Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

KABANATA 29 Umaga pa lamang ay handa na ang mga banda ng musiko upang

magbigay saya at salubungin ang kapistahan. Sinabayan pa ito ng tunog ng kampana at


mga siklab at pasabog ng paputok. Nagising ang mga tao sa bayan at nagsigayak na para
makiisa. Ang taumbayan ay naghanda ng kanilang pinakamainan na kasuotan at mga
alahas. Naghanda rin ng masasarap na pagkain ang bawat tahanan at hinahatak ang mga
tao upang tikman ang mga ito. Taliwas ito sa ikinilos ni Pilosopo Tasyo, sapagkat ayon sa
kaniya, paglulustay lamang ng pera at pakitang tao lamang ang pagsasaya sa araw na ito.
Marami ang dapat na higit pagkagustasan ng may kabuluhan at marami ang hinaing ng
bayan na hindi natutugunan. Sang-ayon si Don Filipo sa ganitong pananaw ngunit ala siyang
lakas ng loob upang salungatin ang pari. Sa simbahan ay naghihintay na ang mga tao at
mga tanyag na tao sa bayan. Si Padre Damaso naman ay itinaon ang sarili na magkasakit
upang higit na makakuha ng importansya mula sa lahat. Inalaagaan siya ng taga-pangasiwa
ng simbahan habng siya ay may sakit. Sinumulan ang mahabang prusisyon ng iba't-ibang
santo bandang alas otso ng umaga. Kahit sa prusisyon ay ipinapakita ang pagkaka-iba ng
antas o diskriminasyon sa lipunan kahit na ang mga nagpuprusisyon ay mga ginggon.
Natapos ang prusisyon sa tapat ng bahay ni Kapitan Tyago, na inaabangan naman nila Maria
Clara, Ibarra at ilan pang mga Kastila.

30 Dinumog ng lahat ang simbahan kung kaya't nagsiksikan ang mga tao sa kabila ng init
at iyakan ng mga bata. Bayad din ang misang iyon para sa kabanalan ng lahat sa halagang
P250. Ang paniniwala noon ay mas mabuti ng magbayad ng mahal sa misa kaysa sa
komedya sapagkat ang misa ay makapagdadala ng kaluluwa sa langit, samantalang
impyerno naman sa komedya. Hindi naman sinimulan ang misa hanggat hindi dumarating
ang alkalde mayor. Sinadya naman ng alkalde na magpahuli, upang higit na mapansin ng
lahat. Nagsuot din ito ng limang medalya na sagisag ng kanyang tungkulin. Nang siya ay
dumating, naghanda na ang lahat upang makinig sa pagmimisa ni Padre Damaso.
Sinamantala naman ng Padre ang walang pakundangang paglibak sa pari na nagmisa
kahapon, si Padre Manuel Martin. Ipinangalandakan ng mayabang na padre na higit siyang
magaling magmisa kaysa Kay Padre Martin. Hindi ito nagsimulang mag-sermon hanggat
hindi ito tapos makapag-mayabang.

31 Sinimulan ni Padre Damaso ang kanyang sermon mula sa isang sipi sa Bibliya at
nagsermon sa wikang Tagalog at Kastila. Ang kabuuan ng sermon ni Padre Damaso ay
pagpupuri sa mga banal na santo ng simbahan, ang dapat tularan na sina Haring David, ang
mapagwaging si Gideon, at si Roldan na isang tapat na mananampalataya; at higit sa lahat
ay ang panlilibak sa mga Pilipino na binibigkas sa wikang Kastila kung kayat walang
kamalay-malay ang nakararami sa kahulugan ng kanyang mga sinasabi. Pinatutsadahan din
ng Padre ang lahat ng tao na kanyang hindi gusto upang ipahiya ang mga ito sa karamihan.
Sapagkat karamihan ng mga tao doon ay walang naiintindihan sa pinagsasasabi ng Padre,
hindi nila napigilang antukin at mapahikab, lalo na si Kapitan Tyago. Si Maria at Ibarra
naman ay palihim na nagsusulyapan at nangungusap ang kanilang mga mata. Sinimulan na
din sa wakas ni Padre Damaso ang misa sa wikang Tagalog. Dito ay walang pakundangan na
tinuligsa niya si Ibarra, bagamat hindi niya pinangalanan ang kanyang inaalipusta ay
mahahalata naman ng lahat na walang ibang pinatutunguhan ang kanyang mga salita kundi
si Ibarra lamang. Hindi naman na natuwa si Padre Salvi sa nagaganap kung kaya't
nagpakuliling na ito upang maging hudyat kay Padre Damaso na tapusin na nito ang
kanyang sermon. Ngunit nanatiling bingi ang mayabang na pari at nagpatuloy pa ng
kalahating oras sa walang kwentang sermon at pag-alipusta kay Ibarra. Samantala, palihim

naman na nakalapit si Elias kay Ibarra habang tuloy ang misa. Binalaan ni Elias si Ibarra na
mag-ingat at huwag lalapit sa bato na ibabaon sa hukay sapagkat maaari niya itong
ikamatay. Wala namang nakapansin sa pagdating at pag-alis ni Elias.

KABANATA 32 Nagkaroon ng demonstrasyon ang taong dilaw kay Nol Juan patungkol sa
paggamit ng panghugos bago ganapin ang pagpapasinaya sa paaralan. Ang istrukturang ito
ay may walong metro ang taas at ang apat na haligi ay nakabaon sa ilalim ng lupa. Ang apat
na haligi naman ay nasasabitan ng malalaking lubid na sa tingin ay napakatibay ng
pagkakayari. Ipinagmalaki ng taong dilaw na ang ganitong paraan ay natutuhan pa niya sa
nuno ni Ibarra na si Don Saturnino. Ipinakita ng taong dilaw kung paano itinataas at
ibinababa ang batong malaki na siyang ibabaon sa hukay na napapagitnaan ng apat na
haligi. Hinangaan naman ito ni Nol Juan at pinuri rin ito ng mga tao sa paligid. Dumating ang
araw ng pagpapasinaya ng bahay-paaralan. Pinaghandaan niya ang araw na iyon, naghanda
din ang mga guro at mag-aaral ng mga pagkain para sa mga panauhin. Mayroon ding mga
banda ng musiko. Sinimulan ni Padre Salvi ang pagbabasbas sa bahay-paaralan. Inilulan ang
mga mahahalagang kasulatan at relikya at iba pang mahahalagang bagay sa isang kahang
bakal, na ipinasok naman sa bumbong na yari sa tingga. Ang lubid ang nagko-kontrol sa
bato, na may hukay sa gitna kung saan ilalagay ang tingga. Hawak naman ng taong dilaw
ang lubid. Sinimulan ng Pari ang seremonya at nagsibabaan ang lahat ng importanteng tao
upang sumaksi. Isa si Elias sa mga taong naroroon upang sumaksi sa okasyon. Hindi niya
winala ang tingin sa taong dilaw. Hustong pagbaba ni Ibarra upang maki-isa sa pagsaksi ay
humulagpos ang lubid mula sa kalo at kasaba'y nito ay ang pagkagiba ng balangkas. Ilang
saglit ang lumipas at nasaksihan ng lahat na si Ibarra ay nakatayo sa pagitan ng nasirang
kalo at ng malaking bato. Ang taong dilaw ang siyang namatay at hindi si Ibarra. Nais ng
alkalde na ipahuli si Nol Juan ngunit sinabi ni Ibarra na siya na ang bahala sa lahat.
33 Palihim na dumating si Elias sa tahanan ni Ibarra at sila ay nag-usap tungkol sa mga
kaaway ni Ibarra. Pinayuhan ni Elias si Ibarra na nagkalat ang kanyang mga kaaway kahit na
ang hangad niya ay kabutihan. Sinabi rin nito ang pagkatuklas niya sa balak ng taong dilaw
na patayin si Ibarra sa araw ng pagpapasinaya sa paaralan, bagamat mahiwatig ang
binitiwang salita ng taong dilaw sa taong kausap nito, "hindi kakanin ng isda ang isang ito
(Ibarra) tulad ng kanyang ama". Palihim na sinubaybayan ni Elias ang taong dilaw at napagalaman nito na prinisinta nito ang sarili kay Nor Juan kahit maliit ang sahod kapalit ng
kanyang mga kaalaman. Nanghinayang naman si Ibarra sa pagkawala ng taong dilaw
sapagkat marami pa siyang matutuklasan kung ito ay nabubuhay lamang. Bagay na
sinalungat naman ito ni Elias sapagkat tiyak niyang makakaligtas sa hukuman ang taong
dilaw dahil sa kabulagan ng hustisya sa bayan. Nagkaroon naman ng interes si Ibarra sa
pagkato ni Elias sapagkat marami itong nalalaman at ang kanyang mga kaisipan ay kakaiba
sa karaniwang mamamayan. Napako ang kanilang usapan tungkol sa paniniwala sa Diyos at
hindi tinanggi ni Elias na siya ay nawalan na ng tiwala. Kalaunan ay nagpaalam na rin si
Elias at nangako ng katapatan kay Ibarra.

34 Sa araw na iyon ay darating ang Heneral at tutuloy sa bahay ni Kapitan Tyago.


Magkakaharap na nananghali ang mga mayayaman sa San Diego. Nasa magkabilang dulo
ng hapag si Ibarra at ang alkalde mayor. Katabi ni Ibarra si Maria sa gawing kanan at ang
eskribano naman sa kaliwa. Nandoon din sa hapag sina Kapitan Tyago, iba pang mga kapitan
ng bayan ng San Diego, mga prayle, mga kawani ng pamahalaan at mga kaibigan nina
Maria at Ibarra. Nagtaka naman ang karamihan sapagkat hindi pa dumarating si Padre
Damaso. Habang kumakain ay nag-uusap-usap ang mga nasa hapag. Napadako ang usapan
sa hindi pagdating ni Padre Damaso, ang kamang-mangan ng mga magsasaka sa mga
kubyertos, ang mga kursong nais nilang ipakuha sa kanilang mga anak, at kung ano-ano pa.
Pamaya-maya ay dumating na si Padre Damaso at lahat ay bumati sa kanya liban kay Ibarra.
Sinimulan ng ihanda ang serbesa at sinimulan na rin ni Padre Damaso ang patutsada kay
Ibarra. Tinangkang sumingit naman ang alkalde upang maiba ang usapan ngunit lalong
nagumalpas ang dila ng pari. Hindi naman kumikibo si Ibarra at nagtimpi na lamang. Ngunit
talagang nananadya si Padre Damaso kayat inungkat ang nangyari sa kanyang ama, bagay
na hindi mapapayagan ni Ibarra kung kaya't dinaluhong nito ang pari at tangkang
sasaksakin. Pinigilan naman ni Maria ang katipan kung kaya't bumalik ang hinahon ni Ibarra
at umalis na lamang ito.

KABANATA 35 Ang pangyayaring naganap sa pananghalian ay naging mainit na usapan sa


buong bayan ng San Diego. Karamihan ay halos panig kay Padre Damaso sapagkat ayon sa
kanila, hindi mangyayari ang nangyari kung nagtimpi lamang si Ibarra. Si Kapitan Martin
lamang ang tunay na nakaunawa sa ikinilos ng binata, sapagkat walang sinuman ang hindi
makakapag-pigil kung ang ama ang lalalapastanganin. Ang mga matatandang babae sa
bayan ay nahihintakutan na hindi panigan ang pari sapagkat baka sila ay mapunta sa
impyerno. Tanging si Kapitana Maria ang nalugod sa ginawang pagtatanggol ni Ibarra sa
kanyang ama. Ang mga magsasaka naman ay nawawalan ng pag-asa na hindi matuloy ang
paaralan, na ang kahulugan niyon ay hindi pagkatuto ng kanilang mga anak. Inihayag ni Don
Filipo sa pag-aakalang hangad ni Ibarra na tumanaw ng utang na loob ang taong bayan sa
ginawang kabutihan at ng ama nito. Ganunpaman, ala pa ring katwiran si Ibarra sapagkat
laging ang tama ay ang mga prayle. Isa pa, ang mga mayayaman at prayle ay may
pagkakaisa, hindi katulad ng taumbayan na watak-watak kung kayat mananalo ang mga
pari. Kumalat ang usap-usapan na tinawag nang Pilibustero ng mga prayle si Ibarra, hindi
naman ito madalumat ng mga mahihirap.
36 Walang abisong dumating ang Kapitan Heneral sa bayan nila Kapitan Kapitan Tiyago kayat naging
abala ang lahat sa paghahanda upang maibigay ang nararapat na pag-istima sa panauhin. May
nalalabi pang oras upang makapag-gayak at ito ay sinamantala ng lahat maliban kay Maria Clara. Si
Maria Clara ay patuloy ang pagtangis dahil sa pagbabawal ng ama nito na makipagkita kay Ibarra
hanggat hindi ito ekskomunikado. Naging walang silbi ang pang-aalo ni Tiya Isabel at Andeng sa
dalumhati ng dalaga. Sinabi ng tiyahin na maari silang sumulat sa Papa aty magbigay ng malaking
limos upang mapawalang bisa ang ipinataw sa binata. Si Andeng ay nagprisintang makagagawa ng
paraan upang magkausap ang magkatipan. Bumalik si Kapitan Tyago mula sa kumbento at isiniwalat
nito Kay Maria Clara ang desisyon ni Padre Damaso na sirain ang nakatakdang pakikipag-isang dibdib
nito kay Ibarra. Si Padre Sibyla ay nag-utos naman na bawal nang tanggapin sa kanilang tahanan ang
binata, at ang utang ng kapitan na limampung libong piso ay hindi rin dapat bayaran, o ang kapalit
nito ay kamatayan ng kaluluwa sa impyerno. Ang mga bagay na ito ay hindi makayanang marinig ni
Maria kung kaya't lalo itong naghinagpis. Inalo naman ito ng ama at sinabing may inilalaan ang
kanyang pangalawang ama na si Padre Damaso- na isang binatang kamag-anak nito at manggagaling

pa mula sa Europa. Lalong nasindak ang dalaga at pati si Tiya Isabel ay nagalit sa kapitan at
pinagsabihan ito na hindi parang damit na isinusuot ang magpalit ng katipan. Iminungkahi ni Tiya
Isabel na sulatan ng Kapitan ang Arsobispo ngunit sinalungat naman ito ng huli. Sinabi niyang hindi
sila nito pakikinggan kundi ang desisyon lamang ng mga pari. Tinapos na nito ang usapan at hinarap
ang paghahanda sa bahay. Pagkalipas ng ilang oras ay dumating na nga ang Kapitan-Heneral at
napuno na rin ang bahay ni Kapitan Tyago ng mga panauhin. Si Maria naman ay pumasok sa loob ng
silid at taimtim na nananalangin ng pasukin ni Tiya Isabel. Sinusundo siya nito upang harapin ang
Kapitan Heneral sapagkat ipinapatawag ito. Sumunod naman ang dalaga.

37 Naunang kinausap ng Kapitan Heneral ang binatang nakagalitan ni Padre Damaso ng ito
ay lumabas sa kalagitnaan ng sermon. Inakala ng binata na siya ay sasamain ngunit
pagkatapos niyang makausap ang Kapitan Heneral ay nakangiti itong lumabas ng silid.
Sumunod niyang hinarap ang mga reverencia sa bayang iyon: sina Pari Sibyla, Pari Martin,
Pari Salvi at iba pang mga prayle. Nagpakita naman ng buong paggalang ang mga pari sa
pagyuko nila sa Kapitan. Binanggit din nila ang pagkakasakit ni Padre Damaso kaya't wala
siya sa araw na iyon. Sumunod namang humarap sa Heneral sina Kapitan Tyago at Maria
Clara. Pinuri ng Heneral ang katapangan nito sa paggitna sa away ni Ibarra at Damaso, at
ang pagbabalik ng hinahon ni Ibarra dahil na rin sa kanya. Binanggit nito na dapat siyang
gantimpalaan sa kanyang ginawa, na tinanggihan naman ng dalaga. Kalaunan ay dumating
na rin si Ibarra upang makausap ng Heneral. Ipinaalala naman ni Padre Salvi na ang binata
ay excomulgado ngunit hindi ito pinansin ng pari at sa halip ay ipinaabot ang pagbati kay
Padre Damaso. Pagkatapos ay umalis ang mga pari na hindi naibigan ang ipinakita ng
Heneral. Malugod na binati ng Heneral si Ibarra at pinuri sa ginawang pagtatanggol nito sa
ala-ala ng kanyang ama. Sinabi rin ng Heneral na kakausapin niya ang Arsobispo tungkol sa
pagiging excomulgado ng binata. Napansin ng Heneral na medyo nabalisa si Maria, kaya
sinabi niyang nais itong makaharap bago umaalis patungong Espanya. Sinabi naman niya sa
alkalde na samahan siya nito sa paglilibot. Malalaman sa pag-uusap ng binata at Kapitan
Heneral na kilala ng binata pati ang pamilya ng Kapitan Heneral sa Espanya. Ipinamalas din
ng Heneral ang paghanga sa katalinuhan ni Ibarra bagamat iminungkahi ng huli na mas
makabubuting sa Europa siya manirahan sapagkat ang kanyang kaisipan ay nararapat
lamang sa kaunlaran ng ibang bansa. Magalang namang tumanggi si Ibarra at sinabing higit
na matamis ang mamuhay sa sariling bayan. Ilang sandali pa ay binanggit ng Heneral kay
Ibarra na kausapin si Maria at inihabilin na papuntahin sa kanya si Kapitan Tyago. Umalis

naman si Ibarra upang puntahan ang katipan. Samantala, itinagubilin naman ng Heneral sa
alkalde mayor na protektahan si Ibarra upang maisakatuparan nito ang mga layunin ng
binata. Tumango naman ang Alkalde bilang pagsunod. Dumating naman si Kapitan Tyago at
pinuri ito sa pagkakaroon ng mabuting anak at mamanugangin. Nagprisinta rin ang Heneral
na maging ninong sa kasal. Samantala, si Ibarra naman ay nagpunta sa silid ni Maria ngunit
sinabi sa kanya ni Sinang na isulat na lamang nito ang kanyang sasabihin dahil sa mga oras
na iyon ay gumagayak sila papunta sa dulaan.

38 Ang mga paputok at sunod-sunod na pagtunog ng mga kampana ay hudyat ng


pagsisimula ng prusisyon. Lahat ng nakiisa ay may dala-dalang mga kandila at parol. Ang
prusisyon na iyon ay ukol sa mga santong sina San Juan Bautista, San Francisco, Santa Maria
Magdalena, San Diego De Alcala at ang pinakahuli ay ang Mahal na Birhen. Ang karo ni San
Diego ay hinihila ng anim na Hermano Tercero. Magkakasamang naglalakad ang Kapitan
Heneral, mga kagawad, Kapitan Tiyago, alkalde, alperes at Ibarra. Ang huli ay napilitang
sumama dahil na rin sa pag-imbita ng Heneral. Sa harap ng bahay ni Kapitan Tyago ay may
isang kubol na pagdarausan ng pagbigkas ng tulang papuri o loa sa pintakasi ng bayan.
Pinangungunahan ng tatlong sakristan ang pila ng prusisyon, na sinusundan naman ng mga
guro, mag-aaral at mga batang may dala-dalang parol na papel. Ang mga agwasil at tinitini
naman ay may dalang mga pamalo upang gamitin sa sinumang maniksik o humiwalay sa
hanay. Mayroon din silang kasama na namimigay ng libreng kandila para gamiting pang-ilaw
sa prusisyon. Sa tapat ng bahay ni Kapitan Tiago inihinto ang mga karo at andas ng mga
santo. Isang batang lalaking may pakpak, nakabotang pangabayo, nakabanda at may bigkis
ang lumabas upang simulan ang pagpupuri sa wikang Latin, Kastila at Tagalog. Sumunod
naman ay ang pag-awit ni maria at lahat ay nabighani sa ganda ng kanyang tinig. Ramdam
naman ni Ibarra ang pighating nararamdaman ng kanyang katipan sa boses nito. Napukaw
ang atensyon ng binata ng ito ay kausapin ng Heneral tungkol sa hapunan kung saan
kailangan nilang pag-usapan ang pagkawala ng dalawang sakristan na sina Crispin at
Basilio.

You might also like