Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Mga Tauhan ng Dekada 70:

Si Amanda Bartolome ay isang babaeng nagsisikap matunton at maunawaan ang tunay na


kahulugan ng pagiging isang babae sa gitna ng masalimuot na kalagayan ng bansa noong dekada
70 sa ilalim ng Batas Militar. Siya ay kumikilos bilang isang ina (sa limang anak na pulos lalaki)
at asawa ayon sa dikta ng lipunan at ng asawa niyang si Julian. Bagamat tradisyonal, umiiral sa
pamilyang Bartolome ang kalayaan sa pagpapahayag ng damdamin kung kayat lumaki ang
kanilang mga anak na mulat ang kamalayan sa nangyayari sa lipunan. Dahil ditoy sumali sa
kilusang makakaliwa ang kanilang panganay na si Jules, naging makata at manunulat naman si
Emman, at nahilig sa musikang rock n roll si Jason. Si Gani naman ay malayang pinasok ang
pagiging US Navy bagamat taliwas ito sa paniniwala ng mga kapatid. Nanatiling matatag ang
pamilya Bartolome sa kabila ng napakaraming pagsubok ng panahon. Dito rin nasubok ang
katatagan ng pagsasama nina Amanda at Julian, kung saan si Amanda ay nagnais na matunton
ang sarili bilang isang babae, malayo sa dikta ng lipunan at ng asawa.
Mga Artistang Gumanap
Vilma Santos (bilang Amanda)
Maayos na nagampanan ni Vilma ang kanyang papel bilang si Amanda Bartolome. Muli niyang
naipakita na kayang-kaya niyang gampanan ang papel bilang isang ina. Hindi ito ang unang
beses na nagpakita si Vilma ng magandang pag-arte bilang isang ina. Gumanap na din siya
bilang isang ina sa palabas na Anak at naipakita din niya doon na hindi na iba sa kanya ang
pagganap bilang isang ina. Kahit na ang makikita nating ekspresiyon sa kanyang mukha bilang
Amanda ay halos puro pagiging seryoso, maayos niya iyong naipakita at hindi siya nagkamali sa
bawat ekspresiyon o reaksyon na ipinakita niya. Makikita mo sa kanyang pag-arte ang pagiging
matatag at palaban na ina ni Amanda.
Christopher De Leon (bilang Julian)
Si Julian ang tumayong haligi ng isang pamilyang nakasanayang magpahayag ng damdamin,
kaya nagkaroon siya ng mga anak na mulat ang kaisipan sa mga nangyayari sa kanilang lipunan
at maganda ang pagkakaganap ni Christopher De Leon sa papel niyang iyon. Naipakita niyang
mabuti ang mga katangian ng isang ama at naipakita din niya ng maayos ang mga katangian ni
Julian na nabanggit sa nobela. Tama naman ang naging mga ekspresiyon ng kanyang mukha.
Kahit man siya gaanong naipapakita sa palabas, maayos niyang nagampanan ang kanyang
papel.
Piolo Pascual (bilang Jules)
Siya ang panganay na anak nila Amanda at Julian. Sa simula ng palabas ay makikita
natin na hindi pa ganoon kabukas ang kanilang isip sa mga nangyayari sa kanilang paligid.
Eskwela, babae at paglilibang pa lamang ang kanilang iniintindi pero ng si Jules ay lumaki,

sumapi siya sa isang kilusang kontra sa pamahalaan. Doon naipakita niya ang kanyang
pagmamahal at katapatan sa bayan. Kahit na siyay pinahirapan at pinarusahan ng napakabigat,
hindi pa din siya nagsalita at pinanatili niyang tikom ang kanyang bibig tungkol sa kanyang
grupo. Matagumpay na nagampanan ni Piolo ang kanyang papel. Naipakita niya ng maayos ang
tunay na katauhan ni Jules. Makikita mo talaga sa kanyang mga ekspresiyon na ang katauhan ni
Jules ay talagang palaban at matapang. Lalo na noong siyay nadakip at pinahihirapan, bakas sa
kanyang mukha ang pagiging matatag at pagiging matapat. Noong siya naman ay binisita ng
kanyang pamilya sa bilangguan, makikita mo sa kanyang mga mata, noong ipinagmamalaki niya
sa kanyang mga magulang na hindi siya nagsalita tungkol sa kanyang grupo, na talagang siyay
may matibay na paninindigan at hindi siya susuko hanggat siyay mamatay.
Marvin Agustin (bilang Emman)
Siya ang ikalawang anak ng mag-asawang Amanda at Julian. Naging manunulat at
makita siya. Hindi siya gaanong ipinakita sa palabas pero para sa akin ay naipakita niya ang
kanyang dapat ipakita. Naipakita niya ng mabuti ang mga katangiang taglay ni Emman. Maayos
niyang nagampanan ang kanyang papel.
Carlos Agassi (bilang Isagani)
Sa kanilang magkakapatid, siya ang unang napasubo sa maagang pag-aasawa. Sa
pelikula, makikita mo na siyay palaging may kausap sa telepono at may ginagawa pa siya
habang nagtetelepono. Babae nga siguro ang kausap niya kaya at isa siguro iyon sa mga naging
dahilan kung bakit siya maagang nakapag-asawa. Siyay pumunta ng Amerika para sumali sa US
Navy kahit na hindi ito sinangayunan ng kanyang mga kapatid. Naipakita lang mabuti ni Carlos
Agassi ang pagiging teenager ni Gani pero hindi na masyado nung siya ay na sa US Navy na.
Danilo Barrios (bilang Jason)
Si Jason naman ay ang miyembro ng kanilang pamilya na may pagkatamad ngunit mabait.
Kahit na ayaw niyang bumisita sa Kuya Jules niya noong itoy nasa kulungan, wala siyang
nagawa kundi ang sumama at nagkausap pa sila ng Kuya niya doon. Napansin ng kanyang Kuya
Jules na si Jason ay parang gusto ng bumilis ang oras para siyay lumaki na agad-agad at
magkaroon ng sariling kalayaan sa pagkilos at paggawa ng kanyang mga gusto. Tama nga ang
kanyang kuya. Si Jason nga ay yung tipo na ngayon magaapura sa oras pero pagdating ng
panahon eh magbabago din ang isip. Naipakita ng maayos ni Danilo ang katangiang iyon. Bagay
na bagay sa kanya ang papel na Jason. Bata pa din siya noon katulad ni Jason kaya angkop
talaga ang naging papel niya.
John Wayne Sace (bilang Bingo o Benjamin)

Siya ang bunso sa magkakapatid. Angkop ang pangalang Benjamin sa kanya dahil siya nga
ang bunso. Siya ay inosenteng bata pa lamang noong mga panahon na nakikipaglaban na ang
kanyang mga kuya sa lipunan. Siya ang nagtanong kung bakit pinakawalan pa ang kalapati dahil
baka daw hindi na iyon bumalik. Ang sabi ng kanyang ina na babalik pa ang kalapati dahil wala
namang ginagawang masama dito para hindi ito bumalik. Hindi masyadong pinapakita si Bingo
sa palabas ngunit maayos na naipakita ni John Wayne ang pagiging inosente ni Bingo.
Balangkas
I .Tagpuan:
Sa highway
Sa isang bahay sa Maynila
Sa kulungan
II. Banghay:
Natural ang mga pangyayari na naganap sa kwento. Ipinakita ang pag torture kay Jules na
ginagawa ng mga sundalo.
May pagkaka-ugnayugnay ang mga pangyayari sa kwento. Naugnay ang lahat ng pangyayari sa
panahon ng Martial Law.
Malinaw ang mga ipinakitang pangyayari dito. Ipinakita ang nanyayari noong panahon ng
Martial Law o batas military.
III. Tema:
Ang tema ng palabas na ito ay ang mga problemang dumating sa magkakapatid, sa ama na
humarap sa mga suliranin sa kanyang mga anak, sa ina na nagbigay ng kanyang pagmamahal ng
buong puso sa pinakamahirap na problemang dumating sa kanila. Ang boses ng isang ina na
naghahanap ng isang karanasang kakaiba sa pakikisalamuha sa mga tao, pagkakaroon ng silbi!
Na gust0ng maunawaan kung sino sya bilang asawa, bilang ina at bilang isang babaing Pilipino.
IV. Istilo:
Gumamit si Lualhati Bautista ng pagkakaroon ng mga epekto sa mga paniniwalang kanikanilalang tinahak. Inilarawan ang isang pamilyang tumahak ng kanikanilang kagustuhan at ang
mga naging epekto nito sa kanila.
Reaksyon sa Pelikula:
Ang Dekada 70 ay isang mahusay na adaptasyon sa pelikula ng nobela nitong may parehong
titulo. Napanatili ang kaluluwa ng nobela sa pelikula sa kabila ng limitasyon ng pelikula bilang
isang audio-visual na medium. Marahil, nakatulong ng malaki ang pagkakaroon ng iisang
manunulat lamang. Naging maayos ang takbo ng pelikula na tulad sa nobela nitong nahati sa
mga taon ng dekada 70. Mahusay ang pagkakaganap ng mga pangunahing tauhan (maliban kay
Carlos Agassi) na nakapagbigay hininga sa mga tauhang nooy nababasa lamang. Naibalik ng
pelikula ang larawan ng dekada 70 sa mga eksena nitong nagpapakita ng mga demonstrasyon,
protesta at rallies na tunay na nangyari noong panahon na iyon. Ang musika at tunog ay

madalas na akma at nagpapaigting sa emosyong nais ipahatid ng pelikula ake-up, at kasuotan ng


mga tauhan sa pawang hindi parating umaangkop sa panahon.
AngDekada 70 ay isang pelikulang puno ng kahulugan, lalim at pagtatanong sa tunay na
kahulugan at kalagayan ng kababaihan sa lipunan. Bagamat maliwanag na ang manunulat na si
Lualhati Bautista ay nagmumula sa feministang pananaw, hindi naging radikal ang kanyang
pagtrato sa isyu ng kababaihan. Sa halip mas pinaigting pa ng pelikula ang kahalagan ng papel
na ginagampanan ng isang ina sa pamilya. Mamumulat ang mga magulang na makakapanood
ng Dekada 70 sa tunay na papel na kanilang ginagamapanan sa mga anak. Sa kabilang banday
mas mauunawaan ng mga anak ang kanilang mga magulang na nagsusumikap na maging gabay
sa anumang kanilang naisin sa buhay. Sinasabi ng pelikula na walang perpektong magulang o
anak sa anumang panahon, ngunit mananatiling matatag ang isang pamilyang may tunay na
pagmamahal at pagmamalasakit hindi lamang sa kanilang sarili kundi maging sa ibang tao at sa
bayan.
Mensahe o Aral:
Para sa akin, ang mga aral na mapupulot natin ditto sa pelikulang ito ay ang pagmamahal para
sa bayan. Makikita natin na ang pagmamahal ni Jules para sa bayan upang makamit ang
kalayaan na nararapat sa sambayanan. Hindi dapat ito nililimitahan o kinokontrol ng
pamahalaan na ang gusto lang ay kapanyarihan. Tama lang ang ginawa ni Jules dahil ganun din
ang ginawa ng ating mga bayani ng ipagtanggol nila ang ating bayan sa mga mananakop.
Makikita din natin sa pelikula ang pagkakaroon ng isang matatag ng pamilya. Kahit na si
Amanda ay isang palaban na ina at nais niyang mas makilala pa ang kanyang sarili, hindi iyon
nakasira sa kanyang pamilya kahit na iba ang idinidikta ng kanyang asawa at ng lipunan noong
mga panahon na iyon. Ipinakita sa pelikula na ito ang kahalagahan ng isang ina sa pamilya
lalong lalo na sa mga pagkakataong katulad ng na sa pelikula. Lagi nating tatandaan na hindinghindi ka papabayaan ng iyong ina lalong lalo na tuwing kailangan na kailangan mo siya.
Ang mga tauhan sa Dekada 70 ay pawang nakapagbigay ng kanilang totong emosyon. Si
Amanda na isang inang mapagmahal na may gustong patunayan. Si Julian na boses ng tahanan,
mataas ang pride at ayaw pagtrabahuhin si Amanda at di mapigil ang kagustuhan ng kanyang
mga anak.. Si Jules na may paninindigan at lakas ng loob na lumaban para sa bayan. Si Isagani
na isang mapusok na kabataan. Si Emmanuel na panig kay Jules na lumalaban sa pamamagitan
ng pagsulat. Si Jason na isang mabuting anak na pinatay ng mga kalaban ni Jules. Si Bingo isang
mapagmahal na bunsong anak. Ang Dekada 70 ni Lualhati Bautista ay tumutukoy sa kwento
ng isang pamilya na nahuli sa kalagitnaan ng kaguluhan sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang mga
anak ng pamilyang ito na tumahak ng ibat-ibang landas. At ang magulang na humarap sa
suliranin at di sumuko sa mga problemang dumaan.Tunay na sa isang pamilya masasabing
WALANG IWANAN

Ang tema ng palabas na ito ay ang mga problemang dumating sa magkakapatid, sa ama na
humarap sa mga suliranin sa kanyang mga anak, sa ina na nagbigay ng kanyang pagmamahal ng
buong puso sa pinakamahirap na problemang dumating sa kanila. Ang boses ng isang ina na
naghahanap ng isang karanasang kakaiba sa pakikisalamuha sa mga tao, pagkakaroon ng silbi!
Na gustong maunawaan kung sino sya bilang asawa, bilang ina at bilang isang babaing Pilipino.
Ang Dekada 70 ay isang palabas na tunay na makabayan. Sinasalamin nito ang mga taong
tumatahak sa kanilang mga landas na may gusting patunayan. Ang mga tao sa likod nito ay may
kakayahang makapagpalabas ng isang buhay na larawan ng isang pamilyang dumanas ng mga
problema. Sa mga kasuotan at mga gamit dahil ito ay naganap noong mga 1970 naipakita ang
mga kasuotan at mga gamit na talagang pang 1970.
Maganda ang kwento at nagsasabi sa atin na kailangan nating ipaglaban ang ating mga
karapatan bilang isang mamamayan sa isang malinis na paraan. Makikita na upang makalaya
tayo sa pagkaalipin may mga taong nagsisikap na mapaalis ang mga taong mapang-api gaya ni
Jules at ng kaibigan niya na hinangad ang kabutihan ng isang bansa at di lamang sa pansarili.
Nakalulungkot nga lang at namatay si Jason na kapatid ni Jules dahil sa paglaban nito sa
pamahalaan. Nakaantig damdamin ang mga pinagdaanan ni Amanda bilang isang ina dahil
masakit para sa kanya ang mawalan ng anak at maghirap ang mga ito.
Sa kabuuan ng kwento, masasasabing maganda ito sapagkat naipakita at nagbigay ng aral ito sa
mga manonood. Bagamat kalunos-lunos ang nangyari sa pamilyang ito ay nakapagsimula silang
muli at nagiging makabayan na. Masasabi nating sa kasalukuyan ay maaaring mangyari ito dahil
sa gulo ng ating pamahalaan. Kaya maging mapagmasid tayo sa lahat ng oras at gawing
mapayapa ang inyong gagawin. Isa lang ang tanong sa kwentong ito Paano mo palalakihin ang
iyong mga anak sa panahon ng katiyakan.
Buod:
A Ang mga salitang itoy tila mga lagusan na naghahatid sa mga aktibista, mamamahayag,
pulitiko at iba pang naging bahagi ng mga ralit demonstrasyon sa mga alaala ng isang dimalilimutang panahon sa ating kasaysayanang dekadang 1970.
Ang nobelang Dekada 70 (Carmelo & Bauermann; 228 pahina) ng premyadong manunulat na si
Lualhati Bautista ay natatanging akda sa wikang Filipino hindi lang dahil sa pagkamit nito ng
unang gantimpala sa Palanca Memorial Awards for Literature noong 1983 kundi dahil sa
mapangahas na inilarawan nito ang isang lipunang nooy nasa bingit ng pagbabago sa gitna ng
papalalang krisis pang-ekonomiya at pampulitikang ligalig bago naganap ang tinaguriang EDSA
People Power Revolt ng 1986.
Sa akdang ito, ipinakita ni Amanda Bartolome (tagapagsalaysay ng nobela) ang mga sakit,
ligaya, problema, at adhikain niya bilang babae.

Ang mahabang salaysay ay nakasentro sa panggitnang-uring pamilyang Bartolome, at sa kung


papaano naapektuhan ng batas militar ang mga tunggalian at trahedyang naganap sa buhay
nila. Katuwang ni Amanda ang inhinyerong asawa na si Julian Sr. sa pagpapalaki sa lima nilang
anak na lalaki: ang panganay na si Jules na isang kabataang aktibista na sumapi sa rebeldeng
New Peoples Army (NPA) at pagkatapos ay naging bilanggong pulitikal; si Gani na sa batang
edad ay nakabuntis ng babae; si Em na isang manunulat na naghahanap ng pagkakakilanlan sa
sarili; si Jason na naging biktima ng salvaging at si Bingo na maaga pay nagmamasid na sa mga
nangyayari.
Sa Dekada 70, mababakas ng mambabasa ang tala ng mga aktuwal na kuwento ng panunupil at
karahasan ng mga militar sa mga inosenteng sibilyang nasasangkot sa digmaan, mga paglabag
sa karapatang pantao, ibat ibang mukha ng karukhaan at pagsasamantala sa aping
mamamayan, at ang walang humpay na paglaban ng mamamayan sa diktadurya sa panahon ng
batas militar.
Sa paggamit ng awtor ng first person point of view sa kuwento, kapansin-pansin ang hilig ni
Amanda na kausapin ang sarili o mind-chatter hinggil sa papel niya sa asawat mga anak at sa
mga usaping bumabagabag sa kanya. Sa pagkatuto niya kay Jules, nakakapaghayag siya ng
tungkol sa mga nangyayari dahil di na ako limitado sa mga bagay lang na may kinalaman sa
pampabatat pampaganda, pagdiriwang at mga kaburgisan, wika nga ni Amanda.
Hindi tipikal na babae si Amanda, bagkus, isang tao na may likas na kamalayan sa mga
pangyayaring kinasasangkutan ng mas malawak na bilang ng mamamayan (na unti-unti niyang
natutuklasan) at di nagpapasupil sa limitasyon ng litanya ng asawa na, Well honey, its a mans
world.
Isang mahalagang tauhan sa akda si Jules, isang kabataang namulat ng mga kampanya laban sa
tuition fee increase sa paaralan hanggang sa lumaoy piliin niyang lumahok sa sandatahang
pakikibakang inilulunsad ng NPA. Ang katangian niya bilang isang rebolusyonaryong
nakikibaka para palitan ang sistemang umiiral ay lubhang nakapukaw sa damdamin ni Amanda
na minsay iginiit ang kalayaang magpasya ng sariling buhay noong sumulat siya sa kapatid ng
mga katagang sinipi mula sa tula ng makatang si Kahlil Gibran:
Ang inyong anak ay hindi nyo anak, Silay mga anak na lalakit babae ng buhay! Nagdaan sila
sa inyo ngunit hindi inyo, At bagamat pinalaki nyo,silay walang pananagutan sa inyo Sa
pagkakaalam ko, ito rin ang madalas sipiin ng mga aktibistang estudyante ngayon sa pakikipagusap sa mga magulang na hindi nakakaunawa sa kanilang ginagawa!
At gaya ng maraming magulang, hindi naiintindihan ni Amanda ang anak sa mga ginagawa nito.
Sagot ni Jules sa ina: panahon na para mamili ang tao. Alinman sa dito ka o donTutulong ka
bang baguhin ang kalagayang ito o magseserbisyo ka rin sa uring mapang-api?
Sa di-inaasahang pagkakataoy nalasap ng buong pamilya ang dagok ng batas militar nang
walang awang pinahirapan at pinatay si Jason ng mga di kilalang tao ilang oras matapos itong
palayain ng PC dahil sa hinalang gumagamit ito ng marijuana. Sa kawalan ng pagkakakilanlan

sa salarin, walang silang nagawa kundi ang tumangis sa kawalan ng hustisya.


Ngunit kahit pa sumuong sa matitinding trahedya ang pamilyang Bartolome, nananatili pa rin
silang buo sa kabila ng pagkakaiba-iba nila ng prinsipyo. Kahit hindi nagkakaintindihan sa mga
diskursong pang-intelektuwal, di nawawala ang mahigpit na ugnayang emosyonal. Ika nga ng
isang awit, sa pagkakalayo ay may paglalapit din.
Ang mga pangyayaring ibinunyag sa Dekada 70 ay tila nakapagsisilbing panggatong sa
lumalakas at umiigting na tinig ng paghihimagsik sa mga unang taon ng sumunod na dekada.
Unang naipakilala sa kin ang Dekada 70 noong Oktubre 1996 ni G. Christopher Amat, guro sa
Komunikasyon sa College of Arts and Sciences ng University of Perpetual Help System-Laguna
(UPHSL). Mula noon, hindi ko tinantanan ang pagbabasa ng aklat hanggang sa itoy matapos ko
sa loob lamang ng dalawang linggo.
Para sa mga estudyanteng may progresibong kaisipan, nakaambag ang akda sa pagpapataas ng
kanilang pampulitikang kamulatan at pagkamakabayan.
Kahit noong mga taong nagsisimula pa lang na sumulong ang pakikibaka para sa isang
malayang konseho at pahayagan ng mga mag-aaral sa UPHSL, itinuring ko na ang nobela bilang
nirerekomendang reading material para sa pagmumulat at pag-oorganisa sa masang estudyante.

Mga tauhan at katauhan


Vilma Santos - Amanda Bartolome

Christopher de Leon - Julian Bartolome Sr.

Piolo Pascual - Julian "Jules" Bartolome Jr.

Marvin Agustin - Emmanuel "Em" Bartolome

Carlos Agassi - Isagani "Gani" Bartolome

Danilo Barrios - Jason Bartolome

Kris Aquino - pinunong mag-aaral

Ana Capri - Mara

Dimples Romana - Evelyn

Jhong Hilario - Willy

Carlo Muoz - Rene

Tirso Cruz III - ama ni Evelyn

Orestes Ojeda - Dr. Rodrigo

John Wayne Sace - Bingo Bartolome

Marianne de la Riva - ina ni Evelyn

Manjo del Mundo - Christian Lavilla

Cacai Bautista - Michelle Borja

You might also like