Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Chapter 57: Vae Victus!

Sa Aba ng Mga Manlulupig


Narrator:
Balisa ang mga guwardiya sibil na nasa kwartel. Nadatnan ni
Padre Salvi ang alperes at si Donya Consolacion.
Padre Salvi: Ang binatang Ibarra at si Don Fillipo?
Alperes:
Walong katao ang nandiyan. Ang nagngangalang Bruno ay patay
na ngunit naitala na ang salaysay.
Narrator:
Pumasok sila sa bilangguan kasama ang apat pang sibil at pilit
na pinaaamin si Tarsilo na kapatid ni Bruno.
Alperes:
sayo?

Ano ang iyong pangalan? At ano ang mga ipinangako ni Ibarra

Tarsilo:
Ako si Tarsilo Alasigan. Si Ibarra ay hindi kailanman
nakipag-usap sa amin. Sumama ako sa paglusob sapagkat piata ninyo ang
aking ama at nais ko syang ipaghiganti.
Narrator:
Dinala sya sa limang bangkay. Nakita niya ang asawa ni Sisa na
si Pedro, si Bruno na kanyang kapatid na maraming saksak at si Lucas.
Alperes:

Nakikilala mo ba sila?

Narrator:
Hindi umimik si Tarsilo kaya nagalit ang alperes. Ibinalik sya sa
bulwagan at tinanong kung nakikilala niya ba ang nadatnang bilanggo.
Tarsilo:

Ngayon ko pa sya nakita.

Narrator: Pinalo siya hanggang sa mabalot ng dugo ang buong katawan. Hindi
nakayanan ng kura ang eksena kaya umalis ito.
Donya Consolacion:

Dalhin sya sa balon

Narrator:
At dinala sya sa balong marumi at mabaho. Ang donya ay
parang walang puso na napapangiti. Si tarsilo ay idinabdab sa balon.
Tarsilo:
Kung kayoy may mga puso ay madaliin na ninyo ang
aking kamatayan. Marahil baling araw ay mangyayari rin sa inyo ang ginawa
ninyo sa akin.
Narrator:
Ilang beses ibinulusok ang katawan ni Tarsilo sa balon. Hindi nya
natagalan ang pagpapahirap kaya syay namatay. Nang matiyak na patay na
si Tarsilo ang binalingan naman ay ang isa pang bilanggo na nagngangalang
Andong ngunit inaantok ang alperes sa naging sagot ng bilanggo, kaya
iniutos itong ipasok na muli sa karsel.
The End :)

You might also like