Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

Kabanata XLIX

Isang Talinghaga
Mga Tauhan
Maria Clara
Si Maria Clara de los Santos y Alba o Maria Clara, ay ang mayuming kasintahan ni
Crisostomo; mutya ng San Diego na inihimatong anak ng kanyang ina na si Doa Pia
Alba kay Padre Damaso. nang dinalaw ni Ibarra para ibalita na hindi siya escomulgado.

Crisostomo Ibarra
Si Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin o Crisostomo o Ibarra, ay isang binatang nagaral sa Europa; nangarap na makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang
magandang kinabukasan ng mga kabataan ng San Diego. Siya ang kasintahan ni Maria
Clara.

Tiya Isabel
Siya ay hipag ni Kapitan Tiago na tumulong sa pagpapalaki kay Maria Clara. Boto siya
kay Ibarra para kay Maria.

Linares
Malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng inaanak ni Padre Damaso na napili
niya para mapangasawa ni Maria Clara. Nadatnan ni Ibarra sa bahay ni Maria ng siya ay
dumalaw dito.

Seor Nol Juan


Namahala ng mga gawain sa pagpapatayo ng paaralan.

Elias
Si Elias ay isang bangkero at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang
kanyang bayan at ang mga suliranin nito. Agad niyang kinausap si Ibarra para sa isang
mahalagang bagay.

Mahalagang Pangyayari
1. Dumating kinabukasan si Ibarra na gaya ng pagkakabalita ni Lucas sa magkapatid
na Tarsilo at Bruno. Ang unang sinadya ng binata ay ang tahanan ni Kapitan Tiago
upang ibalita na siya ay hindi escomulgado at dalawin si Maria. May dala siyang
sulat mula sa arsobispo na ibinigay nito sa kura at nagsasaad na inaalis na ang
excomunion. Tuwang- tuwa si Tiya Isabel, sapagkat boto siya kay Ibarra at ayaw
din niyang mapangasawa ng kanyang pamangkin si Maria ang kastilang si Linares.
Tinawag ni Isabel si Maria at pinatuloy si Ibarra.
2. Nakita niya si Linares. Naumid ang dila ng binata sapagkat nakita niyang kalapit ng
kasintahan si Linares na nasa balkon. Nakasandig sa silyon si Maria at may hawak
na abaniko. Sa may paanan nito ay nandoroon si Linares na nagkukumpol ng rosas
at sampaga. Namulat si Linares ng makita si Ibarra samantalang si Maria ay
namula at hinayaang malaglag na lamang ang tangang pamaypay. Sinikap nitong
tumayo, pero hinang-hina siya dahil nga sa pagkakasakit. Si Linares ay waring
napapatda at hindi makapagsalita.
3. Sinabi ni Ibarra sa kasintahan ang dahilan ng kanyang diipinasabing pagdalaw.
Nakatingin lamang sa kanya si Maria na parang inuunawa ang bawat katagang
namutawi sa kanyang labi. Malungkot si Maria, kaya nakuro ni Ibarra na bukas
nalamang siya dadalaw. Umalis si Ibarra na ang puso ay ginugutay ng matinding
pag-aalinlangan, gulo ang kanyang isip. Sa paglakad niya, humantong siya sa
ipinapagawang paaralan. Binati siya ni Nyor Juan at mangagawang dinatnan
niyang abalang gumagawa.
4. Nakita ni Ibarra si Elias na kasama ang mga manggagawa. Yumukod si Elias at
ipinahiwatig sa pamamagitan ng tingin na mayroon siyang gustong sabihin sa
kanya. Dahil dito, inutusan ni Ibarra si Nyor Juan na kunin at ipakita sa kanya ang
talaan nito ng mga obrero upang kanyang tignan. Nilapitan ni Ibarra si Elias na
nag-iisang nagkakarga ng bato sa isang kariton.
5. Sinabi ni Elias na nais niyang makausap si Ibarra nang ilang oras. Ipinakiusap
nitong mamangka sila sa baybay ng lawa sa bandang hapon upang pag-usapan
ang isang napakahalagang bagay. Tumango lamang si Ibarra nang makitang
papalapit na sa kanila si Nyor Juan. Si Elias naman ay lumayo na. Nang tignan ng
binata ang talaan ng mga obrero, wala ang pangalan ng pilotong si Elias.

Liham

Ang liham o sulat ay isang isinulat na mensahe na naglalaman ng


kaalaman, balita, o saloobin na pinapadala ng isang tao para sa kanyang
kapwa. Sa pagdalaw ni Ibarra sa tahanan ni Maria may dala siyang liham
na nagsasaad na hindi na siya isang escomulgado. Mahalaga ang
simbolismong ito sapagkat dito ipinakita na si Ibarra ay ganap ng Malaya.
At ang nais niyang unang makabatid ng kaalamang ito ay si Maria.
Mahalaga ang simbolismong ito sa kabanatang ito sapagkat dito ganap na
makikita ang kahalagahan ng pagkakaroon ng laya upang muli siyang
makabalik sa kanyang bayan.
Sa kabanatang ito, naniniwala ako na ang pagkakaroon ng isang patunay
ay siyang magiging daan upang ganap na muling matanggap ang isang
tao. Dito din nasukat ang tapat na pagmamahal ni Ibarra kay Maria. Sa
punto ding ito isang agam-agam ang nabuo sa kanyang isipan.

Kabanata L
Ang Tagapagbalita ng mga Api

Mga Tauhan

Elias
Si Elias ay isang bangkero at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang
kanyang bayan at ang mga suliranin nito. Sa kabanatang ito siya ang tagapagpabatid
kay Ibarra ng mga karaingan ng kanyang nasasakupan. Siya ang nagsabi na kelangan ng
isang reporma.

Crisostomo Ibarra
Si Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin o Crisostomo o Ibarra, ay isang binatang nagaral sa Europa; nangarap na makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang
magandang kinabukasan ng mga kabataan ng San Diego. Siya ang kasintahan ni Maria
Clara.

Mahalagang Pangyayari
1. Lumulan si Ibarra sa bangka ni Elias, waring ito ay hindi nasisiyahan. Kaya, kaagad
na humingi ng paumanhin si Elias sa pagkagambala niya sa binata. Sinabi ni Ibarra
ang dahilan, nakasalubong niya ang alperes at gusto nitong muli na magkausap.
Dahil nag-aalala siyang makita si Elias, nagdahilan na lamang siya. Nanghinayang
naman ang binata ng sabihin ni Elias na di siya matatandaan ng alperes. Saglit na
napabuntonghininga si Ibarra sapagkat biglang pumasok sa kanyang isip ang
kanyang pangako kay Maria.
2. Sinabi ni Elias kaagad kay Ibarra na siya ang sugo ng mga sawimpalad.
Ipinaliwanag niya ang napagkasunduan ng puno ng mga tulisan (si Kapitan Pablo)
na hindi na binanggit pa ang mga pag-aalinlangan at pagbabala. Ang kahilingan ng
mga sawimpalad, ani Elias ay (1) humingi sila ng makaamang pagtangkilik sa
gobyerno na katulad ng mga ganap na pagbabago sa mga kawal na sandatahan,
sa mga prayle, sa paglalapat ng katarungan at sa iba pang pangangasiwa ng
gobyerno (2) pagkakaloob ng kaunting karangalan sa pagkatao ng mga tao, ang
kanilang kapanatagan at bawasan ang lakas at kapangyarihang taglay ng mga sibil
na madalas na nagiging punot dulo ng paglapastangan sa karapatang pantao.
3. Tumugon si Ibarra na anumang pagbabago na sa halip na makakabuti ay lalo pang
makakasama. Sinabi nitong maaari niyang pakilusin ang kanyang mga kaibigan sa
Madrid sa pamamagitan ng salapi at pati na ang Kapitan-Heneral ay kanyang
mapapakiusapan, ngunit lahat sila ay walang magagawa. Siya man ay hindi
gagawa ng anumang pagkilos ukol sa mga bagay na iyon sapagkat kung may
kasiraan man ang korporasyon, ay matatawag naman nilang masasamang
kailangan.
4. Ang sakit ng bayan ay malubha kayat kailangan ang kaparaanang marahas kung
ito ay makakabuti. Ang isang mabuting manggagamot, anya ay sinususri ang
pinagmulan ng sakit at hindi ang mga at hindi ang mga palatandaan nito na
sinisikap na bigyan ng lunas. Katulad ng mga sibil na sa pagnanais daw na
masugpo ang kasamaan, itoy iniinis sa pananakot, paggawa ng marahas at
walang habas na paggamit ng lakas. At kapag pinahina ang guwardiya sibil ay
malalagay naman sa panganib ang katahimikan ng bayan.
5. Binigyang diin ni Elias na ang mga sawimpalad na hinihingi ng bayan ang
pagbabago sa mga palakad ng mga prayle at ng isang pagtangkilik laban sa
korporasyon. Pero, sinabi naman ni Ibarra na may utang na loob na dapat tanawin
ng bayan sa mga paring pinagkakautangan ng pananalig at patangkilik noon laban

sa mga pandarahas ng mga may-kapangyarihan. Lumitaw sa pagpapalitan ng


kuro-kuro ng dalawa na kapwa nila mahal ang bayan. Pero, hindi napahinuhod ni
Elias si Ibarra tungkol sa pakiusap ng mga sawimpalad. Kaya, ipinahayag niya kay
Ibarra na sasabihin na lamang daw niya sa mga ito na ilipat na sa Diyos o sa
kanilang mga bisig ang pagtitiwala na sa kapwa tao na di magtatamong-pala.

Kabanata LI
Ang Kasaysayan ni Elias
Mga Tauhan

Elias
Si Elias ay isang bangkero at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang
kanyang bayan at ang mga suliranin nito. Sa kabanatang ito siya ang tagapagpabatid
kay Ibarra ng mga karaingan ng kanyang nasasakupan. Siya ang nagsabi na kelangan ng
isang reporma.

Crisostomo Ibarra
Si Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin o Crisostomo o Ibarra, ay isang binatang nagaral sa Europa; nangarap na makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang
magandang kinabukasan ng mga kabataan ng San Diego. Siya ang kasintahan ni Maria
Clara.

Balat
Nakatatandang kapatid ng ama ni Elias. Nabuhay bilang tulisan subalit agad din siyang
nadakip.

Mahahalagang Pangyayari
1. Isinalaysay ni Elias ang kanyang kasaysayan kay Ibarra upang malaman nito na
siya ay kabilang din sa mga swimpalad. Mayo 60 taon na ang nakakalipas, ang
kanyang nuno ay isang tenedor de libros sa isang bahay- kalakal ng kastila.Kasama
ng kanyang asawa at isang anak na lalaki, ito ay nanirahan sa Maynila. Isang gabi
nasunog ang isang tanggapang pinaglilingkuran niya. Isinakdal ang kanyang nuno
sa salang panununog. Palibhasay maralita at walang kayang ibayad sa abogado,
siya ay nahatulan. Ito ay ipinaseo sa lansangan na nakagapos sa kabayo at
pinapalo sa bawat panulukan ng daan.
2. Nagawang tumakas ng babae mula sa malupit na kamay ng batas, lumipat sila sa
kalapit na lalawigan. Sa paglaki ng anak na panganay, ito ay naging tulisan.
Gumawa siya ng panununog at pagpatay upang maipaghiganti nila ang kaapihang
natamo. Nakilalasiya sa tawag na balat. Ang lahat ay natakot sa kanyang
pangalan. Ang ina ay nakilala naman sa tawag na haliparot,delingkuwente at
napalo at ang bunso dahil sa mabait at tinawag na lamang anak ng ina.
3. Isang umaga, nakagisnan na lamang ng anak ang ina na patay na. Ito ay
nakabulagta ssa ilalim ng isang puno at ang isang ulo ay nakatingala sa isang
bakol na nakasabit sa puno. Ang kanyang katawan ay ibinaon samantalang ang
mga paa,kamay ay ikinalat. Ang ulo naman ay siyang dinala sa kanyang ina.
Walang nalalabing paraan sa nakakabata dahil sa kalunos-lunos na pangyayaring
ito kundi ang tumakas. Siya ay ipinadpad ng kapalaran sa Tayabas at namasukang
obrero sa isang mayamang angkan. Madali naman siyang nakagiliwan sapagkat
nagtataglay nga ito ng magandang ugali.

4. Siya ay masikap at ng nagkaroon ng puhunan, napaunlad niya ang kanyang


kabuhayan hanggang sa makakilala siya ng isang dalagang taga-bayan na
kanyang inibig ng tapat. Gayunman sinasagilahan siya ng matinding pangamba na
mamanhikan. Nangangambasiyang matuklasan ang tunay niyang pagkatao. Mahal
palibhasa ang babae, minsan ay nailugso nito ang puri at desidido siyang
panindigan ang nagawa. Ngunit, dahil sa mayaman ang ama ng babae at wala
siyang kayang ipagtanggol ang sarili. Siya ay nakulong sa halip na makasal siya sa
babae.
5. Ang lalaki ay si Elias. Bata pa sila ay iminulat sa kanilang patay na ang kanilang
ama. Naniniwala naman sila sapagkat musmos pa lamang ay namatay ang
kanilang ina. Nang magkaroon ng sapat na isip, palibhasay may kaya ang nuno si
Elias ay nag-aral sa mga Heswitas samantalang ang kapatid na babae ay sa
Concordia. Nagmamahalan silang magkapatid at ang pag-igkas ng panahon ay
hindi nila namamalayan. Namatay ang kanilang nuno kayat umuwi silang
magkapatid upang asikasuhin ang kanilang kabuhayan. Maganda ang kanilang
hinaharap, ang kanyang kapatid na babae ay nakatakdang ikasal sa binatang
nagmamahyal sa kanya, ngunit ang kanilang kahapon ang nagwasak sa kanilang
kinabukasan. Dahil sa kanyang salapi at ugaling mapag-mataas, isang malayong
kamag-anak ang nagpamukha sa kanilang kahapong nagdaan.

Kabanata LII
Ang Mga Pagbabago

Mga Tauhan

Linares
Malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng inaanak ni Padre Damaso na napili
niya para mapangasawa ni Maria Clara. Nakatanggap ng sulat mula kay Donya Victorina.
Alperes
Siyang namumuno sa mga guardia sibil sa nobela ni Jose Rizal na Noli Me Tangere. Ayon
sa paglalarawan sa nobela, siya'y makapangyarihan ngunit magulo ang kaniyang
relasyon sa asawang si Doa Consolacion. Dahil dito, siya'y naging lasenggero at
mapang-abuso sa kaniyang asawa at mga kawal.
Donya Victorina
Si Donya Victorina de los Reyes de Espadaa o Donya Victorina, ay isang babaing
nagpapanggap na mestisang Kastila kung kaya abut-abot ang kolorete sa mukha at
maling pangangastila. Mahilig niyang lagyan ng isa pang "de" ang pangalan niya dahil
nagdudulot ito ng "kalidad" sa pangalan niya.

Kapitan Tiago
Si Don Santiago de los Santos o Kapitan Tiago, ay isang mangangalakal na tigaBinondo; ama-amahan ni Maria Clara. Ninanais niyang makasal si Maria kay Linares.

Padre Salvi
Si Padre Bernardo Salvi ay Pransiskanong prayle. May lihim na pagnanasa kay Maria
Clara. Siya ang humalili kay Padre Damaso bilang kura sa bayan ng San Diego. Si Padre
Salvi ay inilarawan bilang may mahinang pangangatawan, sakitin, at tila palaging may
iniisip

Sinang
Isa siya sa mga matalik na kaibigan ni Maria Clara. Siya ay anak nina Kapitana Tika at
Kapitan Basilio. Isa siyang masayahin.

Victoria
Pinsan siya ni Maria Clara.

Mahalagang Pangyayari

1. Nakatanggap ng liham si Linares mula sa pinsang si Donya Victorina. Alam ni


Linares na hindi nagbibiro ang Donya. Kailangang hamunin niya ang alperes subalit
sino naman kaya ang papayag na maging padrino niya, ang kura kaya o si Kapitan
Tiyago. Pinagsisisihan niya ang kanyang paghahambog at pagsisinungaling sa
paghahangad lamang na makapagsamantala. Labis siyang nagpatianod sa kapritso
ng Donya.
2. Dumating si Padre Salvi at nagmano sa Kapitan Tiyago. Masayang ibinalita niya
ang tungkol sa sulat na padala ng arsobispo tungkol sa pagalis ng excommunion
kay Ibarra kasabay ng kanyang pagpupuring and binata ay kalugod lugod ngunit
may kapusukan ng kauniti. Tanging ang sagabal na lamang sa pagpapatawad ay si
Pari Damaso.
3. Sinabi ni Padre Salvi kay Kapitanm Tiyago kung hihingi ng tawad si G. Ibarra ay
baka sakaling mapatawad ito ni Padre Damaso.
4. Sa bahaging iyon ng usapan ng pari at Kapitan Tiago pumasok si Ibarra na kasama
si Tiya Isabael. Binata niya ang kapitan at yumukod naman kay Linares. Si Padre
Salvi ay buong lugod na kumamay kay Ibarra at sinabi nitong katatatapos pa
lamang niyang papurihan ito. Nagpapasalamat ang binata at lumapit kay sinang
upang itanong galit sa kanya si Maria.

5. Sinabi ni Sinang kay Ibarra na gusto ni Maria na manligaw na ang Ginoo ng iba. Sa
pagkakataong ito sinabi ni Ibarra na gusto niyang makausap ng sarilinan si Maria.

Kabanata LIII
Ang Mapalad na Baraha

Mga Tauhan
Lucas
Taong madilaw na gumawa ng kalong ginamit sa di-natuloy na pagpatay kay Ibarra.
Sa kabanatang ito siya ay makikita na nasa isang sementeryo at nakipagpustahan
kay Elias.
Elias
Nakitang nasa loob ng sementeryo. Tinutugis ng dalawang gwardiya sibil.
Gwardiya Sibil
Naghahanap kay elias. Napagkamalang si Lucas ay si Elias.

Mahalagang Pangyayari
1. May tatlong anino na paanas na naguusap sa ilalim ng pinto ng libingan. Itinanong
ng isa kung nakausap na niya ng kaharap si Elias. Hindi raw pero siguradong
kasama ito sapagkat nailigtas na minsan ni Ibarra ang buhay nito. Tumugon ang
unang anino na ito nga ay pumayag na sumama sapagkat ipapadala ni Ibarra sa
Maynila ang kanyang asawa upang ipagamot.
2. Ipinaliwanag ng bagong dumating na anino na sinusubaybayan siya kayat
naghiwa-hiwalay na sila at tinagubilinan ang mga dinatnan ng kinabukasan ng gabi
nila tatanggapin ang mga sandata kasabay ng sigaw na Mabuhay Don
Crisostomo! ang tatlong anino ay nawala sa likod ng pader.
3. Nang dumating ang ikalawang anino, namasid ito sa kanyang paligid. Umaambon
palibhasa, sumilong ito sa pintuan kayat nagkita sila ng unang sumilong. Naisipan
nilang magsugal at kung sinuman ang manalo sa kanila ay maiiwan upang
makipagsugal sa mga patay. Pumasok sila sa loob nglibingan at sa ibabaw ng
punto ay umumpog magkaharap upang magsugal. Ang mataas sa dalawa ay si
Elias at ang may pilat sa mukha ay si Lucas.
4. Nang gabing iyonn dalawang sibil ang naglalakad sa tabi ng simbahan.
Pinaguusapan nila ang tungkol sa paghuli kay Elias sapagkat sinumang makahuli
rito ay hindi mapapalo sa loob ng tatlong buwan. Nakasalubong nila si Lucas at
itinanong kung saan ito pupunta. Sa simbahan ani Lucas upang magpamisa.

5. Ilang saglit lamamg, si Elias mismo ang nakasalubong ng mga sibil. Dinala siya sa
liwanag upang kilalanin. Sinabi ni Elias na hinahabol niya ang lalaking may pilat
sapagkat siyang bumugbog sa kanyang kapatid at ang lalaking nasabi raw ay
nagngangalang Elias (Lucas).Ang mga sibil ay kaagad na patakbong nagtungo sa
simbahang pinasukan ni Lucas.

Kabanata LIV
Ipinakilala ng Umaga ang Magandang Araw

Mga Tauhan
Don Filipo Lino
Si Don Filipo Lino ay isang tenyente mayor, kaibigan ni Pilosopong Tasyo, at asawa
ni Doa Teodora Via sa nobelang Noli Me Tangere ni Jose Rizal. Siya ay pinuno na isang
pampulitikang organisasyon.

Pilosopong Tasyo
Siya ay kilala sa kanyang mga matalinghaga at matalas na opinyon na tumutugon sa
tunay na nararanasan ng Pilipinas sa kamay ng mga Kastila. Siya ay nakapag-aral ng
pilosopiya sa kolehiyo ng San Jose ngunit dahil sa kagustuhan ng kanyang ina, iniwan
niya ang kanyang pag-aaral. Si Tasio lamang ang natitirang kayamanan ng kanyang ina
kung kaya't ayaw niya itong maging makalimot sa Panginoon. Nais ng kanyang ina na
siya'y magpari ngunit labag naman ito sa kanyang kagustuhan. Maagang nag-asawa si
Tasyo. Karaka-raka'y pumanaw ang kanyang ina kasunod and kanyang asawa. Upang
makatakas sa pagkabagot at kalungkutan at maiwasan sa sabong at iba pang

masamang bisyo, pinili ni Tasio ang pagbabasa ng maraming libro. Ito ang naging dahilan
ng kanyang kapabayaan sa kayamanang kanyang minana na siyang dahilan ng unti-unti
niyang paghirap

Hermana Sipa
Si Hermana Sipa ay miyembro ng kopradiya ng Santisimo Rosario ng simbahan sa
nobelang Noli Me Tangere ni Jose Rizal. Siya ay inilarawan bilang napaka-aktibo sa lahat
ng mga gawain at kaganapan sa simbahan.

Mahahalagang Pangyayari
1. Kumalat ang balita tungkol sa mga ilaw na nakita sa libingan ng nakaraang gabi.
Sa paniniwala ng mga puno ng mga kapatiran ni San Francisco, may 20 ang nakita
niyang kandila na sinindihan. Panaghoy at pahikbi naman ang narinig ni Ermana
Sipa kahit na malayo ang kanyang bahay sa libingan. Sa pulpito, binigyang diin
naman ng kura sa kanyang sermon ang tungkol sa kaluluwa sa purgartoryo.
2. Ang usapan ay hindi nakaligtas sa matalas na paningin nina Don Filipo at
Pilosopong Tasio na ilang araw na ilang araw ngt naghihina. Nasabi ni Don na
tinaggap ng alkade ang kanyang pagbibitiw sa tungkulin. Hindi naman mapakali si
Tandang Asyo sapagkat naniniwala siyang ang pagbibitiw ay hindi nararapat at
napapanahon. Sa panahon ng digmaan, anya, ang puno ay dapat na manatili sa
kanyang tao. Sa pag-iisip ni Pilosopong Tasio. Ayon sa kanya, nag iba ang bayan na
di na katulad noon na may 20 na taon na ang nakalipas. Ang nakaraan ay
nagbigay ng aralin. Namamalas na nag naging bunga ng pagdayo sa Pilipinas ng
mga Europeo at ang pagdayo naman ng mga kabataan sa Europa ay nadadma na
rin.

3. Isang batang nagpapastol ay nangahas na patunayan na wala siyang nakita kundi


isang ilaw at dalawa kataong nakasalakot, ang bata ay bahagya nang nakaligtas sa
mga palo at tungayaw. Walang nangyari sa kanyang sumpa; pati na sa kanyang
mga kasamang kalabaw na maaring magpatunay ng kaniyang sinasabi.
4. Nagkaroon pa ng palitan ng katwiran ang dalawa tungkol sa bayan, sa relihiyon, sa
kahihinatnan ng bayan, ugali ng mga binata at dalaga ang ng mga naglilingkod sa
Simbahan hanggang sa tanungin ni Don Filipo si Tandang Tasio kung hindi
nangangailangan ng mga gamot sapagkat napansin nitong hinang-hina na sya.
Pero tinugon sya ni Tandang Tasio na ang mga mamamatay ay hindi na
nangangailangan ng gamot at sa halip ang mga maiiwan ang mangangailangan.
5. Ipinakiusap din niya sa Don na sabihin kay Ibarra na makipagkita sa kanya sa loob
ng ilang araw sapagkat malapit na siyang yumao. Sa kabila ng karamdaman ni
Tandang Tasio ang kapakanan ng bayan ang kanyang inaalagata. Matibay ang
kanyang paniniwala ng ang Pilipinas ay tumatahak parin sa karimlan. Hindi
nagluwat, nagpaalam na si Don Filipo.

Kabanata LV
Ang Sabwatan

Mga Tauhan
Alperes
Ang alperes ay siyang namumuno sa mga guardia sibil sa nobela ni Jose Rizal na Noli
Me Tangere. Ayon sa paglalarawan sa nobela, siya'y makapangyarihan ngunit magulo
ang kaniyang relasyon sa asawang si Doa Consolacion. Dahil dito, siya'y naging
lasenggero at mapang-abuso sa kaniyang asawa at mga kawal.

Elias
Sumapi siya sa mga tulisan (o sawimpalad). Kinatawan siya ng mga mithiin ng mga
sawimpalad na may hangaring makamit ang katarungan at pagbabago. Nais niya ang

ganap na katiwasayan at paggalang sa dignidad ng tao. Isinalaysay niya kay Ibarra ang
lahat ng suliranin ng bansa at kung ano ang maaring gawin upang sugpuin iyon.
Naniniwala siyang si Ibarra lamang ang makakatulong sa kanya upang makamit ang mga
iyon. Si Elias ay tinutugis ng mga guardia sibil sapagkat pinaniniwalaang siya ang
nagtulak sa Alperes sa isang maputik na lubak at umatake kay Padre Damaso.

Ibarra
Si Ibarra ay nagmula sa isang mayamang pamilya sa bayan ng San Diego. Siya ay
bumalik sa Pilipinas nang kanyang mabalitaan ang pagkamatay ng kaniyang ama na
si Don Rafael Ibarra, na tiniwalag mula sa simbahang Katoliko dahil sa pagiging
diumano'y pilibustero. Sa kaniyang pagbalik sa San Diego, muli niyang nakadaupangpalad ang kasintahang si Maria Clara.

Dona Consolacion
Si Doa Consolacion ang maybahay ng alperes. Tulad ni Doa Victorina, isa siyang
matanda at mapamintas na Pilipina na gumagamit ng makapal na koloretes sa mukha
upang matabunan ang kanyang tunay na lahi. Kalimitan, sa tuwing dumadaan ang mga
binibini sa harapan ng kanilang bahay, sila ay yumuyuko na lamang upang maiwasan
ang masamang tingin ng donya. Bilang magkabiyak, nagtataglay din ng kapangyarihan
si Doa Consolacion na utusan ang mga kawal ng alperes na ipahuli ang sinumang
kanyang ibig. Madalas siyang naaaway ng kaniyang asawa dahilan kung bakit siya
nabubugbog.

Don Pedro Eibarramenda


Ama ni Don Saturnino na lolo ni Ibarra

Mga Mahahalagang Pangyayari


1. Orasyon. Pahangos na patungo ang kura sa bahay ng alperes. Ang mga taong
gustong humalik sa kanyang kamay ay hindi niya pinapansin. Tuloy-tuloy na
pumanhik ito ng bahay at malakas na tinwag ang alperes. Lumabas agad ang
alperes kasunod ang asawang si Donya Consolacion. Bago makapag salita ang
kura, inireklamo agad ng alperes ang mga kambing ng kura na naninira sa kanyang
bakod.
2. Sinabi naman ng pari na nanganganib ang buhay ng lahat. Katunayan, anya ay
mayroong napipintong pag-aalsa na gagawin nang gabing iyon. Nalaman ito ng
pari, anya sa pamamagitan ng isang babae na nangumpisal sa kanya na nagsabi
sa kanya na sasalakayin ang kuwartel at kumbento. Dahil dito nagkasundo ang
kura at alperes na paghandaan nila ang gagawing paglusob ng mga insurektos.

3. Humingi ang kura ng apat na sibil na nakapaisana ang itatalaga sa kumbento. Sa


kuwartel naman ay palihim ang pagkilos ng mga kawal upang mahuli nang mga
buhay ang mga lulusob. Layunin nito na kanilang mapakanta ang sinumang
mahuhuling buhay. Ika-walo ng gabi ang nakatakdang paglusob, kuna kaya nakinikinita ng alperes at kura ang pag-ulan ng kurus at bituin sapagkat ganap silang
nakahanda.
4. Isa naman lalaki ang mabilis na tumatakbo sa daan patungo sa tirahan ni Ibarra.
Mabilis na umakyat ng bahay at hinanap sa nakitang utusan ang amo nito na
kaagad naman itinuro na ito ay nasa laboratoryo. Pagkakita ni Elias kay Ibarra
ipinagtapat niya kaagad ang nakatakdang paglusob at batay sa kanyang
natuklasan. Si Ibarra ang kapural at nagbayad sa mga kalahok sa paglusob.
Ipinasunog ni Elias kay Ibarra ang lahat ng mga aklat at kasulatan nito sapagkat di
na maiiwasan na siya ay mapasangkot at tiyak na siya ang isisigaw ng sinumang
mahuhuli ng mga sibil.
5. Tinulungan ni Elias si Ibarra sa pagpili ng mga kasulatan. Sa mga kasulatan,
nabasa niya ang tungkol kay Don Pedro Eibarramendia at tinanong niya kay Ibarra
kung ano ang relasyon nito sa kanya. Halos nayanig ang buong pagkatao ni Elias
nang sabihin ni Ibarra na iyon ang kanyang nuno na ipinaikli lamang ang apilyido.
Isa pa, ito ay isang Baskongado. Natagpuan na ng piloto ang lahing lumikha ng
matinding kasawian sa kanilang buhay. Biglang bumunot ng balaraw si Elias at
naisip niyang gamitin iyon kay Ibarra. Ngunit, saglit lang ang pagkadimlan ng
kaisipan ng biglang siyang matauhan. Binitiwan niya ang hawak na balaraw at
tulirong tumingin ng tuwid kay Ibarra at saka mabilis na pumanaog ng bahay.
Nagtaka si Ibarra. Itinuloy ang pagsunog sa mga mahahaagang papeles at
dokumento.

Kabanata LVI
Ang Kapahamakan

Mga Tauhan
Maria Clara
Si Maria Clara o Maria Clara de los Santos y Alba ay ang kaisa-isang anak nina Don
Santiago de los Santos at Doa Pia Alba. Ang pangalang Maria Clara ay bilang
pagbibigay unlak sa Birhen de Salambaw at kay Santa Clara. Pinaniniwalaang nabuo si
Maria Clara dahil sa pagsayaw ni Doa Pia sa fiesta ng Obando ngunit lingid sa kaalaman
ng lahat, ang kanyang totoong ama ay si Padre Damaso.

Padre Salvi
Si Padre Salvi ang humalili kay Padre Damaso bilang kura sa bayan ng San Diego. Siya ay
inilarawan bilang may mahinang pangangatawan, sakitin, at tila palaging may
iniisip. Siya ay may lihim na pagnanasa kay Maria Clara, ang kasintahan ng bidang
si Crisostomo Ibarra. Dagdag pa rito, siya rin ang nagplano sa istruktura ng paaralang
ipapatayo na siyang muntikang maging sanhi ng pagkamatay ni Ibarra.

Ibarra
Si Ibarra ay nagmula sa isang mayamang pamilya sa bayan ng San Diego. Siya ay
bumalik sa Pilipinas nang kanyang mabalitaan ang pagkamatay ng kaniyang ama na
si Don Rafael Ibarra, na tiniwalag mula sa simbahang Katoliko dahil sa pagiging
diumano'y pilibustero. Sa kaniyang pagbalik sa San Diego, muli niyang nakadaupangpalad ang kasintahang si Maria Clara.

Alperes
Ang alperes ay siyang namumuno sa mga guardia sibil sa nobela ni Jose Rizal na Noli
Me Tangere. Ayon sa paglalarawan sa nobela, siya'y makapangyarihan ngunit magulo
ang kaniyang relasyon sa asawang si Doa Consolacion. Dahil dito, siya'y naging
lasenggero at mapang-abuso sa kaniyang asawa at mga kawal.

Tiya Isabel
Si Tiya Isabel ay ang hipag ni Kapitan Tiago . Siya ang nag-alaga kay Maria Clara simula
pa noong siya'y sanggol pa lamang.

Elias
Sumapi siya sa mga tulisan (o sawimpalad). Kinatawan siya ng mga mithiin ng mga
sawimpalad na may hangaring makamit ang katarungan at pagbabago. Nais niya ang
ganap na katiwasayan at paggalang sa dignidad ng tao. Isinalaysay niya kay Ibarra ang
lahat ng suliranin ng bansa at kung ano ang maaring gawin upang sugpuin iyon.
Naniniwala siyang si Ibarra lamang ang makakatulong sa kanya upang makamit ang mga
iyon. Si Elias ay tinutugis ng mga guardia sibil sapagkat pinaniniwalaang siya ang
nagtulak sa Alperes sa isang maputik na lubak at umatake kay Padre Damaso.

Mga Mahahalagang Pangyayari


1. Oras ng hapunan pero nagdahilan si Maria na wala siyang ganang kumain. Kaya
niyaya niya ang kaibigan ni Sinangsa piyano. Nagbulungan silang dalawa habang

palakad lakad si Pari Salvi sa loob ng bulwagan. Hindi mapakali si si Maria sa


paghihintay nilang magkaibigan ang pagdating ni Ibarra. Kasalukuyan kumakain
noon ang argos na si :Linares at isinadasal nilang umalais na ang "multong" si Pari
Salvi. Nakatakdang dumating sa ikawalo ng gabi si Ibarra. Ika-walo rin ng gabi ang
nakatakdang paglusob sa kumbento at sa kwartel.
2. Nang sumapit ang ikawalo, napaupo sa isang sulok ang pari samantalang ang
magkaibigan ay hindi malaman ang gagawin. Nang tumugtog ang kampana, silang
lahat ay tumindig upang magdasal. Sya namang pagpasok ni Ibarra na luksang
luksa ang suot. Tinangkang lapitan ni Maria ang kasintahan ngunit biglang
umalingawngaw na lamang ang sunod sunod na putok. Napapatda si Ibara, hindi
makapagsalita. Ang Kura naman ay nagtago sa likod ng haligi. Si Tiya Isabal ay
panay ang dasal samantalang ang magkaibigan ang nagyakapan. Si Ibarra ay
walang tinag sa kinatatayuan. Nagpatuloy ang putukan at silbatuhan kasabay ng
pagsasara ng mga pintuan at bintana ng biglaan.
3. Pagdating ni Ibarra sa bahay, kaagad na inutusan ni Ibarra ang kanyang katulong
na ihanda ang kanyang kabayo. Tumuloy siya sa gabinete at isinilid nya ang
kanyang maleta ang mga hiyas, salapi, ilang mga kasukatan at larawan ni Maria.
Nagsukbit siya ng isang balaraw at dalawang rebolber. Ngunit aalis na lamang siya
nakarinig sya ng malakas na pagputok sa pintuan. Tinig ng isang kawal na kastila.
Lalaban sana siya ngunit nagbago ang kanyang isip. Binitawan niya ang kanyang
baril at binuksan ang pinto. Dinakip siya ng Sarhento ng mga dumating na kawal.
4. Sa kabilang dako, gulong gulo ang isip ni Elias ng pumasok siya sa bahay ni Ibarra.
Para siyang sinusurot sa sariling budhi. Naalalala niya ang sinapit ng kanyang
angkan, ang kanyang nuno, si Balat, kapatid na babae at ang kanyang ama.
Waring ang lahat ay tinatawag siyang duwag isang duwag. Labis na
pangingipospos ang kanyang damdmin. Hanggang sa maisip niyang balikan ang
bahay ni Ibarra. Dinatnan niya ang mga katulong ni Ibarra na hilong naghihintay sa
kanilang amo. Nang malaman niya ang nangyari kay Ibarra, nagkunwari itong
umalis. Pero lumigid lamang saka umakyat sa bintana na patungo sa gabinete.
Nakita niya ang mga kasulatan, mga aklat, alahas at baril.
5. Ang mga kawal ay nagpupumilit namang pumasok. Sinabihan sila ng matandang
katulong ng walang pahintolot sa may-ari, kaya hindi maa-ari silang pumasok.
Naalaska ng husto ang directocillo, sa isang hudyat niya tinabig ng kawal ang
matanda at mabilis silang pumanik. Pero sinalubong sila ng makapal na usok at
ang apoy na nakarating na sa gabinete. Biglang nagkaroon ng bmalalakas na
pagsabog. Mabilis pa sa lintik na umatras at nanaog ng bahay ang mga kawal
kasama ang mga katulong ni Ibarra.

Kabanata LVII
Ang Mga Sabi-sabi

Mga Tauhan

Kapitan Pablo
Ang sinasabing nagsimula ng pagsasalakay sa nakaraang gabi.
Ibarra
Tinangka niya raw itanan si Maria Clara.
Maria Clara at Linares
Ang itinakdang magpakasal.
Bruno
Ang nagtapat sa tunay na nangyari sa nakaraang gabi. Si Bruno ay isang Indio, kapatid
ni Tarsilo, at anak ng isang lalaking namatay dahil sa palo ng mga guardia sibil . Sila ni
Tarsilo ay inimbitahan ni Lucas na sumapi sa mga tulisan at sumama sa pag-atake sa
kwartel ng mga guardia sibil mapaghigantian ang pagkamatay ng kanilang ama.
Lucas
Ang kanyang bangkay ay natagpuang nakabitin sa sanga ng isang puno.

Mga Mahahalagang Pangyayari


1. Sakmal pa rin ng takot ang buong bayan ng San Diego. Ni isa mang tao ay walang
makitang naglalakad sa gitna ng daan. Tahimik na tahimik ang buong paligid.

2.

3.

4.

5.

Pamaya-maya, isang bata ang naglakas loob na magbukas ng bintana at inilibot


ang paningin.
Ang mga magkakapit-bahay ay nagbalitaan. Lubhang kalagim-lagim daw ang
nagdaang gabi tulad noong mandambong si Balat. Sa kanilang pag-uusap,
lumilitaw na si Kapitan Pablo raw ang sumalakay. Ipinapalagay naman ng iba na
ang mga kuwadrilyero raw kaya dinakip si Ibarra.
Ang mga lalaki ay nagpunta naman sa kuwartel at sa may tribunal. Lumitaw pa sa
usapan ng mga tao na tinangka raw ni Ibarra na itanan ang kasintahang si Maria
upang hindi matuloy ang pakikipag-isang dibdib niya kay Linares. Kaya lang
sinansala ni Kapitan Tiyago ang kanilang pagtatanan sa tulong ng mga sibil.
Nakausap ni Hermana Pute ang isang lalaking kagagaling lamang sa tribunal.
Sinabi nitong nagtapat na si Bruno. Pinatunayan nito ang balita tungkol sa
magkasintahang sina Ibarra at Maria. Sa ngitngit daw ni Ibarra, pati simbahay nais
niyang paghigantihan, mabuti na lamang at nasa bahay ni Kapitan Tiyago si Pari
Salvi.
Ang mga sibil daw ang sumunog sa bahay ng binata. May isang utusang babae
naman ang nagpahayag na nakita niyang nakabitin sa ilalim ng puno ng santol si
Lucas.

You might also like