Kay Pogi

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 41

Isang pagtalakay sa

mga sinaunang
kulturang Pilipino at
hambingin ito sa
makabagong panahon
(Marso 2015)

Andrew G. Flores
Castro
GE-BSCE

Prof. F.

III MGA LAYUNIN SA PAG-AARAL

Ang pakay ng pananaliksik na ito patungkol sa kaugaliang Pilipino ay


ang maimulat ang mga Pilipino sa mga maganda at hindi magandang ugali
na ating namana sa ating mga ninuno. Karamihan sa mga kaugalian ng
Pilipino ay ang mga magaganda, ngunit ang mga hindi kagandahang
kaugaliang ating nakasanayan ay pilit nasisira ang mga magagandang
kaugalian.

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang maipabatid sa mga Pilipino


kung gaano kahalaga ang isang kaugaliang nakasanayan. Sa bawat
baitang ng ating buhay, may mga ugali na naituturo sa atin mula pa sa mga
ninuno ng mga mas nakatatanda sa atin. Naituturo na sa ating kung gaano
gumalang ng tao, mapagmahal, matulungin, at iba pa.

Ang pangalawang layunin ng paksain na ito ay ang maimulat


ang mga Pilipino sa mga maaaring kalabasan ng kanilang mga ginagawa
sa tuwina. Sa tuwina na sinasabing ito ay ang mga ugaling ipinapamalas

natin sa mga nakakasalamuha natin sa buhay, na nakikita nila sa arawaraw.

Ang maipabatid sa mga tao ng ating bansa na ang kaugaliang


Pilipino ay hindi bina-bale wala, at itoy pinapahalagahan natin pamula sa
ating mga ninuno. Ilalantad ng pananaliksik na ito ang mga kaugalian ng
Pilipino na igaganda ng kanilang ikinikilos, ang mga kaugalian ng Pilipino
na ikasisira ng kanillang ikikilos. Sa pananaliksik na ito makikita ang mga
ugali ng Pilipino na maaaring mabago sa kung ano mang magiging takbo
ng panahon.

VI- Konklusyon
Nakita na ng mananaliksik ang kanyang mga datos at mga
interpretasyon nito, at siyay humantong sa pagkakaroon ng konklusiyon.

A.

Sa aking pagsasaliksik natuklasan ko na ang kulturang Pilipino ay

galing sa mga mananakop at manlalayag na pumunta sa Pilipinas at itoy


kinupkop ng mga unang Pilipino.

B. Ang pagiging sibilisado (civilized) ng isang tao ay nakaka-apekto sa


pag-uugali na kanyang nakasanayan. Ito ay maaaring mabago sa
pamamagitan ng kanyang lugar na ginagalawan.

C. Ang kaugaliang Pilipino ay tinuturing pa rin na isang parte ng ating


kulturang Pilipino. Noong kabataan natiy tinuturo na sa atin kung paano
gawin at kung ano ang ibig pakahulugan ng mga kaugaliang Pilipino. Sa
HeKaSi (Heograpiya, Kasaysayan, at Sibika) at inilathala ng mga awtor
kung ano ang mayroon sa bansang Pilipinas kultura, kaugalian, at iba pa.

D. Ang mga dayuhan na pumupunta sa bansang Pilipinas ay humahanga


sa Kulturang Pilipino. Sa kadahilanang hindi nila ito nararanasan sa
kanilang bansa

E. Hindi parin naman talaga nawawala ang kulturang Pilipino na minana sa


mga ninuno. Kadalasan lang itoy hindi na nakikita dahil sa modernisasyon
o kaya nababago na ng bagong panahon.

I. PANIMULA
Anu-ano nga ba ang mga kultura at tradisyong Pilipino at paano ito
na iuugnay sa pang kasalukuyang pamumuhay ng mga Pilipino ?
Ito ang mga paniniwala o opiyon na naisalin mula sa ating mga
ninuno at mga pinag mulan. Tayong mga Pilipino ay sadyang mahilig
sumunod sa mga nakagawian ng mga tradisyon, kadalasan ito ay mga
pangyayari , pamahiin at mga kaugalian .
Tayong mga Pilipino ay kilala sa ating likas na pagiging masayahin at
matatag sa kabila ng mga unos at trahedya na ating napag daanan . Ang
ating katatatagan ay maka ilang ulit at patuloy nating pinamamalas. Marahil
nadin sa ating mga naka ugaliang mga kultura at tradisyon .
Isa sa mga tradisyon na nag papakita ng ating pagiging masayahin at
malikhain ay ang pag diriwang ng samut saring pag diriwang ang FIESTA
, ipinakikita din nito ang ating pag kahilig sa mga kasiyahan isa din itong
paraan ng pag papasalamat sa isang masaganang pag ani .
Ang kultura o kalinangan sa

pangkalahatan

ay

tumutukoy

sa

aktibidad ng sangkatauhan. Sa isang payak na kahulugan, ito ang


"kaparaanan ng mga tao sa buhay", ibig sabihin ang paraan kung paano
gawin ang mga bagay-bagay. Iba't iba ang kahulugan ng kultura na

sumasalamin sa iba't ibang mga teoriya sa kaunawaan, o sukatan sa


pagpapahalaga, sa aktibidad ng sangkatauhan. Sa iba, ito ang kuro o
opinyon

ng

buong lipunan,

na

maaaring

makita

sa

kanilang

mga salita, aklat at mga sinulat, relihiyon,musika, pananamit, pagluluto, at


iba pa.
Ang kultura ng Pilipinas o kalinangan ng Pilipinas ay pinaghalong
impluwensiya ng mga katutubong tradisyon at mga kultura ng mga unang
mangangalakal

at

mananakop

nito

noon.

Ang

pananakop

ng

mga Kastila sa Pilipinas, sa pamamahala ng Mehiko, na tumagal ng


mahigit 333 taon, ay may malaking kontribusyon sa Kultura ng Pilipinas.
Ang Wikang Pilipino, na mas kadalasang kilala bilang Tagalog, ay
maraming

hiniram

na

salita

galing

Kastila.

Karamihan

sa

mga

pinagdiriwang na mga tradisyon ay magkahalong Kristiyano, Pagano, at iba


pang lokal na seremonya. Bilang halimbawa, bawat taon, ang mga bayan
sa buong bansa, ay nagsasagawa ng malalaking Pista, nagpapaalala sa
mga Santong Patron ng mga bayan, barangay, o ng mga distrito. Ang mga
Pista ay kadalasang may patimpalak sa katutubong pagsayaw, at sa ibang
lugar ay mayroon pang sabungan. Ang mga ganitong tradisyon ay
ginaganap din sa mga bansang nasakop ng mga Kastila. Sa katimugang

bahagi ng bansa na karamihan ay mananalig Islam ay nagdiriwang din ng


kanilang mga tradisyon at nakagawian.

Bago pa man dumating ang mga unang mananakop, ang mga


mangangalakal
may

malaking

galing

sa India, Malaysia, Indonesia, Tsina at Hapon ay

kontribusyon

din

sa

Kultura

ng

Pilipinas.

Ang Hinduismo at Budismo ay may impluwensiya sa mga katutubong


paniniwala ng mga Pilipino bago dumating ang mga Kastila at ang mga
mangangalakal

naMuslim.

Ang

wikang Tagalog at

iba

pang

wika

sa Pilipinas ay maraming hiniram sa wikang Sanskrito. Isang mabuting


halimbawa ang karma, na hanggang ngayon ay pinaniniwalaan pa rin ng
mga Pilipino. Marami sa mga pamahiin, hiniram na salita at pagkain, tulad
ng pansit, siopao at iba pa ay minana sa mga mangangalakal na Instik.
Ang ibig sabihin ng kultura ay ang paraan ng pamumuhay ng mga tao
nagpapakita ng kaugalian, tradisyon, mga sining, sistema ng edukasyon,
musika at pamahalaan.

VIII- Bibliography
http://tl.wikipedia.org/wiki/Kultura_ng_Pilipinas
http://ang-kulturang-pilipino.blogspot.com/
http://www.phillispage.de/culture_and_tradition.htm
http://lyssacalilanpascal.weebly.com/kultura.html
http://www.balita.net.ph/2012/01/11/kultura-yaman-ng-mga-pilipino/
http://definitelyfilipino.com/blog/2011/08/28/noon-at-ngayon/
http://bloggyblogbloggers.wordpress.com/2014/07/20/pagkakaiba-ngkultura-noon-at-ngayon/

https://angbagongfilipino.files.wordpress.com/2010/10/ang-bagongfilipino-numero-6.pdf

II-PAGLALAHAD NG MGA SULIRANIN

Ang pag-aaral na ito ay naglalayon na malaman ang kultura ng


Pilipinas.
Ang mananaliksik ay naglahad ng ilang katanungan para sa
ikalalawak ng kanyang pag-aaral

1. Ano ang kahulugan ng kultura ng Pilipinas?


2. Bakit mahalgang panatilihin ang kulturang Pilipino?
3. Ibigay ang mga tao, bagay at pangyayaring nakaimpluwensya sa
kulturang Pilipino?
4. Ano ang kulturang Pinoy noon at ngayon?
5. Anu-ano ang mga programang nakakatulong sa pagpapanatili
ng kulturang Pilipino?

IV-METODOLOHIYA

Ang mananaliksik ay gumamit ng deskriptibong pamamaraan ng pagaaral upang mailahad ang mga suliranin ng pag-aaral tungkol sa paksang
Kultura ng Pilipinas. At gumamit rin ang mananaliksik ng tinatawag na
internet, magasin at iba pang klase ng mga teksto. Kinailangan rin niya
mag-tanong sa kanyang mga mag-aaral upang mas malinawan ang
kanyang pag-aaral.

IV- INTERPRETASYON AT

REPRESENTASYON NG MGA DATOS

Its more fun in the Philippines ang tema ng bansang Pilipinas


sa ngayon na naglalayong ipakilala ang kultura ng Pilipinas sa ibat
ibang bansa.

Ang kultura o kalinangan sa pangkalahatan ay tumutukoy sa


aktibidad ng sangkatauhan. Ibat iba ang kahulugan ng kultura na
sumasalamin sa ibat ibang mga mga teoriya, o sukatan sa
pagpapahalaga, sa aktibidad ng sangkatauhan.
Malawak ang kahulugan ng terminong kultura. Ayon sa Roshan
Cultural Heritage Institute, ang kultura ay binubuo ng mga katangiang
nagbubukod sa tao at sa hayop, gaya ng sumusunod: wika, sining at
siyensiya, pag-iisip, at mga aktibidad na panlipunan.
Sa anumang kahulugan, hindi maitatatwang mayaman ang kultura ng
Pilipinas hindi lamang dahil sa ibat ibang pinagmulan ng ating lahi
kundi dahil sa mahabang kasaysayan ng pakikipag-ugnay sa mga
mamamayan ng ibang bansa

Bakit nga ba mahalagang panatilihin ang kulturang Pilipino?


Isang katanungan na kailangang masagot para sa mga susunod na
henerasyon. Kailangan natin mapanatili ang kulturang Pilipino na dati
narin nating minana sa ating mga ninuno. Bukod sa mahalaga ito
kailangan natin mapreserba ang kulturang Pilipino dahil ditto tayo

nakilala ng mga dayuhang nagpunta sa Pilipinas. Ang pinaka


nakilalang kultura ng mga Pilipino ay ang pagiging hospitabol sa mga
estranghero, pakikipagbayanihan at ang hindi pagsuko kahit na
anong trahedya ang dumating. Kailangan ito malaman ng mga
susunod na henerasyon para ma angkop ang kulturang dati ng
minana at pinagsalin-salin. Para sa mga susunod na kabataan ay mas
makikilala ang mga Pinoy sa kanilang Kultura.

Bawat

bansa

ay

may

kani-kanilang

pinaniniwalaan

nakagawiang gawain na ipinamana ng kani-kanilang mga ninuno. Ang


Pilipinas ay tinaguriang mayaman sa ibat ibang larangan sa kultura at
isa sa mga bansang kinikilala ang kulturang nagmula sa ating mga
ninuno . Naimpluwensyahan tayo ng ating mga ninuno kaya itoy
ating ginagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Bago pa man dumating ang mga dayuhang mananakop sa bansa


ay nauna munang makarating dito ang mga mangangalakal mula sa
India, Malaysia, Indonesia, Tsina at Hapon. Naimpluwesyahan na rin
ng Hinduismo a Budismo ang mga katutubong mga paniniwala ng
mga Pilipino bago pa man dumating ang mga Kastila at ang mga

mangangalakal na Muslim. Isang magandang halimbawa nito ay


ang karma na magpasahanggang ngayon ay pinaniniwalaan pa rin ng
mga Pilipino. Ang pagdating naman ng mga mananakop na Kastila at
pananatili nila sa bansa sa mahigit tatlong daang taon ay nagbigay ng
malaking kontribusyon sa kultura ng mga Pilipino, gaya na lamang ng
wikang Filipino na maraming hiniram mula sa salitang Kastila, ang
Kristyanismo, at marami pang iba. Bukod sa mga Kastila ay dumating
din sa bansa ang mga mananakop na Amerikano at Hapon. Ang
kultura ay ang paraan ng pamumuhay ng mga tao na naninirahan sa
isang lipunan na nagpapakita ng kaugalian, tradisyon, mga sining,
sistema ng edukasyon, musika at pamahalaan.

Napakalaki ng naging kontribusyon ng mga kastila sa kultura ng


mga Pilipino isa narito ang relihiyon. Ang kristiyanismo ang isa sa
pangunahing dahilan ng mga mananakop na kastila. Dahil sa mga
kastila ay naging kristiyanong bansa ang Pilipinas. Mahigit 80% ng
mga Pilipino ay kristiyano. Marami tayong mga kaugalian, tradisyon at
gawain na namana naten sa pagiging kristiyano ng mga kastila. Ang
mga halimbawa ng mga namana naten sa kastlia sa pagiging
kristiyano nila ay pagdalo sa banal na misa, pagtanggap ng

komunyon, pangungumpisal ng kasalanan sa pari, pagpapabinyag


bilang kristiyano at pagpapakasal sa simbahan.

Pista Isa rin ito sa kontribusyon ng mga mananakop na kastila


sa kultura ng Pilipinas. Ipinakilala ng mga mananakop na Espanyol
ang pagdarasal sa mga santo bilang patron. Naniniwala ang mga
Pilipino na matutulungan tayo ng mga santo sa ating mga kahilingan.
Nagdaraos tayo ng mga pista taon-taon para ipagdiwang ang mga
patron halimbawa nalang rito ang Pista ng Pahiyas. Ang Pahiyas ay
ginaganap sa Lucban, Quezon tuwing Mayo bilang pasasalamat kay
San Isidro para sa masaganang ani. Naglalagay ang mga tao ng mga
palamuting bulaklak at gulay sa mga tahanan at may roon ring mga
kainan.

Sistema

ng

edukasyon

isa

pang

kontribusyon

ng

mga

mananakop na espanyol sa kultura ng Pilipinas. Dahil sa utos ng hari


ng espanya na palaganapin ang kristiyanismo, nagbukas ng paaralan
ang mga pari sa bansa. Nagtayo sila ng mga paaralang pamparokya o
mga paaralang malapit sa simbahan. Sa paaralan itinuro ang mga
dasal at iba pang aral tungkol sa Diyos at pagiging kristiyano.

Nagtayo rin ng mga colegio ang mga pari gaya ng Colegio de Sto.
Tomas na ngayon ay kilala rin sa tawag na Unibersidad ng Sto.
Tomas. Ito ang pinakamatandang unibersidad sa Asya.

Arkitektura Malaki ang pagbabago sa istilo ng mga tahanan at


gusali sa Pilipinas noong panahon ng kastila. Naging yari sa bato at
matitigas na kahoy gaya ng narra at molave ang mga tahanan. Ilan sa
mga halimbawa ng mga istrakturang ginawa ng mga kastila ay ang
Fort Santiago at Manila Cathedral

Ang ambag naman ng mga tsino sa ating kultura ay kalimitan


tungkol

sa

mga

pamahiin.

Halimbawa,

sa

pagbubuntis

at

panganganak kailangan iwasan ng mga nagbubuntis na tumingin o


saktan ang mga bagay o hayop na may di kaaya ayang itsura
sapagkat maaring makuha ng kanyang pinagbubuntis ang di kaayaayang itsura. Iwasan ang pagpapagawa ng bahay o ano mang bahagi
nito sapagkat maaaring malaglag o maagas ang dinadala. Huwag
dumalo sa lamay o libing. Ang batang may malapad o mahabang
tenga ay may mahabang buhay.

Feng Shui sa paggawa ng hagdanan, tiyaking ang dami ng


hagdan ay papatak sa even number. Huwag pagtapatin ang dalawang
pintuan ng dalawang silid. Huwag hahayaang magkaroon ng isang
tuloy-tuloy na silid upang hindi lumabas ang swerte. Huwag
magtatayo ng bahay na nakatapat sag awing hilaga. Ang paghahain
ng

mahabang

pagkain

gaya

ng

pansit

sa

kaarawan

ay

nangangahulugan ng mahaba at masaganang buhay para sa may


kaarawan.

Sa pag-aasawa at pagpapakasal, mahigpit na ipinagbabawal ng


paniniwalang tsino sa isukat ang traje de boda ng ikakasal sa
bisperas ng kasal nito, at kung malabag ay maaring magdulot ng di
pag kakatuloy ng kasalan kinabukasan. Pinaniniwalaang swerte ang
pagreregalo ng arinola sa ikakasal. Kailangang iwasan ng dalawang
ang maglakbay ng malayong lugar lalo na kapag papalapit na ang
kanilang pag-iisang dibdib. Sa kalagitnaan ng seremonyas ng kasal,
ang kandilang nakatayo sa magkabilang gilid ang biglang namatay
ang ningay ay ang unang mamamatay sa kanila. Suwerte ang hatid ng
mabining pag-ulan sa araw ng kasal ang sinasabing nagdadala ng

kasaganahan at kaligayahan sa bagong mag-asawa. Gayun ang hatid


na suwerte sa pagsasaboy ng bigas sa bagong kasal.

Sa paglilibing, sa paglalamay, ang salamin sa loob ng tahanan,


lalo na yung malapit sa kabaong ay kailangang alisin o takpan ng tela.
Ang sino mang mapatingin sa salamin at makita ang repleksyon ng ay
pinaniniwalaang ay inaasahang may darating na kasawian sa pamilya.
Matapos bumisita sa lamay, huwag agad dumiretso ng uwi sa
tahanan. Maglibot-libot muna nang sa gayon ay hindi maisama sa
tahanan ang kaluluwa ng yumao. Ang katawan ng yumao ay hindi
sinusuotan ng kulay pula na damit sa paniniwalang ang kaluluwa
nitoy hindi matatahimik at magiging isang pagala-galang multo. Isang
saklaan o sugalan ang isinasagawa sa labas para sa namatay. Ito ay
upang pangalagaan at bantayan ang bangkay na pinaglalamayan.

IMPLUWENSYA NG MGA AMERIKANO SA PILIPINAS Malaki ang


naging impluwensya ng mga Amerikano sa kultura at sining ng mga
Pilipino.WIKANG ENGLISH.. Sapilitan ang pag-aaral ng wikang ito. Ito
ang ginamit na wikang panturo sa lahat ng mga paaralan. Ang dating

mga pangalang Espanyol tulad ng Pedro, Juan, Maria, Tomas, Jose at


iba pa ay naging Peter, John, Mary, Tom, Joe at iba pa. Maging ang
mga paraan ng pagbati at katawagan ay naging English tulad ng Hello
at Bless po. Ang Inang ay naging Mommy at ang Amang ay naging
Daddy.

PANITIKAN. Sumilang ang isang bagong anyo ng panitikan na


nasusulat sa wikang English kahit pa nga naglalahad ng mga
saloobin at adhikaing Pilipino. Ang unang makatang Pilipino sa
wikang English na tumanyag ay si Fernando Maramag. Ang unang
nobelang English ay isinulat ni Zoilo M. Galang noong 1921. Ang una
namang sumikat na mamamahayag sa English ay si Carlos P. Romulo

TEATRO. Pinalitan ng zarzuela ang moro-moro ng mga


Espanyol. Si Severino Reyes, may-akda ng walang kamatayang
Walang

Sugat,

ang

pangunahing

manunulat

ng

mga

dulang

pantanghalan. Ang panahon mula 1905-1930 ang ginintuang panahon


ng zarzuelang Pilipino. Ngunit nang mauso ang pelikula mula sa
Hollywood, unti-unting namatay ang zarzuela at nahilig ang mga tao
sa panonood ng pelikulang English

SINING.
Umunlad

din ang sining

ng arkitektura,

iskultura

at

pagpipinta. Sikat na mga arkitekto noon sina Juan F. Nakpil, Andres


Luna de San Pedro, M. Arellano at Pablo S. Antonio. Sa larangan ng
pagpipinta, natanyag si Fabian dela Rosa, pinakadakilang pintor ng
panahon ng Amerikano, gayundin sina Fernando Amorsolo, Emilio
Alvero at Victor C. Edades.

ISKULUTURA

ARKITEKTURA

PAGPIPINTA

PANANAMIT AT PAGKAIN. Ang mga kalalakihan ay natutong


magsuot ng mga pantalong may sinturon at suspender, kurbata at
polo shirt.Ang mga kababaihan ay natutong magsuot ng maiikling
damit, palda at blusa, sapatos na may mataas na takong at manipis na
medyas. Natuto rin silang maglagay ng make up. Natuto ang mga
Pilipino na kumain ng sandwich, hamburger, hotdog, bacon, oatmeal,
beef steak, ice cream, hamon at keso. Natuto silang gumamit ng
mayonnaise at tomato catsup bilang panangkap sa mga pagkain.

Isa pang naka impluwensya sa kulturang Pilipino ay ang mga


hindu. Katulad ng mga Tsino sila rin ang ay nag ambag sa ating
kultura tungkol sa mga paniniwala ang kaibahan lang itoy tungkol sa
kalikasan. Tulad ng maraming masama at mabuting espirito sa ating

kapaligiran. Ang kaugalian na tulad ng paggamit ng belo at kurdon


sakasal. Pagsasabit ng kuwintas na bulaklak at pag-bibigay ng dowry
o bigay-kaya sa ikakasal.

Iba pang impluwensya ng mga hindu. Sa larangan ng panitikan,


ang mitolohiya, pabula, epiko ng sinaunang Pilipino ay may
pagkakahawig sa panitikang hindu. Ang industriya sa paggawa ng
sasakyang dagat. Paggamit ng metal at paghahabi ng bulaklak ay
itinuro rin ng mga Indian sa atin. Mula rin sa India ang ilang bulaklak
tulad ng sampaguita na ating pambansang bulaklak ngayon at
tsampaka, gulay tulad ng ampalaya, patola at malunggay at prutas
tulad ng langka at mangga.

Malayo na ang narating ng tao sa lahat ng larangan at aspekto.


Ang teknolohiya, siyensiya, moda, pelikula, medisina at iba pa ay
malayong-malayo na

kumpara

sa

ngayon.

Ganundin

ang

pananampalataya, kaugalian, paniniwala, kasabihan at iba pang


lumang nakagawian nang mga tao ay iba na rin sa kasalukuyan. Kung
hindi man ito tuluyang nabago ng modernong panahon karamihan

naman ay lubusang nag-iba siguroy nakatakda talaga ito dahil ang


tao noon at ngayon ay malaki ang pagkakaiba

Kulturang Pinoy, ito daw ang mga nakasanayan na nating Pinoy


na gawin.
Malaki na nga ang pinagkaiba noon at ngayon lalo na sa
kultura. Gaya ng wika, ang kulturang Pinoy ay dinamiko, nagbabago.

(1) Panliligaw ng lalaki sa babae. Noon, ang mga lalaki ay


nagsisilbi sa magulangng babae; nandiyan ang pagsisibak ng kahoy,
pag-iigib ng tubig o samakatuwid, pagpapaalila sa magulang ng
babae. Kasama pa diyan ang panghaharana ni lalaki kay babae.
Mahaba din ang panahon ng panliligaw at malas si lalaki kung hindi
siya sagutin ni babae. Ngayon, hindi na kailangan dumaan kay nanay
o kay tatay, kahit walang basbas nila ay maaari ng manligaw.
Nandiyan na kasi ang text, facebook, chat, at love match sa
mga radyo. Meron namang ilan na nakikilala lang sa pagdiriwang,
maya-maya ay magsyota na (magkasintahan). Ika nga ng matatanda,
noon, dadaan ka sa butas ng karayom bago ka sagutin ng babae.
Ngayon, para nalang itong isang laro, madaling umpisahan at
tapusin.

(2) Kasal. Noon, may sayawan pa sa gabi bago ang kasal, may
bigayan pa ng pera ang mga ninong at ninang pagkakatapos ng kasal,
hindi maaaring magsama ang lalaki at babae bago ang kasal o kahit
magkita ay bawal, at higit sa lahat, ang mga ito ay ikinakasal sa
simbahan. Ngayon, ikakasal ang magkasintahan kahit hindi pa nila
gusto kundi dahil buntis na ang babae. Maaari na rin kahit hindi sila
sa simbahan ikasal. Nauso din noon ang fix marriage o ikakasal ang
hindi magkakilalang Eva at Adan dahil sa kagustuhan ng kanilang
angkan. Ngayon ay bihira nalang ang gumagawa ng ganyan. Ika nga
ng matatanda, ang pag-aasawa ay hindi parang isang mainit na kanin
na kapag isinubot napaso ay iluluwa, matutong magtiis kahit
napapaso ang dila.

(3) Po at Opo. Noon, kapag tinawag ka ni nanay o noi tatay at


sumagot ka ng walang po o opo, siguradong dudugo ang bibig mo
dahil sa sampal. Kailangan din ang po at opo kapag sumagot ka sa
nakatatanda sayo. Ngayon, kapag tinawag ka ni nanay o ni tatay kahit
hindi ka sumagot ng po o opo ay ayos lang. ika nga ng matatanda,
iba na talaga ngayon ang kabataan kaysa noon, mga BASTOS na.

(4) Kasuotan ng kababaihan. Noon, ang sinusuot lamang nila ay


mga damit na mahahaba ang manggas, palda na mahaba, at abaka.
Ngayon, ang makikita mong suot nila ay sando o sleeveless,
short na maiksi, at mga matataas na takong o sandals na
makulay, pula, itim, dilaw atbp. Ika nga ng matatanda, ang mga
kababaihan ngayon ay wala ng tinatago. (5) Pagkain. Noon, sapat na
sa mga Pinoy ang kamote, saging na saba, gulay o anumang tanim na
galing sa bakuran basta sabay-sabay kumakain ang pamilya. Ngayon,
ang kinakain na ay pasta, matatamis na pagkain, karne atbp. Kahit
hindi na rin kumain ng sabay-sabay dahil ang iba ay sa mga fast
food na kumakain. Ika nga ng matatanda hindi masaya ang mga
Pinoy noon kung walang mga gulay. Ngayon, ayos lang sa mga Pinoy
kung may gulay man o wala.

Sa ngayon ang mga kulturang Pilipino ay nakadepende sa


modernisasyon ng panahon. Kaya mas kailangan natin palalahan ang
mga Pilipino na muling ibalika ang nakasanayan at ang kinalakihan.

Ang Pambansang Komisyon sa Kultura at Mga Sining [National


Commission for Culture and the Arts] ay nalikha noong 1987 sa bisa
ng Kautusang Tagapagpaganap Bilang 118 ni Pangulong Corazon C.
Aquino. Naging ganap na batas noong 1992 ang kautusan ng
pangulo, nang pagtibayin ng kongreso at lagdaan niya ang Batas
Republika 7356. Sinulat nina Senador Edgardo Angara, Heherson
Alvarez,Leticia Ramos Shahani, at Kinatawan Carlos Padilla ang
orihinal na panukalang batas.

Kabilang sa kapangyarihan ng pambansang komisyon ang


sumusunod. Una, bumalangkas ng patakaran para sa pagpapaunlad
ng kultura at sining. Ikalawa, makipag-ugnayan at magpatupad ng
mga patakaran at programa ng mga kabalikat na ahensiya sa
pagpapaunlad ng kultura at
Tagapagpaganap

Bilang

80.

sining, alinsunod
Ikatlo,

sa Kautusang

mangasiwa

ng National

Endowment Fund for Culture and the Arts. Ikaapat, hikayatin ang

artistikong paglikha sa lilim ng kalayaang pansining. Ikalima,


paunlarin at itampok ang pambansang kultura at sining ng Pilipino. At
ikaanim, panatilihin ang pamanang pangkultura ng Pilipino.

May mga batas at mga komisyon ng bansang Pilipinas ang


nagtataguyod sa Kulturang Pilipino.
Narito ang mga halimbawa ng mga batas na itinaguyog:

1. Artikulo XIV, Seksyon 14 18 ng Konstitusyon ng 1987


pangunahing

batas

na

kumikilala

sa

kahalagahan

ng

pangangalaga at pagpapaunlad ng Kulturang Pilipino. Isinasaad


dito ang mga sumusunod:
Seksyon 14 Dapat itaguyod ng Estado ang pangangalaga,
pagpapayaman at dinamikong ebolusyon ng isang pambansang
kulturang Pilipino salig sa simulaing pagkakaisa sa pagkakaibaiba

sa

kapaligirang

malaya,

artistiko

at

intelektual

na

pagpapahayag. ALAMIN MO PAG-ARALAN MO2


Seksyon 15 - Dapat tangkilikin ng Estado ang mga sining at
panitikan. Dapat pangalagaan, itaguyod at ipalaganap ng Estado

ang pamamaraang historikal at kultural at ang mga likha at mga


kayamanang artistiko ng bansa.
Seksyon 16 - Ang lahat ng kayamanang artistiko at historiko ng
bansa at bumubuo sa kayamanang kultural nito ay dapat
pangalagaan

ng

Estado

na

maaaring

magreregula

sa

disposisyon nito.
Seksyon 17 - Dapat kilalanin, igalang at pangalagaan ng Estado
ang mga karapatan ng mga katutubong pamayanang kultural sa
pagpapanatili at pagpapayaman ng kanilang mga kultura, ang
tradisyon at mga institusyon. Dapat isaalang-alang ang mga
karapatang ito sa pagbabalangkas ng mga pambansang plano at
mga patakaran.
Seksyon 18 - (1) Dapat seguruhin ng Estado ang pantay na
pagtatamo ng mga pagkakataong kultural sa pamamagitan ng
sistemang pang-edukasyon, mga kultural na entity na publiko
o pribado, ang mga iskolarship, mga kaloob at iba pang mga
insentibo at mga pampamayanang sentrong kultural at iba
pangmadla. (2) Dapat pasiglahin at tangkilikin ng Estado ang
mga pananaliksik at mga pag-aaral tungkol sa mga sining at
kultura.

2. Batas Republika Blg. 4846 o ang Batas sa Pangangalaga at


Pagpapanatili ng mga Ari-ariang Pangkultura ipinagbabawal ng
batas

na

ito

ang

paghahanap

at

paghuhukay

sa

mga

makasaysayang pook upang makatuklas ng mga bagay na


pangkultura. Nangangailangan ng pahintulot ng kaukulang
ahensya ng pamahalaan at kailangang may mamamahalang
eksperto sakalit gawin ito
3. Batas Republika Blg. 284 - itinatakda ang Pambansang Museo
bilang taguan ng mga bagay at ari-ariang pangkultura.
4. Atas ng Pangulo Blg. 260 at 375 kumikilala sa ilang
makasaysayang pook at gusali bilang pambansang dambana at
bantayog.3 Itinakda ng mga batas na dapat pangalagaan at
ituring na banal ang mga pook tulad ng mga sumusunod:
1) Simbahang Katoliko sa Paoay at Bacarra sa Ilocos Norte
2) Simbahan ng San Agustin at Fort Santiago sa Intramuros,
Maynila
3) Mabini Shrine sa Nagtahan, Maynila
4) Fort Pilar sa Zamboanga
5) Rizal Shrine sa Lungsod ng Dapitan, Zamboanga del Norte
6) Aguinaldo Shrine sa Kawit, Cavite
7) Kiosko ng Krus ni Magellan sa Cebu Tiyak na
mapaparusahan ang sinumang mahuling nagsusulat o naninira
ng mga bagay rito.

TAONG
NILAGDAAN

BATAS

PROBISYON

Kautusang
Tagapagpaganap
39

Iniatas ang pangugnulekta ng mga


materyal, makasaysayan, at kultural
na relikya at pangangalap ng mga
Mayo 13, 1963
historikal at kultural na datos tungkol
sa mga baryo, bayan, lungsod at
lalawigan sa Pilipinas

Proclamation
Bilang 1001

Itinatag ang Gawad Pambansang


Alagad ng Sining sa mga natatanging
Abril 27, 1972
Pilipinong nakapag-ambag sa sining
at Panitikan ng Pilipinas.

Atas
1051

ng

Itinakda na mga sagradong lugar ang


Pangulo mga
pambansang
dambana
at
Enero 24, 1973
ipinagbabawal
ang
pagsira
o
pagdumi sa mga ito.

Itinakda ang pagbubuo ng isang


pambansang
komite
na
mangangasiwa
sa
edukasyong
Pebrero 1, 1991
pagpapahalaga sa pamamagitan ng
kultura, sining, media, at iba pang
pamamaraan.

Kautusang
Tagapagpaganap
208

Batas
7355

Itinadhana ang pagkilala sa mga


buhay na yaman ng bansa, o ang
Republika
mga Manlilikha ng Bayan gayundin Abril 3, 1992
ang pagtataguyod at paglinang ng
tradisyonal na katutubong sining.

Mga Programa
1. Isinasagawang pagbabago sa sistema ng edukasyon
pagtuturo sa mga paaralan ng wastong pagpapahalaga sa ating
pamanang kultura, kaugalian at tradisyon. Binibigyan din ng diin
ang paggalang sa watawat at nililinang ang damdaming
makabayan

Filipinismo.

Bahagi

rin

ng

kurikulum

ng

elementarya at sekundarya paglinang sa mga katutubong


musika, sayaw, sining at agham.
2.

Pagpapasigla

at

pagpapalawak

ng

mga

ahensyang

pangkultura sa bansa. Ang mga ito ang mangangasiwa sa mga


gawaing

pangkultura.

Pinangungunahan

ito

ng

Sentrong

Pangkultura ng Pilipinas o Cultural Center of the Philippines.


Itinatag ito upang lalong pasiglahin ang mga gawaing sining at
pangkultura. Sa CCP Complex sa Roxas Boulevard, Maynila
matatagpuan ang gusali nito. Ito ay nagsisilbing lugar ng mga
pangkulturang pagtatanghal tulad ng dula, sayaw at konsiyerto.
Pirmihang nagtatanghal dito ang Philharmonic Orchestra,
Philippine

Madrigal

Singers,

Philippine

Dance

Company,

Philippine Ballet Theater, Ramon Obusan Folkloric Group at


Tanghalang Pilipino. Ito rin ay nagsisilbi ring sentro ng pag-aaral
sa pamamagitan ng National Arts Center sa Makiling, Laguna
bukod sa pagiging tanghalan. Dito sinasanay ang mga batang
may natatanging kakayahan sa ibatibang larangan ng sining
tulad ng musika, sayaw, drama at pagpipinta. Bukod pa ito sa
pormal na pag-aaral sa mataas na paaralan. Ang pamahalaan ay
may apat (4) na ahensya na nangangasiwa sa pangangalap o

pagtitipon at pag-iingat ng mga bagay na may kaugnayan sa


kultura. Ang mga ito ay ang:
1) Pambansang Aklatan
2) National Historical Institute
3) Linangan ng mga Wika sa Pilipinas
4) Pambansang Museo
Ang Presidential Commission on Culture and Arts ay nilikha ng
pamahalaan sa Utos ng Panguluhan Blg. 118 noong Enero, 1997.
Nagsisilbi itong tagapag-ugnay ng mga gawain ng ibat ibang pangkat
pangkultura at pansining. Ang National Commission for Culture and
the arts ay nilikha sa bias ng Batas Republika Blg. 7356 noong ika-3
ng Abril, 1992. Ito ang inatasang mangasiwa sa mga gawain at
tungkulin ng ibat ibang uri ng mga ahensyang pang-kultura.

Ang apat na pangkat ng mga proyekto at gawain ng NCCA ay:


1) Pagtatanghal Kultura
2) Pagsasaliksik, dokumentasyon at paglalathala
3) Pag-aalaga at pagbabalik ng sa dating Kalagayan ng Kultura
4) Mga gantimpala at pagkilala Mula noong 1992, maraming
proyekto ang inilunsad ng NCCA na pinakinabangan ng
maraming tagapagtaguyod ng kultura. Karamihan sa kanila ay

mga

artista,

administrator.

manunulat,

pintor,

mananaliksik

at

cultural

Lahat ng Pilipino ay may maitutulong sa pag-aalaga at pag


pepreserba ng kulturang Pilipino. Ang kailangan lang

tayo ay

nagtutulong tulong na magampanan ang ating mga tungkulin at ituro


ang kulturang Pilipino sa bagong henerasyon ng mga kabataan.

Hindi naman masama ang modernisasyon para sa kulturang


Pilipino. Ang masama lang sa pagiging moderno ng mga Pilipino ay
nakakalimot sa kulturang minana natin at pinahalagahan ng ating mga
ninuno at ng mga magulang ng ating magulang.

Ang paglingon sa pinanggalingan ay labis na pinahahalagahan


sa kulturang Filipino. Hindi tayo maaaring lumimot, lalung-lalo na sa
mga nagawa at nakamit ng ating mga magigiting na ninuno. Hindi
kailanman tayo makakalimot lalo na kung ang galos ng nakaraan ay
siya pa ring kumikirot at sanhi ng hindi pag-unlad ng bayan. Sa ating
pagkilala at pagtanggap sa pinagmulan, pinatitibay din natin ang ating
pagkatao. Pinaalalahanan natin ang sarili na ang ating nakaraan ay
hindi naging madali, at ang siyang nagbibigay ng kabuluhan sa ating
kasalukuyan. Ngunit maaari rin kaya na ang kasalukuyan at ang
kaniyang patutunguhan ang siya namang magbigay ng kabuluhan sa

ating nakaraan? Maaari kaya tayong lumingon nang paharap,


matapos matuto sa nakaraan, at piliing sumulong sa halip na
magpabalikbalik
kasaysayan

sa

mga

ay napupuno

panahong
ng

nakalipas

ibatibang

na? Ang

Pilipinong

ating

pumili

sa

direksiyong ito. Mga kahanga-hangang Pilipinong nanguna sa


kanilang mga larangan at kapanahunan sapagkat ninais nilang abutin
ang mga pangako ng hinaharap. Walang takot, walang pag-aatubili, na
nangarap at kumilos upang tulungang maiangat ang kanilang kapwa
tao. Walang tigil silang nagmasid sa higit pang malayo upang mas
mainam na maihanda ang kasalukuyang landas patungo sa isang
maginhawang bukas. Ang mga PIONEERS, o ang mga nanguna, kung
sila ay tawagin, ang mga karapat-dapat na halimbawa sa patuloy
nating pagsulong, at siyang makapagbibigay ng kahulugan sa lahat
ng ating napagdaanan. Ang isyung ito ay isang pagkilala sa lahat ng
mga Pilipinong matapang na nauna at nangunguna sa pagtahak sa
hindi tiyak na hinaharap

Inuulit ko
Ang paglimot sa kultura ay paglimot sa sariling pagkatao

VII- REKOMENDASYON
Para sa mga kabataan na pag-asa ng bayan. Hindi masama
ang pag-unlad ng bahay na kinalakihan o ng bansang pinagbungahan.
Kung ang pag-unlad na may makabubuti, bakit hindi?. Ang masama lang
ay ang pag-unlad ng kinalilimutan ang sariling kultura na kinalakihan at
minana pa sa ating mga ninuno.

Inirerekomenda ko para sa mga magulang ng mga kabataang pagasa ng bayan ay ang palakihin sila gamit ang sariling kultura o kulturang
Pinoy dahil dito rin sila lumaki. Gamitin ang mga kaugaliang itinuro sa
kanila ng kanilang mga ninuno at magulang. At ipaalala na kailangan naten
gamitin ang sariling kultura para itoy maipamana pa sa mga susunod na
henerasyon ng mga kabataang mag papaunlad sa bansang Pilipinas.
Upang ang kulturang Pinoy ay hindi kailanman malimutan.

Para sa tulad kong kabataan na pag-asa ng bayan. Kailangan natin


ipag malaki ang kulturang Pinoy kung saang lupalop man ng mundo tayo
mapunta. Dahil bilang Pilipino, bukod sa mga magagandang tanawin ng
ating bansa na pwede nating ipagmalaki sa ibang karatig bansa ay maaari

rin nating ipag malaki ang kulturang Pinoy na isang mayamang kultura sa
kontinente ng Asya.

Para sa pamahalaan ng bansang Pilipinas at sa mga namumuno nito.


Sana ay madagdagan ang ahensya sa bansang Pilipinas na tumutulong
para paunlarin ang kulturang pinoy. At mag karoon pa ng mga batas para
sa kultura ng Pilipinas na kung saan mas mapapahalagahan ito at mas
mapapangalagaan. Kailangan rin ng gobyerno ng Pilipinas na bigyang
proteksyon ang mga taong nangagalaga s pamana n gating mga ninuno na
kultura na natin ngayon.

You might also like