Filipino 4

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 21

FILIPINO IV

Date: ______________
I. LAYUNIN:
1.Natatalakay ang bahagi ng pananalitang pang-uri.
2.Nagagamit ang mga pang-uri sa paglalarawan ng tao,bagay,pook, at pangyayari.
3.Napahahalagahan ang pakikinig ng mataman sa nagsasalita.
II. PAKSANG ARALIN:
Paggamit ng mga Pang-uri sa Paglalarawan ng Tao,Bagay,Pook at Pangyayari
Sanggunian:
PELC 4, 4.1 pah.19 Hiyas sa Wika 4 pah.104-109
Kagamitan:
projector,larawan
III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
2. Pagganyak
Ipalarawan sa mga mag-aaral ang kanilang paaralan.
B.Panlinang na Gawain
1.Paglalahad
Ilahad ang inihandang presentation ukol sa aralin gamit ang projector.
2.Pagtalakay
Pang-uri- ay mga salitang naglalarawan ng tao,bagay,pook at pangyayari.Maaari ring ilarawan
ng pang-uri ang damdamin.
3.Paglalahat
Gabayan ang klase sa pagbuo ng paglalahat. Itanong: Ano ang pang-uri? Ano ang katangian ng
pang-uri?
Tandaan :
Ang pang-uri ay salitang naglalarawan o nagsasabi ng katangian ng isang pangngalan o
panghalip.
4.Paglalapat
Panuto: Bilugan ang pang-uri sa pangungusap at isulat sa patlang kung ang inilalarawan at
tao,bagay,pangyayari,at pook.Sanayang aklat Filipino sa Bagong Henerasyon 4 pah.4 Mga
Pagsasanay A.
__________1.kaakit-akit ang kutis ni Thelma.
__________2.Ang aking alagang aso ay matalino.
IV. PAGTATAYA:
Panuto: Punan ang patlang ng panaguring kasalungat ng mga salitang may salungguhit.
1.
2.
3.
4.
5.

Tahimik sa nayon ng San Isidro. ______ naman sa Sta. Eleman.


Ayaw ko ng damit na masikip. Ang ibig ko ay ______.
Mahaba ang talumpati niyang binigkas ______ ang isinagot ni G. Morales.
Napakakapal ng aklat na dala-dala ni Chito subalit ______ ang kanyang kuwaderno.
Maasim ang mangga kung hindi ______

V. TAKDANG-ARALIN:
Gumawa ng talata na gumagamit ng pang-uri sa paksang Ang Aming Paaralan.

FILIPINO IV
Date: ______________
I. LAYUNIN:
1.Natatalakay ang kaantasan ng pang-uri.
2.Natutukoy ang kaantasan ng pang-uri.
3.Naipagmamalaki ang magadang katangian ng Pilipino.
II. PAKSANG ARALIN:
Antas ng Pang-uri
Sanggunian:
BEC-PELC BLg 4.4.1 pah.22,Hiyas sa Wika 4 ph.119-120,Banghay-aralin
Filipino sa Bagong Henerasyon 4 pah.58-59,
Kagamitan:
projector ,Sanayang aklat
III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
2. Pagganyak
Magpakita ng larawan.Ilarawan ang bawat isa at paghambingin paghambingin.
B. Panimulang Gawain
1.Paglalahad
Ilahad ang inihandang presentation ukol sa aralin gamit ang projector
Pagbasa ng isang talatang naglalarawan na nakalahad sa projector.
Si Mang Ramon ay aktibo sa mga gawaing pambaranggay sa sa kanilang pook.Hindi
siya tumanggap o naghihintay ng bayad sa kanyang paglilingkod o pagtulong.
Lahat ng kanyang mga anak ay tapos na sa kanilang piniling propesyon at may mga
hanapbuhay na rin.
Si Mang Ramon ay tumanggap ng maraming karangalan at medalya dahil sa kanyang
pagiging mabuting ama ng tahanan at higit sa lahat ay ang pagiging mabuting ama sa
kanilang barangay.
2.Pagtatalakay
1. Ano-ano ang mga ginamit na salita sa paglalarawan?Sa paghahambing?
2.Ano ang inilarawan ng mga pang-uring ginamit?
3.Ilan ang kaantasang ginamit sa talata?
4.Paano ipinakita ng kaantasan ng pang-uri?
3.Paglinang na kasanayan
Bilugan ang mga pang-uri at isulat kung anong kaantasan ito.
________1.Si Gng. Santos ay mabait na ina.
________2.Magsinghaba ng buhok sina Nora at Alma.
________3.Si Yuri ang pinakamalusog sa kanilang lahat.
________4.Mas mabait si ate kaysa kay kuya.
________5.Matiyaga sa pag-aaral ang aking pinsan.
4. Paglalahat
Ano ang Pang-uri?Ano-ano ang kaantasan ng pang-uri?Ano ang lantay?pahambing?
pasukdol?
Ang tatlong kaantasan ng pang-uri ay:
Lantay -naglalarawan ang pang-uring lantay ng isang pangngalan o panghalip na walang
pinaghahambing.
Pahambing -nagtutulad ang pahambing sa dalawa o higit pang pangngalan o panghalip.
Pasukdol -ang pasukdol ay katangiang namumukod o nagngingibabaw sa lahat ng
pinaghahambingan.
5.Paglalapat
Gawin ang MGA PAGSASANAY A sa sanayang aklat pah.80 (1-5).
IV. PAGTATAYA:
Gawin ang MGA PAGSASANAY B sa sanyang aklat pah.81-82 (1-5).
V. TAKDANG-ARALIN:
Ihambing ang mga sumusunod sa tatlong kaantasan.
1.mansanas,ubas,kahel
LantayPahambingPasukdol-

FILIPINO IV
Date: ______________
I. LAYUNIN:
Pagsulat
Natutukoy ang iba't ibang uri ng liham na pangkaibigan .
Nakasusulat ng liham pangkaibigan
Pagpapahalagahan ang pagmamahal sa pamilya at kapwa-tao.
II. PAKSANG ARALIN:
Pagtukoy sa iba' ibang uri ng Liham Pangkaibigan.
Sanggunian:
BEC PELC 4.1 ,55,Hiyas sa Wika 4 pah. 176-178
Kagamitan:
projector
III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
2. Pagganyak
Itanong: Paano natin maipapahatid ang ating mensahe sa ating mahal sa buhay na nasa malayang
pook a nasa ibang bansa?
B. Paglalahad
Ilahad ang iba't ibang uri ng mga liham pangkaibigan ipabasa sa mga bata ng tahimik.
Liham Pangkaibigan
a. Liham Pagbati liham na bumabati sa isang taong may espesyal na nangyari sa kanya.
b. Liham Paanyaya liham na nag-aanyaya sa isang pagtitipon tulad ng kaarawan, pagtatapos,
piyesa at iba pa.
c. Liham Pasasalamat liham na nagpapasalamat sa taong nagbibigay ng regalo o pabor.
d. Liham Pakikiramay liham na nakikiramay sa masamang nangyari.
e. Liham Paumanhin liham na humihingi ng dispensa o paumanhin.
C. Pagtalakay
1. Pagsagot sa mga tanong tungkol sa mga liham.
2. Pagbasa sa liham ng bahaging sumasagot sa tanong.
a. Sino ang sumulat sa unang liham? Sino ang kanyang sinulatan? Ano ang sinabi ng sumulat?
b. Sino ang sumulat sa ikalawang liham? Sino ang kanyang sinulatan? Ano ang sinabi ng
sumulat?
c. Sino ang sumulat sa ikatlong sulat? Sino ang kanyang sinulatan? Ano ang mensahe ng
sumulat?
D. Panglinang na Kasanayan
Pangkatin sa lima ang mga bata. Sa unang grupo ibigay ang unang liham na tinatalakay. Sa
pangalawang grupo ang pangalawang liham. Sa pangatlong grupo ang pangatlong liham. Sa pangapat na grupo ang pang-apat na liham at sa panglimang grupo ang panlimang liham. Ipasuri at
ipasagot ang mga sumusunod na tanong:
a. Ano ang masasabi sa liham?
b. Anong uri ng liham ito?
E. Paglalahat
Anu-ano ang liham pangkaibigan?
Tandaan
a. Liham Pagbati liham na bumabati sa isang taong may espesyal na nangyari sa kanya.
b. Liham Paanyaya liham na nag-aanyaya sa isang pagtitipon tulad ng kaarawan, pagtatapos,
piyesa at iba pa.
c. Liham Pasasalamat liham na nagpapasalamat sa taong nagbibigay ng regalo o pabor.
d. Liham Pakikiramay liham na nakikiramay sa masamang nangyari.

e. Liham Paumanhin liham na humihingi ng dispensa o paumanhin.


F. Pagpapayaman ng Gawain
Sagutin ang GAWIN A 1-5. sa Hiyas sa Wika 4 pah. 138
IV. PAGTATAYA:
Isulat kung anong uri ng liham ang mga sumusunod.
_______1. Nakatanggap ng isang liham. Galing ito sa iyong kaibigan. Inanyayahan kang dumalo sa
kasal ng kapatid. Anong uri ng liham ito?
_______2. Nabalitaan mo na namatay ang tatay ng kaibigan mo. Nasa probinsya ka. Gusto mong
makiramay. Anong liham ang gagawin mo?
_______3. Araw ng Lunes. Maysakit ka. Lumiban ka sa klase. Anong liham ang ipadadala mo?
_______4. Paghingi ng paumanhin ni Benjie kay Nora. Sa hindi niya pagdalo sa kaarawan nito.
_______5. Kaarawan ni Rina sa ika-30 ng buwang ito. Inanyayahan niya ang kanyang mga kaibigan
na dumalo.
_______6. Naghandog si Bino kay Barbara ng magandang manika sa kanyang kaarawan.
Pinagpahalagahan niya ita.
V. TAKDANG-ARALIN:
Pumili ng isa sa mga liham pangkaibigan at sumulat ng isang maikling liham sa isang kamag-anak o
kaibigan.

FILIPINO IV
Date: ______________
I.

LAYUNIN:

II.

Naibibigay ang kahulugan ng opinyon at katotohanan.


Natutukoy ang pangungusap kung katotohanan o opinion.
Napapahalagahan ang kalikasan.

PAKSANG ARALIN:
Pagbibigay Kahulugan sa Opinyon at Katotohanan
Nakikilala ang Katangian ng mga Tauhan.
Sanggunian:
BEC-PELC Blg 15; Hiyas sa Pagbasa IV pah. 103-104
Kagamitan:
projector, Alamat ng Kasoy

III.

PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
May katotohanan ba na sa mas magagaling ang mga lalaki kaysa sa babae?
2. Pagganyak
Ipakita ang larawan ng kasoy Itanong: Anong uri ng pagkain ito ? Bakit nasalabas
ang buto ng kasoy?
3. Pagtatakda ng Layunin:
Nais nyo bang malaman kung bakit nasa labas ang buto ng kasoy? Sabihin na ang kwentong
kanilang panunuurin ay tungkol sa alamat ng kasoy?
Itanong:
Anu-ano ang nais ninyong malaman tungkol sa kwento?
Papagbigayin ang mga bata ng mga tanong na nais nilang malaman ukol sa kuwento.
1. Sinu-sino ang mga tauhan sa kuwento?
2. Bakit nasa labas ang buto ng kasoy?

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Ipabigay ang mga pamantayan sa pakikinig nang kwento.(Ang Alamat ng Kamya)
2. Pagtalakay
Pangkatin sa apat ang mga bata. Bawat pangkat ay may lider. Mag-uulat ang lider sa nakalap na
mga tanong na nagmula sa kanyang mga kapangkat na batay sa kuwento. Magkakaroon nang
talakayan sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong ng bawat pangkat. Gawin itong isang
paligsahan.
3. Panglinang na Kasanayan
a. Balikan ang kwentog binasa.
b. Isa-isahin ang mahalagang pangyayari sa kwento.
c. Suriin kung itoy opinyon o katotohanan.
4. Paglalahat
Kailan sinasabing isang opinyon ang isang pangyayari?
Kailan sinasabing isang katotohan ang isang pangyayari?

Tandaan
Katotohanan ay isang sinabi o ipinaliwanag sa akda kapag tunay na nangyari.
Opinyon ang isang sinabi o ipinahayag sa akda kapag ito ay kuru-kuro o sariling palagay lamang.

5. Pagpapayaman ng Gawain
Panuto: Kung inaalagaan ang kalikasan, lagyan ng tsek () ang patlang at ekeis ( x ) kung hindi.
_______ 1. Diniligan ang mga halaman.
_______ 2. Tinataga ang mga puno.
_______ 3. Nililinis ang paligid.
6. Pagpapahalaga
Panuto: Isulat ang K kung ang sinasabi ng pangungusap ay katotohanan at O Kung ito ay opinyon
lamang.
_______ 1. Ang araw ay nagbibigay ng init sa mundo.
_______ 2. Totoong lahat ang nababasa sa pahayagan.
_______ 3. Higit na matalino ang aso kaysa daga.
________4.Ang lahat ng kapitan ng baranggay ay pawang kabutihan ng sinasakupan ang iniisip.
________5.Ang pasko ay ipinagdiriwang tuwing Desyembre 25.
IV. PAGTATAYA:
Sagutan ang GAWIN 1-10 sa Hiyas sa Pagbasa 4 pah. 104
V. TAKDANG-ARALIN:
Basahin ang artikulong nasa ibaba. Sumipi rito ng limang pangungusap na nagsasabi ng katotohanan
at limang nagsasabi ng opinyon lamang.

FILIPINO IV
Date: ______________
I. LAYUNIN:
1.Nagagamit sa magkaugnay na pangungusap ang magkasingkahulugan/magkasalungat na
talasalitaan.
2.Natatalakay ang magkasingkahulugan/magkasalungat na salita.
3.Napahahalagahan ang pakikinig ng mataman sa nagsasalita.
II. PAKSANG ARALIN:
Paggamit Sa Magkaugnay Na Pangungusap Ang Magkasingkahuluga/Magkasalungat
Sanggunian:
BEC-PELC 4.3.1 pah.22 Banghay Aralin Filipino Bagong Henerasyos 4 pah. 57-58.
Kagamitan:
projector
III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
2. Pagganyak
B. Paglalahad
Ilahad ang inihandang presentation gamit ang projector.
Pag-aralan ang mg salitang may salungguhit sda pangungusap.
1.Si Maris aty may tibay ng loob.Siya ay matatag.
2.Malinis ang tubig na kanilang iniinum.Ito ay dalisay.
3.Masipag si Ana .Si Lita ay tamad.
C. Pagtalakay
1.Ano ang masasabi ninyo sa mga halimbawang pangungusap?
2.Ano ang kahulugan ng tibay ng loob?ng malinis?
3.Ano ang kasalungat ng masipag?
4.Bakit kailangan nating malaman ang kahulugan ng mga talasalitaan? Mga
Kasalungat nito?
D. Paglalahat
Makakatulong sa pagpapalawak ng talasalitaan ang pagkilala ng kasingkahulugan ng
salita.Maaaring may dalawa o higit na kasingkahulugan ng salita.Mayroon din tayong mga salitang
magkasalungat ang kahulugan.Kasalungat ang salita kapag kabaligtararan ang kahulugan nito.
E. Paglalahat
Sagutan ang PAGSASANAY 1-5 Hiyas sa Pagbasa 4 pah. 85
IV. PAGTATAYA:
Isulat sa patlang kung magkasingkahulugan at magkasalungat ang mga salita.
__________1.Pumupuri-pumupuna
__________2.matalas-matalim
__________3.Kinupkop-kinalinga
__________4.madalas-bihira
__________5.umalis-lumisan
__________6.tahimik-payapa
__________7.Malayo-malapit
__________8.namalas-nakita
__________9.maliit-munti
__________10.sagana-kulang
V. TAKDANG-ARALIN:
Magbigay ng 5 halimbawa ng salita at isulat ang kahulugan at kasalungat nito.

FILIPINO IV
Date: ______________
I. LAYUNIN:
Napagsusunod-sunod ang mga salita ayon sa bagong alfabeto.
Naibibigay ang mga detalye ng binasa.
II. PAKSANG ARALIN:
Ang bagong alfabeto
Sanggunian: BEC-PELC ______Banghay Aralin Filipino Bagong Henerasyos 4 pah. 63-65.
Kagamitan: projector
III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
2. Pagganyak

B.Paglalahad:
Ayon sa itinadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso,dapat
magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at itaguyod ang paggamit ng Filipino
bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.
(Artikulo XIV,Seksyon 6)
Sa kasalukuyan,ang Filipinong nililinang ay batay sa Pilipino.Ito ay sa pamamagitan ng
talasalitaan at pagpapasok ng pagbabago sa ortograpiya ng wika para makatugon sa pangangailangan
pang-edukasyon.
Ang makabagong alfabeto ay binubuo ng 28 letra.A,B,C,D,E,F,G,H,I,J,K,L,M,N,
N,NG,O,P,Q,R,S,T,U,V,W,X,Y,Z. Ang bigkas ay ayon sa bigkas ingles maliban sa n(enye) na bigkas
kastila.
C.Pagtalakay
1.Ilan letra ang bumubuo sa makabagong alfabeto?
2.Paano binibigkas ang__? Ang n ?
3.Anong artikulo at seksyon sa konstitusyon ng 1987 ito nakapaloob ang tungkol sa Wikang
Pambansa?
D.Paglinang na kasanayan:
Sagutin ang MGA PAGSASANAY B sa Sanayang Aklat Filipino sa Bagong Henerasyon 4
Pah.59.
E.Paglalahat:
Sa pag-aayos ng mga salita,kailangan ay sundin ng paalfabeto ang mga ito
IV.Pagtataya:
Sagutin ang MGA PAGSASANAY C 1-10 . sa Sanayang Aklat Filipino sa Bagong Henerasyon 4
pah.60.
V.Takdang-aralin
Lagyan ng tsek (/ )ang patlang kung tama ang ayos ng mga salita at ekis (x) kung hindi.
_______1.sombrero,lalaki,paying
_______2.kalan,gas,plantsa
_______3.baka,bisiro,guya
_______4.barko,eroplano,paliparan
_______5.atis,lansones,ubas
_______6.Kabayo,kalesa,kalabasa
_______7.lapis,papel,aklat
_______8.bangko,mesa,kuya
_______9.nanay,tatay,kuya
_______10.bata,guro,punongguro

FILIPINO IV
Date: ______________
I. LAYUNIN:
Natatalakay ang mga bahagi ng liham
Nakasusulat ng liham pangkaibigan
Napahahalagahan ang pagsusulat ng malinis at maayos
II. PAKSANG ARALIN:
Bahagi ng Liham
Sanggunian:
Hiyas sa Wika pah.129-130
Kagamitan:
projector
III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
2. Pagganyak
Ano ang pwede nyong gawin upang maipaabot ang nais ninyong ipaalam sa isang kaibigan
na nakatra sa malayong luga?
B. Panlinang na Gawain
1.Paglalahad
Ilahad ang inihandang presentation gamit ang projector.
2.Pagtalakay
Ano-ano ang mga bahagi ng liham?
3.Paglalahat
MGA BAHAGI NG LIHAM

Pamuhatan - nakikita ang address ng sumulat gayon din ang petsa..


Hal.
Purok 8,Brgy. IV,
Daet, Camarines Norte
November 4,2014
Bating panimula - pambungad na pagbati sa sinusulatan.
Hal.
Mahal kong Weng,
Katawan ng Liham- dito isinasaad ng sumulat ang dahilan ng kaniyang pagsulat
Hal.
Kumusta ka na?Matagal ding hindi tayo nagkasulatan.Naging
abala kasi tayo sa pag-aaral.Malapit na ang pasko kaya inanyayahan
kitang ditto na magbakasyon.Masaya ditto lalo na sa Enero ang buwan ng
Ati-atihan.
Sabihin mo kung matutuloy ka at nang masalubong ka.Isama mo
ang iyong mga kapatid.
Bating pangwakas- pamamaalam ng sumulat
Hal.
Ang iyong pinsan,
Lagda-pangalan ng
Hal. Alma

sumulat

4. Pagpapayaman ng Gawain
Isulat sa patlang ang bahagi ng liham na tinutukoy.
(3)___________

Poblacion,Bacon Districit,
Sorsogon City
Ika-2 ng Marso,2011

Mahal kong tita Ana,


(4)_________
_______ (1) Inaanyahan ko po kayong pumunta sa aking graduation na magaganap sa April 6 alas 8 ng
umaga.Alam ko pong matutuwa kayo para sa akin dahil magtatapos ako ng elementarya na may sertipiko
at diplomang matatanggap.
Inaasahan ko po ang inyong pagdating.
(2)____________
(5)_______

IV. PAGTATAYA:
Sagutin ang GAWIN B. 1-5 at C. 1-5 Hiyas sa Pagbasa 4 pah.138.
V. TAKDANG-ARALIN:
Bumuo ng sariling liham tungkol sa pagliban sa klase.Isulat a papel.

Nagmamahal,
Fiona

FILIPINO IV
Date: ______________
I. LAYUNIN:

Natatalakay ang mga uri nga pang-uring pamilang


Natutukoy ang pang-uring pamilang sa pangungusap.
Napahahalagahan ang mga hayop sa ating paligid.

II. PAKSANG ARALIN:


Pang-uring Pamilang
Sanggunian:
Pag-unlad sa Wika at Pagbasa 4 pah.117-120
Kagamitan:
Projector
IV.
PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
2. Pagganyak
Magpapakita ng larawan ng zoo.
Ano-ano ang mga makikita sa zoo
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Ilahad ang inihandang presentation gamit ang projector.
Sa Manila Zoo
Tatlungpong batang mag-aaral ang namasyal sa Manila Zoo.Labingwalo
Ang mga lalaki at labindalawa ang mga babae.Sakay sila sa dalawang malalaking
jeep.Kasama nila ang apat na guro.
Masaya ang mga bata.Nakita nila ang isang malaking elepante,dalawang leon,
tatlong giraffe at maraming tsonggo.May isang maamong tigre na natutulog sa isang sulok.
nakalubog sa tubig ang isang malaking hippopotamus.Ang kanyang mahabang ulo at pangit
na mukha ang nakalitaw sa tubig.Marami pang maiilap na hayop at mga ibon ang kanilang
nakita.
2. Pagtalakay
Ano ang pang-uring pamilang?uri ng pang-uring pamilang?
3. Paglalahat
Pang-uring pamilang-

ay nagsasabi ng dami o bilang ng pangngalan at panghalip.

Uri ng Pamilang
Patakaran/Kardinal bilang sero hanggang trillion
`hal. isa ,dalawa, tatlo
Pamahagi hal.

paghahati-hati o pagbabahagi
1/4 - sangkapat,3/4 - tatlong kapat,8/10 - walong kasampu

Panunuran/Ordinal pagkakasunod-sunod ng mga bilang


hal.
una,ikalawa,ikatlo / pangalawa,pampito,pangwalo
Palansak hal.

grupo o maramihan;inuulit ang unang salita o nilalagyan ng


panlaping han/an.
tatlu-tatlo , daang-libo,trak-trak

4. Paglalapat
Ikahon ang pang-uring pamilang at isulat sa patlang kung patakaran, panunuran, pamahagi,
palansak ang uri nito.
____________1.Dala-dalawa ang dala mong mangga.
____________2.Ang sakay ng trak ay saku-sakong bigas.
____________3.Sangkapat ng keyk ang para sa akin.
____________4.Ang inakay ay sampu.
____________5.Siya ay panlimang await sa telebesyon.

IV. PAGTATAYA:
Isulat sa patlang ang uri ng pamilang na may bilang.
1.libo-libong tao
2.sanlaksa ang dumagsa
3.ikalawang pwesto
4.kalahating dosena
5.sangkapat na ektarya
6.daan-daang pirasop
7.limangdaang kawani
8.kalahating porsyento ng sanlibo
9.limang taong gulang
10.kahun-kahong mansanas

____________________
____________________
____________________
____________________
____________________
____________________
____________________
____________________
____________________
____________________

V. TAKDANG-ARALIN:
Salungguhitan ang mga pang-uring pamilang sa bawat pangungusap.
1.Libo-libo ang kinita nya sa ibinentang asukal.
2.Ang dumating ay limang matanda.
3.Si Aton gang pangatlong nahalal sa klase.
4.Ang regalo nya ay saput-sapot na prutas.
5.Ang kalahating ubas ayagad naubos.

FILIPINO IV
Date: ______________
I. LAYUNIN:
Natutukoy ang pang-abay sa pangungusap.
Nagagamit sa pangungusap ang mga pang-abay.
Napahahalagahan ang pakikinig nang mataman sa nagsasalita.
II. PAKSANG ARALIN:
Pang-abay
Sanggunian: PELC 5.1, Pah..22-a ,Hiyas sa Wika 4 pah.147,Sanayang Aklat Filipino
sa Bagong Henerasyon 4 pah.88-89
Kagamitan:
projector
III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
2. Pagganyak
Ano-ano ang pamantayan sa panonood ng presentation gamit ang projector?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Ilahad ang inihandang presentation gamit ang projector ukol sa aralin.
2. Pagtalakay
Ano ang pang-abay?
3. Paglalahat
Ang Pang-abay ay bahagi ng pananalitang nagbbibigay turing sa pandiwa, pang-uri,
o kapwa pang-abay.
Ang mga pang-abay ay nagsasabi ng kung paano, kailan, at saan
4. Paglalapat
Salungguhitan ang pang-abay sa pangungusap.
1.Tahimik na nakaupo sa sulok si Glenda nang ako ay dumating.
2.Dahan-dahan pumasok sa Aries sa kwarto.
3.Ang dalaga ay kiming ngumiti sa amin.
4.Magalang na bumati ang mabait na bata.
5.Ang may sakit na matanda ay umungol nang mahina.
IV. PAGTATAYA:
Sagutin ang MGA PAGSASANAY A 1-10 sa Sanayang Aklat Filipino sa Bagong Henerasyon 4
pah.88.
V. TAKDANG-ARALIN:
Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na pariralang pang-abay.
1.sa likod-bahay
2.tuwing Sabado
3.dahan-dahang lumakad
4.maingat na sumulat
5.mabagal kumain

FILIPINO IV
Date: ______________
I.

LAYUNIN:
Nauuri ang pang-abay sa pamanahon,panlunan,pamaraan

II. PAKSANG ARALIN:


A. Deskripsyon:
1. Nilalaman:: Paggamit ng sagot sa isang liham pangkaibigan.
Sanggunian:
Kagamitan:

BEC-PELC IV 2.2.4 pah. 52 at 54


Filipino sa Makabagong Panahon Wika 4 ph. 183-185
liham na nakasulat sa manila paper

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
1. Anu-ano ang mga limanag bahagi ng liham?
2. Anong bahagi ng liham kung saan matatagpuan ang pinanggalingan ng sulat at ang petsa ng
gawin ito?
2. Pagganyak
Paano natin maipahahatid an gating mensahe sa ating mga mahal sa buhay na nasa malayong
pook o nasa ibang bansa?
B. Paglalahad
1. Ipabasa sa isa o dalawang mag-aaral na mahusay bumasa ang mha liham n nakasulat sa manila
paper.
C. Pagtalakay
Pagsagot sa mga tanong tungkol sa liham
1. Anong uri ng liham ang inyong binasa?
2. Kanino galing ang liham pangkaibigan? Kailan ita sinulat? Sino ang kanyang sinulutan?
3. Ibigay ang mensahe ni Noel para kay Joseph.
D. Panglinang na Kasanayan
1. Pangkatang Gawain:
Humanap ng Kapareha. Pag-usapan ang dalawang liham. Paghambing ang mga ito.
Ipabanggit ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga ito.
2. Itanong:
Sa kabuuan, ano ang mga dapat na tandaan sa pagsusulat ng liham pangkaibigan?
E. Paglalahat
Sa pagsulat ng liham pangkaibigan, ito ay dapat na may pamuhatan, bating pambungad, katawan
ng liham, bating pangwakas at lagda. Sa pagsulat, dapat wasto ang pagpapalugit, nakapasok ang
unang salita sa talata at ginagamitan ng tamang bantas sa mga pangungusap na nasasaad.

F. Pagpapayaman ng Gawain
Pagbasa ng isan liham pangkaibigan at sumulat ng kasagutan dito.
G. Pagpapahalaga
Ipaliwanag: Bakit dapat maging maalalahanin sa kaibigan? Bakit dapat pa natin silang sinusulatan?

IV. PAGTATAYA:
Bumuo ng isang maikling liham na pangkaibigan.
V. TAKDANG-ARALIN:
Sumulat ng isang maikling Iiham.
Kumbidahin mo ang iyong pinsan sa malalapit mong kaarawan. Sabihin mo kung kailan, kung
anong oras at kung saan mo sila hihintayin.

FILIPINO IV
Date: ______________
I. LAYUNIN:
Pagbasa
Nakikilala ang mga matatalinghagang salita at idyoma.
Pagsasalita
Nakapagpapahayag ng ginagamit ang matatalinghagang salita na naglalarawan ng Pilipinong
nagmamalasakit sa kapwa.
Pagpapahalaga: Pagsunod at Paggalang sa Magulang
II. PAKSANG ARALIN:
A. Deskripsyon:
1. Kasanayan: Pagkilala at paggamit ng mga matatalinghagang salita at idyoma.
2. Nilalaman:

Pagsunod at Paggalang sa Magulang

Sanggunian:

BEC - PElC, Pagbasa dh, Pagsasalita - dh; Si Ina at Ako, Filipino Ngayon ph. 9495; Hiyas ng Filipino, ph. 166-169

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
a. Bugtungan ng mga bata.
b. Pagbibigay-kahulugan ng mga bata sa salawikain.
Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan, Hindi makakarating sa
paroroonan.
2. Pagganyak
a. Ipabasa
I - kaw sa akin ang siyang nagsilang
N - agiging sandigan sa maraming bagay
A - kin kang itinatangi sa puso ko magpakailanman.
Ina, aking mahal.
Maraming salamat, ika'y nariyan
b. Ibigay ang diwa ng tula.
3. Pagpapalawak ng Talasalitaan:
Ipauri at ipabigay ang kahulugan ng salitang nakasalungguhit sa pangungusap.
1. Limiin mo muna ang iyong sasabihin bago ka magsalita.
2. Walang kahulilip ang ina sa puso ng kanyang anak.
4. Pagtatakda ng Layunin:
a. Ipakita ang larawan ng ina na kasama ang anak. Ipatukoy kung paano hinuhubog ng ina sa
kagandahang-asal ang anak.
Ipagamit an tsart ng kaalaman
Paghubog sa Kagandahang-asal ng Ina sa Anak
Prayor na kaalaman
Bagong kaalaman

B. Paglalahad
Pagbasa ng guro sa tula at pagsunod sa talata.
C. Pagtalakay
1. Ipasagot ang mga sumusunod na tanong.
a. Dapat bang magdamdam sa palo ng magulang? Bakit?
b. Basahin at ipaliwanag ang ikaapat na saknong
2. Ipasulat ang kanilang bagong kaalaman sa tsart at pag-usapan.
D. Panglinang na Kasanayan
Ibigay ang mga sumusunod na idyoma at kanilang kahulugan at ipagamit sa pangungusap.
1. haligi ng tahanan - ama
2. ilaw ng tahanan - ina
3. anakpawis - mahirap
4. isang kahig, isang tuka - mahirap
E. Paglalahat
Ano ang idyoma o matalinhagang salita?
F. Pagpapayaman ng Gawain
Pangkatang Gawain:
1. Ipabasa ang usapan sa tsart at hayaan ang bawat pangkat na magparamihan ng idyomang
makukuha.
G. Pagpapahalaga
Kasunduang gagawa ng isang talata o tula ang mga bata tungkol sa kanilang ina o ama.
IV. PAGTATAYA:
A. Salungguhitan ang idyoma sa bawat pangungusap.
1. Masipag ang inyong ilaw ng tahanan.
2.Anakpawis lang si Andres Bonifacio.
B. Punan ang bawat puwang nang angkop na idyoma. Piliin sa kaliwa tamang sagot.
1. Nasa (mabuting) kamay ang iyong mga gamit. Huwag kang magalala.
2. Kahit ako'y (isang) kahig, isang (tuka), nagsisikap pa rin akong umunlad.
V. TAKDANG-ARALIN:
Sumipi ng mga bugtong at salawikain. Ilagy sa puting papel.

FILIPINO IV
Date: ______________
I. LAYUNIN:
Pakikinig
Natutukoy ang pahayag na nagpapakilala ng tauhan, pangyayari at layon ng isang usapn o
kuwento
Pagsasalita
Nakapagpapahayag ng iba't ibang damdamin
Pagpapahalaga: Magtiwala sa Panginoon ng walang Pag-aalinlangan.
II. PAKSANG ARALIN:
A. Deskripsyon:
1. Kasanayan: Pagtukoy sa Pahayag na Nagpapakilala ng Tauhan, Pangyayari at Layon ng
Usapan o Kwento.
2. Nilalaman:: Kadakilaan at Kapangyarihan ng Maykapal.
Sanggunian:
Kagamitan:

BEC - PELC Bilang dh - Bagyong Pinatigil, Bumasa Upang Umunlad, ph. 10-12
larawan

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Hayaan ang mga bata na ilarawan ang mga tauhan sa kanilang paboritong kwentong nabasa
o narinig na.
2. Pagganyak
Pagdadasal ng buong klase sa pamumuno ng guro.
Ipasabi ang layon ng dasal na kasasambit lamang.
Ipatukoy ang kanilang nararamdaman kung taimtim na magdarasal.
3. Pagpapalawak ng Talasalitaan:
Gamitin sa pangungusap ang bawat sumusunod na salita at ipabigay ang kahulugan nito.
Apostles - Sinusundan si Jesus ng kanyang mga apostoles saan man Siya magpunta.
Binayo - Binayo nang malakas na hangin ang puna kaya ito nabuwal.
B. Paglalahad
Ipabasa nang sabayan sa dalawang pinakamagagaling na mambabasa sa klase ang kwento
habang tahimik na nakikinig ang ibang mga bata.
C. Pagtalakay
Anong himala ang ipinakita ni Jesus? Saan sila nakasakay? Bakit nakatulog si Jesus? Bakit
ginising Siya ng mga apostoles? Ano ang nangyari sa malakas na bagyo at alon? Ano ang nais
ipahiwatig ni Jesus nang sabihing, "Bakit kayo matatakot kung kasama ninyo Ako?"
D. Panglinang na Kasanayan
1. Balikan ang kwento at hayaan silang ibigay ang pahayag sa pagpapakilala o nagsasabing
Si Jesus ay makapagyarihan
Nagkaroon ng malakas na bagyo
Hindi pa lubos ang pananalig ng mga apostoles kay Jesus
E. Paglalahat
Itanong:
Maari bang makilala ang katangian ng mga tauhan, ang mga pangyayari at layon ng pag-uusap
kahit di tuwirang isinasaas sa kuwento?

Paano nagbibigay buhay ang binasang kwento?


F. Pagpapayaman ng Gawain
1. Hayaan silang magbigay ng mga pahayag na naaangkop sa bawat sumusunod. Ipagawa ang
pagbigkas sa wastong damdamin.
taong mayabang
taong masayahin
babaing masungit
G. Pagpapahalaga
Bumuo ng kasunduang lagi silang magdadasal at magsisimba.
IV. PAGTATAYA:
Ipapili ang pahayag na nagpapakilala ng:
1. Tauhan
Mahina ang loob
Kayang kaya ko yan
Ayoko na, hindi ko kaya
Ang galling, galing ko
2. Pangyayari
a. Kalungkutan
Naku! Ano yang ginagawa mo?
Talaga! Aalis ako
Huhu,hu! Bakit niya ako iniwan?
b. Kaligayahan
Ano? Aalis ka?
Marami pong salamat, Panginoon.
Ligtas na ang kapatid ko.
Aray! Ang sakit.
c. Pagkagulat
Mamm! Masarap ito.
Maligayang kaarawan!
Ay! Nahulog ang bata!
V. TAKDANG-ARALIN:
Pasulatin sila ng sariling dula-dulaan na nagpapahayag ng iba't ibang damdamin.

FILIPINO IV
Date: ______________
I. LAYUNIN:
Pagbasa
Nahihinuha ang namamayaning damdamin sa kuwentong binasa. Nahihinuha ang
namamayaning damdamin sa kuwentong binasa.
Pagsulat
Nakakasulat nang pabuod at pagsaklaw na lagom tungkol sa mga karanasan ng
pagmamalasakit ng Pilipino sa kapwa.
Pagpapahalaga: Pagmamalasakit sa kapwa
II. PAKSANG ARALIN:
A. Deskripsyon:
1. Kasanayan: Paghihinuya sa namamayaning damdamin sa kuwentong binasa
2. Nilalaman:

Pagmamalasakit sa kapwa

Sanggunian:

BEC-PELC Blg _
Ang natatakot ng Sandali, Yaman ng Diwa dh. 30-34

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Pagtukoy sa damdaming ipinahihiwatig ng bawat larawan
(masaya, malungkot, takot, galit)

2. Pagganyak
Ipatukoy kung ano ang mga pangyayaring ipinahihiwatig sa mga sumusunod:
Naghihiyawan ang mga tao.
Ang ibay nag-iiyakan.
Bitbit nila ang mga gamit palabas ng mga bahay.
3. Pagpapalawak ng Talasalitaan:
Pagtapat tapatin ang mga salita ang kahulugan nito.
Salita
kahulugan
Kahina-hinagap
Ningas
Sumuong
Sumuot
Lagaglab
Kagad-agad
Daglian
Kaide-ideya
4. Pagtatakda ng Layunin:
Ipakita ang larawan ng malaking sunog at ipakilala ang pamagat ng kuwento. Patnubayan
silang bumuo ng mga tanong at isulat sa pisara.

B. Paglalahad
Mga pamantayan sa pagbasa nang tahimik
Pagbasa sa kuwento Ang Nakakatakot na Sandali pah.171
C. Pagtalakay
Pangkatang Gawain. Pagsagot sa mga tanong na binubuo ng mga bata.
Bakit nagkagulo ang mga tao sad an?
Bakit nagmamakaawa at nag-iiyak ang babae?
Paano nakaligtas ang sanggol?
D. Panglinang na Kasanayan
Ipaisa-isa ang mga mahahalagang pangyayari sa kuwento at ipasulat sa flowchart upang
mabuo ang buod nito.
Ang Nakatatakot na Sandali
Buod
E.
Pagpapayaman ng
Gawain
Ipabasa ang
kuwento Sa
Prusisyon at gawin ang ipinagagawa sa bawat sumusunod na hakbang.
a. Ilagay ang mga detalyeng kailangan upang mabuo ang buod ng kuwento.
Pamagat: ________________
Tagpuan: ________________
Tauhan
________________
Mga Pangyayari:
Una:
________________
Pangalawa:
________________
Ikatlo:
________________
Wakas:
________________
F. Paglalahat
Paano binubuo ang pagbuod na lagom ng isang kuwento?
Pano binubuo ang panaklaw na lagom ng kuwento?
IV. PAGTATAYA:
Isalaysay ang kuwentong Higit na Mahal at gawin ang ipinagagawa sa bawat sumusunod na
hakbang.
1. Buod ng kuwento.
2. Pasaklaw na lagom ng kuwento
3. Mga damdaming namayani sa mga sumusunod na pangyayri:
a. Nagkasakit ang kapatid ni Jose ngunit walang pera ang ina.
b. Ipinagbili niya ang kanyang mahal na alagang aso.
c. Nilalaro ni Jose ang kanyang alagang aso.
V. TAKDANG-ARALIN:
Magbasa ng isang piling kuwento at isulat ang buod nito sa story frame

You might also like