Plorerang Banga

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Plorerang Banga

Earthen Vase
Pag-ingatanBabasagin
Nakikitang nakasulat sa kahon naglalaman ng mga
babasahing bagay tulad ng Plorerang banga o beautiful flower
vase.
Ang vase na ito ay maingat na hinubog ng isang potter o
manggagawa nito sa isang hubog na kanais-nais, karapat-dapat
at kinulayan upang maging maganda.
Habang ito ay aking minamasdan ay nakikita ko ang aking
sarili tulad sa isang banga na ginawa mula sa luwad (clay) na
matiyaga at mahusay na hinubog ng Diyos na lumikha --masusing idinesenyo, hinubog at kinulayan ng Mabuting Kamay
ng Lumikha.
Ako ay walang silbing nilikha subalit binigyan ng Diyos ng
maraming biyaya at awa. Binigyan ng buhay, biniyayaan at
nagkaroon ng pangalan upang ito ay aking pangalagaan,
paunlarin upang matutong kumilala, magmahal at maglingkod sa
Diyos na may Maylikha at sa aking kapwa.
Ang Kanyang Mapagpalang kamay ay lagging nakabukas
upang ako ay tanggapin at yakapin kapag akoy nagiginaw,
hinihimok, inaakay kapag may takot sa paghakbang sa mahabang
patutunguhan; binibigyang lakas kapag nanghihina, itinataas
kapag hinahamak at patuloy na pinapatnubayan upang di
nadapa.
Akoy hungkag at walang silbing sisidlan, walang ganda
upang makatawag ng pansin subalit akoy pinulot Niya at sa
Kanyang mapagmahal at maawaing bisig akoy Kanyang niyakap
at inalagaan sa kabila ng aking kapangitan at kaliitan. Kanyang
kinaawaan ang aking miserableng kaluluwa at biniyaang
maranasan ko ang walang susubali Niyang pag-ibig. Dinagdagan

Niya ang kakulangan ko ng magagandang bagay at parang di ko


na kayang isa-isahin ang magagandang pangyayari sa aking
buhay isang bagong nilalang na likha ng Kanyang pag-ibig
ako ang Kanyang Obra Maestra.
Oo, ako tulad sa bangang ito nababasag, marupok, walang
kakayanan sa sarili upang lumaban sa kapahamakan at panganib.
Dahil dito, ipinauubaya ko ang aking buong pagkatao ang buhay
ko, sa aking dakilang Manlilikha sapagkat alam kong sa aking
paglalakbay sa buhay na ito ay maraming tukso, suliranin,
panganib o kapahamakang naka-abang sa aking daraanan na
maaring magpahina o magparupok sa akinsubalit Siya na
lumikha, nagbigay ng pagkakataon at pag-asa sa akin ay di
magpapabaya upang ako ay di masira, mabasag at mahiwalay sa
Kanyang pangangalaga.
Alam Niya kung saan at papaano ako makapaglilingkod sa
Kanya bilang isang bangang maliit. Sana palagi Niya akong
alagaan at kupkupin, bilang Kanyang banga - bilang Kanyang
anak.
Dalangin ko na sa kabila ng aking kahinaan at kapayakan ay
mabigyan ng magandang pagkakataon na magkaroon ng isang
nag-aalab nap ag-ibig na maging mabuti Niyang likha na
magmamahal, maglilingkod sa aking mga magulang, sa aking
mga mahal sa buhay, at sa aking kapwa sapagkat sa gagawin
kong ito ang tunay na mamahalin at paglilingkuran ko ay ang
Diyos na Lumikha sa akin.

You might also like