TULA: KAISAHAN NG KALAMNAN AT KAANYUAN ni Alejandro G.
Abadilla
ALEJANDRO G. ABADILLA (Marso 1906 Agosto 1969)
Makata, Sanaysayista at Kwentista. Kilala rin bilang Ama ng makabagong tulang tagalog. Kinikilala rin bilang Ama ng Modernismo sa Pilipinas, sa panitikang Filipino. Ang kanyang sagisag panulat ay AGA. Nagsulat siya para sa Liwayway hanggang 1933. Hindi niya nagustuhan ang mga nakasanayang pamamaraan ng pagtula. Nasabi niya ito: Walang makikitang pag-unlad. Marami pa ring mga palsipikadong balagtas, kahit sa balangkas o anyo. Nailimbag ang kanyang Ako ang Daigdig noong 1940. Nagkaroon ng pagaalinlangan sa kanyang mga tula dahil nagtataglay ang mga ito ng malayang taludturan na kaiba sa mga popular na anyo ng tugma at sukat.Higit ang bilang ng mga nagduda at hindi tumanggap sa paraan ng pagtula ni Abadilla. Kakaiba sa karaniwang pagsusulat ang estilong ipinakilala niya, at hindi ito pinanigan at tinangkilik ng maraming Pilipino. Nais ni Abadilla na maghanap ng bagong tinig na iba sa karaniwang retorika ng mga makatang tulad ni Balagtas. Umiwas siya sa mga paksang paulit-ulit nang ginagamit sa pagtutula. Gumamit siya ng malayang taludturan. MAPAGBUONG PAGWASAK Ang sanaysay na ito ni Alejandro G. Abadilla ay lumabas sa Liwayway noong ika8 ng Hulyo, 1944 bilang tugon sa kritisismo ni Iigo Ed Regalado sa makabagong tula na ipinaloob sa Ang malungkot na pagpatay sa tulang tagalog na inilathala noong ika24 ng Hunyo, 1944. Ipinaliwanag ni Abadilla na ang sukat at tugma ay hindi sarili ng tulang tagalog at ang mga pagsisikap na baguhin ang balangkas ay matatagpuan sa makabagong panulaan sa buong daigdig. Para sa kritiko, ang malayang taludturan ay makikita sa tulang tagalog at hindi dapat na ituring ang paggamit nito bilang pagwasak sa katutubong balangkas. Ang layunin ni Abadilla ay magkaroon ng kalayaan ang makata sa pagpili ng balangkas at paraan sa pagtula, winika niya: Ang makata sa kanyang sarili, ay nag-iisang batayan, nag-iisang balangkas at nag-iisang pamamaraan ng paglikha. At sa mga sandaling siyay nasa ilalim ng kapangyarihan ng damdaming ayaw magpatantan, ang makata, ang tunay na makata ay may ganap na kalayaan sa pagpili ng mga balangkas at pamamaraang naaangkop sa pagsasakatuparan ng lunggati sa pagpapahayag Hindi dapat lubusang pagpapasaan Ipinaliwanag sa sanaysay na ito ni Abadilla na ang pagbabagong hangad ay hindi isang pagwasak. Kung paano? Alamin natin.
MARK Y. GARCIA (FILIPINO 108)Page 1
Sa sanaysay na ito ni Abadilla, gumamit siya ng mga Imahen upang higit na
maipahayag ang kanyang damdamin, kaisipan at saloobin at upang higit na maunawaan ng mga mambabasa ang kanyang nais sabihin. Isa sa ilang katangiang nakatawag ng pansin kay Abadilla ay ang mahalagang pahayag ni Regalado na: Diumano, sa kanyang pakiwari (Regalado), ang puntahin ngayon ng itinuturing na makabago ay ibagsak at lansaging ganap ang katutubong balangkas ng tulang tagalog at palitan ng tulang Ingles na hatid at naiwan sa atin ng mga Amerikano. Ayon kay Abadilla, hindi totoo ang pahayag na ito ni Regalado dahil: Una, sapagkat ang sinasabing katutubong balangkas, sa bisa ng tugma at sukat, ay hindi sarili ng Tulang tagalog kundi lahat na ng panulaan sa daigdig. Ikalawa, sapagkat ang katutubong balangkas ng tulang tagalog sa bisa ng tugma at sukat, ay hindi kabuuan ng mga katutubong balangkas ng tulang tagalog. TANGGAPIN NAMAN natin, alang-alang man lamang sa usapan, na ang ginagawa ng mga makabago ay pagwawasak nga ng katutubong balangkas ng ating panulaan, at ang tinuturang pagwawasak ay isinasakatuparan sa pamamagitan ng pag-iwas sa tugma at sukat. Subalit nais ko namang sabihin sa inyo, na ang pagwawasak na ito ng mga makabago ay makabuluhan, kaya mapaglikha at sapagkat mapaglikha, kaya dakilang pagwawasak Ang balangkas, ang pamamaraan, o ang kaanyuan, kung baga sa tao, ay damit lamang ng tula. Ano kaya ang masama sa isang taong nagbabagong-bihis laang sa kanyang kapamuhayan? Ang pagbabagong-bihis ay kailangan: una, pagbagay marail sa sumisibol niyang kamalayan; at ikalawa, pagtatakot marahil mangamoy ang katawan na maaaring likhain ng basahan na niyang damit na nagpuputik na dumi. At ang damit, sa kaisipan ng isang taong umuunlad, kahit gaano kamahal o kaganda ay nawawalan ng bisa sa mata ng ibang nagmamalas kung iyon at iyon din ang nakikitang isinusuot araw-araw. Sa katotohanan ang mga makabago, ayon kay Abadilla, ay walang ginagawang katampalasanan sa sarili sa pagsusuot ng bagong damit. Ang ginagawa lamang ng mga makabago ay halinhan ang luma at marumi na, sa hangad na marahil na ito ay palabhan lamang at hindi upang wasakin o ilagay sa basurahan. Dagdag pa niya, ang isang tunay na mamamayan ng daigdig ay may katwirang huwag masiyahang mamahay sa luma at sira-sira na niyang kubo kung may kaya rin lamang siyang makapagpatayo ng naiiba at nababago. Ano ang masama kung pagkatapos maigiba ang giring-giring na niyang kubong pawid at kawayan ay makapagtayo siya ng isang bahayna kongkreto at maaliwas pang pamahayan? Sa kanyang pakiwari (Abadilla), ang balangkas o pamamaraan sa tula ay hindi mahalaga. Sa papatayin mang hayop, ang mahalaga ay ang kalamnan, at ito sa tula ay ang damdaming matulainyaong damdaming may hubog, may kulay at may tinig. Datapwat higit sa damdamin ay ang makata sa kanyang sarili, sa sarili niyang kakanyahan na iba kaysa lalong malapit niyang katulad.
MARK Y. GARCIA (FILIPINO 108)Page 2
Malaki kung gayon ang papel na ginagampanan ng makata sa pagbuo ng
damdamin at balangkas ng anyo. Tulad ng nabanggit sa bandang unahan, ang makata ay sentral ang gampanin sapagkat sa kanyang namumukod-tanging kakanyahan, batayan, balangkas at pamamaraan ng paglikha, bumubukal ang tunay na anyo ng isang makata. Ang makatang bukas ang kamalayan, maramdamin sa kanyang mundong ginagalawan at makapangyarihan sa pagpapahayag ng mga kaisipang kayang damhin ng lahat, subalit hindi kayang ipahayag ng pangkaraniwang tao. Sa pagniniig ng mga nabanggit, tiyak na matitigib ang laman at makukulayan ang anyo na magpapasilay sa tunay na kahulugan ng tula sa mundo ng panitikan. Ayon kay Abadilla Ang tugma at sukat ay hindi garantiya sa mabuting tula, at ang pagbakli-bakli ng mga taludtod ay hindi rin katibayan ng mabuting malayang taludturan. Ang tula ay tula sa harap ng anumang sukat ang ginagamit ng diumanoy makabago o makaluma. KONKLUSYON: Maaari nating sabihin na ang sanaysay na ito ni Abadilla ay hindi upang maglinaw na ang kanyang ginawa ay hindi pagwasak, kundi bilang depensa sa kanyang sarili at sa kanyang ginawang pagbabago/pagwasak sa katutubong balangkas ng tulang tagalog. Maaari rin nating sabihing mapagbuo ang pagwasak na ito, kung pagwasak ngang maituturing. Mapagbuo sapagkat ang hangaring pagbabago ay hindi upang burahin ang isang balangkas at anyo kundi pintahan ng bagong kulay at himig tungo sa isang malayang pagpapahayag. Nangangahulugan lamang ang sanaysay na ito ni Abadilla na nais niyang isulong ang malayang taludturan bilang bagong balangkas ng tulang tagalog.