Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

PAMAGAT

LALAKI SA DILIM
TAON NG PAGKASULAT

(1976)

MAY AKDA

BENHAMIN B. PASCUAL
KAHULUGAN NG PAMAGAT

BAGO BASAHIN

Sa pamagat pa lamang ng nobela may mahihinuha na


may kinalaman na sa isang madilim o maling gawain ang
lalaki sa nobela.Kung kayat lalaki sa dilim ang pamagat ng
nobelang ito.
PAGKATAPOS BASAHIN

Kaya lalaki sa dilim ang pamagat nito dahil na


rin ang lalaki sa nobela ay nakagawa ng isang kasalanan
noong sapilitan nyang ginahasa ang isang babaeng bulag.
Maselang usapin ang gahasa saan man sa lipunan. Sa
nobela ito malalaman mo kung gaano kahirap ang
pinagdaanan ng babaeng bulag.
MGA TAUHAN

Nick

Rafael Cuevas- ophthalmologist, asawa ni Margarita


Ligaya - bulag, biktima ng panggagahasa ni Rafael
Margarita Carrasco - asawa ni Rafael na kalaguyo ni

Nick Cuerpo- asawa ni Marina at matalik na kaibigan ni


Rafae
Marina Cuerpo - asawa ni Nick, pumaslang kay Nick at

Margarita
Don Benito - mayamang ama ni Rafael
Mr. Carrasco- ama ni Margarita
Aling Sela - ina ni Ligaya
BUOD NG NOVELA

Nagsimula ang kwento sa isang lalaking nagngangalang Rafael


Cuevas. Isang espesyalista sa mata. Nakagawa siya ng isang malagim na
krimen ng gabing bigyan siya ng Stag party ng kanyang mga kaibigan
bago pa man siya makasal kay Margarita,isang opera singer. Nagawa
niyang gahasain ang babaing kahabaghabag ang kalagayan. Isang bulag at
maralita ang kanyang ninakawan ng kabirhinan. Dahil hindi makakita ang
hindi nakilala ang kanyang boses ay ligtas siya sa kanyang
kasalanan.
Walang ebidensyang makapagpapatunay.Bilang paghuhugas at
paglilinis niya ng konsensiya sa nagawa niyang kasalanan kay Ligaya, ang
babaeng kanyang ginahasa,binigyan niya ito ng P50, 000.00 kasama ang
liham na nagsasabing sa kanya din magpagamot ng mata upang masingil
lamang ng kaunti upang hindi makahalata. Nagbunga ang kanyang
nagawang kasalanan kay Ligaya na nagkataong isinunod sa kanyang
pangalan bilang pagtanaw ng babae sa kanyang nagawang kabutihan.
Naging inaanak niya rin ang bata sa binyag. Ninong siyang kanyang
sariling anak.
Sa kanilang pagsasama ni Margarita ay nagkaroon ito ng
lover at ito ay si Nick. Ang kanyang kaibigan. Nagkaroon ng lamat ang
kanilang samahan na humatong din sa hiwalayan. Ang napang-asawa
niyang si Margarita ay isang modernong babae.
TotallyAmericanized, sabi nga sa nobela. Para kay Margarita ayos
lang namagkaroon siya ng lover at gayon din si Rafael basta
magkaroonlang sila ng pagk
akaintinihan ni Rafael at maging totoo sa isat isa.
Isang araw habang nagbabasa ng pahayagan si Rafael aygumulantang
sakanya ang isang balitang napatay si Margarita atNick sa isang
otel ng isang babaeng nasa 29 ayos. Ito ay si Marinaang asawa ni
Nick na matagal ng nagtitiis sa mga kabulastugan ngasawa
hanggang sa umabot na sa sukdulan at makapatay ito.Sa huli ay
nagawa rin niyang aminin kay Ligaya at Aling Selaang ina ni Ligaya na
siya ang lalaki sa dilim na noon ay bumaboy sakatawan ni Ligaya.
Malinaw kay Rafael na papakasalan niya si Ligaya.

PASUSURI SA NILALAMAN

KALAGAYANG SOSYAL

Mariing pinapakita ng nobela ang kalagayan sa


lipunan ng bawat karaker. Isa itong konsepto ng kwento

kung saan ang isang mayamang lalaki ay magkakagusto


sa isang mahirap lamang nababae. Ngunit hindi
ganoon kadali ang ikot ng kwento.Si Rafael ay isang
edukado, mayaman at sunod sa layaw natao. Sa
kwento mariing makikita na sinoportahan ng
kabuuangkatauhan ni Rafael ng mga tauhan na sina
Nick, ang kaniyang kaibigang may ari ng isang
kumpanya, si Margarita, isang opera singer na
napangasawa niya at ang kaniya pang ibang barkada na
may sinasabi rin sa buhay.
Sa kabilang banda naman ay pinapakitaang
baligtad na katauhan ng bidang babae sa nobela. Si
Ligaya ay mahirap lamang at hindi nakapagaral.Naipakita sa akdang ito kung paano
nakakaapekto angestado ng buhay sa nagiging
karakter ng isang tao. Dahil sapagiging mayaman at
laki sa layaw ni Rafael ay nagagawa niyang paglaruan
lamang ang babaeng nasa paligid niya. Dahil na rin
sapagiging sosyal, liberated at modernong babae ni
Margarita ay naipakita ritong wala siya gaanong
pagpapahalaga sa kasal at ayos lamang sa kaniya ang
pumatol pa sa iba kahit may asawa na siya. Makikita
rin dito na kahit mahirap ay may disiplina at
pagpapahalaga sa puri at dangal si Ligaya. At bilang
isang babaeng may babaerong asawa, si Marina naman
ay aping-api at tila walang kalaban laban sa nobela.

KULTURANG PILIPINO

Umiikot ang kwento sa panahon ng martial-post martial


lawtime, ito ang umpisa ng pagiging liberal ng mga Pilipino dahil na rin
sa pagkamulat ng kanilang diwa at damdamin upang maibalik ang
demokrasya sa bansa. Sa panahong ito ay talamak ang
karahasan.Ang nobela ay nagsasaad ng kalituhan sa kultura ng mga
karakter noong kanilang dekada. Makikita dito ang nalalapit na
modernisasyon at liberasyong impluwensiya ng mga kanluranin.
Sa karakter ni Marina, matatandaan na siya ang asawa ng
babaerong si Nick, makikita ang pag-uugali ng mga Pilipino na
kinikimkim lamang nila ang lahat ngunit kapag hindi na nila makayanan
ay ang kaisa-isang bagay na natitira na lamang sa kanila ay magigising
bigla mula sa matagal na pagiging manhid at maghahasik ng isang
rebolusyon. Maraming beses na itong naipakita sa ating kasaysayan
mula sa Sigaw sa Pugad Lawin hanggang sa Edsa Revolution noong
panahon ng Martial Law kung saan sama-sama ang lumaban upang
makamit ang demokrasya ng ating bansa.Makikita rin dito na
bagaman may impluwensiya na ng mga kanluranin ang ibang
babaeng karakter sa nobela, ang karakter ni Ligaya naman ay
nagpapakita ng pagiging isang Dalagang Pilipina. Siya ay may
konserbatibo ang pananaw tungkol sa sex,relasyon at iba pang
pagbabago sa lipunan. Maingat siya sakanyang puri at mayumi sa
lahat ng kanyang kilos.Makikita rin dito ang kaugalian ng mga
Pilipino na magiliwtumanggap ng mga bisita, sa kwento kahit na

mahirap lamang sinaLigaya at Aling Selya ay hindi matatawaran ang


pagsistema nila kayRafael na isang panauhin.
May ilan namang kapansin-pansing tradisyon at kulturangPilipino
na impluwensiya naman mula sa mga banyaga. Isa na ritoang
paggugunita at pagdiriwang ng mga okasyon na maykaugnay sa aral
ng Relihiyong Katoliko, gaya ng pagkakaroon
ngbinyag.Mapapansin sa nobela ang nakaugaliang seremonya
nabinyag. Sa prosesong ito nagiging inaanak ng mga ninong atninang
ang taong bininyagan, at nagiging mga magkaka-kumpadre at magkakakumadre ang mga magulang at ang nag-anak na ninong at ninang.
Kultura na rito sa Pilipinas angpagbibigay din ang mga ninong at ninang
ng regalong pakimkim,na maaaring salapi o bagay. Pagkatapos ng
binyag ay isang malaking handaan. Makikita rin sa nobela ang isa sa
impluwensiya ng Tsina na Fixed Marriage, kung saan ang mga
magulang ang pumipili ng taong ipakakasal nila sa kanilang anak.
Nangyari ito kina Rafael at Margarita.

PILOSOPIYANG PILIPINO

May iilang pilisopiyang Pilipino ang mariing mapapansin


sanobela. Maliwanag ang mga katauhan ng mga kalalakihan sanobela
at mistulang sila ang palaging tama at palaging nasusunod.Naging
matibay ang pagkakatatag ng prinsipyo ng machismosa nobela
dahil ang mga lalake sa istorya ay sadyang nakakaimpluwensya.
Makikita ito sa pagsasama nina Rafael at Margarita kung saan ang
desisyon ni Rafael dapat ang masusunod kung hihiwalayan niya ang
asawa o hindi. Una ring hinihingan ng payo ni Rafael ang kaniyang
biyenang lalaki at ama.I sang pilosopiya pang lumitaw dito ay ang
konsepto ng pagkakaroon ngUtangNa Loob.
Ito ang pagkilala ng isang tao sa kabutihang nagawa ng
kanyang kapwa. Sa nobela, tumanaw ng isang malaking utang na loob
sina Aling Sela at Ligaya sa kabutihan ni Rafael dahil sa paggamot
nito sa mga mata ni Ligaya. Dahil sautang na loob na iyon ay ginawa
ng mag-anak na ninong si Rafael, at hinango rin nila ang pangalan ng
bata sa lalaki.
Isa na rin dito ang Konsepto ng Bahala Na. Ito ay Isang
idyomatikong pariralang ginagamit ng mga Pilipino na
nangangahulugang "Ang Diyos na ang maglalaan" o "Ang Diyos naang
magtatadhana.
Pinakakahulugan din ng maiklingpananalitang nito ang "Tingnan
natin kung ano ang mangyari,""Tingnan natin kung ano ang magaganap
'pag dating ng takdangpanahon," o "Mangyari na ang dapat maganap.
Ganito ang pilosopiyang umiral kay Rafael matapos niyang

magahasa si Ligaya. Bahala na kung ano ang mangyayari sa


susunod pagkatapos niyang ibigay ang sulat at pera dahil inuusig
siya ng kaniyangkonsensiya.

SIMBOLISMONG GINAMIT

Sinisimbolo ni Rafael ang isang indibidwal na naiipit sa


transisyon ng modern at tradisyunal na tao. Sa nobela, makikita
ang pagiging modern niya dahil sa mga bisyo at pagiging laki sa layaw
niya. Siya ay nakapag-aral at nagkaroon ng propesyon. Sa kabilang
banda naman makikita ang kaniyang pagiging tradisyunal kung saan
naghangad siya ng isang mabuting pagsasama ng magasawa at
pinahahalagahan niya ang prinsipyo ng pamilya. Samantala, si Margarita
naman ang sumisimbolo sa liberismong umiiral sa bansa. Marahil
naimpluwensyahan siya ng pagiging opera singer at namulat siya sa mga
maka-kanluraning bagay-bagay. Inilarawan rin siya ni Rafael bilang
extreme modern woman dahil okay lang sa babaeng ito na magkaroon
ng babae si Rafael habang siya naman ay mayroon ring lover.
Makikita rin ang kaniyang pagiging liberated nang magkomento
siya sa kwento ng paggahasa kay Ligaya. Sinabi niya na kung siya
ang papipiliin, ayos lang naman daw na magahasa dahil binigyan
naman si Ligaya ng limampung libong piso.
Si Ligaya ang sumisimbolo sa pagiging isang Dalagang Pilipina.
Hindi maipagkakaila na maliwanag ang kanyang pagiisip hinggil
sapagbangon mula sa pagkakasadlak sa kahirapan. Isa siyang
tradisyonal na babae dahil sa kanyang pagiingat sa kanyang puri at ang
pagiging mayumi sa lahat ng kanyang kilos. Si Marina naman ang
sumisimbolo sa pagiging isang rebulusyonaryo ng mga Pilipino. Nasa
karurukan ng kapangyarihan ni Marcos at kasukdulan ang mga
karahasan ng Martial Law noon kaya maaring siya ang ginamit na
instrumento upang ipakita ang mga kagaya niyang handang
magrebolusyon alang alang sa ating bansa upang makamit ang
kasarinlan.

E. TERMINOLOHIYA NA GINAMIT

Napakaselang usapin ang gahasa saan mang lipunan, at


ipinamalas ni Benjamin P.Pascual kung gaano kabigat ang gayon

sa buhay ng isang babaeng bulag at maralita. Kaya sa pambihirang


bisa ng panulat ng may-akda, ang layunin ng aklat na ito ay
angpagtanaw sa samut-saring gahasa, salapi, dangal, pighati,
ugnayan, at pag-asa. Masasabing sentimental o romantiko ang
paksa.
Dumuduyan sa pag-iibigan ng lalaki at babae ang kuwento.
Sila'y muling pinagtagpo ng tadhana upang maituloy ang unang
pagkakamaling pag-ibig hanggang sa kapwa makakita ang mga
damdaming bulag. Ito'y nagbunga naman ng kaaya-ayang
resolusyon sa dalawang tauhan. Ang maling kasalanan na nagawa
ay unti-unting itinatama kung kayat maraming matutunan ang
mambabasa sa nobelang ito at marami rin sanang matauhan na mga
masasamang loob para maiwasan ang ganitong pangyayari. Upang
mawala ang mga ganitong krimen sana matakot man lang sa diyos
ang sino mang mapangahas na gumawa ng ganitong krimen at sana
rin ay mabigyan ng hustisya ang mga kababaihan na nakaranas ng
ganitong krimen.

PAGSUSURING PAMPANITIKAN

BISA SA ISIP

Ang nobelang Ang Lalaki sa Dilim ay isang akdang


sumasalamin ng ibat-ibang uri ng tao sa lipunan at kung
paano sila gumalaw sa loob nito. Ang mga tauhan ay kumilos
ayon sa kanilang katayuang sosyal. Umiikot ang kwento sa ilang
bagay natumatalakay sa ilang panlipunang isyu ngayon. Unang
bagay,nakita sa nobela kung paano gamitin ng mga may
kapangyarihanang pera upang mapatakbo ang mundo, kung paano
itinabingang pera sa pagkakasala, at kung paano itinuwid ng
pera ang kabaluktutan. Sunod, lantad din sa akda kung
paaano nagbunga ang kamunduhan at tawag ng laman kung
paanong may namatay na buhay at namatay na pangarap dahil sa
pagnanasa. Ipinakitarin dito ang sitwasyon ng relasyong
walang komunikasyon sa loob ng pamilya. Isa pang bagay na

nakita dito ay ang pangangalaga sa tinatawag na propesyon at


imahe. Ang mga nakatataas ay laging gumagawa ng paraan,
mabuti man o masama, maburalang ang mantsa sa pangalan nila na
sila mismo ang gumawa.

BISA SA DAMDAMIN

Sa nobelang ito, naipakita ng may-akda ang


naging epekto kay Rafael ng imoral na bagay na
kanyang nagawa, ang panggagahasa. Dito inilahad
kung paano nahirapan si Rafael naharapin ang
kanyang pang-araw-araw na buhay matapos niyang
angkinin sa dilim ang bulag na si Ligaya. Marahil,
nais iparating ng may-akda sa mga mambabasa ang
maaring maging epekto ng isang maling gawi.
Patuloy kang uusigin ng iyong konsensya at
paniguradong darating ang araw na pagbabayaran
mo ito. Sa kwento, gumawa si Rafael ng paraan
para matulongan si Ligaya. Naibsan nito ang
mabigat na pakiramdam na kanyang nadarama sa
tuwing pumapasok sa kanyang isipan ang masama
niyang nagawa sa bulag na si Ligaya. Ngunit sa
reyalidad, hindi sapat nakabayaran ng iyong
kasalanan ang pagbibigay ng tulong o pera.
Iwasan masangkot sa ganitong gulo.
Kontrolin ang sarili at matakotsa Diyos .Ang lihim
na relasyon ni Margarita at Nick ay masasabi ring
imoral na gawi. Nagawa nilang pagtaksilan si rafael
na kapwa malapit sa kanilang dalawa. Tahasang
ipinagbabawal ang pakikiapid ayon sa ating
Saligang Batas at maging sa batas ngDiyos. Sa
kaso ni Margarita at Rafael, humantong ang
kanilang pagsasama sa paghihiwalay dahil sa
kasalanang nagawa ni Margarita at Nick. Sa
totoong buhay, ang isang pagsasama
nasusubukin ng ganitong problema ay maari ring
humantong sa hiwalayan kung hindi mapaguusapan nang maigi ang problema.Ngunit upang
hindi na humantong dito, huwag ng subukan pa o
sumagi lamang sa iyong isip ang pagtataksil ang
iyong kapareha sa buhay. Kapag ito ay iyong
nagawa, may sapat na kabayaran ang
naghihintay sa iyo. Maaari ka ng makulong, maaari
pang mawala sa iyo ang iyong pamilya.

KONKLUSYON

Ang akda ay patungkol hindi lamang sa isang krimen bagamat ang


paghahambing at paglalahad ng buhay at paniniwala ng ngdalawang
antas ng buhay: mahirap at mayaman. Masasabi mang parehas Pilipino

ang mga bida, nagiging malaki pa rin ang partisipasyon at impluwensiya


ng lipunan sa paghulog ng kaisipan at damdamin ng isang
indibidwal. Dahil tumira at nakamulatan din ang kaisipang
kanluranin ng ilang karakter sa akda,may ibang gawain na ipinilit
nilang gawin na hindi naman akma sakulturang Pilipino. Gaya ng
pakikiapid, sa ibang bansa ay normal ito,ngunit sa Pilipinas ay
hindi.Masasabi rin na ang batas sa Pilipinas ng walang ngipin.Walang
ngipin para sa mga taong walang boses. Kawawa ang hindi naaninag ang
kamunduhan ngunit mas kahabaghabag ang mga sumamong hindi
naririnig. Ang lipunan ng mahihirap ang mundo ng mga matiisin at
naaapi at sa mayayaman ay ang mundo ng mga mapagkubli at ayaw
marungisan ang pangalang iniingatan. Ang akdang ito ay isang patunay
na ang buhay ay maaring magkaroon ng magandang katapusan ngunit
may malubak nasimulain.

REKOMENDASYON

Malaki ang naging implikasyon ng akda sa amin bilang


isangmambabasa nito. Pagtutuunan ko ng pansin ang kalinisang puri
ngkababaihan at ang kasagraduhan ng kasal maging angpagtaguyod sa
sarili.Naging maganda ang pag-atake ng may-akda sa kalinisan ngisang
babae. Nagawa ng may-akda na ikumpara ang dalawangbabae rito. Si
Ligaya at si Margarita. Si Ligaya na walang bahid ngkarumihan
ang puri at may paninindihan kung mag-isipsamantalang si
Margarita ay masasabing hindi napangalagaan angkapurihan hanggang
sa makapag- asawa. Si Ligaya na dapattularan ng mga Pilipina na buo
ang isip at damdamin kungmagdesisyon at siyang maypagpapahalaga
sa buhay.
Sa kabilangbanda, si Margarita na inaatupag lamang ang mga
bagay namakakapagpasaya sa kanya.Ang kasagraduhan din ng kasal
ay napakahalaga ngunit sakabilang banda ay dinala tayo ng mayakda sa isang sitwasyonkung saan ang kasal ay isang kasunduan
lamang at ginawa upangtugunanan ang tawag ng laman.Napagtanto
rin naming na hindi dapat sinusukuan nangbuhay. Lahat ng bagay ay
ginawa ng may dahilan dapat lamangnating hanapin ang positibong
aspeto ng mga pangyayari. Hinditayo dapat ng nagtutuon sa mga
negatibong pangyayari dahil itoay magdudulot lamang pagkalinlang n
gating isipan. Magagawaang lahat kung ipauubaya sa Diyos
samahan pa ng paggawa.

BABASAHING
PANTAHANAN
SA
FILIPINO
UNANG
MARKAHAN

NAME:
BALAWIT

ERWIN

You might also like