Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

"Dahilan sa Bayan sa pagdirigmaan,

Dahil sa Bayan din sa kapayapaan,


Itong Pilipino ay maasahang
Marunong mabuhay o kayay mamatay."
Kahit sa panahon ngayon kinakaharap parin
ng ilan sa ating mga kababayan ang sobrang
kahirapan ngunit kilala tayong ngumingiti at
masaya kahit sa kahirapang ito. Sabik
matikman ang kasaganahan ng totoong
buhay at handa harapin ang kahirapan kung
yaoy darating.
"Lupay maaring magmamatigas
naman,
At magwalang-awa ang sikat ng araw
Kung dahil sa anak, asawa at Bayan,
Ang lahat sa ating pagsintay gagaan."
Para naman sa kalalakihan ng Lipa, ang
trabaho nila ay tatak ng kabuhayan. Sipag at
tyaga ang sandata at dugo't pawis ang
ibidensya ng kanilang buhay. Mula sa
pagsikat ng unang kulay nang umaga handa
silang magtrabaho para sa kinabukasan ng
kanilang pamilya. Isang simbolo na sana'y
makuha ng lahat ng Pilipino lalong lalo na
ang mga ama. Ang kahirap ay kanilang
binabaliwa dahil para ito sa kanilang
kinabuhayan at kinabukasan ng kanilang
mga anak. Ang bagay ni hindi pinaghihirapan
ay kahit kelan ma'y kaligayahan ay hindi
makakamit.
Ang ama ay itinuturing gabay ng kanilang
mga anak at ang sipag na kanilang
ipinapakita ay maaasahang gagawin rin ng
mga bata. Sila ang halimbawa na hinahanap
ng marami at kinakailangan ng bayan.
Nasasakanila ang pag-angat ng inang bayan.
"Magmasigla kayong yao sa gawain,
Pagkat ang babay nasa-bahay natin,
At itinuturo sa batang mahalin
Ang Bayan, ang dunong at gawang
magaling
Pagdatal ng gabi ng pagpapahinga,
Kayoy inaantay ng tuwat ligaya
At kung magkataong saama ang
manguna,
Ang magpapatuloy ang gaway ang
sinta. "
Ang sipag ng ama ay siyang sinusuklian ng
asawang tapat at tunay na umiibig. Ang ina
ang liwanag ng tahanan. Lahat ng

ipinaglalaban ay sadyang walang kapalit


kapag para sa iniibig. Tunay nga naman na
para sa lalaki ang buhay na pinahahawakan
ay baliwala kapag walang hinahatian. Ang
ina ang sumasalo ng hirap na d kinakaya ng
ama. Kapag sila ay magkasama lahat ay
kayang lagpasan.
"Mabuhay! Mabuhay! Paggaway purihin
Na siyang sa Bayay nagbibigayningning!
At dahil sa kanyay taas ng paningin,
Yamang siyay dugo at buhay na
angkin.
At kung may binatang nais na lumigaw,
Ang paggaway siyang ipaninindigan;
Sapagkat ang taong may sipag na
taglay,
Sa iaanak nyay magbibigay-buhay."
Ang buhay nang bayan ay hindi humihinto sa
mag-asawa at sa kanilang anak. Mula sa
pagkabata siya rin ay lalaking tunay binata't
dalaga. Marami ang lumalaban sa Kastila na
sa maagang edad ang mga kalalakihan ay
sumasabak.Para sa mga dalaga ang masibag
at matyaga ang nananaig sa kanilang mga
puso. Ang panliligaw ay isang halimbawa.
Suyuin ng mga binata ang kanilang iniirog sa
hinaharap panghabang buhay nilang
makakasama. Ang mga nagnanais na
mabuhay na sagana ay tinalag dapat ang
gawain ang paghirapan. Ang matibay at
malakas ganun rin ang katangian na
posibleng makuha ng magiging anak.
"Kami ay turuan ninyo ng gawain;
At ang bukas ninyoy aming tutuntunin
Bukas, kung tumawag ang bayan sa
amin,
Ang inyong ginaway aming tatapusin."
Ang ala-ala at lahat ng pinaghirapan nang
magulang ay dadalhin din ng kanilang mga
anak. Ang mga bata ang kinabukasan ng
bayan. Sa huli ay lahat ng ating ginawa ay
isasalin rin natin sa mga bata ng susunod na
henerasyon. Sila'y ating turuan at bigyan ng
pag-asa para sa kinabukasan nila at para sa
atin narin.
Kasabihan niyong mga matatanda:
Kung ano ang amay gayon din ang
bata,
sapagkat sa patay ang papuriy wala.

Maliban sa isang anak na dakila.

You might also like