Kimm Thesis

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

KABANATA II

Katugunan Sa Mga Suliranin

Malaki talaga ang impluwensya ng mga makabagong teknolohiya at mga kagamitan sa


mga tao.
Marami itong magandang naidudulot sa atin tulad ng mas napapabilis nating mga gawain at
nakakadagdag sa ating kaalaman.
Ayon sa mga mag-aaral ng Calamba Doctors College na may kursong Bachelor of
Science in Accountancy na nasa ikalawang taon marami ding maidudulot na mganda ang
pagbabasa ng Wattpad. Ito ay nakakatulong upang mahasa ang pagbabasa, nakakadagdag ng
kaalaman at ang iba naman ay nagsabing nagsisilbi itong libangan o pampalipas oras. Ilan naman
sa masasamang epekto nito ay ang pagdudulot ng mababang marka dahil sa oras na inuukol sa
pagbabasa na dapat ay itinutuon sa pag-aaral. Ilan din ang nagsabi na ito ay nagdudulot ng
madalas na pagpupuyat at pagkawala ng gana sa pagkain at nagddududlot ng maagang pagkasira
at p-agkalabo ng mata.
Maraming bagay ang nagtutulak sa mga mag-aaral sa kolehiyo upang magbasa ng Wattpad
ilan dito ang consciousness, nakikisabay sa uso at sariling kagustuhan..

KABANATA III
LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

A. Lagom
Mataas ang bilang sa estadistika ng mga kabataan na gumagamit ngayon ng mga
makabagong teknolohiya. Ayon sa mga nakalap na impormasyon at detalye na nakalap malaki ang
epekto ng mga ito sa kanilang pag-aaral ng mga ito sa kanilang pag-aaral. Marami ang
naaapektuhan ang grado at ang iba ay natitigil na sa pag-aaral dahil sa pagkahilig sa mga gadgets.
Sa ganitong bpagkakkataon kailangan magtulungan ang mga magulang, guro, at ang
partisipasyon ng mga mag-aaral upang maagapan ang ganitong suliranin. Sa pag-aaral hindi
maiiwasan ang maraming masamang impluwensya. Kayat kinakailangan ng disip[lina upang
maiwasan ang mga ito.
Mahalaga ang gabay ng magulang at ng mga guro sa mga estudyante sa kolehiyo upang
maiwasan nila ang pagkahilig sa pagbabasa ng Wattpad.

B. Kongklusyon
Di masama ang paggamit ng mga makabagong teknolohiya basta ito ay gamitin lamang sa
tamang paraan. Kinakakailangan na alam ng mga tao, lalong lalo ang mga kabataan ang maganda
at masamang epekto ng mga ito. Kailangang may sapat na kontrol ang mga magulang sa
ginagawa ng kanilang mga anak. Kinakailangan din ng mga mag-aaral ng sapat na disiplina at
tamang patnubay upang maiiwasan ang pagkasira ng kanilang pag-aaral.

C. Rekomendasyon

Sa pagtatapos ng pananaliksik ito na noong una ay naglayon lamang na malaman ang


kalagayan ng mga mag-aaral na nag-aaral saCalamba Doctors College na nasa ikalawang taon na
may kursong Bachelor of Science in Accountancy ngayoy naglalayon naman itong matugunan
ang mga sumusunod na mungkahi:
Para sa mga mag-aaral:
Mas makabubuti sa mga mag-aaral ang iwasan muna ang mga bagay na masama ang
impluwensya habang sila ay nag-aaral. Kailangang pagtuunan nila ng pansin ang kanilang pagaaral at mag-pokus lamang sa iisang bagay. Kailangan ding magkaroon sila ng sapat na kaalaman
tungkol sa mga maaaring epekto ng mga ito hindi lang sa kasalukuyan kundi pati na rin sa
kanilang hinaharap.
Para sa bawat pamilya:
Kinakailangan ng matinding paggabay para sa mga kabataan. Kinakailangan din na meron
silang update sa pag-aaral na mga bata.

You might also like