Professional Documents
Culture Documents
Drugs
Drugs
Drugs
Mapanganib ang drogang ito sapagkat ang maling paggamit ay maaaring magresulta sa pagaabuso nito. Ang hindi tamang paggamit ay nakasasama sa kalusugan at asal ng tao. Ito ay
nakaka-addict at nagbibigay ng sobra-sobrang kaligayahan at pananabik. Ang mga nalululong
sa cocaine ay nakararanas ng panghabang-buhay na pinsala sa isip at katawan. Kahit ang mga
paminsan-minsang gumagamit ng cocaine ay maaari ring makaranas ng biglaang kamatayan.
Puso - Pinapabilis ng cocaine ang pulso at presyon ng dugo. Sumisikip din ang mga
arterya kaya't nahihirapan makarating ang dugo sa puso. Dahil dito, sumisikip ang dibdib ng
nang-aabuso. Atake sa puso ang kinalalabasan nito, kahit na walang sakit sa puso ang ang
nang-aabuso. Nagdudulot din ang cocaine ng arrhytmia o iregular na pagtibok ng puso.
Utak - Dahil sa cocaine, sumisikip ang daluyan ng dugo patungo sa utak. Kapag hindi
sapat ang dumadaloy na dugo, maaari itong makadulot ng stroke. Ito ay mapanganib kahit
na walang kasaysayan ng stroke ang nang-aabuso. Maaari rin itong magdulot ng
matinding sakit ng ulo, seizure at pagkabalisa. Ang nang-aabuso ay maaari rin maging
torete at paranoyd. Minsan ay nakararanas din sila ng hallucination.
Sistemang panunaw - Kapag sumisikip ang daluyan ng dugo papunta sa tiyan, ito ay
maaaring makaresulta sa ulcer at pagbutas-butas ng tiyan at bituka.
Adiksyon:
Kapag madalas ang pag-abuso sa cocaine, ito ay maaaring maging adiksyon. Ang mga
nalululong sa cocaine ay nangangayayat dahil sa kawalan ng gana kumain, pagdurugo ng ilong,
pamamaos, kawalan ng pang-amoy at problema sa paglunok. Maaari rin silang mahawaan ng
HIV, hepatitis at iba pang sakit na nakakahawa, lalo na ang mga sakit sa dugo.
Ang pagtigil sa paggamit ng cocaine, kung ang isa ay may adiksyon na, ay nakakadulot
ng withdrawal. Ang sintomas ng dumadaan sa withdrawal ay ang mga sumusunod:
pagkabalisa, pagkahapo, pagkamanhid, labis na pananabik sa cocaine, panginginig, at iba't
ibang pananakit ng katawan.
HEROIN