Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 23

MGA SIKAT NA KABABAIHAN SA BANSANG PILIPINAS

ANITA MAGSAYSAY-HO

Si Anita Magsaysay-Ho (Manila, 25 May 1914- ) ay kilala para sa kanyang


mga abstrak na mga dibuho ng mga babae sa kanilang pang-araw-araw na
gawain at ng mga hubad na babae.
Nag-aral siya ng pagpipinta sa U.P. School of Fine Arts. Ilan sa mga kanyang
guro ay mga kilalang pintor tulad ni Fabian dela Rosa, Fernando
Amorsolo and Irineo Miranda. Sa pagtapos niya sa U.P. noong 1933, pumunta
siya sa U.S. para mag-aral pa sa Art Students League sa New York at sa
Cranbrook Academy of Arts sa Michigan.
Isa siya sa mga Modernists, ang iisang babae na kasama ng 13 na pintor na
nagpasimula ng mga estilong moderno noong 1950s. Noong 1958, isa siya
sa mga 6 Outstanding Filipino painters, kasama ni Vicente Manansala, Arturo
Luz, Hernando R. Ocampo, Carlos "Botong" Francisco, at Fernando Zobel, na
itinuring ng 8 kilalang tao sa larangan ng sining sa Manila Chroniclepanlinggo
na magasin This Week.
Si Anita Magsaysay-Ho, na kamag-anak ng dating presidenteng Ramon
Magsaysay, ay kilala para sa kanyang mga larawan ng pesanteng Filipina.
Ipinagdiwang niya sa kanyang mga kambas ang kababaihan ng bansa na sa
kalakhan ay manggagawang dagat at bukid: nagtatahip ng palay, umaani ng
prutas at gulay, nagtatali ng tinabas na tub, nagsusulsi ng lambat at
nagtitinda ng sariwang hli, naghahabi ng basket, nagluluto, nagtatanim.

MGA SIKAT NA KABABAIHAN SA BANSANG PILIPINAS

Malalim ang paghanga ni Magsaysay-Ho sa Filipina. Kahit na makailang beses


siyang tumira sa ibang bansa dahil sa negosyo ng kanyang asawa Hong
Kong, US, Brasil, Japan, at Canada nanatili sa kanyang puso ang kanyang
mga kababayan. Naging inspirasyon ang kanilang kilos, pag-uugali, paraan
ng pagpapakita ng ligaya at lunggati, kasipagan at kahinaan, ang kanilang
pagdiriwang ng buhay. Batid ko ang lakas, kasipagan, at dignidad ng
Filipina, dahil isa ako sa kanila, ang sabi ni Anita (sa Inggles) kay Alfredo
Roces sa librong Pagpupugay sa Kababaihan (In Praise of Women).
Malaki ang papel ni Magsaysay-Ho sa pagdadala ng estetikang modernista sa
pagpinta sa Pilipinas. Kasama niya sa listahan ni Victorio Edades ng 13
Modernista ng Pilipinas sina Galo Ocampo, Botong Francisco, Vicente
Manansala, H.R. Ocampo, Cesar Legaspi, Demetrio Diego, Diosdado Lorenzo,
Jose Pardo, Ricarte Purugganan, Bonifacio Cristobal, at Arsenion Capili. Sa
pamamagitan ng pagsasalarawan niya ng buhay Filipino at pagsasanib ng
tradisyunal sa modernista sa sining, nananatiling kayamanan ng bansa ang
kanyang iniwang mga likha.

MGA SIKAT NA KABABAIHAN SA BANSANG PILIPINAS

MARIA JOSEFA
SILANG

GABRIELA

CARI-O

MARIA Josefa Gabriela Cari-o Silang ang buong pangalan ng ating bayani
na mas kilala bilang Gabriela Silang. Marso 19, 1731 noong siya'y isinilang sa
kapatagan ng Sta Caniogan, Ilocos Sur. Nakilala siya sa kasaysayan bilang
ang matapang na si Gabriela.
Inampon siya sa murang edad ng mayaman at kilalang negosyanteng si Don
Tomas Millan. Sa edad na 20, nakipag-isang dibdib siya sa isang matanda
ngunit mayamang kilala sa kanilang bayan. Sa tatlong taong pagsasama ay
hindi pinalad na magkaroon sila ng anak at hindi nagtagal ay pumanaw ang
asawa ni Gabriela.
Taong 1757, nakapag-asawa siyang muli at sa pagkakataong ito, sa isang
binatilyong lider ng rebeldeng grupo naman na may edad na 27. Diego
Silang ang tunay niyang pangalan at tubong Caba, La Union siya.

MGA SIKAT NA KABABAIHAN SA BANSANG PILIPINAS

Kusang-loob na sumapi si Gabriela sa kilusan ng kanyang asawa. Masidhing


layunin nila ang palayain ang buong bayan ng Ilokos mula sa kamay ng mga
mapagsamantalang Kastila. Madalas na kasama si Gabriela sa mga labanan
upang sumuporta at ipaglaban ang sariling bayan.
Sa kasamaang palad, ang kaibigan na tinuring ni Diego na isang mestizo na
Kastila na nagngangalang Miguel Vicos ang siya ring nagtraydor at pumatay
sa kanya. Labis na dinamdam ni Gabriela ang masalimuot na pagkamatay ng
kanyang kabiyak. Dahil dito, lalo niyang pinag-alab ang pakikipaglaban sa
mga kastila. Pinangunahan niya ang grupong iniwan ng kanyang asawa. Ang
pagmamahal sa tinubuan at hapdi ng karanasan ang nagbunsod sa kanya
upang lupigin ang lahat ng mga Kastilang nais sumakop sa Ilocos.
Siya ang kauna-unahang babaing namuno ng rebolusyon sa Pilipinas.
Kasama ng mga tauhan ng kanyang asawa, hinikayat nila ang ibang mga
gerilya upang magkaisa at palawigin pa ang pakikipaglaban. Sa pangunguna
niya'y buong tapang nilang sinalakay ang mga mapagsamantalang mga
dayuhan sa Ilocos. At dahil dito'y lalong tumindi ang pagnanais ng mga
Kastila na patayin na siya. Nabalitaan naman ito kaagad ni Gabriela kaya't
pansamantala siyang nagtungo sampu ng kanyang mga tauhan sa Piddig,
Abra, kung saan nagtago at nagtayo sila ng mga "headquarter."
Ika-10 ng Setyembre 1763, muli silang nagbalik sa Vigan upang muling
makipaglaban, ngunit sa pagkakataong ito'y, naging handa, mas lakas at
higit na marami ang mga sundalong Kastila na sinalakay nila. Nalupig ang
marami niyang kasamahan. Ang balong si Gabriela'y naiwanan lamang ng
walong tauhan.
Ilang araw matapos ang engkuwentro, noong ika-29 ng Setyembre 1763
isang karimarimarim na pangyayari ang naganap. Nadakip ang ating bayani
kasama ng walong tapat niyang tauhan na agad din namang pinugutan sa
mismong Plaza ng Vigan, Ilokos Sur.
Namatay si Gabriela Silang, subalit naipaglaban niya hanggang sa huli ang
ninanasang kalayaan sa kamay ng mga mananakop.

MGA SIKAT NA KABABAIHAN SA BANSANG PILIPINAS

CHARMAINE

CLARICE

PEMPENGCO

Si Charmaine

Clarice

Pempengco o

mas

kilala

bilang Charice

Pempengco ay ipinanganak noong 10 Mayo 1993. Una siyang nakilala sa


isang paligsahan ng pag-awit sa ABS-CBN. Nakarating siya safinals at
nagwagi

ng

ikatlong

pwesto.

Noong

nakaraang

taon

(2007),

nakita

sa YouTube ang kaniyang angking galing sa pag-awit hanggang siya ay


naimbitahan ng The Ellen DeGeneres Show, isang pamosong palabas sa

MGA SIKAT NA KABABAIHAN SA BANSANG PILIPINAS

telebisyon sa Amerika. Nasundan ito ng isa pang imbitasyon mula sa Paul


O'Grady Show, isang sikat na palabas sa London. Naging panauhin din siya
sa The Oprah Winfrey Show, isa ring popular na programa sa telebisyon sa
Amerika. Sa lahat ng mga pagtatanghal na nabanggit, binigyan si Clarice
ng standing ovation. Isang pagpapatunay na sumasaludo sa talento ng isang
Filipino maging ang mga dayuhan saan mang bahagi ng mundo.
Higit na naipamalas ni Clarice sa buong mundo ang galing ng mga Pinoy
noong siya ay nagtanghal sa isang palabas na pinamagatang "David Foster &
Friends" sa Mandalay Bay sa Las Vegas. Kasama niya ang mga beteranong
mang-aawit tulad nina Josh Groban, Michael Buble, Kenny G., Andrea
Bocelli, Brian McKnight at iba pa. Dalawang ulit na nabigyan si Charice
ngstanding ovation.

JESSICA ELIZABETH SANCHEZ

Si Jessica Elizabeth Sanchez (ipinanganak noong Agosto 5, 1995) ay isang


Amerikanang mang-aawit na mula sa San Diego, California. Siya ay ngayong
nakikipagpaligsahan para sa ika-11 na season ng Amerian Idol. Siya ay 11 na

MGA SIKAT NA KABABAIHAN SA BANSANG PILIPINAS

taon pa lamang nang makita siya sa telebisyon, dahil sa kaniyang sinalihang


kompetisyon sa Estados Unidos na tinatawag na "America's Got Talent"
Si Jessica, ay ipinanganak noong Agosto 5, 1995 sa Chula Vista, California
kina Gilbert and Edita Sanchez. Ang kaniyang ama ay isang MexicanAmerican na nagmula pa sa Texas, habang ang kaniyang ina ay ipinanganak
sa lalawigan ng Bataan.
Siya rin ay naging isang mag-aaral sa Eastlake Middle School sa Chula Vista,
na napili para sa isang full-scholarship sa Theater of Arts sa Hollywood.
Siya ay nagsimulang umawit sa gulang na 2, at naimpluwensiya kabilang
sina Mariah Carey, Whitney Houston, Celine Dion, Etta James, Christina
Aguilera, Beyonce Knowles, at Michael Jackson.
Si Jessica ay kumanta ng "Respect" (kanta ni Aretha Franklin) sa "Showtime
at the Apollo" sa gulang na sampu
Si Jessica ay lumahok sa unang season ng America's Got Talent sa gulang na
11. Siya ay hindi naka-abot ng semi-finals. Hindi siya nakapag-ganap
hanggang siya ay nakabilang sa Wild-Card round na pinili ni Brandy Norwood,
at doon niya inawit ang "I Surrender" ni Celine Dion.
Sa Setyembre 22, 2008, siya ay naghubad sa harap ng maraming tao at siya
ay nagsayaw sayaw Siya rin ay nagkanta ng "The Star-Spangled Banner"
noong Setyembre 27, 2009 para sa San Diego Chargers versus Miami
Dolphins matchup
Noong Hulyo 8, 2011, siya ay nag-audition sa ika 11 ng season ng American
Idol sa San Diego, California. Ang kaniyang group performance kabilang sina
Deandre Brackensick at Candice Glover ay nakatanggap ng Standing Ovation
galing sa mga hurado, at ang kaniyang pangkat ay nakarating papunta sa
susunod na round, at sunod-sunod ang kaniyang tagumpay at naka-abot
hanggang semi-finals, kung saan siya ay kumanta ng "Love You I Do" at doon
siya ay nakatanggap ng Standing Ovation, at nakapasok sa top 13.
Sa kinalabasan sa Top 7 noong Abril 12, si Sanchez ay nagsiwalat bilang
kalahok na natanggap ng pinakamababang bilang ng mga boto, pero siya ay
sinagip ng mga hurado, na siyang gumawa ng kasaysayan bilang unang
babaeng kalahok sa American Idol ang na sinagip ng mga judges.
Sa lahat ng kaniyang mga inawit, siya ay nakatanggap ng limang standing
ovation galing sa mga hurado.

MGA SIKAT NA KABABAIHAN SA BANSANG PILIPINAS

IMELDA MARCOS

MGA SIKAT NA KABABAIHAN SA BANSANG PILIPINAS

Si Imelda Marcos (ipinanganak na Imelda Remedios Visitacion Romualdez


noong 2 Hulyo 1929) ay isang Pilipinong politiko at asawa ng ika-10 Pangulo
ng Pilipinas na si Ferdinand Marcos mula 1965 hanggang 1986. Si Imelda
Marcos ay kadalasang naaalala sa buong mundo para sa kanyang maluhong
pamumuhay noong panunungkulan ng kanyang asawa bilang Pangulo na
itinalang ikalawang pinaka-kurakot na pinuno sa buong mundo. Kabilang sa
sinasabing maluhong pamumuhay ni Imelda ang kanyang koleksiyon ng higit
sa isang libong mga pares ng mga mamahaling sapatos.
Kilala siya sa mga tanyag na pangalan tulad ng Steel Butterfly at Iron
Butterfly, na parehong naisasalin sa bansag na Bakal na Paru-paro.
Si Marcos ay isinilang noong 2 Hulyo 1929 sa Ospital ng San Juan de Dios sa
Intramuros, Maynila. Si Marcos ay ang panganay na anak nina Vicente Lopez
Romualdez (apo ng prayle na si Don Francisco Lopez na mula sa Granada,
Espaa) at Remedios Trinidad ng Baliuag, ang ikalawang asawa ng nabalo na
si Vicente. Siya ay bininyagan kinabukasan, 3 Hulyo 1929, sa simbahan ng
San Miguel sa Maynila.
Noong Disyembre 1965, ang kanyang asawang si Ferdinand Marcos ay
nahalal na ikasampung Pangulo ng Pilipinas at si Imelda Marcos ay naging
unang ginang ng Pilipinas. Si Imelda ay malawakang itinanghal sa mga lokal
at internasyonal na media gayundin sa mga artikulo ng magasin. Noong
Hulyo 1966, nang dumalaw ang Beatles sa Pilipinas para sa isang konsiyerto,
inanyayahan sila ni Imelda na dumalo sa isang pagtanggap na pang-agahan
sa Malakanyang.
Si Imelda Marcos ay magkaroon ng makapangyarihang papel sa pamahalaan
ng kanyang asawa. Siya ay hinirang ng kanyang asawa sa iba't ibang mga
posisyon gaya ng Gobernadora ng Kalakhang Maynila, Ministro ng
Paninirahan, at Ambassador Plenipotentiary and Extraordinary. Noong 7
Disyembre 1972, tinangkang saksakin at patayin ni Carlito Dimahilig si
Imelda Marcos gamit ang bolo sa entablado sa isang paggawad ng mga
gantimpala para sa pagpapagandang sibiko na isinahimpapawid ng live sa
telebisyon. Si Dimahilig ay binaril at pinatay ng mga bantay na pulis. Si
Imelda ay sinasabing nagtamo ng 75 pagtahi sa kanyang mga kamay at
braso. Noong 1978, inihalal si Marcos bilang isa sa 165 kasapi ng
Pansalamantalang Batasang Pambansa, kung saan nagsilbi siyang kinatawan
para sa Pambansang Punong Rehiyon. Pinasimulan ni Imelda ang ilang mga
palatuntunan gaya ng "Rebolusyong Lunti" na humikayat sa mga
mamamayan na magtanim ng mga gulay at prutas sa kanilang mga hardin

MGA SIKAT NA KABABAIHAN SA BANSANG PILIPINAS

gaya ng malunggay, bayabas, papaya at avocado at pagpaplano ng pamilya


upang mabawasan ang populasyon ng bansa. Noong panahon ng mga baha
sa Sentral Luzon noong 1972, ang mga bag na naglalaman ng mga nutribun
na isang tinapay na may mataas na bitamina at may gatas na inimbento ng
USAID ay tinatakan ng "Courtesy Imelda Marcos-Tulungan project" bagaman
isa itong donasyon ng ahensiya ng Estados Unidos na USAID para sa mga
nasalanta ng baha ayon kay Nancy Dammann Communications Media
Advisor ng USAID sa 17 taon.[1][13] Noong mga maagang 1980, ipinakilala
ni Marcos ang golden kuhol sa Pilipinas upang dagdagan ang protina ng
populasyon ngunit kalaunang naging mga peste para sa magsasaka sa mga
taniman ng kanin.[1] Ipinatayo ni Imelda at kanyang asawa ang iba't ibang
mga gusali sa Pilipinas na Cultural Center of the Philippines (noong 1966),
Sentrong Pangkumbensiyong Pandaigdig ng Pilipinas (1974), Philippine Heart
Center (1975), Coconut Palace (1978), Philippine Children's Medical Center
(1979), Lung Center of the Philippines (1981), Sentrong Pampelikula ng
Maynila (1981) at National Kidney and Transplant Institute (1983). Ang
pagpapatayo ng mga gusaling ito ay sinasabing pinondohan mula sa
pangungutang sa dayuhan ng kanyang asawa.

MILANIE MARQUEZ

MGA SIKAT NA KABABAIHAN SA BANSANG PILIPINAS

Si Mimilanie Laurel Marquez, o mas kilala bilang Melanie Marquez ay isang


artista sa telebisyon at pelikula sa Pilipinas. Bukod dito, siya kilala rin bilang
prodyuser, manunulat ng libro, at nag-eendorso ng mga produkto. Bago
sumabak sa larangan ng showbis, siya ay nagawagi bilang Miss International
at naging isang modelo. Kasama nina Jim Acosta at Dr. Dietmar Rummel, siya
ay sumulat ng librong pinamagatang Beauty Reborn: the New Placenta NoNonsense Beauty Guide na inilathala noong 2006. Kasalukuyang naninirahan
si Melanie sa Utah at abala bilang isang magsasaka, habang paminsanminsa'y rumarampa bilang modelo.
Nagtapos si Melanie ng Bachelor of Science in Business Administration bilang
Cum Laude mula sa International Academy of Management and Economics
noong Nobyembre 2006. Kumuha rin siya ng ilang aralin sa Warnborough
University sa United Kingdom.
Taong 1979 nang siya ay lumaban sa ibang bansa dala-dala ang pangalan ng
Pilipinas at nagwagi ng titulo ng Miss International sa Tokyo, Japan. Matapos
noon, ipinagpatuloy niya ang kanyang karera sa pagmomodelo sa iba't ibang
magasin sa loob man o labas ng bansa. Hindi naglaon, napabilang siya bilang
isa sa mga supermodel sa buong mundo at pinalad na mag-modelo sa
Estados Unidos at Europa, pero nagbalik din siya sa bansa.
Bilang sikat na beauty queen at modelo ay pinasok na rin niya ang larangan
ng pag-arte. Gumanap siya ng iba't ibang karakter sa mga pelikulang aksyon
at drama, kasama na rito ang pagganap bilang bida sa isang pelikula tungkol
sa sarili niyang buhay.

MGA SIKAT NA KABABAIHAN SA BANSANG PILIPINAS

Simula noon ay naging aktibo na siya bilang isang aktres, host sa telebisyon,
prodyuser ng pelikula, at ang higit sa lahat, mag-endorso ng produkto.
Bukod sa pagsali at pagkapanalo sa Miss International noong 1979, nanalo
rin siya bilang Face of the 80s sa New York noong 1985 at first runner-up sa
Supermodel competition noong 1986. Sa parehong taon, tinawag rin siya
bilang Most Glamorous Woman sa Italya. Taong 2005 naman nang sumali
siya sa Mrs. World bilang kinatawan ng Pilipinas.
Dahil sa kanyang kasanayan sa pagmomodelo, na nagsimula sa murang
edad pa lamang, tinitingala at nirirespeto rin siya bilang tagapagsanay ng
mga modelo. Kabilang sa kanyang mga naturuan at nahasa ay sina Ruffa
Gutierrez para sa Miss World 1993 at nagwagi bilang 2nd Princess; Charlene
Gonzales para sa Miss Universe 1994; at Miriam Quiambao para sa Miss
Universe 1999 at nagwagi bilang 1st Runner-up.
Siya rin ay kinukuha bilang hurado sa iba't ibang mga kumpetisyon mapabeuty contest man, patimapalak para sa pagmomodelo, o patimpalak na
naghahanap ng mga panibagong talento.
Lumabas na rin siya sa Binibining Pilipinas World of BC 2004 pageant at sa
Binibining Pilipinas World of Canada 2004 pageant. Nagbukas na rin siya ng
sarili niyang paaralan para sa mga nais magmodelo, sumali sa beauty
pageants, at mag-artista.

MGA SIKAT NA KABABAIHAN SA BANSANG PILIPINAS

TRINIDAD TECSON

Si Trinidad Tecson (18 Nobyembre 1848 28 Enero 1928) na kilala na Ina ng


Biyak na Bato at Mother of Mercy. Si Tecson ay kabilang sa ilang babaeng
Filipino, na nakipaglaban kasama ang mga rebolusyonaryong, noong
panahon ng mga Espanyol. Si Tecson ang tinuturing na ina ng Philippine
National Red Cross, dahil sa kaniyang naging tulong sa kasamahang
Katipunero.
Isinilang si Tecson sa San Miguel de Mayuno, Bulacan, na isa sa 16 na anak
nina Rafael Tecson at Monica Perez. Siya ay tinuruang mabasa at magsulat ni
Quinto, na isang kilalang guro sa kanilang bayan. Natutong mag-eskrima sa
pamamagitan ni Juan Zeto, na isang maestro ng eskrima.
Kinatatakutan si Tecson, ng kaniyang mga kalaro at mga nakakakilala sa
kaniya dahil siya ay mahusay mag-eskrima at sa angkin niyang taas,
Tangkad kung tawagin siya ng kaniyang mga kaibigan. At nang maulila si
Tecson, tumugil siya sa pag-aaral, at sinamang manirahan ang kaniyang mga
kapatid sa kamag-anak.
Noong 19 na taon pa lamang si Tecson, nang siya ay ikasal. Biniyayaan ang
mag-asawa ng dalawang anak, na sina Sinforoso at Desiderio. Ang pagbili at

MGA SIKAT NA KABABAIHAN SA BANSANG PILIPINAS

pagbenta ng baka ang pangunahing ikinabubuhay ni Tecson, nagbebenta rin


siya ng isda, talaba, at banagan (lobster) , sa Maynila.
Nagsimulang mamulat sa mga kalupitan ng mga Espanyol si Tecson, nang
siya ay maging kagawad ng Logia de Adopcion, na itinatag noong 1893. Ang
samahang ay binuo upang tuligsain ang maling pamamalakad ng mga paring
Espanyol sa Filipinas.
Noong 1895, sa edad na 47, si Tecson ay sumali sa Katipunan. Namangha
ang kaniyang mga kasamahan ng gamitin niya ang kaniyang dugo sa
paglagda ng kaniyang panunumpa, na noon ay hindi pinapagawa sa babaeng
kasapi ng Katipunan. Bilang isang katipunero, kasama si Tecson sa grupo na
kumuha ng mga armas sa loob ng korte sa Kalookan, at sa San Isidro, Nueva
Ecija. Si Hen. Mariano Llanera ang kaniyang pinuno nang sumiklab ang
rebolusyon.
Nakasamang nakipaglaban ni Tecson sina Hen. Francisco Makabulos ng
Nueva Ecija, Hen. Mariano Llanera, Hen. Isidro Torres, at Hen. Gregorio del
Pilar ng Bulakan. Siya ang naging nars ng mga sugatang Katipunero sa
laban. At sa madugong Bakbakan sa San Miguel at Zaragosa, si Tecson ay
tinamaan sa kaniyang hita. Napilitan ang kaniyang mga kasamahan na
umatras patungong Biyak-na-Bato, na naging punong himpilan ni Hen. Emilio
Aguinaldo.
Nang magsimulang sakupin ng mga Amerikano ang Filipinas, si Tecson ay
muling nakibaka. Sumali siya sa grupo ni Hen. Gregorio del Pilar. Kasama
siyang umatake sa puwersa ng mga Amerikano na nakahimpil sa Bulakan at
Calumpit. Humawak si Tecson ng posisyon sa Republika ng Malolos, bilang
Comisario ng Digmaan.
Nakita ni Tecson ang bangkay ni Hen. Antonio Luna, habang siya ay
papuntang Cabanatuan, dahil siya at ang mga kasamahang rebolusyonaryo
ay tinutugis ng mga Amerikano. Magkakasamang tinawid nila Tecson at mga
sugatang rebolusyonaryo ang kabundukan ng Zambales papuntang Santa
Cruz hanggang Iba.
Nang matapos ang sigalot, ipinagpatuloy ni Tecson at ang kaniyang asawa
ang kanilang hanapbuhay sa Nueva Ecija, at nagtinda siya ng karne sa bayan
ng San Antonio at Talavera. At nang mamatay ang asawa, muling ikinasal
siya kay doroteo Santiago at nang mamatay ito, napangasawa naman niya si
Francisco Empainado.

MGA SIKAT NA KABABAIHAN SA BANSANG PILIPINAS

Noong 28 Enero 1928, si Tecson ay namatay sa Philippine General Hospital,


sa edad 80. Ang kaniyang labi ay inilagak sa Cementerio del Norte.

FRANCISCA REYES AQUINO

Francisca Reyes Aquino, ang legendary "Ina ng Philippine Dancing," ay


ipinanganak sa Lolomboy, Bocaue, sa Philippine Lalawigan ng Bulacan, sa 9
Marso 1899. Siya ay ang pinakamatanda sa tatlong anak ng Filipe Reyes at
Juliana Santos Reyes ng Manila. Nakuha niya ang kanyang Certificate High
School Teacher sa 1,923 at ang kanyang Bachelor of Science in Education
degree sa 1,924 mula sa Unibersidad ng Pilipinas.
Bilang unang bahagi ng 1921-1923, Francisca ay nagsimula ang kanyang
paghahanap para sa dances katutubong gamitin sa pag-aaral habang ang
isang Student Assistant sa Pisikal na Educatiion. Siya ay manlalakbay sa
remote Barrios (kanayunan komunidad) sa Luzon at Northern Luzon. Sa

MGA SIKAT NA KABABAIHAN SA BANSANG PILIPINAS

1,924, siya ay naging Assistant magtuturo. Siya ay mabilis na nakita ko na,


na may higit pang epekto ng Western culture, maraming mga dances ay
nawala o mabago nang husto.
Siya ay patuloy na pangangalap ng katutubong dances, songs, at mga laro
para sa sanaysay ang kanyang master's sa Unibersidad ng Pilipinas sa 1,926.
Binagong niya ang kanyang trabaho sa 1,927, at nai-publish na ito bilang
Philippine Folk Dances at Games. Sa mga ito at mamaya mga koleksyon, ang
malaking pagkakaiba-iba ng uri ng sayaw, tuhn, at musika na nakalarawan
ang isang maraming-faceted Filipino character.
Siya ay nagtanong sa upuan ng isang komite sa unibersidad na nais
pumunta sa pinaka-remote na lugar ng Pilipinas upang makalikom ng mga
materyal direkta mula sa mga lumang mga tao na ginamit sa sayaw ang
mga ito sa mas bata sa kanilang mga araw. Ang daan-daang mga dances ay
tinipon at transcribed na may malapit na pansin sa kanilang pagiging tunay
at lokal na kulay, at pagkatapos ay ipinakita sa publiko Manila sa iba't ibang
recitals sayaw. Ang mga unibersidad inaalok klase sayaw sa pisikal na
departamento ng edukasyon at ng isang tropa katutubong sayaw ay nabuo
na toured sa probinsya upang ipagbigay-alam ang mga tao sa iba't-ibang
katutubong dances ng bansa.
Mula 1929-1931, Francisca's pagtuturo at pananaliksik ay interrupted sa
pamamagitan ng dalawang taon ng pag-aaral sa Boston University bilang
isang Unibersidad ng Pilipinas Fellow. Ang pagtanggap ng isang Certificate in
Physical Education, karanasan ang broadened kanyang propesyonal na
interes sa sayaw bilang isang form ng art at din bang sa kanya para sa mas
masinsinang larangan ng pananaliksik sa kanyang pagbabalik.
Sa 1,934, Francisca asawa Professor Ramon P. Tolentino, Jr, at pagkatapos ay
Assistant Director ng Department of Physical Education, na-share sa kanya
managinip ng pagtataguyod ng Philippine Folk dances sa pisikal na kurikulum
ng edukasyon ng Pilipinas na paaralan. Sa parehong taon, unibersidad
presidente Jorge Bocobo nagbigay nasasalat suporta sa mga research
proposal Frances Reyes Tolentino, ang pagpapagana sa kanya, ang kanyang
asawa at isang kasamahan sa unibersidad, Antonio Buenaventura, sa pagaaral katutubong dances sa Mindanao, Leyte, at Mountain Province at
maitala ang songs na may aid ng isang makina Victor-record. Paglalakbaydagat Ang mga materyales na natipon sa 38 katutubong dances at 33 songs
at airs. Pananaliksik na ito ay inspirasyon sa pamamagitan ng compositions
Mr Buenaventura at iba pang mga kasapi ng mga propesor ng musika at

MGA SIKAT NA KABABAIHAN SA BANSANG PILIPINAS

isang bilang ng mga pampublikong pagtatanghal kung saan ang Pangulo


Bocobo enthusiastically endorsed. Sa Leyte, sila natagpuan ng Tinikling,
danced sa pagitan ng mabilis clapped, steel poles at pinangalanan matapos
ang isang pang-paa ibon, ang mga tikling, makikita sa paddies bigas.
Tinikling mula noon ay maging isang pambansang mga paboritong ng
parehong mga bata at matatanda. Sa 1,935, sila ginawa kumpletong tala sa
33 katutubong songs at dances sa Mountain Province, 8 sa Ilocos Norte, 14
sa 11ocos Sur, at 4 sa Abra.
Karaniwang ng kanyang pagpayag na gumawa ng isang dagdag na
pagsusumikap upang ang iba ay maaaring malaman ang kanyang bansa mas
mabuti, Mrs Reyes Tolentino organisado ang mga Filipiniana katutubong
sayaw tropa na gumanap para sa servicemen bilang isang bahagi ng Estados
Unidos Army Espesyal na Serbisyo para sa pitong buwan sa 1,945. Ang
pagkamatay ng kanyang asawa, sa 1939, pagkatapos ng apat at kalahating
taon ng isang malapit na personal at propesyonal na sosyohan, nasubukan
Mrs Reyes Tolentino's malasakit sa kanyang sarili na ipinataw misyon upang
mapagbuti Philippine kultura sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng sining
ng pagganap ng mga kamag-anak. Ang kanyang pananampalataya, na ang
kanyang anak na babae, at ang kanyang malalim na interes sa kanyang mga
gawain sa buong buhay, subalit, dinala niya ito sa pamamagitan ng personal
na pagkawala sa mas higit na nagawa.

HONORIA ACOSTA-SISON

MGA SIKAT NA KABABAIHAN SA BANSANG PILIPINAS

Honoria Acosta-Sison

Ina ng Obstetrika sa Pilipinas (Mother of Philippine Obstetrics)

Si Dr. Honoria Acosta- Sison ay ang kauna-unahahang Pilipinang


manggagamot at ang unang Pilipino na nakapagtapos sa American Medical
School at pinaka-unang espesyalista o dalubhasa sa obstetrics.

MGA SIKAT NA KABABAIHAN SA BANSANG PILIPINAS

LEONOR OROSA-GOQUINCO

Si Leonor OrosaGoquinco,
kilala
rin sa pangalang Cristina Luna, ay kilala para sa kanyang mga natatanging
koreograpiya tulad ng Firebird, Clowns, Story of Man, at ang Noli Suite. Siya
ay idineklarang Pambansang Alagad ng Sining sa Sayaw noong 27 Marso
1976.
Ipinanganak siya noong 24 Hulyo 1917 sa Jolo, Sulu at ikalawa sa mga anak
nina Sixto Orosa at Sevedna Luna. Siya ay ikinasal kay Benjamin Goquingco
kung saan sila ay may tatlong anak.
Siya ay nagtapos ng may pinakamataas na karangalan noong hayskul at
nagtapos ng Batsilyer ng Agham sa Edukasyon bilang Summa cum laude sa
St. Scholastica's College. Kumuha siya ng mga graduate courses sa teatro,
drama at musika sa Columbia University at Teachers College sa New York
City, USA.
Nagkaroon siya ng pagsasanay sa ballet sa ilalim nina Lilia Lopez, Epifania
Rodriguez, at Luva Adameit. Si Francisca Reyes-Aquino, na isa
ring Pambansang Alagad ng Sining sa Sayaw ay naging guro niya.
MGA NAIAMBAG
Sa Sayaw

Circling the Globe, 1964

Dance Panorama, 1965

The Elements, 1940 -Ito ang kauna-unahang ballet na ginawan ng


koreograpiya ng isang Pilipino

MGA SIKAT NA KABABAIHAN SA BANSANG PILIPINAS

Trend: Return
ballet sa Pilipinas

to

the

Native,

1941

-Kauna-unahang Folkloric

Vintal, Morolandia, 1938

Festival in Maguindanao -Naglalarawan ng kasal ng isang maharlikang


Muslim

Eons Ago: The Creation -Nagpapakita ng mga alamat ng Pilipinas


tungkol sa paglikha ng mundo

Filipinescas: Philippine Life, Legend, and Lore in Dance, 1960


-Gumamit siya ng mga impluwensiya mula sa mga sayaw ng Igorot, Moro
at Kristiyano.

Miner's Song

The Bird and the Planters

Tribal -Tungkol sa kamatayan ng isang mandirigma

Easter Sunday Fiesta -Nagpakita ng mga larong Pilipino tulad ng sipa,


palo sebo at juego de anillo

Sa Pagsusulat

Dances of the Emerald Isles, 1980, - tungkol sa kasaysayan ng sayaw


sa Pilipinas
Her Son, Jose Rizal

MGA PARANGAL

Patnubay ng Sining at Kalinangan Award, 1961 at 1964

Rizal Centennial Award, 1962

Republic Culural Heritage Award, 1964

Presidential Award of Merit, 1970

Tandang Sora Award, 1975

Columbia University Alumni Association Award, 1975

MGA SIKAT NA KABABAIHAN SA BANSANG PILIPINAS

FRANCISCA REYES AQUINO

Si Francisca Reyes Aquino , isang edukador, guro at nasyonalista, ay ang


unang babaeng ginawaran ng parangal na Pambansang Alagad ng Sining sa
Sayaw sa bansa. Gumawa siya ng malawak at masusing pag-aaral ng mga
katutubong sayaw sa Pilipinas at dahil dito, malaki ang naiambag niya sa
pagsulong ng kultura ng Pilipino sa larangan ng pagsayaw.
BUHAY
Ipinanganak siya noong 9 Marso 1899 sa Lolomboy, Bocaue, Bulakan at
panganay sa tatlong anak nina Felipe Reyes at Juliana Santos Reyes.
Nag-aral siya sa Meisic Elementary School, Tondo Intermediate School at
Manila High School sa Tondo, Maynila. Natamo naman niya ang kanyang
High School Teacher's Certificate (H.S.T.C.) noong 1923 at ang kanyang
Batsilyer sa Agham sa Edukasyon noong 1924 mula sa Unibersidad ng
Pilipinas (UP). Nagkaroon din siya ng dalawang taon na pag-aaral sa Boston
University bilang isang UP Fellow kung saan niya nakamit ang kanyang
Certificate in Physical Education.

MGA SIKAT NA KABABAIHAN SA BANSANG PILIPINAS

Nagsimula siyang manaliksik ng mga katutubong sayaw noong 1921 at


naglakbay sa mga malalayong baryo sa Hilaga at Gitnang Luzon. Patuloy
siyang lumikom ng mga katutubong sayaw, kanta at laro para sa
kanyang master thesis sa UP noong 1926 at matapos na rebisahin ito noong
1927, inilimbag niya ito na may titulong Philippine Folk Dances and Games.
Naging superintendent siya ng Physical Education, Bureau of Public Schools,
Philippine Republic noong 1947 at consultant ng Bayanihan Folk Dance
Troupe. Nagturo rin siya sa ilang mga folk dance camps at nagsagawa ng
mga seminar o workshop sa iba't ibang unibersidad at kolehiyo sa bansa.
Itinanghal niya ang kanyang Philippine dances and folklore sa Fourth
International Congress on Physical Education and Sports for Girls and Women
sa Washington, D.C .
Naging kasapi siya ng Women's Athletic Committee of the Philippine Amateur
Athletic Federation, 1940-1954, 1955-1956 at United Nations Association of
the Philippines; nagsilbi sa Curriculum Committee of the National College of
Physical Education; National YMCA Board, 1945-1946; at Entertainment
Committee of the International Society for Education, 1960.
Itinatag niya ang Filipiniana Folk Dance Troupe at The University of the
Philippines Dance Troupe.
MGA ISINULAT

Philippine National Dances (1946)

Gymnastics for Girls (1947)

Fundamental Dance Steps and Music (1948)

Foreign Folk Dances (1949)

Dances for all Occasion (1950)

Playground Demonstration (1951)

Philippine Folk Dances, Volumes I to VI


PARANGAL

Republic Award of Merit mula kay Presidente Ramon Magsaysay, 1954

Doctor of Sciences degree in Physical Education, Honoris Causa mula


sa Boston University

Doctor of Humanities, Honoris Causa mula sa Far Eastern University,


Maynila, 1959

Cultural Award mula sa UNESCO

MGA SIKAT NA KABABAIHAN SA BANSANG PILIPINAS

Rizal Pro-Patria Award


Certificate of Merit mula sa Bulacan Teachers Association
Ramon Magsaysay Award, 1962
Award for Outstanding Alumna, College of Education, UP
Pambansang Alagad ng Sining, 1973

You might also like