Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 80

ANG KWENTO MULA SA AMING MAHIWAGANG BURNAY KANINA:

MALAKAS ANG ULAN NG MAKITA NG ISANG LALAKE ANG ISANG MATANDANG MATANDANG
BABAE NA KUMAKAWAY SA TABI NG ISANG NAKAHINTONG MERCEDES BENZ.
KAYA INIHINTO RIN NG LALAKE ANG KANYANG PAMPASAHERONG JEEP PARA TULUNGAN ANG
MATANDA.
"MAM, TULUNGAN KO NA PO KAYO." SABI NG LALAKE.
"NAKU, SALAMAT IHO. KANINA PA AKO DITO. WALA MAN LANG HUMIHINTO PARA TULUNGAN
AKO. NAGMAMADALI PA NAMAN AKO." SABI NG MATANDANG BABAE.
AGAD NG TINIGNAN NG LALAKE ANG MAKINA NG SASAKYAN NG MATANDANG BABAE.
"NA-FLAT-AN PO PALA KAYO NG GULONG. HABANG INAAYOS KO PO, SUMILONG MUNA KAYO
SA SASAKYAN KO. SIYANGA PO PALA, AKO PO SI CHRIS MARTINEZ. PUMAPASADA PO AKO NG
BIYAHENG QUIAPO." PAGPAKILALA NG LALAKE.
SA SOBRANG LAKAS ANG ULAN AY NAHIRAPAN SI CHRIS SA PAGPAPALIT NG RESERBANG
GULONG. DAHIL MEDYO MADILIM ANG PALIGID AY NAGALUSAN PA SIYA SA MGA KAMAY
HABANG HINAHANAP ANG PAGPUPUWESTUHAN NG JACK SA ILALIM NG SASAKYAN. SA HULI
AY TAGUMPAY PA RIN NA NAPALITAN NI CHRIS ANG FLAT NA GULONG NG MATANDANG
BABAE.
"OK NA PO ANG SASAKYAN NIYO MAM. MAY NAGULUNGAN PALA KAYONG MALIIT NA PAKO.
ILALAGAY KO LANG PO ITONG ANG FLAT NA GULONG SA TRUNK NIYO." PALIWANAG NI CHRIS.
"MARAMING-MARAMING SALAMAT IHO. NASUGATAN KA PALA AT NARUMIHAN NA. SOBRANG
NAABALA KITA. HETO IHO, TANGGAPIN MO." SABAY ABOT NG PERA KAY CHRIS.
"NAKU MAM, WAG NA PO. HINDI PO AKO TUMATANGGAP NG BAYAD. GUSTO KO LANG PO
KAYONG TULUNGAN." SABI NI CHRIS SA MATANDA.
"SIGURADO KA? NAKAKAHIYA NAMAN SAYO. SIGE NA TANGGAPIN MO NA ITO." PAMIMILIT NG
MATANDA.
"HINDI HO TALAGA MAM. GANITO NA LANG HO SIGURO. KUNG TALAGANG GUSTO NIYO
AKONG BAYARAN, ITULONG NIYO NA LANG SA IBANG MANGANGAILANGAN NG TULONG. AT
ALALAHANIN NIYO NA LANG PO AKO NA MINSANG TUMULONG SA INYO." SABI NI CHRIS.
"O SIGE IHO, MARAMING-MARAMING SALAMAT ULI. HINDING-HINDI TALAGA KITA
MAKAKALIMUTAN." PAGKATAPOS MAGPASALAMAT AY UMALIS NA ANG MATANDANG BABAE.
BAGAMAT MALUNGKOT ANG PANAHON NG MGA ORAS NA IYON, AY NAGLILIWANAG NAMAN
ANG PAKIRAMDAM NG MATANDANG BABAE DAHIL SA KABUTIHANG LOOB NI CHRIS. HABANG
BUMIYAHE PAUWI AY DUMAAN MUNA ITO SA ISANG MALIIT NA COFEE SHOP.

PAGPASOK PA LANG NG PINTO AY AGAD NA SIYANG NAPANSIN NG WAITRESS DAHIL BASANGBASA SIYA SA ULAN. AGAD SIYANG INABUTAN NG MALINIS NA TUWALYA NG WAITRESS BAGO
KINUHA ANG KANYANG ORDER. BUKOD SA NAMEPLATE AY NAPANSIN DIN NG MATANDANG
BABAE ANG MALAKING TIYAN NG WAITRESS.
"SALAMAT, MARIBEL.ILANG BUWAN NA BA YANG DINADALA MO." TANONG NG MATANDA.
"KABUWANAN KO NA PO MAM, DUE KO NA PO SA SUSUNOD NA LINGGO. PANGANAY PO
NAMIN ITO NG MISTER KO. ANO PO PALA ANG ORDER NIYO MAM?" SABI NI MARIBEL.
"BIGYAN MO NA LANG AKO NG KAPE IHA.ANG SIPAG MO NAMAN, KABUWANAN MO NA PERO
NAGTATRABAHO KA PA." SABI NG MATANDA.
KAILANGAN PONG KUMITA MAM, PARA HINDI NAMAN MASYADONG MABIGATAN SI MISTER.
DAGDAG PA NI MARIBEL.
HABANG PINAGMAMASDAN NG MATANDA ANG BABAE AY NAALALA NIYA SI CHRIS. MATAPOS
MAUBOS ANG INORDER NA KAPE AY INIWAN NA LAMANG NG MATANDA ANG BAYAD SA
LAMESA. SA IBABAW NG INIWANG PERA NAKASULAT ANG MGA SUMUSUNOD:
"MISS, SA IYO NA ANG SOBRA, IHA. MAGAGAMIT MO ANG PERA PANDAGDAG SA
PANGANGANAK MO. WALA KANG DAPAT ALALAHANIN DAHIL KANINA BAGO AKO PUMUNTA
RITO AY MAY MABUTING LOOB NA TUMULONG SA AKIN. PERO KONG GUSTO MO TALAGANG
TUMANAW NG UTANG NA LOOB, PANATILIHIN MONG UMIIKOT ANG GULONG NG PAGTULONG."
MATAPOS BASAHIN AY NAKITA PA NI MARIBEL ANG NAKAIPIT SA NAPKIN NA SAMPUNG
LIBONG PISO. NALUHA SA GALAK ANG WAITRESS DAHIL NAIBSAN ANG PINOPROBLEMA NIYA
NA PANGGASTOS SA KANYANG PANGANGANAK.
PAG-UWI NIYA NG BAHAY AY MULI NIYANG NAISIP ANG MATANDANG BABAE NA NAGBIGAY SA
KANYA NG PERA. PUNO NG PASASALAMAT ANG PUSO NG WAITRESS HABANG
PINAGMAMASDAN NIYA ANG KANYANG ASAWA NA KAUUWI LANG DIN MULA SA TRABAHO,
PAGOD ANG KATAWAN AT INABUTAN NA NG ANTOK SA SOFA. HINIHIMAS NI MARIBEL ANG
ULO NG ASAWA AT BUMULONG:
"MAGIGING MAAYOS NA ANG LAHAT, MAHAL KO. MAY PERA NA TAYO PARA KAY BABY. MAHAL
NA MAHAL KITA, MR. CHRIS MARTINEZ." SABAY HALIK SA PISNGI NG ASAWA.

Isang araw ay ipinakilala ng boss ni Michael ang isang bagong empleyado.


Michael, meet Pam. Siya ang ite-train mo bago ka magleave papuntang New York. Kailangang
matutunan niya ang mga pasikot-sikot in your area bago ka umalis. Teach her, train her and take
care of her. Malinaw?
Yes , Boss! sagot ni Michael.

And Pam, meet Michael. Hindi siya mukhang matalino pero Michael is one of our best employees.
In fact, paalis siya ng bansa for a scholarship grant in New York . Two week mo lang siya
makakasama then you will be on your own. So you better work together in harmony in two weeks
time. Goodluck guys!
Thank you, Sir! sagot ni Pam.
Pag-alis ng boss ay agad na nakipagkamay si Pam kay Michael. Inabot naman ni Michael ang
malambot na mga kamay ni Pam. Parang na love at first sight si Michael dahil sa ganda at amo ng
mukha ni Pam.
Pam, total mag-shu-shwelve na din, mag lunch na muna. Ill show you the canteen sa baba.
At mula 12 floor ay bumaba ang dalawa gamit ang elevator. Halos mapuno ng mga tao ang loob ng
elevator. Sa gitna ng siksikan ay may kakaibang napansin si Michael kay Pam.
Anything wrong Miss Pam?
Balisa at tila kinakapos ng hininga si Pam.
Pasensya ka na Sir Michael. May phobia kasi ako sa elevator at sa masisikip na lugar.
Pagtuntong ng ground floor ay dali-daling ngalakad si Pam palabas ng elevator.
Kinabukasan ay muling nagkita si Pam at Michael sa may elevator paakyat ng opisina.
Good morning Sir Michael! Buti na lang ang nandiyan kasi. At least may kasabay akong sumakay
sa elevator.
Hi Miss Pam! It's good to see you again. Akala ko ay magrere-sign ka na dahil sa sobrang sikip ng
elevator sa bulok na building na to eh. Biro lang. Ano yang dala mo? Para saan yan?
Nahihiya man ay ipinakita din ni Pam ang halaman sa maliit na paso na dala-dala niya.
Sir Michael, ilalagay ko sana ito sa desk ko kung papayag kayo. Ito kasi ang pangontra ko sa phobia
ko sa masisikip na lugar. Pag nakakita ako ng mga berdeng halaman ay gumagaan ang pakiramdam
ko at parang nakakahinga ako ng maluwag.
No problem Miss Pam. You can put on your desk anything you like. So are you ready for day 2 of
your training?
Yes, Sir! Im so lucky na kayo ang trainor ko. Thank you Sir Michael!
Ah, Miss Pam. Our first lesson for the day ay yung matutunan mo na tawagin ako on my first name.
Wag mo na akong tawaging sir. Michael na lang, please. Tutal, halos magka-edaran lang naman
tayo. Is that ok with you!
No problem, Sir Michael! Este. Michael!
Great! With that lets move on to your second lesson!
At nagpatuloy ang training ni Pam kasama si Michael. Naging magaan ang mga sumunod na araw
para kay Pam sa opisina dahil na rin sa maayos na pag-alalay ni Michael.
Day 3 ni Pam sa opisina.

Pam, lunch time na. I suggest na ituloy mo na muna yang ginagawa mo and il get something for us
sa canteen sa baba. Dito na tayo kumain para hindi ka na ma-stress sa pagsakay sa elevator. Would
you care for anything?
Halos mamula ang mga pisngi ni Pam sa sobrang asikaso sa kanya ni Michael. Sa araw na iyon ay
lalong naging magaan ang lahat para kay Pam. Na-enjoy niya ang buong araw na kasama si
Michael. At halata din kay Michael na nag-eenjoy siya kasama si Pam. Habang kumakain ay di
maiwasan ni Michael na mapatitig sa mukha ni Pam.
Michael? May dumi ba ako sa mukha?
A e, wala. Rice! Gusto mo pa ng rice? natatarantang sagot ni Michael.
Pagdating ng uwian ay naisipan ni Michael na ihatid si Pam. Sinabayan niya si Pam sa elevator
pababa ng building. Yayain na sana ni Michael si Pam pauwi ng biglang may sumalubong sa dalaga
na isang cute guy sa lobby. Iniabot ni Pam ang mga gamit niya sa cute guy at nagpaalam kay
Michael.
Paano sir, bukas na lang ulit. Salamat pala sa lunch kanina.
Halos madismaya si Michael sa kanyang nakita. Hanggang sa makauwi ng bahay ay hindi
maiwasang sumasagi sa isip ni Michael ang kagandahan ni Pam.
Lumipas ang dalawang linggo. Last day ni Michael sa kompanya. Nakahanda na siya para sa
kanyang pag-aaral sa New York.
Pam. I just want you to know that you did so well on your training.
Kayang-kaya mo na ang trabaho ko. Pwede ka nang iwang mag-isa. Goodluck sa bago mong
trabaho dito.
Michael. Thank you sa lahat. Napakagaling mo magturo kaya naging madali sa akin ang magamay
ang trabaho ko dito. Nakakalungkot naman, wala na akong makakasabay kumain. Wala na din
akong makakasabay sa elevator. Mami-miss MichaelI mean Sir Michael!
At sa kahuli-hulihang pagkakataon ay sinabayan ni Michael si Pam pababa ng building. Sa
pagkakataong ito ay dalawa lamang sila sa looob ng elevator. Habang bumaba ay aksidenteng
nagkadikit ang mga kamay ni Pam at Michael. Hindi napigilan ni Michael ang sarili. Nang makita
niyang nababalisa si Pam dahil sa pobhia sa elevator ay hinawakan niya ang kamay ni Pam habang
bumababa. At dala na rin ng udyok ng damdamin ay unti-unting inilapit ni Michael ang kanyang
mukha kay Pam. Unti-unti niyang inilapit ang kanyang mga labi sa dalaga. Maglalapat na dapat ang
kanilang mga labi ng ilayo ni Pam ang kanyang mukha mula kay Michael at sinabi:
Bakit mo ginagawa sa akin to, Michael! Bukas ay iiwan mo na ako. Hindi ko alam kung magkikita pa
tayo ulit. Bakit kailangang mangyari to.
Pagbukas ng pinto ng ay mabilis na naglakad si Pam palabas ng elevator. Naiwang lumuluha si
Michael sa loob ng elevator.
Kinabukasan ay mag-isa na lamang si Pam sa opisina. Mag-isa na lamang siyang kumain. Habang
hinihintay an g uwian ay nakatitig siya sa maliit na halaman sa kanyang lamesa. Inaalala ang
masasayang araw kasama si Michael.

Pagpatak ng alas-sais ay kinuha na ni Pam ang kanyang mga gamit. Nagtungo sa tapat ng elevator
at naghintay. Pagbukas ng pinto ng elevator ay nagulat si Pam sa kanyang nakita. Ang loob nito ay
punung-puno ng mga berdeng halaman. Ang sahig ng elevator ay nalalatagan ng Bermuda grass. At
sa gitna nito ay mayroong isang bench na yari sa kahoy.Ang loob ng elevator ay nagmistulang isang
parke na naghihintay sa pagdating ng isang prinsesa.
Na-engganyo si Pam na pumasok sa loob ng elevator na napaliligiran ng magagandang halaman.
Sa pagkakataong ito ay hindi siya nakaramdam ng pagkabalisa. Nagpakalma sa kanya ang nakikita
niya sa buong paligid.
Mula sa 12 floor ay bumaba ng isang baytang ang elevator. Bumukas ang pinto. Pagbukas ng pinto
ay lalong nasorpresa si Pam ng bumungad sa kanya si Michael, may dalang karatula na ganito ang
nakasulat:
I LOVE YOU , PAM! KUNG MAHAL MO DIN AKO AY BUMABA KA SA FLOOR NA ITO.
Hindi bumaba si Pam. Hinayaan niyang magsara ang pinto ng elevator.
Muling tumigil ang elevator sa 10th floor. Pagbukas ng pinto ay naroroong muli si Michael. May
dalang isa pang karatula na ganito naman ang nakasulat.
HINDI MO KAILANGANG MAGMADALI. PAG-ISIPAN MONG MAIGI.
Muli ay hinayaan ni Pam na magsara ang elevator. Sinundan ni Michael ang pagbaba at pagbukas
ng elevator sa bawat floor na hinihintuan nito. Pawis na pawis at pagod na pagod na si Michael
subalit umaasa siya na sa isa sa mga palapag ay bababa si Pam at sasabihing mahal din siya nito.
Subalit sa kahuli-hulihang palapag ay hindi na inabutan pa ni Michael si Pam. Lugmok ang binata na
lumabas ng building. Hawak ang mga karatula ay dahan-dahan at halos kaladkarin na ni Michael
ang kanyang mga paa papunta sa kanyang sasakyan. Pasakay na ng kotse si Michael nang may
tumawag sa kanya sa may likuran, si Pam.
Sir Michael! Pinauwi ko na yung kuya ko. Walang maghahatid sa akin. Pwede mo ba akong ihatid
sa bahay namin?
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Michael sa kanyang narinig. Naibsan ang lahat ng pagod.
Dali-dali siyang tumakbo papalapit kay Pam at niyakap ang dalaga.
Sir Michael, este Michael. Meron akong aamin sayo. Wag ka sanang magagalit. WALA AKONG
PHOBIA SA ELEVATOR. Pero salamat dahil nakita ko ang pagmamalasakit mo. Naramdaman ko
ang pagmamahal mo.
Muling niyakap ni Michael si Pam ng mahigpit. Naglapit ang kanilang mga mukha at sa kaunaunahang pagkakataon ay naglapat din ang kanilang mga labi sa isat-isa.
Nagdesisyon si Michael na isama si Pam sa New York para duon na manirahan. Nang matapos ni
Michael ang kanyang scholarship ay niyaya na niyang magpakasal si Pam. Sa isang garden na
punung-puno ng mga berde at magagandang halaman ginanap ang kasalan. Simbolo ito ng
kanilang dalisay at patuloy na lumalagong pagmamahalan.

Isang mainit na panahon sa South Florida, USA. Naisipan ng batang si Jim na maligo sa lawa na

malapit sa kanilang likod bahay. Sa pagmamadali ni Jim ay iniwan na lamang niya ang kanyang mga
baro at tsinelas na nakakalat sa sahig ng bakuran.
Wow, ang sarap maligo!
Tuwang-tuwang tumalon si Jim sa tubig. Lumangoy siya ng lumangoy hanggang sa marating ang
gitna ng lawa. Sa gitna ng pagtatampisaw ni Jim ay hindi niya namalayan ang isang nakaabang na
panganib. Sa kanyang likuran ay dahan-dahang lumalangoy papalapit sa kanya ang isang malaking
buwaya. Na-alarma lamang si Jim nang bigla niyang marinig ang sigaw ng kanyang ina na
tumatakbo patungo sa lawa.
Jim! Anak. Umahon ka sa tubig! Bilis, anak! Umahon ka!
Pumwesto ang ina ni Jim sa gilid ng lawa para saklolohan ang anak. Dali-dali namang lumangoy si
Jim patungo sa kanyang ina. Subalit tila bumilis din ang galaw ng buwaya papalapit kay Jim. Abot
kamay na ni Jim ang ina ng biglang umatake ang buwaya. Agad na hinawakan ng ina ni Jim ang
mga braso ng anak. Subalit sa kasamaang palad ay naabot na rin ng bunganga ng buwaya ang mga
binti ng bata. Nagsimulang maghilahan ang buwaya at ang ina ni Jim. Sadyang mas malakas ang
pwersa ng buwaya subalit hindi naman nagpatinag ang ina ni Jim.
Sa gitna ng malagim na pangyayari ay isang magbubukid ang nakapansin sa hiyaw ni Jim at ng ina
nito. Dali-daling bumaba ang magbubukid mula sa kanyang trak bitbit ang kanyang riple. Inasinta ng
magsasaka ang buwaya at sa unang putok ay agad nitong napatumba ang halimaw.
Agad na isinugod sa ospital ang sugatan na si Jim. Sa kabutihang palad ay nakaligtas din ang bata
matapos ang ilan linggong pagpapagaling sa ospital.
Nagtamo si Jim ng malalalim na marka ng sugat sa kanyang mga binti mula sa matatalim na pangil
ng buwaya. At sa kanya namang mga braso ay nagmarka din ang malalalim na galos mula sa mga
kuko ng kanyang ina. Dahil sa mahigpit na pagkaka-kapit ng ina ni Jim ay halos bumaon na ang mga
kuko nito sa braso ng kanyang anak.
Matapos ang trahedya ay isang reporter ng pahayagan ang nag-interview sa bata.
Jim, maari mo bang ipakita sa akin ang mga marka ng mga sugat na natamo mo ng atakihin ka ng
buwaya?
Itinaas ni Jim ang kanyang pantalon at ipinakita sa reporter ang mga peklat sa kanyang binti.
Pagkatapos nito ay tumayo si Jim at buong pagmamalaki na sinabi:
Hindi lang po yan ang mga naging sugat ko. Tignan niyo po ang mga braso ko. Napuno din po ito
ng mga galos at sugat dahil hindi ako binitawan ng Mommy ko.
Gaya ng batang si Jim, bawat isa sa atin ay may mga marka din ng sugat, hindi dahil sa kagat ng
buwaya kundi dahil sa mga sugat ng isang mapait na nakaraan.
May mga sugat tayo na sadyang di kaaya-aya kaya pilit nating itinatago. Subalit may mga sugat na
maari nating ipagpasalamat dahil ito ay mga marka ng katapatan ng Diyos sa ating buhay.
Minsan, tayo na rin ang naglalagay ng sarili natin sa panganib. At kapag inatake na tayo ng kaaway
ay doon na nagsisimula ang pakikipag-hilahan ng Diyos para hindi tayo mapariwara.

Si Kristo ay nagtamo rin ng malalalim na sugat ng magsakripisyo siya para sa sangkatauhan. Kaya
gaano man kasakit ang iyong nakaraan, gaano man kalalim ang iyong mga sugat, alalahanin
lamang ang mga sugat ni Hesus na may kapangyarihang magpahilom ng sugatang puso at
kaluluwa.

Isang simpleng pamumuhay sa isang magarang misyon. Ganito mailalarawan ang buhay ni Jorge
Mario Bergoglio ng Buenos Aires, Argentina.
Panganay si Jorge sa limang magkakapatid. Ang kanyang ama na isang accountant at ang butihing
ina ang magkatuwang na nagtataguyod sa kanilang pamilya. Dahil sa pagsusumikap ng mga
magulang ay nakatungtong ng kolehiyo si Jorge sa kursong Chemistry. Para makatulong ay
pinagsabay ni Jorge ang pagtratrabaho at ang pag-aaral. Namasukan siya bilang janitor at bouncer
sa isang bar. Bukod dito ay nakapagtrabaho din siya sa isang chemical laboratory.
Dahil sa pagsusumikap ay natapos ni Jorge ang kanyang Masters degree sa Chemistry sa
University of Buenos Aires. Namunga ang kanyang edukasyon at nakapagturo ng literature,
philosophy, psychology and theology.
Sa gitna ng pamamayagpag ng kanyang karera ay isang bagong panawagan ang unti-unting
umusbong sa puso ni Jorge. Sa edad na 21 ay naisipan niyang pumasok sa seminaryo. Matapos
ang ilan taong pag-aaral at pagdarasal ay na-ordina si Jorge bilang isang pari. Nang pasukin ni
Jorge ang paninilbihan sa simbahan ay doon niya lalong nalasap ang isang simple subalit masayang
pamumuhay. Naging gabay siya sa napakaraming batang seminarista. Naging kaligayahan niya ang
araw-araw na paglilingkod sa mga kapus-palad at may sakit. Dahil sa kanyang dedikasyon sa
sinumpaang tungkulin ay inalok siya na magsilbi bilang provincial superior hanggang sa maging
rector of seminary. Hindi nagtagal ay lalo pang lumawak ang kanyang misyon nang tawagin siya ng
Diyos bilang isang obispo.
Sa kabila ng pag-usbong ng kanyang posisyon sa simbahan ay nanatili sa lupa ang mga paa ni
Jorge. Para sa kanya, ang pagiging mapagkumbaba ang palatandaan ng tunay na paglilingkod.
Nanatili siyang tapat at tiklop-tuhod na nanalangin. Kaya sa gitna ng mga batikos at pagsubok ay
nagpatuloy din ang kanyang katatagan.
Milagro din kung ituring niya ang isang malaking pabor na natatanggap sa kanyang kalusugan.
Minsan na kasi siyang sumailalim sa isang maselang operasyon. Dahil sa impeksyon ay kinailangan
alisin ang itaas na bahagi ng kanyang kanang baga. Sa kabila nito ay maayos pa rin niyang
nagagampanan ang kanyang mga tungkulin at mas lalong naging maingat sa kanyang kalusugan.
At makalipas ang ilang taon ay itinalaga naman si Jorge bilang isang Cardinal ni Pope John Paul II.
At sa kanyang muling pag-angat ay dala-dala pa rin ni Jorge ang simpleng pamumuhay. Nanirahan
siya sa isang simple at maliit na apartment. Hindi siya kumuha ng katulong sa bahay at sa halip ay
personal siyang nagluluto ng pagkain para sa sarili. Hindi rin niya hilig ang sumakay sa magagarang
sasakyan. Umaasa siya sa serbisyo ng subway para sa kanyang transportasyon. Masaya siyang
nakikihalubilo sa mga simpleng tao gaya niya sa tuwing sasakay siya ng tren o pampasaherong bus.

Taong 2001 nang bumisita si Cardinal Jorge sa isang hospicio na tinutuluyan ng mga biktima ng
HIV-AIDS. Nag-alay siya ng misa at labindalawang biktima ng HIV-AIDS ang hinugasan niya at
hinalikan ang mga paa.
Taong 2008 naman ng bisitahin ni Cardinal Jorge ang isang drug rehabilitation center sa Buenos
Aires, Argentina. Labindalawang recovering addicts din ang hinugasan niya at hinalikan ang mga
paa. Ito ay bilang pagpapakita ng halimbawang iniwan ni Hesus sa sangkatauhan ang
pagpapahayag ng banal na awa sa mga maysakit at nagkakasala.
Isang tao na may malinis na hangarin at simpleng pananaw sa buhay. Ito na marahil ang dahilan
kung bakit isa namang magarang misyon ang inihain ng Diyos kay Jorge. Isang misyon na
nangangailangan ng isang napakalaking hakbang ng pananampalataya.
Ito ay ang misyon na maglingkod sa sangkatauhan bilang Banal na Santo Papa ng Simbahang
Katolika. At gaya ng dati, isang desisyon ang taimtim na ipinanalangin ni Jorge. Kinalimutan niya ang
pansariling hangarin at sumang-ayon sa panawagan ng Diyos sa kanyang buhay.
March 19, 2013 nang humarap si Jorge Mario Bergoglio sa bilyun-bilyong tao sa mundo bilang
bagong halal na Santo Papa. At Kalakip ng kanyang bagong misyon ang isang bagong tirahan, ang
Roma at isang bagong pangalan, Francis.
Mapapatunayan sa buhay ni Jorge o mas kilala ngayon bilang Pope Francis na ang pagkakaroon ng
isang simpleng puso, simpleng pamumuhay at simpleng pagsunod sa Diyos ay nagdudulot ng di
matatawarang karangalan.

ANG KWENTO MULA SA AMING MAHIWAGANG BURNAY KANINA:


HINDI MASUKAT ANG KALIGAYAHAN NG MAG-ASAWANG RAMON AT GRACE NANG
MAIPANGANAK ANG KANILANG UNANG BABY. HALOS LIMANG TAON ANG KANILANG
BINUNO BAGO SILA NAPAGKALOOBAN NG ANAK KAYA NAMAN TODO-TODO ANG KANILANG
PAG-AALAGA SA SANGGOL. SI RAMON NA ISANG IT EXPERT AY BUMILI PA NG BABY
MONITOR PARA MINU-MINUTO AY MASUBAYBAYAN ANG ANAK KAHIT NA MALAYO SILA SA
TULUGAN NG BATA.
"GRACE, LOVE, HALIKA, TUTURUAN KITA GUMAMIT NITONG BABY MONITOR. SO
HALIMBAWA NASA KUSINA KA, KAILANGAN AY BITBIT MO 'TONG RECEIVER. DITO MO
MARIRINIG KUNG SAKALING UMIIYAK SI BABY."
NATUWA NAMAN SI GRACE SA BINILI NG ASAWA.
"ANG GALING NAMAN NITO LOVE, VERY USEFUL ITONG NAISIP MO HA. AT LEAST
MAKAKAGALAW AKO DITO SA BAHAY HABANG NASA NURSERY SI BABY."
NAPANGITI SI RAMON AT BIGLANG NIYAKAP ANG ASAWA.
"AT HINDI LANG YAN ANG PURPOSE NITO, LOVE. NGAYONG MAY BABY MONITOR NA TAYO,

WE CAN STILL HAVE QUALITY TIME WITH EACH OTHER SA KWARTO NATIN. PARA
MASUNDAN NA NATIN AGAD SI BABY DANIEL."
NASAMPAL NI GRACE SI RAMON AT NAPAHALAKHAK.
"LOKO KA TALAGA, LOVE. MALIGO KA NA NG DUON AT BAKA MA-LATE KA PA SA TRABAHO."
HUMIRIT PA SI RAMON.
"OK, LOVE. PASS KA MUNA NGAYON. PERO MAGREADY KA BUKAS DAHIL DAY-OFF KO."
KINABUKASAN AY MAAGANG NAGISING SI RAMON PERO WALA NA SA KAMA ANG KANYANG
ASAWA. BINITBIT NIYA ANG BABY MONITOR AT AGAD NA NAGPUNTA SA KUSINA. HABANG
NAGKAKAPE AY NARINIG NIYA ANG BOSES NI GRACE HABANG KINAKANTAHAN ANG
KANILANG ANAK. NAPANGITI PA SI RAMON SA SUMUNOD NA NARINIG NIYA MULA SA BABY
MONITOR.
"TULOG KA NA, BABY. TULOG KA NA BABY. PUPUNTAHAN KO LANG SI DADDY."
PERO SA HALIP NA MATULOG ANG SANGGOL AY NARINIG NI RAMON NA UMIYAK ANG BATA.
MULING UMAWIT SI GRACE PARA MAPATAHAN SI BABY DANIEL.
HABANG NARIRINIG NI RAMON MULA SA BABY MONITOR ANG PAGKANTA NG ASAWA AY
MAY NAANINAG SIYANG DUMAAN SA MAY BINTANA MALAPIT SA BACKDOOR NG KUSINA.
BUMUKAS ANG PINTO AT NANGHINA SIYA SA KANYANG NAKITA. SI GRACE NA MAY BITBIT
NA MGA GROCERIES ANG BUMUNGAD SA KANYA.
GRACE?! KANINA KA PA SA LABAS? NANGINGINIG NA TANONG NI RAMON.
OO, LOVE, NAG-GROCERY MUNA KO. BAKIT? ANONG PROBLEMA?!
AGAD NA UMAKYAT SI RAMON SA NURSERY PARA TIGNAN ANG ANAK. BAHAGYANG
NAHIMASMASAN SI RAMON NG MAKITA NIYA SI BABY DANIEL NA MAG-ISA SA CRIB AT
MAHIMBING SA PAGKAKATULOG. SUBALIT TUMAYO ANG MGA BALAHIBO NIYA NG MULING
LUMABAS ANG BOSES NG KUMAKANTANG BABAE SA BABY MONITOR.
"BATO AT BUHANGIN"
MAY MAGKAIBIGAN NA NAGLALAKBAY SA DISYERTO. SA KANILANG PAGLALAKBAY, HINDI
NILA NAIWASANG MAGKAROON NG DI PAGKAKAUNAWAAN.
UHAW NA UHAW NA -AKO, NALILIGAW NA YATA TAYO. BAKIT BA KASI SUMAMA PA AKO
SAYO. HANGGANG NGAYON AY NARITO PA DIN TAYO SA KAWALAN REKLAMO NI RAMIL.
PURO KA REKLAMO, GINAGAWA KO NAMAN ANG LAHAT PARA MATUNTON NATIN ANG
TAMANG DAANSAGOT NI ABDUL.
ANG SIMPLENG SAGUTAN NG MAGKAIBIGAN AY NAUWI SA SAKITAN. SA GITNA NG
DISYERTO AY NAGKASUNTUKAN ANG DALAWA. DEHADO SI RAMIL DAHIL SA MALIIT NA

PANGAGATAWAN NITO. NANG MATAPOS ANG BANGAYAN AY PANSAMANTALA SILANG


HUMINTO SA PAGLALAKBAY AT NAUPO. HABANG NAKAUPO AY ISINULAT NI RAMIL SA
BUHANGINAN ANG MGA SUMUSUNOD GAMIT ANG KANYANG MGA DALIRI: NGAYONG
ARAW NA ITO AY SINAKTAN AKO NG KAIBIGAN KO.
NANG MAKAPAGPAHINGA AY NAGPATULOY NA ANG MAGKAIBIGAN SA PAGLALAKBAY. SA DI
KALAYUAN AY MAY NAKITA SILANG ISANG BATIS. NANG MARATING ANG BATIS AY DALI
DALING NAGTAMPISAW ANG DALAWA. UMINOM SILA NG TUBIG TILA GINTO ANG BAWAT
PATAK. SUBALIT HINDI NILA ALAM NA ANG ISANG PARTE NG BATIS MAY KALALIMAN.
AKSIDENTENG NAPAPAD SI RAMIL SA MALALIM NA BAHAGI NG BATIS. SINUBUKAN NITONG
UMAHON NGUNIT LAGPAS TAO ANG LALIM. SA KANYANG UNTI-UNTING PAGLUBOG AY
AGAD SIYANG HINAWAKAN NI ABDUL AT SINAGIP MULA SA PAGKAKALUNOD. LABIS ANG
PASASALAMAT NI RAMIL SA KANYANG KAIBIGAN. NG MAHIMASMASAN AY KUMUHA ITO NG
ISANG PIRASO NG BATO AT INIUKIT ANG MGA SUMUSUNOD: NGAYONG ARAW NA ITO AY
INILIGTAS NG KAIBIGAN KONG SI ABDUL.
MATAPOS NITO AY NAGTANONG SI ABDUL. RAMIL, NANG MAG-AWAY TAO KANINA, ISINULAT
MO SA BUHANGIN NA NASAKTAN KITA. AT NUNG MASAGIP KITA SA PAGKAKALUNOD AY
INIUKIT MO NAMAN SA BATO NA INILIGTAS KO ANG BUHAY MO. BAKIT , RAMIL?
SUMAGOT ANG KANYANG KAIBIGAN
ANG MGA PANGIT NA KARANASAN SA BUHAY AY DAPAT ISULAT SA BUHANGIN KUNG SAAN
MADALING HANGININ NG PAGKALIMOT AT KAPATAWARAN. SAMANTALANG ANG
MAGANDANG KARANASAN NAMAN AY NARARAPAT LAMANG IUKIT SA BATO KUNG SAAN
MADALING TANDAAN AT HINDI MAGLALAHO KAILANMAN.

ANG KWENTO NG MAHIWAGANG BURNAY KANINA:

ATrue Chevy Story


Taong 1965 nang nang mabili ni Clark ang kauna-unahang kotse na kanyang pinag-ipunan. Excited
ang kanyang asawa at mga anak sa unang pagsakay sa kanilang puting 1965 Chevy Impala SS
Super Sport.
Dad, napaka-cool ng kotse natin. Yahoo. Mayaman na tayo! sabi ni Carl sa kanyang Daddy Clark.
Relax ka lang anak. Hawakan mong maigi yang kapatid mo dahil malapit na tayo sa highway.
Medyo bibilisan ni Daddy ang pagda-drive. Gusto niyo ba yun? tanong ni Clark sa mga anak.
Yes Dad! Unahan natin yung mga bulok na kotse. Bilis Dad! Bilis!
Ilang taon ding iningatan ni Clark ang kanyang puting Chevy. Halos araw-araw kung linisin niya ito, ivacuum at pakintabin. Hindi rin siya pumapayag na marumihan ang loob ng kanilang sasakyan.

Kids! Bawal kumain sa loob ni Chevy ok! Pag namantsahan ang seat cover ko, grounded kayo sa
akin, maliwanag!
Bukod sa pagkakaroon ng magarang sasakyan, higit na mahalaga kay Clark ang makitang masaya
ang kanyang pamilya sa tuwing mamasyal sila gamit ang puting Chevy.
Taong 1985 nang makaranas ng matinding problema sa pera ang pamilya ni Clark. Dahil dito ay
kinailangan niyang ibenta ang pinaka-ingat-ingatan niyang si Chevy.
Halos hindi maipinta ang mukha ni Clark habang iniabot ang susi ng kanyang sasakyan sa nakabili
nito.
Dad, hindi na ba natin makikita si Chevy? tanong ng anak ni Clark.
Of course not, hihiramin lang nila si Chevy. Makikita niyo pa ulit si Chevy pag sinauli na ulit siya sa
atin.
Kailangang magdahilan ni Clark para hindi malungkot ang kanyang mga anak. Tila mahirap din para
sa mga bata ang mapahiwalay sa isang bagay na iniingatan nila.
Bye Chevy! See you when we see you! pamamaalam ni Carl sa kotse ng kanyang Daddy Clark.
Lumipas ang mahigit 25 taon. Kapwa naghahanapbuhay na ang mga anak ni Clark. Makikitang
nakaahon na ang pamilya nila sa krisis.
Isang araw ay naisipan ni Carl, ang panganay na anak ni Clark na hanapin ang dati nilang sasakyan
na si Chevy. Sinubukan niyang kontakin ang unang nakabili nito sa kanila subalit nabigo siya.
Magkagayumman ay hindi sumuko si Carl sa paghahanap. Nais niyang pasayahin ang kanyang
Daddy Clark. Kaya sa pamamagitan ng internet ay muling hinanap ni Carl ang posibleng lokasyon
ng sasakyan nila nuon. At pagkatapos ng ilang buwang paghahanap, sa wakas ay natagpuan din
niya ang puting 1965 Chevy Impala SS Super Sport ng kanyang Daddy Clark. Nang makumpirma
niya ang parehong bin number ng sasakyan nila nuon sa ibinebentang sasakyan sa internet ay hindi
na siya nagdalawang isip pa na bilhin ang sasakyan over the phone.
September 17, 2011. Redondo Beach California. Habang nakikipaglaro si Daddy Clark sa kanyang
mga apo ay isang malakas na tunog ng rebolusyon ng kotse ang narinig niya mula sa kanyang
likuran. Paglingon niya sa di kalayuan ay bumungad sa kanya ang isang puting kotse na kahawig na
kahawig ng una niyang sasakyan noong 1965. Nilapitan ito ni Daddy Clark at manghang-mangha
siya sa kanyang nakita. Duon na ibinunyag ni Carl ang surpresa niya para sa kanyang Daddy Clark.

Dad! Surprise! Hinanap namin uli si Chevy at binili namin siya para sayo. Tama ang sabi mo.
Makikita namin ulit si Chevy. Medyo natagalan nga lang. Pero ngayong nandito na siya ulit sa atin,
mas maganda siguro kung i-test drive mo na siya. Ready ka na pa Dad?! sabi ni Carl sa ama.
Halos mapaluha si Daddy Clark sa natanggap na sorpresa. Agad niyang sinakyan si Chevy at
pinaandar ito na parang rock star. Halos manumbalik ang lahat ng kanyang ala-ala sa kaunaunahang sasakyan na kanyang iningatan at minahal.
Para kay Clark, ang mga ala-alang ito ay hindi kailanman kayang tumbasan ng salapi o anumang
materyal na bagay.
KWENTO NG MAHIWAGANG BURNAY: TULAY
Si Vladimir ay isang single father na nagtatrabaho bilang bridge operator sa isang siyudad. Tungkulin
niyang maayos na mapagana ang makina ng isang drawbridge na nagdudugtong sa magkabilang
panig ng riles. Ibinababa niya ang tulay kapag may paparating na tren at itinataas naman ito kapag
may malalaking sea vessels na tatawid ng lawa.
Isang araw ay isinama ni Vladimir ang kanyang walong taong gulang na anak na si Lado sa kanyang
trabaho. Ipinakita nito sa anak kung paano niya itinataas at ibinababa ang drawbridge. Manghangmangha si Lado sa trabaho ng kanyang ama. Ipinasubok pa sa kanya kung paano i-operate ang
pagtaas at pagbaba ng tulay.
"Wow, Papa. Sobrang galing ng trabaho mo. Paglaki ko ay gusto ko ring maging bridge operator
gaya mo!"
Simula nuon ay madalas nang sumama si Lado sa kanyang ama sa tuwing mag-duduty ito sa
drawbridge. Tutok na tutok na inaabangan ni Lado kapag may tren na dadaan o barko na tatawid ng
lawa. Isang araw ay maagang-maagang gumising si Lado.
"Anak, ba't gising ka na? Wala ka namang pasok ngayon. Matulog ka pa." sabi ni Vladimir.
"Papa, gusto kong sumama sayo sa drawbridge. Please... gusto kitang makasama ng matagal."
Hindi na nakatanggi pa si Vladimir sa paglalambing ng kanyang anak.
"O sige na nga, anak. Pero bago tayo umalis ay kailangan mo munang ubusin itong hot chocolate
mo."
Matapos uminom ay nagmarka sa itaas ng labi ni Lado ang hot chocolate at nagmistulang bigote.
Uminom din si Vladimir ng hot chocolate at sadyang pinalagpas ito sa ibabaw ng labi at ngumiti sa
anak. Pagkatapos ay humarap sa salamin ang mag-ama at pinagtawanan ang isat-isa.

I love you, Lado. Ikaw ang pinakamagandang biyaya ng Diyos sa akin.


I love you too, Papa!
Pinasan ni Vladimir ang anak hanggang sa marating ang drawbridge area.
"Lado, anak, dito ka muna pumwesto sa may gilid ng lawa. Papanik lang ako sa control room para
mag check ng makina. Wag kang lalayo. Alalahanin mo, kitang-kita mula sa itaas, ok? "
Matapos yakapin at halikan sa pisngi ang anak ay umakyat na si Vladimir sa control room. Chineck
ni Vladimir ang mga buton ng makina at siniguradong gumagana ng maayos ang lahat. Isang oras
pa bago dumating ang susunod na tren. At habang nasa control room ay paminsan-minsan niyang
sinisilip ang anak na naglalaro sa may gilid ng lawa.
Subalit sa di inaasahang pagkakataon at napaaga ang pagdating ang passenger train. Mula sa
ibaba ay nakita ni Lado na tila hindi napapapansin ng kanyang ama ang paparating na tren.
Sinubukan niyang kawayan si Vladimir subalit hindi nito makuha ang atensyon ng ama.
"Papa, papa, ang tren. Paparating na ang tren!" sigaw ni Lado habang tumatakbo papalapit sa
control room. Dahil sa makapal na salamin ng control room ay hindi naririnig ni Vladimir ang
pagtawag ni Lado. Nang magbigay ng hudyat ang tren ay agad itong napansin ni Vladimir. Muli
niyang tinignan si Lado subalit wala na ito sa gilid ng lawa. Dahil dito ay nagsimula na ang kaba ni
Vladimir.
"Lado! Lado! Nasan ka, Lado!"
Papalapit ng papalapit ang tren. Kailangan nang ibaba ni Vladimir ang drawbridge na dadaanan nito.
Subalit bago pa niya mapindot ang buton ng makina ay nakita niya si Lado na nahulog sa makinang
bahagi ng tulay.
Halos mabiyak ang utak ni Vladimir sa kinakaharap na sitwasyon. Kailangan niyang magdesisyon
kung ibaba niya ang tulay para ligtas na makadaan ang tren o isasalba ang anak. Kailangan niyang
mamili sa pagitan ng daan-daang pasahero ng tren at sa buhay ng sariling anak.
Segundo na lang ang binibilang para sa isang napaka-importanteng desisyon. Pikit matang
ipinuwesto ni Vladimir ang mga kamay sa ibabaw ng buton...
Pinaandar ni Vladimir ang makina na magbaba sa tulay
Ito ang parehong makina na dumurog sa murang katawan ng pinakamamahal na anak.
Matiwasay na nakadaan ang tren sa tulay. Makikita sa loob ng tren ang mga pasahero nito na
nagkakasiyahan, nabgbibiruan, nagtatawanan. Subalit sa kabila ng kagalakang ito sa loob ng tren ay
siya namang pagbulusok ng matinding panaghoy at pagdurusa ni Vladimir.

Naligtas ang maraming pasahero kapalit ng buhay ng isang bata.


Isa sa mga nakasakay sa tren ang isang babae na lango sa droga, si Chloe. Nang iwan ng
kasintahan ay ginawang sandalan ni Chloe ang ipinagbabawal na gamot. Tila wala nang direksiyon
ng buhay ni Chloe. Mas gugustuhin pa niyang unti-unting mamatay kaysa tuluyang harapin ang
malungkot na buhay. Subalit mapalad si Chloe dahil sa biyahe niyang iyon ay minsan pang naitawid
ang isa pang pagkakataon para sa kanya.
Nang makaalpas ang tren ay dali-daling bumaba si Vladimir patungo sa duguan at walang buhay na
katawan ni Lado.
"Diyos ko! Bakit ang anak ko!"
Lumipas ang isang taon. Matagumpay na nalagpasan ni Vladimir ang masaklap na trahedya.
Bagamat nag-iisa na ay sariwa pa rin sa kanya ang mga alaala na kasa-kasama pa ang anak na si
Lado.
"...Papa. Sobrang galing ng trabaho mo. Paglaki ko ay gusto ko ring maging bridge operator gaya
mo!..."
Para kay Vladimir ay natupad pa rin ni Lado ang kanyang pangarap kahit sa maikling panahon
lamang. Si Lado ang nagsilbing tulay para magpatuloy ang buhay ni Chloe at ng iba pang mga
pasahero.
Hindi nasayang ang sakripisyo ni Lado dahil ngayon, ang dating durugista na si Chloe ay tuluyan
nang nakalaya mula sa tanikala ng droga. At muli siyang bibiyahe sa tren, ngunit hindi na nag-iisa.
Kasama ni Chloe sa pagbiyahe ang kanyang baby girl, ang batang ipinaglaban niya sa sinapupunan
nang iniwan siya ng kasintahan.
Ang pagpili sa kapakanan ng ibang tao at bukas palad na paglimot sa sarili mo ay naglalarawan sa
tunay na kahulugan ng sakripisyo.
Dugo at pawis ang puhunan ni Mang Tasyo sa kanyang trabaho bilang isang sorbetero. Sa kabila ng
katandaan ay pinipilit pa rin niyang mag-hanapbuhay para sa kanyang pamilya. Pitumput-walong
(78) taong gulang na si Mang Tasyo subalit tila wala sa bokabularyo niya ang pagreretiro. Araw-araw
ay nililibot niya ang kanilang baranggay para maglako ng sorbetes. Tinitiis ni Mang Tasyo ang
matinding sikat ng araw at paminsan-minsang pag-atake ng kanyang rayuma makapag-uwi lang ng
kaunting barya.
Sa kabila ng kahirapan sa buhay ay hindi naging mareklamo si Mang Tasyo. Sa katunayan ay bihira
mo siyang makikita na nakasimangot. Si Mang Tasyo ay kilalang masayahin sa kanilang lugar.
Sa harap ng isang public elementary school madalas pumwesto si Mang Tasyo. Bukod sa marami
siyang parokyano dito ay sadyang malapit sa puso niya ang eskwelahan na ito.

Bago naging sorbetero ay dating guwardiya si Mang Tasyo ng nasabing paaralan. Malakas pa si
Mang Tasyo noon. Araw-araw libo-libong mga estudyante ang nakakaharap niya mula sa gate ng
paaralan. Dahil sa likas na kasipagan ay hindi nakuntento si Mang Tasyo sa pag-checheck ng ID at
pagbabantay sa nag-cu-cutting na mga estudyante. Kaya araw-araw ay nagbo-voluntaryo din siya
bilang traffic aid. Inaalalayan niya ang mga bata para ligtas na makatawid ng highway patungo sa
paaralan.
Ngayon ay sinasariwa na lamang ni Mang tasyo ang masasayang araw ng kanyang pagseserbisyo
bilang gwardiya sa paaralang iyon. Inspirasyon niya ang ngiti at halakhak ng mga batang
nakakasalamuha niya. Hanggang ngayon, bukod sa kinikitang pera ay isang pribilehiyo para kay
Mang Tasyo ang makapaghatid ng ngiti sa tuwing maririnig ng mga bata ang tunog ng kalembang
niya.
Subalit isang araw ay huminto ang pagkililing ng kalembang ni Mang Tasyo. Sa kalagitnaan ng tirik
na tirik na araw ay inatake ng stroke si Mang Tasyo bunga na rin ng matinding pagod. Sa kabutihang
palad ay naagapan pa ang kalagayan ni Mang Tasyo. Nagising na lamang siyang naka-swero sa
isang ospital.
"Mahal ko, magpahinga ka. Salamat sa Diyos at ligtas ka na." sabi ng asawa ni Mang Tasyo habang
hinihimas ang kanyang mga kamay.
"Nasaan ang kariton ko? Kelan ba ako makakalabas dito?" tanong ni Mang Tasyo sa asawa.
"Huwag mo munang isipin ang trabaho mo. Ang kailangan mong gawin ngayon ay magpalakas ka."
sabi ng asawa ni Mang Tasyo.
"May ibababayad ba tayo dito sa ospital? Sa bahay na lang ako magpapagaling. Kaya ko na naman
itong katawan ko." sabi ni Mang Tasyo.
Maya-maya pa ay dumating ang duktor.
"Mang Tasyo, kumusta na ho kayo? Ano hong pakiramdam niyo ngayon?" tanong ng duktor.
"Ok na ho ako dok, gusto ko nang lumabas. Inaantay na ako ng sorbetes ko, baka matunaw lang,
sayang naman." pabirong sabi ni Mang Tasyo.
"Mang Tasyo, hindi pa ho kayo pwedeng lumabas. Kailangan po muna namin kayong obserbahan.
Hindi normal ang bp niyo kanina bago kaya kayo hinimatay. Kung hindi naagapan ay maaring atake
sa puso ang inabot nyo. Kaya magpahinga muna kayo dito at hayaan niyo na lang matunaw ang ice
cream niyo, ok?" sabi ng duktor.
"Pero dok, wala naman ho akong maibabayad dito sa ospital. Pagsosorbetes lang ang ikinabubuhay
ko. Kaya gusto ko sana ay sa bahay na lang ako magpapagaling."
At sumagot muli ang duktor:

"Mang Tasyo, wala na kayong dapat alalahanin. Ang serbisyo ko po ay libre kong ibibigay sa inyo.
Tutulungan ko din kayo para makahanap ng murang gamot. At sasagutin ko na rin ho ang bill ng
ospital."
Halos hindi makapaniwala si Mang Tasyo sa kanyang narinig.
"Naku, dok. Maraming salamat. Tatanawin ko itong isang malaking utang na loob."
Hinawakan ng duktor ang mga kamay ni Mang Tasyo at sinabi:
"Alam mo Mang Tasyo, mas malaki ang utang na loob ko sayo. Maaring hindi mo na natatandaan
pero isa ako sa mga batang itinatawid mo nuon sa highway patungong eskwelahan. Alam niyo, takot
na takot akong tumawid mag-isa. Madalas ay hindi na ako nasasamahan ng mga magulang ko
papasok ng eskwela. Kaya pag nakikita na kita, nawawala na ang kaba ko dahil alam kong ligtas
akong makakatawid. Mang Tasyo, malaki ang utang na loob ko sa iyo. Mula sa isang uhuging
estudyante na takot tumawid, isa na akong duktor ngayon. At malaking bagay ang pagmamalasakit
mo sa aming mga estudyante na araw-araw ay itinatawid mo sa kalye. Ngayon ay hayaan niyo
naman akong ibalik sa inyo ang kabutihang nagawa mo sa akin. Ako naman ang magtatawid sa iyo
ngayon mula sa banig ng karamdaman. Basta susundin mo lang ang mga ibibilin ko ay babalik na
muli ang lakas mo. Sya nga pala, bawal ka muna kumain ng sorbetes ha!"
Niyakap ni Mang Tasyo ang duktor bilang tanda ng kanyang pagpapasalamat. Ilang araw lang ay
nakalabas din ng ospital si Mang tasyo. Nakabalik na din siya sa pagtitinda ng sorbetes. Ipinangako
ni Mang Tasyo sa sarili na hanggang may lakas ay patuloy na mag-iingay ang kalembang niya.
Hanggang may lakas ay patuloy na magiging pantawid kalungkutan at alagad ng kaligayahan ang
lamig at tamis na hatid ng kanyang sorbetes.
Sa buhay ni Mang Tasyo ay mapatutunayan na hindi mo kailangang maging hari o pulitiko para
maging dakila sa mundo.
Dahil ang simpleng paggawa ng kabutihan ay nagdudulot ng tunay na karangalan.
--This is based on a true story sa buhay ng sorbetero na si Mang Tasyo na dating gwardiya sa Placido
del Mundo Elementary School sa Talipapa Novaliches Quezon City.

Kwento ng Mahiwagang Burnay ng Tambalan: "TUTONG"

Bagamat nanakit ang katawan dahil sa maghapong paglalaba ay sinikap pa rin ni Emmy na gumising ng maaga para
ipaghanda ng almusal ang kaniyang mag-aama.
Sadyang napakahaba ng bawat araw sa isang ina na gaya ni Emmy na nag-aasikaso sa kaniyang asawa at mga
anak. Habang nagsasaing ay isinabay na ni Emmy ang pagpaplantsa ng polo ng kaniyang mister. Pagkatapos nito ay
haharapin naman niya ang pag-aalaga sa kanilang bunsong anak.
Dahil sa pagiging abala ay hindi na namalayan ni Emmy na nasusunog na pala ang kaniyang sinaing. Dali-dali niya
itong tinanggal sa kalan. Napaso pa ang kanang palad dahil sa pagmamadali. Bumaba na ng kwarto ang kaniyang
asawa na si Arman para mag-almusal bago pumasok sa opisina.
Sa hapag-kainan, ang unang napansin ni Arman ay ang sunog na kanin na inihain ni Emmy sa pag-aakalang
magagalit ang asawa ay agad na humingi ng paumanhin si Emmy.
"Pasensya ka na hon. Nakaligtaan ko na nakasalang pala ang sinaing ko. Napabayaan ko kaya hayan -- sunog na
sunog."
Lumapit si Arman sa asawa at hinaplos ang mukha nito.
"Ano ka ba Emmy, nakalimutan mo na ba na mahilig ako sa tutong. Kahit sunog pa yang sinaing mo ay tiyak na
gaganahan ako. Bihira mo na akong ipagluto ng paborito ko. At least ngayon eto na ang isang bandehadong tutong
na inaabangan ko."
Ang hindi alam ng mag-asawa ay nasa banyo pala at nakikinig ang kanilang panganay na si Joven. Lumapit si Joven
sa ama habang paakyat naman si Emmy sa kwarto para silipin ang kanilang bunso.
"Papa, totoo bang paborito mo ang tutong? E di ba ang pait, pait niyan? Paano mo naging paborito yan?"
Sumagot si Arman.
"Joven anak simula ngayon ay paborito ko na ang tutong. At lahat ng ihahanda ng mama mo ay magiging paborito
ko. Isipin mo na lang na pagod na pagod na ang mama mo sa pag-aasikaso sa atin, palulungkutin pa ba natin siya
dahil sa isang simpleng pagkakamali? Bagamat pagod na pagod ang mama mo, gumising pa rin siya ng maaga para
ipaghanda niya tayo ng almusal. Ganoon tayo kamahal ng nanay mo kaya para sa akin ay napakatamis ng tutong na
kanin."
Sumandok si Joven ng kanin, inilagay sa kanyang plato at nagsimula ng kumain.

THE TRUE STORY OF BENJAMIN CARSON


"Ang bobo-bobo mo!"
Yan ang tukso sa isang elementary student na si ben. Nitong nakaraang examination ay zero ang
nakuha ni ben. Sobrang kahihiyan ang kanyang inabot lalo na ng pagtawanan siya ng buong klase
dahil sa nakuhang marka. Matapos ang klase ay nagpunta sa locker room si ben. Isang kaklase niya
ang lumapit sa kanya.
"Hoy ben, wala ka man lang naitamang sagot sa exam kanina. Ang bobo-bobo mo!"

Nang marinig ang sinabi ng kaklase ay hindi nakapagtimpi si ben. Sa galit niya ay nasuntok niya sa
mukha ang kaiskwela. Nalimutan niyang may hawak-hawak pala siyang padlock sa kamay niya na
ipinanuntok sa kaklase. Napuruhan ang mukha ng kaklase niya kaya agad siyang ipinatawag sa
guidance kasama ang magulang.
"Mrs. Carson, mahihigpit pong ipinagbabawal ang pananakit sa paaralang ito. Kailangan niyo hong
disiplinahin ang anak ninyo. Saka isa pa, napakababa ng grado ng ng anak ninyo, kailangan niyo
hong bantayan ang pag-aaral ng bata. Kung hindi siya magbabago ay baka mapilitan kaming
palipatin ng ibang eskwelahan si Ben." babala ng principal.
"Wag po kayong mag-aalala, kakausapin ko po ang anak ko ." Sagot ng ina ni Ben.
Habang naglalakad pauwi ng bahay ay kinausap ni Mrs. Carson si Ben.
"Ben, hindi mo dapat ginawa yun. Hindi mo dapat sinaktan ang kaklase mo. Mabuti na lang at
walang masyadong masamang nangyari sa kanya."
Sumagot si Ben.
"Pero mama, hindi ko naman sinasadya. Hindi ko rin alam na hawak ko pala ang padlock. Tinutukso
nila ako na bobo daw ako. Hindi ko talaga kayang maging matalino, ma. Bobo talaga ako."
At nagbitiw ng pangaral si Mrs. Carson.
"Hindi ka bobo, ben. Matalino ka anak! Matalino ka! Walang ipinanganak na bobo. Kailangan mo
lang ay maniwala sa sarili mo. Makinig ka sa akin, ben. Kung anong gusto mo sa buhay ay
makukuha mo. Kung anong gusto mong maging balang araw ay magagawa mo. Paganahin mo lang
ang imahinasyon mo."
Sumagot si Ben.
"Hindi ko kaya, ma."
At sinabi ni Mrs. Carson.
"Kaya mo, ben. Sige subukan natin. May tanong ako sayo! Nakakita ka na ba ng asul na daga?"
Napaisip si ben sa sinabi ng ina.
"Asul na daga? Meron ba non ma?"
At sumagot si Mrs. Carson.
"Meron ben. Makapangyarihan ang imahinasyon. Subukan mong isipin hanggang sa makita mo sa
iyong imahinasyon ang asul na daga."

Kinabukasan ay masayang ibinalita ni ben sa ina ang kanyang natuklasan.


"Mama, nakita ko na sa imahinasyon ko ang asul na daga. Tama ka! Meron ngang asul na daga!"
Natuwa si Mrs. Carson sa ibinalita ng anak.
"Ganyan nga ben. Isang biyaya ang malawak na imahinasyon. Kung nagawa mo yan a kaya mo ring
maging magaling sa klase. Tandaan mo ben, matalino kang bata!"
Bagamat hiwalay sa asawa ay sinikap ni Mrs. Carson na itaguyod ang pag-aaral ni ben at ng kapatid
nito. Namamasukan siya bilang katulong. Ang hindi alam ni ben ay no read no write ang kanyang
ina. Nang minsang magpaturo si ben ng assignment sa ina ay gumawa na lamang ng alibi si Mrs.
Carson.
"Alam mo naman ben na hindi ko pa naipapagawa ang salamin ko sa mata. Kaya ikaw na muna ang
gumawa ng assignment mo. Kaya mo yan anak. Seryosohin mo lang ang pag-aaral."
Halos dumugo ang puso ni Mrs. Carson dahil hindi niya matulungan ang anak sa mga aralin nito.
Minsan ay nangamuhan si Mrs. Carson na maglinis sa bahay ng isang guro. Habang naglilinis isya
ay napansin niya ang napakaraming aklat sa loob ng bahay nito. Namangha siya sa kanyang nakita.
"Sir, binabasa niyo bang lahat ng librong ito. Napakarami po nito. Halos mapalibutan na ang buong
bahay niyo."
Sumagot ang amo.
"Oo, karamihan sa mga librong ito ay tapos ko ng basahin."
Dahil dito ay may nabuong ideya sa isip ni Mrs. Carson.
"Sir, pwede niyo ho ba akong turuang magbasa kapalit ng paglilinis ko sa bahay niyo. Wag niyo na
ho akong paswelduhin, turuan niyo na lang ako."
Pumayag ang amo ni Mrs. Carson. At duon na siya nagsimulang matutong magbasa.
Minsan pag-uwi ng bahay ay nadatnan ni mrs carson na nanunuod ng tv si ben at ang kuya nito.
Pinatay ni Mrs. Carson ang tv.
"Simula ngayon ay babawasan niyo na ang panonood ng tv. Bukas ay pumunta kayo sa school
library, manghiram kayo ng libro na tatapusin niyong basahin sa loob ng isang linggo. Tapos ay
susulat kayo ng book report na ipapakita niyo sa akin. Malinaw ba?"

At ganun nga ang ginawa ng magkapatid. Dahil dito ay lumawak ang interes ni ben sa pagbabasa.
Malaki ang naitulong nito sa kanyang pag-aaral. Lumipas ang ilang linggo at si ben na ang
nangunguna sa klase pagdating sa mga class recitations at exams.
Ilang buwan pa ang lumipas ay isang balita ang inihatid ni ben sa ina.
"Mama, tignan mo, antaas ng nakuha kong grade!" buong pagmamalaki ni Ben.
"Wow! Congratulations anak! Ang galing-galing mo talaga!" sagot ni Mrs. Carson.
"Pero mama, kailangan mo pong pumunta next week sa school!" pahabol ni ben.
Pero bakit daw anak? May masama na naman bang nangyari? Nag-aalalang tanong ni Mrs.
Carson.
Mama, kailangan mong pumunta dahilsasabitan mo ako ng medalya. Ako ang veledictorian sa
klase. Kailangan mong pumunta sa recognition day namin.
At laking tuwa ni Mrs. Carson sa napakagandang balita.
"Sabi ko na sayo ben, matalino kang bata. Kayang-kaya mo basta paganahin mo ang iyong
imahinasyon at maniwala ka sa sarili mo."
At sumagot si ben.
"Mama, alam ko na ang gusto kong maging pag laki ko. Gusto ko pong maging duktor."
Niyakap ni Mrs. Carson si ben.
"Magiging duktor ka anak, maniwala ka lang!"
At hindi nga nagkamali si Mrs. Carson. Pagkalipas ng ilang taon na pag-aaral ay natapos ni ben ang
kursong medisina. Nakapasok siya sa isang sikat na ospital bilang isang brain surgeon. At dahil sa
talento, dedikasyon at napakalawak na imahinasyon ay siya ang kauna-unahang duktor na
matagumpay na nakagawa ng isang maselang brain surgery sa isang craniopagus twins.
Matagumpay na napaghiwalay ang isang kambal na magkadugtong ang mga ulo. Parehong buhay
ang bata at lumaki ng walang kumplikasyon. Isang kasaysayan sa larangan ng brain surgery. Dahil
ditoay naging tanyag siya sa kanyang larangan. Si ben ay naging head ng pediatric neurosurgery ng
john hopkins ospital sa estados unidos. Ngayon ay hindi lamang siya isang duktor kundi isa na ring
magaling na speaker at manunulat. At sa 2016 presidential election sa amerika, si Ben ay tatakbong
kandidato sa pagka-pangulo.
Dahil sa pagtitiyaga at gabay ng isang maarugang ina, si Ben o mas kilalangayon bilang si
BenjaminCarson, dating tinutuksong bobo, ngayon ay tinitingala na ng maraming tao.

Ang kwento mula sa aming Mahiwagang Burnay kanina:


MATAPOS MAKAPANGANAK AY NAPUNO NG PANANABIK SI BELEN NA MAKITA ANG MUKHA
NG KANYANG ANAK NA SI GEORGE. SUBALIT LAKING PANGHIHINAYANG NIYA NG
MASILAYAN ITO. SI GEORGE AY IPINANGANAK NA WALANG MGA TENGA.
BAGAMAT KAKAIBA ANG HITSURA AY NAPATUNAYAN NAMAN NA PERPEKTO ANG PANDINIG
NI GEORGE. NAGING MAHUSAY SIYA SA LITERATURA AT MUSIKA SA ESKWELA. SUBALIT
HINDI MAIWASAN NA MAGING LAMAN SIYA NG TUKSUHAN NG KANYANG MGA KAKLASE.
MINSAN AY UMUWI SIYANG MALUNGKOT AT LUHAAN.
"'NAY, HALIMAW DAW PO SABI NG KAKLASE KO."
"HINDI TOTOO YUN. HUWAG KANG MAKIKINIG SA KANILA. PARA SA AKIN, IKAW ANG
PINAKAGWAPONG ESTUDYANTE SA PAARALAN NIYO. MAHAL NA MAHAL KITA, ANAK KO."
ANG SAGOT NA IYON NI BELEN SA ANAK AY BAHAGYANG NAKAPAGPASAYA KAY GEORGE.
SUBALIT ANG HANGAD NG MGA MAGULANG NG BATA AY MABIGYAN SIYA NG
PERMANENTENG NGITI SA MGA LABI. KAYA MINSAN AY NAGTUNGO ANG AMA NI GEORGE
SA DUKTOR.
"DOK, MAY PAG-ASA PA HO BANG MAGING NORMAL ANG ITSURA NG ANAK KO."
"SA TINGIN KO HO AY PWEDE SIYANG MA-OPERAHAN AT MABIGYAN NG MGA TENGA. ANG
PROBLEMA HO NATIN DITO AY KUNG MERONG MAGDODONATE NG KANILANG TENGA."
HINDI NAWALAN NG PAG-ASA ANG AMA NI GEORGE. UMAASA ITO NA BALANG ARAW AY
MAY MAGMAMAGANDANG LOOB NA MAGBIBIGAY NG MGA TENGA NITO PARA IBIGAY SA
KANILANG ANAK.AT HINDI NGA NAGKAMALI ANG AMA NI GEORGE. ANG PINAPANGARAP
NILANG PERMANENTENG NGITI PARA SA ANAK AY MATUTUPAD NA RIN.
"ANAK, PUPUNTA TAYO NG OSPITAL. MAY TAONG MAGBIBIGAY SAYO NG MGA TENGA."
TUWANG-TUWANG SINABI NG AMA NI GEORGE.
AT SUMAILALIM SI GEORGE SA ISANG MATAGUMPAY NA OPERASYON. SA WAKAS AY
MAYROON NA SIYA NGAYONG ISANG PARES NG TENGA NA MAGPAPABAGO HINDI LAMANG
NG KANYANG ANYO NGUNIT MAGPAPABAGO NA RIN NG KANYANG KINABUKASAN.
WALA NAMANG MAPAGSIDLAN NG GALAK ANG INA NI GEORGE.
GEORGE, ANAK. SIMULA NGAYON AY HINDI KA NA NILA TATAWAGING HALIMAW.
MASAYANG-MASAYA AKO PARA SAYO.
DAHIL SA PANIBAGONG ANYO NI GEORGE AY TUMAAS ANG KANYANG KOMPIYANSA SA

SARILI. MAHUSAY NIYANG NATAPOS ANG KANYANG PAG-AARAL. NAKAHANAP SIYA NG


MAAYOS NA TRABAHO AT NAKAPANGASAWA. ANG SUNUD-SUNOD NIYANG TAGUMPAY SA
BUHAY AY UTANG NIYA SA TAONG NAGSAKRIPISYO PARA MAGKAROON MAGKAROON SIYA
NG MGA TENGA. KAYA PINILIT NIYANG INALAM KUNG SINO ANG TAONG ITO NA TUMULONG
SA KANYA.
"'TAY, NAY, GUSTO KO PONG MALAMAN KUNG SINO ANG NAGBIGAY SA AKIN NG TENGA.
GUSTO KO PO SIYANG PERSONAL NA PASALAMATAN."
"ANAK, BALANG ARAW AY MALALAMAN MO DIN KUNG SINO SIYA. PERO HINDI PA ITO ANG
TAMANG PANAHON." SAGOT NG AMA NI GEORGE.
LUMIPAS ANG MARAMING TAON AT DUMATING ANG ISANG MADILIM NA KABANATA SA
BUHAY NI GEORGE AT NG KANYANG AMA. PUMANAW NA SI BELEN. HABANG NAKAHARAP
SI GEORGE SA ATAUL NG KANYANG YUMAONG INA AY NILAPITAN SIYA NG KANYANG AMA.
"GEORGE, SIGURO AY NGAYON NA ANG TAKDANG PANAHON PARA MALAMAN MO ANG
PINAKATATAGO-TAGO NAMING SEKRETO."
BINUKSAN NG AMA NI GEORGE ANG ATAUL AT DAHAN-DAHANG HINAWI ANG BUHOK NI
BELEN.
"ANAK, SIMULA NG MAOPERAHAN KA AY NAMUHAY NA ANG NANAY MO NG WALA ANG
KANYANG MGA TENGA. ITO AY ISANG BAGAY NA HINDING-HINDI NIYA PINAGSISIHAN. PARA
SA KANYA, MAS MAHALAGA ANG KINABUKASAN MO KAYSA SA KANYANG SARILING
KAGANDAHAN. NAMATAY MAN SIYA NG WALANG MGA TENGA, BAUN-BAON NAMAN NIYA SA
KABILANG BUHAY ANG TUNAY NA KALIGAYAHAN DAHIL IKAW NA PINAKAMAMAHAL NIYA
ANG NABIYAYAAN NG MGA ITO. "

ANG KWENTO MULA SA AMING MAHIWAGANG BURNAY KANINA:


KAHON
MAGPAPASKO NG MA-LAY-OFF SA TRABAHO SI RICO. PROBLEMA NIYA NGAYON KUNG
PAANO MAITATAWID ANG KAPASKUHAN NGKANYANG PAMILYA. DAHIL DITO AY HINDI NIYA
MAIWASANG MABALISA SA SOBRANG PAG-IISIP.
ISANG GABI HABANG NASA SALA AY NAKITA NIYA ANG KANYANG TATLONG-TAONG GULANG
NA ANAK NA BABAE NA ABALANG NAGBABALOT NG ISANG KAHON. GAMIT ANG
MAMAHALING PAPEL AY PILIT NITONG IBINABALOT ANG MALIIT NA KAHON AT PAGKATAPOS
AY INILAGAY NIYA ITO SA ILALIM NG CHRISTMAS TREE. SA PAG-AAKALANG NAGLALARO
LAMANG ANG BATA AY PINAGALITAN NIYA ANG ANAK.

"BAKIT MO INAAKSAYA ANG MGA PAMBALOT. WALA NA NGA TAYONG PERA NAG-AAKASAYA
KA PA. MATULOG KA NA DUN."
KINABUKASAN AY INIABOT NG BATA ANG KAHON SA KANYANG AMA AT SINABI,
"PARA SA IYO ITO DADDY. MERRY CHRISTMAS!"
SA UMPISA AY NATUWA SIYA SA IBINAGAY NG KANYANG ANAK SUBALIT MULI SIYANG
NAGALIT NG MALAMAN NIYANG WALANG LAMAN ANG KAHON NG REGALO.
"ANAK, KAPAG NAGBIGAY KA, DAPAT AY MAY LAMAN ANG KAHONNG REGALO. HINDI
IPINANG-REREGALO ANG KAHON LANG. DAPAT MAY LAMAN ANG KAHON!"
NAPALUHA ANG BATA SA PAGSIGAW NG KANYANG AMA,
"PERO DADDY, NAG-FLYING KISS PO AKO SA LOOB NG KAHON PARA SA INYO."
NAANTIG ANG PUSO NG AMA AT HUMINGI NG TAWAD SA BATA. NAPAGTANTO NIYA NA
BAGAMAT SALAT SILA SA MATERYAL NA BAGAY AY BUO PA RIN ANG KANYANG PAMILYA NA
NAGMAMAHAL SA KANYA.
SIMULA NUON AY PINAGKAINGATAN NG AMA ANG KAHON NA INIREGALO NG KANYANG
ANAK. AT SA TUWING SIYA AY MABABALISA, PINAGMAMASDAN NIYA ANG LOOB NG KAHON
NA PUNUNG-PUNO NG PAGMAMAHAL NG KANYANG ANAK.
MAY ISANG MATANDANG KABAYO NA NAHULOG SA BALON NGISANG MAGSASAKA. ANG
LUMANG BALON AY NATUYUAN NA NGTUBIG AT SADYANG NAPAKALALIM. WALANG GINAWA
ANG KABAYO KUNDI ANG HUMALINGHING NG HUMALINGHING UPANG
MAKATAWAG NG PANSIN. SA KABUTIHANG PALAD AY NARINIG NGMAGSASAKA ANG MGA
PANAGHOY NG MATANDANG KABAYO. NAAWA ANG MAGSASAKA SA MATANDANG KABAYO
SUBALIT TILA IMPOSIBLE NANG MAIAHON PA ANG KABAYO MULA SA BALON. KUNG
MAMATAY ANG KABAYO SA LOOB NITO AY HINDI NA RIN MAGAGAMIT ANG LUMANG BALON.
DAHIL DITO AY NAGDESISYON NA LAMANG ANG MAGSASAKA NA TAPUSIN NA ANG
PAGHIHIRAP NG KABAYO. TINAWAG NGMAGSASAKA ANG MGA KAPITBAHAY NIYA PARA
TULUNGAN SIYANG MAGHAKOT NG LUPA NA ITATABON NILA SA MATANDANG KABAYO.
AT NAGSIMULA NA ANG PAGHAHAKOT AT PAGTABON NG LUPA SA BALON. SUNOD-SUNOD
ANG PAGBAGSAK NG LUPA SA LIKOD NGMATANDANG KABAYO. SA UMPISA AY NATARANTA
AT NAGWAWALA ANG KABAYO. PATULOY ANG PAGBUHOS NG LUPA SA KANYANG LIKURAN.
HANGGANG SA MAY NAISIP SIYA NA IDEYA. SA TUWING MAY BABAGSAK NA LUPA SA
KANYANG LIKURAN AY IPINAPAGPAG NIYA ITO PAPUNTA SA KANYANG PAANAN. ANG MGA
NAIPONG LUPA SA PAANAN NIYA AY KANYANG NAMANG TINATAPAKAN. INULITULITNG KABAYO ANG PAGPAGPAG AT PAGTAPAK SA LUPA. BAGAMAT LUBHANG
NAKAKAPAGOD AY HINDI HUMINTO ANG MATANDANG KABAYO. ANG NAIS LAMANG NIYA AY

MAKALABAS NG BUHAY MULA SA LUMANG BALON. PAGKALIPAS NG ILANG MINUTONG


PAGTITIYAGA AY NARATING DIN NG MATANDANG KABAYO ANG BUNGANGA NG LUMANG
BALON. ANG MGA LUPA NA DAPAT SANA AY MAGBABAON SA KANYA NG BUHAY AY NAGAMIT
NIYA PARA MULING MAKAAHON NG MATAGUMPAY.

ASIN, BASO NG TUBIG AT LAWA


Problemado at balisa ang binatang si Emil nang hindi siya sagutin ngmatagal na niyang nililigawan,
labis na kirot ang naramdaman ni Emil.
Lumapit siya sa may edad niyang ama para sabihin ang problema at para humingi ng solusyon.
Nasaktuhan niyang nagluluto ang kaniyang ama para sa kanilang pananghalian, inutusan si
Emil ng kaniyang ama na dumakot ng kaunting asin at ilagay sa isang basong tubig.
Inumin mo, sabi ng ama.
Anong lasa ng tubig? tanong ng ama sa binata.
Di kaaya-aya ang lasa, ama! Tugon ni Emil.
Humalakhak ang ama, at inutusan si Emil na dalhin naman ang garaponng asin patungo sa tabing
ilog ng kanilang bahay.
Tahimik na naglalakad ang mag-ama papunta sa ilog, at nang makarating na sila sa dalisay na ilog,
nakiusap ang ama sa binata na muling dumakotng asin at ihagis sa ilog.
Ngayon, subukan mo naman uminom mula sa ilog, sabi ng ama.
Lumuhod ang binata at uminom sa ilog.
Nagtanong muli ang ama: Anong lasa ng tubig?
Mabuti, ama. Sagot ni Emil.
Natikman mo ba ang alat ng asin? tanong muli ng ama.
Hindi po, sagot ng binata.
Umupo ang ama sa tabi ng problemadong anak, at sinabi:
Ang kahirapan sa buhay ay purong asin, walang labis, walang kulang. Ang problema ay pantaypantay lang. Depende sa iyo kung paano mo haharapin ang problema, kung saan sisidlan mo ito

ilalagay. Kapag nakaharap mo na ang problema, ang bagay na magagawa mo lamang ay ang
palawakin ang iyong pag-iisip. Huwag kang maging baso ng tubig, maging lawa ka para hindi mo
matikman ang problema sa buhay.

Bente pesos. Ito na lamang ang laman ng bulsa ni Alfonso habang kumakalam ang sikmura. Naubos
na ang ipon dahil sa ilang buwan na pagiging tambay. Nahirapan na siyang makahanap ng bagong
trabaho simula ng matapos ang dating kontrata. Sinubukan niyang lumapit sa ilang kakilala ngunit sa
kasamaang palad ay wala ni isa man sa kanila ang nakapag-abot ng tulong.
Naku Alfonso, gipit din ako. Wala akong mapapautang sayo. Maghanap ka kasi ng trabaho.
Magbanat ka ng buto, sabi ng isang kamag-anak ni Alfonso ng minsan iyang lumapit dito.
Sa halip na malugmok ay idinadaan na lamang ni Alfonso sa panalangin ang kanyang problema.
"Lord, gutom na ko. At last money ko na po ito. Kayo na po ang bahala sa akin."
Bitbit ang bente pesos ay nagpunta si Alfonso sa panaderya. Sa panaderya ay naabutan niya ang
isang matandang lalake na namamalimos kasama ang kanyang dalawang anak nito.
Hay naku,mga pulubi, ambabaho niyo. Umalis kayo sa harap ng tindahan ko. Mamalasin ang
negosyo ko sa inyo. sigaw ng may-ari ng panaderya.
Naawa si Alfonso sa matandang pulubi. Napansin niya ang payat na payat na pangangatawan ng
matanda at ng mga anak nito.
Nanlalalim ang kanilang mga mata at halata sa mukha ang iniindang pagkalam ng sikmura.
Ipinambili ni Alfonso ng pandesal ang natitira niyang pera at ibinigay ang tinapay sa matanda.
"Heto ho manong, paghati-hatian niyo na lang itong pandesal. Ingatan niyo ho ang mga batang
kasama niyo." sabi ni Alfonso sa matanda pulubi.
Tuwang-tuwang tinanggap ng matanda ang pandesal mula kay Alfonso.
"Salamat amang. Pagpalain ka nawa sa kabutihang loob mo."
Matapos magpasalamat ay dumukot ang matanda sa kanyang bulsa at may isang bagay na iniabot
kay Alfonso. Iniabot ng matanda kay Alfonso ang isang lumang barya.
"Naku manong, hindi ho ako humihingi ng kapalit sa ibingay ko sa inyo. Itago na ho niyo yan. Wala
ho kayong dapat alalahanin."
Sa kabila ng pagtanggi ni Alfonso ay nagpumilit pa rin ang matanda tanggapin ang iniaalok nito.
Dahil dito ay tinanggap na rin ni Alfonso ang lumang barya..

Pag-uwi ng bahay ay naghanap si Alfonso ng pwesto na mahihigaan. Habang inaayos ang kanyang
sofa ay may nakita siyang isang lumang diyaryo. Para magpaantok ay binasa ni Alfonso ang diyaryo.
Sa isang pahina ng diyaryo ay nabasa ni Alfonso ang isang advertisement:
"Bumibili ng lumang barya. Marami nang yumaman! Pumunta lang sa aming tanggapan."
Naalala ni Alfonso ang lumang barya na ibinigay sa kanya ng matandang pulubi.
"Mabebenta ko kaya ang baryang ito? "
Nagtungo si Alfonso sa tanggapan ng coin buyer. Ipinakita niya ang barya sa taga-kilatis. Pagkaraan
ng ilang minuto ay napasigaw ang taga-kilatis sa kanyang natuklasan. Agad na ipinakita ng tagakilatis kay Alfonso ang koleksyon nito ng mga litrato ng lumang barya.
"Heto tignan mo, ang barya na dala mo ay katulad na katulad ng barya na nasa litrato. Ang lumang
barya na iyan ay kabilang sa isang Spanish tresure ship na lumubog nuon, matagal na na panahon,
at hindi na muling nakita. Ang barya na hawak mo ngayon ay nagkakahalaga ng $67,000!"
Hindi makapaniwala si Alfonso sa kanyang narinig. Tinanggap niya mula sa coin buyer isang tseke
kapalit ng lumang barya. Agad niyang ipinalit sa bangko ang tseke at nakuha ang kabuuang halaga
na humigit-kumulang tatlong milyong piso.
Nang makuha na ang pera ay binalikan ni Alfonso ang matandang pulubi kung saan niya ito huling
nakita. Sa may panaderya ay ipinagtanong ni Alfonso ang matandang pulubi:
"Ale, napansin niyo ho ba kung saan nagpunta yung matandang pulubi na may kasamang dalawang
bata na namamalimos dito kanina?" tanong ni Alfonso.
"Ay oo, pagkatapos kumain ay binalikan ako ng matandang sinasabi mo at iniabot sa akin ang papel
na ito. Iaabot ko daw sayo itong sulat nila pag bumalik ka. Akala ko nga eh hindi pa nabusog sa
pandesal na ibinigay mo kaya bumalik pa sa tindahan ko. Basta pagkatapos magbilin ay nawala na
lang yung matanda kasama yung mga bata.
Agad na binasa ni Alfonso ang kapirasong papel na iniabot ng babae:
"Kanina ay ibinigay mo sa amin ang lahat ng meron ka kaya ibinigay ko sa iyo ang lumang barya.
Ngayon, pagyamanin mo ang biyaya namin sa iyo na siksik, liglig at umaapaw.
Nagmamahal,
Diyos Ama, Diyos Anak at Diyos Espirito Santo"
Sa umpisa ay hindi makapaniwala si Alfonso sa hindi maipaliwanag na karanasan. Napatingin na
lamang siya sa langit kasabay ng pagtulo ng kanyang mga luha.

Salamat Panginoon. Salamat sa pagpapala. Maraming salamat sa lumang barya


Ang ilang bahagi ng pera ay ginamit ni Alfonso ang pera para mag-negosyo. Nagtayo si Alfonso ng
isang panaderya. At hindi gaya ng ibang negosyante, sa tuwing may manlilimos sa harap ng
tindahan ni Alfonso ay agad niya itong inaabutan ng tulong. Dahil sa pagiging mapagbigay ay
patuloy na lumago ang negosyo ni Alfonso. Ang dating hamak na tambay ay umasenso na ang
buhay.
Sa pamamagitan ng isang lumang barya ay naunawaan ni Alfonso na kailanman ay hindi siya
pababayaan ng kanyang pinananaligan. Napatunayan din ni Alfonso na ang panalangin na may
kalakip na kawanggawa ay sinusuklian ng pagpapala.

Ang kwento mula sa aming Mahiwagang Burnay kanina:


TINAPAY
Nakagawian na ng isang panadera ang gumawa ng tinapay para sa kanyang pinakamamahal na
anak. Ngunit simula ng magtungo ang anak sa kabilang baryo para makipagsapalaran, ay wala na
siyang naging balita tungkol dito.
Sa kabila nito ay gumagawa pa rin siya ng tinapay. Araw-araw ay nag-iiwan siya ng tinapay sa
pasimano ng kanilang bintana, Umaasa ang panadera na isang araw ay babalik ang kanyang anak
at muling matitikman ang paborito nitong tinapay na nakahain na sa may bintana.
Isang araw, isang kubang pulubi ang napapadaan malapit sa kanilang bintana. Kinuha ng kuba ang
nakahain na tinapay at pagkatapos ay sinabi ang mga sumusunod: "Ang kasamaan na gagawin mo
ay mananatili sa'yo nat ang kabutihang ipagkakaloob mo ay babalik sayo."
Naulit pa iyon ng maraming beses. Halos araw-araw ay kumukuha ng tinapay ang kubang pulubi at
paulit-ulit na inuusal ang mga salitang: "Ang kasamaan na gagawin mo ay mananatili sa'yo at ang
kabutihang ipagkakaloob mo ay babalik sayo."
Dahil dito ay hindi maiwasang mainis ng pandera sa kubang pulubi. "Hindi man lang marunong
magpasalamat ang kuba na 'to. Kung anu-ano pa ang lumalabas sa bibig niya. Ano bang ibig sabihin
ng nililitanya ng kuba na 'yan?", galit na winika ng panadera.
"Dapat ay makaisip ako ng paraan para hindi bumalik dito yang kuba na yan. Maiinis lamang ako
tuwing dadaan yan dito."
Kinabukasan ay nariyan na naman ang kubang pulubi. Pagkakuha ng tinapay ay muli na naman
itong nagsalita: "Ang kasamaan na gagawin mo ay mananatili sa'yo at ang kabutihang ipagkakaloob
mo ay babalik sayo."
Ang inis ng panadera ay nauwi na sa galit. Sa kanyang galit ay nakaisip siya ng paraan para di na
muling gambalain ng kubang pulubi. Nilagyan niya ng lason ang ginagawang tinapay. Subalit ng
ilalagay na niya ito sa may binta ay bigla na lamang siyang nakunsensya.
"Ano ba itong naisipan kong gawin? Hindi ito tama!", sabi ng panadera. Dali-dali niyang itinapon ang
tinapay na may lason sa apoy ng kalan at naglagay ng maayos na tinapay sa may bintana.

Kinaumagahan ay muling dumaan ang kubang pulubi. Kinuha ang tinapay sa bintana at muling
inusal ang mga salitang: "Ang kasamaan na gagawin mo ay mananatili sa'yo at ang kabutihang
ipagkakaloob mo ay babalik sayo." Pagkatapos nito ay umalis na ang kuba pulubi ng walang kaalamalam sa pinagdadaanan ng panadera.
Pagsapit ng gabi ay may kumatok sa pintuan ng panadera. Lumukso ang puso ng panadera sa
kanyang nakita. Ang kanyang anak na matagal na niyang hindi nakikita ay nakatayo sa kanyang
pintuan. Payat na payat ito at halos maluray na ang suot na damit. Nanghihina ito at halos hirap sa
paglalakad.
"Ina'y, milagro na nakabalik ako dito., wika ng anak. Hindi ako nagtagumpay sa layunin kong
makipagsapalaran. Ninakawan pa ako ng masasamang loob. Naging palaboy ako sa lansangan.
Marahil ay patay na ako dahil sa sobrang gutom. Salamat na lamang at may isang kuba na
nagbibigay sa akin ng tinapay kanina. Inay, sabi sa akin ng kuba ,"itong tinapay na ito ang kinakain
ko araw-araw, pero ibibigay ko na lang ito sayo dahil mas kailangang mo ito ngayon."
Nanlata ang panadera ng marinig ang sinabi ng anak. Naalala niya ang tinapay na may lason na
muntik na niyang ihain sa kubang pulubi. Kung hindi niya ito naitapon sa kalan, marahil ay ito ang
tinapay na nakain ng kanyang anak, at naging dahilan ng pagkamatay nito.
Bukod ditto ay naalala din ng panadera ang mga salita ng kubang pulubi:
"Ang kasamaan na gagawin mo ay mananatili sa'yo at ang kabutihang ipagkakaloob mo ay babalik
sayo."

EROPLANONG PAPEL
Bagamat mahirap lamang si Romeo pinatunayan niya sa kasintahan niyang si Shiela, isang flight attendant ang
kanyang pagmamahal. Ika-tatlong anibersaryo ng kanilang pagsasama ngayon, at dahil walang sapat na salapi si
Romeo ay gumawa siya ng isang libong piraso ng eroplanong papel. Ang mga eroplanong papel na ito ay naglalaman
ng mga sweet na mensahe ni Romeo para kay Shiela. Labis na tuwa ang naramdaman ni Shiela sa surpresa ni
Romeo.
Sa kabila ng masayang pagsasama ng dalawang magkasintahan, tila naging tutol ang magulang ni Shiela sa binata
sapagkat mahirap lamang ito. Inaalala nila ang magiging kinabukasan ni Shiela kung si Romeo ang mapapangasawa
nito. Kaya minabuti ng magulang ni Shiela na ipadala ang dalaga sa France para duon magtrabaho. Salungat man si
Shiela sa desisyon ng kanyang magulang ay wala siyang magawa kundi sundin sila.
Isang araw bago lumisan si Shiela, nagpaalam siya sa pinakamamahal niyang kasintahan. Nasaktan ang binata at
nagmamakaawang sinabi:
Shiela, bakit mo ko iiwan?
Tumugon ang dalaga:
Romeo kalimutan mo na ako. Sa France na ako maninirahan. Nakikiusap ako, kalimutan mo na lang ako at
magmahal ka na lang ng iba.

Naging mabigat sa loob ni Shiela ang naging desisyon. Lumakad siya papalayo kay Romeo at tuluyan nang iniwan
ang kasintahan.
Ang pighati at pangungulila ang nagtulak sa binatang si Romeo na magpursige sa buhay. Ilang taon ang lumipas, sa
tulong ng kaibigan at pagpapagal sa paghahanap-buhay ay nakabuo ng isang kompanya si Romeo. Ang dating
talunan na binata ay isa nang may-ari ng kompanya, condo at mga kotse.
Isang maulan na panahon, habang nagmamaneho si Romeo papuntang opisina napansin niya ang dalawang
matanda na naghahati sa isang payong sa kalagitnaan ng ulan. Napansin niya na ang dalawang matanda ay ang
magulang ng matagal na niyang hinihintay na babae. Naglalakad ang dalawang matanda patungo sa isang
destinasyon.
Marahang minaneho ni Romeo ang kanyang kotse at sinundan ang dalawang matanda. Samantala, habang patuloy
na sinusundan ang dalawang matanda nais ni Romeo na ipamukha sa kanila ang estado ng kanyang buhay ngayon
ngunit naguluhan siya nang pumasok ang dalawang matanda sa loob ng sementeryo.
Sa loob ng sementeryo, labis na pagkagulantang ang naramdaman ni Romeo nang makita niya ang isang malaking
tolda na may larawan ni Shiela at ang isang libong eroplanong papel sa tabi ng puntod ng dalaga.
Lumabas si Romeo sa kanyang kotse at napahinto ng bahagya. Napansin naman ng dalawang matanda ang binata.
Inaakala ni Romeo na hindi siya makikilala ng dalawang matanda, ngunit nagsimulang magpaliwanag ang mga ito sa
kanya:

Inaasahan namin na darating ka. Matagal kang hinintay ng anak namin. Patawad kung tumutol kami sa relasyon nyo
ni Shiela. Pero ang totoo, hindi tumuloy si Shiela papuntang France. Noon pa man ay nagdudusa na siya sa cancer.
Nagdesisyon siya na iwasan ka. Nagpanggap siya na kaya niyang lampasan ang kirot ng pinagdadaanan niya.
Nangangamba siya na baka mag-alala ka, kaya hindi niya pinaalam sayo ang sakit niya. Mahal ka ng anak namin
Romeo pero mas pinili niyang lumayo kaysa unti-unti mong masaksihan ang paghihirap niya. Ang mensahe sa loob
ng isang libong eroplanong papel na gawa mo, paulit ulit niyang binabasa hanggang sa huling sandali ng buhay niya.

ISANG BASONG GATAS


PAGOD AT GUTOM ANG INABOT NG ISANG BINATILYO MATAPOS ANG MAGHAPONG
PAGTITINDA SA KALYE. MATUMAL ANG BENTA KUNG KAYAT BARYA LAMANG ANG KINITA
NIYA. HINDI SAPAT PARA MAKABILI NG KAHIT NA ISANG PIRASO NG TINAPAY. DAHIL DITO AY
NILAKASAN NIYA ANG LOOB PARA MANGHINGI NG PAGKAIN SA ISANG KALAPIT-BAHAY.
PAGKATOK SA PINTO AY ISANG BABAE ANG BUMUNGAD SA KANYA. KINAPITAN NG HIYA
ANG BINATA KAYA HUMINGI NA LAMANG NGMAIINOM. TILA NAPANSIN NG BABAE NA
NAGUGUTOM ANG BINATILYO KUNG KAYAT IPINAGHANDA NIYA ITO NG ISANG
BASONG MAINIT NA GATAS. DALI-DALING ININOM NG BINATILYO ANG INIHANDA NG BABAE.
MAGKANO PO ANG IBINIGAY NINYONG GATAS SA AKIN. TANONG NG BINATILYO. NAKU,
IHO, BIGAY KO LANG YUN SAYO. KABILIN-BILINAN NG AKING INA, WAG AKONG
HIHINGI NGANUMANG KAPALIT SA KABUTIHANG IBIBIGAY KO SA IBANG TAO.

DAHIL DITO AY LABIS LABIS ANG NAGING PASASALAMAT NGBINATILYO BAGO NAGPAALAM
SA BABAE.
LUMIPAS ANG MARAMING TAON, KINAPITAN NG MALALANG KARAMDAMAN ANG BABAE
DAHIL NA RIN SA KATANDAAN. NAPAKARAMING DUKTOR NA ANG TUMINGIN SA KANYA
SUBALIT NAGING MAILAP ANG KAGALINGAN DITO. KINAILANGAN SIYANG DALHIN SA ISANG
ESPEYALISTA PARA MAGAMOT AT MAILIGTAS SA PAG-AAGAW BUHAY.
AT SA KAHULI-HULIHANG DUKTOR NA PINADALAHAN SA BABAE, NATUTUKAN
SIYA NG MAAYOS AT NAGAMOT ANG KANYANG KARAMDAMAN. ANG TANGING PROBLEMA
NA LAMANG NG BABAE AY KUNG PAANO MAKAKABAYAD SA OSPITAL.
NANG DUMATING NA ANG BILL MULA SA OSPITAL, LAKING GULATNG BABAE NG MABASA
NIYA ANG MGA SUMUSUNOD:
PAID IN FULL NG ISANG BASONG GATASSIGNEDDR. HOWARD KELLY.

HELMET
ISANG MAGKASINTAHAN ANG NAKASAKAY SA ISANG MOTORSIKLO SA
KALAGITNAAN NG GABI.
MAHAL NA MAHAL NILA ANG ISAT-ISA.
"MASYADO YATANG MABILIS ANG TAKBO NATIN, HONEY. BAGALAN MO NG KAUNTI.
KINAKABAHAN AKO." PAKIUSAP NG BABAE SA KANYANG KASINTAHAN HABANG
NAKAANGKAS SA MOTORSIKLO.
"OK LANG YAN, HONEY. SAKTO LANG ANG BILIS NATIN. I-ENJOY MO LANG ANG RIDE."
SAGOT NG LALAKE.
"SOBRANG BILIS TALAGA NG TAKBO NATIN, HONEY! PLEASE, BAGALAN MO LANG.
NATATAKOT NA TALAGA AKO!" MULING HIRITNG BABAE.
"OK. SABIHIN MO MUNA NA MAHAL MO AKO." HILING NG LALAKE SA KANYANG
KASINTAHAN.
"OK. MAHAL KITA. MAHAL NA MAHAL. MAG-SLOW DOWN KA NA." SABING BABAE.
"GUSTO KO YAKAPIN MO MUNA AKO." MULING HILING NG LALAKE.
NIYAKAP NG MAHIGPIT NG BABAE ANG KANYANG KASINTAHAN.

"HONEY, PLEASE. MAG-SLOW DOWN KA NA, NATATAKOT NA TALAGA AKO." MULING


PAKIUSAP NG BABAE SA KANYANG KASINTAHAN.
"HONEY, PAKIHUBAD MO NGA YUNG HELMET KO. TAPOS ISUOT MO SAYO. NAIILANG AKONG
MAGMANEHO SA HELMET KO." AT IYON NA ANG HULING UTOS NG LALAKE SA KANYANG
KASINTAHAN.
KINABUKASAN AY NAGING LAMAN NG ISANG PAHAYAGAN ANG AKSIDENTE NG ISANG
MOTORSIKLO NA SUMALPOK SA ISANG GUSALI DAHIL NAWALAN ITO NG PRENO. SA
DALAWANG SAKAY NGMOTORSIKLO, ISA LAMANG ANG NAKALIGTAS.
ALAM NG LALAKE NA NASIRA ANG PRENO NG MOTORSIKLO HABANG BUMIBIYAHE.
SUBALIT HINDI NIYA ITO IPINAALAM SA KANYANG KASINTAHAN PARA HINDI ITO
MATARANTA. MINABUTI NA LAMANG NIYANG IPAHAYAG SA KASINTAHAN NA MAHAL NA
MAHAL NIYA ITO, HUMINGI NG ISANG MAHIGPIT NA YAKAP AT IBIGAY ANG HELMET NA
SUOT NIYA PARA MALIGTAS ANG BUHAY NGKASINTAHAN, AT SIYA ANG
MAGBUWIS NG BUHAY.

Masaya si Jenny sa bagong bahay na kanilang nalipatan. Mansyon kung maituturing ang kanilang
bagong bahay dahil sa ganda at tayog nito. Sa likod lamang ng kanilang bagong bahay ay
matatagpuan ang mga mall, hospital, resort at school. Kaya naman perpekto ang lugar na napili ng
kanyang magulang para lipatan.
Bitbit ang bagahe na puno ng damit nagmadaling nagtungo si Jenny sa sarili niyang kwarto. Labis
namang natuwa si Jenny nang masilayan niya ang lawak ng kanyang kwarto. Ang malambot na
kama, ang dilaw na kurtina at ang kumpletong gamit na lubos na ikinatuwa ni Jenny.

Kasabay ng kanilang paglipat, naisipan na rin ng magulang ni Jenny na i-transfer siya sa school
malapit sa bago nilang bahay. Ilang araw bago magpasukan, sabik na sabik si Jenny na makilala
ang magiging bago niyang kaibigan sa loob ng school.
Naging maayos ang unang araw ni Jenny sa school. Marami siyang nakikilalang bagong kaibigan,
sa katunayan naka-date niya ang isa sa mga varsity players, si Jeff. Sa palagay ni Jenny, magiging
popular siya sa kanilang school dahil naka-date niya si Jeff. At malalayo si Jenny sa sinumang
mananakit sa kanya sapagkat kinatatakutan si Jeff sa kanilang school.

Sinabi ni Jenny sa kanyang magulang na naka-date niya ang isa sa mga varsity players sa kanilang
school. Salungat naman ang magulang ni Jenny sa kanilang narinig sapagkat menor-de-edad pa
lamang si Jenny para makipag-date.

Anong masama dun? Wala namang mawawala. Itatago ko na lang sa kanila ang lahat, wika ni
Jenny sa kanyang sarili.

Isang araw naisip ni Jenny na papuntahin ang kanyang mga kaibigan sa kanilang bahay. Kaya
nakiusap si Jenny sa kanyang magulang na payagan mag sleep-over ang mga kaibigan niya
kasama si Jeff sa kanyang kwarto. Di sang-ayon ang magulang ni Jenny sa pakiusap niya, ngunit
pumayag rin ang mga ito nang magmakaawa si Jenny.
Habang papunta ng kwarto si Jenny kasama ang mga kaibigan, nakaramdam siya ng pagka-guilty
dahil nagsinungaling siya. Nilihim niya sa kanyang magulang na may dalang alak ang kanyang mga
kaibigan sa loob ng bag at mag-iinuman sila sa kanyang kwarto.
Sa kalagitnaan ng kasiyahan, lasing na ang lahat at napuno ng usok ang buong kwarto. Di
makapaniwala si Jenny sa usok na nanggagaling sa hinihithit ni Jeff...usok na mula sa bawal na
gamot.

Hinalikan ni Jeff si Jenny at sinabi:

Masaya ang moonlight ride! Gusto bang masilayan ang buwan kasama ko?

Nabigla si Jenny at nagdalawang isip kung papayag sa alok ni Jeff. Lumagok ng alak si Jeff at
muling nagsalita:

Sasama ka ba sa kin Jenny? Tara na.

Sumakay sa kotse si Jeff, at hinihintay na sumakay si Jenny para sa moonlight ride. Ilang sandali,
napilitan din si Jenny na sumama kay Jeff.

Kaya mo pa bang magmaneho,Jeff? nangangambang tanong ni Jenny.

Natawa si Jeff at nagsimulang paandarin ang kotse. Maya-maya pinasa ni Jeff kay Jenny ang
umuusok na bagay. Nakaramdam ng takot si Jenny at sinabi:

Tama nga ang mga magulang ko. Hindi pa handa ang murang edad ko sa mga bagay na yan. Bakit
ngayon ko lang naisip? Ang tanga tanga ko.

Buong pwersang tinulak ni Jenny si Jeff at nakiusap:


Jeff, ihinto mo ang kotse! Gusto ko nang umuwi.

At dahil sa pakiusap ni Jenny pinatakbo ng mabilis ni Jeff ang minamanehong kotse. Sa sobrang
bilis ng pagpapatakbo, hindi nalalayong manganib ang kanilang buhay. Nagmakaawa at nakiusap si
Jenny na bagalan ang takbo subalit mas pinatulin pa ni Jeff ang takbo ng kanyang kotse.
Ihinto mo ang kotse Jeff! Pakiusap! sigaw ni Jenny habang umiiyak.

Sa gitna ng pagmamakaawa, nakakita si Jenny ng malawak na liwanag.


God! Tulungan mo po kami, pakiusap, pagsusumamo ni Jenny.

Sa hospital kritikal ang naging lagay ni Jenny. Nagkaroon ng malay si Jenny ngunit hindi siya
makagalaw. Wala siyang maalalang bumangga ang sinasakyan nilang kotse. Naramdaman na
lamang niya na may humahatak sa kanya mula sa loob ng bumanggang kotse. Subalit alam niya na
dalawang kotse ang sangkot sa aksidenteng nangyari. Biglang nangamba si Jenny kung nasa
mabuting kalagayan si Jeff gayundin ang mga tao sa isa pang kotse na sinalpukan ng kotse ni Jeff.

May maliit na tinig ang narinig ni Jenny na sinasabi:

Ginawa namin ang lahat ngunit malaki ang pinsalang kanyang natamo.

Ang maliit na tinig ay paulit-ulit tumatak sa isip ni Jenny na nagsasabing patay na si Jeff.

Pero anong nangyari sa mga tao sa isa pang kotse? Umiiyak na tanong ni Jenny.

Namatay rin sila...

Nagsimulang tumangis at manalangin si Jenny:


God, patawarin mo po ako sa aking nagawa. Patawad po. Gusto ko lang naman maging masaya.
Pakisabi sa mga pamilya ng mga nasawi na kagagawan ko kung bakit nangyari sa kanila to.
Pakiusap, ibalik mo po ang buhay nila.

Pakisabi kay Mommy at Daddy, lubos akong humihingi ng tawad sa kanila dahil nagsinungaling ako.
Kasalanan ko kung bakit namatay sila. Nurse, pakiusap sabihin mo sa magulang ko lahat ng to.
Pakiusap.

Nakatayo sa tabi ni Jenny ang nurse habang nakahawak sa mga kamay niya. Hindi tumango ang
nurse sa pakiusap ni Jenny. Ilang sandali, hindi kinaya ni Jenny ang pinsala at unti-unting binawian
ng buhay.

May lalake na nakasaksi sa huling sandali ng buhay ni Jenny at lumapit sa nurse:

Bakit tumanggi ka na gawin ang kahuli-hulihang pakiusap niya?

Tumingin ang nurse sa mata ng lalake at sinabi:

Dahil ang mga tao sa loob ng isa pang kotse ay ang kanyang magulang.

ANG MGA KAMAY NI INAY


Grade three si Kendra ng unang makaranas ng matinding panunukso mula sa kanyang mga kaklase.
"Halimaw, halimaw. Nanay mo halimaw."
Ang tinutukoy ng mga kaklase ni Kendra ay ang kakila-kilabot na hitsura ng mga kamay ng nanay nito. Dahil sa
panunukso sa kanya ay iniwasan na ni Kendra ang makita siya ng ibang tao na kasa-kasama ang kanyang ina. Pag
inihahatid siya sa eskwelahan ay agad siyang humihiwalay sa nanay niya pagdating malapit sa gate. Hanggang sa
mag-dalaga siya ay dala-dala niya ang kahihiyan kung kaya bibihira lamang ang kanyang nagiging kaibigan. Dahil sa
kapansanan ng ina ay unti-unting inilalayo ni Kendra ang sarili niya sa ibang tao.
Minsan ay isinama siya ng kanyang ina sa grocery. Nang ilalapag na ng nanay ni Kendra ang mga pinamili ay natakot
at napasigaw ang cashier. Nakita ng cashier ang mga kamay ng nanay ni Kendra.

Pag-uwi ng bahay ay hindi napigilan ni Kendra ang umiyak. Inamin niya sa nanay niya ang tunay na nararamdaman
matapos ang pangyayari:
"Sorry 'nay, pero nakakahiya talaga. Siguro pinag-uusapan na tayo ng mga tao na nakakita sa mga kamay mo. Gaya
ng mga kaklase ko noon na walang ginawa kundi ipamukha sa akin na halimaw kayo...na halimaw ang nanay ko.
Dapat pala ay hindi mo na lang ako isinama kanina. Dapat nagpaiwan na lang ako dito sa bahay."
Nasaktan ang ina ni Kendra sa mga sinabi ng anak. Subalit sa halip na magalit ay nag-desisyon itong maging
mahinahon at unti-unting sabihin ang isang lihim na matagal na niyang itinatago sa anak.
"Kendra, anak. Pasensya ka na kung dahil sa mga kamay ko ay naging miserable ang buhay mo. Masakit sa akin na
nakikita kang malungkot dahil sa panunukso ng mga kaklase mo. Hindi ko gusto na mangyari ito,anak. Siguro ay
panahon na para malaman mo kung bakit nagkaganito ang mga kamay ko. Nung sanggol ka pa lang ay nagkaroon
ng isang trahedya. Nasunog ang bahay natin. Nagising na lang ako na nagliliyab ang buong kwarto. May
pagkakataon akong tumakas sa apoy at lumabas ng kwarto pero mas pinili ko na mamatay na lang ng kasama mo
kaysa iwan ka ng nag-iisa. Kinarga kita, anak. Ikinubli kita sa mga kamay at braso ko habang tumatawid sa
naglalagablab na apoy. Nang makalabas na ako ng bahay ay sunog na sunog na ang mga kamay na ito. Hindi ko
maipaliwanag ang sobrang sakit. Pero wala akong pagsidlan ng kaligayahan ng makita ko na ligtas ka at hindi man
lang nadampian ng apoy."
Nang marinig ang rebelasyon ng ina ay muling tumulo ang mga luha ni Kendra. Niyakap niya ang kanyang ina at
humingi ng tawad:
"Inay, patawarin mo ako. Patawarin mo ako kung naging maarte at makitid ako. Patawarin mo ako sa mahabang
panahon na ikinahiya kita. Ngayon alam ko na ang dapat kong malaman. Ang mga kamay mong yan ay hindi ko
dapat ikahiya dahil ang mga kamay na iyan ang dahilan kung bakit nandito ako ngayonkung bakit buhay ako. Ang
mga kamay na 'yan na kinatatakutan ng ibang tao ang siyang nagligtas sa buhay ko."
Matapos humingi ng tawad ay hinalikan ni Kendra ang pangit subalit dakilang mga kamay ng kanyang ina.

ANG TUNAY NA MAHIRAP


MAY ISANG MAYAMAN NA MAG-AMA NA NAMASYAL SA ISANG MAHIRAP NA BANSA.
GUSTONG IPAKITA NG AMA SA KANYANG ANAK KUNG PAANO BA MAMUHAY ANG ISANG
MAHIRAP NA PAMILYA. NAGTUNGO SILA SA ISANG PALAYAN AT NAKITIRA SA ISANG
PAMILYA NG MAGBUBUKID.
MATAPOS ANG ISANG BUONG ARAW NG KANILANG PANUNULUYAN SA MGA TAGA-BUKID AY
BUMIYAHE NA SILANG MULI PABALIK NGKANILANG MANSYON SA AMERIKA.
"NAKITA MO BA ANAK KUNG GAANO SILA KAHIRAP?" TANONG NGAMA.
"ANO ANG NATUTUNAN MO SA PAMUMUHAY NILA?"
SUMAGOT ANG ANAK, "NALAMAN KO PO DAD NA ISA LANG ANG ASO NATIN, PERO APAT
ANG ASO NILA.

MERON PO TAYONG SWIMMING POOL, SILA NAMAN MERONG ILOG.


MAY LAMPSHADES TAYO SA GABI, SILA NAMAN MERONG MGA BITUIN SA LANGIT.
AT MAY DINDING ANG BAHAY NATIN BILANG PROTEKSYON, SILA NAMAN MERONG MGA
KAIBIGAN.
"SALAMAT DAD AT IPINAKITA MO SA AKIN KUNG GAANO TAYO KAHIRAP."
ISANG ARAW AY NABAHALA ANG MGA EMPLEYADO NG ISANG KUMPANYA NG MABASA NILA
SA LOBBY ANG ISANG ANUNSYO:
"SA LAHAT NG EMPLEYADO:
KAHAPON AY YUMAO NA ANG TAONG PUMIPIGIL SA PAGLAGO MO SA KUMPANYANG ITO.
INAANYAYAHAN ANG LAHAT NA MAKIRAMAY. ANG BUROL AY NAKALAGAK SA ATING
CONFERENCE ROOM.
BY MANAGEMENT"
SA UMPISA AY NALUNGKOT ANG BAWAT ISA SA PAGKAMATAY NGISA SA KANILANG
KATRABAHO. SUBALIT UMUGONG RIN ANG MGA USAP-USAPAN KUNG SINO NGA BA ANG
NAMATAY NA SINASABING PUMIPIGIL SA PAGLAGO NG MGA EMPLEYADO SA KUMPANYA.
MAHIGPIT ANG SEGURIDAD SA BUROL. NAKAPILA ANG MGA GUSTONG SUMISILIP SA
KABAONG NG NAMATAY. HABANG PAPALAPIT SA KABAONG AY ISA LANG ANG NAGLALARO
SA ISIP NGMGA GUSTONG TUMINGIN:
"SINO BA ITONG BALAKID SA PAG-UNLAD KO DITO SA KUMPANYA? MASAMA MANG ISIPIN
PERO SALAMAT NA RIN DAHIL PATAY NA PALA SIYA."
ANG BAWAT ISA AY NAGKAROON NG PAGKAKATAONG MAKITA ANG MAHIWAGANG
EMPLEYADO. AT ANG LAHAT NA TAPOS NANG SUMILIP SA KABAONG AY PANSAMANTALANG
NATIGILAN, HINDI NAKAPAGSALITA. PANSAMANTALA SILANG NANAHIMIK MATAPOS
MAGULAT SA NAKITA. ANG ILAN PA AY HINDI NAPIGILAN ANG LUMUHA.
SA LOOB NG KABAONG AY NAKALAGAY ANG ISANG SALAMIN...NAKIKITA NG TAONG
SUMISILIP SA KABAONG ANG KANYANG SARILI. AT SA GILID SALAMIN AY NAKASULAT ANG
SUMUSUNOD:
"ISANG TAO LANG ANG PUMIPIGIL SA IYONG PAGLAGO AT SIYA AY ANG SARILI MO."
KINABUKASAN MATAPOS ANG BUROL AY KINAKITAAN NG SIGLA SA PAGTATRABAHO ANG
BAWAT EMPLEYADO. ANG MGA DATING MADALAS NA NALE-LATE AY MAAGA NANG

PUMAPASOK. WALA NA RING NAG-O-OVER BREAK AT NAG-A-UNDERTIME SA OPISINA. AT


BUMILIS NA RIN ANG KILOS NG MGA DATING MAKUPAD SA MGA TRANSAKSYON.
NATUTUNAN NILA NA HINDI ANG BOSS NILA ANG MAGDIDIKTA NGPAG-ANGAT NILA SA
KUMPANYA KUNDI ANG PAGSUSUMIKAP NILA. NATUTUNAN NILA NA HAWAK NILA SA
SARILING MGA KAMAY ANG KANILANG TAGUMPAY. INILIBING NA NILA ANG DATING
PAGKATAO NA MAPANISI AT NGAYON AY NAMUMUHAY NA MAY RESPONSIBILIDAD SA
SARILING KAPALARAN.

ANG KWENTO MULA SA AMING MAHIWAGANG BURNAY KANINA:


MALAKAS ANG ULAN NG MAKITA NG ISANG LALAKE ANG ISANG MATANDANG MATANDANG
BABAE NA KUMAKAWAY SA TABI NG ISANG NAKAHINTONG MERCEDES BENZ.
KAYA INIHINTO RIN NG LALAKE ANG KANYANG PAMPASAHERONG JEEP PARA TULUNGAN
ANG MATANDA.
"MAM, TULUNGAN KO NA PO KAYO." SABI NG LALAKE.
"NAKU, SALAMAT IHO. KANINA PA AKO DITO. WALA MAN LANG HUMIHINTO PARA TULUNGAN
AKO. NAGMAMADALI PA NAMAN AKO." SABI NG MATANDANG BABAE.
AGAD NG TINIGNAN NG LALAKE ANG MAKINA NG SASAKYAN NG MATANDANG BABAE.
"NA-FLAT-AN PO PALA KAYO NG GULONG. HABANG INAAYOS KO PO, SUMILONG MUNA KAYO
SA SASAKYAN KO. SIYANGA PO PALA, AKO PO SI CHRIS MARTINEZ. PUMAPASADA PO AKO
NG BIYAHENG QUIAPO." PAGPAKILALA NG LALAKE.
SA SOBRANG LAKAS ANG ULAN AY NAHIRAPAN SI CHRIS SA PAGPAPALIT NG RESERBANG
GULONG. DAHIL MEDYO MADILIM ANG PALIGID AY NAGALUSAN PA SIYA SA MGA KAMAY
HABANG HINAHANAP ANG PAGPUPUWESTUHAN NG JACK SA ILALIM NG SASAKYAN. SA
HULI AY TAGUMPAY PA RIN NA NAPALITAN NI CHRIS ANG FLAT NA GULONG NG MATANDANG
BABAE.
"OK NA PO ANG SASAKYAN NIYO MAM. MAY NAGULUNGAN PALA KAYONG MALIIT NA PAKO.
ILALAGAY KO LANG PO ITONG ANG FLAT NA GULONG SA TRUNK NIYO." PALIWANAG NI
CHRIS.
"MARAMING-MARAMING SALAMAT IHO. NASUGATAN KA PALA AT NARUMIHAN NA. SOBRANG
NAABALA KITA. HETO IHO, TANGGAPIN MO." SABAY ABOT NG PERA KAY CHRIS.

"NAKU MAM, WAG NA PO. HINDI PO AKO TUMATANGGAP NG BAYAD. GUSTO KO LANG PO
KAYONG TULUNGAN." SABI NI CHRIS SA MATANDA.
"SIGURADO KA? NAKAKAHIYA NAMAN SAYO. SIGE NA TANGGAPIN MO NA ITO." PAMIMILIT
NG MATANDA.
"HINDI HO TALAGA MAM. GANITO NA LANG HO SIGURO. KUNG TALAGANG GUSTO NIYO
AKONG BAYARAN, ITULONG NIYO NA LANG SA IBANG MANGANGAILANGAN NG TULONG. AT
ALALAHANIN NIYO NA LANG PO AKO NA MINSANG TUMULONG SA INYO." SABI NI CHRIS.
"O SIGE IHO, MARAMING-MARAMING SALAMAT ULI. HINDING-HINDI TALAGA KITA
MAKAKALIMUTAN." PAGKATAPOS MAGPASALAMAT AY UMALIS NA ANG MATANDANG BABAE.
BAGAMAT MALUNGKOT ANG PANAHON NG MGA ORAS NA IYON, AY NAGLILIWANAG NAMAN
ANG PAKIRAMDAM NG MATANDANG BABAE DAHIL SA KABUTIHANG LOOB NI CHRIS.
HABANG BUMIYAHE PAUWI AY DUMAAN MUNA ITO SA ISANG MALIIT NA COFEE SHOP.
PAGPASOK PA LANG NG PINTO AY AGAD NA SIYANG NAPANSIN NG WAITRESS DAHIL
BASANG-BASA SIYA SA ULAN. AGAD SIYANG INABUTAN NG MALINIS NA TUWALYA NG
WAITRESS BAGO KINUHA ANG KANYANG ORDER. BUKOD SA NAMEPLATE AY NAPANSIN DIN
NG MATANDANG BABAE ANG MALAKING TIYAN NG WAITRESS.
"SALAMAT, MARIBEL.ILANG BUWAN NA BA YANG DINADALA MO." TANONG NG MATANDA.
"KABUWANAN KO NA PO MAM, DUE KO NA PO SA SUSUNOD NA LINGGO. PANGANAY PO
NAMIN ITO NG MISTER KO. ANO PO PALA ANG ORDER NIYO MAM?" SABI NI MARIBEL.
"BIGYAN MO NA LANG AKO NG KAPE IHA.ANG SIPAG MO NAMAN, KABUWANAN MO NA PERO
NAGTATRABAHO KA PA." SABI NG MATANDA.
KAILANGAN PONG KUMITA MAM, PARA HINDI NAMAN MASYADONG MABIGATAN SI MISTER.
DAGDAG PA NI MARIBEL.
HABANG PINAGMAMASDAN NG MATANDA ANG BABAE AY NAALALA NIYA SI CHRIS.
MATAPOS MAUBOS ANG INORDER NA KAPE AY INIWAN NA LAMANG NG MATANDA ANG
BAYAD SA LAMESA. SA IBABAW NG INIWANG PERA NAKASULAT ANG MGA SUMUSUNOD:
"MISS, SA IYO NA ANG SOBRA, IHA. MAGAGAMIT MO ANG PERA PANDAGDAG SA
PANGANGANAK MO. WALA KANG DAPAT ALALAHANIN DAHIL KANINA BAGO AKO PUMUNTA
RITO AY MAY MABUTING LOOB NA TUMULONG SA AKIN. PERO KONG GUSTO MO TALAGANG
TUMANAW NG UTANG NA LOOB, PANATILIHIN MONG UMIIKOT ANG GULONG NG
PAGTULONG."

MATAPOS BASAHIN AY NAKITA PA NI MARIBEL ANG NAKAIPIT SA NAPKIN NA SAMPUNG


LIBONG PISO. NALUHA SA GALAK ANG WAITRESS DAHIL NAIBSAN ANG PINOPROBLEMA
NIYA NA PANGGASTOS SA KANYANG PANGANGANAK.
PAG-UWI NIYA NG BAHAY AY MULI NIYANG NAISIP ANG MATANDANG BABAE NA NAGBIGAY
SA KANYA NG PERA. PUNO NG PASASALAMAT ANG PUSO NG WAITRESS HABANG
PINAGMAMASDAN NIYA ANG KANYANG ASAWA NA KAUUWI LANG DIN MULA SA TRABAHO,
PAGOD ANG KATAWAN AT INABUTAN NA NG ANTOK SA SOFA. HINIHIMAS NI MARIBEL ANG
ULO NG ASAWA AT BUMULONG:
"MAGIGING MAAYOS NA ANG LAHAT, MAHAL KO. MAY PERA NA TAYO PARA KAY BABY.
MAHAL NA MAHAL KITA, MR. CHRIS MARTINEZ." SABAY HALIK SA PISNGI NG ASAWA.

"BANGIN"
Sa isang campus may isang babae at isang lalake na tinuturing ng lahat na pinaka-crush ng bayan dahil sa sobrang
kagandahan at kagwapuhan.
Hindi lumaon ay nagkatuluyan ang dalawa. Nang sila ay magpakasal, pinlano nila na mangibang bansa.
Doon nga ay nabuntis ang babae. Excited silang parehas para sa inaantay nilang anghel. Nang ipanganak ang bata,
laking gulat nila ang pagkapangit na itsura ng babaeng sanggol. Dala ng iniisip na magiging kahihiyan, napagdesisyunan ng mag-asawa na huwag ipamalita ang anak at huwag nang bumalik ng Pilipinas para hindi makita ng iba
ang pangit na bata.
Lumipas ang tatlong taon, nag-outing ang pamilya. Habang papaakyat ng bundok ang kanilang sasakyan, kinausap
ng bata ang kaniyang ina.
Bata: Mommy, gusto ko po mag wee wee.
Itinabi ng ama ang sasakyan upang pag-bigyan ang hiling ng bata. Bumaba ang mag-ina upang maka-ihi ang bata. At
dahil papaakyat sila ng bundok, doon sa malapit sa bangin nagpunta ang mag-ina. Nag hubo ang bata, umupo, at
umihi.
Habang umiihi ang bata, nagkatinginan ang mag-asawa at wariy parang nagkaintindihan sa nais mangyari. Ang
ihulog ang bata sa bangin. Tutal, wala rin namang nakaka-alam tungkol sa bata. At ganun nga ang nangyari, inihulog
ng walang pusong ina ang kaawa-awang bata sa bangin.
Lumipas ang isang taon ay nagkaroon ulit sila ng bagong anak. At sa pagkakataong ito, sobrang perpekto sa
kagandahan ang babaeng sanggol. Tuwang-tuwa ang mag asawa. Alagang-alaga nila ang bagong anak.
Lumipas ulit ang tatlong taon at namasyal muli ang pamilya. Parehas ng dati nilang pinuntahan. Habang papaakyat,
nagsalita ang bata.
Bata: Mommy, gusto ko po mag wee wee.

Dali-daling huminto ang ama. Bumaba ng sasakyan kasama ang mag-ina. Nag hubo ang bata, umupo, at umihi.
Todo hawak at bantay ang ginawa ng mag asawa upang proteksyunan ang magandang anak. Habang naka-upo ang
bata, bigla itong natigilan, tumingala sa kaniyang ina, tinitigan ng mata sa mata, sabay sabing: "huwag mo na po
akong ihuhulog ulit ah."

"BASO" Napakagandang mensahe para sa lahat wink emoticon


Isang Physics teacher ang sinimulan ang kaniyang klase sa pamamagitanng paghawak sa isang
baso ng tubig. Itinaas niya ang baso para makitang kaniyang mga estudyante at nagtanong:
"Sa tingin niyo class, gaano kabigat ang isang basong tubig na hawak-hawak ko ngayon?"
Sumagot ang mga estudyante: "50 grams Maam?...100 grams? Maam...125 grams Maam?"
At inilapit ng Physics teacher ang isang basong tubig sa kaniyang mga estudyante at sinabi.
"Ang totoo niyan ay hindi ko rin alam kung gaano ito kabigat maliban na lamang kung titimbangin ko
ito ngayon. Pero may isa pa akong tanong sa inyo. Ano sa tingin niyo ang mangyayari kung
hahawakan ko itong basong tubig sa loob ng ilang minuto?."
At may sumagot sa kaniya: "Wala po Maam. Wala pong mangyayari kung hahawakan niyo
yan ng ilang minuto."
At muling nagtanong ang guro: "Paano naman kung hawakan ko ito ngisang oras?"
May isang sumagot: "Mananakit po ang kamay niyo Maam kung hahawakan niyo yan ng isang
oras."
Pinuri ng guro ang nakasagot.
"Tama! Eh paano naman class kung hawakan ko ang baso ng tubig sa loob ng isang araw?"
At sumagot ang isang estudyante: "Pag hinawakan niyo ang baso ngisang buong araw ay maaaring
ma -stress ang muscle niyo, pwede kayong maparalisa at ma-ospital pa, Maam."
At natuwa ang guro sa sagot ng estudyante.
"Very good!. Ngayon, ang susunod kong tanong, nagbago ba ang bigatng isang basong tubig."
Isa pang estudyante ang nagtaas ng kamay: "Hindi po nagbago ang bigatng isang basong tubig."
"Pero kung hindi naman nagbago ng timbang ang baso ay ano ang dahilan ng pagsakit ng mga bisig
ko?

Nag-isip mabuti ang mga estudyante.


"At isa pang tanong, ano ang pwede kong gawin para hindi mapagod ang mga bisig ko?"
Tanong ng professor.
"Ibaba niyo po ang baso," sagot ng isang estudtante.
"Tama! Listen class, ang problema sa buhay ay parang baso rin. Subukan mong dalhin sa
loob ng ilang minuto at okay ka pa. Pero pag inisip mo ang problema sa napakahabang panahon at
doon na magsisimulang sumakit ang iyong kalooban. At subukan mong bitbitin pa ang
problemang napakahabang panahon ay tiyak na mapaparalisa ka. Class walang masamang isipin
ang mga problema pero mahalaga na matutunan niyong bitiwan o isuko ang mga ito araw-araw,
bago ka matulog. Sa pamamagitan noon ay hindi ka ma-i-stress at magigising kang fresh at malakas
at kayang i-handle ang mga pagsubok mo sa buhay.
Kaya ngayong araw, alalahanin ibaba ang baso.
Breaktime sa trabaho. Naisipan ni Eddie na tumambay muna sa park malapit sa kanyang opisina. Naabutan niya sa
bench ang isang magandang babae na may hawak na diyaryo. Libang na libang ang babae habang sinasagutan ang
crossword puzzle. Naupo si Eddie malapit sa tabi nito. Gustong kaibiganin ni Eddie ang babae kaya gumawa siya ng
paraan:
"Ang ganda ng panahon no?" nakangiting sinabi ni Eddie sa babae subalit hindi siya narinig nito. Naka-headset kasi
ang babae at tutok na tutok sa crossword puzzle.
Sinubukan ulit kausapin ni Eddie ang magandang babae:
"Miss, pwede ko ba mahiram yung ballpen mo. Mabilis na mabilis lang."
Iniabot ng babae ang ballpen at napangiti kay Eddie.
"Salamat, miss!" tuwang-tuwang sabi ni Eddie.
Kinabukasan ay muling tumambay si Eddie sa park. Nagbabakasali siya na muling makikita ang magandang babae.
Naupo si Eddie sa bench at naghintay. Pagkaraan ng ilang minuto ay laking tuwa ni Eddie nang dumaan at maupo
ang babae sa parehong bench na kinauupuan niya. Katulad nang una silang magkita ay naka-headset ang babae at
tahimik na sinasagutan ang crossword puzzle.
Kapwa walang imik ang dalawa kaya sinubukan ni Eddie na basagin ang katahimikan.
"Miss, ano ba yang pinakikinggan mo?" tanong ni Eddie.
Hindi siya narinig ng babae kaya kumuha siya ng sticky note at sumulat ng mensahe para sa babae. Ito ang isinulat
mi Eddie:
"Anong music ang pinapakinggan mo?"

Idinikit ni Eddie ang sticky note malapit sa kinauupan ng babae. Napangiti ang babae ng mabasa ang mensahe ni
Eddie. Kinuha niya ang sticky note at isinulat din dito ang sagot niya sa tanong ni Eddie. Eto ang sagot ng babae:
"Nakikinig ako ng isang espesyal na kanta."
Kumuha ulit ng sticky note si Eddie. Ganito naman ang isinulat niya:
"Pwede ko rin bang pakinggan ang pinapakinggan mo?"
Binasang muli ng babae ang mensahe ni Eddie at sumagot muli gamit ang sticky note:
"Nahihiya ako sa'yo."
Doon na nagkaroon ng kumpiyansa si Eddie na tanungin ang pangalan ng babae. Sa sticky note ay ganito ang
isinulat ni Eddie:
"Pwede ko bang malaman ang pangalan mo?"
Muling napangiti ang babae at isinulat ang pangalan niya sa sticky note:
"I'm Christine."
Isinulat din ni Eddie ang pangalan niya sa isa pang sticky note:
"Ako nga pala si Eddie."
Doon na nagsimulang magpalitan ng mensahe si Eddie at Christine gamit ang sticky notes.
Bago nagpaalam sa isa't isa ay muling nagsulat ng mensahe si Eddie. Ito ang kanyang isinulat sa sticky note:
"I'd love to see you again. Pwede ko bang makuha ang number mo?"
Excited si Eddie sa isasagot ni Christine. Kumuha ito ng sticky note at nagsulat din. Ito ang isinulat ni Christine:
"Pasensya na, Eddie. Wala akong cellphone."
Natawa si Eddie ng mabasa ang sagot sa kanya ni Christine. Muli siyang kumuha ng sticky note. Ganito naman ang
sumunod niyang mensahe kay Christine:
"Wala ka talagang cellphone! Baka naman ayaw mo lang ibigay."
Sumulat muli si Christine. Ito naman ang sinabi niya:
"Haha. Kung gusto mo akong makita ulit, pupunta ako dito bukas."
Tuwang-tuwa si Eddie nang mabasa ang isinulat ni Christine. Kumuha siya ng sticky note at muling nagsulat ng
mensahe para sa dalaga.

"Sounds good! Kita tayo bukas!"


Kinabukasan ay naunang dumating si Eddie sa park. Naghihintay siya sa muling pagdating ni Christine. Ngunit
lumipas ang tatlumpong minuto ay wala pa rin ang dalaga. Para magpalipas ng oras ay nagbasa muna ng libro si
Eddie. Habang nagbabasa ay bigla na lang may nagdikit ng sticky note sa librong binabasa niya. Ganito ang
nakasulat:
"Its good to see you again!"
Paglingon ni Eddie ay nakita niya ang maamong mukha ni Christine.
Hindi pa dito natapos ang kaligayahan ni Eddie. Kinilig si Eddie ng umupo sa tabi niya si Christine. Naisipan ni Eddie
na biruin ang dalaga. Kumuha siya ng sticky note at ganito ang isinulat:
"You're late!"
Nang mabasa ang isinulat ni Eddie ay napangiti si Christine sabay hampas sa braso ng binata.
Doon muling rumatsada ang palitan nila ng mensahe gamit ang sticky notes.
Matapos ang ilang minutong pagpapalitan ng mensahe ay pansamantalang nanahimik ang dalawa.
Huminga ng malalim si Christine at isinulat ang mensaheng ito sa sticky note:
"Gusto mo ba talagang marinig ang kanta na pinapakinggan ko?"
Tumugon si Eddie kay Christine sa pamamagitan ng sticky note:
"Oo, please, parinig ako niyan."
Iniabot ni Christine ang headset kay Eddie. Isinuot ni Eddie ang headset subalit wala siyang narinig na kanta.
"That's weird. Wala akong naririnig sa headset mo," sabi ni Eddie.
Doon na ipinahayag ni Christine ang isang napaka-importanteng mensahe niya para kay Eddie. Sa pamamagitan ng
sign language ay ipinaabot niya kay Eddie ang mga sumusunod:
"Im deafMay kapansanan ako sa pandinig, Eddie,"
Namangha si Eddie sa katapangan ni Christine. Naunawaan ni Eddie ang mensaheng iyon ng dalaga. Muling
kumuha si Eddie ng sticky note at isinulat ang mga katagang:
"You're still beautiful."
Ngumiti si Christine at bahagyang napaluha nang mabasa ang mensahe ni Eddie.

Sa muling pakikipagkita ni Christine kay Eddie ay wala na siyang suot na headset. Hindi na niya kailangan pang itago
ang kapansanan sa likod ng mga headset na iyon. At simula ng ipagtapat ni Christine ang tunay niyang kalagayan ay
lalo umibig sa kanya si Eddie.
Nais ipaabot ni Eddie ang mensahe ng kanyang pag-ibig sa lengwaheng malapit sa puso ni Christine. Kaya nag-aral
si Eddie ng sign language para ipagtapat ang kanyang pagmamahal sa dalaga.
Ngayon ay hindi na kailangan ni Eddie at Christine ang sticky notes para magkaintindihan. Bukod sa sign language
ay sapat na para sa dalawa, para magkaunawaan, ang paggamit nila ng lengwahe ng pagmamahal.
BIRTHDAY CAKE
Kaarawan ng asawa ni Lola Corazon kaya maaga siyang gumising. Bagamat kapos sa pera ay pinilit pa rin niyang
mag-grocery para bumili ng ipanghahanda para sa asawa. Isinama niya sa pamimili ang kanyang anim na taong
gulang na apo na si Ryzza.
Maingat na pinipili ni Lola Corazon ang inilalagay niya sa shopping basket. Napangiti siya ng makakita siya ng 50%
off na tinapay. Maya-maya ay hinila ng kanyang apo ang laylayan ng kanyang palda at sinabi:
"Lola, lola, pwede ba akong ibili nitong potato chips?" sabi ni Ryzza.
"Pasensya na apo. Kukulangin na ang pera natin. Bibili pa tayo ng cake para sa Lolo Gudo mo," sagot ni Lola
Corazon sa apo.
"Talaga, Lola bibilhan natin ng cake si Lolo Gudo? Ako na po ang pipili ng cake para sa kanya."
Dali-daling nagpunta si Ryzza sa cakes and pastry section ng grocery. Natatakam ang bata habang tinitignan ang
masasarap at makukulay na mga cake. Matapos tignan ang lahat ng cake sa eskaparate ay napili ni Ryzza ang nagiisang stock ng chocolate cake. Nang kukunin na ni Ryzza ang chocolate cake ay sakto namang itong kinuha ng
isang lalakeng nakapula. Bibilhin din sana ng lalake ang chocolate cake. Pero nang mapansin niya na gusto rin itong
bilhin ni Ryzza ay nagparaya na lamang siya sa bata. Ngumiti ang lalakeng nakapula at iniabot ang cake kay Ryzza.
Nagpunta na si Ryzza at Lola Corazon sa cashier para bayaran ang mga pinamili. Nang ipa-punch na ng kahera ang
chocolate cake ay napansin ni Lola Corazon na kukulangin na ang pera niya.
"Ah, miss. Hindi na namin kukunin yung cake," sabi ni Lola Corazon.
Nang maisupot na ang mga ipinamili ay naglakad na si Lola Corazon at Ryzza palabas ng grocery.
Papasakay na ng jeep si Lola Corazon at Ryzza nang biglang may tumawag sa kanila:
"Lola, lola. Sandali lang po."
Lumapit kay Lola Corazon at Ryzza ang isang lalakeng nakapula. Bitbit nito ang chocolate cake na dapat ay bibilhin
nila.
"Hello po. Para sa inyo po ito," sabi ng lalakeng nakapula.

"Naku, iho, pasensya na pero hindi ko pwedeng tanggapin ito," pagtanggi ni Lola Corazon.
"Sige na po, Lola, tanggapin niyo na po itong chocolate cake. Para po talaga sa inyo ito," muling hirit ng lalake.
"Pasensya na talaga, iho, perong wala namang dahilan para bigyan mo kami ng cake," sabi ni Lola Corazon.
At sumagot ang lalake:
"Alam niyo po, noong pitong taong gulang pa lang ako ay gusto akong bilhan ng cake ng nanay ko. Kaarawan ko po
noon. Pero nang babayaran na namin ang cake sa cashier ay kulang ang pera ng nanay ko. Humingi nang
paumanhin sa akin ang nanay ko dahil hindi niya kayang bilhin ang cake na gusto ko. Pero may isang lalake na hindi
namin kakilala ang lumapit sa amin. Binili niya ang cake na gustong-gusto ko at iniabot sa akin. Matapos niya kong
batiin ng Happy Birthday ay iniabot niya sa akin ang isang kapirasong papel. Pagkatapos magpaalam ay umalis na
ang lalake.Hindi namin nakuha ang pangalan niya. Hindi rin namin alam kung saan siya nakatira. Gusto ko sanang
magpasalamat sa kanya pero hindi na namin siya muling nakita. Hinding -hindi ko makakalimutan ang kabutihan ng
lalakeng iyon. Ngayon, hayaan niyo po akong ibalik sa inyo ang kabutihang ginawa niya sa akin. Tanggapin niyo na
po ang cake na ito. " sabi ng lalakeng nakapula.
"Maraming salamat. Pero pwede mo bang ibigay ang contact number mo. Kapag may pera na ako ay ibabalik ko sayo
ang nagastos mo sa pagbili ng cake." sabi ni Lola Corazon.
Iniabot ng lalake ang cake kay Ryzza. Kumuha ito ng kapirasong papel at nagsimulang magsulat. Pagkatapos ay
iniabot ng lalake ang kapirasong papel kay Ryzza at sinabi:
"Nene, pwede ka bang mag-promise sa akin? Balang araw, pag may nangailangan ng tulong, sana ay matulungan
mo din."
Matapos nito ay nagpaalam na ang lalake.
Sa bahay ay nag-aantay na ang may kaarawan, si Lolo Gudo.
"Lolo, nandito na kami! At may pasalubong kami sayo."
Ipinakita ni Ryzza ang chocolate cake na hawak niya at hinalikan sa pisngi ang kanyang Lolo.
"Lolo, ako po ang pumili niyan para sayo," sabi ni Ryzza.
"Wow, chocolate cake. Paborito ko to. Salamat apo." sabi ni Lolo Gudo.
"Teka, Lolo, ilalagay ko lang ang kandila sa cake tapos kakantahan ka na namin ng happy birthday."
Habang inihahanda ni Ryzza ang kandila ay kinausap ni Lolo Gudo si Lola Corazon.
"Hindi ka na sana gumastos pa para sa cake. May panggastos ka pa ba diyan?" tanong ni Lolo Gudo.
Napangiti si Lola Corazon at sinabi:

"Ang totoo niyan ay hindi ako gumastos para sa cake. Kulang na kasi ang pera ko. Pero isang mabait na lalake ang
nag-magandang loob para bilhin ang cake."
At sumabat si Ryzza sa usapan:
"Totoo po yung sinasabi ni Lola. Bukod sa cake ay iniabot pa sa kin ng mabait na mama ang papel na to. Pakibasa
mo nga po ito, Lolo."
Kinuha ni Lolo Gudo ang kapirasong papel at sinimulang basahin:
"Ang paggawa ng simpleng kabutihan ay lumilikha ng walang katapusang pag-alon ng kabutihan pabalik sa nagbigay
nito."
Kinilabutan at bahagyang napaluha si Lolo Gudo matapos mabasa ang mensahe. Ang mensaheng nakasulat sa
papel ay kaparehong-kapareho ng mensaheng ibinigay niya nuon sa isang batang lalake. Bumalik sa kanyang alaala
ang isang pangyayari. Malakas pa noon si Lolo Gudo at may magandang trabaho. Sa grocery ay narinig niya ang
pag-uusap ng isang mag-ina. Hindi makabili ang babae ng birthday cake para sa kanyang anak. Naawa si Lolo Gudo
at binili ang birthday cake para sa batang lalake. Kasabay nito ay ibinigay ni Lolo Gudo ang isang mensahe na
nakasulat sa kapirasong papel.
Sadyang totoo ang mensahe na nakasulat sa papel. Dahil ang lalakeng nakilala ni Lola Corazon at Ryzza ay ang
batang lalake nuon na tinulungan ni Lolo Gudo.

ANG KWENTO MULA SA AMING MAHIWAGANG BURNAY KANINA:


PAGLIKHA SA ISANG INA
ISANG ARAW AY ABALANG-ABALA SI BATHALA SA PAGLIKHA NG ISANG INA. SABI NG
ANGHEL, "PANGINOON, MASYADO NA PO YATA KAYONG GUMUGUGOL NG ORAS PARA SA
ISANG ITO."
SUMAGOT SI BATHALA, "NABASA MO BA ANG MGA DETALYE NG MODELONG ITO?
KAILANGAN AY WASHABLE ITO PERO HINDI GAWA SA PLASTIK. KAILANGAN DIN AY MERON
ITONG 180 MOVING PARTS AT LAHAT NG PARTS AY DAPAT NAPAPALITAN. DAPAT AY MAY
KAKAYAHAN DIN ITONG HUMALIK. HALIK NA KAYANG MAGPAHILOM NG SUGAT NG KATAWAN
AT NG PUSO. DAPAT DIN AY MAYROON SIYANG MATATAG NA KANDUNGAN. AT KAILANGAN
AY MATIBAY NA SIKMURA, NA KAHIT SA KAPE AT TIRA-TIRANG PAGKAIN AY MABUBUHAY
SIYA. AT INIISIP KO DIN NA LAGYAN SIYA NG ANIM NA PARES NG MGA KAMAY.
"ANIM NA PARES NG KAMAY, PANGINOON? IMPOSIBLE YATA IYON." GULAT NA TANONG NG
ANGHEL.
"HINDI KO MASYADONG PINOPROBLEMA ANG ANIM NA PARES NG MGA KAMAY." SABI NG
BATHALA. "ANG INIISIP KO NG HUSTO AY ANG TATLONG PARES NG MGA MATA. DAPAT AY
MERON SIYANG ISANG PARES NG MATA NA KAYANG MAKAKITA NG TAGUSAN SA PINTUAN.
PARA PAG SINABI NIYA SA MGA ANAK NIYA NA "MGA ANAK, ANONG GINAGAWA NIYO DIYAN
SA LOOB NG KWARTO?", ALAM NA NIYA AGAD KUNG ANONG GINAGAWA NG MGA ANAK

NIYA. DAPAT AY MAY ISA PA SIYANG PARES NG MGA MATA SA BANDANG LIKOD NG
KANYANG MUKHA PARA MAKITA NIYA ANG MGA BAGAY NA HINDI NIYA KAYANG MAKITA NG
HARAPAN PERO KAILANGAN NIYANG MASUBAYBAYAN. AT ISA PANG PARES NG MGA MATA
SA HARAP NG KANYANG MUKHA NA GAGAMITIN NIYA SA PAGPAPAHAYAG NG PAGMAMAHAL
SA KANYANG MGA ANAK KAHIT DI NA MAGSALITA."
"BATHALA, PARANG MASYADO YATANG MARAMI YAN PARA ILAGAY SA ISANG MODELO.
BAKIT DI MUNA KAYO MAGPAHINGA AT ITULOY NA LAMANG ANG PAGLIKHA BUKAS."
SUHESTYON NG ANGHEL.
"HINDI MAARI." SABI NG BATHALA. "MALAPIT NA AKONG MATAPOS SA PAGLIKHA NG
MODELO NG ISANG INA NA HALOS KAPAREHO KO. NAKAGAWA NA AKO NG MODELO NA
KAYANG PAGALINGIN ANG SARILING KARAMDAMAN SA TUWING SIYA AY MAGKAKASAKIT.
KAYA RIN NITONG MAGPAKAIN SA ANIM NA MIYEMBRO NG PAMILYA GAMIT LAMANG ANG
KALAHATING KILO NG KARNE. AT KAYA RIN NITONG TURUAN AT KUMBINSIHING MALIGO
ANG ISANG SIYAM NA TAONG BATA."
TINIGNAN NG ANGHEL NG MALAPITAN ANG MODELO NA GINAGAWA NI BATHALA.
"MASYADO YATA ITONG MALAMBOT, PANGINOON. SABI NG ANGHEL.
" OO, MALAMBOT NGA SIYA PERO SIGURADO AKONG MATIBAY ANG MODELONG YAN.
MAGUGULAT SA KAYANG GAWIN NG NANAY NA ITO."
"KAYA BA NIYANG MAG-ISIP?" TANONG NG ANGHEL.
"HINDI LANG NIYA KAYANG MAG-ISIP, KAYA RIN NIYANG MAGPALIWANAG,
MAKIPAGKASUNDO AT MANGHIKAYAT NG IBANG TAO." SAGOT NG BATHALA.
SA HULI AY HINAWAKAN NG ANGHEL ANG PISNGI NG MODELONG INA. "MAY TUMATAGAS
PONG TUBIG SA PISNGI NG MODELO, PANGINOON. MUKHANG TAMA PO AKO NA HINDI
PWEDENG SOBRAHAN ANG MGA PARTE NA ILALAGAY SA MODELO."
"HINDI IYAN TUBIG." SAGOT NG BATHALA. "ANG TAWAG DIYAN AY MGA LUHA."
"PARA SAAN PO ANG MGA LUHA NA 'YAN?", TANONG NG ANGHEL.
ANG MGA LUHA AY MAGIGING PALATANDAAN NG KANYANG KAGALAKAN AT
KALUNGKUTAN." SAGOT NG BATHALA.
"NAPAKAGALING NIYONG MANLILIKHA!" SABI NG ANGHEL.
"PERO HINDI AKO ANG NAGLAGAY SA KANYA NG MGA LUHA." SAGOT NG BATHALA.

WRONG NUMBER
Gentleman, malambing, gwapo, perpekto. Ganyan mailalarawan ni Sara ang kanyang long time
crush na si Peter. Kaya naman hindi maiwasan ni Sara na kiligin tuwing makikita niya si Peter sa
campus. Si Peter ang madalas na laman ng kanyang diary. Si Peter ang una niyang sini-search sa
FB kapag mag-oonline. At si Peter din ang laging laman ng kanilang kwentuhan ng bestfriend niyang
si Becky.
"Homayghed! Becky, Tignan mo bilis, ang gwapo-gwapo ni Peter sa bago niyang profile pic." kinikilig
na sabi ni Sara habang nagba-browse ng kanyang android phone na cherry mobile.
"Saan? Patingin!
Ano ka ba Sara. Antagal-tagal na yang picture na yan. Di ba pinakita mo na yan sa akin dati. Obsess
ka na talaga diyan sa Peter na yan." ang sabi ni Becky.
"Basta para sa akin, laging fresh at laging gwapo ang Peter ko." sabi ni Sara.
"Naks! Peter ko? Hoy, mars, gumising ka nga. Lumulutang na naman yang isip mo. Mabuti pa ay
pumunta na tayo sa canteen dahil kanina pa ako nagugutom. Ikain mo na lang yan at baka gutom
lang yan."ang sabi ni Becky.
"Ano ka ba mars. Ang KJ mo naman. Minsan lang ako magmahal ng ganito, pagbigyan mo na ko."
pabirong sabi ni Sara.
"Tumigil ka nga diyan. Baka mamaya may makarinig pa sayo at sabihin na sobrang haliparot mo.
Tara na sa canteen! Gutom na talaga ako!" pasigaw na sinabi ni Becky.
Maya-maya pa ay biglang may paparating na isang grupo ng mga estudyanteng lalake.
"Aray Sara, wag mo kong kurutin. Ano bang nangyayari sayo?" sabi ni Becky kay Sara.
Bumulong si Sara kay Becky.
"Si Peter, paparating si Peter. Pahiram ng powder. Bilis!" pagmamadali ni Sara sabay dukot ng
kanyang bag para kumuha ng suklay.
"Naku mars. Retouch agad. Isabel Oily ka na bilis." at iniabot ni Becky ang powder kay Sara.
Sa pagmamadali ni Sara ay aksidente niyang nabitawan ang suklay na hawak-hawak niya. Sakto
naman ang pagdaan ni Peter sa may harapan nila. Nakita ni Peter ang nahulog na suklay at dalidaling iniabot kay Sara.
"Miss, is this yours?" pa-cute na tanong ni Peter.

Tulala at speechless si Sara. Para siyang nabulunan ng isang kilong hamon kaya si Becky na lang
ang sumagot sa tanong ni Peter.
"Oo, kay Sara yan. Thank you." sabi ni Becky.
"Kunin mo na yung suklay mo mars." bulong ni Becky kay Sara.
"Wait. Are you Miss Sara Cruz? Yung presindete ng Math Club?" tanong ni Peter kay Sara.
"Yes, Peter ako nga. Nice to meet you." sagot ni Sara.
"So you know me pala. How did you know my name?" muling tanong ni Peter.
"A, e...yung membership form. Tama. Yung pinirmahan mo para makasali sa Math club. Nakita ko
yun." natatarantang sagot ni Sara.
"Ah anyways, gusto ko sana i-follow up kung na approve yung application ko to join the club.
Kailangan ko talaga kasi sumali to improve my number skills. Medyo mahina kasi talaga ako sa
Math. So paano? Makakapasok kaya ako sa Math club?" tanong ni Peter.
"Yes! Of course! I mean, Ill check. Then I'll let you know." mabilis na sagot ni Sara.
"That's great! Sige, can i just give you my number?" tanong ni Peter kay Sara.
"YES! I mean OK, para ma text kita tungkol sa application mo." sagot ni Sara.
Sa sobrang taranta ni Sara ay naiabot niya kay Peter ang cellphone niya para ipa-save ang number
ng binata. Kinuha ni Peter ang cellphone ni Sara at bahagyang napangiti. Matapos i-save ang
number ay ibinalik na ni Peter ang cellphone ni Sara.
"So pano, Miss President. Antayin ko na lang yung text mo. I'll go ahead!"
At umalis na si Peter na may ngiti sa kanyang mga labi.
"Shocks, mars. Nakakahiya!" sigaw ni Sara.
"Bakit, anong problema?" tanong ni Becky.
"Yung picture sa FB ni Peter, naka-open sa phone ko. Nakalimutan kong i-close kanina. Nakakahiya
talaga mars. Nakita ni Peter na tinitignan ko ang wall niya." sabi ni Sara.
"Yan ang napapala mo. Lumilipad kasi ang isip mo kanina nung nakaharap mo na si Peter. Halatanghalata ka Mars. Youre so lande!" pabirong sabi ni Becky.

"Tara na Becky. Derecho na tayo sa canteen at baka bumalik pa sila Peter dito. Nakakahiya talaga."
Makalipas ang isang linggo ay tinext ni Sara si Peter tungkol sa application nito sa Math Club:
"Mr. Peter Perez, we are happy to tell you that your application to join Mathira Matibay Club is
already approved. You can drop by the office to claim your membership ID. Thank you!-Sara Cruz"
Kinabukasan ay nakasalubong si Sara si Peter sa Math Club Office. Sinubukan ni Sara na umiwas
subalit agad na tinawag ng binata ang pangalan niya.
"Miss Sara. Wait!" sigaw ni Peter.
"Miss Sara, thank you pala sa pag approve ng application ko ha. In return, pwede ba kita i-treat sa
canteen?" paanyaya ni Peter.
"Naku, Mr. Perez, you dont have to do that. Ginagawa ko lang ang role ko sa Math Club natin." sabi
ni Sara.
"Peter na lang ang itawag mo sa kin Miss Sara. Halos magkasing-edad lang naman tayo. Please if
you have time, ill treat you tomorrow during break. Thank you again!"
Kilig na kilig na umuwi ng bahay si Sara. Hindi siya makapaniwala unti-unti nilang pagkakalapit ng
crush niya na si Peter. Excited siya na ibalita sa bestfriend niyang si Becky ang nangyari.
Matapos magsulat sa diary ay kinuha ni Sara ang cellphone para kontakin si Becky:
"Becky, mars. Hindi ka maniniwala. Niyayaya niya akong kumain bukas. Hindi ko alam ang gagawin
ko. Papayag ba ako? Siyempre gusto kong pumayag dahil alam mo mo naman na gustong-gusto ko
siya. Matagal ko na siyang crush. Matagal na niya akong stalker sa fb niya. Tapos ngayon ay niyaya
niya akong kumain sa canteen. Sobrang kilig to mars to the highest levelacious. Sobrang love ko na
siya mars. Hindi ko alam ang gagawin ko. Paano ngumingiti siya ay halos matunaw ako. Ano sa
tingin mo mars. Bakit niya ako niyayang kumain. May gusto na rin kaya siya sa akin. Pero mukhang
imposible. Hindi ko naman kasing ganda yung mga tipo niyang babae. Mga chicks talaga yung mga
naging ex niya mars. E ako, isang hamak na nerdy na presidente ng Math Club. Paano naman niya
ako magugustuhan. Malabo talaga. Sing labo ng mga mata ko. Pero sana sing kapal ng lens ng
salamin ko ang mukha ko para naman hindi niya ako mahalata na crush na crush ko siya pag
kaharap ko siya. Natatakot akong masaktan. Baka hanggang friends lang ang turing niya sa akin.
Pero promise mars, siya lang talaga ang lalakeng nagpalambot ng tuhod ko. Siya ang lang lalakeng
nagpakilig sa akin ng sobra-sobra. Hello? Becky? Hello? Nandiyan ka ba?
At sumagot ang nasa kabilang linya ng telepono:
"Hindi ako si Becky"

Kinabahan si Sara dahil boses ng lalake ang narinig niya sa phone:


"A, e, sino tong kausap ko?" tanong ni Sara.
At muling sumagot ang lalake sa kabilang linya:
"Miss, ako yung lalakeng nagpapalambot ng tuhod mo. At ako din ang lalakeng nagpapakilig sayo ng
sobra-sobra. May gusto din sana akong sabihin. Lahat ng sinabi kanina tungkol sa akin ay gusto ko
ring sabihin sayo simula pa ng una kitang makita"
...Si Peter, ang longtime crush ni Sara ang nasa kabilang linya. Dahil sa sobrang kilig at pagkataranta ay maling number nai-dial ni Sara. Sa halip na number ni Becky ay number ni Peter ang
nakontak niya.
Pero ang mahalaga, kahit na-wrong number si Sara ay nakontak naman niya ang right person ng
buhay niya.

ANG KWENTO MULA SA MAHIWAGANG BURNAY NA NAGPAIYAK NANAMAN SA AKIN KANINA:


PANGARAP NG INA NI ROBBY NA MATUTO
ANG KANYANG ANAK NA TUMUGTOG NG PIANO. KAYA SA MURANG EDAD NI ROBBY AY
PINASOK SIYA NG KANYANG INA SA ISANG PIANO LESSON. NGUNIT BUKOD SA HINDI
MAHILIG SA MUSIKA, AY TILA MAHINA ANG ULO NI ROBBY PAGDATING SA PAG-AARAL.
MISMONG ANG GURO NITO AY WALANG KOMPIYANSANG MATUTUTONG MAG-PIANO ANG
BATA. SUBALIT SA KABILA NITOAY NAGING MASIGASIG PA RIN ANG INA NI ROBBY. LINGGOLINGGO AY INIHAHATID SIYA NG KANYANG INA SA KANYANG PIANO SESSIONS.NGUNIT
ISANG ARAW AY HINDI NA SUMIPOT ANG BATA SA KANYANG PIANO LESSON.
INISIP NG GURO NITO NA SUMUKO NA SI ROBBY.
MINSAN AY NAATASAN ANG GURO NI ROBBY NA MAG-ORGANISA NGISANG PIANO
CONCERT SA KANILANG BARANGAY. KAYA NAGPADALA ITO NG IMBITASYON SA MGA
ESTUDYANTE PARA MAKASAMA SA NASABING PAGTATANGHAL. HINDI NIYA INAASAHAN NA
MAKAKATANGGAP SIYA NG TAWAG MULA KAY ROBBY.
"MAM, GUSTO KO PO SANANG MAKASAMA SA CONCIERTO. HINDI PO AKO KASING
GALING NG IBA KONG KAKLASE PERO GUSTO KO PONG SUBUKAN. SANA PO AY
MAPAGBIGYAN NIYO PO AKO."
HINDI BINIGO NG GURO ANG PAKIUSAP NG BATA. SUBALIT DAHIL SA PAG-AAKALANG
AATRAS AT MAGBABAGO ANG ISIP NI ROBBY AY INILISTA NIYA SI ROBBY SA
PINAKADULONG BAHAGI NGPAGTATANGHAL.

AT DUMATING NA ANG ARAW NG PAGTATANGHAL. PUNUNG-PUNONG MGA TAO ANG


BULWAGAN. IPINAKITA NG MGA ESTUDYANTE ANG KANILANG PINAKAMAGANDANG
PAGTATANGHAL. TUWANG-TUWA ANG MGA TAGAPANOOD.
AT INANUNSYO NA ANG PANGALAN NG HULING MAGTATANGHAL, SI ROBBY. PUMASOK ANG
BATA SA ENTABLADO. MARAMI ANG NAKAPANSIN SA KANYANG MAGULONG BUHOK AT
HINDI MAAYOS NA PANANAMIT. KINABAHAN ANG GURO AT NAG-AAALALA NA BAKA MASIRA
NI ROBBY ANG BUONG GABI NG PAGTATANGHAL.
NANG MAGSIMULANG TUMUGTOG SI ROBBY AY NILAMON NGKATAHIMIKAN ANG PALIGID.
LAHAT AY NAPAHANGA SA GALING NI ROBBY SA PAGTUGTOG NG PIANO. HINDI INAASAHAN
NA SI ROBBY ANG MAY PINAKAMAGANDANG PAGTATANGHAL NG GABING IYON. SA
DULO NG PALABAS AY UMANI SI ROBBY NG STANDING OVATION MULA SA MGA
TAGAPANOOD, MGA KAKLASE AT SA KANYANG GURO. BAGO SIYA BUMABA NG ENTABLADO
AY KINUHA NIYA ANG MIKROPONO AT NAGSALITA:
"INAALAY KO PO ANG TINUGTOG KO KANINA PARA SA AKING INA. SIYA PO ANG
NAGTIYAGANG MAGHATID SA AKIN SA ESKWELAHAN PARA MATUTUTO AKO MAG-PIANO.
ALAM NG GURO KO AT MGA KAKLASE NA BIGLA AKONG HUMINTO SA PIANO LESSONS.
NAGKASAKIT KASI SI NANAY AT WALA NG MAGHAHATID SA AKIN. AT KANINA NGA PONG
UMAGA AY BINAWIAN NA SIYA NG BUHAY. ITO PO ANG UNANG BESES NA NARINIG NIYA
AKONG TUMUGTOG NGPIANO. NUNG NABUBUHAY PA SIYA AY HINDI SIYA NAKAKARINIG AT
NGAYONG NASA LANGIT NA SIYA, ALAM KO NA NARINIG NIYA ANG BAWAT NOTA NA INIALAY
KO PARA SA KANYA."

Ang kwento mula sa aming Mahiwagang Burnay kanina:


TINAPAY
Nakagawian na ng isang panadera ang gumawa ng tinapay para sa kanyang pinakamamahal na anak. Ngunit simula
ng magtungo ang anak sa kabilang baryo para makipagsapalaran, ay wala na siyang naging balita tungkol dito.
Sa kabila nito ay gumagawa pa rin siya ng tinapay. Araw-araw ay nag-iiwan siya ng tinapay sa pasimano ng kanilang
bintana, Umaasa ang panadera na isang araw ay babalik ang kanyang anak at muling matitikman ang paborito nitong
tinapay na nakahain na sa may bintana.
Isang araw, isang kubang pulubi ang napapadaan malapit sa kanilang bintana. Kinuha ng kuba ang nakahain na
tinapay at pagkatapos ay sinabi ang mga sumusunod: "Ang kasamaan na gagawin mo ay mananatili sa'yo nat ang
kabutihang ipagkakaloob mo ay babalik sayo."
Naulit pa iyon ng maraming beses. Halos araw-araw ay kumukuha ng tinapay ang kubang pulubi at paulit-ulit na
inuusal ang mga salitang: "Ang kasamaan na gagawin mo ay mananatili sa'yo at ang kabutihang ipagkakaloob mo ay
babalik sayo."
Dahil dito ay hindi maiwasang mainis ng pandera sa kubang pulubi. "Hindi man lang marunong magpasalamat ang
kuba na 'to. Kung anu-ano pa ang lumalabas sa bibig niya. Ano bang ibig sabihin ng nililitanya ng kuba na 'yan?",
galit na winika ng panadera.
"Dapat ay makaisip ako ng paraan para hindi bumalik dito yang kuba na yan. Maiinis lamang ako tuwing dadaan yan
dito."

Kinabukasan ay nariyan na naman ang kubang pulubi. Pagkakuha ng tinapay ay muli na naman itong nagsalita: "Ang
kasamaan na gagawin mo ay mananatili sa'yo at ang kabutihang ipagkakaloob mo ay babalik sayo."
Ang inis ng panadera ay nauwi na sa galit. Sa kanyang galit ay nakaisip siya ng paraan para di na muling gambalain
ng kubang pulubi. Nilagyan niya ng lason ang ginagawang tinapay. Subalit ng ilalagay na niya ito sa may binta ay
bigla na lamang siyang nakunsensya.
"Ano ba itong naisipan kong gawin? Hindi ito tama!", sabi ng panadera. Dali-dali niyang itinapon ang tinapay na may
lason sa apoy ng kalan at naglagay ng maayos na tinapay sa may bintana.
Kinaumagahan ay muling dumaan ang kubang pulubi. Kinuha ang tinapay sa bintana at muling inusal ang mga
salitang: "Ang kasamaan na gagawin mo ay mananatili sa'yo at ang kabutihang ipagkakaloob mo ay babalik sayo."
Pagkatapos nito ay umalis na ang kuba pulubi ng walang kaalam-alam sa pinagdadaanan ng panadera.
Pagsapit ng gabi ay may kumatok sa pintuan ng panadera. Lumukso ang puso ng panadera sa kanyang nakita. Ang
kanyang anak na matagal na niyang hindi nakikita ay nakatayo sa kanyang pintuan. Payat na payat ito at halos
maluray na ang suot na damit. Nanghihina ito at halos hirap sa paglalakad.
"Ina'y, milagro na nakabalik ako dito., wika ng anak. Hindi ako nagtagumpay sa layunin kong makipagsapalaran.
Ninakawan pa ako ng masasamang loob. Naging palaboy ako sa lansangan. Marahil ay patay na ako dahil sa
sobrang gutom. Salamat na lamang at may isang kuba na nagbibigay sa akin ng tinapay kanina. Inay, sabi sa akin ng
kuba ,"itong tinapay na ito ang kinakain ko araw-araw, pero ibibigay ko na lang ito sayo dahil mas kailangang mo ito
ngayon."
Nanlata ang panadera ng marinig ang sinabi ng anak. Naalala niya ang tinapay na may lason na muntik na niyang
ihain sa kubang pulubi. Kung hindi niya ito naitapon sa kalan, marahil ay ito ang tinapay na nakain ng kanyang anak,
at naging dahilan ng pagkamatay nito.
Bukod ditto ay naalala din ng panadera ang mga salita ng kubang pulubi:
"Ang kasamaan na gagawin mo ay mananatili sa'yo at ang kabutihang ipagkakaloob mo ay babalik sayo."

Kwento mula sa Mahiwagang Burnay.


SIYAM NA BUWAN KO SIYANG DINALA SA AKING SINAPUPUNAN. NANG MAIPANGANAK KO
SIYA AY KASABAY NAMAN NG PAGLISAN NG KANYANG AMA. KAYA AKO NA ANG TUMAYONG
AMA'T INA SA KANYA AT SA ATE NIYA.
DAHIL SA PAGMAMAHAL KO SA KANYA AY HINDI KO INIHINTO ANG PAGPAPASUSO
HANGGANG SA SIYA AY MAGTATLONG-TAON. MAHAL NA MAHAL KO ANG BUNSO KONG ITO.
NANATILI AKONG NAKASUBAYBAY SA KANYA HANGGANG SA ABUTIN NIYA ANG EDAD NG
PAG-AASAWA. BOTONG-BOTO AKO SA KANYANG NAPANGASAWA. MABAIT AT MAHUSAY
MAKISAMA ANG PAMILYA NG BABAE. NAGKAROON SILA NG DALAWANG ANAK. PERO
MATAPOS ANG LIMANG TAON NA PAGSASAMA AY NAGHIWALAY SILA. SABI NG ANAK KO NA
HINIWALAYAN NIYA ANG KANYANG ASAWA DAHIL HINDI RAW ITO EDUKADA.
HINDI NAGTAGAL AY MULING NAKAPANGASAWA ANG AKING ANAK NG ISANG GURO.
NAKIPISAN AKO SA KANILANG BAHAY PARA ALAGAAN ANG MGA APO KO SA UNANG ASAWA
NG ANAK KO. PINAGSILBIHAN KO RIN AKING MANUGANG. MASAYA AKO SA AKING
PAGLILINGKOD SA KANYA. NAUUNAWAAN KO NA ABALA SIYA SA KANYANG TRABAHO
BILANG GURO.
PERO DUMATING ANG PANAHON NA HINDI NA SIYA MASAYA SA PAG-AASIKASO KO. HINDI
NA RAW AKO MAAYOS MAGLUTO. AT DAHIL DAW SA MAY EDAD NA AKO KAYA HINDI NA RIN
AKO MAAYOS MAG-ASIKASO SA BAHAY. KAYA KUMUHA SIYA NG KATULONG. HINDI NA NILA
KAILANGAN ANG SERBISYO KO.
DUON KO NA NARAMDAMAN NA TILA PABIGAT NA AKO SA AKING MANUGANG. MINSAN AY

SINABIHAN PA NIYA AKO NA HUWAG NG MAKIKIALAM SA MGA GAWAING-BAHAY. MAY ISANG


BESES PA NA PINAGBINTANGAN NIYA AKO NA KINAGAGALITAN KO DAW ANG KATULONG
NILA. SIMULA NUON AY HINDI NA AKO MULING KINAUSAP NG ANAK KO. INILIPAT NA RIN
NIYA ANG TULUGAN KO MULA SA LOOB NG BAHAY PATUNGO SA ISANG BAKANTENG
KWARTO SA LABAS NG BAHAY. AT ANG KATULONG NILA ANG GUMAMIT NG DATI KONG
KWARTO. HINDI NA AKO UMIMIK. HINDI NA AKO NAGALIT. INISIP KO NA LANG ANG
PAGMAMAHAL KO SA MGA APO KO AT SA ANAK KO.
MINSAN AY NAGPAALAM AKO PARA DALAWIN ANG PANGANAY KONG ANAK SA KABILANG
BAYAN. DALAWANG ARAW AKONG NAKITULOG DUON. MATAPOS ANG AKING PAGBISITA AY
BUMALIK NA AKO SA BAHAY NG AKING BUNSO. NABIGLA AKO NG MAGTUNGO AKO SA
AKING KWARTO. NAKALABAS ANG AKING HIGAAN AT ILAN PANG KAGAMITAN. NAKAEMPAKE NA RIN ANG MGA DAMIT KO SA ISANG BAGAHE. KINATOK KO ANG MAG-ASAWA AT
TINANONG KO KUNG BAKIT NAKALIGPIT ANG MGA GAMIT KO. PAGBUKAS NG PINTO AY
HINARAP AKO NG MANUGANG KO. SINABI NIYA NA KAILANGAN NILA NG MAPAGLALAGYAN
NG MGA GAMIT NILA. KAILANGAN NA DAW MABAKANTE NG KWARTONG TINUTULUGAN KO.
SINABI NIYA ITO HABANG NASA LIKURAN NIYA ANG ANAK KO NA HINDI UMIIMIK, HINDI
NAGSASALITA.
TINANONG KO SILA KUNG SAAN AKO PUPUNTA. SUMAGOT ANG MANUGANG KO AT
SINABI."KAHIT SAAN MO GUSTO BASTA WAG LANG DITO SA BAHAY. MASIKIP NA KAMI
DITO."
HINDI AKO MAKAPANIWALA SA NANGYARI. WALANG MAN LAMANG GINAWA ANG ANAK
KO.HINDI KO MAPIGILANG LUMUHA HABANG NAGPAPAALAM SA MGA APO KO. MALALIM NA
ANG GABI NG AKO AY PAALISIN KAYA NAPILITAN AKONG MAKISUSAP SA KAPITBAHAY.
"MAAARI BA AKONG MAKITULOG SA INYO KAHIT ISANG GABI LANG."
HINDI NAG-ATUBILING TUMULONG ANG KAPITBAHAY KO. NAKAKAHIYA MAN AY
IKINUWENTO KO NA RIN SA KANYA ANG NANGYARI. NAAWA SA AKIN NG KAPITBAHAY KO.
KAHIT SIYA AY HINDI MAKAPANIWALA AT DI NAPIGILANG UMIYAK SA MGA IKINUWENTO KO.
KINABUKASAN AY TINAWAGAN KO ANG PANGANAY KONG ANAK. "ANAK, PWEDE MO BA
AKONG SUNDUIN DITO AT DIYAN NA MUNA AKO TUMULOY SA INYO. PINALAYAS NA KASI
AKO NG KAPATID MO." SUBALIT HINDI MAGANDA ANG NAGING SAGOT NG ANAK KO, "'NAY,
HINDI HO KAYO PWEDE DITO. HINDI PAPAYAG ANG ASAWA KO. YUN NGA LANG NAKITULOG
KAYO NG DALAWANG ARAW DITO AY PAHIRAPAN PA BAGO KO SIYA NAPAPAYAG.TAPOS
TITIRA PA KAYO DITO? PASENSYA NA HO. WALA NA KONG MAGAGAWA SA NGAYON." SABAY
BABA NG TELEPONO.
HALOS MANGHINA AKO SA AKING NARINIG. ANG INAAKALA KONG KUKUPKOP SA AKIN SA
GITNA NG AKING KATANDAAN AY BIGLA NA AKONG PINABAYAAN. ANG MGA BATANG
INALAGAAN KO NOON AY MAY KANIYA-KANIYA NANG BUHAY NGAYON. AT HINDI NA AKO
KASAMA SA MGA PLANO NILA. WALA AKONG NAGAWA KUNDI ANG UMIYAK HANGGANG SA
WALA NA AKONG MAILUHA. NGAYON AY WALA NA AKONG MASASANDALAN MALIBAN SA
KAPITBAHAY KO NA NAGMAGANDANG LOOB SA AKIN, "WAG HO KAYONG MAG-ALALA, ANG
TAHANAN KO AY TAHANAN NIYO NA RIN. SIMULA NGAYON AY KAMI NA ANG PAMILYA NIYO."
HINDI NAGTAGAL AY NAGDESISYON AKONG MANIRAHAN NA LAMANG SA ISANG BAHAY
AMPUNAN. TINULUNGAN AKO NG KAPITBAHAY KO NA MAKALIPAT DITO. HINDI SILA

NAGSAWA SA PAG-ASIKASO SA AKIN. LINGGO-LINGGO AY DINADALAW NILA AKO AT


DINADALHAN NG PAGKAIN.
MINSAN AY DINAPUAN AKO NG MALUBAHANG KARAMDAMAN. ANG KAPITBAHAY KO PA RIN
ANG NAGDALA SA AKIN SA OSPITAL.SA KAHULI-HULIHANG SANDALI AY UMAASA PA RIN
AKO NA DADALAWIN AKO NG MGA ANAK KO. SUBALIT BIGO AKO. NAGDURUGO ANG PUSO
KO PAG NAIISIP KO NA KINALIMUTAN NA AKO NG MGA ANAK KO.
KUNG NASAAN MAN SILA NGAYON, GUSTO KO PA RING SABIHIN NA SA KABILA NG LAHAT
NG NAGYARI AY HINDI MAGLALAHO ANG PAGMAMAHAL KO PARA SA KANILA. KUNG MAARI
LANG SANANG HIGITAN ANG SIYAM NA BUWAN NA SILA AY NASA AKING SINAPUPUNAN. NA
SANAY HABAMBUHAY KO NA LAMANG SILANG KASAMA, HABAMBUHAY NA HINEHELE DITO
SA AKING KANDUNGAN.

WORKAHOLIC
DAHIL SA PAGIGING ABALA AY BIHIRA NG MAKASAMA NI GEORGE SA ANG KANYANG
MAYBAHAY AT TATLONG MGA ANAK SA HAPAG-KAINAN. BUKOD SA TRABAHO BILANG
DRIVER AY NAG-AARAL PA ITO SA GABI. NAIS NIYANG MAKATAPOS NG ISANG KURSO PARA
BALANG ARAW AY MAAHANAP SIYA NG TRABAHO NA MAY MAS MALAKING KITA.
"GEORGE,HINDI MO BA MUNA KAMI SASALUHAN NG MGA BATA?"
"PASENSYA NA MAHAL. MAHUHULI NA AKO SA KLASE KO. MAGBABAON NA LANG AKO."
SAGOT NI GEORGE SA ASAWA.
"NAMI-MISS KA NA NG MGA BATA. MINSAN NAMAN AY MAGPAHINGA KA PARA MAKASAMA
MO KAMI NG MATAGAL-TAGAL."
"ELLAINE, PARA NAMAN SA INYO ANG GINAGAWA KO. NAGSISIKAP AKO PARA MAIBIGAY
ANG PANGANGAILANGAN NIYO. AT GUSTO KO RIN NA MAIANGAT ANG BUHAY NATIN KAYA
KAILANGAN KONG MAGSIPAG."
NAGBUNGA NAMAN ANG PAGSISIKAP NI GEORGE. NANG MATAPOS NIYA ANG PAG-AARAL
AY AGAD SIYANG NAKALIPAT SA ISANG TRABAHO NA HIGIT NA MAS MALAKI ANG SWELDO.
NGAYON AY KAYANG-KAYANG NA NIYANG TUSTUSAN ANG MGA PANGANGAILANGAN PATI
MGA LUHO NG KANYANG PAMILYA.NGUNIT SA KABILA NITO AY KULANG PA DIN ANG ORAS
NIYA PARA SA PAMILYA. MADALAS SIYANG MAG-OVERTIME AT MAGKAROON NG OUT-OFTOWN MEETINGS.
"ELLAINE, PASENSYA NA. ALAM MO NAMAN NA GINAGAWA KO ITO PARA SA INYO.
KAILANGAN KO PANG SIPAGAN ANG PAGTRATRABAHO DAHIL GUSTO KONG IKUHA NG YAYA
PARA SA MGA BATA. AYOKO NA NAKIKITA KANG NAHIHIRAPAN. GUSTO KO NA MAGBUHAY
DONYA KA NA. PANGAKO BABAWI AKO."

ANG KASIPAGAN NI GEORGE AY NAGBUNGA NG KANYANG PROMOTION SA TRABAHO.


DAHIL DITO AY NAKAPAG-HIRE NA SIYANG YAYA PARA SA KANYANG MGA ANAK. PERO SA
KABILA NITO AY HINDI PA RIN NABABAWASAN ANG PAGIGING ABALA NI GEORGE. KULANG
PA RIN ANG ORAS NIYA PARA SA PAMILYA.
"ELLAINE, NAGBABALAK AKONG KUMUHA NG MAS MALAKI AT MAS MAGANDANG BAHAY
PARA SA ATIN. KAILANGAN PA RIN NA MAGDOBLE-KAYOD AKO SA TRABAHO AT MULING
MAG-ARAL PARA MASUNDAN PA ANG PROMOTION KO. PANGAKO, BABAWI AKO KAPAG
NABILI KO NA ANG MANSYON NA PANGARAP KO."
HINDI NAGTAGAL AY NAKUHA DIN NI GEORGE ANG ISA PANG PROMOTION AT
PINAPANGARAP NA MANSYON. SA PAGKAKATAONG ITO AY NAGDESISYON NA SIYANG
MAGHINAY-HINAY SA KANYANG TRABAHO AT BIGYAN NG SAPAT NA ORAS ANG KANYANG
PAMILYA. SA UNANG ARAW SA BAGONG MANSYON AY MASAYANG- MASAYA ANG BUONG
MAG-ANAK NI GEORGE DAHIL MULI SILANG NAKUMPLETO SA HAPAG-KAINAN.
KINABUKASAN AY HINDI NA MULING BUMANGON SI GEORGE.
OVERSPEEDING
Kaskasero kung magmaneho. Ito ang maling nakasanayan ng taxi driver na si Nimrod. Dahil sa pagnanais na makaquota sa boundary ay madalas siyang humataw sa pagmamaneho. Hinahabol niya ang oras at ang pag-pick-up ng
maraming pasahero. At dahil sa style ng kanyang pagmamaneho ay minsan na siyang nasangkot sa isang malalang
aksidente.
Isang araw habang bumibiyahe ay isang patrol motorcycle ang nakita ni Nimrod na sumusunod sa kanya. Mas
binilisan niya ang pagmamaneho ng sasakyan para makaalpas sa traffic enforcer. Subalit determinado ang enforcer
na sundan ang sasakyan ni Nimrod. Sa huli ay naabutan pa rin ng traffic enforcer si Nimrod at pinahinto ang
sasakyan nito.
"Badtrip. Nalintikan na. Paano ko kaya lulusutan ito," inis na inis na sabi ni Nimrod sa sarili habang unti-unting
humihinto papunta sa gilid ng kalsada.
Bumaba ang traffic enforcer mula sa motor at nilapitan ang nakahintong sasakyan ni Nimrod. Bumaba rin ng
sasakyan si Nimrod para kausapin ang traffic enforcer.
"Sir, pasensya na talaga, hindi ko kayo napansin. Ano bang violation ko?"
Inalis ng traffic enforcer ang kanyang helmet. Laking gulat ni Nimrod nang mamukhaan niya ang pulis na nanghuhuli
sa kanya. Ang traffic enforcer ay ang kababata pala ni Nimrod na si Glicerio.
"Nimrod, ang gara naman at ako pa ang nakahuli sayo ngayon. Ayon sa record ay hindi lang ito ang unang beses na
nagkaroon ka ng overspeeding violation." Sabi ni Glicerio.
"Glicerio, pare, baka pwede nating pag-usapan 'to. Nagloloko kasi ang speedometer ko kaya hindi ko namalayan na
lagpas nap ala ako sa speed limit," palusot ni Nimrod.

"Pasensya ka na rin, Nimrod. Pero mas malinaw pa sa sikat ng araw ang violation mo." sagot ni Glicerio.
Napansin ni Nimrod na seryoso ang mukha ng kanyang kababata. Ramdam niya na hindi papayag sa areglo si
Glicerio. Sa kabila nito ay sinubukan pa rin ni Nimrod.
"Pare, ang totoo nito ay naghahabol ako ng oras sa biyahe. Gusto kong maka-boundary agad para maaga akong
makauwi sa pamilya ko. Palagpasin mo na sana ako ngayon sa asunto."
Lalong sumeryoso ang mukha ni Glicerio. Inutusan niya si Nimrod na maghintay sa loob ng sasakyan nito. Habang
nasa loob ng sasakyan ay inihahanda ni Nimrod ang kanyang lisensiya sakaling hingin sa kanya ni Glicerio.
Makalipas ang ilang minuto ay binalikan ni Glicerio si Nimrod at iniaabot ang isang piraso ng nakatuping papel.
"Sige, Nimrod, makakalis ka na."
Yamot na yamot si Nimrod habang tinitignan sa side mirror si Glicerio. Hindi siya makapaniwala na tinicketan pa rin
siya ng kababata niya.
"Pambihira! Gastos na naman to."
Sinilip ni Nimrod ang nakatuping papel. Nagtaka siya nang makita niya na hindi ito traffic violation ticket. Sa papel na
ibinigay sa kanya ay nakasulat ang mga sumusunod:
"Nimrod,
Nuon ay mayroon akong isang anak na babae. Anim na taong gulang siya nang aksidenteng masagasaan ng isang
sasakyan. Hulaan moang salarin isang driver na nag-overspeeding. Nagmulta lang ang driver at nakulong ng
tatlong buwan. Pagkatapos nuon ay nakalaya din siya. Nakalaya sa asunto at ngayon ay malaya niyang nakakasama
ang tatlo niyang anak na pawang mga babae.
Ako, nag-iisa lang ang anak kong babae. At kailangan ko pang maghintay sa kabilang buhay bago ko muling
makasama at mayakap ang pinakamamahal kong anak. Isang libong beses kong pinatawad ang naka-disgrasya sa
anak ko. At isang libong beses ko ding inakala na napatawad ko na talaga siya. Siguro nga ay nagawa ko na siyang
patawarin. Pero ngayon araw na ito ay kailangan ko na naman siyang muling patawarin, ngayong nakaharap kong
muli ang salarin.
Nang mangyari ang insidente ay pinili kong iwasan na makita kita. Ipinaubaya ko na lang ang lahat sa batas. Hindi na
rin namin ipinaalam sayo na anak ko ang nadisgrasya mo. Isinaalang-alang ko ang pinagsamahan natin para kahit
paano ay mabawasan ang puot sa nararamdaman ko. Nagdesisyon din ako na huwag nang magpakilala sayo.
Isama mo na lang ako sa mga dasal mo, Nimrod. At mag-ingat ka na sana sa pagmamaneho mo dahil isang anak ko
na lang na lalaki ang natitira sa akin.
-Glicerio."
Matapos mabasa ang liham ay sinubukang habulin ni Nimrod si Glicerio. Gusto niyang personal na humingi ng tawad
sa kasalanang nagawa niya nuon. Subalit pagbaba ni Nimrod ng sasakyan ay nakaalis na ang kanyang kababata.

Bumalik ng sasakyan si Nimrod at maingat na nagmaneho pauwi ng bahay. Habang hawak ang manibela ay tumutulo
ang kanyang luha. Nagsusumamo ng kapatawaran sa nagawa niyang kasalanan.

ANG KWENTO MULA SA AMING MAHIWAGANG BURNAY KANINA:


BAGAMAT MATAGAL NA SA SERBISYO, NGAYON LANG KINABAHAN NG GANITO SI ARMY
LIEUTENANT JOHN BLANDFORD. ITO ANG ARAW NG PAKIKIPAGKITA NIYA KAY MISS HOLLIS
MEYNELL, ANG BABAENG MAY ESPESYAL NA LUGAR SA KANYANG BUHAY. ISANG TAON NG
KA PENPAL NI TENYENTE JOHN SI MISS HOLLIS. BAGAMAT HINDI PA NIYA NAKIKITA NG
PERSONAL ANG BINBINI, BUHAY NA BUHAY NAMAN ANG MGA TITIK NA NAKALIMBAG SA
MGA LIHAM NITO SA KANYA. INSPIRASYON NIYA ANG MGA LIHAM NA ITO PARA KAYANIN
ANG HIRAP NA KINAKAHARAP SA PAGIGING ISANG SUNDALO. TANDANG-TANDA NI JOHN
ANG MGA ARAW BAGO SIYA SUMABAK SA ISANG MATINDING GIYERA. SA ISANG LIHAM NIYA
KAY HOLLIS, INAMIN NIYANG HINDI SIYA NILULUBAYAN NG TAKOT AT PANGAMBA. "HINDI KO
MAIWASANG MATAKOT HOLLIS, HINDI KO ALAM KUNG ANONG MANGYAYARI SA MGA
SUSUNOD NA ARAW." DAING NI JOHN. "SUSUONG KA SA GIYERA, NATURAL LANG NA
MATAKOT KA. KAHIT ANG PINAKAMATAPANG NA TAO AY NAKAKARAMDAM PA RIN NG
TAKOT." SAGOT NI HOLLIS. "JOHN, SA SUSUNOD NA MAKARAMDAM KA NG TAKOT, GUSTO
KONG ISIPIN MO NA NARITO LANG AKO AT LAGI KANG IPINAGDARASAL. ANG MGA
SALITANG IYON MULA SA LIHAM NI HOLLIS ANG NAGING SANDATA NI JOHN PARA
MAPAGTAGUMPAYAN ANG PINAGDAANANG GIYERA. NGAYON NGA AY MAKIKILALA NA NIYA
NG ANG BABAE SA LIKOD NG MGA LIHAM NA KANYANG NAGING SANDALAN. "SIYA NA
SIGURO ITONG PAPARATING?", TANONG NI JOHN SA SARILI HABANG PINAGMAMASDAN
ANG ISANG BINIBINING PAPALAPIT SA KANYA. "KUNG NAGPADALA SANA SIYA NG LITRATO
AY MADALI KO SIYANG MAKIKILALA." SINADYA NI HOLLIS NA HINDI MAGPADALA NG LITRATO
KAY JOHN.SA PAMAMAGITAN NITO AY MASUSUBUKAN NIYA ANG TUNAY NA INTENSYON NG
BINATA KUNG KAYA NITONG ISANTABI ANG KAHALAGAHAN NG PISIKAL NA KAANYUAN.
"KUNG MALAMAN MO NG MAGANDA AKO, BAKA ISIPIN KO NA SINUSULATAN MO LANG AKO
DAHIL SA HITSURA KO. KUNG MALAMAN MO NAMAN NA SIMPLE LANG AKO, BAKA ISIPIN KO
NA NALULUNGKOT KA LANG KAYA KA NAKIKIPAG-UGNAYAN. HUWAG MO NG HINGIN ANG
LITRATO KO. PAG NAGKITA NA TAYO, DOON KA MAGDESISYON. PAREHO TAYONG
MALAYANG PUMILI KUNG ITUTULOY PA NATIN ITO O HINDI." PAPALAPIT NG PAPALAPIT ANG
BABAE KAY JOHN. MAHABA AT MAKINTAB ANG BUHOK NITO AT BALINGKINITAN ANG
KATAWAN. MAAANINAG RIN ANG KUMIKINANG NITONG MGA MATA, MAPUPULANG LABI AT
MAKINIS NA KUTIS. ANG BABAENG LARAWAN NG TUNAY NA KAGANDAHAN AY ILANG DIPA
NA LANG ANG LAYO MULA SA BINATA. NGUNIT NAPANSIN NI JOHN NA ANG BABAE AY
WALANG SUOT NA BULAKLAK NG ROSAS SA DIBDIB NITO GAYA NG NAPAG-USAPAN NILA
NG KATAGPUAN NA SI HOLLIS. "MAKIKIRAAN PO, SIR." WIKA NG MAGANDANG BINIBINI NA
NAGPATULOY LAMANG SA PAGLALAKAD. NANG MAKALAGPAS ANG BINIBINI, AY SIYA
NAMANG BUNGAD NG ISANG MATANDANG BABAE. PUTI NA ANG MGA BUHOK, HUKOT ANG
LIKOD AT MALALALIM ANG MGA KULUBOT NG BALAT. KITANG-KITA NI JOHN ANG PULANG
ROSAS NA NAKASUOT SA DIBDIB NG MATANDA, ANG PALATANDAANG PINAG-USAPAN NILA
NI MISS HOLLIS MEYNELL. TILA NAHATI ANG DAMDAMIN NI JOHN. MAARI NIYANG SUNDAN

ANG MAGANDANG BINIBINI NA NAUNANG DUMAAN, O SUNDIN ANG LUKSO NG DAMDAMIN


PARA SA BABAENG NAGPATIBOK NG KANYANG PUSO, ANG BABAENG NASA LIKOD NG MGA
GININTUANG LIHAM, SI MISS HOLLIS MEYNELL, NA MATAGAL NA NIYANG HINIHINTAY. ANG
SUMUNOD NA HAKBANG NI JOHN AY KINAPALOOBAN NG TAPANG. "AKO SI LIEUTENANT
JOHN BLANDFORD. IKINAGAGALAK KITANG MAKILALA, BINIBINING HOLLIS MEYNELL.
PWEDE BA KITANG IMBITAHANG MAGHAPUNAN." NAPANGITI ANG MATANDANG BABAE.
"HINDI KO ALAM KUNG ANONG NANGYAYARI DITO PERO YUNG MAGANDANG BINIBINI NA
NAKASALUBONG MO KANINA, PINAKIUSAPAN AKONG ISUOT ANG ROSAS NA ITO. SINABI
NIYA RIN NA KAPAG NIYAYA MO AKONG MAGHAPUNAN AY IPAABOT KO SA'YO NA
MAGHIHINTAY SIYA SA RESTAURANT NA MALAPIT DITO. SIGE NA IHO, HUMAYO KA NA AT
PUNTAHAN MO NA ANG PAG-IBIG MO."

Basahin ang kwento mula sa aming Mahiwagang Burnay kanina:


ISANG UWAK ANG MASAYANG-MASAYANG NAKATIRA SA KAGUBATAN. NGUNIT ISANG ARAW
BIGLA NA LAMANG SIYANG NALUNGKOT NG MAKAKITA NG ISANG GANSA.
"NAPAKAPUTI NAMAN NG GANSANG ITO SAMANTALANG AKO AY UBOD NG ITIM. SIGURO
DAHIL SA KANYANG KAPUTIAN, ANG GANSANG ITO ANG PINAKAMALIGAYANG IBON SA DITO
SA MUNDO." SABI NG UWAK.
NILAPITAN NG UWAK ANG GANSA AT IKINUWENTO NIYA ANG LUNGKOT NA NADARAMA.
SUMAGOT ANG GANSA SA UWAK AT SINABI:
"ALAM MO, AKALA KO RIN NUON NA AKO NA ANG PINAKAMALIGAYANG IBON.
SUBALIT NG MAKITA KO ANG LORO NA MAY DALAWANG KLASE NG KULAY, BIGLA KONG
NAISIP KO NA SIYA PALA ANG PINAKAMALIGAYANG IBON SA MUNDO.
NANG MARINIG NG UWAK ANG SINABI NG GANSA AY DALI-DALI NITONG HINANAP ANG
LORO. NANG MATAGPUAN ANG LORO AY MULING IPINAHAYAG NG UWAK ANG KANYANG
KALUNGKUTAN. AT SUMAGOT ANG LORO:
"ALAM MO UWAK, MASAYANG-MASAYA AKONG NAMUMUHAY SA GUBAT HANGGANG SA
MAKAKITA AKO NG ISANG PEACOCK. DALAWA LAMANG ANG KULAY KO SUBALIT ANG
PEACOCK AY NAPAKARAMING KULAY. KAYA SA TINGIN KO, ANG PEACOCK NA ANG
PINAKAMALIGAYANG NILALANG SA LAHAT NG MGA IBON."
DAHIL DITO AY AGAD NA PINUNTUHAN NG UWAK ANG PEACOCK. NATAGPUAN NIYA ITONG
DINUDUMOG NG NAPAKARAMING TAO SA LOOB NG ISANG ZOO. NANG MAGSIUWIAN NA
ANG MGA TAO AY LUMAPIT ANG UWAK SA HAWLA NG PEACOCK.

"PEACOCK, NAPAKAGANDA MO. ARAW-ARAW AY BINIBISITA KA NGNAPAKARAMING MGA


TAO. PERO AKO, PAG NAKIKITA AKO NG MGA TAO, NATATAKOT SILA AT ITINATABOY AKO.
HUMAHANGA AKO SAYO. SA TINGIN KO AY IKAW NA ANG PINAKASAMAYANG IBON SA
PLANETANG ITO."
SUMAGOT ANG PEACOCK SA UWAK:
"INISIP KO RIN DATI NA AKO NA ANG PINAKAMAGANDA AT PINAKAMASAYANG IBON SA
MUNDO. SUBALIT DAHIL SA KAGANDAHAN KO AY NAKAKULONG AKO NGAYON DITO SA ZOO.
ALAM MO, SA DINAMI-DAMI NG IBON DITO SA ZOO, AY WALA PA AKONG NAKITA NA UWAK
NASA HAWLA. KAYA INIISIP KO NA KUNG NAGING UWAK LANG AKOSANA AY MALAYA RIN
AKONG NAKAKALIPAD GAYA MO."

LAST CALL
Si Ramil na isang sundalo ay pauwi na sa kaniyang pamilya galing sa isang matinding bakbakan.
Bago siya bumiyahe ay tumawag muna siya sa kaniyang asawa mula sa army base.
"Edna, mahal ko, pauwi na ako diyan. Pero bago ako bumiyahe ay may hihilingin sana ako sa iyo na
isang malaking pabor. May kasamahan kasi ako na gusto ko sanang isama diyan pag-uwi ko,"
pakiusap ni Ramil sa asawa.
"Walang problema Ramil. Maganda yan at makikilala ko ang kasamahan mo sa serbisyo." sagot ni
Edna.
"Pero may kailangan kang malaman, Edna. Malubhang nasugatan ang kasamahan ko sa giyera.
Nasabugan siya ng bomba kaya naputol ang isang kamay at paa. Wala na siyang pamilya kaya
gusto ko sanang sa atin na siya tumira," paliwanag ni Ramil.
"Kawawa naman pala ang kasamahan mo, Ramil. Siguro ay pwede pa tayong makahanap ng ibang
lugar na matutuluyan niya." sabi ni Edna.
"Edna, ang gusto ko ay sa bahay natin siya mamuhay kasama natin," pilit na sinabi ni Ramil.
"Ramil, mahirap yang iniisip mo. Malaking pasanin ang kalagayan ng kasamahan mo. Kahit wala
tayong anak, napakahirap mag-alaga ng lumpo. May sarili tayong buhay na dapat asikasuhin. Wag
mo sanang mamasamain ang sasabihin ko, pero hindi natin responsibilidad ang kasamahan mo,"
paliwanag ni Edna sa asawa.
At duon na naputol ang kanilang pag-uusap. Ibinaba ni Ramil ang telepono matapos marinig ang
mga huling sinabi ni Edna.

Iyon na ang huling pag-uusap ng mag-asawa. Hindi na nakauwi pa ng bahay si Ramil. Makalipas
ang ilang araw ay nakatanggap ng tawag si Edna mula sa mga pulis. Ibinalita ng otoridad ang
masaklap na pagkamatay ni Ramil. Natagpuan itong wala ng buhay sa loob ng inuupahang kwarto
malapit lamang sa lugar ni Edna. May teorya ang mga pulis na nagpakamatay ang biktima.
Dali-daling sumugod si Edna sa morgue para kilalanin kung kay Ramil nga ang bangkay na tinutukoy
ng mga pulis. Sa morgue ay dahan-dahang iniangat ang puting tela na nakatakip sa mukha ng
bangkay. Kinumpirma ni Edna na si Ramil nga ang namatay. Labis ang pagtangis ni Edna sa
pagkamatay ng asawa. At halos masiraan siya ng bait ng makita niya ang buong katawan ni Ramil.
Isa na lamang ang kamay nito at isa na lang din ang hita. Labis ang pagsisisi ni Edna matapos
matuklasan na si Ramil pala ang nasabugan ng bomba mula sa giyera. Ang huling tawag na iyon ni
Ramil kay Edna ay para alamin kung sa kabila ng kanyang kapansanan ay tatanggapin pa rin siya
ng kanyang pinakamamahal na asawa.
(Photo: newsflash.org)
ANG LIHIM NI JANE
Fourth year college si Jane. 'Di gaya ng ibang estudyante, sobrang tahimik ni Jane at hindi hilig ang
bumarkada. Araw-araw pagkatapos ng klase, lagi siyang nagmamadali pauwi. Kailangan pa kasi niyang daanan sa
nursery ang kanyang anak na si June.
"June, anak, magpaalam ka na sa titser mo. Marami ka bang natutunan today?"
"Yes, mommy!"
Halos usap-usapan sa buong eskwelahan ang tungkol kay Jane. Sabi nila, disi-otso pa lang daw si Jane ng
magdalang-tao kay June. Bali-balita na anak raw niya ito sa kaniyang sugar daddy.
Pero lahat ng paninirang ito ay ipinagkibit-balikat na lamang ni Jane. Para sa kaniya, ang bagay na mas dapat niyang
intindihin ay ang pagpapalaki niya kay June. Isang beses sa isang linggo ay dinadala niya si June sa kaibigan niyang
si Phutt para turuan itong magpinta.
"Tignan mo 'tong iginuhit ni June. Isang anak at isang ina. Idrinawing niya kayong mag-ina."
Kwento ni Phutt kay Jane habang ipinapakita ang iginuhit ng bata. Dahil dito ay napangiti ng bahagya si Jane.
"Jane, bakit hindi mo ipagtapat ang katotohanan sa kanila?" tanong ni Phutt sa kaibigan.
"Anong katotohanan?" balik na tanong ni Jane.
"Ang katotohan tungkol kay June," sagot ni Phutt.
"Hindi na mahalaga yun, Phutt," tugon ni Jane.

"Pero hindi mo ba alam na pinag-uusapan ka nila? Kung anu-anong sinasabi nila tungkol sayo Jane, pag nakatalikod
ka!" giit ni Phutt.
"Di bale ng ako ang pag-usapan nila, wag lang si June." Labis ang pagmamahal ni Jane sa bata. Malinaw na
malinaw pa sa kaniyang ala-ala ng una niyang masilayan ang mala-anghel na mukha ni June noong sanggol pa
lamang ito.
Sa isang bakanteng lote na tambakan ng basura, nakalapag ang isang bag. At sa loob ng bag nagmumula ang isang
maliit na tinig. Tinig ng pagtangis. Tinig na animo'y humihingi ng saklolo. Tinig na hindi binalewala ni Jane. Hinanap
niya ang pinanggagalingan ng tinig. Nakita niya ang bag, binuksan niya ito at tumambad sa kaniya ang inosenteng
mukha ng isang sanggol....Si June.
Bumuhos ang luha habang dahan-dahang kinakarga ni Jane ang abandonadong sanggol. Naglalaban ang awa at
kaligayahan sa puso ni Jane. Masaya siya dahil kahit paano ay naabutan niyang buhay ang sanggol at hindi
napahamak sa kawalan.
Simula noon ay si Jane na ang tumayong ina para kay June. Binihisan, pinakain, inaruga, minahal niya ang bata.
Ito ang lihim ni Jane. Habang tinitignan ni Jane ang iginuhit ni June, isang pangako naman ang iginuhit niya sa
kaniyang puso.
"Titiisin ko ang lahat, anak. Magiging ina ako sa iyo habang nabubuhay ako."

ANG KWENTO MULA SA AMING MAHIWAGANG BURNAY KANINA:


INAY, YUNG TOTOO?
Nakita kitang sinisimot mo ang natirang fried chicken ni bunso, kaya binigay ko sayo yung
kalahati ng fried chicken ko. Sabi mo sa kin, "'Anak, kainin mo na yan. Hindi ako mahilig sa fried
chicken. At busog pa ang aking tiyan." INAY, YUNG TOTOO? Ayaw mo ng fried chicken o alam
mong paborito namin ito ni bunso? Hindi ka gutom o ayaw mo lang kaming magutom?
Madaling araw na pero nagtatahi ka pa rin ng basahan. Kaya sabi ko sayo, "Nay, tulog na tayo. Sabi
mo sa akin,"Nak, matulog ka na, hindi pa ako inaantok." INAY, YUNG TOTOO? 'Di ka pa inaantok, o
nagtotodo kayod ka para di kami mahinto sa pagpasok.
Nung nag-entrance exam si kuya, sinamahan mo pa siyang mag-enrol. Ang haba ng pila, siksikan sa
eskwela. Nagpabili siya sayo ng tubig. "Nay, hati tayo.",alok niya sayo.
Hindi ako nauuhaw." Yan ang sagot mo. INAY, YUNG TOTOO? Hindi ka ba talaga nauuhaw, o ayaw
mo lang mabitin ang uhaw na bakulaw?
Nung nagkatrabaho na si kuya, binibigyan ka niya ng pera. Hindi mo tinanggap, "Meron pa ko dito,
anak" Pero nakita kita, yung luma mong alkansya, tsinatsani mo at palihim pa. INAY, YUNG
TOTOO? Marami ka pa bang pera o ayaw mo lang galawin yung ipon ni kuya?

Nung malaman namin na may sakit ka, lahat kami nabigla. Namamayat ka kasi at lubhang
namumutla. Sa ospital, kinumbinsi mo si tatay, "Mga anak, ok na si nanay, umuwi na tayo ng bahay."
INAY, YUNG TOTOO?, Ok ka lang ba talaga, o ayaw mo lang kaming mag-alala?
Hindi ka na gumaling, sakit mong kanser ay tuluyan ka nang inilayo sa amin.
Iniisip ko, kung nagsabi ka lang sana ng totoo, baka ngayon ay magkasama pa rin tayo.
Nalilito man kami sa mga sinasabi mo, isang bagay lang ang aming sigurado. Kailanman ay hindi mo
ipinagkait sa amin ang pagmamahal mong matiisin at hindi nagsisinungaling. INAY, ANG PUSO
MOY GINTO, AT YAN ANG TOTOO!

"KAMATIS"
Isang matandang lalake ang mag-isa na lamang na naninirahan sa New Jersey. Ang kanyang
tanging pinagkakakitaan ay ang taun-taong pagtatanim ng mga kamatis sa likod-bahay. Katulong
niya noon ang kanyang anak na lalake sa pagtatanim. Subalit sa kasamaang palad ay nasangkot sa
isang krimen ang kanyang anak at nakulong. Kaya sa taong ito ay mukhang imposible nang
makapagtanim pa ng mga kamatis ang matanda. Sa kanyang edad ay sadyang napakahirap na ang
mag-isang magbungkal ng matigas na lupa. Labis siyang nalulungkot kaya sumulat siya sa kanyang
anak na nasa kulungan:
Dear Vincent,
Kumusta ka na diyan sa kulungan? Sana ay nasa mabuti kang kalagayan. Maayos naman ako dito
sa bahay pero nalulungkot ako dahil ngayong taon ay mukhang hindi ko na kakayanin ang
magtanim ng mga kamatis mag-isa. Napakatigas ng lupa at pahina na ng pahina ang aking katawan.
Kung nandito ka lang sana ay matutulungan mo akong magtanim ng mga kamatis. Miss na miss na
kita, anak.
Love,
Papa
Nang mabasa ang sulat ng ama ay agad na tumawag si Vincent sa kanyang ama:
Papa, kumusta ka na? tanong ni Vincent.
Ok lang ako anak, miss na miss na kita. Ok ka lang ba diyan sa loob? tanong ng nangungulilang
matanda.
Oo, Papa, ok lang ako. Makinig ka sa aking mabuti. Huwag na huwag mong bubungkalin ang lupa
sa likod-bahay. Doon ko itinago ang smuggled na mga baril.
At bigla na lamang naputol ang linya ng telepono.

Makalipas ang ilang oras ay sumugod ang mga FBI agents at pulis sa bahay ng matandang lalake.
Hinukay nila ng hinukay ang likod-bahay ngmatanda. Wala silang natagpuang mga smuggled na
armas gaya ngsinasabi ni Vincent. Humingi sila ng paumanhin sa matanda at umalis. Nang araw
ding iyon ay nakatanggap ng sulat ang matanda mula sa kanyang anak:
Dear Papa,
Pwede ka na ngayong magtanim ng mga kamatis sa likod-bahay natin. Yan lang muna ang
maitutulong ko sa ngayon. Mahal na mahal kita, Papa.
Love,
Vincent
At doon naunawaan ng matandang lalaki na sinadya ng anak niyang si Vincent na iparinig sa mga
pulis ang usapan nilang dalawa sa telepono. Inimbento lang ni Vincent ang kwentong may mga baril
na nakabaon sa likod-bahay nila para hindi na mahirapang magbungkal ng lupa ang kanyang ama.
THE KID AND THE APPLE TREE
May isang malaking puno ng mansanas ang madalas puntahan ng batang si Robi. Hilig niya ang
makipaglaro sa malaking puno. Inaakyat niya ang tuktok ng malaking puno habang kinakain ang
masarap na bunga nito, at natutulog sa lilim ng puno.
Napamahal si Robi sa malaking puno, at ganoon din ang naramdaman ng puno kay Robi. Nang di
maglaon ay lumaki na si Robi, at hindi na rin siya nakikipaglaro sa puno ng madalas.
Isang araw, malungkot na pumunta si Robi sa malaking puno. Nagalak naman ang puno dahil nakita
niya muli si Robi at sinabi:
Bakit ka malungkot? Halika, at makipaglaro ka sa akin!
Hindi na ako bata para makipaglaro sa sanga, at lilim mo. Nalulungkot ako dahil may laruan ang
mga kalaro ko samantalang ako ay wala, at kailangan ko ng pera para makabili ng laruan, sagot ng
bata.
Pasensya na, hindi kita mabibigyan ng pera. Pero maaari mong kunin lahat ng bunga ng mansanas
sa aking ulo at ibenta ito. Tiyak na magkakaron ka ng pera pambili ng laruan, alok ng malaking
puno sa bata.
Nagmadaling umakyat si Robi sa malaking puno para kuhain lahat ng mansanas, at masayang
umalis. Hindi na muling bumalik ang bata matapos ibenta ang bunga ng puno, nakaramdam ng
matinding kalungkutan ang malaking puno.

Maraming taon ang lumipas, nagkaroon na ng sariling pamilya si Robi. Nagtungo siya sa malaking
puno, at nagalak ang malaking puno nang makita niya si Robi at sinabi:
Na-miss kita Robi, halika at makipaglaro ka sa akin!
Wala na akong oras para makipaglaro. Naghahanap-buhay na ako para sa pamilya ko at kailangan
ko ng bahay na matutuluyan ng pamilya ko. Matutulungan mo ba ako? tanong ni Robi sa malaking
puno.
Pasensya na, wala akong bahay na maibibigay sayo. Pero maaari mong putulin lahat ng tangkay at
sanga ko para makagawa ka ng bahay para sa pamilya mo, alok ng puno kay Robi.
Nagmadaling pinutol ni Robi ang sanga at tangkay ng malaking puno. Pagkatapos niya maputol ang
sanga at tangkay para sa kaniyang bahay ay masayang umalis si Robi at hindi na muling bumalik.
Nakaramdam muli ng pangungulila at kalungkutan ang malaking puno.
Dumating ang araw ng tag-init, nagtungo muli si Robi sa malaking puno at nagalak ang puno nang
makita niya si Robi at sinabi:
Salamat at naalala mo pa ako, halika at makipaglaro ka sa akin!
Napapagod na ako, at nais ko sanang mamangka sa ilog para makaramdam ng kaunting pahinga.
Maaari mo ba akong bigyan ng bangka? sagot ni Robi sa malaking puno.
Gamitin mo ang aking katawan para gumawa ng bangka, sagot ng malaking puno kay Robi.
Pinutol ni Robi ang kaliwang bahagi ng malaking puno para gumawa ng sariling bangka. Masayang
umalis si Robi at hindi na muling nagpakita ng mahabang panahon.
Pagkalipas ng mahabang panahon, nagtungo muli si Robi sa malaking puno.
Pasensya na Robi, wala na akong maibibigay sayo. Wala na akong bunga, sabi ng puno kay Robi.
Wala na akong ngipin para kainin ang masarap mong bunga. Sagot ni Robi.
Marupok na rin ang katawan ko para akyatan mo. Sabi ng puno.
Mahina na ang katawan ko para umakyat sa tuktok mo. Sagot ni Robi.
Wala na talaga akong maibibigay sayo Robi, ang tanging bagay na natitira sa akin ay ang
naghihingalong ugat ko. Umiiyak na sinabi ng puno kay Robi.
Wala na akong kailangan, matanda na ako kagaya mo. Ang kailangan ko ay ang magpahinga,
sagot ni Robi.

Halikat sumandal ka at magpahinga sa ugat ko. Sabi ng puno.


Umupo si Robi sa tabi ng matandang puno at, naiyak sa galak ang puno.
Ang magulang natin ay parang puno. Noong bata pa tayo, gustong-gusto natin ang makipaglaro sa
magulang natin. Pero nung lumaki na, nawawalan na tayo ng oras sa kanila. Bumabalik lamang tayo
sa kanila kapag kailangan natin ng tulong. At kahit anong mangyari, nandiyan lang ang ating
magulang para suportahan tayo at handang magbigay sa atin ng ating kailangan para mapasaya
tayo.

"DAMP BED"
Pagkatapos maabot ng isang anak ang kaniyang career bilang isang businessman, nadama niya na
kundi dahil sa pagsasakripisyo ngkaniyang nanay ay hindi niya maaabot ang career niya ngayon.
Kaya minabuti niya na pumunta sa tahanan ng kaniyang nanay para magpasalamat at suklian
lahat ng paghihirap nito.
Tinanong niya ang kaniyang nanay,
Nay, anong gusto mo? Ibibili kita ng kahit anong gusto mong gamit. Ano po ba magagawa ko?
Paano ko po mababayaran lahat ngpagsasakripisyo at pagmamahal mo para sa akin?
Nanibago ang nanay sa sinabi ng kanyang anak at sinabi:
Bakit mo naman sinasabi yan, anak? Ano bang nakain mo? Alam mo, hindi mo kailangan suklian
lahat ng sakripisyo na nagawa ko para sayo, dahil tungkulin ko iyon bilang isang ina.
Nalungkot ang anak sa pagtanggi ng kaniyang nanay, pero patuloy pa rin ang pagtatanong ng anak
kung anong gusto ng kaniyang nanay at patuloy ang pangungulit na pilitin ang kanyang nanay. Para
matapos ang usapan, pumayag na ang kanyang nanay at sinabi:
O sige, anak. Kung gusto mo talaga akong suklian, matutulog ka mamayang gabi sa aking kwarto.
Na-miss ko kasi nung baby ka pa at lagi kitang katabi matulog.
Parang hindi na bagay sa edad ko yun, pero dahil kagustuhan mo. Payag na po ako,
sagot ng anak.
Nang makatulog na sa himbing ang anak, bumangon ang nanay at kumuha ng isang timba ng tubig.
Gamit ang baso, binasa niya ang ilang bahagi ng kama at dahan-dahan namang nagising ang
kaniyang anak dahil sa basang kama.

Nang magising ang anak, bumangon siya dahil naramdaman niya na basa ang buong kama at
nakita niya ang kaniyang nanay na hawak ang baso sa kamay. Nagalit ang anak at sinabi,
Anong ginagawa mo, Nay?! Bakit ayaw mo kong patulugin! Bakit mo binabasa ang buong kama?
Gabi-gabi kitang katabi. Sa tuwing nababasa ang kama nagigising ako para palitan ko ang lampin
mo at ipunta ka sa tuyo na bahagi ng kama at duon ako mahihiga sa parte na basa. Gusto mo kong
suklian diba? Kaya mo bang matulog ng buong gabi sa isang basang kama? Kung magagawa mo.
Bayad ka na sa lahat ng pagsasakripisyo ko. Nakangiting sinabi ng nanay sa kaniyang anak.
(Photo: usgraduatesblog.com)
Ang kwento mula sa aming Mahiwagang Burnay kanina:
ULILA NA SA INA SI JONATHAN KUNG KAYA'T ANG AMA NA LAMANG NIYA ANG SIYANG NAGAARUGA SA KANYA.
PABORITO NI JONATHAN ANG LARONG FOOTBALL KAYA TUWANG-TUWA SIYA NG
MATANGGAP SIYA SA VARSITY. SUBALIT DAHIL SA MAY KALIITAN ANG KANYANG
PANGANGATAWAN AY MADALAS SIYANG NABABANGKO SA KANILANG MGA LABAN. HINDI
BUO ANG KUMPIYANSA SA KANYA NG KANYANG TEAM NA KAYA NIYANG MAKAPAGPANALO
NG ISANG LARO.
SUBALIT IBA ANG PANANAW NG AMA NI JONATHAN.
"HUWAG KANG SUSUKO, ANAK. PATUNAYAN MO SA KANILA NA HINDI SILA NAGKAMALI NG
PAGPILI SAYO. DARATING ANG PANAHON NA IKAW ANG MAGIGING STAR PLAYER NG TEAM
NIYO. NANINIWALA AKO MAKAKAYA MO ITO."
DAHIL SA MGA PANGARAL NG AMA AY IBINUHOS NI JONATHAN ANG KANYANG ORAS SA
DIBDIBANG PAG-EENSAYO. DINIDISIPLINA NIYA ANG KANYANG KATAWAN AT INIHAHANDA
ANG SARILI KUNG SAKALING PAGLARUIN SIYA NG KANYANG COACH. AT BAWAT ORAS NG
KANYANG PAG-EENSAYO AY NAROON AT NAKASUBAYSAY ANG KANYANG AMA.
AT NAGBUNGA ANG PAGTITIYAGA NI JONATHAN. ISANG MAGANDANG BALITA ANG
NATANGGAP NIYA MULA SA KANYANG COACH.
"JONATHAN, HANGA AKO SAYO DAHIL NAKIKITA KO NA ARAW-ARAW AY SERYOSO KA SA
PAG-EENSAYO MO. SA SUSUNOD NA TOURNAMENT AY ISASAMA KITA SA LINE UP. KAYA
PAGHANDAAN MO ITO."
TUWANG-TUWA SI JONATHAN DAHIL SA WAKAS AY DUMATING NA RIN ANG PAGKAKATAON
NA PINAPANGARAP NIYA, ANG MAKAPAGLARO PARA SA KANILANG ESKWELAHAN. SUBALIT
ISANG LINGGO BAGO ANG TOURNAMENT AY ISANG TAWAG MULA SA KAPIT-BAHAY ANG
NATANGGAP NI JONATHAN."
"JONATHAN, YUNG TATAY MO, NASAGASAAN. PUMUNTA KA AGAD SA OSPITAL."
SA KASAMAANG PALAD AY HINDI NA UMABOT NG BUHAY SA OSPITAL ANG TATAY NI
JONATHAN. NILAMON NGKATAHIMIKAN ANG BUHAY NG BINATA. SAMGA PANAHONG ITO AY

MAHIRAP HULAAN KUNG ANO NAGLALARO SA ISIPAN NI JONATHAN NGAYONG WALA NA


ANG KANYANG AMA.
"COACH, MAGPAPALAM PO MUNA AKO SA TEAM HANGGANG SA MAILIBING ANG TATAY KO.
HINDI PO MUNA AKO MAKAKAPAG-ENSAYO." SABI NI JONATHAN.
"'WALA KANG DAPAT ALALAHANIN. KAILANGAN MO NG MAHABANG PAHINGA." SAGOT NG
COACH.
ISANG LINGGO ANG NAKALIPAS. NAIHATID NA SA HULING HANTUNGAN ANG MGA LABI NG
AMA NI JONATHAN. AT SA ARAW DING IYON NAGANAP ANG TOURNAMENT NA
PINAPANGARAP NI JONATHAN.
INAAKALA NG COACH NI JONATHAN NA DAHIL SA TRAHEDYA AY HINDI NA MAKAKASIPOT SI
JONATHAN PARA SA TOURNAMENT. AT NAGSIMULA NGA ANG LABAN NG WALA SI
JONATHAN. LUMALAMANG SA LARO ANG KABILANG KOPONAN. BALISA SA NA ANG COACH
NG SA DI KALAYUAN AY MATANAW NIYA SI JONATHAN. NAKAUNIPORME AT PAPALAPIT SA
KANYANG TEAM.
LUMAPIT SI JONATHAN SA COACH AT SINABI, "COACH, NAIPANGAKO PO NINYO NOON NA
ISASAMA NIYO AKO SA LINE-UP KAYA PO NANDITO AKO NGAYON. MAGLALARO PO AKO."
PUMAYAG ANG COACH NA MAKAPAGLARO SI JONATHAN. NANG IPASOK SIYA SA FIELD AY
UNTI-UNTING NAKABAWI NG TEAM NI JONATHAN HANGGANG SA NAGING DIKIT ANG
LABAN. NAGPATAS ANG SCORE NG DALAWANG KOPONAN. SA PAGDATING NG MGA HULING
SEGUNDO NG LARO AY NAAGAW NI JONATHAN ANG BOLA. TUMAKBO SIYA NG
NAPAKATULIN KASABAY NG MATULIN DING PAGPATAK NG MGA NALALABING SEGUNDO NG
LARO. AT SA HULING BAHAGI NG LARO AY NAGAWA NI JONATHAN NA MAITAWID ANG BOLA
MULA SA MGA HUMAHARANG SA KANYA HANGGANG SA....TOUCHDOWN!
PANALO ANG TEAM NI JONATHAN. ANG MGA TAGAPANOOOD AT IBA PANG MANLALARO AY
NAGHIYAWAN SA TUWA. HIGIT SA LAHAT AY TINANGHAL NA BEST PLAYER SI JONATHAN.
SA LOCKER ROOM AY NILAPITAN SI JONATHAN NG KANYANG COACH.
"CONGRATS JONATHAN. MAITANONG KO LANG, ANONG NASA ISIP MO KANINA HABANG
NAGLALARO KA?"
"COACH, INISIP KO LANG PO ANG TATAY KO. ANG LARONG ITO AY PARA SA KANYA. SIYA
TATAY ANG ARAW-ARAW NA SUMASAMA SA AKIN SA MGA ENSAYO KO NOON. SIYA ANG
NAGING NUMERO UNO KONG TAGAHANGA. COACH, HINDI ALAM NG MARAMI NA BULAG
ANG TATAY KO. HINDI SIYA NAKAKAKITA O NAKAKAANINAG MAN LANG. PERO MAY MGA
MATA ANG PUSO NI TATAY. ALAM KONG NAPANOOD NIYA KANINA ANG LABAN KO DAHIL
NGAYONG NASA LANGIT NA SIYA AY PERPEKTO NA ANG KANYANG PANINGIN NA PATULOY
NA GAGABAY SA AKIN.
Like Share

BABY BLANKET

Matapos matamaan ng malakas na lindol ang isang lungsod na malapit sa isang bundok, mabilis na
rumesponde ang mga rescue team upang sagipin ang mga taong naninirahan sa lugar na
pinangyarihan ng sakuna. Marami ang sugatan, namatay at nawalan ng kabuhayan dahil sa pinsala
nito.
Pagkadating ng rescue team sa lungsod, bumungad sa kanila ang mga gumuhong bahay at kaagad
na napansin ang isang babaeng nadagananng malaking pader.
Sa puntong iyon, umaasa ang rescue team na may buhay pa ang nasabing babae. Kaya naman
buong pwersa na tinanggal ng rescue team ang nakadagan na pader. Ngunit nang matanggal na
nila ang malaking pader ay malamig na ang katawan ng babae, at kumpirmadong patay na.
Napansin ng lider ng rescue team na magka-yakap at magka-hawak ang mga kamay ng babae na
para bang may bagay na pino-protektahan.
Ngunit, pansamantala muna nilang iniwan ang malamig na katawan ngbabae habang hindi pa
dumadating ang sasakyan para sa mga bangkay, at nagpatuloy ang rescue team sa paghahanap
para sa iba pang napinsala ng malakas na lindol.
Nang matapos nila ang paghahanap, bumalik ang lider ng rescue team sa bangkay ng babae.
Nagulat ito nang may marinig siyang iyak galing sa dito at kaagad na tinawag ang kanyang mga
kasamahan at sumigaw:
May sanggol! May sanggol!
Nagmadali ang buong rescue team sa pagtanggal ng iba pang maliliit na batong nakapalibot sa
katawan ng bangkay. Nagulat sila nang makita nila ang isang sanggol na nakabalot sa makapal na
kumot. Doon nila napagtanto na noong bumagsak ang buong bahay, sinakripisyo ng babae ang
kanyang buhay para protektahan ang kanyang anak.
Dumating ang doctor ng medical team upang suriin ang kalagayan ngsanggol, noong buksan niya
ang makapal na kumot, nakita niya ang isang kapirasong papel sa tiyan ng bata na may nakasulat:
Mahal kong anak, kung nabuhay ka lagi mong tatandaan, mahal na mahal ka ni mommy.

ANG PITONG KASINUNGALINGAN NG AKING NANAY


Mahirap lamang kami noong bata pa ako. Minsan hindi kami nakakakain sa oras at kadalasan yung
pagkaing nakalaan sa aking nanay ay ibinibigay pa niya sa akin. "Anak, kainin mo na ito, di naman
ako gutom."
Ito ang unang kasinungalingan ni nanay.

Sa aking paglaki, madalas nagpupunta si nanay sa ilog para mamingwit ng isda at ang kaniyang
nahuhuli ay niluluto niya para maging ulam namin.
Pinapauna niya akong kumain habang pinapanood lamang niya ako. At dahil sobra naman ang
niluto niya, inilagay ko sa pinggan niya ang isa pang isda pero tumanggi siya. " Sa iyo na yan anak,
hindi naman ako mahilig sa isda."
Ito ang pangalawang kasinungalingan ni nanay.
Tumuntong na ako sa high school at noong panahong iyon at nagtatrabaho na si nanay sa
munisipyo bilang isang clerk. Para madagdagan ang kaniyang pang-tustos sa aking pagaaral ay
naguuwi si nanay ng mga damit na kaniyang binuburdahan mula sa kaniyang kaibigang mananahi.
Kadalasan sa gitna ng gabi tuwing magigising ako ay nakatutok pa rin si nanay sa kaniyang
binuburdahan. "Nay, magpahinga ka na....May pasok ka pa bukas," sabi ko.
"Matulog ka na anak. Di pa ako inaantok."
Ito ang pangatlong kasinungalingan ni nanay.
Sa paglipas ng panahon, pumanaw ang aking ama matapos ng ilang taong pakikipaglaban sa sakit,
kaya lalong nahirapan si nanay na gampanan ang kaniyang tungkulin bilang "single parent". Mabuti
na lang at may mga kamaganak na tumutulong.
Hindi naman ako makapagtrabaho dahil nasa kolehiyo na ako noon at malapit nang makatapos. Di
biro ang gastusin sa kolehiyo kaya halos nabaon kami sa utang.
May nagsasabi kay nanay na mag-asawang muli pero hindi ito sinang-ayunan ni nanay. "Kaya ko
namang buhayin ang anak ko magisa. Di ko na kailangan ng pagmamahal ng isang asawa. Ok na
ako."
Ito ang pangapat na kasinungalingan ni nanay.
Sa wakas ay nakatapos na ako ng pagaaral at nagkaroon ng trabaho. Sabi ko kay nanay pwede na
siyang tumigil sa trabaho, pero hindi siya pumayag.
Nagpatuloy pa rin siya sa trabaho niya sa munisipyo. Binibigyan ko siya ng pera tuwing sweldo, pero
lagi niyang ibinabalik sa akin. "Mas kailangan mo yan anak. May pera pa naman ako."
Ito ang panglimang kasinungalingan ni nanay.
Tuluyan nang gumanda ang aking estado sa trabaho at kumikita na ako ng higit pa sa aming
pangangailangan ni nanay. Inalok ko si nanay na mamasyal sa labas ng bansa. Dahil siguro nakikita
niya kung gaano ako ka-busy sa trabaho at ayaw niya akong istorbohin, muli sinabi niya: "Naku
anak, sa susunod na lang. Hindi naman ako sanay sa ganiyan."
Ito ang pang anim na kasinungalingan ni nanay.
Sa pagtanda ni nanay, nagkaroon siya ng colon cancer at kinailangang ma-ospital. Tuwing
dumadalaw ako sa kaniya, lalo siyang humihina lalo na noong matapos ang operasyon. Ang laki ng
itinanda ni nanay dahil sa sakit at sa tuwing tinititigan niya ako ay ngumingiti pa rin siya, pero alam
kong pinipilit lamang niyang gawin iyon para siguro hindi ako mag alala.

Alam kong tuluyan na siyang tinatalo ng kaniyang sakit dahil nakikita ko ang kaniyang pamamayat at
panghihina.
Napahagulgol ako sa tabi niya dahil hindi ko kinayang makita siya sa ganung kundisyon, pero sa
kabila ng kahinaan ni nanay, hinaplos niya ako sa mukha at paputol-putol niyang sinabi: "Huwag ka
nang umiyak. Hindi naman ako nasasaktan, magiging
maayos din ako."
Ito ang pang pitong kasinungalingan ni nanay.
Matapos bigkasin ni nanay ang kaniyang pang pitong kasinungalingan ay tuluyan na niyang ipinikit
ang kaniyang mga mata.

KWENTO NG MAHIWAGANG BURNAY: "ANG CHEKE NI LOLO"


Si Tony ay isang negosyante na kasalukuyang baon sa utang. Hinahabol na siya ng mga creditors
niya. Naniningil na rin ang mga suppliers ng kumpanya niya. Para makapag-isip ay nagtungo muna
siya sa isang park at pansamantalang nagpahinga.
Naupo si Tony sa isang bench at nag-isip ng malalim kung paano maililigtas ang kanyang kumpanya
mula sa pagkaka-bankrupt. Habang nasa park ay isang matandang lalaki ang lumapit sa kanya.
"Iho, mukhang napakalaki yata ng pino-problema mo," sabi ng matanda.
Ikinuwento ni Tony sa matanda ang tungkol sa kanyang naluluging negosyo. Matapos marinig ang
kwento ni Tony ay biglang ngumiti ang matanda at sinabi:
"Sa tingin ko iho ay matutulungan kita."
Kinuha ng matanda ang buong pangalan ni Tony at dali-daling nagsulat sa isang cheke. Iniabot ng
matandang lalake ang cheke kay Tony at sinabi:
"Tony, kunin mo muna ito. Sa susunod na taon ay magkita tayo ulit dito sa park para maibalik mo sa
akin ang halagang ito."
Pagkatanggap ni Tony ng cheke ay siya namang alis ng matandang lalake. Nagulat si Tony nang
makita ang cheke na may halaga na limandaang libong dolyar. At ang cheke ay pirmado ni John
Rockefeller, isa sa pinakamayamang tao sa buong mundo. Dahil dito ay labis na natuwa si Tony.
Biglang napawi ang kanyang mga agam-agam tungkol sa pagkakalubog sa utang.
"Sa isang kisapmata ay kayang-kayang burahin ng halagang ito ang mga pagkakautang ko."

Subalit sa halip na ipambayad sa mga utang ay hindi ginalaw ni Tony ang cheke na ibinigay sa
kanya ng matandang lalake. Nagdesisyon siya na ilagay na muna ito sa kaha de yero para
pansamantalang itago.
Nang mga oras na iyon ay bitbit ni Tony ang positibong pananaw habang nag-iisip ng mga bagong
stratehiya para maiahon ang negosyo. Nagkaroon siya ng lakas ng loob para humakot ng mga
profitable deals para sa kumpanya. Naging matagumpay ang kanyang mga transaksyon at sa loob
lamang ng dalawang buwan ay nabayaran ni Tony ang lahat ng pagkakautang. Pagkatapos
mabayaran ang mga utang ay muling bumulusok ang kita ng kanyang negosyo.
Pagkalipas ng isang taon ay nagbalik si Tony sa park dala ang cheke na ibinigay sa kanya ng
matanda. Tulad ng napagkasunduan ay muling nagpakita ang matandang lalake. Excited si Tony na
maikwento ang naging tagumpay niya sa kanyang negosyo simula ng matanggap niya ang cheke.
Nang ibabalik na niya ang cheke ay biglang dumating ang isang nurse at inakay ang matandang
lalake.
"Mabuti at nakita ko kayo dito Lolo Manuel," sabi ng nurse sa matandang lalake.
"Mister, pasensya na ho kayo sa abala. Ulyanin na ho kasi itong alaga ko. Madalas siyang tumakas
ng bahay at sinasabing siya daw si John Rockfeller," paliwanag ng nurse kay Tony.
Nagulat si Tony sa kanyang natuklasan. Isang taon na pala siyang nakikipagsapalaran para sa
kanyang negosyo sa pag-aakalang meron siyang nakatago na kalahating milyong dolyar. Doon
naunawaan ni Tony na hindi ang cheke, totoo man o hindi, ang nagpabago sa takbo ng kanyang
buhay. Ang lakas ng loob at hindi pagsuko sa mga pagsubok ang dahilan kung bakit siya
nagtagumpay.
Sa kabila nito ay nagpapasalamat pa rin siya sa naging kontribusyon ng matandang lalake sa park
na may PEKENG cheke at TOTOONG puso sa pagtulong.

ANG KWENTO MULA SA AMING MAHIWAGANG BURNAY KANINA:


ISANG BATANG LALAKE ANG DALI-DALING NAGPUNTA SA KUSINA PARA KAUSAPIN ANG
KANYANG INA. INIABOT NG BATA ANG ISANG PIRASO NG PAPEL KUNG SAAN NAKASULAT
ANG MGA SUMUSUNOD:
PARA SA PAGTATABAS KO NG DAMO: P10
PARA SA PAGLILINIS KO NG KWARTO: P10
PARA SA PAGPUNTA KO SA TINDAHAN: P10
PARA SA PAG-AALAGA KO KAY BUNSO: P20
PARA SA PAGKAKAROON KO NG MATAAS NA GRADE SA SCHOOL: P50

TOTAL: P100
NANG MABASA ANG LISTAHAN, KUMUHA NG LAPIS ANG KANYANG INA, BINALIGTAD ANG
PAPEL AT NAGSIMULANG MAGSULAT:
PARA SA SIYAM NA BUWAN KONG PAGDADALA SAYO SA SINAPUPUNAN KO: WALANG BAYAD
PARA SA MGA GABI NA NAPUYAT AKO SA PAG-AALAGA SAYO: WALANG BAYAD
PARA SA MGA LUHA KO PAG NAPAPAHAMAK KA: WALANG BAYAD
PARA SA MGA LARUAN, DAMIT AT PAGKAIN MO: WALANG BAYAD
PARA SA PAGPUNAS KO SA TUMUTULONG SIPON MO: WALANG BAYAD
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------ANAK, KAPAG PINAGSAMA-SAMA MO LAHAT, ANG HALAGA NGPAGMAMAHAL KO SAYO AY:
WALANG BAYAD!
NANG MABASA NG BATA ANG ISINULAT NG NANAY NIYA AY NAPALUHA ITO.
"'NAY, MAHAL NA MAHAL KO DIN PO KAYO." SABAY YAKAP SA INA HABANG HUMAHAGULGOL
SA PAGLUHA. NANG MAHIMASMASAN AY KINUHA NG BATA ANG LAPIS AT SUMULAT SA
KANYANG LISTAHAN GAMIT ANG MALALAKING LETRA:
"BAYAD NA LAHAT!"
KAMAY
Nagmamasid, nagmamatyag, nag-aabang ng mabibiktima sa park ang snatcher na si Manu.
Binansagang "Kidlat ng Quiapo" dahil sa bilis ng mga kamay nito sa pandurukot. Si Manu ay lumaki
sa Maynila nang walang kinikilalang mga magulang. Sa murang edad ay natuto na siyang
makipagsapalaran. Hanggang sa magbinata, ang pandurukot ang ipinangtatawid niya sa araw-araw
na pagkalam ng sikmura.
Sa araw na ito ay sa Luneta Park pumwesto si Manu. At habang nasa park ay napansin niya ang
isang matandang lalake na nakaupo. Hindi gumagalaw ang matanda at tahimik na nakatitig sa sarili
nitong mga kamay. Kung tatanyahin ay nasa 90 anyos na ang matanda. Kulubot na ang mga balat at
puting-puti na ang buhok nito. Bagamat isang bandido ay naawa si Manu sa matanda. Lamapit siya
sa kinauupuan nito para alamin ang kalagayan ng matanda:
"Lolo, ok lang po ba kayo?"

Ngumiti kay Manu ang matanda at sinabi:


"Oo, iho. Ayos lang ako. Salamat!"
Naisip ni Manu na maupo sa tabi ng matanda.
"Pasensya na ho kayo, Lolo. Pero kinabahan ako kanina nung makita ko kayo na hindi gumagalaw.
Akala ko ay kung napapano na kayo. Ano po bang ginagawa niyo? Bakit niyo tinititigan ang mga
palad niyo?" pag-uusisa ni Manu.
"Tatanungin kita iho. Sa buong buhay mo ba ay nagawa mo na bang tignan ang iyong mga kamay?
Yung tipong nabigyan mo ng panahon para titigan ang bawat detalye ng mga palad mo?"
Napaisip si Manu sa itinanong sa kanya ng matanda. Dahil dito ay unti-unti niyang ibinuka ang mga
kamay at parang batang tinignan ang mga palad ng malapitan.
"Lolo, maari ko bang malaman kung ano ang ipinupunto niyo?" tanong ni Manu.
Muling ngumiti ang matanda at nagsimulang magkwento:
"Tignan mo ang mga kamay mo. Isipin mo kung gaano ka na katagal pinagsisilbahan ng mga ito.
Itong mga kamay ko, kulubot na ang mga balat at mahina. Pero ilang taon din akong pinagsilbihan
nito para humawak ng mga bagay, makapagtrabaho at yakapin ang buhay.
Nung bata pa ako, itong mga kamay na ito ang gamit kong pantukod sa tuwing madadapa ako. Ito
rin ang pansubo ko ng pagkain, taga-bihis ng damit, at taga-sintas ng sapatos ko.
Tinuruan ako ng nanay ko na paglapatin ang mga kamay na ito sa tuwing mananalangin.
Nang magka-edad ako ay mas lalong lumaki ang pakinabang ko sa mga kamay na ito. Ito ang mga
kamay na nanginginig, nangangalay ng unang beses kong kargahin ang panganay kong anak. Ito
ang taga-pahid ng kanyang mga luha sa mata at taga-lambing sa mga bisig ng aking asawa.
Nung ako ay ipinadala sa giyera, itong mga kamay na ito ang taga-hawak, taga-kasa, taga-putok ng
sandata ko. Naging taga-pawi ng takot at taga-lunas ng sugat aking mga kasamahan. Napatunayan
ko na rin ang tibay at lakas ng mga kamay na ito ng minsang buhatin nito ang patay na katawan ng
isang kasamahan kong sundalo.
Narumihan, nagalusan, nabalian...nasugatan, pero buo pa rin ang mga kamay na ito.
Ito ang taga-sulat ng mga liham para sa pamilya ko. Ito ang naglibing sa yumao kong mga
magulang. At ang parehong mga kamay na ito ang naghatid sa aking anak sa altar nang siya ay
ikasal.

Ang mga kamay na ito ang naging taga-akay ng aking mga apo at taga-kamay sa mga kaibigan.
Ito ang taga-alis ng puwing sa aking mata, taga-suklay ng buhok ko at taga-hilamos ng aking mukha.
At ngayon, sa aking pagtanda, ang mga kamay na ito pa rin ang katuwang ko sa paghiga at
pagbangon.
Patuloy ko pa rin pinagtatagpo ang mga palad ko sa tuwing akoy mananalangin.
Ang mga kamay na ito ang palatandaan ng baku-bako subalit masaya kong buhay.
Ngunit ang pinaka-importante sa lahat, ang mga kamay na ito ang aabutin ng Diyos para ihatid ako
sa tunay kong tahanan sa Langit. Hindi mahalaga sa Kanya kung ano ang pinanggalingan o ano
pang nagawa ng mga kamay na ito. Ang mahalaga sa Kanya ay kung sino at gaano niya kamahal
ang nagmamay-ari nito.
Sa pamamagitan ng kamay na ito ay bibitbitin Niya ako sa Kanyang tabi at sa pamamagitan nito ay
mahihipo ko ang Mukha ni Kristo."
Nang marinig ang ikinuwento ng matanda ay hindi maiwasang mapaluha ni Manu. Natutunan niya
na ang pagpapahalaga sa simpleng mga kamay ay katumbas ng pagpapahalaga sa sariling
kaluluwa.
Simula nuon ay tila ginto na ang turing ni Manu sa kanyang mga kamay. Hindi na niya ito muling
ginamit sa pandurukot at paggawa ng kasamaan. Namasukan siya bilang kargador sa palengke at
kinalimutan na ang panlalamang sa kapwa. Pagod man at narurumihan ang kanyang mga kamay,
masaya siya dahil kumikita na siya ngayon sa malinis na paraan.
Ilang taon ang lumipas ay muling napapadpad si Manu sa park para mamasyal. Hindi na niya muling
nakita pa ang matanda lalake. Sa parehong pwesto kung saan una niyang nakita ang matanda ay
duon muling naupo si Manu. Unti-unti niyang ibinuka ang mga kamay at tinitigan ang mga ito. At
pagkatapos ay ipinaglapat niya ang mga palad at nag-alay ng isang panalangin:
"Panginoon, marahil ay kasama niyo na siya ang matandang lalake na nakilala ko. Salamat po at
pinagtagpo niyo nuon ang mga landas namin. At salamat po sa mga kamay na ito na ipinagkaloob
niyo sa akin,"
Matapos manalangin ay isang mumunting mga kamay ang humawak sa mga palad ni
Manu. Mga kamay ito ng kanyang dalawang taong gulang na anak na babae, akay-akay ng
maybahay ni Manu.

Ngayon ay nagtatrabaho na si Manu bilang isang pulis sa Maynila. Ang da ting mandurukot nuon ay
alagad na ng batas ngayon. At ang mga kamay nuon ni Manu na makasalanan, ngayon ay
instrumento na ng kapayapaan.

KAMAY
Nagmamasid, nagmamatyag, nag-aabang ng mabibiktima sa park ang snatcher na si Manu.
Binansagang "Kidlat ng Quiapo" dahil sa bilis ng mga kamay nito sa pandurukot. Si Manu ay lumaki
sa Maynila nang walang kinikilalang mga magulang. Sa murang edad ay natuto na siyang
makipagsapalaran. Hanggang sa magbinata, ang pandurukot ang ipinangtatawid niya sa araw-araw
na pagkalam ng sikmura.
Sa araw na ito ay sa Luneta Park pumwesto si Manu. At habang nasa park ay napansin niya ang
isang matandang lalake na nakaupo. Hindi gumagalaw ang matanda at tahimik na nakatitig sa sarili
nitong mga kamay. Kung tatanyahin ay nasa 90 anyos na ang matanda. Kulubot na ang mga balat at
puting-puti na ang buhok nito. Bagamat isang bandido ay naawa si Manu sa matanda. Lamapit siya
sa kinauupuan nito para alamin ang kalagayan ng matanda:
"Lolo, ok lang po ba kayo?"
Ngumiti kay Manu ang matanda at sinabi:
"Oo, iho. Ayos lang ako. Salamat!"
Naisip ni Manu na maupo sa tabi ng matanda.
"Pasensya na ho kayo, Lolo. Pero kinabahan ako kanina nung makita ko kayo na hindi gumagalaw.
Akala ko ay kung napapano na kayo. Ano po bang ginagawa niyo? Bakit niyo tinititigan ang mga
palad niyo?" pag-uusisa ni Manu.
"Tatanungin kita iho. Sa buong buhay mo ba ay nagawa mo na bang tignan ang iyong mga kamay?
Yung tipong nabigyan mo ng panahon para titigan ang bawat detalye ng mga palad mo?"
Napaisip si Manu sa itinanong sa kanya ng matanda. Dahil dito ay unti-unti niyang ibinuka ang mga
kamay at parang batang tinignan ang mga palad ng malapitan.
"Lolo, maari ko bang malaman kung ano ang ipinupunto niyo?" tanong ni Manu.
Muling ngumiti ang matanda at nagsimulang magkwento:

"Tignan mo ang mga kamay mo. Isipin mo kung gaano ka na katagal pinagsisilbahan ng mga ito.
Itong mga kamay ko, kulubot na ang mga balat at mahina. Pero ilang taon din akong pinagsilbihan
nito para humawak ng mga bagay, makapagtrabaho at yakapin ang buhay.
Nung bata pa ako, itong mga kamay na ito ang gamit kong pantukod sa tuwing madadapa ako. Ito
rin ang pansubo ko ng pagkain, taga-bihis ng damit, at taga-sintas ng sapatos ko.
Tinuruan ako ng nanay ko na paglapatin ang mga kamay na ito sa tuwing mananalangin.
Nang magka-edad ako ay mas lalong lumaki ang pakinabang ko sa mga kamay na ito. Ito ang mga
kamay na nanginginig, nangangalay ng unang beses kong kargahin ang panganay kong anak. Ito
ang taga-pahid ng kanyang mga luha sa mata at taga-lambing sa mga bisig ng aking asawa.
Nung ako ay ipinadala sa giyera, itong mga kamay na ito ang taga-hawak, taga-kasa, taga-putok ng
sandata ko. Naging taga-pawi ng takot at taga-lunas ng sugat aking mga kasamahan. Napatunayan
ko na rin ang tibay at lakas ng mga kamay na ito ng minsang buhatin nito ang patay na katawan ng
isang kasamahan kong sundalo.
Narumihan, nagalusan, nabalian...nasugatan, pero buo pa rin ang mga kamay na ito.
Ito ang taga-sulat ng mga liham para sa pamilya ko. Ito ang naglibing sa yumao kong mga
magulang. At ang parehong mga kamay na ito ang naghatid sa aking anak sa altar nang siya ay
ikasal.
Ang mga kamay na ito ang naging taga-akay ng aking mga apo at taga-kamay sa mga kaibigan.
Ito ang taga-alis ng puwing sa aking mata, taga-suklay ng buhok ko at taga-hilamos ng aking mukha.
At ngayon, sa aking pagtanda, ang mga kamay na ito pa rin ang katuwang ko sa paghiga at
pagbangon.
Patuloy ko pa rin pinagtatagpo ang mga palad ko sa tuwing akoy mananalangin.
Ang mga kamay na ito ang palatandaan ng baku-bako subalit masaya kong buhay.
Ngunit ang pinaka-importante sa lahat, ang mga kamay na ito ang aabutin ng Diyos para ihatid ako
sa tunay kong tahanan sa Langit. Hindi mahalaga sa Kanya kung ano ang pinanggalingan o ano
pang nagawa ng mga kamay na ito. Ang mahalaga sa Kanya ay kung sino at gaano niya kamahal
ang nagmamay-ari nito.
Sa pamamagitan ng kamay na ito ay bibitbitin Niya ako sa Kanyang tabi at sa pamamagitan nito ay
mahihipo ko ang Mukha ni Kristo."

Nang marinig ang ikinuwento ng matanda ay hindi maiwasang mapaluha ni Manu. Natutunan niya
na ang pagpapahalaga sa simpleng mga kamay ay katumbas ng pagpapahalaga sa sariling
kaluluwa.
Simula nuon ay tila ginto na ang turing ni Manu sa kanyang mga kamay. Hindi na niya ito muling
ginamit sa pandurukot at paggawa ng kasamaan. Namasukan siya bilang kargador sa palengke at
kinalimutan na ang panlalamang sa kapwa. Pagod man at narurumihan ang kanyang mga kamay,
masaya siya dahil kumikita na siya ngayon sa malinis na paraan.
Ilang taon ang lumipas ay muling napapadpad si Manu sa park para mamasyal. Hindi na niya muling
nakita pa ang matanda lalake. Sa parehong pwesto kung saan una niyang nakita ang matanda ay
duon muling naupo si Manu. Unti-unti niyang ibinuka ang mga kamay at tinitigan ang mga ito. At
pagkatapos ay ipinaglapat niya ang mga palad at nag-alay ng isang panalangin:
"Panginoon, marahil ay kasama niyo na siya ang matandang lalake na nakilala ko. Salamat po at
pinagtagpo niyo nuon ang mga landas namin. At salamat po sa mga kamay na ito na ipinagkaloob
niyo sa akin,"
Matapos manalangin ay isang mumunting mga kamay ang humawak sa mga palad ni
Manu. Mga kamay ito ng kanyang dalawang taong gulang na anak na babae, akay-akay ng
maybahay ni Manu.
Ngayon ay nagtatrabaho na si Manu bilang isang pulis sa Maynila. Ang da ting mandurukot nuon ay
alagad na ng batas ngayon. At ang mga kamay nuon ni Manu na makasalanan, ngayon ay
instrumento na ng kapayapaan.

ARANGGOLA
Kapag tinanong mo si Boyet kung ano ang gusto niyang maging paglaki niya, isa lang ang isasagot
niya:
"Piloto! Gusto ko pong maging piloto."
Iniidolo ni Boyet ang kanyang ama na dating piloto noong nabubuhay pa ito. Natatandaan pa ni
Boyet ang mga panahon na ipinapasyal siya ng kanyang ama sa trabaho nito. Isinasakay siya sa
tunay na eroplano, ipinupwesto siya sa upuan ng piloto habang suot niya ang sumbrero ng kanyang
ama. Ang sumbrerong ito ang nagpapaalala kay Boyet na balang araw ay magiging piloto rin siya
gaya ng kanyang ama.
Pero sa ngayon, dahil bata pa siya, kuntento na si boyet sa pagpapalipad ng saranggola.

"Nay, lalabas lang ako. Babalik din ako agad," paalam ni boyet sa kanyang ina.
"Saranggola na naman! Tanghaling tapat naman, anak. Magpirmi ka muna dito sa bahay. Mamaya
ka ng hapon magpalipad ng saranggola." sabi ng ina ni boyet.
"Pero 'nay, bakasyon naman ngayon. Payagan niyo na akong mag-saranggola."
" Wag ng matigas ang ulo, anak. Pumunta ka sa kwarto mo, matulog ka at mamaya ka na magsaranggola."
Walang nagawa si Boyet kundi sumunod sa utos ng ina. Pumasok siya ng kwarto at nahiga sa kama.
Habang nakahiga ay naglalaro pa rin sa isip ni Boyet ang pagpapalipad ng saranggola. Habang
hawak ang saranggola ay umaandar naman ang kanyang imahinasyon. Matayog na matayog ang
lipad ng saranggola ni Boyet. Kasing tayog ng lipad ng mga ibon na halos humalik na ang
saranggola nito sa pisngi ng mga ulap.
Dahil dito ay naisipan ni Boyet na tumakas ng bahay para magpalipad ng saranggola. Labis ang
kanyang pananabik patungo sa kanyang sikretong palaruan. Malawak, tahimik at malayang
nakakaihip ang hangin---ang sementeryo. Nakakatakot man ang sementeryo para sa ibang mga
bata, hindi para kay boyet. Dahil para kay boyet, ang sementeryo ang pinakaperperktong lugar para
magpalipad ng saranggola.
Bagamat nag-iisa ay naging madali kay Boyet na mapalipad ang saranggola niya.
Nang magsimulang umangat ang saranggola ay lalong ginanahan si Boyet. At ilang minuto lang ay
matayog ng lumilipad ang saranggola niya. Mababakas sa mga ngiti ni Boyet ang kaligayahan na
animoy siya rin ay lumilipad kasabay ng saranggola. Ang kanyang mga paa ay tila nakaangat sa
nitso na tinutuntungan nito.
Subalit sa kalagitnaan ng paglalaro ay biglang nabitawan ni boyet ang lata ng pisi ng kanyang
saranggola. Nahulog ito sa ibaba ng nitso. Sa halip na bumaba ay tinangka ni Boyet na abutin na
lamang ang lata ng pisi mula sa ibabaw ng nitso. May kataasan ang kanyang tinutuntungan kung
kaya't nahirapan siyang abutin ang lata. Maya-maya pa'y may isa nang kamay na unang
nakadampot sa lata at iniabot ito kay Boyet. Paglingon ni Boyet sa nag-abot ng lata, isang duguang
bata na nakangiti ang bumulaga sa kanya. Dahil sa takot ay napaatras si Boyet, nahulog mula sa
nitso at nawalan ng malay. Sa muling pagdilat ni Boyet ay tumambad sa kanya ang puting sumbrero
ng ama niya na nakasabit sa dingding. Nahimasmasan si Boyet at sinabi sa sarili:
"Hay salamat, panaginip lang pala."
Medyo hinihingal pa si Boyet ng maisipan niyang bumangon. Paglingon ni Boyet sa kanyang paanan
ay naroong nakatayo ang batang duguan, hawak ang kanyang saranggola habang nakangiti sa
kanya.

ANG TAPAT NA SI BANTAY


Matagal ng alaga ni Jennifer ang kanyang aso na si Bantay. Dalaga pa siya ng i-regalo sa
kanya ng kanyang ama ang napakaputi at bruskong si Bantay. At ngayong may anak na si Jennifer
ay nasa pangangalaga pa rin niya ang kanyang tapat na aso.
Isang araw ay naganap ang isang malagim na trahedya. Pansamantalang iniwan ni Jennifer ang
kanyang apat na buwang sanggol sa higaan nito para asikasuhin ang hapunan. Si Bantay ay
naiwan sa kwarto kasama ngsanggol.
Nang matapos sa pagluluto ay bumalik si Jennifer sa kwarto ng bata. Doon niya nakita ang isang
kahindik-hindik na eksena. Magulung-magulo ang higaan ng bata. Puno ng dugo ang kama at wala
na doon ang kanyang anak. Ang natira lamang ay ang maliit nitong baru-baruan na may bahid
din ng dugo.
Maya-maya pa ay bigla na lamang lumitaw ang aso niyang si Bantay mula sa ilalim ng kama.
Puno ng dugo ang mapuputing balahibo nito. Sa bibigng aso ay pumapatak pa ang sariwang dugo.
Dinidilaan pa ni Bantay ang kanyang sariling bibig na animo'y katatapos lang kumain.
Nagulat at inisip ni Jennifer na kinain ni Bantay ang kanyang sanggol. Sa kanyang galit ay hinampas
niya ng hinampas ng kapirasong kahoy si Bantay hanggang sa manghina ito at bumagsak.
Sa pagbagsak ng kanyang aso ay biglang narinig niya ang iyak ngkanyang sanggol na nanggaling
mula sa kabilang panig ng higaan. Bagamat hubo ang sanggol ay ligtas naman itong nakahiga sa
sahig. Nang kakargahin na ni Jennifer ang kanyang anak ay napansin niya ang tila gula-gulanit na
laman malapit sa pwesto ng bata. Nang tignan niyang maigi ang mga sariwang laman ay nalaman
niya na ito ay gula-gulanit na bahagi ng isang sawa.
Sa pagkakataong iyon ay biglang natauhan si Jennifer. Doon niya napagtagni-tagni ang mga
pangyayari. Ang nakipagbuno at nakapatay sa sawa ay walang iba kundi ang aso niyang si Bantay.
Si Bantay ang siyang nagligtas sa buhay ng kanyang anak. Labis ang pagsisi ni Jennifer. Dahil sa
kanyang galit at pagkaubos ng pasensya, ang kanyang tapat na aso na si Bantay, ngayon ay wala
nang buhay.

You might also like