Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 28

MANUEL LUIS MOLINA QUEZON

( 1935-1944)

Kapanganakan: August 19, 1878


Lugar: Baler, Aurora
Mga Magulang: Lucio Quezon at Maria Dolores Molina
Kapatid: Pedro
Asawa: Aurora Aragon
Mga Anak: Maria Aurora Quezon, Maria Zenaida Quezon, Luisa Corazon, Manuel L quezon jr.
Edukasyon: Unibersidad ng Santo Tomas
Korso: Bachelor of Arts
Kamatayan: Agosto 1, 1944
Sanhi: tuberculosis
Talambuhay: (buod)
Si Manuel Quezon ay ipinanganak sa Baler,Quezon(ngayo'y Aurora) noongAgosto 19,
1878.Ang kanyang mga magulang ay sina G. Lucio Quezon at Gng. Maria Molina.Si Manuel
ay unang nag-aral sa Baler at pagkatapos ay sa san Juan de Letrankung saan niya tinanggap
ang ayan ng pagiging dalubhasa sa Siyensya ngMatematika. Siya ay umanib sa Katipunan
nang siya ay labing-walong taong gulangpa lamang. Sa gulang na dalawampu't isa ay
umanib siya sa hukbo ni Heneral EmilioAguinaldo. Naging piskal sa edad na 25 at naging
gobernador sa edad na 28. Siya rinay naging Komisyunado Residente nang siya ay 31,
pangulo ng Senado nang siya ay38 at sa edad na 56 ay naging Pangulo ng pilipinasSi
Manuel Luis Quezon
y Molina ay kilala bilang Ama ng Wikang Filipino. ... Si Quezon ay tinatawag ding Ama ng
Kasarinlang Pilipino dahil sa kanyang ... L-2626), na nagsasabing noong pinatay ang ama at
kapatid ni Quezon,ang mga .... ang sarilingtalambuhay, ang The Good Fight o Ang
MabutingPakikipaglaban Pinatupad niyang maging piesta opisyal ang kapanganakan ni
Bonifacio at siyarin ang nagpagawa ng bantayog nito sa green park. Gumawa siya ng
hakbang upangmagkaroon ng Wikang Pambansa na hango sa isang diyalekto sa kapuluan.
Kungkaya't ang naging pambansang wika ng bansa ay Filipino. At ito ang naging
dahilankung kayat tayo ay nagdiriwang ng Linggo ng Wika sa buwan ng
kanyangKapanganakan.Si Manuel Quezon ay naging kagawad ng Pacific War Council at
noong Hunyo14, 1942, siyaang unang Pilipinong lumagda sa Nagkakaisang Bansa o
UnitedNations.Si Manuel Quezon ay namatay noong Abril 15, 1948 dahil sa sakit
natuberculosis at nilibing sa Arlington National Cemetery sa Washington at inilipat
angkanyang labi sa Lungsod ng Quezon sa loob ng monumento sa Quezon MemorialCircle.

Mga Programa

Ipinatupad ang eight hour Labor law sa programa sa paggawa sa lupa.

Ipinatupad ang Minimum Wage Law


Pinaunlad ang Pambansang seguridad sa tulong ng National Defense Act.
Ipinatupad ang pambansang Peyne-ALdric Act na nagpababa n gating buwis
Nakakabuto ang kababaihan at nakakasali sa pulitika.

AURORA ARAGON

MANUEL ACUA ROXAS


(1946-1948)

Kapanganakan: Enero 1, 1892


Lugar: Roxas, Capiz
Mga Magulang: Gerardo Roxas at Rosario Acuna
Kapatid: Leopoldo Acua Roxas; Mamerto Acua Roxas
Asawa: Trinidad de Leon
Mga Anak: Ma. Rosario ("Ruby") Gerardo Manuel ("Gerry")
Edukasyon: Unibersidad ng Pilipinas
Korso: Abogasya
Kamatayan: Abril 15, 1948
Sanhi: Atake sa puso
Talambuhay(buod)
Si Manuel Acua Roxas (Enero 1,1 8 9 2 - Abril 15,1 9 4 8 ) ay isang pulitiko saPilipinas.
Siya ay ang ikalimangPangulongRepublika ng Pilipinas(Mayo 28,1 9 4 6 Abril 15,1 9 4 8 ).
Isinilang si Roxas noongEnero 1,1892sa lungsod na ipinangalan sa kanya nang siya ay
mamatay, angLungsod ng Roxassa lalawiganngC a p i z . Sina Gerardo Roxas at Rosario Acuna
ang kanyang mgamagulang. Nagtapos siya ng abogasya sa Unibersidad ng
Pilipinas(University of the Philippines)noong 1912 at naging topnatcher sa Bar.Nag-umpisa
siya sa pulitika bilang piskal panlalawigan. Nagsilbi sa iba-ibang kapasidad sa ilalim
ngPamahalaang KomonweltniManuel L. Quezon. Noong1 9 2 1 , naihalal siya sa House of
Representatives at sa sumunod na taon ay naging speaker. Pagkatapos maitatag ang
Komonweltng Pilipinas (1 9 3 5 ), naging kasapi si Roxas sa National Assembly, nagsilbi(19381941) bilang Kalihim ng Pananalapi sa gabinete ni Pangulong Manuel Quezon, at naihalal
(1941) sa Senado ng Pilipinas.NoongIkalawang Digmaang Pandaigdig, binihag siya (1942) ng
pwersa ng mananakop naH a p o n . Ngunit sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig,
nanilbihan siya sa ilalim ng Republika ng Pilipinas naitinaguyod ng mga Hapon. Sa panahon
din ito, siya ang nagsilbingintelligence agent para sa mga gerilya. Hinuli ng mga bumalik
napwersang Amerikanosi Roxas sa paghihinalang pakikipagtulungan sa mgaHapon.
Pagkatapos ng digmaan, pinawalang-sala siya ni HeneralDouglasMacArthur kasama kay
pangulongSergio Osmenakasama ng mga Pilipinong heneral na galing saSandatahang Lakas
ng Pilipinasna sinaheneralBasilio J. Valdesat si heneralCarlos P. Romuloat ibinalik ang
kanyang nombramyento bilang opisyal ng Hukbong Sandatahan ngEstados Unidos. Ito ang
nagbigay-buhay sa kanyang buhay politika, at sasuporta ni MacArthur, nanalo siya sa
halalan sa pagkapangulo noong Abril23,1946laban kaySergio Osmea. Bilang pangulo,
pinawalang-sala niya ang mga nakipagtulungan sa mga Hapon. Noong Abril 15,1948,
inatake bigla si Roxas sa puso at siya ay namatay, habang nagbibigay ng kanyangtalumpati
sa dating base militar ngEstados UnidossaClark Air Basewala na ito sa kasalukuyan. Siya ay
sinundan ni PangulongElpidio Quirino
Mga Programa:

Paglalaagay ng elektrisidad sa ibat-ibang lalawigan


Pagtatag ng Rehabilitation Finance Corporation( kilala bilang Development Bank of
the Philippines)

Pagpapatibay ng Parity rights and Bell Trade Act na nagbibigay ng pantay na


karapatan sa Amerikano at Pilipino sa paglinang at paggamit ng likas na yaman ng
bansa
Pagsasaayos ng elektripikasyon
Nagpasimula ng pagtulong sa mamamayang Pilipino hinggil sa pagnenegosyo at
pagkakaroon ng sariling bahay.

Rosario Acua

Gerardo Roxas

ELPIDIO RIVERA QUIRINO


( 1948-19530)

Kapanganakan: Nobyembre 19, 1890


Lugar: Vigan
Mga Magulang: Mariano Quirino at Gregoria Rivera
Kapatid: Ernesto Quirino; Antonio Rivera Quirino; Eliseo Rivera Quirino; Crisanto Rivera
Quirino; Jose Rivera Quirino
Asawa: Alycia Sequia
Mga Anak: Tomas, Armando, Norma, Victoria at Fe
Edukasyon: Unibersidad ng Pilipinas
Korso: Abogasya
Kamatayan: Pebrero 29, 1956
Sanhi: Atake sa puso

Talambuhay(Buod)
Si Elpidio Rivera Quirino (16 Nobyembre 189029 Pebrero 1956) ay isang politiko
at ang ikaanim na Pangulo ng Republika ng Pilipinas (17 Abril 1948-30 Disyembre 1953).
Isinilang si Quirino sa Vigan, Ilocos Sur noong 16 Nobyembre 1890 kina Mariano
Quirino at Gregoria Rivera. Nagtapos siya ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas
(University of the Philippines) noong 1915.

Nahalal sa Kongreso noong 1919. Hiniram na Kalihim ng Pananalapi ni Gob. Hen.


Murphy noong 1934 at naging kasapi ng "Constitutional Convention". Naging pangalawang
pangulo siya ni Manuel Roxas noong 1946. At nanumpa bilang Pangulo pagkaraang
mamatay si Roxas noong 17 Abril 1948. Kinaharap ng administrasyong Quirino ang isang
malubhang banta ng kilusang komunistang Hukbalahap. Pinasimulan niya ang kampanya
laban sa mga Huk. Bilang Pangulo, muli niyang itinayo ang ekonomiya ng bansa, pinaunlad
niya ang pagsasaka, at mga industriya.Tinalo ni Ramon Magsaysay sa kanyang ikawalang
pagtakbo bilang pangulo. Namatay siya sa atake sa puso noong 29 Pebrero 1956 sa gulang
na 66.
Mga Programa

Pagpapatayo ng ibat-ibang industriya sa bansa


Pagtatatag ng PACSA na tumutulong sa pangangailangan ng mahihirap
Pagtatag ng Bangko Central ng Pilipinas
Pagpapatibay ng minimum wage law at Code of Magna Carta for Labor
Nagtuon ng pagpapautang sa mga magsasaka upang maging maayos ang kanilang
pagsasaka
Pagtatayo ng kooperatiba upang makatulong sa kalagayan ng magsasaka

RAMON DEL FIERRO MAGSAYSAY


(1953-1957)

Kapanganakan: Agosto 31, 1907


Lugar: Iba, Zambales
Mga Magulang: Exequiel Magsaysay at Perfecta del Fierro
Kapatid: Luisa Magsaysay Corpus; Mercedes Magsaysay-Diaz; Concepcion Magsaysay;
Soledad Magsaysay Cabrera; Jose Magsaysay
Asawa: Luz Banson
Mga Anak: Teresita Banzon-Magsaysay), Milagros "Mila" Banzon-Magsaysay and Ramon "Jun"
Banzon-Magsaysay, Jr
Edukasyon: Jose Rizal College
Korso: mechanical engineering
Kamatayan: Marso 17, 1957
Sanhi: Sa pagbagsak ng eroplano
Talambuhay(Buod)
Si Ramon del Fierro Magsaysay o Ramn "Monching" Magsaysay (Agosto 31, 1907
Marso 17, 1957) ay ang ikapitong Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Disyembre 30, 1953Marso 17, 1957). Si Magsaysay ay isinilang sa Iba, Zambales noong Agosto 31, 1907 kina
Exequiel Magsaysay at Perfecta del Fierro. Nag-aral sa Pamantasan ng Pilipinas at Jose Rizal
College. Naglingkod siya bilang tagapamahala ng Try-Tran Motors bago magkadigma. Nang
bumagsak ang Bataan inorganisa niya ang "Pwersang Gerilya sa Kanlurang Luzon" at
Pinalaya ng pwersang Amerikano at Pilipino ang Zambales noong Enero 26, 1945. Noong
1950, bilang kalihim ng Pagtatanggol kaniyang binuwag ang pamunuan ng mga Hukbalahap.
Pinigil niya ang panganib na lilikhain ng pulahang Komunista at naging napakatanyag sa
mamamayan. Noong eleksyon ng 1953, tinalo niya si Quirino at naging ikatlong pangulo ng
republika. Ang kanyang pangalawang pangulo ay si Carlos P. Garcia.

Mga Programa

Pagpapatayo ng ACCFA upang matulungan ang mga magsasakang maipagbili ang


kanilang ani
Paglikha ng mga kooperatiba at bangko at bangko rural

Nagpasimula ng Land Tenure Reform Law na nagtatadhana sa paghati ng mga lupa


sa isang malaking asyenda.
Pagsasakatuparan ng Laurel Langley- Act nagpalawak sa karapatan ng mga
Amerikano na linangin ang mga likas na yaman.
Pagpapatupad ng batas ukol sa paghahati ng malaking asyenda

Luz Banzon
CARLOS POLISTICO GARCIA
(1957-1961)

Kapanganakan: Nobyembre 4, 1896


Lugar: Bohol
Mga Magulang: Policronio Garcia at Ambrosia Polistico
Kapatid:
Asawa: Leonila Dimataga
Mga Anak: Linda Garcia Campos
Edukasyon: Silliman University at Silliman Institute
Korso: abogasya
Kamatayan: Hunyo 14, 1971
Sanhi: atake sa puso

Talambuhay( Buod)
Carlos Polestico Garcia (1896-1971), presidente ng Republika ng Pilipinas noong 1957
hanggang 1961. Isinilang si Garcia noong Nobyembre 4, 1896 sa Lungsod ng Talibon, Bohol
sa Kapuluan ng Kabisayaan sa Kalagitnaang Pilipinas. ang kaniyang mga magulang ay sina
Policronio Garcia at Ambrosia Polistico. Nag-aral siya sa Silliman University at Silliman
Institute, sa lungsod ng Dumaguete, at kinalaunan nagtapos din siya ng abogasya sa
Philippine Law School noong 1922 sa Maynila. Naging abogado at guro, pinasok niya ang

politika noong 1926 bilang mambabatas na kaanib sa Kapulungan ng mga Kinatawan


(Philippine House of Representatives) at naglingkod hanggang 1932. Si Garcia ay naging
gobernador ng Bohol, isang probinsiya sa Katimugang Pilipinas, mula 1932 hanggang 1942,
at naging miyembro ng Senado mula 1942 hanggang 1953. Noong Ikalawang Digmaang
Pandaigdig (1939-1945), lumaban siya sa pananakop ng mga Hapon bilang miyembro ng
mga gerilya na nakabase sa Bohol, at ang tinulungan ng mga tropang Pilipino at Amerikano
sa Bohol. Noong 1946 ay naging puno siya ng minoriya sa Senado.
Noong 1953 si Garcia ay nanombrahan bilang bise presidente na kabilang sa Tiket
Nasyonalista na pinangunguluhan ni Ramon Magsaysay, isang politikong Pilipino na bumuo
at namuno sa isang pwersang guerilla na lumaban sa pananakop ng mga Hapones. Nakamit
nila ang mapagpasyang tagumpay, at noong 1954, si Garcia ay naging bise presidente at
Kalihim ng Suliraning Panlabas.
Noong Marso 1957 si Garcia ay naging presidente matapos pumanaw si Magsaysay
sa isang aksidente sa eroplano, at nagwagi rin siya sa Halalan ng Panguluhan noong
Nobyembre 1957.
Habang nasa kapangyarihan, ang Pamahalaan ni Garcia ay nakipag-usap sa mga
pinuno ng Bansang Amerika upang mailipat sa kontrol ng Pilipinas ang mga hindi na
ginagamit na Base Militar ng Amerika. Sa kalaunan ay naging labis ang pagiging makaPilipino ni Garcia at ang pagsira sa kanya ay pinasimulan sa mga pahayagan, sa himpapawid
sa tulong ng CIA samantalang pinaboran naman ng mga Amerikano si Diosdado Macapagal
upang manalo sa Halalan noong 1961.
Bukod sa kanyang mga nagawa bilang makabansang pulitiko, si Garcia ay kilala rin
na makata sa kanyang diyalektong Bisaya. Namatay siya sa atake sa puso noong Hunyo 14,
1971 sa edad na 75.
Mga Programa

Paglulunsad ng austerity Program


Pagpapairal ng Pilipino First Policy O Pilipino Muna at palatutuntunan ng pagtitipid.
Pagtatag ng NAMARCO Act
Pagdaraos ng taunang Republic Cultural Heritage Awards.
Binigyang diin ang pagbabawad ng pag-angkat ng mga imported good.

DIOSDADO PANGAN MACAPAGAL


(1961-1965)

Kapanganakan: Setyembre 28, 1910


Lugar: Lubao Pampangga
Mga Magulang: Urbano Macapagal at Romano Pangan
Kapatid: Araceli Macapagal; Israel Pangan Macapagal; Lourdes Pangan Macapagal and Angel
Pangan Macapagal
Asawa: Purita dela Rosa, Evangelina Macaraig
Mga Anak: Gloria, Maria Cielo, Arturo at Diosdado Jr
Edukasyon: Nagtapos sa Santo Tomas
Korso: Doktor ng ekonomiya at Abogasya
Kamatayan: Abril 21, 1997
Sanhi: Sakit sa Puso Pulmonya at Bato

Gloria Macapagal

Eva Macapagal

Talambuhay( Buod)
Tinangkilik ng pilantropong si Honorio Ventura upang mag-aral ng Abogasya sa
Pamantasan ng Sto. Tomas at naging bar examination topnotcher . Naging miyembro ng
Pambansang Lehislatura mula 1949-1957. Naging katulong na abogado ni Pangulong Manuel
Quezon. Naging propesor sa Unibersidad ng Santo Tomas.Hepe ng Sangay ng Batas,

Kagawarang Ugnayang Panlabas, (1946). Kongresista, unang distrito ng Pampanga,


dalawang beses nahalal, (1949-1953) Noong 1951 ay naging tagapangulo ng Delegasyon ng
Pilipinas sa United Nations Assembly sa Paris at tumutulong sa negosasyon ng mutual
defense treaty sa Estados Unidos at tradadong pangkapayapaan sa Japan.Katulong na nagakda at nagpanukala ng pagsasabatas ng Batas Ukol sa Pinakamababang Pasahod, Batas
Ukol sa mga Bangko sa Kanayunan at batas na nagsasabansa ng kalakal na bigas at mais.
Tagapangulo: Lupon ng Kongreso sa Ugnayang Panlabas. Isa sa mga pinarangalan ng
Sampung Pinakamahusay ng Kongresista ng Congressional Press Club, (1947-1957).
Tinawag na Kampeon ng Masa dahil sa pagmamalasakit sa mahihirap.
Tinanghal na Pinakamahusay na Mambabatas ng Ikatlong Kongreso. Naging Pangalawang
Pangulo ng Pilipinas noong 1957. Naging Pangulo ng Republika ng Pilipinas noong 1961.
Dahil sa kanyang mahigpit na kampanya laban sa katiwalian ay umani siya ng taguring The
Incorruptible. Ipinasa ng Kodigo ng Reporma sa Lupang Pansakahan (Republic Act No. 3844)
noong Agosto 8, 1963. Nakatulong sa pagbuo ng MAPHILINDO (Malaysia, Philippines,
Indonesia), na hinalinhinan ng ASEAN noong 1963. Nakatulong sa pagpapalit ng Araw ng
kalayaan ng Pilipinas mula Hulyo 4 tungo sa Hunyo 12. Nahalal na tagapangulo ng
Kapulungang Konstitusyonal, (1971-1972), makaraang mamatay si dating Pangulong Carlos
P. Garcia. Siya ang nagpasimuno na angkinin ng Pilipinas ang Sabah mula sa Malaysia
Mga Programa
Pagpapatibay ng Agricultural Land Reform Code
Paglutas sa mga suliraning may kaugnayan sa pagkawala ng hanapbuhay ng
maraming Pilipino
Itinatag ang codego sa pagbabago ng mga lupang sakahan O Agricultural Land
Reform Code

FERDINAND EMMANUEL EDRALIN MARCOS


(1965-1986)

10

Kapanganakan: Setyembre 11, 1917


Lugar: Sarrat Ilocos Norte
Mga Magulang:Mariano Marcos at Josefa Edralin
Kapatid: Pacifico, Fortuna at Elizabeth
Asawa: Imelda Marcos
Mga Anak: Imee Ferdinand Jr at Irene
Edukasyon: Pamantasan ng Pilipinas
Korso: Abogasya
Kamatayan: Setymebre 28, 1989
Sanhi:

Talambuhay(Buod)
Nakakuha ng pinakamataas na karangalan sa Military Science and Tactics sa buong
pamantasan. Komandante ng Batalyon, may ranggo na kadete mayor at puno ng koponan
ng riple at pistola ng Pamantasan ng Pilipinas. Nakamit niya ang President Manuel Quezon
Medal Award dahil sa kanyang Graduation Thesis. Naakusahang nakipagsabwatan sa
pagpatay kay Kinatawan Julio Nalundasan, kalaban sa pulitika ng ama noong 1938. Naging
topnotcher sa bar examinations noong Nobyembre 1939. Ipinagtanggol ang sarili sa kasong
pagpatay sa harap ng Korte Suprema na nagpawalang-sala sa kanya noong Nobyembre
1940. Nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nakasama sila sa Death March
at nakaranas ng hirap at sakit bilang bilanggo ng giyera sa Fort Santiago at Capas, Tarlac.
Naging tenyente rin siya na nangasiwa sa pangangalaga ng impormasyon, ika-21 sangay ng
USAFFE. Tatlong beses nahalal na kongresista ng Ilocos Norte, (1949, 1953 at 1957). Sa
edad na 32, siya ang pinakabatang miyembro ng kapulungang minorya. Senador (1959),
ang kaunaunahang kandidato ng minorya na nanguna sa pagkasenador; pinuno ng
kapulungang
minorya,
pangulo
ng
senado
(1936).
Pangulo ng Republika ng Pilipinas, (Nobyembre 1965). Pinasikat niya ang islogang Magiging
Dakilang Muli ang Bansang ito.
Muling nahalal para sa apat na taong panahon (1969); ang kauna-unahang muling
nahalal sa kapulungann sa kasaysayan ng Pilipinas. Nakapagpagawa ng maraming patubig
at naipalaganap sa buong bansa ang tinatawag na miracle rice. Ang pinakamadugong
demonstrasyon ay naganap noong Enero 30, 1970 sa Mendiola Bridge. Sinuspende niya ang
Writ of Habeas Corpus noong Agosto 21, 1971 matapos bombahin ang rally ng Liberal Party
sa Plaza Miranda. Ipinatupad ang Batas Militar at sinuspende ang 1935 Konstitusyon
(Setyembre
21,
1972).
Iprinoklama niya ang 1973 Konstitusyon na naglalayong palawigin ang kanyang
pamamahala hanggang sa pagtatapos ng pag-iral ng Base Militar. Sa panahon ng Batas

11

Militar ay sumikat ang Bagong Lipunan. Kauna-unahang Punong Ministro sa balangkas ng


pamahalaang uring parliyamentaryo. Nilagdaan niya ang pagpapawalang bisa ng Batas
Militar noong Enero 17, 1981 sa pamamagitan ng Proklamasyon 2045. Muling nahalal na
pangulo sa anim na taong panahon makaraang magwakas ang Batas Militar. Tumawag ng
isang snap election sa pagkapangulo noong Pebrero 7, 1986 at nanalo kay Cory Aquino sa
kabila ng malawakang dayaan at karahasan. Pinatalsik ng makasaysayang Peoples Power
noong
Pebrero
25,
1986.
Tumakas at napatapon sa Hawaii, U.S.A. Ibinalik ang bangkay sa Pilipinas noong 1992.
Mga Programa
Pagpapalaki ng produksyon ng bigas at mais.
Pagpababa ng krimenalidad
Paglulunsad ng Green Revolution para matugunan ang pangangailangan sa
pagkain.
Pagpapaunlad ng imprastraktura.
Pag-akit sa mga dayuhan na mamuhunan sa Pilipinas at pagtatayo ng negosyo rito
(Open Door Policy)

Imelda

Bong-Bong

MARIA CORAZON AQUINO


(1986-1992)

12

Imee

Irene

Mariano

Kapanganakan: Enero 25, 1983


Lugar: Maynila
Mga Magulang: Jose Cojuanco at Demetra Sumulong
Kapatid: Jose, Josephine, Pedro at maria Paz
Asawa: Benigno Ninoy Aquino Jr
Mga Anak: Maria, Aurora, Benigno III, Victoria at Kristina
Edukasyon: Mt Saint Vincent NY, Ateneo de Manila, Pamantasan ng Boston, Pamantasan
ng Fordham, Pamantasan ng Waseda Tokyo, FEU , Sto Tomas at Kolehiyo de stonehill
masachussets
Korso: Batsilyer ng sining at Doktor ng humanities
Kamatayan: Agosto 1, 2009
Sanhi: Sakit sa bituka
Talambuhay (Buod)
Matapos makapangalap ng isang milyong signature ang mga kakampi ay saka lang siya
napapayag na labanan si Marcos sa Snap Election noong Pebrero 7, 1986. Iniluklok bilang
Pangulo ng Pilipinas noong Pebrero 25, 1986 dahil sa makasaysayang Peoples Power na
nagpatalsik kay marcos sa posisyon. Pinanumpa ni Hukom ng Korte Suprema Claudio
Teehankee bilang pangulo ng Pilipinas. Nagpatupad ng rekonsilyasyon at pinalaya ang mga
bilanggo ng New Peoples Army at Jose Maria Sison ng Communist Party of the Philippines.
Nagpabalik ng pampanguluhang balangkas ng pamahalaan. Nagdaos ng isang pambansang
plebisito upang pagtibayin ng bayan ang mga susog sa Saligang Batas ng 1935 noong
Pebrero 2, 1987. Tinanghal na Babae ng Taon ng Time Magazine. Ginawaran ng Gawad
Eleanor Roosevelt para sa Karapatang Pantao. Napingasan ang pagtingin ng taumbayan kay
Cory dahil sa mga taong nakapaligid sa kanya ng uhaw sa paghihiganti kay Marcos.
Nagkaroon ng anim na malalaking coup d etat na nais magpatalsik sa kanyang pamahalaan
na ang pinakamadugo ay naganap noong 1987 at 1989. Nakaranas ng malaking problema at
kalimidad sa panahon niya tulad ng lindol noong Hulyo 16, 1990; bagyong Rufing at pagtaas
ng presyo ng langis bunga ng giyera sa Gitnang Silangan at pagsabog ng Bulkang Pinatubo
noong 1991.

Jose Cojuanco

13

Josephine C. Reyes

Ninoy

Mga Programa

Pagpapatupad ng Trade Liberalization o malayang pagpasok ng mga produkto o


serbisyo mula sa ibang bansa.
Pagtatag ng PCGG( Presidential COmmision on Good Governance)
Pagpapatupad ng bagong probisyon sa CARP-Comprehensive Agrarian Reform
Program) ukol sa pagmamay-ari ng magsasakasa kanyang sinasakang lupa.
Pagkakaroon ng National Housing Authority
Pagpapatibay ng free Public Secondary Education at Generics Law
Pagbuo ng NON- Government Organization (NGO)
Pagtaas ng halaga ng produktong iniluluwas.
Pagkakaroon ng mabilis na pagbabago sa mga kagamitang makinarya sa pagsasaka.

FIDEL VALDEZ RAMOS


(1992-1998)

Kapanganakan: Marso 18, 1928


Lugar: Lingayen Pangasinan
Mga Magulang: Atty. Narciso Ramos at Angela Valdez
Kapatid: Leticia Ramos Shahani
Asawa: Amelita Martinez
Mga Anak: Angelina, Josephine, Carolina, Cristine at Gloria
Edukasyon: PMA, US military academy westpoint CA, University of Illinois Pamantasan ng
Ateneo de Manila
Korso: Associate Infantry Company Officers Course Fort Benning

14

Talambuhay(Buod)
Si Fidel Valdez Ramos (ipinanganak Marso 18, 1928) ang ikawalong pangulo ng ikatlong
Republika ng Pilipinas (Hunyo 30, 1992 - Hunyo 30, 1998). Isinilang siya noong Marso 18,
1928 sa Lingayen, Pangasinan. Panganay siya sa tatlong anak nina Narciso Ramos at Angela
Valdez. Nagtapos siya sa United States Military Academy sa West Point noong 1950. Kumuha
rin siya ng masteral ng civil engineering sa University of Illinois, Msters in Business
Administration sa Pamantasang Ateneo de Manila, at nanguna sa klase niya sa Infantry
training at kursong Special Forces/Pay Operations/Airborne sa Fort Benning, Georgia.
Bumalik siya sa Pilipinas noong 1951 at naging heavy weapon platoon leader ng
Sandatahang Lakas ng Pilipinas. Ipinadala rin siya sa mga digmaan ng Korea at Vietnam.
Naging tanyag siya sa pamumuno sa isang pulutong ng mga sundalong tumalo sa pwersang
komunista ng mga Tsino sa Labanan sa Burol ng Eerie. Kabilang sa mga medalya at parangal
na natanggap niya bilang sundalo ang Philippine Legion of Honor, ang Gold Cross, ang
Philippine Military Merit Medal, ang United States Legion of Merit, ang French Legion of
Honor at ang U.S. Military Academy Distinguished Award. Inatasan siyang maging pinuno ng
Philippine Constabulary noong 1972, hepe ng Integral National Police noong 1975, at
pangalawang pinuno ng Sandatahang Lakas noong 1981. Noong 1983, pansamantala niyang
pinalitan si Fabian Ver, pinuno noon ng Sandatahang Lakas, nang ito ay masangkot sa
pagkakapaslang sa lider-opososyon si Benigno S. Aquino Jr.
Noong 1986, tinangkaang agawin ni Ferdinand Marcos ang pagkapanalo ni Corazon Aquino,
balo ni Benigno Aquino, sa halalang pangpanguluhan. Nakiisa si Ramos kay Juan Ponce
Enrile, noong kalihim ng Tanggulang Pambansa, sa pagkubkobsa mga himpilan ng
sandatahang lakas. Ang sumunod dito ay tinaguriang People Power Revolution na nagtulak
kay Marcos na lumikas patungong Estados Unidos. Naluklok si Aquino sa pagkapangulo.
Ginawang ni Aquino na hepe ng sandatahang lakas si Ramos. Pagkaran ng dalawang taon, si
Ramos ay naging kalihim na Tanggulang Pambansa.Noong 1992, tumakbo siya at nanalong
pangulo ng bansa. Bilang pangulo, naging priyoridad niya ang pagsasaayos sa estruktura ng
pamahalaan, na nagbigay ng karagdagang kapangyarihan sa pamahalaang lokal. Hinikayat
niya ang dayuhang pamumuhunan, lalo na sa turismo, na naging bahagi ng kanyang
programa para sa kaunlaran.

15

Leticia Ramos

Amelita Ramos

Mga Programa

Pagtatag ng presidential Anti-Crime Commission (PACC)


Pagtatag ng special Zone of peach and development.
Pagtatag ng programang Phil.2000 na nakapokus sa pagpapatayo ng mga bagong
paaralan, relokasyon ng mga iskwater at imprastraktura.
Pagpapatuloy ng Clean Air Campaign at Clean and Green Program.
Pagtatag ng programang liberalisasyon.

JOSE MARCELO EJERCITO


Screen name : Joseph Erap Estrada
(1998-2001)

Kapanganakan: Abril 19, 1937


Lugar: Tondo Manila
Mga Magulang: Emilio Ejercito Sr at Maria Marcelo
Kapatid: Jeorge, Jesse, Marita, Pat, Antonio,Pilarica,Paulie, Connieat Emilio
Asawa: Luisa Pimentel
Mga Anak: Jose ejercito Jr, Jinggoy at Jackie ejercito
Edukasyon: Mapua Institute of Technology
Korso: Inheryerya

16

Luisa Pimentel

17

Jinggoy

Jackie

Talambuhay(Buod)
Asawa niya (ang dating Doktor at unang ginang ng bansa na naporma-senador) na si
Luisa Pimentel at nagkaroon ng tatlong anak: Jose Ejercito, Jr. (mas mahusay na kilala bilang
"Jinggoy Estrada"; dating Alkalde ng San Juan naporma senador / kasal kay Precy Vitug),
Jackie Ejercito (kasal kay Beaver Lopez), at Jude Ejercito (kasal kay Weng Ocampo). Joseph
Estrada matugunan ang kanyang asawa Loisa Pimentel habang nagtatrabaho bilang isang
katulong sa National Center for Mental Health (NMCH) sa Mandaluyong City. Siya rin ay may
mga anak mula sa apat na sa labas ng matrimonyo relasyon, kasama Joseph Victor "JV"
Ejercito (mula sa mga taong tanyag sa lipunan Guia Gmez) na gumawa rin ng pangalan
para sa kanyang sarili sa pulitika sa para sumusunod sa mga yapak ng kanyang ama bilang
kasalukuyang alkalde ng San Juan City . Pagsanjan, Laguna Mayor Emilio Ramon P. Ejercito
III, na kilala sa Philippine Showbiz na si George Estregan, Jr, o ay Ejercito, ay ang kanyang
pamangking
lalaki.
Sa panahon ng 2000 pagtataluwalagsa pamamaraan, nagkaroon si Estrada ng maraming
panlabas ng relasyon at mga anak. Bilang isang aktor at director Huminto sa pag-aaral si
Estrada sa kolehiyo upang pumasok sa larangan ng pelikulang Pilipino sa edad na 21.
Nakagawa siya ng mga humigit kumulang na 120 pelikula, karamihan sa mga ito ay nauuri
na action-comedy kung saan siya ang bida na ginaganapan ang mga papel ng mga taong
mahirap o mga mababang antas ng lipunan. Napagwagian niya ang ilan sa pinakamataas na
Gantimpala at Gawad sa Pag-arte at pagiging Direktor ng Pelikula.
Bilang Pulitiko
Pinasok ni Estrada ang larangan ng pulitika noong 1967 nang mahalal siya bilang
Alkalde ng San Juan, Kalakhang Maynila. Noong 1971, pinarangalan siya bilang "Outstanding
Mayor and Foremost Nationalist" ng Inter-Provincial Information Service at ng sumunod na
taon bilang "Most Outstanding Metro Manila Mayor" ng Philippines Princetone Poll. Kabilang
siya sa mga alkalde na sapilitang inalis nang humalili si Corazon C. Aquino bilang pangulo ng
Pilipinas pagkaraang napatalsik Ferdinand E. Marcos sa pwesto noong Pebrero 25, 1986 sa
pamamagitan ng People Power Revolution. Tumakbo si Estrada sa ilalim ng partidong Grand
Alliance for Democracy at matagumpay na nahalal sa Senado ng Pilipinas (Ika-walong
Kongreso). Nahirang siya bilang Chairman of the committees on Cultural, Rural
Development, and Public Works. Siya rin ay naging Vice Chairman of the Committees on
Health, Natural Resources and Urban Planning. Kabilang sa mga panukalang batas na
isinulong nya ay yaong ukol sa agrikultura, mga proyektong irigasyon sa pagsasaka at
pagpapalawig at pag-protekta sa kalabaw. Noong 1989, tinanghal siya ng Philippine Free
Press bilang isa sa "Three Outstanding Senators of the Year". Isa si Estrada sa mga senador
na tumangging sang-ayunan ang bagong tratado ng US Military Bases na papalit sana sa
1947 Military Bases Agreement na nakatakdang magwakas noong 1992. Nakatulong nang
malaki sa pagkakapanalo niya bilang Bise Pangulo ang kaniyang popularidad bilang aktor
noong halalan ng Panguluhan at Pangalawang Panguluhan noong 1992, bagama't siya ay
tumatakbo sa hiwalay na tiket ng noon ay nanalong Pangulo, Fidel Ramos. Bilang
Pangalawang Pangulo, pinamahalaan ni Estrada ang Komisyon Laban sa Krimen (Presidential
Anti Crime Commission) mula 1992 hanggang 1997.

18

Bilang Pangulo (1998-2001)


Noong 1998, nanalo si Estrada sa halalan sa ilalim ng partidong Laban ng Makabayang
Masang Pilipino (LAMMP). Nakakuha siya ng 10,956,610 boto o 39.6% ng lahat ng
boto. \"Erap Para sa Mahirap\" ang kaniyang islogan sa pangangampanya.

Mga Programa

Pag-aalis ng Pork Barrel.


Pagpapatupad ng Asst Privatization.
Pagtataas ng pondo para sa edukasyon.
Pagsasagawa ng Enhance Retail Accsess for the poor(ERAP)
Binigyang diin ang pagahon ng mga mamayan sa kahirapan.
Pangangalaga sa mga OFW sa paghahanda ng isang komprehensibong programa
para sa kanila
Pagsasagawa ng Mass Rapid Transit System
Pakikibahagi sa ASEAN at APEC

MARIA GLORIA MACAPAGAL ARROYO


(2001-2010)

Kapanganakan: Abril 5, 1947


Lugar: San Juan Rizal
Mga Magulang: Diosdado Macapagal Sr at Evangelina Macaraig
Kapatid: Diosdado Macapagal Jr. At Cielo Macapagal
Asawa: Atty. Jose Miguel T. Arroyo
Mga Anak: Juan Miguel, Evangelina Lourdes at Diosdado Ignacio
Edukasyon: Asumption Convent, George Town University Washington DC, Japan
Foundation Grant, Ateneo De Manila University, Rockfeller Foundation
Scholarship,Pamantasan ng Pilipinas,
Korso: Bachelor of Science and Commerce, Bachelor of Arts in Economics, PHD in
economics

19

Diosdado Sr.

20

Jose Miguel

Mikey

Eva

Diosdado Jr.

Talambuhay(Buod)
Si Maria Gloria Macapagal-Arroyo (ipinanganak bilang Maria Gloria Macaraeg Macapagal
noong Abril 5, 1947) ay ang ikalabing-apat na Pangulo ng Republika ng Pilipinas(Enero
20, 2001 - Hunyo 30, 2010). Siya ang ikalawang babaeng pangulo ng bansa, at anak ng
dating pangulong si Diosdado Macapagal. Isang propesor ng ekonomiks, si Arroyo ay
pumasok sa pamahalaan noong 1987, na naglingkod bilang pangalawang kalihim at
undersecretary ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya sa pag-talaga sa kanya ni
Pangulong Corazon Aquino. Pagkatapos maglingkod bilang senador mula 1992 hanggang
1998, siya ay nahalal na Pangalawang Pangulo sa ilalim ni Pangulong Joseph Estrada
kahit na ito ay tumakbo sa kalabang partido. Pagkatapos maakusahan si Estrada ng
korupsyon, nagbitiw siya sa posisyon niya bilang gabinete bilang kalihim ng Kagawaran
ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunladat sumali sa lumalaking bilang ng mga
oposisyon sa Pangulo, na humarap sa paglilitis. Si Estrada ay napaalis sa pwesto sa
pamamagitan ng tinatawag ng mga tagapagtaguyod nito bilang mga mapayapang
demonstrasyon sa lansangan ng EDSA, ngunit binansagan namang ng mga kritiko nito
bilang pagsasabwatan ng mga elitista sa larangan ng politika, negosyo, militar at ni
Obispo Jaime Kardinal [1] Sin ng Simbahang Katoliko . Si Arroyo ay pinanumpa bilang
Pangulo ng noon ay Punong Mahistrado na si Hilario Davide, Jr. noong Enero 20, 2001 sa
gitna ng lipon ng mga tao ng EDSA II, ilang oras bago nilisan ni Estrada ang Palasyo ng
Malakanyang. Siya ay nahalal upang maupo bilang pangulo sa loob ng anim na taon
noong kontrobersyal na eleksyon ng Pilipinas noong Mayo 2004, at nanumpa noon
Hunyo 30, 2004. Si Pangulong Arroyo ay isinilang na Maria Gloria Macapagal ng
pulitikong Diosdado Macapagal, at ng kanyang asawa, Evangelina Macaraeg Macapagal.
Siya ay kapatid ni Dr. Diosdado "Boboy" Macapagal, Jr. at Cielo Macapagal-Salgado.
Nanirahan siya sa Lubao, Pampanga noong unang mga taon niya [2] kasama ang
kanyang dalawang nakatatandang kapatid mula sa unang asawa ng kanyang ama. Sa
[3] edad na apat, pinili niyang manirahan sa lola niya sa ina, sa Lungsod ng Iligan.
Nanatili siya doon ng tatlong taon, at hinati niya ang kanyang oras sa Mindanao at
Maynila hanggang sa siya'y maglabing[3] isang taon. Mahusay siya sa Wikang Ingles,
Wikang Tagalog, Kastila at iba pang wika sa Pilipinas. Noong 1961, nang si Gloria ay 14
na taon gulang pa lamang, ang kanyang ama ay nahalal na pangulo ng Pilipinas.
Lumipat siya kasama ang kanyang pamilya sa Malakanyang saMaynila. Nag-aral siya ng
elementarya at sekundarya sa Assumption College at nakapagtapos na valedictorian
noong 1964. Pagkatapos ay nag-aral si Gloria ng dalawang taon sa Walsh School of
Foreign Service ng Georgetown University sa Washington, D.C. na kung saan ay naging
kamag-aral niya noon ang magiging pangulo ng Estados Unidos na siBill Clinton at
napanatili ang pangalan nito sa talaan ng [4] Dekano. Nakuha niya ang kanyang
Batsilyer sa Arte sa Ekonomiks mula sa Assumption College, na kapagtapos na magna
cum laude noong 1968. Noong 1968, napangasawa ni Gloria ang isang abugado at
negosyanteng si Jose Miguel Arroyo na tubong Binalbagan, Negros Occidental, na
nakilala niya nang [2] siya ay nasa kanyang kabataan pa lamang. Sila ay may tatlong
anak, sina Juan Miguel (1969), Evangelina Lourdes (1971), at si Diosdado Ignacio Jose
Maria (1974).

21

Mga Programa
Paglikha ng milyong trabaho
Pagpapatupad ng KALAHI program( Kapit Bisig Laban sa Kahirapan)
Pagpapatibay ng batas hinggil sa Power Reform Program Act. At Anti- money
Laundering Act, E-Vat
Pagpapatupad ng DEP-ED Basic Curriculum
BENIGNO SIMEON AQUINO III
(2010-2016)

Kapanganakan: Pebrero 8, 1960


Lugar: Sampaloc Manila
Mga Magulang: Benigno S. Aquino Jr at Corazon Cojuanco
Kapatid: Maria Elena Ballsy Aquino-Cruz, Aurora Corazon Pinky Aquino-Abellada,
Victoria Eliza Viel Aquino-Dee at Kristina Bernadette Kris Aquino.
Asawa:
Mga Anak:
Edukasyon: Ateneo de Manila
Korso: Bachelor Degree in economics

Noynoy

Corazon

Ballsy

Viel

Kris
Talambuhay(Buod)

22

Pinky

Si Benigno Simeon Cojuangco Aquino, III (ipinanganak noong Pebrero 8, 1960) na


mas kilala sa palayaw na Noynoy Aquino o sa tawag na P-Noy ay ang ikalabing-limang
Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Hunyo 30, 2010 hanggang kasulukuyan) . Noong Hunyo
30, 2010, matagumpay siyang umakyat sa puwesto sa tulong ng kanyang Transition Team.
Siya ang nag-iisang anak na lalaki ng dating Senador Ninoy Aquino at dating Pangulong Cory
Aquino may mga kapatid rin siya na sina Maria Elena Ballsy Aquino-Cruz, Aurora Corazon
Pinky Aquino-Abellada, Victoria Eliza Viel Aquino-Dee at Kristina Bernadette Kris
Aquino. Siya rin ay dating Kongresista at Senador ng Bansang Pilipinas. Habang pangulo,
kilala sa sa katawagang "P-Noy" na ngangahulugang "Pangulong Noynoy".

Mga Programa

Nilagdaan na ang panibagong kasunduan para sa isang bagong power plant sa Luzon
upang pagdating ng 2014, may mas mura at mas maaasahang pagmumulan ng
enerhiya sa bansa.
Programang Pang- edukasyon(K-12)
Pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon
Pagtataguyod ng Cyber Education Project
Pagpapatupad ng programang Government Assistance to Students and Teachers in
Private ( GSATPE)
Pagkakaloob ng pautang at scholarship sa mahihirap ngunit magagaling na
estudyante.
Pangangalaga sa ating kalusugan.
Pagpapaunlad ng agham at teknolohiya

EMILIO AGUINALDO
(1899-1901)

23

Kapanganakan: Marso 22, 1869


Lugar: Kawit, Cavite
Mga Magulang: Trinidad Famy at Carlos Aguinaldo
Kapatid: Crispulo, Felicidad, Primo, Ambrosio, Tomasa, Esteban at Benigno Aguinaldo
Asawa: Hilaria del Rosario (1896-1921) at Maria Agoncillo (
Mga Anak: Miguel, Maria, Carmen, Cristina at Emilio Aguinaldo jr.
Edukasyon: San Juan de letran
Korso:
Kamatayan: Pebrero 6, 1964
Sanhi:

Hilaria
Mga Programa/ Mga nagawa

Nagtatag ng Asociacion de los Veteranos de la Revolucion


Pinanguluhan ang Pamahalaang Rebolusyunaryo makaraang buuin ang Kongreso sa
Malolos at ratipikahin ang kasarinlan at konstitusyon nito noong Enero 21, 1899.
Si Emilio Aguinaldo mismo ang nagdisenyo sa bandila ng Pilipinas na iwinagayway sa
balkonahe ng kanyang bahay sa Kawit, Cavite noong Hunyo 12, 1898.
Pinuno ng pangkat Magdalo ng Katipunan sa Cavite.

Talambuhay(Buod)
Itinanghal na Cabeza de Barangay sa gulang na 17.Sa edad na 26 ay nahalal bilang
Capitan Municipal na ang katumbas ng posisyon ay Gobyernadorcillo. Sumapi sa
samahang Masonry (na kinabibilangan rin ni Jose Rizal, Apolinario Mabini, Juan Luna, Marcelo
del Pilar at Graciano Lopez Jaena) sa layuning mapabuti ang kalagayan ng bayan.Siya ang
kusang nagsadya kay Andres Bonifacio upang sumanib sa Katipunan. Pinuno ng pangkat
Magdalo ng Katipunan sa Cavite. Pinangunahan ang kanyang mga lawal sa pagkakapanalo
sa mga labanan ng Kawit, Imus at Binakayan sa Cavite.Pangulo ng Pamahalaang
rebolusyonaryo, Kapulungang Tejeros. Sumang-ayon sa kasunduan sa pact of Biak-na-Bato

24

na nilagdaan nya noong Disyembre


mapagtatagumpayan ang digmaan.

14,

1897

dahil

sa

paniwalang

hindi

na

Pumayag sa kusang loob na pagkakatapon sa Hongkong kapalit ng bayad-pinsala


(sinasabing P 400,000.00) na ginamit nman nya sa pagbili ng mga armas na inilaan sa
pagbabalik sa bansa.Sa pagsiklab ng digmaang Estados Unidos at Espanya noong Abril 1898
ay nakipagkasundo kina Commodore George Dewey ay U.S. Consul Pratt na pagsanibin ang
Hukbong Amerikano at Pilipino laban sa mga Kastila. Nagbalik sa bansa noong Mayo 19,
1898 at iprinoklama ang kasarinlan nito noong Hunyo 12, 1898. Si Emilio Aguinaldo mismo
ang nagdisenyo sa bandila ng Pilipinas na iwinagayway sa balkonahe ng kanyang bahay sa
Kawit, Cavite noong Hunyo 12, 1898. Pinanguluhan ang Pamahalaang Rebolusyunaryo
makaraang buuin ang Kongreso sa Malolos at ratipikahin ang kasarinlan at konstitusyon nito
noong Enero 21, 1899. Naglaho ang pangarap ni Emilio Aguinaldo na makapagsarili at
mapalaya ang bansa sa kamay ng mga Amerkano nang madakip ni Heneral Frederick
Funston at ng mga tauhan nito sa Palanan, Isabela noong Marso 23, 1901. Napilitang
manumpa ng Katapatan sa pamahalaang Amerkano noong Abril, 1901. Nagretiro sa
pagiging pangkaraniwang mamamayan makaraang maitatag ang pamahalaang kolonyal ng
Amerika. Tumakbo bilang pangulo sa isang halalang pampanguluhan noong 1935 ngunit
natalo siya ni Manuel L. Quezon. Nagtatag ng Asociacion de los Veteranos de la Revolucion,
isang samahan ng mga lumalaban sa mga Kastila at mga Amerikano upang magkamit ng
benepisyo.

JOSE P. LAUREL
(1943 -1945)

25

Kapanganakan: Marso 9, 1891


Lugar: Tanauan, Batangas
Mga Magulang: Sotero Laurel, Jacoba Garcia
Kapatid: Maria Paz Garcia Laurel; Rosario Garcia Laurel and Alberto
Garcia Laurel
Asawa: Pacencia Hidalgo
Mga anak: Jos B. Laurel, Jr.,Sotero Laurel,Natividad LaurelGuinto,Potenciana LaurelYupangco,Mariano Laurel,Salvador
Laurel,Arsenio Laurel,Rosenda Laurel Avancea
Edukasyon: Unibersidad ng Pilipinas
Korso: Abogasya
Kamatayan: Nobyembre 6, 1959
Sanhi: Atake sa puso at Istrok
Talambuhay(Buod)
Si Jos Paciano Laurel y Garca (Marso 9, 1891 - Nobyembre 6, 1959) ay pangulo ng
Republika ng Pilipinas sa ilalim ng mga Hapon mula 1943 hanggang 1945. Isinilang si Laurel
sa Tanauan, Batangas noong Marso 9, 1891 anak nina Sotero Laurel at Jacoba Garcia.
Nagtapos siya ng abogasya sa U.P. noong 1915. Hinirang na Kalihim Panloob ni Gob. Hen.
Wood noong 1923 at naging Associate Justice noong 1935. Nanungkulan siya bilang Pangulo
ng Kataas-taasang Hukuman nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig at
itinalaga siyang Kalihim ng Katarungan ni Quezon bago lumisan. Pinili si Laurel ng mga
Hapon upang magsilbing pangulo ng Ikalawang Republika ng Pilipinas. Pinangalagaan niya
ang kapakanan ng bansa sa gitna ng mga kalupitan ng mga Hapon. Ibinilanggo siya bilang
"collaborator" pagkaraan ng digmaan ngunit pinalaya ni Pangulong Roxas noong 1948.
Noong Nobyembre 6, 1959, namatay si Laurel sa grabeng atake sa puso at istrok.

Pacencia Laurel Arsenio Hidalgo, Salvador Roman

Mga Programa/nagawa

Pinangalagaan niya ang kapakanan ng bansa sa gitna ng mga kalupitan ng mga


Hapon.

Nakipag tulungan siya sa mga hapon upang mabawasan ang pag hihirap ng
maraming pilipino.

SERGIO OSMEA
(1946-1946)

26

Kapanganakan: Setyembre 9, 1878


Lugar: Cebu, City
Mga Magulang: Juana Suico, Kapatid:
Asawa: Stefania chiong Veloso 2nd Esperanza Limjap
Mga anak: Sergio Osmea Jr.
Edukasyon: Sto. Tomas, San Juan de Letran
Korso: Abogasya, Batsilyer ng sining
Kamatayan: Setyembre 9, 1978
Sanhi:
Talambuhay(Buod)
Si Sergio Osmena, Sr. ay ang ikalawang pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas (Agosto 1,
1944 - Mayo 28, 1946). Isinilang siya noong Setyembre 9, 1878 sa Lungsod ng Cebu. Si
Osmea ay nanguna sa mga nagtapos ng primarya sa kanyang paaralan. Nag-aral ng
sekundarya sa Seminario ng San Carlos sa Cebu. Nagtungo siya sa Maynila at nag-aral
sa San Juan de Letran, kung saan nakilala niya siManuel L. Quezon. Nang sumiklab ang
rebolusyong Pilipino noong 1896, bumalik sa Cebu si Osmea. Ipinadala siya ng lokal na
liderato ng Cebu para ibalita kay Emilio Aguinaldo ang sitwasyon sa Cebu. Noong 1900,
naging tagapag-lathala at patnugot siya ng pahayagang El Nuevo Dia. Dalawampu't
limang taong gulang siya nang maatasang pansamantalang gobernador at pagkapiskal
ng lalawigan ng Cebu. Pagkaraan ng dalawang taon, naging gobernador siya ng
lalawigan. Nagbitiw siya sa kanyang katungkulan bilang gobernador nang maitatag ang
Asemblea Filipina noong 1907. Tumakbo siya at nanalong kinatawan ng ikalawang
distrito ng Cebu. Nahalal siyang ispiker ng asemblea, isang posisyong hinawakan niya ng
sumunod na 15 taon. Naging senador siya mula 1923 hanggang 1935. Tinanghal siyang
"Senate President Protempore" noong1923-1933. Naging kasapi rin siya ng Misyong
OsRox (Osmea-Roxas), isa sa mga misyong ipinadala sa Estados Unidos para
ikampanya ang kasarinlan ng Pilipinas. Nahalal siyang pangalawang pangulo ng
Komonwelt ng Pilipinas noong 1935. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kasama
niya si Pangulong Manuel L. Quezon sa Estados Unidos. Namatay si Quezon sa sakit na
tuberkulosis noong Agosto 1, 1944 at si Osmea ang humalili sa kanya. sina dating
pangulong Osmena at ang kasama ng mga pandigmang kabinete na huling ipagpatuloy
ng ating pagapapalaya ng Hukbong Sandatahang Lakas ng Pilipinas, Estados Unidos at
ang puwersang Kakampi kasabay ng mga gerilyang Pilipino at Hukbalahap na mula sa
Kampanya ng Pagpapalaya sa Pilipinas na ituloy ng akikipaglaban sa Hapon, Kasama
siya ng mga Pilipinong Heneral ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas na si Basilio J. Valdes
at si heneral Carlos P. Romulo pati ang mga puwersang Amerikanong lumunsad sa Leyte
noong Oktubre 20, 1944. Sinabi ni pangulong Osmena at ang iba pang opisyal at mga
kabinete nagsimula ng Kampanya ng Pagpapalaya sa Pilipinas noong 1944 hanggang
1945 sa pagitan ng mga sundalong Pilipino, Amerikano at ang mga pwersang gerilya na

27

silang kalabanin ng mga Hapones.Template:Fact Nagsilbi siya bilang pangulo ng bansa


hanggang sa magkaroon ng halalan noong Abril 23, 1946. Paghahanda ito sa pagbibigay
ng kalayaan ng Estados Unidos. Kumandidato siya bilang pangulo, ngunit natalo kay
Manuel Roxas. Nang matalo kay Roxas, namahinga si Osmena sa kanyang tahanan sa
Cebu.

Mga Nagawa at Programa na Naipatupad


Nagtatag at namatnugot, katulong sina Jaime de Veyra at Rafael Palma ng isang
pahayagang makabayan. Naging kaklase niya sa University of Santo Tomas sina Manuel
Quezon at Emilio Jacinto. Pangalawang pinakamataas na pumasa sa pagsusulit ng Bar
Examinations noong 1903. Nagsilbing Acting Governor ng Cebu (1903) sa edad na 25 kahalili
ni
Juan
Climaco.
Hinirang na Panlalawigang piskal ng Cebu. Nanalo bilang kinatawan ng ikalawang distrito ng
Cebu sa Unang Asembleya ng Pilipinas noong 1907 kung saan nahalal siyang ispiker na
hinawakan niya sa loob ng 15 taon. Isa sa tagapagtatag ng kilalang partido. Ang Partido
Nacionalista at naging una nitong pangulo. Nahalal na senador noong 1922.
Kasama si Manuel Roxas ay sinikap nilang mapagtibay ng Pamahalaang Amerikano ang
isang Constitutional Convention na magbibigay daan sa kasarinlan ng Pilipinas. Natamo ang
batas ukol sa Kasarinlan, ang Hare-Hawes-Cutting mula sa Kongreso ng Estados Unidos.
Naging Pangalawang Pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas noong Nobyembre 15, 1935.
Nagtungo sa Estados unidos kasama si Quezon upang itatag ang Komonwelt ng Pilipinas sa
panahon ng pananakop ng Hapon. Tumayong kahalili ni Quezon sa karamihan ng
pagkakataon habang ang Pangulong Quezon ay nagkasakit ng Tuberculosis. Pangulo ng
Komonwelt ng Pilipinas noong 1944 nang mamatay si Pangulong Manuel L. Quezon. Ang
pinakamatandang naging pangulo ng Pilipinas sa edad na 67. Kasama sa makasaysayang
paglunsad sa Red Beach, palo, Leyte nina Heneral MacArthur at ang mga Pilipinong heneral
na sina Carlos P. Romulo at basilio Valdez noong Oktubre 20, 1914. Nagretiro sa pribadong
buhay sa Cebu makaraang maitatag ang ikatlong Republika ng Pilipinas.

Esperanza Limjap Stefania chiong Veloso Sergio Osmea Jr.

28

You might also like