Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

KABANATA III

Pamaraang Ginamit
Sa bahaging ito ng pananaliksik ay pinapakita ang pinili na metodo ng pag-aaral upang
makamtan ang layuning alamin ang Preperensya ng mga mag-aaral mula sa kursong Pagtutos sa
Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas ukol sa pinakamabisang wikang panturo sa asignaturang
Pagtutuos Taong Aralan 2014-2015.
Napakaloob dito ang disenyo ng pagtatalakay na tumutukoy sa mga pamamaraang
ginamit upang makamit ang layunin ng pananaliksik, dami at bilang ng respondent na siyang
tumutugon sa mga sarbey-kwestyuner na siyang nagging kasangkapan sa pag-aaral, pamamaraan
sa pangangalap ng datos, impormasyon at nag kompyutasyong istatistikal na ginamit sa
pananaliksik na ito.

PAMARAANG GINAMIT

Ang naisagawang pananaliksik ay gumamit ng deskriptibong metodolohiya ng


pananaliksik. Maraming uri ng deskriptibong pananaliksik, ngunit napili ng mga mananaliksik na
gamitin ang Descriptive Survey Research Design, na gumagamit ng talatanugan (survey
questionnaire) para makalikom ng mga datos. Kung saan pinapakita rito ang paglalarawan,
paglalahad ng mga impormasyon ukol sa pinakamabisang wikang panturo sa asignaturang
Pagtutuos. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng ganitong paraan upang mailatag ng maayos
ang paksa at mga detalye nito sa mga mag-aaral lao na sa mga kumukuha ng kursong Pagtutuos.
Naniniwala ang mga mananaliksik na angkop ang disenyong ito para sa paksang ito sapagkat
mas mapapadali ang pangangalap ng datos mula sa maraming respondente.

KOMPYUTASYONG ISTADISTIKAL

Upang malaman ang karampatang bahagdan ang mga nakalap na datos at impormasyon
sa isasagawang sarbey ay napagpasyahan ng mga mananaliksik na gumamit ng sumusunod na
pormula:
B=

R
100
N

Kung saan:
B- bahagdan
R- bilang ng sagot
N- kabuuang bilang ng respondente

You might also like