang diringgin.

Awit 88:1 Panginoong Diyos,

4.

Tumatawag ako sa iyo kung araw, Pagsapit ng gabi, dumudulog ako sa


iyong harapan.

Saan Naman Dapat Manalangin?


Mateo 6:6a Ngunit kapag

1.

mananalangin ka, pumasok ka sa iyong silid at isara mo ang pinto.

Lucas 18:10a May dalawang

2.

lalaking pumanhik sa templo upang manalangin.

I Timoteo 2:8 Ibig kong ang

3.

mga lalaki sa lahat ng dakoy manalanging may malinis na kalooban,


walang hinanakit o galit sa kapwa.

Gaano Ba Katagal Dapat Manalangin?


Makipag-usap ka sa Diyos hanggang kinakailangan at hanggang maaari
mo itong gawin.
Pagtatapos:
Bilang sanggol na espirituwal, kinakailangan mo na umiiyak.
Manalangin ka sa iyong Amang nasa langit. Pasimulan mong manalangin
ng palagian mula
.
2

Pag-usapan: (Pumili lang ng isang sagot at bakit?)


1. Kaya ako ay nahihirapang manalangin ay dahil
a. Sa aking mga kasalanang hindi ko pa lubusang naisusuko sa
Diyos.
b. Nahihiya at natatakot ako sa Diyos at sa tao.
c. Masyado na akong mayaman at hindi ko na kailangan pang
manalangin sa Diyos.
d. Hindi pa ako maalam, pero gusto kung matutong manalangin
ngayon.
e. Hindi ko pa kasi alam ang aking kahilingan.
f. Hindi naman ako masyadong nahihirapan kasi sanay na akong
manalangin.
g. Wala dito.(pero ano?)_________________
Talaan ng mga Kahilingan sa Panalangin:
Mga Kahilingan at dasal
(suliranin, hanapbuhay,
problema, atbp.)
1.

Petsa ng
sinimulang
ipinalangin

2.
3.
4.
5.
6.
7.

Pananalangin:
3

Petsa kung
kailan ka
sinagot

LESSON #2:
Kinakailangan ng sanggol ang uminom ng masustansiyang gatas araw-araw.
Ang unang bagay na kinakailangan ng sanggol ay
umiyak. Kaya naman ang susunod na kailangan niya ay
uminom na ng
upang siya ay mabuhay.
Ganoon din sa ating buhay espirituwal. Pagkaraan
na matutunan mong umiyak sa panalangin,
kinakailangan mo ang
na gatas.
(I Pedro Gaya ng sanggol, kayoy manabik sa gatas na
espirituwal upang umunlad sa pananampalataya hanggang
kamtan ang ganap na kaligtasan.

Ang espirituwal na gatas ng isang tunay na Cristiano ay ang BIBLIA.


Upang masiyahan ka sa iyong espirituwal na gatas, kinakailangan mong
malaman kung ano ang nasa Biblia.
Mga Nilalaman ng Biblia.
1.

(66 books Canon)

nilalaman ang mensahe na ipinagkaloob ng


Diyos bago pa man dumating si Cristo. (B.C. before Christ). Nang
dumating si Cristo (A.D. anno domini) ay dinala Niya ang ultimong
mensahe ng Diyos, at ang mensaheng ito ay nasusulat sa Bagong
Tipan. (39 books Genesis to Malachi)

2.

(27 books Matthew to Revelation)

i.

ii.

-ang unang apat na aklat ng Bagong


Tipan (Mateo, Marcos, Lucas, at Juan). Isinasaysay nila ang
buhay ni Cristo, ang Kanyang mga ginawa, ang Kanyang mga
aral, ang Kanyang Kamatayan, pagkabuhay na muli at ang
Kanyang muling pagbabalik.
isinasaysay ang kasaysayan ng mga
unang Cristiano, ang kanilang buong misyon sa buong daigdig
upang ibahagi sa iba si Cristo.

iii.

lumiham ang mga apostoles sa mga


Cristiano na naninirahan sa ibat-ibang mga lugar na kanilang
pinaroroonan:
a. Ang Liham ni Pablo sa mga taga-Roma, Corinto, Galacia, Efeso,
Filipos, Colosas, at mga taga-Tesalonica.
b. Lumiham din si Pablo sa ilang indibiduwal tulad nina Timoteo;
Tito at Filemon.
c. Ang ibang mga Apostol ay sumulat din ng mga liham tulad ng
Santiago, Pedro, Juan at Pahayag.

Halaga ng Biblia sa Buhay ng Tao.


1. Ito ay

ng ating kaluluwa.

Mateo 4:4; 1 Pedro 2:2


Ngunit sumagot si Jesus, Nasusulat, Hindi lamang sa tinapay nabubuhay
ang tao, Kundi sa bawat salitang namumutawi sa bibig ng Diyos.

2. Ito ay

sa ating landas.

Mga Awit 119:105 Salita moy isang tanglaw na sa akin ay patnubay,


Liwanag na tumatanglaw sa landas kong daraanan.

3. Ito ang

sa atin tungkol sa buhay na walang hanggan.

Juan 6:47 Sinasabi ko sa inyo: ang nananalig sa akin ay may buhay na


walang hanggan.

Mga Paraan sa Pagbabasa ng Biblia.


1.
ng oras araw-araw.
2.
sa tahimik na lugar.
3.
muna sa panalangin.
4. Sundin ang paraan ng

Hanapin at sagutin ang mga sumusunod na tanong mula sa talatang


binabasa:
Mayroon bang sinasabi tungkol sa katangian ng Diyos, tungkol kay
Cristo at sa Banal na Espiritu? (hal. Ang Diyos ay mapagmahal.)
5

May nabanggit bang kasalanan na dapat kung iwasan at pagsisihan?


(hal. Pagsisinungaling, pagnanakaw, pangangalunya at pag-iimbot)
May utos ba ako na dapat sundin? (hal. Dapat kong ipangaral ang
mabuting balita sa ibang tao; dapat na siya ay aking patawarin na.)
May mga halimbawa ba ako na dapat tularan? (hal. Dapat akong
mapagpasensiya; matutong ko mahalin ang aking kaaway; maging masipag
sa paghahanapbuhay)
May mga pangako ba na maaaring kung angkinin? (hal. Ang Diyos ang
magbibigay ng lahat ng aking mga pangangailangan; nagpapagaling; atbp)

5. Isulat sa isang maliit na notebook ang mga bagay na ipinauunawa sa


akin ng Diyos.
Pag-usapan:
Kung ikaw ay may dalawang aso: isang puti at isang itim. Sino sa
kanila ang mabilis na lulusog at magiging malakas? Sa palagay mo? At
Bakit kaya?
a. Kapag ako ay nagbabasa ng Biblia ang aking nararamdaman ay:
i. Malungkot na malungkot.
ii. Masamang masama ang loob.
iii. Masayang-masaya.
iv. Para akong inaantok.
v. Nakakagutom.
vi. Wala lang.
vii. atbp_________________________.
Pagbabalik aral:
Ano ang ibig sabihin ng salitang IYAK? GATAS?
Pananalangin:

LESSON #3:
Kinakailangan na ang sanggol ay pinapaliguan din.
Normal na ang sanggol ay laging mabango at masarap
yakapin. Subalit ang totoo nagdurumi rin sila at
nangangailangan din ng paligo. Ganoon din naman,
kapag bago
kang Cristiano ay parang ang
bait-bait mo, at tila malapit na malapit ka sa
Panginoon. Pero, tiyak din na nakakagawa pa rin tayo
ng
.
Kaya naman, tayo ay nangangailangan sa araw-araw ng paligong
.
Ibig sabihin nito ay palagi nating
ang ating mga pagkakamali at mga
kasalanan sa Panginoon.
Mga Hakbang Tungo sa Kapatawaran ng ating Kasalanan?
1.

natin ang ating mga kasalan ng diretso sa Diyos.


a. Dahil sa Diyos tayo nagkasala, marapat lamang na sa kanya tayo
unang humingi ng kapatawaran.

2. Ipahayag natin ito sa pamamagitan ng


ating mga pagkakamaling ginawa.

sa Diyos kung ano ang

a. Kung nakapagsinungaling tayo: Panginoon patawarin mo po ako


sa aking pagsisinungaling una sa iyo pangalawa sa aking kapatid.
3.

sa atin ng Diyos ang kapatawaran sa sandaling ipahayag


natin ang ating mga kasalan sa Kanya.
a.

I Juan 2:1 Ang kapatawaran ay nakasalalay sa kabuuang pagliligtas na


isinakatuparan ni Cristo para sa atin. Hindi natin kinakailangan na
maghintay ng kinabukasan o ng susunod na mga araw upang mapatawad.

Mga Patibong na Kasinungalingang Mula kay Satanas?


1. Huwag kang magmadali! Hindi bat
tawad pagkaraan mong magkasala?

ang humingi kaagad ng

a. Bilang isang bagong Cristiano tulad ka ng isang sanggol na


nagpapasimula pa lamang matutong lumakad. Kung madapa
ang sanggol, nakakahiya ba sa kanya na humingi ng tulong sa
kanyang tatay o nanay? Kung ikaw ay magkasala, nais ng Diyos
na kaagad kang lumapit sa Kanya upang kaagad na magpalinis.
2. Masama kang Cristiano. Hindi ka na

ng Diyos.

a. Kailan ba tayo pinasimulang mahalin ng Diyos? Hindi bat


noong tayoy makasalanan pa at ngayon na tayo ay Kanyang
anak na, ang pagmamahal Niyay hindi na magbabago dahilan
sa tayo ay nagkasala.
3. Kinakailangan mong
patawarin ng Diyos.

muna bago ka

a. Iniinsulto ng kasinungaling ito si Cristo sapagkat isinasaad nito


na maaaring dagdagan pa ng anumang kakayanan ng tao ang
kumpletong kaligtasan na isinakatuparan na ni Cristo sa krus.
May iisa lamang basehan ng kapatawaran at itoy ang
kamatayan ni Cristo!
4. Sige,
ka! Tutal naman kung magkasala ka, patatawarin
ka naman ng Diyos pagkatapos!
a. Marahil ito ang pinakamapanganib sa lahat ng mga
kasinungalingan. Huwag mong paniwalaan ito. Ang Diyos ay
hindi nagnanais na ikaw ay magpatuloy sa paglublob sa putik
na iyong kinadapaan. Kapatid, bangon dyan! Ang nais Niya ay
unti-unti kang maging sakdal sa kabanalan tulad Niya.
I Pedro 1:15,16 Yamang ang Diyos na humihingi sa inyo ay banal,
dapat kayong magpakabanal anuman ang inyong ginagawa, ayon sa
nasusulat: Magpakabanal kayo, sapagkat akoy banal.
8

Pagtatapos:
Ang isang bagong Cristiano ay kinakailangan na magsagawa kaagad ng
espirituwal na paligo (paghingi ng tawad) sa pamamagitan ng
pagpapahayag sa Diyos kung siya ay magkasala.Kinakailangang gawin
kaagad natin ang
sa oras na nadama mong ikaw ay nagkasala
at angkinin ang kapatawaran ng Diyos sa oras ding iyon. Nangangako ang
Diyos na ikaw ay kaagad na patatawarin.
I Juan 1:9 Kung ipinapahayag natin ang ating mga

kasalanan, maasahan nating ipatatawad sa atin ng Diyos ang


mga ito at lilinisin sa lahat ng ating kasamaan sapagkat siyay
matuwid.
Taus-pusong suriin ang sariling buhay.
1. Mayroon bang anumang kasalanan sa buhay ko na hindi ko pa
naipapahayag sa Diyos?
Ipahayag ito ngayon at angkinin ang kapatawaran ng Diyos para sa
iyo.
2. May kasalanan ba sa buhay ko na patuloy ko pang ginagawa at hindi
ko pa napagpasyahan ito ay iwan?
Ipahayag mo ang kasalan ngayon din at pagpasyahan mo na iwanan
ito.
Hilingin mo sa Diyos na bigyan ka ng kalakasang mapagtagumpayan
ito.
Pagbabalik aral:
Ano ang ibig sabihin ng salitang IYAK? GATAS?, LIGO?
Pananalangin:

LESSON #4:
Kinakailangan ng sanggol ang tunay na pagmamahal at
kalinga.
Ang ikaapat na pangangailangan ng sanggol, ay ang
DUYAN, kung saan siya makakapahinga,
makakatulog, at makakapaglaro. Para sa espirituwal
na sanggol, kinakatawan ng duyan ang pakikisama ng
iba pang mga Cristiano at ng
at kalinga na
idinudulot ng pakikisamang ito.Ganoon din sa ating
buhay espirituwal. Pagkaraan na ikaw ay mapasama sa
pamilya ng Diyos, ikaw ay maghahanap ng
pagmamahal ng kapwa mga Cristiano.
(Hebreo 10:25 At huwag kaligtaan ang pagdalo sa ating mga pagtitipon
gaya ng ginagawa ng ilan, kundi palakasin ang loob ng isat-isa, lalo na
ngayong nakikita nating nalalapit na ang pagdating ng Panginoon.

Tatlong Katotohanan mula sa I Juan 1:3,4


1. Tayo ay naging
sa pamamagitan ng patotoo ng mga
naunang mga mananampalataya.
Marcos 16:15 At sinabi ni Jesus sa kanila. Humayo kayo sa buong
sanlibutan at ipangaral ninyo sa lahat ang Mabuting Balita.
2. Ang mga naging Cristiano ay
sa pakikipag-ugnayan sa Diyos Ama,
kay Jesus-Cristo, at sa iba pang mga Cristiano.
Juan 1:12 Ngunit ang lahat ng tumanggap at nanalig sa kanya ay
pinagkalooban niya nga karapatang maging anak ng Diyos.
Ikaw, ako at ang lahat ng mga tumanggap kay Cristo ay
sa pamilya ng Diyos. Sapagkat silay ating mga kapatid, kinakailangan
nating magkaroon ng
o ng makabuluhang kaugnayan sa
kanila.

10

3. Ang tunay na kaligayahan sa buhay Cristiano ay nagmumula lamang


kung malaman natin ang makabuluhang
sa ibang mga
Cristiano. Nangangahulugan ang pagsasamahan at pagbabahaginan sa
isat-isa ay magagawa lamang natin dahil sa pag-ibig natin kay Cristo.
Juan 13:34,35 Isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo: magibigan kayo! Kung paanong inibig ko kayo, gayon din naman, magibigan kayo. Kung kayoy mag-iibigan, makikilala ng lahat ng kayoy
mga alagad ko.
Ma Dahilan kung Bakit nararanasan ang ganap na kaligahayan sa loob ng
Samahang Cristiano.
1. Kung ang mga Cristiano ay laging nagsasama-sama, lalo tayong
sa salita ng Diyos. Nakikilala natin ang isat-isa ang habang tayoy
nagbabahaginan at nagtutulungan.
I Juan 3:11 Ito ang aral na narinig na ninyo sa simula pa: mag-ibigan
tayo.
2. Kung tayoy nagsasama-sama, yaong mga kasama nating mahihina at
pinanghihinaan ng loob ay nakakatanggap ng
kalakasan at
katapangan. Sila ay sumigla din na kagaya ko.
* Hebreo 10:25

I Juan 4:20 Ang nagsasabing iniibig ko ang Diyos, at


napopoot naman sa kanyang kapatid ay sinungaling. Kung yaong kapatid
na kanyang nakikita ay hindi niya maibig, paano niya maiibig ang Diyos
na hindi nakikita?
Pag-usapan:
Nakakita ka na ba ng nagbabagang mga kahoy. Hindi ba napakalakas ng
init nito at tuloy-tuloy ang apoy na nagsisilbing liwanag kung gabi.

11

a. Ano kaya ang mangyayari kung alisin mo ang isang pirasong


kahoy sa nagniningas na bunton ng mga kahoy?
b. Papaano ang dapat gawin upang muling magningas ang apoy
ng isang pirasong kahoy?
3. Mas magiging makabuluhan ang paglilingkod natin sa Diyos kung
gagawin natin ito ng sabay-sabay.
a. Sino ang mas malakas at makakagawa ng marami? Bakit?
i. Isang pirasong walis na tingting
ii. O isang bigkis na walis?
Ang nagbabagang apoy na mga kahoy, ang bigkis ng walis na tingting,
at ang nagsasama-samang Cristiano ay nakadisenyo sa kahalagahan ng
isat-isa. Hindi lamang sila magkakasama, hindi lamang magkakadikit,
hindi lamang nag kataong pinag-isa, kundi higit na
nila ang
isat-isa sa kanila upang magkaroon ng ibayong lakas, tatag, at tibay na
makagawa ng makabuluhang gawain.

Pagtatapos
Ang ikaapat na pangangailangan ng isang Cristianong sanggol ay ang
pagmamahal, kalinga, at gabay sa pagsasama-sama ng iba pang mga
kapwa totoong Cristiano.
1. Makipagkilala sa dalawa o higit pang mga bagong Cristiano.
Magbahaginan kayo ng mga pasasalamat, patotoo, at kahilingan sa
panalangin.
2. Ang madalas kung maramdaman kapag ako ay lumalapit na sa ibang
Cristiano ay
a. nahihiya at di makapagsalita
b. natutuwa akong ibahagi sa kanya ang mga pasasalamat at
pagpapala kong natanggap sa Panginoon.
c. hanggang tagapakinig na lang muna ako.
12

d. parang di ko pa yata kaya, kaya tulungan mo pa ako at


ipanalangin.

Pagbabalik aral:
Ano ang ibig sabihin ng salitang IYAK? GATAS? LIGO? DUYAN?
Pananalangin:

13

LESSON #5:
Kinakailangan ng sanggol na matutong magsalita, kahit dahan-dahan pa
lamang.- a, e, I, o, u.
Ang isa sa pinananabikan ng mga magulang ay
makita at marinig na na nakakapagsalita na ang
kanilang anak. Maaaring ito ay tunog lamang na papa, ma-ma, ta-ta, da-da, do-do, du-du, do-re-mi-pasol-la-ti-do or kayay mga tunog na aa-ee-ii-oo- at uu.
Anumang klaseng salita at tunog na nagmumula sa labi
ng bata ay lubhang kasiyahan na ng magulang.
Ang salita ng sanggol ay lubhang napakahalaga sapagkat ito ang unang
hakbang sa maayos na pagsasalita. Sa iyong buhay Cristiano, ang salitang
sanggol ay tumutukoy sa iyong simpleng
tungkol sa ginawa sa
iyo ng Diyos.
I. Ang

Sanggol (patotoo) ng datiy bulag na lalaki. (Juan 9:13-25)

1. Tinulungan ni Jesus ang isang bulag, at tinanong ng mga kaaway ni


Cristo ang pinagaling, at sinubukan nilang siyay lituhin tungkol sa
kung sino si Cristo. Hindi masagot ng pinagaling na lalaki ang mga
tanong ng mga kaaway ni Cristo, subalit nalalaman niya kung
papaano ang salitang sanggol (o magpatotoo) sa iba.
2. Ang salitang sanggol ng datiy bulag na lalaki?
Juan 9:25 Hindi ko po alam kung siyay makasalanan o hindi. Isang
bagay ang alam ko, dati akong bulag ngunit ngayoy nakakakita na.
B. Ang Salitang Sanggol ng Bagong

Bilang isang bagong Cristiano, napakaraming bagay tungkol kay Cristo


at sa Biblia ang hindi mo pa nalalaman. Subalit hindi ito nangangahulugan
na hindi ka na makapagsasalita ng tungkol kay cristo.
14

Mayroon ka nang maaaring sabihin sa iba:


1. Maaari mong sabihin sa kanila kung ano ang
ni Cristo.
a. Kung ano ang buhay mo noong
mo pa tinatanggap si Cristo.
Hal. Dati kang bugnutin; tsismosa; atbp.
b. Kung papaano mo
si Cristo bilang Panginoon at sariling
Tagapagligtas ng iyong buhay. Sino ang
sa iyo?
c. Anu-ano ang ginawang
ni Jesus sa iyong buhay
pagkatapos mo siyang makilala?
Hal. Pananalangin; Pagbabasa ng Biblia; atbp.
Gawa 26:1-22 Ang mga Patotoo ni Apostol Pablo.
a. Ang kanyang buhay noon (v. 4,5,6,9-11)
b. Papaano niya nakilala si Cristo (v.12-18)
c. Ang ginawa ni Cristong pagbabago sa buhay ni Pablo (v.19-23).
2. Maaari mong sabihin ang iyong patotoo tungkol kay Cristo sa iyong mga
kapatid sa pamilya ng Diyos. Sapagkat silay ating mga kapatid,
kinakailangan nating magkaroon ng pagsasamahan o ng makabuluhang
kaugnayan sa kanila.
Halimbawa:
Sa Juan 1:4-42 (Ipinakilala ni Andress si Jesus kay Pedro.

Pagtatapos
Bilang bagong Cristiano, kinakailangan mo ang
. Magagawa
mo ito sa pamamagitan ng napakasimpleng patotoo tungkol sa kung ano
ang
ni Cristo sa buhay mo at maipakilala mo rin si Cristo sa
iyong mga kasama sa bahay, kamag-anak, kaibigan, kaklase,
kapitbahay, kalahat ng K. Diba lahat naman ng tao ay may K na
makilala ng lubusang si Cristo sa kanyang personal na buhay.
1. Makipagkilala sa dalawa o higit pang mga bagong
Cristiano.
kayo ng mga pasasalamat,
patotoo, at kahilingan sa panalangin.
15

3. Ang madalas kung maramdaman kapag ako ay lumalapit na sa ibang


Cristiano ay
a. nahihiya at di makapagsalita
b. natutuwa akong ibahagi sa kanya ang mga pasasalamat at
pagpapala kong natanggap sa Panginoon.
c. hanggang tagapakinig na lang muna ako.
d. parang di ko pa yata kaya, kaya tulungan mo pa ako at
ipanalangin.
Pagbabalik aral:
Ano ang ibig sabihin ng salitang IYAK? GATAS? LIGO? at DUYAN?
1. Iyak - kumusta na ang iyong pananalangin?
2. Gatas - Masaya ba ang magbasa ng Biblia?
3. Ligo - Ang Diyos ay laging tapat at handa kang
patawarin.
4. Duyan - Ano ang nalaman mo ngayon sa iyong kapatid sa
pananampalataya?
Kumusta na ang aking Talaan ng mga Kahilingan sa Panalangin?
Mga Kahilingan at dasal
(suliranin, hanapbuhay,
problema, atbp.)
1.

Petsa ng
sinimulang
ipinalangin

2.
3.
4.
5.

16

Petsa kung Kailan


ka sinagot

Mga Kahilingan at dasal


(suliranin, hanapbuhay,
problema, atbp.)
6.

Petsa ng
sinimulang
ipinalangin

7.
8.
9.
10.
Magpasalamat tayo at magkuwento sa iba:
Pananalangin:

17

Petsa kung Kailan


ka sinagot

LESSON #6:
Kailangan ng sanggol ang tagapag-alaga.
Bilang bahagi ng maka-Amang pangangalaga, ang
Dios ay nagpadala para sa mga Cristiano ng isang
persona na napalaging mangangalaga at papatnubay sa
kanila. Ito ay ang
na mananahan sa
Cristiano at mangangalaga tulad ng isang Yaya.
Juan 14:16-18 Dadalangin ako sa Ama,
at kayoy bibigyan niya ng isa pang Patnubay na magiging kasama ninyo
magpakailanman. Itoy ang Espiritu ng katotohanan, na hindi matanggap ng
sanlibutan sapagkat hindi Siya nakikita ni nakikilala ng sanlibutan. Ngunit nakikilala
ninyo Siya, sapagkat Siyay sumasainyo at nananahan sa inyo. Hindi ko kayo iiwang
nangungulila; babalik ako sa inyo.
Ayon sa Roma 8:9, Ngunit hindi na kayo namumuhay ayon sa laman kundi ayon
sa Espiritu, kung talagang nananahan sa inyo ang Espiritu ng Diyos. Kung ang Espiritu
ni Cristoy wala sa isang tao, hindi siya kay Cristo.

Ang
ng Banal na Espiritu ay lubhang mahalaga sapagkat
Siya ay magsisilbing tatak ng isang tunay na Cristiano. Kung wala ang Banal
na Espiritu, hindi tunay na kabilang kay Cristo ang isang tao. Subalit
paano mo malalaman na tunay ngang naninirahan at lumalagi sa iyong
puso at buhay ang Banal na Espiritu?
(Juan 7:37-39; Roma 8:9-16; 2 Cor. 1:21-22).
I. Mga Katibayan na Pananahan ng Banal na Epiritu.
1. Ang Banal na Espiritu ang nagbibigay ng pakiramdam at ng
na ikaw ngayon ay anak ng Dios. Roma 8:16 Ang Espiritu nga ang nagpapatoo,
kasama ng ating espiritu, na tayoy mga anak ng Dios.

2.

ng Banal na Espiritu ang Cristiano upang gumawa ng


ilang bagayang manalangin, magbasa ng Biblia, makisama sa iba
pang mga Cristiano at iba pa.

18

3. Susumbatan at bibigyan ng
gumagawa ng kasalanan.

ang isang Cristiano kung siya ay

Juan 16:8 Pagdating niya ay kanyang patutunayan sa mga tao sa sanlibutan


na mali ang pagkakakilala nila sa kasalanan, at ipakikilala niya kung ano ang
matuwid, at kung ano ang kahatulan.

II. Ang Espiritu ay may dalang Maraming Espirituwal na pagpapala.


Pinapagtibay ng Banal ng Espiritu na tayoy mga anak ng Dios,
karapat-dapat sa lahat ng mga espirituwal na pagpapala kay Cristo.
Efeso 1:5,6 tayoy kanyang itinalaga upang maging mga anak niya sa pamamagitan
ni Jesu-Cristo. Iyan ang kanyang layunin at kalooban. Purihin natin Siya dahil sa
Kanyang kahanga-hangang pagkalinga sa atin sa pamamagitan ng kanyang minamahal
ng Anak!

III. Tinanggap natin kay Cristo ang kapuspusan ng Banal na Espiritu.


1.
I Cor. 1:30
2.
I Peter
3.
Efeso 1:7
4.
Gawa 1:8
5.
Juan 14:27
6.
I Cor. 1:30
7.
Juan 10:10
8.
Efeso 1:14
Sapagkat ang buong kalikasan ng Diyos ay na kay Cristo nang Siyay
maging tao at kayoy ginanap sa Kanya. Siya ang ulo ng lahat ng
kapamahalaan at pamumuno. Col. 2:9-10
IV. Ang Bunga ng Banal na Espiritu
Galacia 5:22-23 Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig,
kagalakan, kapayapaan, katiyagaan, kabaitan, kabutihan, kahinahunan, at
pagpipigil sa sarili. Walang utos laban sa ganitong mga bagay.

1.
2.
3.
4.

Deut. 6:4-5; Mateo 22:37-39; Juan 14:15


I Tesalonica 1:6; Santiago 1:2; Fil. 4:4
Juan 14:27; Mateo 5:21-26
Roma 5:3-5; Santiago 1:2-4
19

5.
6.
7.
8.
9.

Roma 2:4; Colosas 3:12-13


Mateo 5:6; 25:31-46; Santiago 1:14-16;
Heb. 11:1; 2 Co. 4:18; Awit 42:1-2
Mateo 5:3-5; 18:3-4; Fil. 2:1-11
Roma 8:9; 12:1-2; Mateo 6:7

Pagsasanay:
1. Memoryahin ang Roma 8:16

Ang Espiritu nga ang nagpapatotoo, kasama


ng ating espiritu, na tayoy mga anak ng Diyos.

2. Natitiyak kong ako ay anak na ng Dios dahil:


a. namamasyal lang sa akin ang Banal na Espiritu kung gusto ko
lang.
b. hinahayaan kong malampasan na lang Niya ako.
c. naniniwala akong naninirahan na Siya sa aking puso at palagi
Niya akong binabantayan at inaalagaan.
d. hanggang ngayon ay sinisikap ko pa na ang Banal na Espiritu ay
manguna sa aking buhay.
e. Iba pang sagot__________________________
3. Magpapa-alaga ka ba ngayon sa Banal na Espiritu?
a. Oo _____
b. Hindi _____
Pagtatapos.
Nananahan sa iyo ang Banal na Espiritu bilang permanente mong Yaya
(Tagapag-alaga, gabay, tagapagturo). Malalaman mong kasama mo Siya sa
pamamagitan ng Kanyang mga paggawa.
1. Tinitiyak Niyang ikaw nga ay anak ng Dios.
2. Pinakikilos ka Niya upang isakatuparan mo ang iyong mga katungkulan
bilang isang bagong Cristiano.
3. Iniingatan ka Niya upang huwag kang magkasala sa Dios at sa iyong
kapwa tao.
20

LESSON #7:
Normal sa isang tao ang maglaro. Mula pa sa
pagkabata hanggang siya ay magkaedad na, kaya
naman dapat ay mapanatili sa isang taong lumalago
ang salitang Laro.
Ang layunin po ng ating aralin ngayon ay upang
matutunan natin na mahalaga pala sa isang tao ang
maging masigla ang pisikal na pangangatawan upang
siya ay makapaglaro na maayos at tama. Kaya naman
po ay susubukan nating pag-aralan ang salitang
.
Marahil ay narinig na ninyo at nabasa ang tungkol sa kilalang
softdrinks na POP. Hindi po softdrinks ang ating pag-uusapan ngayon
kundi ang salitang Palagiang Oras ng Pagbubulay-bulay.
I. Ang mga dapat gawin bago mag POP.
A. BIblia, isang notebook, lapis, o ballpen.
B. Magkaroon ng takdang
upang isagawa ang
POP.
C. Kailangan mo ring magtakda o pumili ng lugar
kung saan makakapagbasa ka ng Biblia at makakapanalangin ka
ng walang sagabal.
Halimbawa:
Marcos 1:35 Madaling araw pay bumangon na si Jesus at nagtungo sa
isang ilang na pook at nanalangin.

II. Mga Hakbang sa Pagsasagawa ng POP.


A.

.
1. Isang maikling dalangin ng pagpapasalamat sa Diyos patungkol sa
maayos na pamamahinga mo kagabi at sa panibagong araw na
iyong kakaharapin nagyon. Hilingin ang patnubay ng Banal na
Espiritu sa pagbabasa mo ng Biblia anumang oras mo ito nais
isagawa.
21

B.

ang mga talatang nais mong pag-aralan. At subuking


itanong ang (5) limang katanungan ito:
1. Anu-ano ang sinasabi ng mga talata tungkol sa Diyos Ama, kay
Jesus-Cristo o sa Banal na Espiritu? Isulat ang mga katangiang
nakita at napansin sa mga binasa mong talata.
2. Anu-ano ang sinasabi ng mga talata tungkol sa iyong sarili? Mayroon
bang mga kasalanan ikaw, o pag-uugali na dapat mong baguhin
ngayon? Papaano mo kaya ito gagawin?
3. Anu-anong mga ginawa ng Diyos ang tinutukoy sa mga talatang ito?
Ano rin ang mga dapat mong sundin ngayon?
4. Anu-anong mga pangangailangan o suliranin sa buhay mo, ng iyong
mga mahal sa buhay at mga kaibigan ang dapat mong ipanalangin
bilang resulta ng pagbabasa mo sa mga talatang ito?
5. Anu-anong mga pangako dito na dapat sana ay iyong aangkinin at
panghahawakan mula ngayon?

C.

sa Pananalangin na sinusunod ang paraang ito.


.
Sambahin ang Diyos at gamitin ang mga katotohanan na
iyong natuklasan sa tugon mo sa limang katanungan.

1.

2.

.
Ipahayag mo ang iyong mga nagawang kamalian at mga
kasalanan sa Panginoon ng buong taimtim sa puso, isip at
kaluluwa.

3.

.
Pasalamatan mo ang Diyos sa mga talatang iyong binasa na
nagbigay linaw, kagalakan at kapayapaan sa iyong sarili.

4.

.
Ipanalangin mo naman ngayon ang nais
ng Diyos mula sa iyong personal na buhay, sa iyong pamilya, at
ibang mga tao. Isama mo rin ang ating bansa, bayan, barangay
at lalo na ang mga namumuno dito.

22

III.

Pagtatapos.

Isaias 40:30-31 Kahit kabataan ay napapagod atnanlulupaypay. Ngunit ang


nagtitiwala kay Yahweh ay magpapanibagong sigla. Ang lakas nilay matutulad
sa walang pagod na pakpak ng agila. Silay tatakbo nang tatakbo, ngunit di
manghihina. Lalakad nang lalakad, ngunit di mapapagod.

Makikita po natin dito ang nakakahamong pangako ng Diyos sa


pagsasagawa natin ng POP. Tatanggap po tayo ng sapat na
upang magawa natin ang mga gawain at maharap natin ang anumang
suliranin ng ating buhay.
IV. Pagsasanay:
1. Subukang memoryahin o sauluhin ang Marcos 1 :35.
Madaling araw pay bumangon na si Jesus at nagtungo sa isang ilang na
pook at nanalangin.

2. Pasimulan mo ang iyong POP bukas ng umaga.


* Pumili ng angkop na oras at tamang lugar.
a. Basahin ang Juan 15:1-17.
b. Subukang gamitin ang POP at ang (5) limang katanungang
gabay sa pag-aaral.
c. Isulat sa isang maliit na notebook o papel ang mga sagot mo
sa (5) katanungan.
3. Pagkaraang masagutan ang (5) limang
katanungan, magpatuloy ka sa apat na P.
a. Pagsamba.
b. Pagpapahayag.
c. Pagpapasalamat.
d. Paghiling.
4. Pumili muli ng talatang iyong babasahin sa
susunod na (6) anim pang araw.
Halimbawa:
Ikalawang araw =
Juan 3:1-21
23

Ikatlong araw =
Ikapaat na araw =
Ikalimang araw =
Ika-anim na araw =

Juan
Juan
Juan
Juan

6:1-15
10:1-21
13:1-20
14:131

V. Pananalangin. (Tanging kahilinganpersonal/pamilya)

24

LESSON #8:

Ang tunay mong kaibigan, kasangga, kapuso, kabagang, kasagpi, kapamilya at kabarkada ay ang iyong
buong sambahayan.
Ang tunay na pamilya, mga kaibigan at kabarkada
ay lubhang napakahalaga para sa atin. Bilang
tagasunod ng Panginoong Jesus, kinaka-ilangang
malaman natin ang Kanyang sinasabi tungkol sa ating
tunay na
at mga kabarkada.
Ngunit kailangang magsimula muna tayo sa pagkilala
kung sino ba ang tunay na mga kaibigan o alagad ni
Jesus?
I. Sino ba ang tunay na Cristiano?.
A. Isang simpleng paglalarawan ang tutulong sa atin upang
maunawaan natin kung sino tayo.
B. Sa Paglalarawang ito, ang maliit na bilog ay
kumakawatan sa tunay na grupo na itinatag ni Jesus,
(Cristianismo), na nasa loob ng malaking bilog
(Sanlibutan). (Juan 17:11a)
At ngayon, akoy papunta na sa iyo; aalis na ako sa sanlibutan,
ngunit nasa sanlibutan pa sila
1.

2.
3.

Dito ay makikita natin na ang


ay nasa sanlibutan, subalit
ang Iglesia ay hindi sa sanlibutan. (Cristiano, Gawa 11:26 at
doon sa Antioquia unang tinawag na Cristiano ang mga alagad)
Nangangahulugan ito na sa kalikasang buhay at gawain ang Iglesia
ay
at hiwalay sa sanlibutan.
Ang paghihiwalay na ito ang nagbibigay sa atin ng mahalagang
kahulugan ng Iglesia.

25

II. Ano ba ang Iglesia?


D.

Tinawag.
1. Ang orihinal na salitang Griego para sa Iglesia ay ekklesia.
ek
= ang kahulugan ay tinawag
klessia = ang kahulugan ay bayan o tao.
2. Ang Iglesia ay binubuo ng mga tao na
Diyos sa pamamagitan ng Mabuting Balita.

ng

3. Sa oras na marinig ng tao ang panawagan ng Mabuting Balita at


siyay magsisi ng kanyang mga kasalanan at siyay sumampalataya
kay Jesus bilang Panginoon at Tagapagligtas, sa oras ding yaon ay
ihihiwalay niya ang kanyang sarili mula sa gawa ng sanlibutan at
na siya sa kalipunan ng mga taong tinawag ni Jesus.
Colosas 1:12-13 At magpasalamat kayo sa Ama, sapagkat
minarapat niyang ibilang kayo sa mga hinirang na magmamana ng
kaharian ng kaliwanagan. Iniligtas niya tayo sa kapangyarihan ng
kadiliman at inilipat sa kaharian ng kanyang minamahal na Anak.
E.

ng Diyos.
1. Isa pang pangalan na ibinigay sa Iglesia ay ang Sambahayan ng
Diyos.
2. Ang sinuman na nasa sanlibutan at anak ng Diablo. Kaisa sa
Sambahayan ni Satanas.
Juan 8:44 Ang Diablo ang inyong ama, at kung ano ang gusto niya,
iyon ang inyong ginagawa. Siyay mamamatay-tao na sa simula pa, at
kalaban ng katotohanan, at di matatagpuan sa kanya ang
katotohanan kahit kailan. Kung siyay nagsisinungaling, likas na ito sa
kanya, sapagkat siyay sinungaling at ama ng kasinungalingan.

C. Ang Katawan ni Cristo.


1. Sa oras na ang isang tao ay tunay na tumanggap
26

kay Cristo bilang Panginoon ng kanyang buhay, sa oras ding yaon ay


tinanggap niya ang Banal na Espiritu bilang nananahang
ng
Diyos, at sa oras ding yaon siyay magiging bahagi ng
ni Cristo.
2. Ang mga tao sa maliit na bilog ay katawan ni
Cristo, ang mga tao na nananatili sa malaking bilog ay nagpapatuloy na
namumuhay na
ni Cristo.
III. Ang Gawa ng Sanlibutan sa mga Cristiano.
1. Juan 3:19,20
Hinatulan sila sapagkat naparito sa sanlibutan ang ilaw (si Jesus, sa
Juan 14:6) ngunit inibig pa ng mga tao ang dilim kaysa liwanag, sapagkat
masama ang kanilang mga gawa. Ang gumagawa ng masama ay ayaw sa
ilaw, at hindi lumalapit dito upang hindi mahayag ang kanyang mga
gawa.
2. Juan 7:5
Maging ang mga kapatid ni Jesus ay hindi sumampalataya sa kanya.
IV. Paano Pinakiharapan ng mga Cristiano ang Sanlibutan?
1. Tayo na nasa maliit na bilog ay kinakailangan na palagian nating
dalhin ang mga tao mula sa malaking bilog patungo sa maliit na
bilog.
2. Ang ating
ay kinakailangang tulad ngkay Cristo. Lucas
19:10 Sapagkat naparito ang Anak ng Tao upang hanapin at iligtas
ang mga naligaw.
3. Dapat tayong mga Cristiano ay
kay Cristo.
Lucas 14:27 Ang sinumang hindi magpasan ng sariling krus at
sumunod sa akin ay hindi maaaring maging alagad ko.

27

V. Sino naman ang Totoong Barkada ko ngayon?


A. Ang lahat ng Cristiano ay ang ating buong sambahayan, ngunit
mayroon din tayong maliliit na tunay na mga kabarkada sa
pamilyang Cristiano. Mula ngayon ay kinakailangan nating
mamuhay, gumawa, at mawiling kasama ng mga Cristianong
natin.
B. Upang kawilihan natin ang bagong sambahayan at barkada
natin kay Cristo, dapat tayong
sa batas ng pag-ibig. Juan
13:34,35) Isang Bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo: mag-ibigan
kayo! Kung paanong iniibig ko kayo, gayon din naman, mag-ibigan
kayo. Kung kayoy mag-iibigan, makikilala ng lahat na kayoy mga
alagad ko.
1. Ang nilalaman ng batas na ito ay:
Dahil sa mahal ako ni Cristo at ang ibang Cristiano ay mahal din
ni Cristo, dapat ko rin silang mahalin tulad ng pagmamahal sa
akin at sa kanila ni Cristo.
2. Kung matutuhan mong ipamuhay ang batas ng pag-ibig na ito sa
iyong kaugnayan sa ibang mga tao, matutuklasan mo at mararansan
na ang sambahayang Cristiano ay nagiging
.

VI. Pagtatapos at Pananalangin.


Hindi ito nangangahulugan na dapat mo nang kalimutan o itakwil ang
iyong tunay na kasambahay at mga dating kaibigan. Nangangahulugan
lamang ito na si Cristo ay naging Panginoon ng lahat mong mga
kaugnayan, at ikaw ay handang sundin si Cristo.

28

You might also like