Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang sanaysay ay isang piraso ng sulatin na kadalasang naglalaman ng punto de vista

(pananaw) ng may katha. Ang mga sanaysay ay maaaring magkaroon ng mga element ng
pagpuna, opinyon, impormasyon, obserbasyon, kuru-kuro, pang-araw-araw na
pangyayari, ala-ala ng nakaraan at pagmumuni-muni ng isang tao.
Kahulugan ng Sanaysay
Ipinakakahulugan na ang sanaysay ay isang komposisyon na prosa na may iisang diwa at
pananaw. Ito rin ay nangangahulugan ng isang sistematikong paraan upang maipaliwanag
ang isang bagay o pangyayari. Sa anut anuman, ang depenisyon ng sanaysay ay
nagangahulugan lamang na isang paraan upang maipahayag ang damdamin ng isang tao
sa kanyang mga mambabasa. Ito ay isang uri ng pakikipagkomunikasyon sa pamamagitan
ng lathalain na may layuning maihatid ang nais na maipabatid sa kapwa tao.
Sa ating bansa, bahagi ng ating edukasyon ang magkaroon ng pagtuturo ukol sa paggawa
ng mainam na sanaysay. Tinuturuan ang mga mag-aaral ng mabisang pakikipagtalastasan
sa pamamagitan ng paggawa ng pormal at di-pormal na sanaysay.
Mga Uri ng Sanaysay
Sulating Pormal o Maanyo
Mga sanaysay na nagbibigay ng impormasyon ukol sa isang tao, bagay, lugar, hayop o
pangyayari. Ito ay naglalaman ng mahahalagang kaisipan at nasa isang mabisang ayos ng
pagkakasunud-sunod upang lubos na maunawaan ng bumabasa. Ang mga pormal na
sanaysay at komposisyon sa Filipino ay nagtataglay ng pananaliksik at pinag-aralang
mabuti ng sumulat. Ang mga salitay umaakma sa piniling isyu at kadalasang may mga
terminong ginagamit na kaugnay ng tungkol sa asignaturang ginawan ng pananaliksik.
Sulating Di-pormal o Impormal
Ang mga sanaysay na impormal o sulating di-pormal ay karaniwang nagtataglay ng
opinyon, kuru-kuro at paglalarawan ng isang may akda. Ito ay maaaring nanggaling sa
kanyang obserbasyon sa kanyang kapaligirang ginagalawan, mga isyung sangkot ang
kanyang sarili o mga bagay na tungkol sa kanyang pagkatao. Karaniwan na ang
mgasanaysay na di pormal ay naglalaman ng nasasaloob at kaisipan tungkol sa ibat
ibang bagay at mga pangyayari na nakikita at nararanasan ng may akda.

You might also like