Professional Documents
Culture Documents
Ang Huli
Ang Huli
Ang Huli
(Salin ng unang dalawang talata ng The Catch ni Nadine Gordimer)
Dumadaan sa tapat nila tuwing umaga ang payat at matitipuno niyang
binti, habang silay nakahiga, walang ginagawa, sa matigas at makintab
na buhangin.
Masaya silang nakahilata roon, nagpapasalamat na dinala sila ng agos
palabas ng nakasasakal at nakakahilong siyudad, ngunit dahil sanay
silang magsabi ng oras ayon sa tugon ng kanilang sistema sa ibat ibang
tension sa lungsod iyakan ng mga bata sa katabing apartment, ugong
ng malalaking trak, kalampagan ng bisikleta sa umaga, agit-it ng mga
gulong sa kalsada, sagitsit ng mantika sa kawali, at sa mala-insektong
ugong ng sabay-sabay na pag-uusap, paglalakad, at pagkakamayaw ng
mga kumakain sa tanghali pakiramdam nilay parang hindi tumatakbo
ang oras sa payapang dalampasigang sa alon lamang nakikinig.
Gustuhin man nilang magsaya, dahil sa inip ay hinahanap-hanay ng
kanilang katawan ang mga nakasanayan. Kung kaya ang papalapit nang
papalapit na lapat ng mga yapak sa buhangin, ang paghingal dahil sa init
ng lalaking nakasuot ng pantalong kupas at nakatupi, ang pagdaan nito
sa kanilang may ulunan hanggang sa makalayo ito sa dalampasigan at
mabuo sa kanilang paningin ang pagdaraan ng mangingisdang Indian
na ito ay nakawilihan na nilang abangan.
Dahil sa kanyang pag-alis at pagdating nahahati-hati ang umaga sa
tatlong panahon; ang maaga at maikling oras bago siya dumaan, ang
oras na siyay dumadaan, at ang mahaba at mainit na katanghaliang
sumusunod kapat siyay nakaalis na. At makalipas ang ilang araw, bumati
na siya ng magandang umaga, at pagtingin nila sa kanyay napuna nilang
mahaba ang kanyang mukha at malapad ang kanyang makintab at
maitim na noon. Bumabalot sa kanyang anit ang kulot na kulot na buhok
na lalo pang binigyang-buhay ng matitingkad na uban.
Matangos ang kanyang ilong na may kurba ang ganitong ilong ay
nakakainggit na sa mga Indian lamang ipinagkaloob. Maiitim ang kanyang
mga mata, at hbahagyang namula sa tama ng araw. Maluwang ang
kanyang bibig at sa matipuno niyang pagngiti ay lumalabas ang ngipin
niyang walang sira at ulos-ulos, na bahagyang nakaungos tulad ng
ngiping panggagat ng ilang hayop.
Ngunit makikilala na nila siya sa kanyang mga binti, sa maitim at
magaspang niyang talampakan kung saan ang hinlalakiy may itim na
balahibo, sa matigas at mahabang lulod na ballot ng makintab na balat,
sa hila ng litid sa kanyang bukong-bkong sa paa, na katulad ng higit at
hapit ng lubid sa mga layag ng barko.