Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Buod ng Florante at Laura

Ang kuwento ng Florante at Laura ay nagsisimula sa isang madilim na gubat sa may dakong labas ng
bayang Albanya, malapit sa ilog Kositong na ang tubig ay makamandag. Dito naghihimutok ang
nakataling Florante na inusig ng masamang kapalaran. Ang mga gunita niya ay naglalaro sa palagay niya
ay nagtaksil na giliw na si Laura, sa kanyang nasawing ama, at kahabag-habag na kalagayan ng bayan
niyang mahal.
Sa gubat ay nagkataong may naglalakad na isang Moro na nagngangalang Aladin. Narinig niya ang tinig
ni Florante at dali-dali niya itong tinunton. Dalawang leon ang handang sumakmal sa lalaking nakatali.
Pinatay ni Aladin ang dalawang mababangis na hayop at kanyang kinalagan at inalagaan si Florante
hanggang sa muling lumakas.
Ikinuwento ni Florante ang kanyang buhay. Siya ay anak nina Duke Briseo at Prinsesa Floresca. Muntik
na siyang madagit ng buwitre at iniligtas siya ng kanyang pinsang si Menalipo na taga-Epiro. Sinambilat
ng isang halkon ang kwintas niyang diyamante. Pinadala siya ng kanyang ama sa Atena upang mag-aral
sa ilalim ng gurong si Antenor. Natagpuan niya doon ang kanyang kababayang si Adolfo na kanya ring
lihim na kaaway. Iniligtas siya ni Menandro sa mga taga ni Adolfo nang minsang magtanghal sila ng dula
sa kanilang paaralan. Tapos ay nakatangap si Florante ng liham tungkol sa pagkamatay ng sinisinta
niyang ina.
Pagkabalik niya sa Albanya kasama ang matalik niyang kaibigang si Menandro, pinatay niya si Heneral
Osmalik na kumubkob sa Krotona. Nagkaroon siya ng mga tagumpay sa labimpitong kahariang di-pabinyagan matapos niyang iligtas si Laura sa hukbo ni Aladin na umagaw sa Albanya nang siyay
nakikipaglaban sa ibang bayan. Natalo din niya ang Turkong hukbo ni Miramolin at iba pa. Nagwakas ang
kanyang pagsasalaysay sa pandarayang ginawa sa kanya ni Adolfo matapos kunin ang trono ng Albanya
at agawin sa kanya si Laura.
Nagpakilala ang Moro na siyay si Aladin, kaaway na mahigpit ng relihiyong Kristiyano at ng bayan ni
Florante. Ang kanyang kapalaran ay sinlagim ng kay Florante. Inagaw sa kanya ng kanyang amang si
Sultan Ali-Adab ang kanyang kasintahang si Flerida.
Pagkatapos ng pagsasalaysay ay narinig nila ang dalawang tinig na nag-uusap. Tumayo ang dalawang
lalaki at nakita nila sina Laura at Flerida na nag-uusap. Si Fleriday tumakas sa Persya upang hanapin si
Aladin at nang mapagawi siya sa may dakong gubat ay nasumpungan niya si Laura na ibig gahasain ni
Adolfo, pinana niya ito at naligtas si Laura sa kamay ng sukab.
Ikinuwento ni Laura ang paghuhuwad ni Adolfo sa lagda ng kanyang ama upang madakip si Florante.
Isinalaysay niya ang pamimilit ni Adolfo sa kanya at pagdadala sa gubat.
Sa ganoon ay nabatid nina Florante at Aladin na ang kani-kanilang mga katipan ay pawang tapat sa
kanila. Sina Florante at Laura ay matagumpay na naghari sa Albanya at sina Aladin at Flerida,
pagkatapos na maging binyagan at pagkamatay ni Sultan Ali-Adab, ay naghari sa Persya.

Buod ng Florante at Laura


Ang kuwento ng Florante at Laura ay nagsisimula sa isang madilim na gubat sa may dakong labas
ng bayang Albanya, malapit sa ilog Kositong na ang tubig ay makamandag. Dito naghihimutok ang
nakataling Florante na inusig ng masamang kapalaran. Ang mga gunita niya ay naglalaro sa palagay
niya ay nagtaksil na giliw na si Laura, sa kanyang nasawing ama, at kahabag-habag na kalagayan
ng bayan niyang mahal.
Sa gubat ay nagkataong may naglalakad na isang Moro na nagngangalang Aladin. Narinig niya ang
tinig ni Florante at dali-dali niya itong tinunton. Dalawang leon ang handang sumakmal sa lalaking
nakatali. Pinatay ni Aladin ang dalawang mababangis na hayop at kanyang kinalagan at inalagaan si
Florante hanggang sa muling lumakas.
Ikinuwento ni Florante ang kanyang buhay. Siya ay anak nina Duke Briseo at Prinsesa Floresca.
Muntik na siyang madagit ng buwitre at iniligtas siya ng kanyang pinsang si Menalipo na taga-Epiro.
Sinambilat ng isang halkon ang kwintas niyang diyamante. Pinadala siya ng kanyang ama sa Atena
upang mag-aral sa ilalim ng gurong si Antenor. Natagpuan niya doon ang kanyang kababayang si
Adolfo na kanya ring lihim na kaaway. Iniligtas siya ni Menandro sa mga taga ni Adolfo nang
minsang magtanghal sila ng dula sa kanilang paaralan. Tapos ay nakatangap si Florante ng liham
tungkol sa pagkamatay ng sinisinta niyang ina.
Pagkabalik niya sa Albanya kasama ang matalik niyang kaibigang si Menandro, pinatay niya si
Heneral Osmalik na kumubkob sa Krotona. Nagkaroon siya ng mga tagumpay sa labimpitong
kahariang di-pa-binyagan matapos niyang iligtas si Laura sa hukbo ni Aladin na umagaw sa Albanya
nang siyay nakikipaglaban sa ibang bayan. Natalo din niya ang Turkong hukbo ni Miramolin at iba
pa. Nagwakas ang kanyang pagsasalaysay sa pandarayang ginawa sa kanya ni Adolfo matapos
kunin ang trono ng Albanya at agawin sa kanya si Laura.
Nagpakilala ang Moro na siyay si Aladin, kaaway na mahigpit ng relihiyong Kristiyano at ng bayan ni
Florante. Ang kanyang kapalaran ay sinlagim ng kay Florante. Inagaw sa kanya ng kanyang amang
si Sultan Ali-Adab ang kanyang kasintahang si Flerida.
Pagkatapos ng pagsasalaysay ay narinig nila ang dalawang tinig na nag-uusap. Tumayo ang
dalawang lalaki at nakita nila sina Laura at Flerida na nag-uusap. Si Fleriday tumakas sa Persya
upang hanapin si Aladin at nang mapagawi siya sa may dakong gubat ay nasumpungan niya si
Laura na ibig gahasain ni Adolfo, pinana niya ito at naligtas si Laura sa kamay ng sukab.
Ikinuwento ni Laura ang paghuhuwad ni Adolfo sa lagda ng kanyang ama upang madakip si
Florante. Isinalaysay niya ang pamimilit ni Adolfo sa kanya at pagdadala sa gubat.
Sa ganoon ay nabatid nina Florante at Aladin na ang kani-kanilang mga katipan ay pawang tapat sa
kanila. Sina Florante at Laura ay matagumpay na naghari sa Albanya at sina Aladin at Flerida,
pagkatapos na maging binyagan at pagkamatay ni Sultan Ali-Adab, ay naghari sa Persya.
Florante
=>Si Florante ang pangunahing bida ng Florante at Laura, at halos lahat ng mga bahagi ng salaysay
ay umiikot sa kanya. Anak ni Duke Briseo, siya ay ang mang-iibig ni Laurang Prinsesa ng Kaharian
ng Albanyang namataan ni Florante bago siya sumabak sa isang digamaan nang ang bayan ng
kanyang inang, si Prinsesa Floresca, Krotona ay sinakop ng mga Morong Persyano. Mula sa
kagitnaan hanggang sa bandang katapuasan ng salaysay, siya ang nagsasalaysay. Ito ay
isinasalaysay niya kay Aladin, ang Morong nagligtas sa kanya mula sa mga
leon
nang siya ay nakagapos pa dahil sa Konde Adolfo.

Konde Adolfo
=>Sa Florante at Laura, si Konde Adolfo ang isa sa mga pangunahing kontrabida nito. Anak siya ng
Konde Sileno, at pareho silang nagmula sa Albanya. Unang nagkita sina Konde Adolfo at Florante
sa Atenas kung saan nag-aral sila pareho. Nangangagwat ang kanilang gulang nang dalawang taon,
kung saan si Adolfo ang mas matanda. Noong kakarating pa lamang ni Florante sa Atenas, si Adolfo
ang pinakasikat na mag-aaral doon. Ito ay buhat ng kanyang angking talino at "kabaitan". Ngunit
habang tumatagal ang panahon, unti-unti ring napunta kay Florante ang kapurihan ni Adolfo. At dahil
dito, pinagtangkaan pa nga niyang patayin si Florante sa isang dula-dulaan, na nagdulot ng
pagkakita sa lahat ng kanyang pagbabalat-kayo, at pagpapaalis sa Atenas pabalik ng Albanya sa
ilalim ng utos ng kanyang gurong si Antenor.
Aladin
=>Si Aladin ay isang Morong Persyanong tumulong kay Florante, at nagligtas ng kanyang buhay.
Ang kanyang ama ay si Sultan Ali-Adab na siya ring umagaw sa kanyang kasintahang si Flerida. Si
Aladin at Florante ay nagkita nang hindi sinasadya, at karamihan ng mga bahagi ng awit ay
isinasalaysay sa kanya ni Florante. Siya rin ang idolo ni Florante bilang pinakamagaling na
mandirigma, ngunit sa kanilang pagkikita ay hindi alam ni Florante na ang kausap niya ay si Aladin,
ang kanyang idolo.
Sa katapusan ng awit, nang mamatay ang Sultan Ali-Adab ng Persya, siya na ang naging sultan.
Laura
=>Si Laura ang minamahal nang lubos ni Florante. Anak ng Haring Linceo ng Albanya, siya ang
prinsesa ng kahariang ito. Siya ay nagmamay-ari ng lubos na kagandahang ipinuring lubos ni
Floranteng nadulot sa kanyang umibig kay Laura sa unang pagkakakita pa lamang.
Sa simula ng awit, siya ay ikaluluksa ni Florante dahil sa kanyang pag-aakala na nililo Laura sa
pagpapalit sa kanya kay Konde Adolfo.
Menandro
=>Si Menandro ang matalik na kaibigan ni Florante sa Atenas na lumigtas din ng buhay ni Florante
mula sa mga tagang nakakamatay ni Adolfong kanyang tinaga nang kanyang tangkaing patayin si
Florante sa isang dula-dulaan nila sa kanilang paaralan sa Atenas. Bukod pa sa pagliligtas ng buhay
niya, marami pa siyang ginawa para kay Florante, at noong sinakop ang Albanya nang makailang
ulit, kasama siya ni Florante sa pakikibaka.
Flerida
=>Si Flerida ang kasintahan ni Alading inagaw mula sa kanya ni Sultan Ali-Adab. At sa
pagpapangakong pagpapakasal sa Sultan, napagpabago niya ang isip nito sa pagbitay kay Aladin.
Ngunit sa katotohanan, hindi niya tinupad ang pag-aako, at tumakas sa araw ng kasal.
~ Mga iba pang tauhan ~
Duke Briseo
=>Si Duke Briseo ang maarugaing ama ni Florante, at naglilingkod bilang sariling tanungan ng
Haring Linceo ng Albanya. Siya ay pinatay at ipinaghagisan ang bangkay nito ng mga alagad ng
Konde Adolfo nang kanyang agawin ang trono ng Haring Linceo.
Prinsesa Floresca
=>Si Prinsesa Floresca ang ina ni Florante. Siya ay mula sa bayan ng Krotona, at maaagang
namatay, na nagdulot sa pag-uwi ni Florante mula sa Atenas pabalik ng Albanya.

Antenor
=>Si Antenor ay isang guro sa Atenas nina Florante, Konde Adolfo at Menandro.
Menalipo
=>Si Menalipo ay isang pinsan ni Florante. Iniligtas niya si Florante mula sa isang buwitreng
dadagitin siya
sana
nang siyang isang sanggol pa lamang gamit ang kanyang pana at busog. Ipinapakita nito na si
Menalipo ay higit na mas matanda kaysa kay Florante.
Konde Sileno
=>Si Konde Sileno ang ama ni Konde Adolfong ayon kay Florante ay marangal.
Haring Linseo
=>Si Haring Linseo ang hari ng Kaharian ng Albanya, at ama ni Laura. Ang kanyang pamumuno ay
nagtapos nang mayroong kumalat na usap-usapan tungkol sa pag-uutos daw niyang harangin ang
imbakan ng trigo upang gutumin ang mga tao ng Albanya. Ang usap-usapang itong pinasimulan ni
Konde Adolfo ang nagpaalab ng mga damdamin ng mga tao sa Albanyang nagdulot sa pag-aaklas
nila. Ang pag-aaklas namang ito ang ginamit ni Konde Adolfo upang maiupo ang sarili sa trono.
Sultan Ali-Adab
=>Si Sultan Ali-Adab ang sultan ng Persyang umagaw sa kasintahan ni Alading si Flerida. Siya ay
isang malupit na ama. Pinatawan niya ng kamatayan si Aladin, ang kanyang anak, dahil daw sa
pagkatalo niya sa Persya, ngunit ang totoong dahilan dito ay upang makuha niya si Flerida mula sa
kanyang anak. Ngunit hindi natuloy ang pagbitay kay Aladin, nang nangako si Flerida na kanyang
pakakasalan ang Sultan, isang pangako na hindi rin natuloy nang tumakas si Flerida sa mismong
araw ng kasal; ang naging hatol na lamang kay Aladin ay pagpapatalsik mula sa Persyang
kailanman ay hindi niya mababalikan.
Osmalik
=>Si Osmalic ang heneral ng hukbong Persyanong sumakop sa Krotona sa ilalim ng utos ni Aladin.
Miramolin
=>Si Miramolin ang pinuno ng mga mananakop ng Albanya mula sa Turkiya.

You might also like